Actions

Work Header

shifting

Summary:

nakapalitan niya si johnny sa isang shift.

na naging dalawa, tatlo, at sumunod.

 

eh ang kaso, di lang ata oras nila ang magshshift sa kanila.

 

—the enigma of one sided enemies to hindi na enemies to hindi na talaga enemies kasi lovers na sila au.

Notes:

andito na naman siya!!!

this au is originally a practice au lang, back in august when i don't really have the time to devote myself into writing my full length-with plot and edits na nga na au stories, so this was a let out kinda au.

this note will mostly be dedicated sa aking notice na there WILL be instances na may pagkakamali here on how the kitchen industry works. (i hope voices lang sa utak ko ang nagsabi but hindi na, sure rin ako) so if ever may wrongs man, i'm........sorry po.

ayon.

ayon, unbeta-d ren. i lov u all wala na napamahal na naman ako sa mga tao sa internet

may u enjoy this little gift of mine (nakalabas na si jesus, pero eto hindi pa, kaya pasko pa rin.)

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Busy sa pagkukumpleto ng oras si Ten, hindi lang naman dahil sa masipag siya, utos kasi yon ng manager nila.

 

Bawal kasi ang pakikipagpalitan ng shift, "work with what you are given" ang isa sa quotations ng boss niya, probably from facebook. At isa ang assigned shifts sa mga iniimplement-an ng boss niya ng ganitong rule.

 

Pwede naman raw, basta ang quotang orders na pang isang araw ay makukumpleto lamang sa loob ng isang shift window.

 

Labag man sa loob niya 'yon [at kahit anong gawin niya'y wala naman siyang magagawa dahil iyon palang ang trabahong mahahanap niya sa ngayon,] susundin at susundin niya 'yon.

 

He just wishes na sana mayroon siyang makakatrabaho na kaya siyang gatungan as a Working College Student na Hindi Alam Kung Paano Imamanage ang Oras™.

 

Yan ang sabi niya noong nagsimula siya, and he was very optimistic na meron nga.

 

But days turned weeks, then months, at eto siya ngayon, sa kusina ng kanyang pinagtatrabahuan, nagmamadaling kumpletuhin ang quota niya [because walang free sa kanila na magako ng shift] bago magpaalam kasi puta naman, nagaaral yung tao.

 

On the verge of crying kasi parang hindi siya aabot sa deadline niya, a bell from the steel door rang, showing an unfamiliar tall person standing sa may door, wearing denim pants na hindi super tight but not super luwag, black shirt, at may black rin na bag that slings in his broad shou—

 

"Baka siya na yung kikidnap sakin", isip isip ni Ten habang sinubukang bumalik sa ginagawa niya. Hinahabol niya pala ang oras, inuna niya pang manggago sa utak niya.

 

" Mukhang mayabang, baka magrereklamo to."

 

"Wag mo nalang sigurong pansinin, papansin ata yan pag ganyan"

 

"hey, asan si tito?"

 

"Ha?"

 

The tall male has his face blanked, asking his question once again, "Asan kako si tito?"

 

Ten, who's now running on 4 cups of original black coffee, [not his taste btw, kaso yun lang available.] palpitating, has faced the man with confusion etched on his face. "Sinong tito ba?"

 

The guy gave him the same puzzled look and stayed silent, which kind of triggered something in the smaller. "Tangina kuya, kung wala kang gagawin dito lumabas ka ah?" Sabay irap nito at bumalik sa kanyang trabaho.

 

"Makatangina ka, edi tangina mo rin."

 

At sa pagkabagtas ng salita ng lalaki mula sa kaniyang bibig, kulang nalang ay magjet-pataas si Ten sa galit kasi tang ina niya raw?????????? TANGINA NIYA RAW?????? pakagago.

 

"Di ka ba lalabas, ha?"

 

Natawa naman yung lalaki, apakaunpredictable. "Look, I'll start working here, hinahanap ko yung owner kasi magsasabi na ako. Okay na ba 'yon?"

 

Hindi talaga, sa totoo lang, kaso to end this pointless conversation, tumango nalang si Ten, massaging his temple as this conversation gave him nothing but stress. He pointed his finger sa may isa pang staff door. "Andoon siya, puntahan mo nalang," buntong hininga ni Ten, habang ang isa naman ay nakatitig lang sa kanya, "oh, and while you're at it, please be nice and leave the fuck out of my sight."

 

The tall male scoffed. "Okay." Umirap na lamang siya, at nagtrabaho, minding the excuse he'll have on the email later.

 

 If dadagdag pa siya sa mga aalalahanin niya dito bukod sa schedule niyang pangit at sa manager niyang saksakan ng siraulo, magreresign talaga siya.




Except he didn't kasi no choice nga siya, at ngayon, kasunuran na niya sa shifts yung lalaki, which is Johnny.

 

Johnny takes the night shift, particularly the 10PM to 4AM, natatapat sa  

graveyard shifts ang trabaho nito, which is nice sa totoo lang, sana siya rin .

 

Hindi rin naman sa kinoconclude niya na baka dahil tiyuhin niya yung may-ari ay ganon na ang shift niya. Pero sige, ganun na nga. 

 

Which he's not mad about, seryoso. Sana siya lang rin? Loyal naman siya sa trabaho [mags-six months no choice, loyalty na yon in commercial or corporal terms ( CORPORAL TERMS?_?#?_?)

Mabait naman siya. And, 1 month into having Johnny as a coworker, hindi niya pa na-aaway uli like before so, deserve naman niya siguro?

 

Well, beside giving eyerolls and not looking agad kapag tinatawag siya ni Johnny for something, ayun pa lang naman nagagawa niya, bukod sa ngingisian lang siya nung gago, o tatawanan, wala naman, hindi pa siya nasusuplong.

 

Hindi niya alam kung bakit, maybe pinagtitripan lang siya neto? Baka nga siguro.

 

Baka nga siguro?

 

Isip isip niya, hindi pa naman siya kinakausap ng manager nila about employee's misconduct slash bad things to do eme eme, so wala pa naman siyang strike.

 

Pero okay, sabihin na nating wala talagang balak na masama yung katrabaho niya.

 

Mali.

 

mali. oo nga pala, minura siya neto noong first day sa trabaho.

 

So being the farmer he is, itinanim niya uli ang pinakaabundant niyang tubo, kasi mukhang hindi pa ata enough sa kaniya ang meron siya.

 

Nagtanim uli siya ng sama ng loob, kasi minura siya neto at hindi naman nagsorry ang katrabaho niya about it.

 

"Baka nagiipon yon ng strike para paalisin ako agad, tangina talaga non eh no." Chika sa sarili without proper sources, all whilst drawing scribbles sa papel niya sanang susulatan ng notes for a report.

 

Stopping his track of thoughts, nagulat siya nang may ulong biglang sumusulpot sa peripheral niya. 

 

Tatawa lang sana siya, kaso nakita niya ang mukha ng nakadukwang sa balikat niya. He just… sighed.

 

"putangina naman"

 

"oh bakit?" tanong ng nakatatangkad na nakadukwang pa rin.

 

"pwede ka namang kumalabit?? bakit kailangan mo sumilip silip diyan?" sigaw neto habang tinakpan bigla ang papel at cellphone niya na nakapatong sa lamesa na  nakaharap sa mahabang upuan sa loob ng staff room nila.

 

ang schoolwork niya lord, ikaw na bahala?!

 

"bakit mo pa tinatago?" tinatanong ni Johnny, "nonood lang naman ng bold, nagt-take notes ka pa?"

 

napanganga si Ten, medyo gulat sa sudden accusation sa kaniya "kinginang bunganga yan bogs, bastos"

 

bogs? "tss, susumbong kita kay tito. dito ka pa nanonood."

 

Napabigla naman ng tayo si Ten sa upuan nang aakma nang sumigaw ang katrabaho para tawagin ang manager nila. Agad niyang tinakpan ang bibig neto at hila hila ang isang kamay para sabay na itulak ang katawan nito sa pinakamalapit na pader.

 

"Alam mo," bumubuo siya ng matigas tigas na salita "puta ka!" wow. " Wag kang maingay naman kasi." 

 

The taller was taken aback for a bit, his mind trying to calculate the situation as his hands followed a different voice as it anchored itself unconsciously on the hips of the person in front of him, the same one na pabulong siyang pinagagalitan ngayon.

 

"Sinasabi ko sayo," sabay lingat ni Ten sa magkabilang kanto ng kwarto. " magsabi ka lang ng katarantaduhan sa tiyuhin mo, ikaw ihahain ko." medyo nagbabanta na ang boses niya, galit na inis na hindi naman siguro nakakakilig dapat pakinggan, kaso parang iba ata ang naging dating.

 

Nakatitig lang si Johnny sa katrabaho, at bilang sagot sa kaniya, tumitig lang si Ten pabalik.

 

Hindi nila alam paano umabot ang pagtitig nila ng ilang minuto, ngunit nang napapansin na nilang napapalunok ang isa sa kanila, at nang dumapo ang mga mata nila sa mga kamay na nakahawak sa kung saan ito napunta kanina— nakatakip sa bibig, nakapatong sa dibdib, nakadikit sa baywang.

 

Wala nalang silang nagawa kundi agad na kumalas at humingang malalim, napaubo pa nga ang nakakatanda sa dalawa habang inaayos ang sarili.

 

Paalis na sana si Ten nang lumingon ito uli kay Johnny, na ngayo'y nakangisi sa kaniya't parang may pinaparating.

 

"umayos ka. sinasabi ko sayo."

 

Natawa lang si Johnny dito.

And then again, he didn't follow.

 

In fact, he became more not-so-tolerable, ika ni Ten.

 

Mula sa pagdating niya sa trabaho, an hour early bago ang shift niya, sa panggagago niya kay Ten habang breaks neto, either susubuan bigla ng kung ano-ano habang nagtatrabaho, o tutusukin lang sa baywang gamit daliri kasi wala lang.

 

And punong puno na si Ten.

 

Di sila particularly close ng manager niya para manuplong, pero hindi na to pwede!!! 

 

he is a busy person with a lot on his plate!

figuratively and kind of literally, kasi sa totoo lang, hindi niya matapos tapos ang mga plates niya dahil sa mga ganap sa trabaho niya't ngayo'y walang patawad sa shifts nila.

 

Gigil siyang nakatingin sa table nang biglang kalabitin siya ng katrabaho. 

 

"Ten"

 

"Ano b— ay sorry dowi, bakit? alis ka na?"

 

"Ah, hindi hindi, ano kasi, medyo nalukot mo na yung tinapay…" utal na sabi sa kanya ni Doyoung habang turo-turo niya ang tinapay na totoo nga, lukot na lukot na.

 

Pati tinapay, damay

 

"Salamat salamat, sige sorry, ayos na ako uli" ngiting sabi ni Ten sa harap ng katrabaho. ngunit agad na sumambakol habang kinakagat ang tinapay na lukot.

 

"Intayin mo lang, Johnny. makikita mo."




Until hindi na niya mapakita ang 'what's what', kasi mas dumami ang ginagawa niya.

 

Kakarating niya lang nung naabutan niya si Doyoung na nag-aayos na ng kanyang gamit, at nang maaninagan siya nito, nilapitan siya agad nito at nilapit sa kumpol ng mga staff na nasa loob, kasama na rin ang kakagising lang na si Johnny.

 

"Pero ano, alam niyo na ba," at kinwento ni Doyoung ang nangyaring medyo… ikinagulat ni Ten, particularly.

 

Bacause [due to good reasons naman], ang early morning shifter nila na si Jaehyun, he left the job. Ito ang sinabi sa kanila nung jowa— si Doyoung, na mej mixed emotions [masaya ba 'to o ano????] na binalita kay Ten na nag aayos ng station niya at kay Johnny na nakayuko lang sa may gilid, mukhang nagpapahupa ng antok.

 

Malungkot sila, and kind of puzzled, kasi walang sinasabi yung manager nila about it. [though nung isang araw lang naman nagresign] pero kahit na diba?

 

But it's the "real life" raw ika nga nila, at walang time para magmukmok, dahil pagkasambakol ng mukha nila ay ang pagdating ng manager nila, may dalang bagong timetable at bolpen.

 

"so, ganito ang magiging schedule…"

 

at doon nalaman ng tatlo na ganun pa rin naman ang magiging shift nila, well, except, 1 hour more lang.

 

Which is okay, dagdag sahod somehow. keber rin sa oras kasi, isang oras lang naman.

 

pero isang ORAS NA DAGDAG SA MAGKABILANG DULO 

 

So instead of the usual 4PM to 10PM ang oras niya, sa 11AM to 7PM siya nailagay, kasunuran niya si Johnny, na magtatrabaho from 7PM to 3AM, at si Doyoung naman na 3AM to 11AM.

 

"Temporary lang yan, kaya kung may gusto pa kayong sabihin,"

 

"Sir," pauna ni Ten, medyo pabulong "paano po pag…"

 

"— ay itabi niyo na muna siya sa inyo. Okay, balik na sa trabaho."

 

Naiwan si Ten at ang dalawa pa niyang kasamang nakatayo, konting smile lang kase baka mapanganib ang bonus!!! [hayaan, nagbabakasakali sila!] bumuntong hininga, nagkamot ng ulo at, nainis.

 

"Tangina bawal ba magreklamo man lang?" pagalit na kuwestyon ni Ten sa dalawang nasa harapan niya, well, yung isa nasa gilid.



"Naghahanap naman na ng pwedeng kapalit si Jaehyun." paliwanag ni Doyoung "Baka raw kasi mahirapan tayo sa rotation"

 

"Tama naman…" napayuko si Ten, iniisip agad ang magiging schedule niya kapag nagsimula na ang shift nila na 'to, which is today, starting sa kanya.

 

"Oh siya, mauna na ako Ten, may klase ako ngayon eh." 

Ay, oo nga pala, nagtatransition na rin sa face to face ang klase nila Doyoung, kaya mabuti na rin para sa kaniya at nakakuha siya ng oras na hindi masyadong hapit sa school schedule niya. "o sige, mag-ingat ka ha!"

 

Nagpalitan naman sila ng mga paalaman, nagapir at wink pa nga, at si Doyoung naman ay nagfist bump apir give it up holyshit!!! kay Johnny [maangas yon hey, because why not nga naman!] at umalis na, leaving Ten and Johnny between their staff door and kitchen station.

 

Tumitig lang si Ten sa kanya, halatang asar agad. tinaasan niya 'to ng kilay habang nakahalukipkip ang mga braso, "oh?" and Ten did the same.

 

"Bakit di ka pa umuwi? shift ko na."

 

Tumitig pabalik si Johnny, tila nag-iisip, at biglang sumilip sa labas para tignan ang nangyayari doon. "mamaya na."

 

" 'di ba pwedeng ngayon na? ang sikip dito oh."

 

"Idlip lang ako sandali, aalis rin ako."

 

Napa-irap si Ten "Manong sa bahay na lang niya matulog" bulong nito, but still enough for the taller to hear.  "ginagawa mong apartment yung workplace."

 

Napatawa naman si Johnny, ngunit bumalik sa mismong loob ng staff room at hindi na lumabas.

 

Mamaya-maya, dadami na naman siguro ang mga tao sa loob, pero ayos naman na ang istasyon at wala nang masyadong aayusin, kaya pumunta muna siya sa gilid at nagphone, mostly para maghanap ng mga nakalinyang gagawin na worksheets habang may patay na oras siya sa shift niya.

 

And well, nagkatotoo ang hula niya, (but is it still luck if its like… ganoon naman na lagi???)

 

By 12 in the afternoon, marami agad ang pumasok sa establishment, syempre, lunch break.

 

Kaya kumilos siya agad, nilapag ang cellphone sa hindi malapit sa kalan at nagpunta na sa kung saan siya dapat.

 

Habang nagtatrabaho siya, lumabas naman si Johnny sa room, in his casual clothes na pinagpalitan niya after his shift [at pinantulog niya rin kasi nga, sa staff room siya nagsleep], at biglang kinuha ang phone na nakapatong sa counter. 

Nung nakita niya ang pamilyar na case, he swiped agad sa may camera and took a few shots of his face here and there. may nakayuko, nakangisi, nakapout, nakasungit pose, nakadila, and when he was satisfied with the amount, he placed it back, looking around to see if nakita ba siya ng may-ari nito. So far, he's clear naman.

 

Nag-aayos na si Ten ng bago niyang is-serve nang makarinig siya ng sitsit, na agad nagpakunot ng kilay niya kasi kilala na niya agad. "Aalis na ako ah!"

 

Binalingan niya ito ng tingin, papansin. " Edi umalis ka! Ako ba logbook mo?"

 

Johnny laughed with satisfaction, enough of it for him to shut up after and go towards the door. Napansin niya rin na papunta si Ten siguro sa window malapit sa pinto [siguro sisilip sa labas?] At pinanood niyang buksan at isarado ni Ten ang pinto matapos makasilip, kaso nang tumingin ito uli sa kaniya [nang masama, okay!] di nito napansin ang slightly wet patch ng dadaanan niya at nadulas ito.

Luckily though, naalalayan niya pa ito, ang mga kamay ni Johnny ay nakagabay sa baywang nito.

 

Medyo iniisip pa ni Ten yung nangyari. "Putangina talaga." at nang makababa siya sa kaniyang high [katangahan driven], tumayo siya agad.

 

"Oh, where's my thanks?" tanong ni Johnny

 

Ten flipped him off, "Oh edi salamat. putangina mo." at umalis uli.

 

Lumabas si Johnny nang gulat, pero natatawa. He guesses that was genuine.

 

And tama naman siya. kasi it really is.

 

Nga lang, Ten won't say it face to face. sino ba siya?

 

The lunch rush kind of died down na, thankfully, and Ten is starting to get to their quota, kaya kinuha niya muna yung phone niya na kung saan pinatong, and started his breaktime.

 

Konting scroll sa account niya, napadpad siya sa isang post na magccomment sana siya ng meme. Kaso pag tingin niya ng mga pictures, hindi meme ang bumalandra.

 

Mukha ni Johnny, nakakalat sa album niya.

 

"Papansin amputa, pati phone ko di mo tatantanan?" sigaw nitong sabi sa phone, as if maririnig siya ng lalaking naka-kiss face sa screen niya ngayon.

 

At last, his shift's nearing its end na, and he can already feel his back cracking pag-upo niya sa chair niya to do some work left. Lucky for him today kasi natapos na niya yung ibang pendings niya earlier (not to stroke his ego like it's anez pero madali lang yung works.) 

so it's a fine Friday for him to earn a rest.

 

Dumarating na rin yung mga kapalitan ng shifts ng mga kasabayan niya ngayon, si Haechan na ngayo'y barista, si Kun sa main kitchen, si Johnny sa preparation area, si Yuta sa may dishwashing area…

Wala pa si yuta?

 

6:48, he looked at the clock, and headed towards his station to fix it up na. 

"Weird. hindi naman nalalate si yuta."

 

When the clock ticked to 7, paalis na sana siya, thinking about what happened (chismis lang) baka traffic? okay baka ganon nga.

 

So, he took a final peak, cleared his head with a breath, and started to walk towards the door— almost reaching the door.

 

Kasi hinarang siya bigla ni Johnny.

 

"Bakit na naman?"

 

"Ano… eh kasi…" medyo naghholdback ang nasa harap na magsabi, kaya Ten raised his brows as a signal for him to continue, with an /srs sa dulo and no /lh to be seen, kasi kumukulo dugo niya ngayon .

 

"Yuta is sick." Diretsong sinabi ng kaharap.

 

(Seryoso? oh, get well soon sa kanya gagi, wala akong nakubrang cookies ngayon sa kaniya, sabi ni Ten sa isip niya.)

 

 "Ah, get well soon kamo." and smiled, peeking over the taller's shoulder to see if pwede na dumaan ( nakaharang kasi, amputa)

 

"No one can cover his shift. and…"

 

ay, gago ka.

 

"He's asking if you could.. cover for him somehow…since the kitchen is slammed today." Johnny scratches his nape.

 

huh?

 

"Ha?" 

 

[One thing na problema ni Ten, aangal siya, yes. But he really can't say no to pag-ako ng shift.

 

So umangal siya, pero um-oo rin, leaving the reality-turned-fantasy of his relaxing time sana, washed in the sinks of the kitchen. next time na lang siguro.

 

Pero syempre di naman siya pumayag agad. May kapalit eh.]

 

"Ha?"

 

"I really don't want to ask you here, kaso no choice, you're the only one na kakaclock out lang who's still here. And I don't wanna bother you enough so…" saad ni Johnny sa kaniya.

 

Tahimik si Ten, nag-iisip, iniisip rin kung nay usok na ba sa tenga niya or ano.

 

"But I can guarantee you a larger bonus…"

 

Nagtwinkle ang mata ni Ten. "ha???" medyo napalakas, so he shushed himself, lumapit uli at inulit. "ha?"

 

"Yep. ako bahala. Just help me— us, on this one. You can leave at… your previous sched."

 

huy, 10PM… okay, hindi lugi.

 

Humalukipkip si Ten, heaving a sigh, and left kinda defeated, but not, kasi hey! dagdag sahod!

 

"Siguraduhin mo lang."

 

"Mhm. So is it… a yes?"

 

Ten just heaved a sigh,  defeated (mej, may dagdag sahod naman so okay.) lumakad si Ten pa-staff room, "oo na puta, apakakulit."

 

Kaya nandito siya ngayon, washing dishes until 10PM, with an extra pay and free dinner sa staff room, okay, a win.

 

Kind of…

 

"Ano ba yan Ten, ang dumi naman. ayusin mo" sumisilip silip na pang aasar ni Johnny sa ginagawa niya. 

 

He smiles at him, and says in gritted teeth. "Iitsa ko sa tagiliran mo 'tong plato pag di ka pa nanahimik."

 

Johnny just chuckled, and went back to his station. 

 

At times, when prep station's vacant, and Ten would leave the sinks to check his phone for updates on his schoolwork, Johnny would go and do some dishes or two. Wala lang , thanks lang yun.

 

Minsan rin, kapag nananahimik si Ten na nagkakaskas ng mga baso, lalapitan niya ito at susubuan ng mainit init pang piraso ng baboy [Na pinakiusap niya pa kay Kun who said okay basta raw "pakagat siya nang kaunti."] The scorching feeling made Ten mad, pero he'll pout and matatakot si Johnny but laugh it off after a second like hindi napaso ang maintained lips ng katrabaho niya. 

 

All that and more made time pass all too fast, and hindi niya alam, 11:47 na.

 

Shit. tangina, walang nagsasabi ng oras??? di ba trend yan??? 

 

Uuwi na pala siya.

 

"Tapos na ako dito ah." Pasabi ni Ten kay Johnny, na nasa prep area ngayon.

 

"Oh. Okay. Sige lang." 

 

Tumungo siya sa staff room, nagpalit, at kinuha na ang bag niya, starting to prepare himself to leave FOR REAL. 

No one held him back, thankfully, but some just called him nang sumilip uli siya sa kitchen and congratulated everyone for a good job today.

 

Nang makalabas siya, narinig niyang biglang may humahabol sa kaniya.

 

"Teka lang!" pasabi ni Johnny.

 

Lumingon si Ten, nakadefense mode kaagad. "Oh, hindi na ako magcocover ng sayo, abusado ka naman"

 

"No, Yuta texted me… may papasabi eh." he opened the phone and showed their conversation.

 

tamei

hoy jose pakita mo to kay tenten ha

hi tennn! salamat sa pagcover ng shift ko huhu hulog ka talaga ng langit bukas sa shift ko ako bahala sayo libre kita

chat rin kita mamaya 

ok na show mo to jose

jsuh

jose amputa

bakit ako wala sa libre mo? i looked for a kacover

tamei

isang serving ng bulbol ko sayo nalang

*seen*

 

"there." Johnny nonchalantly says.

 

"Okay kamo, no problem. pagaling kamo siya" Ten replied with a soft smile, now turning his head sa maliit na bintana ng pinto to see if may masasakyan siya.

 

"Teka. Papagpara na kita."

 

Tumango lang si Ten, ayaw niya sana, pero he's too tired to fight back.

 

They waited a couple minutes for a jeep to come and stop by the front. and when one did, pinasasakay niya agad si Ten.

 

"Eto na." Yumuyuko pa habang nilalahad ang kamay sa jeep, " Ingat po sila sayo, lord" Sabi niya kay Ten, who didn't say anything, but just kicked the taller's shin. 

 

"Ah-aray. Fuck, Ten" Johnny winced in pain as he lowered his head and back down, giving Ten access to pat his back so hard without craning himself, and bid his goodbye."



The following hours, Johnny stayed until Ten arrived pabalik,  and was going to stay pa sana until Yuta came by and pulled Ten sa staff room para magpunta sa labasan. Leaving Johnny there, nakaupo lang.

 

"Tara libre kita, ano gusto mo?" Masiglang tanong ni Yuta sa kanya habang naglalakad.

 

"Napakahyper mo huy, mabinat ka niyan" 

 

Natawa naman si yuta, "Huh, oo nga no?" kaya nagbagal siya ng lakad. 

 

Nakarating sila sa tusok tusok cart malapit sa resto, 2 tawids away from the establishment.

 

"Uy, sa tingin mo gusto kaya ni Johnny ng tusok tusok?" tanong ni Yuta sa katrabaho. napaisip naman si Ten habang nakabukas ang bunganga, tila pinapalabas yung init ng fishball na nasa bibig niya, "oo siguro?" he answers with his mouth full of fishballs and sauce and ang sarap niya sobra pero ang init init shet???

 

Umagree naman si Yuta kaya nagpasabay na rin siya ng bente pesos na fishball at may sauces of choice pa kasi maarte siya like that.

 

Kaso nung pagdating nila sa staff room, wala na yung kaninang nakayuko sa lamesa. "Asan Johnny?" tanong ni Yuta kay Doyoung, na paalis na rin ata sa shift niya.

"Wala na kakaalis lang, may gagawin ra— uy fishball!" kinuha ni Doyoung sa kamay ni Yuta ang cup at dinala agad sa lamesa, "Kain muna ako ah!" nag thumbs up nalang si yuta as a go sign at kumain sila sa table ng staff room, nagkkwentuhan sa mga ganap noong wala si Yuta sa nakaraang araw. 

 

Tulad nalang ng nadulas si Ten, at noong napasigaw siya sa galit, napasilip ang  mga customer sa kanya sa loob. pero okay lang naman.




So far the shifts were good. Wala namang nag aabsent, and the worker's time didn't overlap. It was a good flow for them. Emphasis on them.

 

Them . So sila lang, yung iba, kasi (panning on Ten Lee)  na grabe na kung iheadlock ng finals nila— ayun, hirap, gahol.

 

Hindi rin siguro nakakatulong na ang manager niya ay naging mas mahigpit pa despite the good performance from the workers, plus several complains here and there, either sa customer, or sa boss mismo. [nakakaloka seryoso, pwede ka ba hampasin ng wok, boss?]

 

May times naman this week na it's still bearable, kaya niya pa pakisamahan.

 

Pero kapag ang nasa listahan niya sa eskwelahan ay mas mahaba pa sa mga kailangan niyang gawin sa trabaho niya, doon nagkakatalo siguro.

 

Lalo ngayon, hell week sa university, at lahat ng arki students na makikita mo ay may nakasalaksak na mga t square, papel, at anek anek sa mga tote bag nila.

 

At si Ten eto ngayon, dala dala ang gamit niya sa staff room, nakalatag ang iba sa isang lamesa habang ang iba ay nasa iisang bag na nakasandal sa kanto ng kinaroonan niyang kwarto.

 

All that habang kinakabisado ang bagong protocol na nilatag sa kanila ngayon ng boss nila, na trial lang naman raw for 1 week but it's " crucial"

 

"Tanginang crucial yan, gusto ko nalang magpapako sa krus" bulong niya sa sarili habang sinusukat sukat ang mga linyang iguguhit niya sa papel.

 

Being too immersed on his work, he didn't notice the knocks on the door, kaya nagmadali siya agad na buksan ito lalo na nung nakita niya si satanas in its human form. "Anong ginagawa mo?"

 

"Sorry po, nagtatapos po for finals, sir."

 

The manager gave him a stink eye, one that makes Ten go AAAAAAA at tusukin yung braso nito like a zesto kasi huhuuhuhuhuuhuhu TAMA NA SIRBOSS PAGOD NA TO!!

 

Amidst the chaos in his head, nagpatuloy nalang siya at nagguhit, trying his best not to mind the eye of his manager that goes into the table he's working at, habang hinuhusgahan ang gawa niya.

 

And it was okay the first day.

 

But then came a second, third, and fourth day, and of the same frame. 

 

Na parang dumating sa punto na nahiya na si Ten gumawa sa staff room at dahilan na rin kung bakit minsan nalalate siya sa shifts.

 

Okay lang naman ito sa kapalitan niya sa umaga. Wala na siyang pakialam sa nasa pang gabi, hindi naman na sila nagpapang-abot.

 

Kaso it made the manager mad MAD.

 

And it caused him to get shouted at EVERY SHIFT. 

 

He can be so convinced na baka may mali nga sa manager nila ngayon, or baka sa kaniya.

 

Ngayon, all he knows is that he got shouted at for god knows how many times, and is now in the storage room, crumpling the big clear plastics na pinaggamitan ng mga sinalin niyang stocks, throwing it someplace far from him but then picking it up once again.

 

Having the build up frustrations from the hell week and now his hell of a boss, he crumples another plastic, but instead of directing his hands to throw it, napaluhod nalang siya at hinawakan ang plastic, nilulukot lukot ito habang umiiyak. Not minding to be loud at the same time being cautious about it.

 

His tears are now falling, and kasama niya lamang doon ang mga kaldero, kape, karne, galit,

 

At isang presensyang hindi ata si hesus kahit mukhang macho siya.

 

"Nakakapikon, tangina puta" he grits as he now shreds the plastic, not minding the last bit of his observation caught by his dreaded mind. 

 

He folded his knees and laid his head on it. trying his best to muffle more of his noise and reduce the lights that go into his eyes.

 

Okay na muna to, sandali lang naman. breaktime muna.

 

"Alam mo, if you can't handle the scheds now, magsabi ka lang." A voice was heard na nanggagaling sa gilid niya. it was deep, known, familiar

 

"No, di pwede, saka kaya ko pa naman." he sniffles.

 

"d'you wanna shift with my sched?"

 

He raises his head, only to be greeted by the presence of his shiftmate, Johnny.

 

Pagod siya, so he just smiles into it and just says "It's fine. Wag na." his voice with sincerity and a pinch of caution.

 

"I won't laugh this off ngayon, Ten. I'm serious."

 

"What's in it for me naman, Johnny? Would you blackmail me sa tito mo? Stop."

 

"Wh- no!" pag-alma ni Johnny sa narinig. "Why would I do that naman?"

 

"I don't know… I really can't mess with you today, jusko, pagod ako." Ten says, preparing himself to stand up.

 

Hinila ni Johnny ang kamay niya pababa, ngayo'y magkatabi na sila uli, closer in proximity compared to earlier.

 

mas rinig ang kaba at parang mas nakikita ang duda.

 

"Look, let's try lang," looking into Ten with sincerity, "1 day, switch tayo. let's see if it benefits us both, sounds good?"

 

Napairap si Ten, "Paano mo gagawin yan? the last thing your tito wants is a change of shifts, heck, i don't even know if he knows my cover shift for yuta last time."  

 

Johnny still has his hold on Ten's hand, now, his thumbs are drawing circles of reassurance sa balat ng isa.

 

"Tito won't be here. Kuya chan will take over muna for a month." Johnny explains.

 

"Ha?" 

 

"yeah" parang optimistic pa nitong sabi habang inuupuan ang sahig para makalevel ang kausap, "and you know that i also proposed an open environment sana for the employees, and Kuya Chan is looking on it na raw" nakangiti nitong sabi like its good news kumpara sa kahit anong good news na nabalita sa news.

 

Still, tinititigan ni Ten ang mukha ni Johnny, trying to find an ounce of mockery for his situation, a tickle of picking fights drawing in his face or whatever, but to no avail.

 

He was sincere, and it didn't settle well with him at first.

 

"So, are you on this?"

 

"What if your tito knows? Madadamay pa kayo."

 

"Hindi, wala siyang malalaman, promise." nakatitig pa rin si Johnny sa kanya.

 

It's kinda funny for him to see how the person who mostly sees his tough side, saw him at one of his crumble-downs.

 

And it was okay for him.

 

It was bitter, but it settled fine. It's not big of a deal.

 

Or baka bugso lang kasi ng damdamin.

 

Baka.

 

Baka bugso lang ng damdamin.






"Okay, g."




Ngumiti si Johnny sa kaniya at kinurot ang pisngi niya, earning the taller a groan from him.

 

"I'll tell kuya chan na, nasa labas siya ngayon." he says as he fishes something in his pockets. "Here, use it."

 

It was a gray handkerchief. "wag mo gawing basahan yan ah."

 

inabot ito ni Ten at pinampunas, saka tiningan matapos ito tuyuin ang mga luha sa mukha niya. "Isuplong mo lang ako sa tiyuhin mo, di lang ito babasahanin ko."

 

Nginitian siya ni Johnny, at sinundan nito si Ten ng tingin nang tumayo ito at lumabas sa stock room,

 

Leaving Johnny with a smile plastered on his face and the feeling of someone's skin lingering on his fingertips.



It was then when they started.



Turns out, their planned shift wasn't the day that their boss is leaving them for a while, so another plan was devised. 

 

Habang si Ten ay nasa bahay niya na gumagawa ng plates, inako ni Johnny ang shift niya by telling his tito na 'he wants to have more skills', kaya sumasabay siya sa shift ni Ten, na "nasa banyo raw ngayon." [which is hindi niya rin alam kung bakit, but his excuse was valid.] and god knows how the fuck they went unnoticed by their boss na nasa kitchen lang kanina nung ginamit ni Ten ang backdoor para pumasok at akuin naman ang shift ni Johnny.

 

Sakto kasi when Ten appeared sa boss nila, paalis na ito at nagpapaalam na kasi wala raw siya for a month, and pinakilala na si Chanyeol at Baekhyun; ang pamangkin niya at ang asawa nito, sila ang mamamahala muna ng restaurant habang siya ay wala.

 

"Nalulungkot" ang lahat, parang iba raw kapag wala ang boss nila. 

That and all the other words were said and filed under things you say para tumaas sahod mo or magstay sa demanding work just to be upfloat in the flood of a sinking economy, hanez???

 

Tumawa ang boss nila sa narinig, hindi alam ang talagang pinaparating ng mga trabahador niya sa likod ng kanilang pagkalungkot.

 

Umalis na ang boss nila, at nang maiwan ang bagong mamamahala muna sa kanila, nagsimula nang buksan ng tao ang kanilang bibig at sabihin ang kanilang hinaing.

 

"Hanggang isang buwan lang po ba talaga siya wala?" tanong ni renjun na ngayo'y nakatayo sa tabi ng dishwashing area.

 Sabi naman ni baekhyun, at natuwa ang lahat sa attitude nito, kaya binalik rin nila ang masiglang ngiti sa dalawa.

 

Pati na rin si Ten, nahumaling agad dito, mukhang mapapagaan nga ang work load nila.

 

Though hindi niya namiss ang tingin na binaling nito sa asawa at sabay biglang tumingin sa matangkad na nasa gilid niya, nakayuko at ngumingiti.

 

Their first shift of shifts was a success, sa loob loob ni Ten, habang nakaantay sa staff room at ginagamit ang patay na oras para magkumpleto pa ng backlogs nya bago na naman ito dagdagan ng prof niya.

 

He wouldn't lie if he said na hindi nakatulong ang idea ni Johnny.

 

Kaya inaninag niya ito mula sa kanyang kinaroroonan, it was 1:47AM.

 

Tulog na si Johnny.

 

So he just skims in his ideas on how he will say thank you, as he finishes the rest of his shift.

 

Johnny's shift, pero sige, sa kaniya muna.



The morning came, Doyoung arrived to take the shift, and maybe Ten were waiting for Johnny sa staff room para magising.

 

Well hindi niya sure, kasi nakita na lang niya na sa isa pang mahabang upuan, nakahiga na si Ten, nakatakip sa mukha ang panyo na gray, at ang mga bilog na upuan ay nakapatong pabaligtad at nakalinya sa lamesa. He assumes na tulog ang dalawa, so hinayaan niya.

 

Tila naalimpungatan, tumayo si Johnny sa kinahihigaan niya, at nakita niya agad ang isang papel na nakapatong sa side ni Ten. [perks pag matangkad.] Using his sleep-idled eye, tinignan niya ito, thinking if it's about a note from their boss, or what.

 

'hoy Doyoung, gisingin mo ako ng 5AM, PLEASEEEE' nakasulat ito sa parang papel galing sa logbook nila, at sa ilalim nito ay may pusang emoticon na may '10' na hawak sa buntot.

 

Hindi na ito tinitigan pa ni Johnny, 5:21 na eh, pero may time pa naman siya para umalis at wala na siyang hahabulin naman na oras.

 

Kaya hinayaan niya na lang ito matulog.

 

After rambling in his head about what to do as he sits opposite to the place where the sleeping man is, he picked up his bag, went to the prep area where Doyoung is currently at, patted the boy's back and told him something.

 

"Hey, remove the paper on his side before you wake him up, ha." bilin niya kay Doyoung habang nagpupunas ito ng countertop.

 

Um-oo si Doyoung, kaso nagulat nang maaalala yung bilin sa kaniya. "Hala oo nga! nagpapagising si Ten," tinignan niya ang oras, "SHIT, 5:23 NA" Johnny was alerted sa voice kaya he shushed him agad. "i know i know, kaya gisingin mo na siya."

 

"uh.. okay, kaso bat di na ikaw gumawa?" tanong ni Doyoung.

 

"di na pwede, alis na ako eh" he says as he goes out of the kitchen, diretso sa exit. He pushes the glass door and before closing it, he takes a final look behind. "don't tell him na i told you that, okay? feign innocence." he says as his pointer finger goes up and down, toning his point hard.

 

tumango nalang si Doyoung, starting to get where the man is coming from "oo na, ako na bahala." he says, the man instantly thanking him with a nod.



so Doyoung did what he was told to do; picking up the paper, peeked at it [ kasi napansin niyang may nakasulat sa likod, " ayoko, sleep some more ." may emoticon na pusang galit, at nakapakyu.] natawa, tinupi yung papel, at sinalpak somewhere, specifically sa locker ni Johnny. "bahala na siya diyan." yumuko sa gilid ni Ten, at tinapik ito.

 

"Tenten, gisingggg" dahan dahan niya ito tinawag, thankful na it only took a few taps para magising si Ten, who jolted on the seat and asked what time is it. "PUTA WAIT MAAGA PA BA?" he asks, kinda panicked. 

 

Gulat naman si Doyoung, "oo medyo, bakit?" Pumungay si Ten, inaalis ang antok sa mata. "Asan na 'yon?" 

 

"Yung papel ba? kinuha ko agad."

 

"hindi…" umikot siya at at tinuro yung upuan sa harap niya gamit ang nguso niya, acting as if there's still a figure settled in the seat.

 

"ah, si Johnny…" and Doyoung catched the irritated curve of the mouth on Ten's. "wala, umalis na kanina pa."

 

huminga nang malalim si Ten. "okay, buti. salamat."

 

uminom muna ng konting tubig si Ten, nagtimpla rin ng kape bago naghilamos at inayos ang gamit at umalis, hugging Doyoung from the behind and saying thanks.

 

"Thank you so much, Doyoung! balikan kita mamayang tanghali ah!" bati ni Ten at dumiretso na para umalis.

 

"Heh, may nagpaalam lang sakin ng gagawin." tawa nito at nagtrabaho na muli.



Expected naman, na magpunta si Ten a little before his exact shift, expected na rin naman na nag aayos na si Doyoung minutes before his leave.

 

Medyo hindi lang expected na nandito rin si Johnny, hours after he left his "supposed" shift.

 

Ten was confused after he saw a bag na nakasandal lang sa gilid and mukhang maraming laman, he was puzzled about who could be the owner, since na medyo mukhang pricey rin yung bag. But more  about why hindi nalang inilagay sa locker nito.

 

Dinirekta niya ang mga gamit niya sa locker niya, at agad na nagpunta sa maliit na kapehan nila sa loob, para itimpla ang nagiisang milo doon sa lalagyan.

 

tahimik naman, nagtatrabaho ang lahat, may umaalis para sa palitan ng shift. wala namang nanggag—

 

"PUTANGINA APAKAPAMPAM" sigaw ni Ten habang pinupunasan ang nabasang mukha. 

 

Humagalpak ng tawa ang nasa likod, at biglang tatakbo sana nang hablutin ni Ten ang braso niya at pinilipit ito. 

 

"Wala ka bang magawa? Bakit ka nandito eh hindi mo naman shift! Panggulo ka ba dito ha?" Sigaw niya habang pinipilipit ang braso ni Johnny, na ngayon ay nagpuputukan na ang ugat sa pagkakaipit nito sa loob.

 

Johnny only hissed, and chuckled a little "okay na okay na, stop na a-ah!" hinigpitan pa ito ni Ten for the last time and harshly dropped it down, umirap at binalikan ang tinitimpla niya.

 

Binalingan niya ang isa ng tingin, "Doon ka na, ulol!" 

 

Lumakad si Johnny papunta sa pintuan, ramdam ang lisik ng mata ni Ten sa likuran niya.

 

Hay. hay.





Medyo nakalayo ang staffs sa preparation room ngayon.

 

Ngayo'y kahit mainit sa cooking area ay parang mas dama ang apoy sa lugar kung asaan si Ten ngayon.

 

Kung dapat mas rinig mo ang pagtunog ng mga hinuhugasang plato sa dishwashing area, ang pag-ugong ng espresso machine, ang pagkuskos ng mga paper bag, o kahit ang mainit na kawali kapag nalagyan ng mainit na tubig,

 

Mas maririnig mo ang malakas na galabog ng mga kagamitang hawak hawak ni Ten ngayon.

 

Even si Jaemin na nasa counter sa labas ay hindi makakailang rinig na rinig niya ang pagtunong ng mga gamit gamit sa countertop.

 

"O-okay lang ba siya?" Tanong ni taeil.

 

"Hindi ko alam, parang kanina pa ata siya nabad mood." paliwanag ni Doyoung matapos hablutin ito ni Taeil palapit at palayo sa pintuan sanang lalabasan nito paalis.

"Baka inasar na naman ni Johnny, tarantado talaga yun eh" Ani Taeil.

 

At sa saktong banggit ng pangalan ng lalaki, mas lumakas ang pagbagsak ng isang gamit, sinabayan pa ng pagingit ni Ten.



Ala-una na ngayon, nakaalis na rin si Doyoung kani kanina lang. Naihain na rin ang mga pagkain [turned into teriyaki chicken with rice ] sa mga apat na taong nakaformal suits, at anello bags, cheering when the soufflé [ and may nakasulat na 'proud of our researchers! ] na inorder nila was lit with candles and blew it off to celebrate their defended thesis. Saying after na the food was so good they'd order it again. Pati na rin yung iba pang labinlimang pagkaing nakalista, nagawa na rin.

 

Medyo magaan sa pakiramdam na hindi nasasayang ni Taeil ang cooking experiences, at oks rin sa pakiramdam na hindi hinayaan ng katrabaho niyang magmarinate ang sama ng loob kasama ng mga nasa lalagyanan.

 

Nga lang, yung sinasabing katrabaho niya, mukhang di pa okay.

 

Nasa staff room ngayon si Ten, nakalatag ang laptop at tapos naman na ang lunch rush, kaya ginagamit ang patay niyang oras para magayos ng kung ano at uminom ng kape para… makagawa ng kung ano.

 

He stomped his feet, unable to determine what the fuck went wrong and his paper was deemed "not good for the panels to see" by his adviser when he even went down the struggle to ask his pinsan na nasa ibang bansa pa para lang ipakita ang paper niya.

 

And the pinsan, Yixing, who's an achiever one, said that the paper was good, and will pass in just a panel's swoop of an eye.  

 

Eh paano naman siya maniniwala kung initsa lang ng teacher niya yung isang page, tinitigan sandali, tas binalik agad? Puta ano yon?

 

" Naghanap lang ata yun ng kuto sa papel ko eh."

 

Hindi pa nakatulong na pagpasok na pagpasok niya, naabutan niya si Johnny na nasa office, nagpprint ng maraming papel. He thinks it's for his research rin, dahil marami rami ito and it seems naman na maraming estudyante ang nasa hell week ngayon [ano, di naman pwedeng siya lang ang nakadarang sa impyerno?]

 

Kaya nainis siya, at nagpunta agad sa staff room, at sinimulan ang trabaho nang may fire and drive of passion and petitions kasi masama na nga loob niya oh, gusto na niya matapos.

 

Nakalean siya ngayon sa table with his arms supporting his back, looking at some parts na babaguhin, whilst looking at the other side at tinitignan ang plate kung may kailangang ayusin.

 

So far ayos ang lahat, kaya to make up for the rest of his break, yumuko siya sa table, and umiyak. Kinalkula niya muna kung ilang minuto siya iiyak, hahagulgol, at magdadabog, he counts, 14 minutes more bago may pumasok, so ayun.

 

He wishes na sana walang nasa loob ngayon, kasi iiyak talaga siya.

 

And when his tears fell, and his sobs resonated inside, so did the sound of the door opening. 

 

Of course the person heard it na, so what's the point if he'll muffle it?

 

Di niya alam, wala naman kasing point, pero tumigil pa rin siya.

 

"You can continue, if nahihiya ka then pretend I'm not here."

 

"Eh pwede ka namang umalis rin bat ka ba nandito." Sagot niya.

 

"Eh… shift ko na mamaya eh."

 

He looks at his watch, "Ang aga pa putangina, alas singko pa lang! Wala ka bang pasok ha?"

 

"I have, but those exempted because of research can attend other endeavors naman, so di ako pumasok."

 

And nagulat si Johnny nang humagulgol si Ten uli, harder and more painful to hear.

 

"Tangina ka," gigil nitong sabi, "kung magyayabang ka," he sniffles again, catching his breath. "Pwede bang wag na dito?"

 

"I don't… I'm not" Depensa ni Johnny, at lumakad para mas maging malapit sa kung nasaan si Ten, to avoid his loudness since baka magkatraction pa.

 

"Sinungaling."

 

"Okay, okay, sorry. I'll go na."

 

Nanahimik si Ten.

 

"Only if we'd switch shifts tomorrow."

 

Ten turned his head up fast, "Uli?"

 

"Mhm. If it's okay with you."

 

Medyo naguluhan si Ten, bakit na naman nag aaya si Johnny ng palitan?

 

The offer was very tempting, but Ten isn't going to soften that easily. One time thing lang yun.

 

"Hey, if it's about you being pitiful, ayoko."

 

"No. It's not like that." Johnny says, stern and serious.

 

"Then, what's it about, Johnny?"

 

"I want to help you."

 

"Tsk." umirap si Ten. "Wag na."

 

"Okay, okay." Johnny says, hands up in the air as he goes towards the door. Shutting it carefully.

 

Pinunasan ni Ten ang mga luhang tumutulo uli, at yumuko sandali. 3 minutes nalang natitira. 

 

Sulitin na.

 

Lumabas siya ng pintuan like a fresh newborn, puffy ang cheeks at eyes, pero keeping it still pa rin. Nakangiti na siya ngayon and swear, the coworkers around him felt okay na rin.

 

Well for Ten, he's not, but he feels a little light.

 

Though may atraso na naman siya.

 

Nasa prep area siya ngayon para hugasan ang mga patatas na gagamitin sa bagong dish. Nang may tumawag sa kaniya bigla at nang lingunin niya ito, nakita niya ang temporary leader nila ngayon na si Chanyeol. 

 

The leader signalled him to go inside the office, which he followed immediately after wiping his hands with a towel.

Nang makarating siya sa loob, nakita niya si Chanyeol at Baekhyun na nasa likod ng mesa, ang isa ay nasa upuan at ang isa ay nakatayo sa gilid nito.

 

"Bakit po, sir?"

 

"Wala lang, I'm just informing you the scheds for tomorrow, since may magbabago sa nasa'yo."

 

Nagtataka naman si Ten, kinakabahan sa mangyayari. Not exactly, it's more of like, kinakabahan ako sa sasabihin nila sakin haha, baka kasi tama sa hula ko pero hindi naman sana diba???? type of feeling.

 

"P-po?"

 

"Well, Suh asked me if we could shift his schedule with yours for tomorrow raw." Paliwanag ni Baekhyun, nakangiti pa rin.

 

Tangina. that bastard.

 

"Bakit po?"

 

"Due to personal reasons raw, he was going to ask for a shift in Doyoung's schedule, kaso he's not here na, so ikaw nalang ang possibly open" Saad ni Chanyeol, nakatingin sa laptop ngayon.

 

He could've said na may pasok siya, hindi siya pwede…

 

"Is it okay lang po ba sir? like… wala po bang bawas sa sahod ko?" Tanong ni Ten, nagkakamot ng ulo as if he thinks he asked the dumbest question to exist.

 

"Oh no, dear, hindi mababago ang bayad sayo ano!" Magaang na sagot ni Baekhyun sa kaniya. "Plus, hell week ngayon sa universities oh. It could help you rin since mas maraming patay na oras on Suh's shift."

 

At dahil si Ten ay isang College Student na hindi marunong magbalance ng oras at hindi kayang humindi™ [kasi tempted talaga siya, need niya yon.] he agreed.

 

Kaya ngayon, nasa prep room na siya, at kasama rin si Johnny na nasa gilid niya, pinapaliwanag ang gagawin nila for tomorrow.

 

"Wag mo na ipaliwanag, gets ko na."

 

"Weh?" Tanong nito at tinusok ang tagiliran ng nakababata.

 

"Oo nga!"

 

Ten's shift ended on a good note, and so is his day.

 

And kuya B [he asked him to call him that, since they prefer a lighter environment] 's suggestion worked! Natapos niya ang iba pang backlogs, and submitted the research paper for another check sa university, and the adviser agreed.

 

He goes into the staff room the following shift, patting Johnny's back, waking him up from his supposed sleep.

 

The older one immediately supposes that his day went well.

 

Sinundan niya ito sa Prep room, at kinulit sa kung anong nangyari sa adviser nila. At kinwento niya ito habang naggagawa siya ng breading para sa katsudon. All at once.

 

Nakikitawa si Johnny habang umiinom ng iced tea na kinuha niya sa beverage station. "Oh bakit ka nakikitawa diyan? Close?"

 

Johnny repeated the quote with a mocking tone, smiling after as if he feels na he did a good job at imitating the smaller, at inirapan siya ni Ten for it. 

 

"Tantanan mo."

 

But, Ten's eyes did linger for a while nung tumatawa na nung nasa harapan niya. Pero hindi naman sila close. So…

 

no…

 

no…

 

no.



Another shift went well, both of them on two different benches, one with his gray jacket on him while asleep, the other with a blue handkerchief clutched in his hands as he worked on his school things. All that as one strip of a dark blue blankie was laid on top of the table, acting like barriers.

 

Which nung nakita ni Yuta noong pumasok siya sa loob ng staff room at binati ni Ten with a voice like he was caught doing hot girl illegal shit, noticed that yung hawak ni Ten, it was the same handkerchief na gamit gamit ni Johnny to wipe his sweat after magtagal sa cooking area para makitikim ng nilulutong pagkain.

 

["Food is safe. Yung nakitikim lang hindi."] Sabi ni Ten sa nakabantay ngayon sa counter sa labas ng prep area nang dumukwang ito sa cooking area at naabutan si Johnny, nangungulit na pasubuin na siya ni Kun ng ginagawa nitong apple pie sauce. Narinig ito ni Johnny kaya binato niya ang handkerchief niya kay Ten, na nandiri lang sa nakuhang panyo.

Pinampunas niya ito matapos ang ilang sandali. Kaso hindi ito napansin ng may-ari.

Oh, and the blanket? The same one from Johnny's bag na nakapatong lang sa gilid.

 

"Hmm."

 

The morning came, Doyoung was seen arriving in the kitchen, together with Jaehyun na sisilip sa loob sana to see what goes on na sa loob.

 

Naabutan nila si Ten na kinukumutan si Johnny, at kinakalabit ito para sabihing aalis na siya, kaso di gumigising si Johnny. Ten remembers that he is a heavy sleeper pala, kaya he leaves him be.

 

Not noticing the presence of the two na nakasilip lang sa gilid, pinanood nila si Ten na nagliligpit ng gamit nito, at nagpaalam sa mga staff na aalis na siya. 

 

Hindi man sila nagpang-abot ni Ten ngayon, may naabutan naman si Yuta, Jaehyun, at Doyoung.

 

At yun ang pinagbubulungan nila hanggang pumasok ang liwanag sa loob ng kinaroonan nila at hanggang magising si Johnny, tinatanaw ang kwarto na parang may nawawala.

 

"Wala na, umalis na, kanina pa." sabi agad ni Yuta nang napansin ang kaibigan na patingin tingin sa banyo, sa kusina

 

Napatingin lang ito at di na umimik, iniisip kung oras na rin ba para umuwi na siya dahil wala naman siyang iniintay pa.

 

"Sige sige."



Doyoung's shift ended, at habang nagaayos siya ng gamit para makadiretso sa klase niya, medyo nagtaka siya nang hindi niya makita si Ten na pumapasok sa pintuan, " hindi naman nalalate si Ten 'di ba?"

 

Lumapit si Doyoung kay Taeil. "Pumasok na ba si Ten? Medyo late na ah."

 

"Hindi ko pa siya nakikita rito eh." Umikot ng tingin ang nakakatanda. "Wala pa siya."

 

Tumango nalang si Doyoung at dumiretso na ng alis. Habang naglalakad at iniisip kung nasaan ang kapalitan niya at kung kasiya na ba ang sahod niya para makabili ng hydroflask [kailangan niya yon, maniwala kayo], bigla siyang binulabog ng tawag galing sa kaniyang telepono.

 

Habang gumigilid sa tabi ng parang botika, kinuha niya ang cellphone sa bag at sinagot ang tawag.

 

"H-hello…"

 

"Oh Ten? Asaan ka n—" He was cut off nang marinig niya ang ubong tangina, paputok???

 

"Ayos ka lang ba?"

 

"Oo," umubo uli ito at suminghot, " Tanong ko lang sana if nandiyan na ba sila Kuya B sa trabaho, malalate kasi ako." Sabi ni Ten, nanghihina at parang bugbog na bugbog sa sakit.

 

"Ah ano… Oo. Kaso wala na ako doon eh" Malumanay na sabi ni Doyoung, "Pero gusto mo ba ipasabi ko nalang? Medyo malala ata sakit mo eh"

 

"Hindi, o-okay lang ako" hindi okay syempre.

 

"Sige sige, sasabihan ko nalang. Ingat ka ah!"

 

Mahinang nagpasalamat si Ten at binaba ang tawag. Nang tumunog ito ay agad rumekta ang telepono ni Doyoung sa numero ng kanilang manager ngayon.

 

"Sir Chan? Sir B? hello po."

 

"Ah yes, bakit?"

 

"Pinapasabi po ni Ten na malalate raw po siya ng pasok, may sakit po kasi siya ngayon, wala po atang magccover ng naiwan niyang time bago siya makarating, babalik nalang po muna ako." Ani Doyoung.

 

"May sakit si Ten?" Tanong ni Baekhyun sa kabilang linya. "O-opo."

 

"Oh, okay na kamo, wag na siya pumasok, tatawagan ko na lang siya." Sabi ni Chanyeol. "Magiingat ka. Pwede ka na rin tumuloy sa pupuntahan mo" Medyo hesitant si Doyoung na ibaba ang tawag, ngunit sumige na lamang siya at binaba na ito ng nasa kabilang linya.

 

Nasa bahay pa rin naman si Ten, paikot ikot na iniisip kung anong gagawin niya ngayo't walang magccover ng shift niya.

 

Sakto at tumawag ang boss niya, clearing his throat as possible para mawala wala naman yung daot sa lalamunan niya. Eherm.

 

" Good afternoon po sir, sorry po if malalate ako, medyo nagka—"

 

"It's okay na, someone will cover your shift na."

 

"P-po?"

 

"Yes, so pwede ka na magrest, walang galaw sa salary mo since may sakit ka naman kaya ka wala dito." 

 

lord pwede pala maging pogi ang isang tao AT mabait??? naiiyak na lang siya . "S-sige po, salamat po sir!" Banggit niya bago inilayo ang telepono at umubo.

 

The younger of the two sa office chuckled, "magpahinga Ten, ha." Ten said okay, and binaba na ang tawag, aiming to not drag the conversation further kasi nakakahiya na. Agad naman siyang tumungo sa chats at kinontact agad si Doyoung

 

number 1 titikman mother founder

doieeeeee

salamaaaaaaat! 

HUHU PAG UMOKAY AKO LIBRE KITA SALAMAT TALAGA

doie

huy ano ba oks lang haha

buti napadaan ko agad yung tawag kila sir, naagapan agad shift mo.

number 1 titikman mother founder

kaya nga! thank you thanksthankstahskanaksTHANDKYUUOUUU

doie

ha

HAHAHAHA

inamowait

di ako yung nagcover for you

 HAHAHA

number 1 titikman mother founder

joke amputa

huy may sakit na ako ginaganyan mo pa ako

doie

seryoso nga

*image*

o diba wala ako sa kusina gaga

 

ingat ka ha pagaling u

 

number 1 titikman mother founder

shutupduanwhajdhw?&?$?&

who covered my shift then????

doie

ohhhh

idk about that……..

HAHAHA

 

Napatunganga si Ten.

Iniisip niya kung tatanungin niya ba sa boss niya kung sino ang pumalit? Anong nangyari?

Kaso nakatulog na siya.




"Pinaalam niyo ba? Na ako papalit?"

 

"Hindi, Johnny, pero papaalam namin bukas."

 

"Pwede bang wag na?"

 

"Gago, hindi yun pwede." Sabi naman ni Chanyeol.

"Nangmumura ng empleyado, kaltukan kita eh"

 

"Wag kaya natin ayusin yung shift?"

 

wag! nonono! Tumahimik at bumuntong hininga nalang si  Johnny.

 

Luckily nasagap niya yung call, (tanginang speaker ng phone yan, kunyari nakahina pero naririnig naman niya yung nagsasalita) in his defense bakit siya nandoon though, ganito kasi yon.



Sira ang aircon ngayon sa staff room.

 

Bukod sa hangin na pumapasok sa bintanang binuksan nila, wala nang lamig na nakakarating sa loob. Pinapaayos naman na nila iyon ngayon.

 

Kaya si Johnny, dala dala yung blue niyang kumot, sa opisina ng tito niya natulog.

 

Nagulat nalang si Chanyeol dahil nang buksan niya ang pintuan sa opisina, may nakahilata na sa sofa sa gilid ng kinaroroonan nila.

 

Hindi niya na ito ginising dahil alam naman niyang si Johnny na 'yon. Medyo nagtaka lang siya dahil may bahay naman ito kaso tulog nang tulog dito sa trabaho.

 

Nang matanggap nila ang tawag noong tanghali, nakahiga pa rin si Johnny.

 

At nang ibaba nila yung tawag, nakatalukbong na si Johnny.

 

Halatang nakikinig, halatang nakikichismis.

 

"Oh okay na kamo, wag na kamo siya pumasok, tatawagan ko nalang siya." Rinig ni Johnny habang pinakikinggan ang mga pinaguusapan ng dalawang linya.

 

"May number naman ni Ten diyan eh, tignan mo sa list." Sabi ni Baekhyun.

 

Nagtunog ang tenga ni Johnny. Dahilan para tumayo siya agad na kala mo kinalabit siya ng sampung surot para magising. "Ha? Di papasok si Ten?"

 

"Oo, may sakit, naghahanap nga kami ng papalit sa shi—"

 

"Ako nalang." 

 

Tumaas naman ang kilay ni Chanyeol, nagtatanong, "Bakit? Kakapalit niyo lang eh."

 

"Eh. Walang bakante oh."

 

"What if meron?"

 

"Meron nga, ako."

 

"Hindi na, may hahanapin kaming papalit."

 

"My scheds are clear naman ah, bakit kailangan pa maghanap?"

 

"Wala kang pasok?" 

 

Umiling si Johnny. "None. I finished all my tasks na for univ."

 

"Yabang mo na niyan, but no."

 

Johnny stomped his feet. "Kuyaaaaa…." with his sulking and pleading tones  "Sige na, once lang. Please, kahit wala na yung dagdag sweldo!"

 

He was so adamant, natatawa nalang si Chanyeol.

 

"seryoso yan? no dagdag sweldo?"

 

"Oo na."

 

"Okay" Ang dali kausap?!!?!! "I'll tell Ten."

 

Umalma si Johnny, "Wag hoy!" 

 

Tumawa si Chanyeol. "oh, bakit?"

 

"Because… teka… iihi lang ako, wag kang gagawa ng katarantaduhan diyan!" Banta ni Johnny.

 

Buti sa banyo ay narinig niya ang sinasabi, kaso muffled. Kaya sana walang nangyayaring kung ano doon kasi…  iiyak talaga siya, eme! (hindi yun joke)

 

Luckily wala, kaya eto na siya ngayon, medyo tahimik na nagaayos ng mga gagamitin para sa mga dish.

 

Tahimik kasi mostly, nagaalala siya.

 

Baka sa sleeping schedule niya? Kaso wasak na wasak naman na.

 

Baka sa time niya in general? Hindi ah.

 

Sa sweldo? hindi rin. tangina.

 

Baka sa cinoveran niya ng shift. 

 

"Hindi ah…""

 

Napalakas sagot niya sa sarili niyang tanong, kaya tinakpan niya bibig niya and acted as if nothing happened. 

 

Nagpatuloy siya sa shift niya, brushing off the worries as hard as he could.

 

Which sa pagkasunod ng isa pang araw, nagpatuloy, dahil hindi pa magaling si Ten.

 

"dowi, alis ka na?"

 

"Oo, hinihintay ako ni jaie sa labas eh"

 

"Ah…"

 

"Makikisuyo ka ba?" Tanong ni Doyoung

 

Tumango si Johnny, pinalapit si Doyoung para magpaabot ng isang blue bill, at listahan. saka nagpasalamat rito. ("may bayad ba kami dito ng jowa ko? asar ni doyoung "malaki raw sahod ni jaehyun ah, sabi nga from sachet bumobote bote na ka— oh bat namamakyu yung nasa likod?" tanong ni johnny sa namumulang kausap at yung nasa likod ren na kasing pula ng staff only sign yung tenga "tangina mo talaga johnny, amag!)



Dumating na ang graveyard shift ni Johnny, [he's working for his shift…] Tumungo siya sa hadgan papasok ng staff area sa labas, papahangin lang sana.

 

Habang binubuksan yung binulsa niyang cookie sa opisina, napansin niya ang isang taong nakatayo lang ilang metro malayo sa kinaroroonan niya.

 

Inaninagan niya ito, nakayuko ito at nagccellphone, nakamask kasi kaya hindi niya makilala. May dala itong puting plastic at may nakasukbit na bag sa balikat niya.

 

Pumikit siya. At dumilat.

 

Kaso pagkabukas ng mata niya, parang palapit sa kaniya yung nakamask. 

 

Hindi siya tatakbo gago, hindi siya takot, laki ng katawan niya oh.

 

kaso what if balisungin siya??? hindi naman siya siguro aanuhin????

 

All his worries flew away when the man in the mask flipped him off with an irritated look.

 

Ah.

 

Papalakas nang papalakas ang paglagapak ng paa nito sa semento. Hanggang sa metal na hagdan. 

 

Hanggang sa pag-upo nito sa kanto ng pintuan, habang siya ay nasa unang hakbangan pababa, malapit pa rin sa pintuan.

 

Nakalapag ngayon sa tabi ng kinauupuan niya ang paa ng lalaki, nakasandals ito and tangina di ba napuputikan paa nito?

 

"Oh." Banggit ng lalaki habang inaabot ang puting plastic.

 

"Ano 'to?"

 

"Tignan mo,  aba?"

 

Sinilip ni Johnny ang plastic. May tatlong chichirya, isang siopao, isang energy drink, at candy na may character na nakalagay sa ulo.

 

"'Di ba ako magkakasakit niyan, Ten?"

 

"Ayaw mo edi akin nalang!" Akmang hahablutin ito ni Ten kaso hinigpitan ni Johnny ang hawak dito.

 

"Akin to, inabot mo na eh."

 

"Oh, eh bakit ka pa nagiinarte? Kukunin mo rin pala" Binalingan niya ng tingin ang nasa bandang taas niya, na sinungitan naman siya.

 

"Uminom ka na ng gamot?"

 

"Oo, pinadala na ni Doyoung at Jaehyun."

 

Hala, nakuha niya. "Wala ka na pong sakit?"

 

"Mhm, okay na ako, tignan mo" binaba ni Ten ang mask niya at ngumiti nang pagkalaki-laki kay Johnny, pero agad na inalis ang smiley face niya at sinamaan uli ito ng tingin.

 

Napansin ng nakatatanda na binaba nito ang hoodie niya, kaya inangat niya ito bigla.

 

"Baka mahamugan ka."

 

"Ano ako, baby?"

 

Umiling nalang si Johnny habang tinititigan ang plastic pabalik, nakangiti. "Sungit."

 

Nanahimik naman agad silang dalawa, pinapakiramdaman ang lamig ng hangin sa kinauupuan nila, malamig ang simoy kahit malapit ka sa daan kasi wala namang dumadaang kahit anong sasakyan.

 

Kung meron, tahimik lang.

 

Medyo may mga truck, pero kebs.  

 

Ininom ni Johnny ang energy drink, hindi napapansin na habang nilalagok niya ang inumin, si Ten ay kinakalikot ang kung anong meron sa bag niya.

 

"Ano yan?" 

 

"Pod." Sabi nito at idinikit ang nguso nito sa bibig niya, hinihipak ang laman nito at ibinuga ang usok, dinaramdam ang lamig at tamis na iniwan nito sa loob.

 

"Minsan lang 'to, mga 3 sesh a week? limited lang, mahal e."

 

"Me too, mas madalas lang nung nakakaraan, thank fuck nareregulate siya nowadays." he pats himself as he spews that fact, as if tinanong kinda fact, ganun. it's nice to think about rin, lalo na ngayo'y he's not stressed as before and busy siya ngayon.

 

and may nakakasama, pero ayon. busy lang siya. (maniwala sana yung utak niya.)



Tahimik ngayon, kaya't binuksan ni Johnny ang chichirya at dumukot agad ng ilang piraso.

 

Sa pagkaluskos ng lalagyanan, hindi niya naririnig ang kung anong nangyayari sa loob, basta ang alam niya, grave shift, patay na oras, break niya ngayon, malapit siya kay Ten, kinakalabit siya nito, lilingunin niya ito.

 

At hindi na niya naisip ang iba pang nangyayari, kasi hinigit na siya nito sa may batok upang pasaringan ng isang halik.

 

Nagulat si Johnny. Kaso bago niya maproseso lahat, kumalas na si Ten, bumalik sa posisyon niya at pinunasan ang gilid ng bibig. "Ano ba yan, may mugmog pa."

 

Tumawa naman si Johnny pero pinunasan agad ang bibig niya. Pinagpag rin ang mga asin asin sa mga daliri niya.

 

Nakayuko na naman sila parehas, pinipilit iniisip kung anong nangyari. Kalabit lang ba yon ng hangin? Hindi naman posible, masyadong dumampi naman yon nang sobra kung hangin lang. Baka siguro trippings lang? Baka dare? umikot naman ng tingin sa paligid ang dalawa sa kanila, wala namang tao doon.

 

Johnny shifted in his place, directly looking at Ten. Na ngayo'y nakatingin na rin sa kaniya.

 

The eye contact was too much, it pulled them towards each other, as if their gaze called each other's names.

 

Para siyang nahihibang, lumulutang.

 

Alam niya ang ginagawa nila, hindi lang niya mapagtanto bakit.

 

Bakit sa dinami rami ng pwedeng gawin, hinatak niya si Ten sa damit at hinigit para sa isa pang halik.

 

Hindi rin alam ni Ten, bakit sa dinami rami ng kaya niyang gawin, ipinatong niya ang kamay sa balikat nito, at inilapit ang kamay sa bandang batok, kung saan niya ito hinawakan kanina. 

 

Mainit, hindi siya nakakapaso, hindi siya masakit.

 

Pero mainit.

 

Parang tumatakbo lahat ng dugo sa katawan niya at hindi alam kung paano magkukumayaw sa nangyayari.

 

Pumikit silang dalawa sa mga nangyayari, hindi pinapansin ang mga dumaraan na sasakyan o kung ano man.

 

Tinapik ni Ten ang balikat nito, at hinigpitan ang hawak sa batok nito, inilalapit pa lalo ang sarili sa kasama.

Parang tinatapik at sinasabing ituloy mo lang, hindi ako aalis.

 

Napunta ang hawak ni Johnny sa damit papunta sa baywang, mahigpit ang kapit ng isa at pinaparaan naman ang isa pang kamay sa kurba nito.

 

Naghiwalay sila sandali para makahinga nang kaunti. Ipinagdikit ang mga noo, para bang naghahanap ng kakapitan matapos biglang tumayo, nakakahilo ang mga pangyayari, parang nakakapanghina ang buto.

 

"Is… this okay?" Tanong ni Johnny, in between pants.

 

"Mhm." Ten replied as he licked his swollen lips. 

 

Ngumiti si Johnny at inilapit uli ang mga ulo nila sa isa't isa, inviting each other's mouths for another open mouthed kiss.

 

Bumalik ang mga kamay kung nasaan sila kanina, ngunit ang isa sa mga kamay ni Johnny, kaysa nasa baywang, ay nasa ulo niya ngayon, pinipigilan ang pagdulas ng hoodie sa ulo ni Ten habang iginigilid niya ang ulo for better access.

 

Binuksan ni Ten ang kanyang bibig, binibigyang awang ang bibig para maipasok ang dila nito sa loob.

 

Parang minamapa nito ang bawat sulok ng bibig niya, sa bawat daan nito ay nagiiwan ng isang linya, na hindi niya pilit tatanggalin kahit manatili pa ito sa kaniya sa matagal na panahon.

 

Nang kagatin ni Johnny ang bibig niya, napaungol siya bigla. 

 

Idinikit niya ang kaniyang mukha lalo at pinasok ang dila sa bibig ni Johnny, tila nagsasayawan ang dila nila sa kabog ng kanilang dibdib, at sa ingay ng paligid.

 

Humiwalay sila, hinihingal. Tinitigan ang mga mata ng isa't isa at ang laway na nagdudugtong sa mga labi nilang maga na, lahat lahat habang ang mga dibdib ay umaangat, bumababa, naghahabol ng hangin.

 

Si Ten ay sumandal sa pintuan habang si Johnny ay tumingin sa ginagawa ng katabi, sabay pinunasan ang kanyang bibig at sinubo ang hinlalaki, parang pinapakita ang ginagawa sa katabi. 

 

Namula si Ten sa ginawa nito, o baka na rin sa hiya .

 

Tangina, maga-alas tres na. Darating na si Doyoung.

 

"Uh… Ako na uli sa shift ko mamaya, tulog ka na." Tinapik niya ito sa braso at lumapit sa tenga nito, nakangiti. "That's my thank you. Minsan lang yan." At bumaba na sa hagdan para umalis.

 

Nandoon pa rin si Johnny, 5 minutes into his break time. 

 

Sinubo niya ang chips, nakangiti pero medyo naguguluhan. 

 

ANO YON??&?_?_?_?$?!#?_?$ .

 

Same with Ten, na hawak hawak ang labi ngayon, takip takip ng face mask niya.

 

Anlaway niya humalik.

 

"kadiri, putangina." sabi niya habang nangingiting hinahaplos haplos ang labi.



The morning came hours after what happened. Umuwi si Johnny sa bahay niya pagdating ni Doyoung. Nagpatuloy ang shift nila. Dumating si Ten at umalis rin.

Pumasok na rin si Johnny at umalis.

 

Walang nagpang-abot sa kanila.

 

Until it repeated, and the topic was no longer brought up. 



Two weeks after what happened. Nothing new has changed. Bukod na lamang sa mga oras ng uwi nila, wala na. Nothing major happened.

 

The two accepted that the topic will no longer be talked about, as if what happened will already be buried in the skins on their lips, untold.

 

Pumasok na si Ten for work, naglalakad siya ngayon sa mahabang sidewalk patungo sa trabaho, nang makasalubong niya si Johnny sa isang maliit na grocery store.

 

Doon niya naisip na ah, maliit nga siya, kasi halos maabot na ni Johnny yung pintuan ng entrance kahit hindi siya tumingkayad.

 

Doon niya rin naisip na,

 

hindi pa pala siya handa mabring up ang kung ano mang nangyari.

 

Kaya hawak hawak ang bag niya, nagmadali siya lumakad, pilit na iniiwasan lumingon sa takot na kung anong makita niya sa segundong magkatitigan sila, mata sa mata.

 

Hingal siyang pumasok sa staff room. Naabutan siya ni Doyoung habang nagpapalit ito ng damit sa lockers. "Oh ano nangyari?"

 

haha wala tinakbuhan ko lang yung shiftmate natin haha gagi normal yun diba " uh, wala, baka malate lang ako kasi kaya nagmadali ako."



Tumango nalang si Doyoung. "Ay alam mo na ba yung chika?" Lumingon naman sa harap ni Doyoung si Ten, naintriga sa sasabihin ng lalaki. "Ano?"

 

"Maaga raw babalik si satanas"

 

Napatakip ng bibig si Ten sa gulat, "kailan raw?"

 

"Bukas. Rush na naman mamaya,, kukumpleto ng quota lahat kasi may paparty raw mamaya."

 

"Oh, for a farewell? for kuyas— i mean, sir..s??"

 

"O…oo, ganon. Kaya baka hanggang 8PM lang ata tayo open ngayon." Tingin ni Doyoung sa oras.

 

"Shit, ang tight pala ng line  ngayon?"

 

"Oo. Though ang swerte ng sa gabing shift— walang pasok, pupunta nalang sila dito mamaya."

 

ahhh

 

Di alam ni Ten nararamdaman niya, Natutuwa kasi may party? Malungkot kasi mahihigpitan na naman sila? Matatakot kasi pupunta naman 'yon sigurado dito diba?

 

"Sige sige."

 

"Oh aalis na ako, kita tayo mamaya ah!"

 

Umalis na si Doyoung, naiwan si Ten na nakatunganga sa harapan ng locker niya.




The night came by, nakakumpleto na sila ng target [and more, sasurv !] and nakita ni Ten pano ibinaligtad ang door sign to 'close', for the first time in how many months. Nakita rin niya paano inusod ang upuan ng dining area at nagdatingan ang mga katrabaho nila sa iba't ibang shift.

 

Ayan na si Yuta, si Kun, si Haechan.

 

Asan si Johnny?

 

Miski kasi si Doyoung na dating worker ay andito rin, kausap ang mga dati niyang kashift.

 

Asan na 'yon?

 

Lumipas ang oras, nagdatingan na ang lahat, nagkakaraoke pa nga [paano nila naconnect 'yon?] may champagne na sinagot ng mag-asawang aalis. May masasarap ring pagkain, may mga paspeech pa nga and balloons. 

 

Kumpleto naman siya.

 

Eh anong hinahanap niya pa?

 

Umugong ang mikropono sa paligid, napalingon nito ang lahat sa harapan, at doon nakita ang mag-asawang nakatayo sa harapan, nagsisimulang magsalita.

 

"Ayun, maraming salamat sa maliit na selebrasyon" Pauna ni Baekhyun. "Napakaengrande naman, we felt special tuloy" Natawa naman ang iba at nangantsyaw agad.

 

Nagpasalamat sila sa magandang pakikitungo ng mga emplayado sa nakaraang tatlong linggo. Hindi man nila inasahang mapuputol agad ang pagpunta nila dito, pero ayos naman. 

 

Naging maayos rin ang takbo ng resto, tumaas rin ang working spirit ng mga empleyado, nangako rin ang bawat isa na pagiigtingin ang energy na ito lalo na't aware ang mag-asawa sa mga saloobin ng mga nagtatrabaho rito.

 

Nagkaakapan ang lahat, may fumi-fist bump pa sa boss nila na parang tropa lang.

 

May nilapitan rin sila para akapin [nahihiya pa eh.] Isa na roon si Ten, na nilapitan ni Baekhyun at kinurot kurot sa pisngi.

 

"Kita tayo uli ah?" Tumango nang tumango si Ten at sinagot ito nang may ngiti sa bibig "Opo."

 

Natapos ang gabi nang lahat ay masaya, na pilit rin iniisip na balik na naman sa dati lahat.

 

Ngunit si Ten ay nasa may staff room ngayon, nakahalukipkip at nakayuko.



"Bakit di ka pa pumasok? Pumapasok yung init sa loob eh." Biglang sabi niya nang marinig ang langitngit ng pinto, at nang maramdamang may nakasilip sa labas.

 

The said nakasilip, tumayo naman siya agad nang marinig ang pagalit na saad ng nakaupo, nagpagpag ng likod at pumasok sa loob, nakiupo sa isa pang dulo ng upuang mahaba kung saan siya natutulog noon.

 

Nasa iisang kwarto sila ngayon, habang ang iba ay naglilinis sa loob.

 

When the silence felt like crushing them on both ends, the two felt that they had no other choice but to address it.



"Bakit ka umiiwas sakin, Johnny?"

 

"Ikaw ang tatanungin ko Ten, bakit ka umiwas sakin?"

 

He scoffed. "Huh? Ako? Ako ang umiiwas?" Tanong ni Ten, may kamay na nakapatong sa dibdib niya for emphasis .

 

"Bakit, hindi ba?" Pasungit na tanong ni Johnny.

 

"No! I was looking for you! But you didn't even show up when in fact nandoon ka naman dapat!" Depensa ni Ten.

 

"I was doing something, for God's sake." Sagot ni Johnny, "And I looked for you rin naman, pero nasaan ka? Umaalis ka kaagad diba?" 

 

"That's because I don't even know what to expect! Pupunta ka pa ba? Hindi na ba?" Tumayo si Ten. "How would I know if andito ka pa rin after that? And nagaaral ako oh! What do you fucking expect!"

 

"You walked away that night, Ten, paano ko naman malalaman kung okay lang ba lahat after?"

 

Nakatayo si Johnny, pati na rin si Ten, who's now running his hands on his hair. "Apakatanga mo tangina," may diin sa bawat syllable. " I said yes diba!?"

 

"Yes to what, Ten?"

 

"Yes! I liked it! I loved it! Ano ba? Ganon ka ba kadense?" Sigaw ni Ten.

 

Nakita ng iba sa labas na nagtuturuan ang dalawa sa loob, which made the others intrigued. The commotion inside made those in the kitchen to look at the staff room, Hindi nila ito pinakialamanan though, they didn't meddle. kasi it wasn't their business naman, so si Yuta na ang nanguna, "balik na tayo, hayaan natin sila." And they did.

 

The two didn't notice what happened outside as they were both clouded by their frustrations

 

"Ikaw ang tatanungin ko Johnny, Ano na?"

 

"Puta, anong ano na?" Johnny cards his fingers through the strands of his hair, still in disbelief na they're talking about it like this " Kasi if you want to ask me if I felt the same way, then oo!" Sigaw ni Johnny. "Nagustuhan ko tangina, hinahanap hanap ko, kaso nawawala ka"

 

Nanahimik si Ten. So did Johnny.

 

But Ten was the first to poke the ice. "t-talaga ba???"

 

"Oo nga!"

 

Nanahimik sila, nakatayo sa harap ng isa't isa. Umiikot bigla sa kung saan ang mga mata, na biglang nagtama noong magkatinginan sila. Walang nagsasalita at tanging tibok lang ng puso nila ang naririnig, parang binibilangan ang sarili bago gumawa ng kung ano man ang naiisip, kaso parang hindi yon naririnig, kaya lumalakas nang lumalakas.

 

Nang lumalakas.

 

Hanggang sa hindi namalayan, naglapit ang bibig nila, It was a soft damp of the lips, parted seconds after they felt the warm sting of its touch.

 

Johnny bobbed his adam's apple, "Wait...are you...i— is this okay?" His voice was deep and wrapped with cautiousness.

 

Yumuko si Ten, "Oo… i mean if ikaw, ano… okay l—" He didn't continue what he had to say, when the taller immediately surged his lips for a kiss. It wasn't like what they did earlier, it wasn't soft, it wasn't slow. It was fast, but all at the same time, delicate. Baka may masaktan, baka may mabasag.

 

Ten whimpered when he felt that Johnny's touch felt a little rougher to his hips, but he liked it. So he moved closer.

 

"Wag mo ako bibitawan." Ten whispered.

 

As they shifted their heads to a more comfortable position, they moved their feet towards the chair kung asaan si Johnny kanina. Ngayo'y kesa nakaupo si Ten sa dulo kung nasaan siya kanina, nasa kandungan siya ngayon ng isa, smiling into the kisses as their hands go everywhere.

 

Johnny's kiss went a little lower; from the sharp edge of his jaw, to the neck, to where the juncture of the neck and shoulders met, and a little lower on the collarbones. The sensations Ten felt were too much, so much, all that's left in his lips were needy moans as he urged Johnny to kiss him deeper, harsher, and longer.

 

Another shift in their positions drew out a moan from Johnny's lips when Ten moved on his lap. "T-tangina" And he attacked Ten's neck once again as he sucked onto it, savoring the heat.

 

"Ah, ah, J— Can we d— do this a-ah, again?" Nanghihinang tanong ni Ten habang pinupugpog siya ni Johnny gamit ang mga labi nito.

 

"Say please, and I'll say yes." Johnny says in between smacks of his lips on the latter's skin.

 

"Tangina mo."

 

"Okay, edi wag." Nilayo ni Johnny ang ulo niya ngunit ang kamay ay nakakapit pa rin sa baywang ni Ten. 

 

Ten thought of an idea, and slowly grinded his hips habang nakakandong sa hita ni Johnny, specifically planning to hit his hard-on. The action alone made Johnny throw back his head in pleasure. Not to mention Ten's face when it contorted into something so… 

 

hindi niya alam, its mind numbing. ayun.

 

He took that as a sign to mark the taller's neck, licking onto the sides as he sucked hickeys on it. "Please."

 

Ngumisi si Johnny habang nararamdaman ang bawat dampi ng labi at dila ni Ten sa balat niya, "sarap?"

 

"Mhm." he pauses "Hindi." pero binalikan ni Ten ang labi niya para matikman pa ito uli, hindi hinahayaang matanggal ang hawak na nasa kwelyo na ngayon. 

 

They continued to muffle each other's worlds in the bubble of their pleasure when Ten's phone rang. 

 

"Pick it up."

 

Ten groaned and answered the phone. Medyo labag sa loob niya ito kaya natawa naman si Johnny na nakaupo ngayon, pinahihinga ang sarili habang pinababa ang utak sa pagkalutang.

 

"Yeah, ah yes, 't just ended, uuwi ako, uhm, okay, I'll send the files to you." He says to his kausap then clicked the end call.

 

Kumandong uli si Ten pabalik, at pinatong kaagad ang mga kamay sa balikat ng isa, habang si Johnny ay ikinapit naman ang kamay sa hita nito.

 

Hinalikan siya ni Ten, medyo nakabuka ang bibig, kaya nang ipapasok na sana ni Johnny ang dila niya uli, humiwalay si Ten.

"Bukas nalang, may gagawin ako." Tumawa si Johnny. "Shifts starts at the same time ah, si dowi lang ang half day" 

Umirap si Ten. "Wag mo na ipaalala, inamo." 

 

Johnny chuckled, and watched Ten wear his outside shoes and exited the room.

 

When he felt that no one was around the staff room, tumingin siya sa baba.

 

Maybe he should do something about… this .



The commotion didn't reach the higher up, kaso it made some of them ask what happened. 

 

"Wala. Nagkasagutan lang." sagot nila.



After that, well that was the beginning.

 

Every time one of them will ask for a favor, it'll always come down with a kiss, [or more] as a settlement, or a thank you.

 

Just like when Johnny asked Ten to shift with him due to uni work, [aprubado ng tiyuhin niya 'to.] 

And after their shift of shifts, they'd end up where no one will see them, and doon sila maguusap.

 

"Hey, ano na gagawin k—mph!" Binuhat agad siya ni Johnny at hinalikan sa store room.

 

Another instance is noong nagpapacover ng shift si Yuta, kasi nagaapply na rin siya ng trabaho sa iba, one that can mostly cover his fees, now for his desired course. 

 

So whenever he covers for Yuta, magkakasabay sila ni Johnny sa trabaho, at kapag oras na ng break nila every graveyard shift, kesa kumain o matulog.

 

Nasa staff room sila, ano. may ginagawang mga ano. (kiss lang)

 

The instances of them doing these became too much as time passed by, na ilang beses na silang naabutan ng iba na ginagawa 'yon sa loob.

 

Minsan aabutan nalang nila ang isa sa dalawa na maga ang bibig, so the two resorted in wearing facemasks.

 

"May sakit ka, kuya?" Tanong ni Yangyang kay Ten. 

 

"Hindi naman." He says habang medyo napapahingal pa.

 

"Pahinga ka nalang po kaya?" Nagaalalang tanong nito.

 

"Hindi, okay lang ako. Don't worry." Ngumiti siya kay Yangyang at sumilip bigla kay Johnny, na nakarolyo ngayon ang sleeves at nagtatrabaho sa prep room.

 

TMI man, pero kung ano ano ang napagtitripan nila gawin kasi, wala lang, they liked the thrill it gave.

 

Mula sa malaway na mga halikan, mula staff room at sa bahay ng isa— hanggang sa ang isa ay nakaluhod na sa malamig na lapag, kumakalantog ang metal ng sinturon habang dama ang pagmamadali sa kagustuhang magawa yung kanina pa nila napaguusapan sa tingin, hanggang sa paggawa ng tunog ng bibig at kamay na nakakapagpaingay sa mga tenga nilang yun at yun lamang ang makakarinig ng kung ano man ang set up nila ngayon.

 

Marami, marami.

 

Isang beses pa noong naabutan siya ni Yuta nang dumalaw ito para magpasalamat sana kay Ten. Kaso dahil di naman niya alam na may tao sa loob [plus kinurtinahan na yung pintuan pa loob, kaya noong buksan niya yung pintuan, naabutan nalang niya si Johnny na nakasandal ang likuran sa pader, habang buhat si Ten paharap, doing the lord knows what.

 

"Ano ba ya— ay."

 

Hindi nagsalita si Yuta, natameme lang siya habang sinarado agad yung pinto sa likuran niya.

 

"Uh…"

 

The three stood in awkward silence, until Ten broke it off.

 

"W-wala sanang lalaba-"

 

"Oh… oo.. oo…" Sabi ni Yuta at biglang hinila si Johnny palabas ng staff room, papunta sa hagdan palabas nito.



"Tangina pre, wag kayo magpahuli naman!"

 

"Sorry we forgot to lock the door," Johnny says as he scratches his nape. "Teka, di ka man lang ba magtatanong kung ano yon?"

 

"Wala naman akong pakialam," Sagot ni Yuta. "Saka alam ko na yan matagal na."

 

Nagulat si Johnny, hinarap agad ang kausap. "Puta? Since when?"

 

"Since hmm, nung una akong nagrequest ng shift ko after bumalik ni boss?"

 

"Dude, that was months ago!"

 

"I know, at hindi ko alam ano bang trip niyo, tangina. Nagaaway pa rin kayo sa loob ng kusina and then have your tongues down each other's throat the next, ano 'yon pre?"

 

Napaisip si Johnny. Oo nga no.

 

oo nga, 'no?

 

"Baka mamaya hindi kayo naghuhugas kamay ha."

 

"Ikaw 'tong dugyot rito, idadamay mo pa kami."

 

"I'm just saying, basic hygienes before complex arrangements."

 

"Ulol"

 

Sure siya sa basic hygiene, tanungin mo pa si Ten. Pero doon sa huli, hmm.

 

Totoo naman, it's complex naman talaga ah?

 

Nag-usap pa sila nang sandali pa. Hanggang nagpaalam si Yuta sa kausap. "Sabihin mo nalang kay Ten bukas ko siya kikitain para magthanks, sorry kamo."

 

Pumasok si Johnny, nakatingin kay Ten, flashing him an apologetic smile and was answered by an awkward i know right smile.

Akala nila, tapos na ang lahat, kaso bigla siyang hinila ni Johnny sa banyo na nakapagpatanong sa kaniya kung bakit, kahit alam naman na niya kung bakit, pero tinuro pa rin ito ni Johnny, ah.

 

Kinalaunan, dumating si Doyoung. Sabay nang umalis si Johnny at Ten sa trabaho. Not minding the knowing stare na binigay sa kanila ni Doyoung noong nagkasalubong sila sa hallway.

 

Kaso, habang naglalakad, pumasok sa isip ni Johnny ang sinabi ng kaibigan.

 

ano nga ba 'to?

 

should he act on it na ba?

 

shrug it off?

 

Is it really complex to process?

 

His train of thoughts was stopped when Ten held him by the hand. "Huy, alam mo  yung lugawan sa may kanto? yung dilaw?"

 

Umiling si Johnny. Hinatak naman siya ni Ten at tumakbo sila. Well, si Ten lang, nagpahatak lang si Johnny, willing to go to the flow. 

 

kung saan man siya dadalhin ni ten, sasama siya.

 

"Tara, libre kita!"

 

After non, nagkasanayan na ata na hahatakin ng isa ang isa papunta sa kung saan nito gusto. O gawin ng isa ang kung anong gusto ng isa pa.

 

It was simple, sometimes grand. It can be as simple as Johnny getting something for Ten when he works at his shift, giving him a kiss then going to the staff room after, para intayin ang pagtapos ng shift ni Ten.

Ihahatid niya ito sa sakayan at itetext kung nakauwi na ba ito. [Nakuha na ni Ten ang number ni Johnny, binigay niya ito some day after ng isang cover shift, and for the "thanks" part, ibibigay niya ang number nito before the kiss.]

 

Uuwi si Ten, promising to fetch Johnny after his shift, which na tototohanin naman ng isa. Hihilahin niya ito para kumain sa kung saan nito gugustuhin. Minsan bubuhatin niya pa ang bag ni Johnny or vice versa, and it didn't feel like an obligation, never was.

 

It can also be a tad bit too much, such as Johnny asking Ten if he could come with him para samahan siya na magapply.

 

Palakad lakad sila, kaya grabe ang pawis nila noon, which pupunasan ng isa with their own handkerchiefs at papainumin ng mga samalamig na nililibre nila sa isa't isa.

 

Ito ang nangyayari sa labas ng kusina, and more. So much more. 

 

Kapag naroon naman kasi sila, mag-aaway sila, It wasn't that bad, it's just simple bickering lang sa workplace [na minsan umaabot sa kurutan.] At tatawanan lang ng iba, dahil ilang buwan na ang nakakalipas simula nang magkasama sa trabaho ang dalawa, pero ganon pa rin sila.

 

Minsan, kapag hindi sila nakakapagshift kasi okay naman ang lahat, nagkakachat sila, minsan nagaasaran, [if minsan translates to everyday, then oo. minsan] Or kapag day-off ng isa, pupuntahan niya ito sa bahay at magdadala ng pagkain. The rest of the day? Ayun .

 

It became a routine. Naging paulit ulit. Their shifts became their everyday life. [Bakasyon na rin kasi.]

Not just their shifts, but their presence became their norm, their kind of regular.

 

All of it became a habit that's hard to break off.

 

But then again, no one was ready to address it out loud.

 

Kung ano man ang nararamdaman ng isa, it just settled in his heart, hidden in the back of a hard shell keeping it from the touch of the painful world.

 

At ang isa, nakaantabay lang sa labas nito, nagiintay sa kung ano man ang nangyayari.




Natapos na ang shift ni Ten na cinover niya for Yuta. Nagpunas ito ng kanyang kamay sa kanyang apron at dumiretso sa staff room para sa rest nila.

 

Nagsscroll siya sa cellphone niya. Nanonood ng mga bagong hacks sa 5-minute crafts o kung ano man ang lalabas sa algorithm ng fb niyang magulo, although, nothing beats the owner's utak pag nagpacontest yan, tignan nyo uuwi nang maga mata yan.

 

Nang may biglang kumatok, lumingon siya dito at sinabihang pumasok na lang dahil bukas naman ang pinto.

 

Nanood siya uli at nagulat nang may tatlong platong parisukat na biglang inilapag sa harapan niya.

 

"Hugasan mo raw," sabi ni Johnny, na tiningnan niya nang may galit, pero humupa agad nang kindatan siya nito.

 

"Bwisit."

 

Pagpapatung-patungin niya na sana ang mga plato nang may makita siyang mga nakasulat rito, mukhang chocolate sauce? or barbecue? huh?

 

it was written in messy cursive. "punta ka sa dining" nakalagay ito sa isang plato, next is a messy "fuck you" sa isa, and next is "mali, sa office pala." and down below is a cat emoticon na may hawak na card sa buntot, and the card was with a J.

 

"Nakakainis ka."

 

Inis na inis na naman siya dito, kaya nga sinunod nito ang sinabi ng nasa plato at nagpunta sa office, eh.

 

Nang nasa harap na siya nito, nagulat siya nang may humila sa kaniya papasok. Madilim ang loob at wala kang makikita na kahit ano.

 

Niyakap siya nito pagkatapos. 

 

The smell was nice, familiar at most.

 

Gusto niya maglagi roon sa kung nasaan siya. But first, bakit pala siya andoon?

 

"Johnny, teka." Tinapik niya ito at nang kumalas na ito sa likuran niya, binuksan niya yung ilaw.

 

He saw the office, It was white, It was simple, just like what is it before pa. 

 

Well may dalawang balloons sa gilid, kaso bakit naman?

 

"Ano meron?" Nilibot niya ang paligid nang matuon ang mata niya sa isa pang plato na nasa mesa. Inilapag niya ang mga dala niyang plato at nilinya sa may lamesa, at binalik ang tingin sa platong nasa harap ng tatlo, it was a little cake placed in a white plate, may lettering pa sa side ng cake kung nasaan ito nakalagay.

 

'im proud of you, Ten~ <3'

 

"What's this for?"

 

"Wala lang, appreciation." Ngumiti si Johnny at hinayaan lang si Ten na ilibot ang mata sa paligid niya.

 

nakapukaw ng atensyon kay Ten ang isang papel sa ilalim ng plato, kaya dahan dahan niya itong hinila.

 

Nang buksan niya ito, isa siyang papel galing sa logbook, at agad niyang nalaman kung kanino to galing. Kilala niya ang handwriting, ang pagkapunit, lahat.

 

"Bakit nasa'yo?"

 

"Binigay ni Doyoung sakin."

 

"Liar."

 

"I'm telling the truth."

 

psh. "Weh?"

 

"Mhm, why would I lie to you naman?"

 

"I don't know, because you hate me?"

 

Johnny widened his eyes in disbelief, his lips curving to the side, "Huh? Ako pa ang may hate?" Lumapit siya and he cupped the smaller's face, "Ako?"

 

"Yeah, minura mo kaya ako!" 

 

"Hey, you cursed at me first!" Johnny said, caressing the cheek with his thumb. "Binalikan lang kita."

 

"Sinungaling." 

 

Johnny softly chuckled. Inilapit niya ito sa kanya para yakapin, which Ten complied to it. 



Dati, naaalala niya, whenever they got breathless after a makeout session, Ten would tease the other if he still wants a hug after that, ("Oh, a-ano? Magpapaakap ka pa?" "Sige nga." pero wala namang tutuloy) Noong sineryoso naman ni Johnny, aalma si Ten, papadyak padyak sa gilid, papalo-palo sa dibdib, kaso tutuloy rin naman.

 

"5 minutes lang ah, baka mamihasa ka." Sabi noon ni Ten.

 

Until 10 minutes na, na naging 20, hanggang sa wala nang limit, hanggang sa di na umangal.

 

Hanggang sa isang araw, si Ten nalang ang naginitiate mismo.



Umakap pa nang mahigpit si Ten. "Why did you do this, yung totoo?"

 

"Appreciation nga." Sabi ni Johnny, Nakadantay ang baba sa bumbunan ni Ten. " Because you deserve it."

 

Inangat ni Ten ang tingin niya sa lalaki, lumayo nang kaunti para makita ang mukha nito. "Ginagago mo ba ako?"

 

"No, Ten. Seryoso ako."

 

Natahimik si Ten at tinago ang mukha uli sa dibdib ng nakakatanda. "Nakakainis ka eh."

 

"Oh, why naman?"

 

"Bakit ka ba nice sa akin?" 

 

Dumantay uli si Johnny sa ulo ni Ten, niyayakap ito habang paikot-ikot sila sa opisina.

 

"Hindi ko alam, sa totoo lang. But I hope you'll believe me when I say na lahat to, lahat… I did that because I want to."

 

ilang sandali lang ay pinalo-palo na ni Ten ang likod ni Johnny. "Nakakainis ka, sobra."

 

"I know, I know. Crush mo ata ako eh."

 

Nakakainis ba dapat na nakaakap ka ngayon sa kinaiinisan mo, at nakakaramdam ka ng mga bagay na hindi mo dapat nararamdaman sa kinaiinisan mo na 'yun?

 

Should he welcome the feeling or hide it again?

 

Is he worth it?

Is the feeling worth welcoming again?

 

"Jo…"

 

"Mhm?"

 

"Do you like me ba?"

 

Napahinto sila sa indayog ng kanilang mga katawan.

 

Kinakabahan ngayon si Ten, why did he stop?

 

"I- don't…"

 

gago ka ba?

 

tangina. no.

 

" I-  don't plan on saying this… ngayon…"

 

"Ha? K-kailan…" Naiiyak siya, nagbabadya ang luha niya sa mga mata. Nabahala si Johnny nang makita ang mukha nito.

 

"Hey, n-no! I was pertaining to…" "Teka teka…"

 

Pinatahan niya ito, hinimas himas ang likuran habang hinahagulgulan ang damit niya.

 

They should've opened his tito's aircon pala, mainit dito eh.

 

"May I explain na ba, baby?"

 

Tumango si Ten, "Tangina mo."

 

"Hindi ako aamin ngayon, Ten. hihintayin ko sana na nasa bahay ko tayo. i was actually planning something na…" 

 

Totoo naman 'yon.



Noong kinaumagahan kasi pagkauwi nila sa lugawan ni Ten, tinawagan niya agad si Yuta.

 

"Dude…"

 

"Ano na?"

 

"Normal ba… yung ginagawa ko… yung ginagawa namin? Oo diba?"

 

"Grabe, masyado mo atang sinira settings ng utak mo, hindi mo na maisip yung tama." Tumatawa si Yuta, habang may nagpplay sa background niya na tv, "Kala ko body clock mo lang wasak."

 

Tumawa lang si Johnny, "Para kang gago."

 

"Alam mo Johnny, kung tatanungin mo ako pero pinipilit mo pa rin yung naiisip mo, ayoko na, Wag mo kami guluhin ng netflix ko."

 

"Eto na nga eh, ano na ba?"

 

"Hindi, Johnny, hindi normal, engk! consider your feelings na. Kasi hindi na normal yan. Ayos na ba?"

 

Wala siyang tulog noon pagkatapos. Medyo nakakatawa lang na mas nalaman pa ng iba ang nasa isip niya bago siya. Baka tama nga si Ten, ganoon ba siya kadense?

 

Atleast alam na niya, atleast he's aware of the things he feel whenever Ten is around.



"So nagplano na ako… But now we're here. So…"



Di alam ni Ten, pero humigpit siya ng yakap pa rito, natatakot ba siya? nababahala?

 

Sa totoo lang, ngayon niya lang rin naisip ito.

 

It would be cliché kung sasabihin niyang 'I realized everything one day when I looked into your eyes and I felt everything swirl around me all at once.' pero ganoon ang nangyari. 



Though he shrugged it off, thinking that maybe normal lang ang ginagawa niya and he was feeling too swayed into the hums of affection.

 

He asked his friend if it was normal. 

 

He knows it's not.

He wants to believe it is.

Alam naman niyang pag nagtanong siya, iba ang maririnig niya.

Pero alam na rin naman niya ang isasagot niya

 

"Okay Ten, If you're going to ask me this when you already know what I am going to say or may desisyon ka na, I'll hang up na."

 

"Sige na jungwoo, sabihin mo naaaa…"

 

"Teka kasi Ten, ano na ba nararamdaman mo?"

 

"Galit? Sa kanya at sayo?"

 

"Gago, ano nga?" Tanong ni Jungwoo

 

"hindi ko alam, parang, nagiiba na, It was supposed to be my thank you, noong una...

Tumawa naman si Jungwoo," Wow, ayoko na ng thank you, baka laplapin mo rin ako."

 

"Tangina mo. Eh pero, kaso nung nagtagal may nagiba, natatakot ako sobra, pano kung ako lang pala? He rambles.

 

"Edi tignan mo kung ano mangyayari, umamin ka."

 

"No way, manigas tite niya."

 

"Okay, then tanungin mo siya."

 

"He'll say no,"

 

"Wag mo siya unahan? Jungwoo says.

 

Umirap si Ten sa kabilang linya, "Fine. fine."

 

"While you're thinking about that, isipin mo na rin yung nararamdaman mo, or if may feelings ka ba for him."

 

"Wala. Wala akong nararamdaman for him" meron, ata.

 

"oks, ibababa ko na to, tell me kapag ang isasahog mo na sa pagkain mo, salita mo, okay?"

 

Natapos ang tawagan nila ng kaibigan niya nang nakatitig siya sa kisame. Pinakikiramdaman ang sarili niyang namumula habang iniisip ang mga ginawa nila noong nakaraan. Ang itsura nila noon, at ang mga nararamdaman niya noong oras na iyon.

 

Hinilamos niya ang mukha niya. "Patay, puta. Alam ko na ata ulam ko"




"So, here it is..."

 

"Yung what?" Masungit na tanong ni Ten ngunit nakadikit pa rin ang mukha sa dibdib nito.

 

"I like you, Ten."

 

"Are you fucking with me pa ba?"

 

Natatawang ngumingisi si Johnny, "What do you mean ba? Because that question is answerable with a yes or no."

 

"Subukan mong gamitin yang ano mo sa pag-iisip ngayon, ako papalo ng tenderizer diyan."

 

"Okay okay, no, I am not fucking with you, sa feelings mo. Oh, tignan mo kung nawowow mali ka ngayon."

 

Umikot si Ten, walang kamera, gara, hindi set-up.

 

Walang tao, si Johnny, ang cake na kinalimutan na ata nila, at si Ten. Sila lang.

 

Sila lang ang nandoon kasama ng mga puso nilang tumitibok, hindi maipaliwanag ang nangyayari.

 

"Johnny…"

 

"Bakit po?"

 

"Palit tayo?" ngumiti ito.

 

Johnny was confused. "Anong pagpapalitin?"

 

Bumalik si Ten sa staff room, at iniwan si Johnny na nagiisip kung anong pagpapalitin nila. Lumapit siya sa cake. Medyo malamig na ito, pero okay lang, salamat sa service mo, teh.

 

Habang nakatitig siya dito, di niya namalayan na pumasok na si Ten sa loob. 

"Here."

 

Binuksan ni Johnny ang binigay na mga papel ni Ten. "ha?"

 

'Johnny, gisingin mo ako ha!'

 

'pangit, pagising 5AM

 

ay charez, indi mo naman to babasahin kasi tangina mo eh'

 

' Doyoung! pagising ako 5 AM huhu '

 

wag mo 'to pakita kay Johnny tangina non masama ugali niyan '

 

' Mabait ka ba, Johnny? gisingin mo nga ako if yes! Ah hindi, pasensya na haha sino ba ako para gisingin haha '

 

Ito ang mga nakasulat sa papel na binigay ni Ten.

 

"Mamili ka nalang, akin yun," turo niya sa papel kanina, "may sinulat ka doon eh."

 

Tumawa si Johnny, at nagisip, hinihimas himas pa ang baba habang nakatingin sa taas. "Hmm… lahat."

 

"Swapang." Binigay naman ni Ten lahat.

 

Kinuha naman ni Ten ang papel uli sa ilalim ng plato, at nung tumalikod si Johnny, napansin niya ang papel na lukot na hawak hawak pa ni Ten. "Ano yan?"

 

"Wala."

 

"Ano nga? Love letter no?"

 

"Kadiri ka!" Binato ito ni Ten sa kanya at pinulot naman ito ng isa agad, "Uy, wag!"

 

Inangat ito ni Johnny, at pilit ito na inaabot ni Ten sa kaniya. Kaya naman hinawakan niya ito sa baywang at inalalayan lang "Ano ba kasi!"

 

Binuksan niya ang papel gamit ang kamay at nakita ang nasa loob.

 

May title na RESEARCH ang nakalagay sa taas, tapos nothing about reseaech na ang sumunod, just scribbles na lang ang nakita niya sa at mga drawing ng krus at mata. 'pagod na po ako magarki haha'

 

sa kalahating parte ng papel ay mga rants na phrase. 'yoko na magaral' 'tanginang boss yan' 'bagsak na ekonomiya masama pa rin ugali'

 

"Ano to?" he squinted his eyes sa papel at nakita yung nakasulat. 'tanginang shiftmate to, pampam ' natawa naman siya, tinignan niya pa ang maliliit na sulat. 'palibhasa pogi ka kasi. kaso masama naman ugali mo'

 

Yung papel, parang nakita na niya noon. Ah, nung sinilip niya si Ten, kaya pala tinakpan yung papel.

 

"So pogi ako?"

 

Binatukan siya ni Ten, "hindi na, gago!"

 

binalik niya ang papel, "oh sorry na, sorry na."

 

"Bibigay ko naman, atat na atat ka kasi eh." Ten sulked, at umupo sa sofa at humalukipkip. "You're so cute." Johnny blurted out.

 

"Ayoko na, di na ako aamin, bahala ka diyan."

 

"Hey, ha?" 

 

Nakayuko si Ten. "Bahala ka, sasabihin ko pa naman na aamin na ako soon, iaassure pa naman kita ngayon tas ginagago mo ako." saad niya nang may mahinang boses, pabulong.

 

"mkay na, i'm sorry na. please forgive me po…" Johnny coos, dragging all the vowels to look cute. "Mukha kang ewan."

 

Inakap siya ni Johnny, nakatayo ito ngayon habang si Ten ay nakaakap habang nakaupo, nakadantay ang ulo sa tiyan ni Johnny. "You'll wait for my answer, 'di ba?"

 

"Yep. I would. Take your time, baby."

 

"Yeah okay, call me that like… now na ah, I like it"

 

"Really?" 

 

"Yes po."

 

They hugged, and hugged. Drawing circles at the small of the other's back.

 

"Jo, wait for me. Please."

 

"I would, I would."

 

they both settled in the silence, clocks ticking as they basked in the moment of their emotions.

 

"Thank you, so much. Thank you."

 

It wasn't official, but it was now known.

 

Ang mahalaga, alam na nila ang nararamdaman at may patutunguhan sila.

 

"Tapos na shift mo 'di ba?" Tanong ni Ten. "Opo."

 

"Great, cuddle tayo sa inyo."

 

Nothing was settled pa, but now, both are sure.

 

Something shifted in them, and that something assures them of everything.

 

Not now, but soon.





























Notes:

open ending ba yung ganito... hindi na ata...

 

hello sendmeyourthoughtshere or ewan ko kung asan ako don nyo sabihen if u guys want ehshdhhshdjshd m really curious.........

if some tags are forgotten, sabihan nyo akk WAWAWAWAWA!!!

taking this time of the day to say thank yEWWWWW to those na nagmotivate saken na ilabas pa to sabi nga ng singer of the year na nasa shakeys, SALAMAAAAAAATTTT!!!

this au is really special for me, mainly because ito pa lang yung mahabang au na nasulat ko (and one shot siya, so hindi ko na rin alam) so ayon,

to those na nagbasa sa gdocs, really, salamat, thank you, m really happy.

from the bottom

of my heart,

 

thanks, sa pagtulak na ipost pa to dito, iloveytieitjejsfjmsdn, magtulak pa tayo (ng ano)

may isa pa sa gdocs eh, hulaan niyo nalang kung ano (kapal neto) for now, sana nagustuhan nyo ung geft??? pamasko??? sino ka jan??? santa clues????

until next shift nalang, (heart hands)