Work Text:
May higit pitong linggo na ang nakalipas simula n'ung nag-umpisa ang school year. Sa loob ng pitong linggo, ito ang unang beses na may group project sa isang subject si Junhui.
Hindi nito maipagkaila na nabibwisit siya dahil may groupings. Mas gugustuhin niya na lamang na ma-stress ng siya ang may dahilan kesa iba namang tao ang humuhugot sa stress niya.
Wala namang masama sa mga kagrupo niya, siya lang talaga itong may sayad ang utak at ayaw sa groupings. Hindi rin naman ito ang leader kaya ayos na rin.
Ting~
You have new message from HAHATDOG.
Jeonghan Yoon: hello! baka makalimutan niyo na may meet-up tayo mamaya ha. pumunta kayo please para matapos na natin siya ngayon.
Pagkabasa ni Junhui sa message ng kanyang leader sa gc nila ay agad na itong kumilos dahil may 1 hour na lamang siya bago sila magkita-kitang magkakagrupo.
~~~
.
Jeonghan Yoon: saan na kayo? rito na ako..
Joshua Hong: Aga mo ha, papunta na ako.
Vernon Chwe: otw na ako
Junhui Wen: otw na rin ako
Jeonghan Yoon: sige, ingat kayo!! 'yung iba diyan ano na? pumunta kayo hoy!
Nasa may kanto na si Junhui ng kanilang street at naghihintay ng jeep na masasakyan papunta sa meeting place nila.
May 15 minutes pa naman siya bago masermonan dahil late sa call time.
.
Hands-on naman ang leader niyang si Jeonghan kaya nga may 30% sa katawan niya ang unti-onti ng nagugustuhan ang grouping na 'to.
Simula sa gagawin, meeting place, call time at pati mga dadalhin ng bawat isa ay naplano na ni Jeonghan kaya feeling naman ni Junhui all smooth na.
"Wen!" tawag sa kanya ni Jeonghan habang kumakaway. Nakita niya rin na kumaway sila Joshua at Seokmin kaya kumaway din ito pabalik.
Kakababa niya lang ng jeep at saktong pagbaba niya nakita niya ka agad ang mga kagrupo sa may glass window ng meeting place nila.
"Ano gawa niyo?" tanong ni Junhui pagkapasok sa café.
"Wala naman palamig lang ang init kasi maghintay sa labas tapos um-order din kami. Order ka?" ani Jeonghan.
Umiling naman si Junhui.
"Sige pagkadating ng order namin labas na tayo para makita rin tayo ng iba nating ka-group." ani ulit ni Jeonghan na sinangayunan nila.
Mga minuto ang lumipas at dumating na ang mga order nila. Katulad ng sinabi ni Jeonghan kanina, lumabas na rin sila pagkatapos makuha ang order.
Saktong paglabas naman nila ay dumating naman si Vernon.
"Boss leader, ito na 'yung pinapadala mo sa akin. Naiwan ko pa 'yan sa bahay kaya natagalan ako." sabi ni Vernon na hinihingal pa. Ibinigay ni Vernon 'yung pinapadala sa kanya na kinuha naman ni Jeonghan.
"Sino na lang wala pa rito?" tanong ni Joshua.
"Si Wonwoo--Ay! Nandirito na pala." sabi ni Vernon sabay turo sa kararating lang na si Wonwoo.
Binati naman siya ni Junhui n'ung nakalapit na ito sa kanila.
"Hello, Jeon!" masayang bati ni Junhui.
"'Sup, baby?" ani Wonwoo habang nakatingin sa mga mata ni Junhui.
Tila naningkit naman ang mga mata ng lahat sa narinig samantalang si Wonwoo ay busy sa pag-aayos ng kanyang earphone.
Napatingin tuloy ang mga kagrupo ni Junhui sa kanya dahil napansin nilang namumula ang tenga.
"Huy, ba't naman namumula tenga mo?" kinalabit ni Seokmin kay Junhui.
Napataas naman ang kilay ni Junhui para itago na kahit gusto niya ng sumabog.
Bakit ba kasi kailangan mangyari 'to? Pwede ba umuwi na lang ako?
"Ha? Hindi naman." natatawang sagot ni Junhui. "Hali na tayo. Gawa na tayo para matapos tayo nang maaga." pag-aaya niya sa mga kagrupo.
( ˘ ³˘)♥
"Thank you guys!! I-finalize ko na lang itong gawa natin bago ko i-send sa gc tapos i-send kay sir." ani Jeonghan.
Tapos na sila gumawa sa grouping nila at alam ni Junhui na marami-rami 'yung ganap nila sa grouping dahil inabot na sila ng gabi.
"Thank you rin! Ingat ka sa pag-uwi, sayo nakasalalay grades natin." ani Seungkwan nakinatawa ang lahat.
"Sige na, guys. Uwi na tayo gabi na oh. Ingat kayo." pamamaalam ni Jeonghan bago sumakay sa tricycle.
'Yung iba naman niyang ka-grupo ay nakasakay na rin ng jeep samantalang siya at si Wonwoo ay patawid pa lang sa kabilang kalsada para makasakay ng jeep.
"Grabe pamumula ng tenga mo kanina na ha." panimula ni Wonwoo na nag-aabang din ng jeep.
"Shut-up. Ikaw ang may kasalanan n'un." ani Junhui.
"I just called you baby, may masama ba du'n?"
"Obviously wala pero in front of them? Alam mo naman epekto n'ung mga pagtawag-tawag sa'kin ng gan'on e." pagtataray ni Junhui.
Natawa naman si Wonwoo.
"Tawa ka pa. Grabe ka naman kasi mambigla plus hindi naman alam n'ung mga 'yun na boyfriend kita."
Napapangiti naman si Wonwoo sa narinig na sinabi ni Junhui. Akala niya kasi ayaw ni Junhui na tinatawag siya ng gan'on kaya sobrang tahimik ito kanina habang nag-ggrouping sila.
"Sorry." ani Wonwoo na kinalingon ni Junhui sa gawi niya.
"No... don't be sorry. I love it when you called me that pero warning naman diba para hindi mamula tenga ko. And don't you ever think na kinakahiya kita bilang boyfriend ko dahil lang nangyari 'yung kanina." sagot naman ni Junhui.
"Wala naman ako sinasabi na kinakahiya mo ako ha..." pag-angal ni Wonwoo.
"I know you, Wonwoo. I know you more than they do. We've been into this for 3 years." soft na ngiti ang ibinigay ni Junhui kay Wonwoo after sabihin ang mga katagang iyon.
He hates it when Wonwoo is like that. Hindi niya naman masisisi dahil kapag nasa public sila they act like they never momol in Junhui's sister's after wedding party.
Tumingin naman si Wonwoo sa mga mata ng nobyo sabay dahan-dahan na hinawakan ang kamay nito.
"Tara kain tayo." pagyayaya ni Wonwoo. Masaya namang tumungo si Junhui kaya pumara na si Wonwoo ng jeep na masasakyan nilang dalawa.
