Work Text:
wonwoo squints his eyes when the sunlight immediately hits his face pagkababa niya ng bus terminal. he annoyingly carries his gym bag on his one hand while ‘yung backpack niya naman ay nakasabit sa shoulder niya. sobrang humid ng hangin kaya iritang irita siya lalo na nung nag-fog ‘yung salamin niya pagbaba niya ng bus. dagdag mo pa ‘yung dami ng tao na pare-parehas nagmamadali papalabas at papasok ng bus terminal dahil christmas season na.
it’s been long since umuwi siya sa probinsyang kinalakihan niya since umalis siya rito six years ago. he’s surprised nga na alam niya pa pano mag-commute pauwi dahil isang beses pa lang yata niya nagawa ‘yun sa loob ng six years… at umuwi lang siya dahil namatay ‘yung lolo niya.
pinili kasi ni wonwoo mag-enroll sa admu for shs, hanggang sa nagustuhan na rin niya ang environment at tinuloy niya na ang pageenroll for college. very supportive naman ang parents niya, in fact, he’s currently a graduating legma student and honestly, mas nakakastress pa yata ‘yung pinagdaanan niyang pagcocommute kaysa sa pagdedecide whether he’ll pursue law school or not.
pagkalabas niya ng bus terminal, dumiretso agad siya sa terminal ng tricycle para makauwi na sa bahay nila. naiirita siyang pumasok sa loob ng tricyle pagkatapos niyang sabihin sa driver kung saan siya pupunta. ugh. gusto ko na mahiga sa kama.
on his way home, everything suddenly feels nostalgic to wonwoo. admittedly, a lot has changed for the past years na hindi siya umuwi. la carbajal has been through modernization din dahil dumami na ang mga nakatayong bahay at tindahan sa kalsadang walang laman dati. now wonwoo can’t help but wonder if the people he used to know has changed too? naalala pa kaya siya ng mga ito?
for the past six years kasi, he chose to isolate himself from everyone na kinalakihan niya sa probinsya. truthfully, hindi niya rin alam kung bakit niya ito ginawa. change of image, he guesses?
eh anyway, bat pa ba siya nagtataka? obviously, having no proper contact with your high school and childhood friends can drastically change your relationship towards them.
“dito na lang po,” tinuro ni wonwoo ‘yung maliit nilang bahay na green ang gate. his parents chose to keep it as a bungalow type of house dahil ‘yun na ‘yung kinalakihan ni wonwoo pati na rin ng kuya niya. his parents are very sentimental kasi and for him not to forget his childhood memories, they kept everything the same. except sa mga maliliit na renovations dahil matagal nang nakatayo ang bahay nila.
pagkababa niya ng tricycle, parang biglang sinampal si wonwoo ng waves of his memories. he used to be a tiny kid na walang muwang at laging naglalaro sa labas kasama ng mga batang kapitbahay niya. he would often get reprimanded by his mom dahil minsan 9 pm na siya umuuwi sakanila. honestly, hindi niya rin inakala na the tiny kid wonwoo would turn into a very intimidating wonwoo as they say.
wonwoo presses the doorbell sa gilid ng gate nila. he presses it once, twice, thrice, pero walang nagbubukas ng pinto. he frowns. hindi ba ako marinig nila mommy?
“walang tao riyan,”
he suddenly hears a man talk behind him at kahit hindi pa siya nililingon ni wonwoo, he can already feel the man’s towering presence dahil sa layo ng boses nito mula sa tenga niya. wonwoo slowly turns his head at magsusungit na sana when suddenly, he’s surprised with whom he saw.
“sunday ngayon. nagsimba sila tita olive sa may bayan,” dagdag nito at binigyan siya ng matipid na ngiti at tinuro ‘yung kabilang gray na gate gamit ang daliri niya. “una na ko,”
“wait,” natigilan si wonwoo sa nakita. afterall, who would expect that you’d see your first love again after six years? he’s surprised na nakapagsalita pa nga siya sa harap nito eh.
the man raises a brow at him pagkatapos nitong buksan ang gate dahil aktong papasok na ito pero pinigilan siya ni wonwoo yet... wonwoo just blinked at him. nakakahiya. para siyang tanga. bigla niyang nakalimutan ‘yung sasabihin niya dahil sa gulat…? sa kilig?
“ah, ‘yung susi ba? nasa ilalim ata ng plant box ‘yun,” sabi nito kahit wala pang ibang sinasabi si wonwoo bukod sa titigan lang siya. tinuro niya ‘yung tatlong plant box na nakalagay sa gilid ng gate nila. “hindi ko lang alam kung alin diyan sa mga ‘yan. hanapin mo na lang,”
“o-oh… okay, thanks,” sabi ni wonwoo at umiwas na ng tingin. ibinaba niya ‘yung gym bag niya sa kalsada para iangat ‘yung plant box na sinasabi nito pero natigilan siya nung nakita niyang ambang tutulungan siya nito iangat ‘yung isang plant box.
ano ba? ang gulo rin nito, e! akala ko naman hindi ako tutulungan nito!
by luck, pagka-angat niya, nakita agad nila ‘yung susi na tinutukoy nung lalaki.
wonwoo awkwardly laughs. he doesn’t know kung ano ‘yung sasabihin niya sa lalaking kaharap niya ngayon. he knows he has so much to say, but then ngayong kaharap niya na ay bigla siyang natatameme. he can’t believe this is the same lanky guy he used to grow up with. six years can really do a lot, huh?
“t-thanks,” naaasiwang sinabi ni wonwoo sa lalaki pagkakuha niya dun sa susi. he hears the guy laugh a little as he puts down the plant box in its original state. “pano mo naman nalaman ‘to?”
“ah, sinabi lang nila sakin… pero hindi ko exactly alam kung alin sa mga plant box na ‘to ah? chamba lang,” natatawang sinabi nito sakanya at nginitian ulit siya. tinuro nanaman nito ‘yung gate nilang kanina pa nakabukas. “una na ‘ko.”
“o-okay, salamat ulit,” tumango si wonwoo sakanya and immediately tries hard to unlock their gate nang hindi pinapakita na nanginginig siya sa kaba deep inside. he really can’t believe the man beside him changed a lot. like, a lot. muntik niya pa ngang hindi ito makilala eh.
“oh, by the way,” nagsalita nanaman ‘yung lalaki but wonwoo tries so hard na hindi siya lingunin. nagkunwari na lang siyang nahihirapan siyang hanapin ‘yung susi sa keychain na para sa gate nila. kahit alam niya namang ‘yung kulay gold ito. “it’s nice to see you again after six years, wonwoo,”
yeah. it’s nice to see you again after six years, mingyu.
“and ‘yung kulay gold ‘yung susi para sa gate niyo. see you around,”
wonwoo swears he almost died after that.
pagkapasok ni wonwoo ng bahay nila, agad siyang pumunta sa kwarto niya para ilapag ‘yung mga dala niyang gamit. marami siyang dalang damit dahil magsestay siya sa probinsya until next year. pinakiusapan siya ng parents niya na after new year na siya bumalik ng manila dahil first time na lang daw nila siya ulit makakasama para sa bagong taon. ‘yung kuya niya kasi ay hindi makauwi for this year dahil sa states na ito nagtatrabaho at marami raw siyang gagawin for this season.
anyway, wonwoo can’t help but agree dahil una, it’s the first time his parents practically begged him for it at pangalawa, he hasn’t been home for long. nacucurious din siya kung kamusta na ‘yung la carbajal. kung kamusta na si mingyu.
come to think of it, it’s been six years since he last saw mingyu, huh. the mingyu gabriel kim that he’s hopelessly inloved with. lahat yata ng kababata nilang dalawa pati na rin mga kaibigan ni wonwoo nung junior high school ay alam na alam na may gusto siya rito. in short, lahat naman ata alam na may gusto siya kay mingyu maliban na lang kay mingyu mismo.
of course there are a lot of times na he’s slipping and wonwoo doesn’t know if mingyu is purposely faking not to know. may mga pangyayaring sobrang halata na pero parang… wala lang kay mingyu? so at that time, wonwoo thinks na it’s safe to assume that mingyu doesn’t feel the same way for him.
ang petty pero honestly, it’s also the reason why he chose to start anew far away. at that time, gusto na lang talaga ni wonwoo magmove on at alam niyang impossible ‘yun kung lagi niya pa rin nakikita si mingyu dahil magkapitbahay nga sila. isa pa, iisa lang ‘yung university na gusto nilang pasukan that time dahil lahat naman ata ng nakatira sa lugar nila ay gustong sa pamantasan ng la carbajal makapasok. albeit mas matanda si mingyu ng dalawang taon kaysa sakanya, alam niyang dun din papasok si mingyu for college.
kanina nung nakita niya ito, he has the urge to hug him so bad, but he knows naman na wala siyang karapatan. before he left, sobrang close nila ni mingyu to the point na even his parents thought na may something silang dalawa… pero six years na ‘yung nawala eh. para kay wonwoo, ang awkward talaga ng pangyayari kanina pero parang kay mingyu wala lang ‘yun lahat? it seemed like nagmature lang siya but his personality is still the same. the same exact personality kung bakit siya nagustuhan ni wonwoo noong bata pa lang siya.
he’s also curious if nakagraduate na ba si mingyu? kung nagtatrabaho na ba siya? kung anong kinuha niyang course sa college? kung may anak na ba ‘yung ate niya? kung kamusta ‘yung maintenance ng mama niya since diabetic ito? kung natupad ba ni mingyu ‘yung pangarap niyang maging engineer?
marami. sobrang daming gustong itanong ni wonwoo. but he guesses… he’ll just keep it to himself na lang. kahit naman sinabi ni mingyu na see you around sakanya kanina, parang ang impossible na magkaroon pa sila ng pangalawang interaction. lalo na kung wala rin naman siyang balak na iapproach ito to save himself from further embarassment.
a while later ay dumating na ‘yung parents niya galing sa simbahan kaya lumabas na si wonwoo ng kwarto. his parents welcomes him with a hug dahil thrice a year lang naman sila nagkikita at ‘yun ay tuwing birthday ni wonwoo, christmas day at new year lang.
lunch time came at masayang kumain si wonwoo ng lutong bahay ng mommy niya. kaya niya namang magluto and can even re-create his mom’s cooking, pero iba pa rin talaga ‘yung gawa mismo ng mama niya at sa bahay siya kakain ng tanghalian. it feels like junior high school all over again.
“so…” nilingon siya ng mommy niya na para bang nangaasar. “nagkita na pala kayo ni gabby kanina,”
“ay, oo nga pala. siya ba nagsabi sayo kung nasaan ‘yung susi?” sabi ng daddy niya at pinunasan ang bibig nito.
“uhm, opo.” matipid na sagot ni wonwoo at tumuloy na sa pagkain ng specialty ng mama niya, kare-kare. “nagulat nga po ako, nagbago ‘yung itsura niya.”
“oo, ano?” sabi ng mommy niya at sinandukan pa siya ng ulam. “pumogi talaga ‘yan si gabby. alam mo bang grumaduate ‘yang magna cum laude two years ago? napakatalino na ngang bata, napakabait pa. siya ‘yung madalas naming nauutusan sa mga gawain na hindi na namin kaya,”
“ah, talaga po ba?” sabi ni wonwoo and deep inside, he can feel his heart gradually beating fast. ayaw niya namang maging suspicious ‘yung parents niya dahil alam nilang dalawa na matagal nang nakamove-on si wonwoo kay mingyu. “ano po bang trabaho niya?”
“hindi namin alam eh. pero civil engineer ‘yan,” sabi ng daddy niya. “kasama pa yata siya sa topnotchers nung time niya.”
wow. kung six years ago, out of his league niya na si mingyu, ano pa kaya ngayon? pakiramdam ni wonwoo ay patatas lang siya kung itatapat mo siya sa first love niya. ang dami dami nang narating ni mingyu samantalang siya… undecided pa siya sa maraming bagay.
siguro sa next life na lang talaga siya babawi. hindi niya talaga magiging jowa si mingyu ngayong lifetime. ang kapal ko naman kasi kung hahangarin ko pa ‘yung taong ‘di ko na nga kayang abutin!?
biglang may kumatok sa pinto ng bahay nila kaya biglang napalingon si wonwoo. nakita niyang pumasok ‘yung mama ni mingyu na may dalang… hipon? kita niyang buttered shrimp ang dala nito at alam na alam ni mingyu na iyon ang paboritong ulam ni wonwoo na niluluto ng mama niya.
naramdaman ni wonwoo na unti-unting umaakyat ‘yung dugo niya sa mukha niya kaya nagkunwari na lang siyang hinihimay ‘yung baka na nasa plato niya.
“nako, nandito pala si kiko!” ani ng mama ni mingyu at inilapag sa mesa ‘yung dala nitong ulam. nagulat naman ‘yung mga magulang ni wonwoo sa dala nito.
“nako, ano ba ‘yan, elisa! nag-abala ka pa,” sabi ng mommy niya at tumayo para kumuha ng kare-kare at ibigay sa mama ni mingyu. “ang dami nitong dala mo, nakakahiya ito lang ulam namin,”
“ay, ano ba, olivia, okay lang ‘yun! kahit huwag na. dinala ko talaga ‘yan dahil nalaman ko kay gabby na nandito si kiko,” sabi nito habang winawasiwas pa ang kamay. wonwoo looks at her and smiles. hinawakan siya ng mama ni mingyu sa pisngi at ngumiti rin ito sakanya. “ang laki laki mo na, kiko. kamusta naman sa maynila? kumakain ka ba doon ng ayos, ha? mukhang pumayat ka!”
“okay lang naman po ako, tita,” sabi ni wonwoo at bahagyang tumawa. “thank you po sa dala niyo. naalala niyo pa rin po pala,”
“aba, oo naman ‘no! ikaw ang paborito kong ampon!” natatawang sinabi nito kaya pati magulang ni wonwoo ay natawa rin. “nagulat nga ako sa binalita ni gabby. ang tagal mo rin kasing hindi umuwi kaya akala ko namamalikmata lang siya. tama nga siya, maganda ka pa rin. ”
huh?
“p-po?” gulat na sinabi ni wonwoo. sinabi ‘yun ni mingyu tungkol sakanya!? nahihiya siyang ngumiti sa mama nito. “hindi naman po.” sabi niya at nag- hehe pa sa dulo pero deep inside ay mamamatay na siya sa hiya at kilig.
“ay, nga pala, kaya rin ako nagpunta dito,” panimula ng mama ni mingyu kaya tumaas ang kilay ng parents ni wonwoo. “simula na kasi ng simbang gabi mamaya sa bayan, kiko. ipagpapaalam sana kita sa parents mo kung… pwede mo bang masamahan si gabby mamaya? may meeting kasi ‘yung ate niya mamaya kaya… alam mo na. kung pwede lang?”
“magsisimbang gabi silang dalawa ni gabby mamaya?” ulit ng mommy niya at nagpalit-palit ang tingin nito sakanya at sa mama ni mingyu. “aba, okay lang samin! kilala namin si gab, mabuting bata ‘yan. ikaw ba, kiko, gusto mo ba sumama mamaya?”
LORD? hindi ko na yata kakayanin!!!???
“ah, o-okay lang naman po,” sabi ni wonwoo at ngumiti ng matipid sakanila. AY SI OO KA NAMAN???? eh mommy??????? ANG AWKWARD NGA NAMIN NI GAB KANINA??????
“nako, sinabi mo ‘yan ha! sasabihin ko na kay gabby!” natutuwang sinabi ng mama ni mingyu at naglakad na palabas ng bahay nila. “sabihin ko na lang sakanya na sunduin ka rito, kiko. kumain kayo ng marami!”
oh my god. kaming dalawa lang ni mingyu mamaya?????? oh my god
“oh anak, alam kong mauubos mo ‘yang hipon, na-miss mo ‘yan, ‘di ba?” nakangiting sinabi sakanya ng mommy niya kaya walang imik na tumango si wonwoo habang pilit na tinatago ‘yung malakas na tibok ng puso niya.
parang hindi ko yata kaya??? what if magback out ako????
“first time yatang hindi magsisimbang gabi si gabby ng kasama ate niya,” natatawang sinabi ng daddy niya at nangaasar na tumingin sakanya. “magiingat kayo mamaya akiko, ha.”
LORD HUHU pls???? ano to
“sige po,” sabi ni wonwoo at tumango na lang habang binabagalan ang pagkain.
suddenly, the buttered shrimp in front of him tastes better than he last remembered it.
wonwoo intensely stares sa maikling kamay ng orasan sa kwarto niya. parang every second ay lalong pinagpapawisan ‘yung kamay niya sa sobrang kaba.
sino ba naman kasing hindi kakabahan? after mong i-shut down ‘yung sarili mo sa mga taong kinalakihan mo ay bigla mo silang makakasama ulit na parang walang nangyari? well, si mingyu lang naman sa case na ‘to, but wonwoo thinks it’s worse dahil first love niya pa si mingyu. so like… to be with him again after six years makes wonwoo want to back out. tama si jessa! ‘di talaga niya kaya.
the clock hits its small hand at 7, and just on cue na parang sa pelikula, kumatok bigla ‘yung mommy niya.
“kiko? nasa labas na si gab, hinihintay ka niya.”
kung tatanungin niyo si wonwoo kung anong mas nakakakaba between his recits sa legma or sa sitwasyon niya ngayon, parang ito. parang walang makakapalag sa kaba na nararamdaman niya as he slowly twists his doorknob at lumabas ng kwarto niya papunta sa sala.
malayo pa lang, kita na niya si mingyu na nakadenim jacket at sa loob nito ay gray na t-shirt, itim na pantalon at converse na puti. napansin niya ring mahaba na pala ang buhok nito at may piercing na itim sa parehas na butas ng tenga. ang [redacted]?!?!?!
tumayo si mingyu mula sa pagkakaupo nito sa sofa at nginitian siya.
“tara?”
wonwoo suddenly feels underdressed kahit normal naman para sakanya magsuot ng oversized polo at maong shorts na parang cycling ‘yung haba. parang… kung itatabi mo siya kay mingyu, mukha siyang nakababatang kapatid nito. WELL, medyo true! but hindi iyon ang point!
“tita, aalis na po kami,” sabi nito sa mommy niya noong lumabas ito mula sa kusina. tumango naman ang mommy niya at nginitian silang dalawa.
“magiingat kayo, ha!”
if you were going to ask wonwoo akiko jeon 14 hours ago, siguro ay tatawanan ka lang niya sa mukha kung sasabihin mong magsisimbang gabi siya kasama ng first love niya after six years of not speaking to each other.
sa totoo lang, hindi nga rin niya naimagine na may gagawin siya pagkabalik niya ng la carbajal dahil ang akala niya ay wala nang makakakilala sakanya rito. for sure naman kasi ay nagtatampo sakanya ‘yung childhood and high school friends niya. pero bakit si mingyu walang bad blood?
hindi ba ito galit sakanya? or something? o baka feeling relevant lang talaga siya as a bida-bida?
“uh… dito na lang tayo mag-abang ng tricycle, for sure meron pa namang dumadaan dahil maraming nagsisimbang gabi,” nilingon siya ni mingyu kaya tumango na lang si wonwoo. nakita niyang binigyan siya ni mingyu ng matipid na ngiti bago ito nagbuntong hininga at tumingin sa orasan. “mga 7:30 pa naman start ng misa, so hindi tayo male-late,”
hiyang hiya na si wonwoo deep inside dahil kanina pa siya inaaccomodate nito. hindi naman sa ayaw niya kausapin si mingyu, again, ang dami niyang gustong sabihin pero hindi niya alam san magsisimula kaya it’s better to shut up na lang. siguro napapansin na rin ni mingyu by now na siya lang ‘yung nagiinitiate ng small talk. fuck. kung bakit ba kasi ako pumayag???? huhu mommy ayoko na pala help????
“so… legma, huh,” kantiyaw ni mingyu sakanya kaya napalingon si wonwoo. more like, tumingala si wonwoo dahil sa tangkad nito. “bagay sayo. magaabogado ka, di ba?”
“ah, hindi ko pa alam eh,” sabi ni wonwoo as he bites his lip at umiwas ng tingin. bakit ba kasi ang tagal ng tricycle!? “ikaw din, engineer ka na raw. congrats pala,”
“yeah, thanks,” rinig niya sa boses ni mingyu na nakangiti ito kahit hindi niya ito lingunin. “ that’s all I needed to hear after six years, ” narinig niyang bulong nito pero ayaw niyang mag-assume, so just like a classic wonwoo, he retorts with a huh? kaya nilingon siya ni mingyu at sinabing, “wala. ayan na ‘yung tricycle, tara na,” sabi nito at pumara ng tricycle para makapunta na ng bayan.
even sa byahe nila papuntang simbahan, wonwoo is once again hit with a wave of nostalgia. since magkapitbahay lang sila ni mingyu, sabay silang umuuwi galing school. may mga times na iniintay pa siya ni mingyu matapos galing debate practice o siya naman ang magiintay kay mingyu galing band practice. it does not matter kung gaano pa ‘yan katagal, ang mahalaga, sabay silang uuwi.
‘yun nga rin ‘yung dahilan kung bakit pati mga kaibigan nila ay kilala ang isa’t isa dahil sa after school practices. lumawak din ang circle of friends ni wonwoo dahil sa tropa ni mingyu and vice versa. his life was good before leaving kaya naman when he started anew, parang kumapa si wonwoo sa sahig. siguro, it’s for the better, because he learned a lot since then but sometimes he can’t help but wonder kung anong nangyari if hindi siya umalis ng la carbajal. would it change anything between the two of us?
after a fifteen minute ride, nakarating na sila sa may bayan. wonwoo offered to pay, but just like the usual mingyu that he knows, inunahan na siya nito sa pagbabayad sa tricycle. wonwoo is reminded once again na tuwing magkasama sila, mingyu never lets him pay anything.
malaki na rin ang pinagbago ng bayan ng la carbajal the last time wonwoo remembered it. mas dumami ‘yung maliit na sari-sari store, mas gumanda ‘yung palengke at mayroon na nga ring jollibee!? but one thing remains the same, at iyun ‘yung tuwing pasko, ramdam na ramdam sa bayan ng la carbajal ‘yung joy and spirit of christmas!
everything sa paligid is lighted with the colors of red, green, yellow and white. tulad na rin ng tradisyon, pinapalibutan pa rin ng christmas lights ‘yung mga poste, pati ‘yung simbahan, pati ‘yung strings sa mga stall na nagtitinda ng puto bumbong, bibingka at iba pa. wonwoo wouldn’t have seen this kung mas pinili niyang sa manila nanaman magholiday season, all covered with his fur blanket habang nanonood ng netflix mag-isa. he wouldn’t have seen the man beside him again, illuminated with christmas lights similar to how he illuminated wonwoo’s world years ago.
habang naglalakad sila papuntang simbahan, hindi maiwasan ni wonwoo na magigit ng iba dahil sa dami ng tao. nilingon siya ni mingyu at inakbayan para hindi siya mawala. nagulat si wonwoo sa biglang ginawa nito but kept mum, deep inside ay parang inaapuyan siya sa sobrang kilig. the hell!
“sorry,” agad siyang binitiwan ni mingyu pagdating nila sa entrance ng simbahan. naconscious siguro ito na hinawakan niya si wonwoo ng walang pasabi. “dito na lang tayo sa labas, okay lang? wala na rin kasing upuan sa loob.”
“sige lang,” tumango si wonwoo sakanya as he steps closer to mingyu dahil sa dami ng tao, takot talaga siya mawala. may bigla pang gumitgit sakanya para makapasok sa loob ng simbahan kaya just like a muscle memory, bigla siyang kumapit sa gilid ng denim jacket ni mingyu. mirroring him, mingyu immediately offers his hand para kapitan nito. biglang tinamaan si wonwoo ng hiya. “sorry, may gumitgit kasi.”
“okay lang.” nakangiting sinabi ni mingyu sakanya kaya si wonwoo na ‘yung agad umiwas ng tingin… but if he didn’t, he would’ve probably seen a much wider smile from mingyu.
the mass started after almost ten minutes. the whole ten minutes standing next to mingyu felt like forever dahil for wonwoo, sobrang awkward talaga. wala silang mapagusapan, maybe because hindi na rin interesado si mingyu sa buhay niya but as for him, nahihiya lang talaga siya. maybe he’ll try na lang later pag-uwi? or never? isang beses lang naman silang magsisimba ng magkasama, ‘di ba?
funny, because when they were younger, silang dalawa rin ni mingyu ang laging magkasamang nagsisimba. it’s one of their bucket list, actually, na umattend ng simbang gabi, pero laging hindi natutupad ‘yun dahil nagoout of the country sila wonwoo tuwing christmas season para puntahan ‘yung kuya niya sa states. 15 years kasi ‘yung age gap nila ng kuya niya kaya naman five years niya lang talaga nakasama ‘yung kuya niya sa bahay. Pagkagraduate kasi nito at 20 years old, pumunta na agad ito sa states para magtrabaho dahil kinuha na siya ng kamag anak nila dun.
funny to think din na what wonwoo thought would be a boring christmas vacation would be an eventful one. hindi niya rin inexpect na out of all times… ngayon lang nila ni mingyu matutupad ‘yung pinangarap nilang pagattend ng simbang gabi. six years after he left.
the mass ended after an hour. nagsilabasan na rin ‘yung mga taong nasa loob ng simbahan para umuwi na sa kanya-kanyang bahay. nakita niya sa peripheral vision niya na nilingon siya ni mingyu.
“gusto mong kumain muna bago tayo umuwi?” tanong nito sakanya kaya naman automatic na tumingala si wonwoo para harapin ito. “o bili na lang tayo bibingka para makauwi na rin tayo?”
“bili na lang tayo.” sabi ni wonwoo.
pagkatapos nilang bumili, dumiretso na agad sila sa may terminal ng tricycle para makauwi. as usual, pinauna siya ni mingyu sa loob ng tricycle. naalala niyang naging habit na ito ni mingyu dahil tuwing umuulan at wala silang dalang payong, alam niyang ayaw ni wonwoo na nababasa kaya siya na lang ‘yung umuupo sa may entrance ng tricycle. hanggang sa nakasanayan na. hanggang ngayon.
pagkababa nila sa tapat ng bahay, agad siyang nilingon ni wonwoo para magpasalamat.
“thank you, I had fun,” sabi ni wonwoo at inangat ‘yung plastik na dala niya. “thank you rin sa bibingka. dapat ako na pinagbayad mo nito.”
“hindi na. ayaw kong pinapagastos kita, ‘di ba?” nakangising sinabi ni mingyu habang binubuksan niya ang gate nila. “bukas ulit. salamat, kiko.”
kiko.
bukas ulit.
may susunod!?
at tinawag siya ni mingyu na kiko!??!! ulit!?!
“h-haven’t heard that from you for long ah,” wonwoo’s first attempt na mangasar. he awkwardly laughs. “seems foreign na ba?”
“huh? hindi ah,” natatawang sinabi ni mingyu. “it rolls out of my tongue just the way I remembered it. nothing changed, akiko.”
wonwoo blinks at his comment. hindi niya alam kung double meaning ba iyon o nagaassume lang siya? well, baka. impossible namang nagkagusto si mingyu sakanya dati, ‘no. in a platonic way niya lang ‘yan sinasabi.
“huh, okay,” nakangising sinabi ni wonwoo at nginitian si mingyu. “thank you, gabriel. bukas ulit.”
wonwoo’s second attempt na mangasar… and before he turns his back on mingyu, nakita niyang nagulat ito sa sinabi niyang gabriel. wonwoo hides a smile as his clench tightens sa plastik na dala niya habang papasok siya sa loob ng bahay nila.
yeah, gabby. bukas ulit.
nagising si wonwoo sa maingay na boses ng mga tao sa labas ng kwarto niya. kunot noo niyang kinuha ‘yung phone niya sa bedside table at nakitang 8 AM pa lang ng umaga at december 17 pa lang naman, pero bakit ang ingay-ingay? kung may bisita mang dadating ‘yung mga magulang niya, for sure ay sasabihan naman siya.
tumayo na siya at dumiretso sa cr sa loob ng kwarto niya para makapaghilamos. after his usual morning routine, kamot-ulo siyang dumiretso sa hapag nila at nagulat sa mga nakitang tao na nakaupo sa dining table nila.
“kiko! we missed you!” biglang may sumalubong sakanyang blonde na lalaki at agad siyang inakap kaya muntik pa silang matumba. the boy even tightens the hug at maya-maya pa ay pinakawalan na rin siya nito. “kamusta ka na? ikaw ah, nakakatampo ka!”
seungkwan rafael boo or raf for short. 23. bestfriend niya nung high school at lagi niyang kasabay kumain ng ice cream after nilang mag-lunch. si raf din ‘yung number one enabler niya pagdating kay gabby. pangarap niyang maging flight attendant, natupad kaya niya ‘yung pangarap niya?
“raf?” sabaw na tinanong ni wonwoo pagkatapos niyang maaninag ‘yung mukha nito. tumambad sakanya ang nakangiting mukha ni seungkwan at ang matingkad nitong blonde na buhok. “ what? umayos itsura mo ah!”
“hoy, ang sama pa rin ng ugali mo! ikaw nga si akiko!” naaasar na sinabi nito kaya natawa si wonwoo. dumiretso si wonwoo sa dining table at nakita niya ‘yung isa pa niyang kababata at bestfriend nung high school, si seokmin adrielle kim or riel for short. pinangarap nitong maging interior designer. natupad niya rin kaya ‘yun? “oh ano, kilala mo pa ba si riel?”
“ha, oo naman,” sabi ni wonwoo at umupo sa tabi ni pao na masama ang tingin sakanya at halatang nagtatampo. nginitian siya ni wonwoo. “sorry, riel.”
“anong sorry!? akala mo ba madali lang para samin na intindihin ka sa loob ng 6 years na ghinost mo kami? tapos ngayon, babalik ka na lang basta. hindi ka rin nagsasabi!” dire-diretsong sabi nito kaya natawa na lang si seungkwan sakanya. wonwoo looks at him apologetically. “kung hindi dahil kay gabby, hindi namin malalaman na nandito ka. at kung hindi rin dahil kay gabby, matagal ka na naming kinalimutan tulad ng ginawa mo samin.”
classic adrielle. sakanilang tatlong magkakaibigan, si riel talaga ‘yung may pinakamatalas na bibig. siya rin ‘yung pinakapalaban sakanilang tatlo kaya naman nung junior high school sila, wala talagang nagtatakang gumawa ng issue against sakanilang tatlo dahil alam nilang lahat ang ugali ni riel. malas pa na pinagsama sila ni raf sa iisang friend group kasi baka sumabog talaga ‘yung buong school pag nagkataon at baka hanggang ninuno nung kaaway nila ay maisali rin nila.
pero huh? anong konek ni mingyu?
“ha? ano namang konek ni mingyu?” nagtatakang tanong ni wonwoo. tumabi si seungkwan sakanya at tumingin sakanya.
“nung bigla ka kasing nawala, lahat kami nalungkot. kaibigan ka namin eh. pero ewan ko ba diyan kay gabriel, malakas ata tiwala sayo,” sabi ni seungkwan at pumangalumbaba sa mesa. “lagi niya kaming sinasabihan na, ‘babalik din ‘yun, bigyan niyo lang siya ng oras.’ ” dagdag nito habang ginagaya pa ‘yung pagsasalita ni mingyu kaya naman natawa ng bahagya si wonwoo.
“ ay, baka naman may something!? ” hiyaw ni seokmin na punong-puno ng malisya ‘yung pananalita ng boses kaya napakunot ng noo si wonwoo pero at the same time ay unti-unti ring lumalakas ‘yung tibok ng puso niya.
“alam mo kiko, sa totoo lang, kung hindi ka umalis, naging kayo siguro ni g—”
“oh, gising ka na pala, anak,” biglang naputol si seungkwan sa pagsasalita dahil biglang dumating ‘yung mommy ni wonwoo kaya lahat sila ay napalingon. “kanina pa sila nandito, gigisingin nga sana kita kaso sabi ni raf at riel hayaan ka na raw muna matulog.”
“baka po kasi nagbebeauty rest ‘yan, kaya baka makaabala pa po kami ni raf,” pagbibiro ni riel at tumayo na kaya nag-angat ng kilay si wonwoo. “babalik na lang po kami ni raf, napadaan lang talaga po kami rito para bisitahin si kiko.”
“may lakad ba kayo?” tanong ni wonwoo sakanilang dalawa na naghahanda nang umalis. tumango si seungkwan sakanya at inayos ang buhok.
“christmas party ng org namin ni riel ngayon kaya bawal kami ma-late. alam mo ba kiko, officer pa ‘yan! vp pa!” pagmamayabang ni seungkwan kaya natatawang nagulat si wonwoo habang si seokmin naman ay nakakunot ang noo sa pangaasar ni jane.
“talaga? ano bang course niyo?”
“architecture!” sabay nilang sabi kaya lalong nagulat si wonwoo.
“ha? rafael? nag-arki ka?” gulat na tanong ni wonwoo. nakangiting tumango sakanya si seungkwan at lumapit para bumulong kay wonwoo.
“arki rin kasi ‘yung crush ko, kaya dun na rin ako,” natatawang sinabi nito at inakap ulit siya. “una na kami ni riel, kita na lang tayo ulit, kiko! we love you! wala kaming bad blood sayo, ha.”
“and that’s all thanks to gabby,” pangaasar ni seokmin na kunwari pang nagtataray. “joke. namiss ka namin, kiko. hangout tayo after christmas,” sabi ni seokmin sakanya at inakap din siya kaya umakap siya pabalik. seungkwan and seokmin did the same for his mom at nagwave pa ng kamay papalabas ng bahay.
just what did mingyu tell them? parang ang impossible naman kasing kakasabi ni mingyu sakanila ng ganun… magiging okay din sila sa duration ng six years na nakalipas.
now wonwoo’s curiosity is getting deeper. well, gusto niyang malaman. pero he can’t bring himself to ask dahil nahihiya siyang magtanong ng mga bagay-bagay most importantly kung tungkol sakanilang dalawa ‘yun.
wonwoo is aware of the mess he left… pero hindi naman siya aware na inayos na pala ‘yun ni mingyu para sakanya.
“denim ulit today?”
sinalubong na lang ni wonwoo si mingyu sa may gate nila para diretso na sila sa pagsakay sa tricycle. pagkakita niya kay mingyu, hindi napigilan ni wonwoo mangasar. mingyu laughs at his comment on his outfit. like… the boyish laugh he loves hearing. wonwoo stifles a laugh dahil sa pinakitang reaksyon ni mingyu.
“sayang naman kung isang labahan lang, ‘di ba?” sabi ni mingyu at humalukipkip. “polo ulit? ganyan ba pumorma mga taga-maynila?”
“annoying. ganito lang talaga fashion ko!” sabi ni wonwoo at lumabas na ng gate nila habang si mingyu naman ay tumatawa sa tabi niya.
maya-maya pa ay pumara na si mingyu ng tricycle para makapunta na sila sa may bayan. just like their usual ride, it took them 15 minutes lang. medyo napaaga nga lang sila ngayon kaya umupo muna sila sa may bench malapit lang sa mga stalls.
“so… nagkita na pala kayo nila raf kanina,” sabi ni mingyu pagkaupo nilang dalawa sa bench. “nung sinabi ko nga kagabi, hindi sila makapaniwala na nandito ka ulit eh.” dagdag pa nito.
“yeah, kaninang umaga,” tumango si wonwoo at tinukod ‘yung kamay niya sa gilid niya. “namiss ko sila. I feel sorry for them. I shouldn’t have left ng basta basta lang.”
after what he said, wonwoo looks at mingyu and the other man just stared at him in silence. wonwoo heaves a sigh and smiles at him.
“well, sainyo pala. I shouldn’t have done that. I know this is long overdue… pero ayun, I’m sorry,” sabi ni wonwoo. he doesn’t know din kung anong ginawa ng pagtulog niya kagabi at bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin na si mingyu ng ganito. siguro, after seeing his friends again, and them telling him what mingyu has done for him is the reason why. “pero may nasabi sila kanina sakin… na when I left, you tried your best to defend me sakanila. why would you do that, gabby? you should’ve been angry towards me.”
“bakit ako magagalit sayo?” tanong ni mingyu pabalik sakanya na para bang he even finds absurdity on his question. wonwoo doesn’t know why, but he can see longing in mingyu’s eyes. “you had your reasons na hindi namin alam kung ano. kaibigan ka namin, akiko, at alam naming hindi ka makakalimot ng basta-basta na lang. lalo na ako.”
“well… paano kung never na akong bumalik?”
“edi… hindi. basta ginawa ko lang kung ano ‘yung sa tingin kong tama bilang kaibigan mo,” sabi ni mingyu at binigyan siya ng matipid na ngiti. “I’ve known you longer than them… and even if hindi ka na talaga bumalik, may tiwala akong makakaalala ka pa rin, kiko.”
parang sa pelikula, right on cue ang biglang pagaannounce na magsisimula na raw ang misa kaya naman agad tumayo si mingyu at inaya na siya papunta sa may entrance ng simbahan.
wonwoo has yet to ask so many questions, but he guesses, that will do tonight.
simula nung inaya siya ni mingyu on his first day back home, naging habit na nila ang magkita tuwing 7 PM at umuwi ng 9 PM. wonwoo’s parents doesn’t mind at all. in fact, parang natutuwa pa nga sila na lumalabas si wonwoo every now and then. well, totoo naman. kaysa nga naman magmukmok siya sa kwarto niya ‘di ba?
everything seems back to normal na rin and surprise surprise! nakakapagbiro na rin si wonwoo at mingyu sa isa’t isa tulad lang ng dati na parang walang nangyari. it’s like wonwoo was easily given the chance to pick off the things he left. para ngang hindi siya umalis ng 6 years, eh.
tonight, panglimang araw na ng simbang gabi. ibig sabihin nun, limang araw na rin silang araw-araw magkasama ni mingyu. there are times na nafefeel ni wonwoo na marami ring gustong itanong si mingyu sakanya but when he realizes what he’s doing, he cuts off himself and says, nevermind. hindi mo kailangan sagutin. and when he does, wonwoo just shows a tight lipped smile. is he ready? aware naman siyang kailangan siguro ni mingyu ng explanation as a friend, but is he ready to tell the truth?
unlike their usual, nagdesisyon silang manatili muna sa plaza para kumain ng puto bumbong at enjoyin ‘yung paligid dahil konting araw na lang ay tatanggalin na ang mga ito at balik nanaman sa normal ang buhay nilang lahat.
“ay, try mo ‘to, masarap,” sabi ni wonwoo habang tinuturo ng plastik na tinidor ‘yung kinakain niyang special puto bumbong. mingyu raises a brow.
“anong pinagkaiba?”
“wala. may condensed milk lang tsaka keso.” natatawang sinabi ni wonwoo at kumuha sa special puto sulot ni mingyu. “uy, masarap din ha. kaso sobrang tamis—”
“kiko…” panimula ni mingyu kaya natigilan si wonwoo sa pagsasalita. he knows mingyu is hesitant based sa body language nito. he can’t help but feel nervous. “after that day… bakit ka umalis?”
wonwoo blinks at nagkatitigan lang sila ni mingyu. he swallows the sweet puto bumbong he’s eating but for some reason, it suddenly tasted bland. he’s getting confronted na.
“dahil ba ‘yun hinalikan kita?”
muntik nang mabilaukan si wonwoo sa sinabi ni mingyu. what the fuck????????? kitang kita na by now ‘yung gulat na expression ni wonwoo which made mingyu panic dahil baka kung anong mangyari sakanya. winasiwas ni wonwoo ‘yung kamay niya para sabihing okay lang siya, maarte lang! ano ba naman kasing tanong ‘yan!? nambibigla!? wala talagang preno ‘yang bibig mo mingyu gabriel kim!
“sorry— shit.” narinig niyang bulong nito habang hinihimas siya sa likod. “hindi ko na dapat binring up ‘yon. nevermind, huwag mo nang sag—”
“okay lang, dapat naman talaga nagpaalam ako sainyo. it was so wrong of me to just leave everyone of you behind,” sabi ni wonwoo and gives mingyu a small smile. “and… it wasn’t because you kissed me the night before,” sinungaling! “I just left because… wala. I wanted to start anew far from here.”
“we…” mingyu looks at him, maybe thinking kung sasabihin niya ba ‘yung nasa isip niya o hindi. wonwoo raises a brow to somehow encourage him to tell what happened. “naghintay kami sayo kinabukasan. nalaman na lang namin kinagabihan mula sa mga magulang mo na umalis ka na pala. I…” bumuntong hininga si mingyu and shows him a tight lipped smile. “akala ko…”
“akala mo ano?” holy shit. wala ‘yun, akiko. ‘wag ka mag-overthink. platonic lang ang lahat!
“...wala.” umiling si mingyu at tumawa sakanya. ginulo pa nito ‘yung buhok niya kaya wonwoo frowns at him. “akala namin babalik ka agad… ‘yun pala… hindi namin alam na kailangan naming maghintay ng anim na taon para sa’yo.”
hindi ‘yun ‘yung sasabihin niya. may iba pa siyang gustong sabihin. ramdam ni wonwoo ‘yun pero ang hindi niya alam ay kung anong pumipigil kay mingyu para sabihin ‘yun. tumango na lang si wonwoo sa sinabi niya.
“sorry,” sabi niya ulit kaya kumunot si mingyu at umiling. sinarado na nito ‘yung empty styrofoam na pinaglagyan ng pagkain nila kanina at sinilid sa plastic. kinuha niya rin ‘yung pinagkainan ni wonwoo at sinama sa plastic na dala niya. pinanood lang siya ni wonwoo at napansing hindi pa rin nagbabago si mingyu… more like, hindi talaga nagbago ‘yung pakikitungo ni mingyu sakanya. naguguilty si wonwoo. parang ang unfair. “wala akong masabi bukod sa sorry. sorry naging unfair ako.”
“okay na, kiko,” sabi ni mingyu at tumayo para itapon ‘yung plastic na dala niya sa malapit na basurahan. bumalik agad siya pagkatapos. “naintindihan ka naman namin—”
“more like, pinaintindi mo sakanila?” natatawang sinabi ni wonwoo. tumango si mingyu sakanya.
“yeah… we don’t— I don’t want to be unfair to you,” sabi ni mingyu habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. “naisip ko, baka hinahabol mo pangarap mo. so sino ba kami para husgahan at pigilan ka?” dagdag pa nito at inaya na siya para umuwi. “tara na. magaalas diyes na pala.”
after ng usap nilang ‘yun, things felt kind of better for wonwoo. parang he’s slowly putting the puzzle pieces together, ganon! maybe, tama nga talaga na bumalik siya rito sa la carbajal. if he didn’t, he’ll probably forever be haunted by his past he tried to forget… pero alam din naman niyang he could not escape from it no matter how hard he tries.
hinatid na siya ni mingyu sa may gate nila ( ganda. literal na magkatabi lang naman bahay nila. ) at sinabing, bukas ulit! with his usual boyish smile. wonwoo is internally screaming inside lalo na nung naalala niya ‘yung sinabi ni mingyu kanina.
mingyu is his first kiss. well, you see, totoo talagang wonwoo had a LOT of firsts with mingyu. first love, first person na lagi niyang tinatawag pag mag-isa lang siya, etc. pero ang pinakamalala talaga ay… ‘yung first kiss. FIRST KISS.
hindi naman talaga ganun ka-big deal ‘yun kay wonwoo kung wala pa siyang ganun at his age, but when he first got it at the age of 16 at sa first love niya pa, feel niya, that time, para siyang nasa clićhe romcom na biglang nagslow-mo ‘yung paligid at ramdam na ramdam niya rin ‘yung malakas na tibok ng puso niya.
on his way towards his room, hindi niya napigilan na magmadali at pagdating niya sa loob ng kwarto, he immediately plops himself sa kama and screams out his wits sa unan niya. the image of him and mingyu sharing a kiss that day is still vivid on his head lalo na noong pinaalala ito ni mingyu.
he now hates himself for thinking na baka na-mislead niya si mingyu into something tapos bigla siyang umalis kinabukasan? impossible. pero that time, wonwoo already knows na aalis siya, pero wala lang talaga siyang pinagsabihan. the kiss he shared with mingyu… he marked it as a final goodbye for the first man he ever loved (romantically… cos the first man would always be his dad!). it may be one sided, but atleast, it’s a good closure for him. pero ang selfish nga niya sa part na ‘yun and he’s well aware of that.
wonwoo lies on his back and stares at his ceiling. lord eto na po ba ‘yun???? ngayon na ba talaga siya magkakaroon ng closure kay mingyu???? LORD I THINK POSTPONE???? parang hindi ko pa pala kaya magpaalam HUHU
he sighs and lies on his side at inakap ‘yung bolster niyang ka-edad niya na ata sa sobrang tagal. he closes his eyes and hopes na tomorrow… maybe, miraculously, he’ll get answers from his own questions he’s too afraid to ask.
today is december 21, which means na pang 6th day na ng simbang gabi at kahit na ayaw ni wonwoo magising ng maaga, bigla na lang siyang binulabog ni seungkwan at seokmin nang walang pasabi. kaya heto siya ngayon, medyo inaantok pang nakaupo sa mesa habang nagaagahan silang tatlo.
kasalukuyan, kwento nang kwento si seungkwan tungkol sa manliligaw niya habang si seokmin naman ay gatong nang gatong sa pangaasar. wonwoo can’t help but hide a smile, ganito sila araw-araw dati nung junior high pa sila. it warms his heart at kahit ngayon hindi pa siya makapaniwala na hindi galit ang mga ito sa kanya. just how did mingyu convinced them?
“ay kasi ‘di ba, tinulungan ka pa ni gabby dun sa crush mo na ‘yun!” narinig niyang sinabi ni seokmin kaya napalingon si wonwoo. “grabe talaga ‘yang si gabby, ‘no, always doing charity for the poor!”
“hayop ka,” natatawang sinabi ni seungkwan kay seokmin. “eh, nagkataon lang naman na org mates sila. pero honestly, thankful din naman talaga ako kay gabby. naging kaibigan ko tuloy si vernon dahil sakanya.”
“oo kasi na-friendzoned ka teh. huwag mo nang pagtakpan,”
“napakadumi ng bibig mo ang aga aga pa.” naaasar na sinabi ni seungkwan kaya natawa na si wonwoo sa pinagkukwentuhan nila. nilingon naman ni seungkwan si wonwoo at biglang nagshift ‘yung tingin kay seokmin na para bang may silent conversation sila.
“oh ikaw, akiko, may naging boyfriend ka ba sa manila?” tanong ni seokmin at uminom ng tubig. “nako, sa ganda mong ‘yan ha? kapag wala talaga, sinasabi ko sayo—”
“huy wala ‘no,” sabi ni wonwoo at umiling. “busy mag-aral kasi graduating na… tsaka sa org pala kasi officer din ako. wala na akong time para sa ganun, ‘no.”
" ayyyyy— ” nangaasar na kantiyaw ni seungkwan. “baka naman may hinihintay ka lang?”
“sira!” sabi ni wonwoo. “sino naman aantayin ko, ‘no?”
“hoy, kahit naman umalis ka rito at nawala for six years, alam naman naming may gusto ka pa rin kay gabby ‘no,” pagaakusa ni seokmin bigla sakanya kaya umangat ang kilay ni wonwoo.
“h-huy! hindi na ‘no.” sabi ni wonwoo at sinubo ‘yung huling piraso ng hotdog na kinakain niya. “ang tagal na kaya nun!”
“huy, anuna teh. kami pa bibiruin mo? six years ka lang nawala akiko, kilala ka na namin more than those six years of time. o baka naman nagka-amnesia ka, ha. magaling ka magkunwari,” dirediretsong sinabi ni seokmin kaya natawa na lang si wonwoo.
“huy ha, pero alam mo kiko, kahit hindi naging kayo ni gabby, grabe ‘yung ano…” nilingon ni seungkwan si seokmin at tinuro pa ito gamit ang tinidor. “naalala mo ‘yun, riel? ‘yung time na galit na galit tayo kay kiko tapos sabi ni gabriel, ‘ikalma niyo sarili niyo. matagal niyo nang kaibigan si gee. magtiwala kayo.’ basta! laging ganun sinasabi niya, lagi ka niyang pinagtatanggol kahit miski siya hindi niya alam san ka nagpunta.”
“true,” tumango si seokmin sa sinabi ni seungkwan. “basta lagi na lang siyang ngumingiti pag tinatanong namin kung nagpakita ka na ba kahit tuwing pasko. tapos laging iisa lang sagot niya, ‘wala eh. baka next year, magpakita na ‘yun.’ grabe ka wonwoo akiko jeon ha, ano bang gayuma ginawa mo dun sa tao?”
“honestly, akala ko talaga magiging kayo,” sabi ni seungkwan kaya natigilan si wonwoo sa pagkain habang si seokmin naman ay natigilan din mid-way sa paginom sana nito ng tubig. “kasi diba riel, may namention si gabby satin—”
“weh?” nanlaki ‘yung mata ni seokmin habang ngumingiwi naman sa sakit ‘yung expression ni seungkwan kaya napaangat ng kilay si wonwoo. “parang wala naman, raf! ano ba! huwag mo ngang paasahin si kiko.”
“ ayyyyy wala ba? baka sa iba pala ‘yun, hehe.” sabi ni seungkwan at uminom ng tubig kaya napailing na lang si wonwoo.
“ayos na ‘yun. parang… out of my league naman si gabby kahit nung una ko siyang nakilala. so… alam niyo ‘yun? parang hindi kami bagay,” bumuntong hininga si wonwoo sa dalawa niyang kaibigan. “pero… should I thank him? I mean, he’s done a lot for me, lalo na within sa 6 years na wala ako.”
“alam mo kiko,” sabi ni seokmin at hinawakan siya sa braso kaya umangat ang kilay ni wonwoo. “sabihin mo lang kay gab ‘yung dahilan kung bakit ka umalis… o kaya, basta maging honest ka lang kay gab... sapat na paraan na ‘yun ng pasasalamat para sakanya. sa tingin namin, mas deserve niya ‘yung mga sagot na gusto niyang malaman galing sayo kaysa sa amin.”
pagkatapos nilang kumain ng umagahan, nagstay pa ng konting oras sila seokmin at seungkwan bago umalis before lunch time dahil may org party ulit sila. sipag naman!? daming org!? kaya naiwan na ulit si wonwoo mag-isa dahil pumasok naman sa trabaho ‘yung mga magulang niya.
hindi maalis sa isip ni wonwoo ‘yung sinabi ni seokmin sakanya kanina. maging honest? bakit? ano bang gustong malaman ni mingyu tungkol sakanya? you see, hindi naman talaga kasi si wonwoo ‘yung tipo ng tao na mahilig mag-assume kaya more often than not, parating umiiwas na lang siya sa mga sitwasyon na alam niyang magkakasakitan lang both parties. pero ang weird… konektado ba ‘yun sa sinasabi ni riel kanina?
so again, like their usual, sinundo ulit siya ni mingyu at exactly 7 PM para umattend ng simbang gabi. this time, swerte yata sila dahil nakakuha pa sila ng seats sa loob ng simbahan.
sa buong duration ng mass, parang lumilipad ‘yung utak ni wonwoo sa daming tanong na bumabalot sa isip niya. hindi niya kasi alam kung ito na ba ‘yung right time para tanungin niya si mingyu. pero kung hindi ngayon, o kung hindi sa mga panahon na magkasama sila, edi kailan? kapag wala na ulit ako rito? talaga bang aalis siya nang hindi nasasagot ‘yung tanong nila ni mingyu sa isa’t isa?
pagkatapos ng misa, nagoffer si wonwoo kay mingyu na maglakad na lang sila pabalik sa bahay. malapit lang naman kasi, mukha lang malayo dahil tumatrapik tuwing byahe. nung una, naweirduhan si mingyu pero inunahan pa nga niyang maglakad si wonwoo kinalaunan.
habang naglalakad sila, wonwoo gathers his courage para tanungin na si mingyu.
“gabby…” tumingala si wonwoo kay mingyu kaya nilingon naman siya nito at nagangat ng kilay. wonwoo fiddles with his fingers dahil sa kaba. “may gusto ka bang itanong sakin?”
“huh?” kumunot ang noo ni mingyu. “tungkol saan?”
“kahit saan?” sagot ni wonwoo pabalik. “basta, kahit anong gusto mong malaman. may gusto ka bang sabihin sakin?”
“ah…” ngumiti si mingyu at umiling pero ramdam ni wonwoo na naweirduhan siguro ito sa tanong niya. “wala naman. bakit? may gusto ka bang itanong o sabihin sakin?”
“galing ha, bumalik lang sakin ‘yung tanong ko,” pangaasar ni wonwoo kaya parehas silang natawa ni mingyu. “uhm… wala naman specifically. gusto ko lang magpasalamat sayo, like, formally.”
“huh? para saan?”
“kasi… pinagtanggol mo ako kila raf? kahit ikaw mismo, hindi mo alam ‘yung rason kung bakit umalis ako bigla o kung kailan ako babalik,” sabi ni wonwoo at bumuntong hininga. tumango naman si mingyu sakanya. “I’m sorry for making you wait… for making everyone of you wait. pero… why did you do that?”
“‘yung alin?”
“gabriel, sabihin mo sakin ‘yung totoo,” sabi ni wonwoo at huminto sa paglalakad. malapit na silang makaalis ng bayan pero matingkad pa rin ang kutitap ng mga ilaw sa paligid nilang dalawa ni mingyu. “pakiramdam ko, may gusto ka pang itanong o sabihin sakin pero hindi mo lang magawa. bakit mo ginawa ‘yun?”
“kasi ayaw kong magalit sila raf sayo, kaya pinaintindi ko sakanila na baka importanteng rason ‘yan—”
“hindi… gabby,” umiling si wonwoo sakanya. “nung nagusap tayo kagabi, feeling ko may gusto kang sabihin. ano ‘yun?”
“kasi…” natigilan si mingyu sa pagsasalita at bumuntong hininga bago siya tiningnan ulit sa mata. “kasi… kasi ano—”
“kasi…?” natatawang follow up ni wonwoo. “gab, ano? sasagutin din kita ng totoo, promise, kahit anong gustong malaman m—”
“kasi gusto kita, wonwoo.” sabi nito sakanya at nag-iwas bigla ng tingin.
huh?
hindi ba nabibingi si wonwoo? ‘yung first love niya? ‘yung taong way out of his league, may gusto sakanya?
unti-unting ngumisi si wonwoo at humalukipkip habang si mingyu ay nakatingin pa rin sa malayo. nilingon ulit siya ni mingyu pero agad na umiwas ulit kaya pigil na pigil ‘yung tawa ni wonwoo. LORDDDD SOBRANG CUTE NI MINGYU!?!?!
“uh… kaya akala ko, pagkatapos nung araw na hinalikan kita, malinaw na senyales na ‘yun kung anong nararamdaman ko para sayo. kaya nagulat na lang din ako nung nabalitaan ko kinabukasan na umalis ka na ng wala man lang paalam,” dagdag nito kaya wonwoo’s eyes softens for him. now he’s really guilty. “pero naisip ko, kasalanan ko rin siguro. hindi ko naman sinabi ng direkta sayo, eh. naisip ko rin na baka inisip mo na paasa ako nung oras na ‘yun, which, I think, deserve ko naman. sorry, kiko.”
“mingyu,” tinawag ni wonwoo si mingyu at hinawakan ‘yung mukha nito in between his hands. hindi na rin napigilan ni wonwoo at bigla niya na lang siyang tumingkayad at niyakap si mingyu. yumuko si mingyu at niyakap siya pabalik. “I’m so so sorry, gabriel.”
“wonwoo, okay nga lang,” natatawa nitong bulong sakanya. mukha siguro silang tanga! grabe. pero excuse me lang!? main character moment to ni wonwoo! wala siyang pake kung mukha silang junior high school na naglalandian after simbang gabi! maya-maya pa ay pinakawalan na niya si mingyu at nagpunas siya ng luha galing sa mata niya kaya nagpanic si mingyu. “shit— kiko, sorry. sorry, nabigla lang ako—”
“ oh my god —” natatawang sinabi ni wonwoo kay mingyu kaya kumunot naman ang noo ni mingyu sakanya. “all this time!?”
“huh?”
“mingyu, umalis ako kasi alam kong hindi mo ko magugustuhan,” sabi ni wonwoo habang pinupunasan pa rin ‘yung pisngi niya. “‘yung halik na ‘yun, akala ko, you would take that as a sign of goodbye… like, a proper closure before I left. pero I shouldn’t have left without saying anything to anyone of you, mali pa rin ako dun. pero…” hindi na napigilan ni wonwoo ang pagtawa because what is this absurdity he did not signed up for!!? “umalis ako para makalimutan ka. I know it would be hard with our houses literally next to each other kaya… ako na lang lumayo,”
“wonwoo…? gagi… siraulo ka.” natatawang sinabi ni mingyu sakanya at ginulo ‘yung buhok niya. naiiritang sinaway ni wonwoo ‘yung kamay niya pero bakas pa rin sa mukha nito ‘yung hindi maalis na ngiti. “pero, sorry din. dapat talaga sinabi ko. narealize ko lang lahat ng pagkakamali ko nung wala ka na rito sa la carbajal. kaya… ayun, nagfocus na lang ako sa sarili ko.”
“and you did so well, mingyu,” nakangiting sinabi ni wonwoo sakanya at hinawakan siya sa kamay. “grabe, magna cum laude? board topnotcher? pano na ‘yan, gabby? ” pangaasar ni wonwoo. “lalo ka nang way out of my league. you deserve someone better,”
“why would I deserve someone better, wonwoo?” kunot noong tinanong ni mingyu sakanya. “when I already have the best?”
and just like what the Queen Niki herself said: Baby, I'd give up anything to travel inside your mind, baby, I fall in love again come every summertime
wonwoo smiles, like one that’s really cheeky na pati mata niya sumisingkit. mingyu holds his hand at naglakad na ulit sila pauwi ng bahay. at parang isang scene sa classic romcom, parang mga teenager lang, magkaholding hands sila habang may malaking ngiti sa mukha nilang dalawa at nagiiwasan pa ng tingin.
hindi pa tapos ‘yung simbang gabi pero lumamang na agad si wonwoo sa mga kasabay niya kasi natupad na agad ‘yung wish niya.
like the usual kapag sumasapit na ang december 24, mas dumodoble ‘yung tao na nagsisimba para magpasalamat sa Diyos. this time, sorry na lang talaga, may kahawak na ng kamay si wonwoo kaya hindi na siya mawawala kahit gitgitin pa siya.
after that night, parang zombie na gumising si wonwoo kinabukasan dahil hindi siya nakatulog ng maayos. paano, tuwing pipikit niya mata niya, naalala niyang magkaholding hands sila ni mingyu na naglakad pauwi ng bahay.
hindi pa niya pinapaalam sa parents niya dahil gusto raw ni mingyu na siya ang magsasabi mamaya pag-uwi. medyo kinakabahan si wonwoo kasi first time niyang magkakaroon ng manliligaw… pero for sure, papayag naman ang parents niya dahil kilala naman na si mingyu matagal na.
since it’s the last day today, tulad ng sabi ng mga matatanda, every church goers can make a wish. syempre, bilang mapamanhiin, maniniwala si wonwoo, kaya naman nung final blessing na ng misa, pumikit si wonwoo nang mariin.
Lord, sana kasama ko si mingyu sa graduation ko.
he opens one eye para silipin si mingyu at nakitang nakapikit din ito na parang nagwiwish din. wow, ano kayang winish niya?
pagkatapos ng misa, sumakay na sila ng tricycle para mapabilis ng uwi para sa noche buena. nung nasa tapat na sila ng bahay nila, natigilan si wonwoo dahil inunahan siya ni mingyu sa tapat ng gate nila.
“bakit?” nakaangat ang kilay ni wonwoo. tinitigan siya ni mingyu kaya natawa siya. “gab, bakit?”
“tara. sasamahan kita sa loob.” sabi nito at pinagbuksan siya ng gate.
and like what he had expected, busy ‘yung mommy and daddy niya pati ‘yung iba niyang tita na maghanda para sa noche buena kaya naman pagkapasok nila ng bahay ay hindi sila napansin na pumasok sa loob. it wasn’t until nag-angat ng tingin ‘yung mommy ni wonwoo para mapansin silang dalawa na nakatayo lang sa may pinto.
“oh, nandito na pala sila wonwoo eh,” sabi ng mommy ni wonwoo at naghugas muna ng kamay bago sila lapitan ni mingyu. “ano, gab? okay na?”
“okay na po,” tumango si mingyu sa mommy niya at ngumiti habang nagpapapalit-palit ang tingin ni wonwoo sakanilang dalawa. ano ‘yan!? pasali sa usapan!? “thank you po. nagawa ko na po.”
“ay… edi ayos na?” nakangiting tumango ‘yung mommy ni wonwoo. “sige, simula ngayon… teka,” huminto ito sa pagsasalita at humarap sa mga kamag-anak ni wonwoo na nandun sa bahay nila ngayon. gulong gulo naman si wonwoo sa nangyayari. mommy????? walang orientation????? “ito nga pala, manliligaw ni akiko. kapitbahay namin. napakabuting bata kaya hindi niyo kailangan magalala…”
huh?????? akala ko ba magpapaalam pa si mingyu??????
“matagal na kitang pinapagpaalam, kiko,” bulong sakanya ni mingyu dahil nahalata siguro nito ang surprised pikachu face energy na pinakita niya. “kahit habang iniintay pa lang kita, sigurado na ako, wons,” dagdag nito. “it may seem na a lot has changed for the past six years but honestly, my feelings for you remained the same.”
napangit si wonwoo sa narinig niya kay mingyu habang nakatingin siya sa commotion na nangyayari sa harap niya. ‘yung ibang tita niya ay papalapit na sakanilang dalawa ni mingyu para kausapin, natawa pa siya kasi ‘yung iba literal na naggagadgad ng cassava tapos huminto!? tita!? ang noche buena!?
maybe… coming home was really the best decision wonwoo has ever made. he wouldn’t trade this for anything else.
AFTER A FEW MONTHS
ADMU COMMENCEMENT ‘22
“huy ha, ang layo ng binyahe namin dito! ayusin mo posing!” kantiyaw ni seokmin sakanya habang nakahawak ito sa dslr na dala niya. “ayan, oh… seungkwan, ayusin mo toga niya.”
“ano ba, para namang artista?” natatawang sinabi ni wonwoo sa dalawa niyang kaibigan. si rafael nga tinuturuan pa ko mag-pose!? excuse me!? hindi niya ba nakita ‘yung instagram ko!? “tama na ‘to ha,”
“hindi, hangga’t hindi nauubos baterya nito, hindi tayo titigil!” pangaasar ni seokmin kaya natawa silang dalawa ni seungkwan. “andaming memories na nawala sa 6 years, wonwoo akiko jeon, baka nagkakalimutan tayo?”
“oo na,” pabirong iritadong sagot ni wonwoo pero ginagawa pa rin naman niya mga pinapagawa ni seokmin sakanya.
maya-maya pa ay may naaninag si wonwoo na nakalongsleeve na itim at gray pants na tumatakbo sa direksyon nila. niliitan ni wonwoo ‘yung mata niya at nakitang si mingyu ‘yung papalapit sakanilang tatlo. tingil ni seokmin ‘yung pagpipicture at nilapitan naman ni wonwoo si mingyu na hinihingal dahil sa pagtakbo.
“ay, hulas ang kapogian, gabby!” pangaasar ni seungkwan.
“tigilan mo siya, wala ka lang jowa kaya ganyan ka sumagot,” sabi ni seokmin kaya inirapan na lang siya ni jane.
“ano ba, bakit ka ba tumakbo?” natatawang sinabi ni wonwoo kay mingyu na nakayuko at nakatukod ‘yung kamay sa tuhod para sa suporta. “nagmamadali ka? gagraduate ka rin ba?”
“eh, I couldn’t miss this, wons,” sabi ni mingyu at unti-unti nang na-regain ‘yung composure niya. pumalatak si wonwoo at kinuha ‘yung panyo niya sa bulsa para punasan ‘yung pawis ni mingyu. “thank you.”
“always welcome,” ngumiti si wonwoo at kinurot si mingyu sa pisngi.
maya-maya pa ay nagsimula na ang graduation rites at bilang magulang lang ang allowed sa loob, sinabi nila seungkwan na magsestay na lang muna sila sa starbucks para magpalamig at itext na lang sila kapag patapos na para makabalik na sila sa loob.
wonwoo can’t help but smile every now and then. natupad naman ‘yung wish niya last simbang gabi. or because… madalas na talaga silang nagkikita ni mingyu mula nung season na ‘yun dahil nakakuha na raw ito ng trabaho sa may pasay. engineer ata siya sa may smdc at may condo malapit lang din sa trabaho nito kaya mas naging madali na ‘yung pagkikita nila every now and then. umuuwi pa rin naman ito kapag weekends at minsan, sumasabay din si wonwoo kapag hindi busy.
after 6 years of staying at admu, wonwoo can finally say that he’s free! well, sad, kasi mamimiss niya blockmates niya and orgmates na rin. hindi nga niya inexpect na grumaduate pa siyang cum laude. grabe, akalain mo nga naman? so ang susunod na kabanata naman ng buhay niya ay ang pagdedesisyon pa rin kung tutuloy ba siya ng law school o magiging full time househusband na lang. ‘yan ang tunay na goal.
anyway, pagkatapos ng graduation ceremony ay dumiretso na sila pauwi sa la carbajal para icelebrate ‘yung milestone ni wonwoo kasama ng mga kamaganak niya at iba pa nilang kaibigan. magkatabi sila ni mingyu the whole ride and he even slept sa shoulder nito. for wonwoo, this is what it feels like to be genuinely happy.
after almost 4 hours ng byahe ay nakarating na sila sa la carbajal. wonwoo is surprised by his titos and titas na naghanda ng celebration spread para sakanya. hindi naman siya ‘yung unang graduate sa ateneo sa family nila, pero siya kasi ‘yung huli bilang siya ‘yung bunsong apo.
everyone is having fun with the celebration, invited din ‘yung ibang high school friends ni wonwoo at mingyu (since marami nga silang common friends). Actually, nakita pa ni wonwoo si minghao! hao is mingyu’s bestfriend at nalaman niyang civil engineer din pala ito pero nagpaplanong sa thailand magtrabaho.
maya-maya pa ay nagpaalam si wonwoo at mingyu na lalabas muna sila para magpahangin. nagdesisyon silang maglakad na lang papuntang plaza kung saan sila nagka-aminan dati. funny, because they may look stupid right now ( dahil sino ba naman kasi ang maglolongsleeve sa initan!?) but wonwoo couldn’t care less. again, it’s his main character moment!
umupo sila sa same spot kung saan sila kumakain ng puto bumbong dati. unlike that time, wala nang makinang na mga ilaw, tanging sinag na lang ng araw ang nagsisilbing liwanag sakanilang dalawa.
“well, pano ba ‘yan, wons? ” pangaasar ni mingyu kaya kumunot ang noo ni wonwoo. “cum laude, legma pa. hindi kita reach. ”
“ay, grabe ha,” natatawang sinabi ni wonwoo. “nahiya naman ‘yung magna cum laude sakin? please, ako lang ‘to ‘no.”
“yeah, mas mahirap mag legma.” sabi ni mingyu na parang cinoconvince pa si wonwoo na higit siya sa naachieve ni mingyu. “so… ano, maglalaw school ka na?”
“well.. it depends?” sabi ni wonwoo. kumunot naman ang noo ni mingyu na para bang naguguluhan sa sinabi ni wonwoo.
he prepared for weeks just to say this particular line. nagkataon lang talaga na tinanong din siya ni mingyu tungkol dun kaya wonwoo is taking this as a sign.
“depends? depends where?” sabi ni mingyu. “well… kung pagod ka naman na, naiintin—”
“it depends kung gusto mo ng abogadong boyfriend.” wonwoo said with much confidence kaya napahinto si mingyu sa pagsasalita midway at napa-awang pa ang bibig nito sa gulat.
“huh? anong sabi mo, wonwoo?”
“nagkukunwari ka nanamang bingi eh,” pangaasar ni wonwoo at pinisil sa pisngi si mingyu. kita niyang hindi maalis sa mukha ni mingyu ‘yung malaking ngiti, ‘yung sumisingkit na rin ‘yung mga mata nito sa tuwa. “mingyu gabriel!”
“ulitin mo.” sabi ni mingyu nang nakangiti sakanya. naginarte si wonwoo at umirap bago bumuntong hininga para sabihin ulit ‘yung sinabi niya kanina.
“depende, kung gusto mo ng abogadong boyfriend—”
natigilan si wonwoo sa pagsasalita nung bigla siyang hinawakan ni mingyu sa pisngi at hinalikan sa labi. wonwoo relaxes after a while and responds to mingyu’s soft and mellow kiss. iyung tipong nakakatunaw sa sobrang lambing.
pinakawalan din siya ni mingyu after a while at agad siyang niyakap. ang cute, kasi yumuko talaga siya para hindi na tumingkayad si wonwoo. wonwoo returns his hug and taps his back.
“second kiss ko pa lang ‘yun.” pangaasar ni wonwoo kaya nung binitawan siya ni mingyu, nakita niyang nakangisi ito sakanya.
“pangatlo mo na ‘yun, kiko.”
huh?
“huh? bat parang mas alam mo pa? second pa lang kaya ‘yun!” sabi ni wonwoo kaya natatawa naman si mingyu sa naging reaksyon niya. “baka ikaw!”
“ako?” natatawang tinanong ni mingyu si wonwoo. “ako pa, ha? na naghintay ng six years para sayo?”
“gabby…” wonwoo is once reminded again of what he did but mingyu is quick to respond with a kiss on his cheeks. “sorry na nga.”
“oo na nga, biro lang ‘yun.” sabi ni mingyu. “tara na? uwi na tayo? icelebrate na rin natin anniversary natin.”
“bwisit ka!” natatawang sinabi ni wonwoo as he clings on mingyu’s arm habang naglalakad sila pauwi. “tinaon mo lang siguro ngayong graduation ko para makatipid ka ng handa, ‘no?”
“ha? sino ba umamin, ha?” natatawang rebutt ni mingyu sakanya.
well, if you would ask wonwoo 100 words ago from this fic, hindi niya talaga aakalain na makikita niya pa ulit ‘yung first love niya. moreso, aamin pa sakanya at magiging sila. maybe, simbang gabi really has magic inside of it! joke. siguro, swerte lang talaga si wonwoo at sobrang loyal ng first love niya sakanya.
every christmas from now on and every simbang gabi, wonwoo knows na he won’t be lonely anymore. atleast ngayon, may kasama na siyang kumain ng puto bumbong every after mass.
bonus kung may kiss pa sa cheeks!
