Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2023-01-02
Words:
1,241
Chapters:
1/1
Kudos:
4
Hits:
106

Best Friend

Summary:

"Huwag kang mag-alala, Yongie. Kahit magkaroon ako ng maraming kabigan, ikaw pa din ang nag-iisang bestfriend ko. Ikaw pa din ang nag-iisang mamahalin ko."

Hindi lubos maisip ni Jaehyun na kakayanin niya, pero para kay Taeyong, gagawin at kakayanin.

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

Pasado alas-nuwebe na ng gabi. Inihiga ni Jaehyun ang pagod niyang katawan sa kama at niyakap ang kanyang paboritong unan. Ngunit, lumipas ang humigit-kumulang na isang oras, nanatili pa rin na gising ang kanyang diwa. Nakailang baligtad na siya sa kama ngunit hindi man lang siya nakaramdam ng kahit kaunting antok.

Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama. Nag-isip ng maaring gawin para antukin hanggang sa dumako ang paningin niya sa mga kahon na katabi na kanyang shoe rack. Napabuntong-hininga na lamang siya nakita. Hindi na pala niya naharap ang pag aayos ng kwarto pagkatapos niyang lumipat dito nung nakaraang buwan dahil sa sobrang abala sa trabaho. Sinimulan niyang buksan ang isang box at doon nakita niya ang kaniyang record player na niregalo sa kanya ni Taeyong noong nakapasa siya ng board.

Niligpit niya ang mga nakakalat niyang blueprints sa lamesa at doon pinatong ang record player. Lumapit siya sa kanyang cabinet at doon kinuha ang nakatagong Vinyl ni Tom Misch na Geography at dahan dahang inilapat sa kanyang record player para patugtugin.

Bumalik siya sa pagkakahiga at nagsimulang pumikit na nagbabakasali na makatulog. Niyakap niya ang kanyang unan hanggang sa mapablikwas sa biglang pagkakaala kung anong araw ngayon, June 30.

Sabi ko na nga ba may nakakalimutan ako. Bukas na nga pala yung birthday ni Taeyong. Badtrip nawala talaga sa isip ko. Sana lang 'wag syang magtampo. Kaya di siguro ako makatulog.

Napangiti na lang si Jaehyun sa pagkakaala niya kay Taeyong. Matagal na silang matalik na magkaibigan at napakadami na nilang pinagdaanan. Lagi silang magkasama sa oras at saya, sa kabiguan at tagumpay. Mas matanda si Taeyong sa kanya ng ilang buwan pero parang mas bata pa ito pag kumilos kaya grabe ang pagaalaga ni Jaehyun dito. Si Taeyong ang bukod tanging takbuhan niya kapag may problema. Si Taeyong ang taong hindi magdadalawang-salita na tuparin kung ano mang hinging pabor ni Jaehyun kahit dis-oras ng gabi o kaya magising nito ang nakakatanda sa gitna ng kanyang pagkakahimbing. Siya ang naging sandalan ni Jaehyun sa tuwing umiiyak ito kapag pinagmamalupitan na naman ang nakakabata ng mundo. Siya ang nag-iisang bestfriend ni Jaehyun, ang nag-iisang kakampi nito.

Mahal ni Jaehyun si Taeyong higit pa sa kaibigan, ngunit hindi nito masabi. Natatakot siyang mawala ang nakakatanda sa kanyang tabi. At kahit pa laging ina-assure ni Taeyong na habang buhay niyang ipagtatanggol ang nakakabata, ay hindi nito magawang sabihin ang tunay na nararamdaman.

Alam ni Taeyong ang pinagdaanan ni Jaehyun simula pa lang noong bata ito. Sa napakamurang edad, naranasan ni Jaehyun ang matinding kalupitan mula sa isang taong inaakala niyang kakampi. Ito ang dahilan kung bakit siya dumaranas ng matinding inferiority complex at kung bakit lumaki itong mahina at takot sa mundo. Walang ibang nakakaalam ng pangyayaring iyon kung ndi si Taeyong.

 

**FLASHBACK**

Highschool na sila noon pero sila pa din ang magkasama palagi. Hindi sila naging magkaklase kaya nag aantayan na lang sila sa tabi ng rebulto ni Rizal kapag recess at sabay na kakain. Doon din ang kanilang meeting place kapag uwian na. Ilang beses na sinabihan ni Taeyong si Jaehyun na huwag matakot makipagkaibigan sa iba.

"Jaehyunnie, di ba sabi ko sa'yo try mo man lang makipagkaibigan sa iba. Alam mo naman na hindi sa lahat ng oras ay magkasama tayo. Huwag kang matakot ah?" At sabay yakap nito sa nakakabata.

"Eh, alam ko naman yun Yongie, pero para sa akin, hindi ko na kailangan ng iba. Ikaw lang sapat na." saad ni Jaehyun pabalik. Alam nitong namumula na ang tenga niya at nagdadasal na lang na hindi ito mapansin ng nakakatanda.

Dumating ang panahong kinailangan umuwi sa probinsya ni Taeyong dahil namatay ang lola niya. 'Yun ang unang pagkakataon na walang kasama si Jaehyun na pumasok at umuwi. Pagbalik na pagkabalik ni Taeyong, kinwento agad ni Jaehyun ang ginawang pang-iinis ng mga kaklase nito na ipinanganak lang yata para magpahirap sa mga taon nasa paligid niya.

"So, anong ginawa ng Jaehyunnie ko?" Habang nakataas ang kilay ni Taeyong at para bang alam na niya ang susunod na ngyari.

"Hmm. Wala. Tumahimik lang ako." Nakayukong sabi ko at hindi makatangin sa kanya.

Hinawakan ni Taeyong ang kamay ni Jaehyun habang ang isang kamay nito ay inangat ang ulo ng nakakabata, "Jaehyunnie, lawakan mo ang iyong mundo. Subukan mong makipagkaibigan iba. Para pag may araw na wala ako sa tabi mo, may iba kang makakasama at magtatanggol sa'yo. Hmm? Pero susubukan ko pa rin na hindi mawalay sa'yo ng matagal."

Tumango na lang si Jaehyun at niyakap ang nakakatanda nang mahigpit. "Huwag kang mag-alala, Yongie. Kahit magkaroon ako ng maraming kabigan, ikaw pa din ang nag-iisang bestfriend ko. Ikaw pa din ang nag-iisang mamahalin ko."

"Puro ka talaga kalokohan. Halika na nga at nagugutom na ako." Sabay hila sa nakakabata patungo sa paborito nilang tapshihan.

Napangiti na lang si Jaehyun at ipinangako sa sarili na oras na makapagtapos siya at wala pa din kasintahan si Taeyong ay magtatapat na ito ng tunay niyang nararamdaman.

**END OF FLASHBACK**

 

Naputol ang paglalakbay ng isip ni Jaehyun ng tumunog ang kanyang cellphone. Isang mensahe mula sa kanyang katrabaho at tinatanong kung maaga daw ba ito makakpasok bukas. Alas-onse pasado na pala pagtingin niya sa kanyang orasan. Kailangan na niyang matulog kasi dadaanan muna niya si Taeyong bago siya tumuloy sa trabaho.

Kinabukasan, alas-singko pa lang ay gising na si Jaehyun. Inayos ang sarili para magmukha naman syang presentable at pogi pagharap nito sa nakakatanda. Dumaan muna siya sa isang convenience store at bumili ng konting pasalubong para kay Taeyong.

 

Taeyong Lee

Born : July 1, 1995
Died : August 21, 2020

 

Nilapag ni Jaehyun ang dala nitong bouquet of tulips at favorite na chocolate ni Taeyong sa harap ng puntod nito. Umupo siya at sinindihan ang kandilang binili niya sa labas ng sementeryo.

Taeyongie, bestfriend, mahal ko, sana nandito ka para makita mo na hindi na ako yung dating Jaehyun na weakling at takot sa mundo. Nakikipagaway na nga ako eh pero hindi ako war freak.

 

Tatlong taon na ang nakalipas nang bawian ng buhay ang matalik niyang kaibigan dahil sa isang car accident. Nabangga ang taxi na sinasakyan ni Taeyong habang pauwi ito mula sa first anniversary nila bilang magkasintahan. Nagpumilit ang nakakaktanda na mauna nang umuwi sa kanilang condo dahil kailangan pang bumalik ni Jaehyun sa opisina para tapusin ang kanyang trabaho. Isang malaking kliyente ang inaasikaso nito at alam ni Taeyong kung gano katagal hinintay ito ng ng nakakabata. Napagalaman na lasing ang driver na nasakyan na taxi ni Taeyong at ito ay nakatulog habang nagmamaneho kaya hindi na naiwasan ang truck na paparating. Hindi na ito nakaabot ng ospital. Dead on the spot.

Sobrang lungkot, pangungulila at depresyon ang naramdaman ni Jaehyun noon. Hindi nito alam kung paano mabuhay nang wala sa tabi ang isang taong nagparamdam sa kaniya kung ano ang unconditional love. Hindi niya alam kung papaano niya sisimulang muli ang buhay nang wala ang pinakamamahal niyang Taeyong.

Kung andito ka lang, I'm sure you'd be proud of me. Marami na akong kaibigan ngayon, pero syempre ikaw pa din ang nagiisang bestfriend ko. Ikaw pa din ang nagiisang nilalaman ng puso ko. Salamat ulit sa patitiyaga mo sa akin dati. I wouldn't be what I am today if not for you.

Pinunasan ni Jaehyun ang mga nangingilid na luha sa kanyang mga mata at bumulong ng isang maikling panalangin. Pagktapos nun ay tumayo na sya at naghanda para umalis.

"Happy Birthday, mahal kong bestfriend. Sana magkita tayong muli."

Notes:

Thank you for reading! This one hits home. I studied overseas when I was young and met someone whom I've become closed to. It was a weird encounter as I was in the pilot section and he was from the last. We had this sportsfest and it finished late, he saw me walking alone and offered to walk me home to make sure I am safe. Eventually we became close. We were like yin and yang. After some time, I have to go back to PH when my father passed away. We tried to kept in touch but adulting happens.

One sunny day of 2021, I tried to clean our storage room and found out boxes from when I was staying overseas. I saw some pictures of us and tried to search for him in social media to no avail. Until I stumbled upon his mom's fb. I scrolled through her timeline and found out that he passed away last 2013 due to an accident. He was riding his motorbike and a drunk driver suddenly swerve to his lane and was hit.

My 3-year stay overseas was worth it and did not felt homesick because of his friendship. I felt that genuine sincere and comfort with all our talks we had. And I knew and felt that he loved me, more as a friend, but did not say anything as I like someone else during those times. He knew that if he confessed to me, I will just get confused about my feelings and he never would want that.

Thank you "Francis" for making me feel loved and wanted. For making me feel that I have worth. I hope to see you in the afterlife.