Chapter Text
Thursday night. 4 months after the breakup.
Gaya ng mga nakalipas na araw, nakakulong na naman si Jaehyun sa kwarto niya at nakatulala sa kawalan habang nakahalukipkip. Walang kahit anong ingay na maririnig maliban na lang sa electric fan at mga busina ng mga sasakyan na dumadaan, pero ang isip niya? Maingay, magulo, walang tigil ang mga bagay sa pagpasok sa isip niya. Eto naman ang gusto niya, 'di ba? Ewan. Magiging masaya ba talaga pagkatapos niyang makipaghiwalay? Hindi niya alam. Ilang buwan na nga ba ang lumipas?
Apat.
Apat na buwan ang lumipas pero sariwa pa rin sa alaala niya yung gabing nakipagbreak siya at ang dahilan? Pagod na siya. Sa iba siguro hindi siya valid, mahal niya e so bakit siya napagod? Sabi nga din nila na picture perfect ang relasyon nila, kulang na lang ay kasalan kapag nakagraduate na. Walang rason para mapagod. Sa isip isip niya, tama sila, picture perfect nga dahil hindi naman nila ang alam ang istorya sa likod ng mga matatamis nilang ngiti sa isa't isa, ang mahigpit na mga yakap, at ng mga pasimpleng paghalik sa pisngi o labi.
Hindi nila naririnig ang mga masasakit na salitang natanggap ni Jaehyun mula sa taong minsan niyang minahal, hindi nila alam ang mga panloloko at pagpapaikot na ginawa nito sa kanya. Hindi nila alam ang mga oras na iniisip ni Jaehyun na baka siya nga yung problema, baka kasi wala siyang sapat na oras para sa boyfriend niya, na madrama talaga siya at mahilig maghinala, na wala siyang ibang ginawa kung hindi makipagbonding sa boyfriend niya, na kasalanan niya kung bakit nagloko ang boyfriend niya. Hindi nila alam ang pagtitiis na ginawa niya para lang hindi tuluyang masira ang relasyon nila. Walang ibang nakakaalam ng buong kwento sa likod ng relasyon nila, maliban na lang sa malalapit nilang kaibigan.
Apat na buwan na ang lumipas mula nung nakipaghiwalay si Jaehyun sa text – oo, sa text. Duwag na kung duwag pero hindi niya kinaya pang harapin ang ex-boyfriend niya baka kasi rumupok siya. Baka rumupok siya kapag sinabi nito ulit sa kanya na baka mapag-usapan pa nila, baka idaan ulit siya sa mga mabulaklak na salita at mga pangako na alam naman nilang pareho na hindi matutupad, at pagmamakaawa na 'wag siyang umalis. Pero hindi gaya ng nakasanayan nila, hinayaan na lamang nito si Jaehyun. Hindi na raw pala masaya si Jaehyun, ano pa nga bang magagawa niya?
Sad boy amputa.
Matapos ang hiwalayan ay parang nakahinga na si Jaehyun ng sariwang hangin, nakahinga siya ng maayos at wala na siyang ibang iisipin maliban sa sarili niya at dalawang pusa niya. Masaya? Masaya. Hindi naman 'yon idedeny ni Jaehyun dahil nakakaalis na siya na walang sagabal, wala nang magagalit kung gabihin man siya ng uwi kapag kasama ang mga kaibigan o kapag may nakausap siyang ibang lalake maliban sa mga kaibigan niya. Hindi na niya kailangan umiwas sa iba dahil baka isipin ng kasintahan niya ay nakikipaglandian siya dito, wala na rin siyang poproblemahin kung malowbat man ang cellphone niya. Hindi na niya kailangang pilitin ang sarili niya na kumilos at magbihis ng ayon sa gusto ng dati niyang kasintahan para lamang hindi ito magalit. Makakabalik na siya sa pagtugtog kasama ng banda dahil lahat ng oras ay para na lamang sa sarili niya.
Masaya? Masaya.
Pero hindi sa lahat ng oras.
For Jaehyun to be truly happy, they said he needed to heal. He needed to let himself feel the pain, to let himself cry his heart out, give himself time to heal from the experiences he had in the relationship, and then move on. Forget about the guy who hurt him. It's that easy, it sounded easy, it made Jaehyun feel like he could do it in a month or two. But he was wrong.
Apat. Apat na buwan pero eto siya at nakakulong sa kwarto, lumalabas lang kapag kakain at papasok sa university, at magpapakain ng mga pusa. Nakakalat sa sahig, sa kama, lamesa ang mga damit at iba niyang gamit, hindi na niya maalala kung kailan niya huling inayos at nilinis ang kwarto niya. Bumabangon na lamang siya para maligo at tapusin ang mga requirements niya tapos matutulog. Napapalabas lang din naman siya kapag nagyayaya ang mga kaibigan niya, pero dahil hindi tugma ang mga schedules nila ay bihira na rin ito. Wala naman siyang rason para magyaya gumala kasama ang mga blockmates niya, o baka wala lang talaga siyang energy makipagsocialize dahil pagod siya – pagod sa pag iyak, sa pag-iisip kung saan siya nagkulang, pagod isipin kung bakit parang hindi siya naging sapat, pagod siya sa kakasisi sa sarili niya na kasalanan naman niya kung bakit siya madaling bitawan. Pagod na siya dahil parang hindi na niya kilala ang sarili niya pagkatapos makaalis sa relasyon.
Heal, they said, but they didn't tell him about the grey areas of healing.
The seventh month after the breakup.
Pitong buwan na ang lumipas pero wala pa ring usad si Jaehyun, ganon pa rin ang gawain niya pero mas subsob siya pag-aaral. Kung noong mga nakalipas na buwan ay nakakalabas pa siya kasama ang mga kaibigan, ngayon ay malimit na siyang makita ng mga ito. Busy daw kasi siya, lagi niyang dahilan, pero ang totoo, wala lang talaga siyang gana. Bakit? Hindi rin niya alam. He just spends time with himself and his cats, minsan nag-aayos ng kwarto kapag sinipag at nasa mood siya. Minsan bumibisita sa bahay ng mga magulang niya, madalas nakakulong sa dorm niya. He basically isolated himself from the world, keeping everything to himself as he didn’t want to burden them with the consequences of his own actions.
One year after the breakup.
Isang taon at limang buwan ang lumipas, sa loob ng mga araw na yon, kahit papaano ay nararamdaman ni Jaehyun na paunti-unti na siyang nakakausad. Kahit papaano ay nakabalik na siya sa mga dati niyang hilig – ang pagbabanda. Nababawasan na rin ang pagkukulong niya sa kwarto, minsan ginagala niya ang mga alagang pusa niya, minsan nakikipag-inuman sa mga kaibigan, at napapadalas na rin ang pagbisita sa mga magulang. Nakakaya na niya ang pagbabalanse ng pag-aaral at personal na buhay.
Heal, they said, and that's what he had been doing but they didn't tell him about the possibility of relapsing – the days where he'll feel that he doesn't have enough energy to clean up the mess in his room, to eat, or to take a bath. They didn't tell him about how hard it is to break a habit (the bad ones and the habits that no longer serve him) and learn a new one. They didn't tell him that in between those days, he'll feel the sudden urge to isolate himself and disappear again. Nobody told him that there are days when he would feel alone despite being surrounded by his friends, that he was there with them physically but his mind would drift off to the thoughts of his failed relationship and questions of ‘what ifs’ and ‘what could’ve beens’.
They didn’t tell him that it was hard to accept help from others, that for him, their offers of help were because of pity. Nobody told him how hard it will be to let himself open up to his friends again, that there would always be a part in his mind that will tell him ‘you’re sharing too much, you’ll add to their burden.’ They didn't tell him that he could possibly cry in the middle of class or while he was taking a bath, or will he feel like crying while listening to an upbeat song.
They didn't tell him that in order to heal, he has to accept his faults, his shortcomings. To accept that he wasn’t a perfect boyfriend and that’s okay, that it was a lesson for him.
They didn't tell him that in order to heal, he has to forgive himself so he could move on and be free from the shackles that have been keeping him tied up in the depths of his former toxic relationship. Nobody told him that it would not be all rainbows on the way to loving himself again, to reclaiming the pride he once had, and Jaehyun, well.. he had to learn it the hard way.
