Actions

Work Header

As The Moon Watches Over Us

Summary:

Maria Clara "Klay" Infantes is a tired and demoralized Gen Z nursing student whose only wish is a greener pasture. But after her plans of working abroad are shut down by her mother, hope is all lost for Klay. Will she revitalize this hope, especially with the help of unexpected characters from an unexpected place?

Notes:

I do not own any of the characters of Noli Me Tangere and Maria Clara At Ibarra. This is my re-imagined take on Klay's story. The story is (mostly) written from her point-of-view so the languages used will be Filipino and English, with some Spanish from other characters. This is extremely non-canon-compliant. Since, this was first conceptualized during the show's first three weeks of airing, most of the characterizations will be based on those episodes. Hope y'all will enjoy reading this as much as I enjoyed writing this. :>

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Chapter 01

This chapter is based on the #MCITulisanesAlert episode.

 

Kagabi lang, pilit kong pinipigilan ang anumang ingay dulot ng paghagulgol ko sa takot na magising ang kapatid ko na si Elias. Pero ngayon, ang mga tunog ng karwahe at ng maindayog na lakad ng kabayo ang pumupuno sa tahimik na gabi. Patungo sa bayan ng San Diego, puro pag-aalinlangan ang utak ko.

 

I've tried not thinking about it. Yung sudden realization na mistulang walang kwenta ang apat na taon na pag-aaral ko sa college, matapos tanggihin ni mama ang planong mangibang bansa at ilayo sila sa kamay ng abusado at walang kwenta kong stepdad.

 

It doesn't help that I'm currently with a man that reminds me so much of him. Mapanakit, and believes people owe him. Ohh... I remember how satisfying it was to finally and justifyingly slap that misogynistic face.

 

Naudlot ang gigil, galit, at pighati na naramdaman ko nang biglang lumusob ang mga tulisan na kanina lang ay laman ng mga kwento at babala nina Sir Ibarra at Sir Fidel.

 

Mabilis ang mga pangyayari. Sinubukan akong dakipin ng isang miyembro nila. Sa pag-aalala, sinubukan ni Sir Ibarra na makiusap at mangatwiran sa mga tulisan, pero hindi nila ito pinansin dulot sa bugsong galit nila sa mga mestizo.

 

When reasoning was proven ineffective, Sir Ibarra violently attempted to protect me. Pero tulad ng pagpipiglas ko ay wala rin itong nagawa. 

 

With guns pointed at the three of us and a tightened grip that is almost suffocating my arms, I remember how much I despise being helpless at the hands of abusive men. I remember how frail I am. I remember the days when I couldn't do enough to protect Mama and I am faced with the fact that no matter how much I try to toughen up, I am still no match against a man with the intention to hurt. 

 

A shout emerged from the shadows. Lahat ay nagmistulang napatigil at nanood, kasama na rin ang maliwanag at bilog na buwan. Lumambot rin ang paghawak ng tulisanes sa braso ko, kaya naman ay napapiglas ako.

 

With respect and like a cub to a lioness, everyone listens to the familiar voice's pleas to stop the conflict. As I squinted my eyes to recognize the figure, it suddenly hit me. 

 

Si Lucia.

 

The fear and terror that once gripped me have turned into a warm hug of deep and mutual gratitude.

 

***

 

Ilang minuto na ang nakalipas matapos ang insidente. Tumigil muna kami sa pagbiyahe para makapagpahinga. Pagod at gutom, tumambay kami sa isang mercado. Pero di ko pa rin matanggal sa isipan ko ang mga kaganapan, ang takot, at ang panginginig. I hate — no, I loathe feeling this way. I loathe being reminded of what my supposed place is as defined by this patriarchal society. I loathe how this society makes me feel weaker than I really am.

 

Kailangan kong maging matatag. ‘Wag matakot. ‘Wag matakot. ‘Wag magpakita ng kahit na anong bahid ng kahinaan. ‘Wag ipakita kahit kaninuman, kahit kay Sir Ibarra, at mas lalo na sa misogynistic na ungas na Fidel na yun. Kung mahahalata niya yung takot ko, it would only make him further believe that women are physically and emotionally weaker than men and I don't want him to feel any sort of satisfaction.

 

With trembling hands hidden under the table and a forced smile, I initiated a talk to Sir Ibarra, “maraming salamat nga po pala. Sinubukan niyong tulungan ako nung pilit akong dinadakip nung isang tulisan.”

 

Siguro napansin niya ang pangangailangan kong ibaling ang utak sa mga pangyayari.

 

“Dapat nga ay kami ang magpasalamat. Kung hindi sa bukal na kalooban mo… kung hindi mo tinulungan si Lucia, ay baka saan na tayo napulot,” sinabi niya na may kasamang ngiti. “Masyadong higit na mataas ang pagpapahalaga ng lipunan sa pisikal na lakas, at nakakalimutan na nila ang kahalagahan ng isang mabuting kalooban. Ikaw, miss Klay. Ayan ang lakas mo.”

This is the first time that I’ve ever felt a man’s words to be comforting. Hindi ko kailangan maging uptight, hindi tulad nang tuwing kasama ko si Papa, o di kaya'y magpakatapang, hindi tulad nang tuwing kasama ko si Tito Ronald. Kailangan ko lang maging… ako.

 

Sa isang sandali, inisip ko kung ano kaya ang magiging itsura ng isang lipunan na karamihan ng kalalakihan nito ay tulad ni Sir Ibarra. May prinsipyo at dangal; at pinapahalagahan ang bawat isa, lalo na ang kababaihan. Siguro, walang masyadong naghihirap at inaabuso doon. Ligtas si mama, ligtas si Lucia, at wala ni sinumang ay mapipilitang kumapit sa patalim.

 

"Pero alam mo sir, hindi ko naman masisisi si Lucia kung isa na siyang tulisan ngayon e. Kasi sa totoo lang, naiintindihan ko siya. Mukhang pati rin sa mundo ninyo, isang pribilehiyo ang magkaroon ng maraming choices sa buhay . "

 

“Ang totoo nga’y mas lalong dapat katakutan ay ang mga frayle at ang mga makapangyarihan at mapang-abuso. Mas sila ang higit na tulisanes kaysa doon sa nakaharap natin kanina,” sumang-ayon si Sir Ibarra.

 

Sa lalim ng pag-uusap, mahahalata ang wisdom na nakuha niya sa pag-aaral sa ibang bansa sa pananaw niya sa lipunan. With confidence, masasabi ko na mas progresibo pa siya kaysa sa mga lalaking kakilala kong namumuhay sa mas progresibong lipunan. Considering that this society is more conservative, this got me thinking, "ano kaya yung mangyayari kay Sir Ibarra?"

 

Naudlot ang malalim na pagtataka nang lumapit si Fidel. May hawak-hawak na kakanin, nilapag niya ito at inihain sa mesa. Tumungo lang at sabay alis, papunta sa karwahe.

 

Ano kaya trippings nun? Para ba sa akin ito? Is he trying to comfort me? Sus! Siya? Nag-aalala? Sa akin?

 

Nevertheless, I took a small bite. The kakanin was sweeter than I expected.

 

***

 

Kababalik lamang ni Fidel sa karwahe matapos niyang ilapag ang kakaning inihain niya para kay Klay. Malalim ang kanyang tingin sa mala-perlas na buwan. Hawak ang isang reloj de bolsillo, bulong niya, "malapit na ang pagkanta ng kampana."

Notes:

I like reading theories about Fidel's identity and since it's pretty much confirmed that he is just an additional character in the story, I thought it would be pretty neat to experiment on the possibility that perhaps he is from another world! I would like to update this as soon as possible but urggggh finals weeks. If you hope to get in touch (and mayhaps see some WIPs and sketches regarding this fic and some MCI commentaries), you can follow me on Twitter and Tumblr with the same username (@lamparalangpala). Thank you very much for taking the time to read my work. :>