Work Text:
Napaismid si Chanyeol nang makita na naman ang mukha ng lalaking ‘to na may hawak na naman na panibagong award dahil sa, apparently, kabaitan, niya at ang pagiging active niya sa pag-volunteer at pag-donate sa mga charity.
Dalawa pa ang award ha. Akalain mo nga naman ‘yun.
Napairap siya nang mabasa ang nakalagay sa article. Kalokohan.
Hindi naman totoo. Mas lalong nakakagalit na kilalang-kilala siya ngayon bilang isang philanthropist, isang tao na mahilig sumali at magsimula ng mga charity events and does a lot of activities for the welfare of others and for good cause, even more as someone who actively helps children. Of all things! Children.
What a hypocrite.
Alam na alam niya na wala namang pakialam sa mga bata ‘yang lalaking ‘yan.
Chanyeol can only scoff as he read the post.
He said all of that, na walang bata na dapat maiwan at lumaki malayo sa magulang, pero ano ‘yun? Hindi pwedeng mawalay ang mga bata sa anak nila, pero kapag sa kanya, sa sarili niyang mga anak, okay lang? Okay lang na lumaki sila na wala ang isa pa nilang magulang?
Kalokohan.
Napaka-pretentious niya talaga.
Naiinis talaga siya.
Naiinis siya sa bawat pagkakataon na makikita niya si Baekhyun at ang mga ginagawa niya para sa ibang mga bata, sa ibang mga ampunan, kasi kayang-kaya niyang tulungan ang iba (which is not wrong naman and admittedly, should be applauded and commended), pero hindi niya mapigilan ang magalit at madisappoint sa kanya dahil ‘yung mga bagay na ‘yun ay hindi niya magawa sa sarili niyang anak.
Kung totoo at committed si Baekhyun sa adbokasiya niya, bakit ganun? Bakit sobrang dali lang sa kanya na isuko ang karapatan niya bilang isang magulang at iniwan na lang sa kanya ang mga anak nila, at ni minsan ay hindi na niya ito kinausap? Kinumusta? Kinilala?
Napailing na lang siya. Kung noon, ay hindi niya mapigilan ang maiyak sa tuwing maaalala ang ginawa ni Baekhyun dahil hindi niya inakalang gagawin niya iyon, ngayon, wala na siyang ibang maramdaman kundi galit at disappointment.
At dahil dito, hindi niya magawang masabi kay Baekhyun kung kumusta na ang mga anak nila. Bakit pa? Kung kusa lang din naman na iniwan ni Baekhyun sa pangangalaga niya ang mga bata dahil apparently, mas mahalaga ang career at mga fans niya kaysa sa sarili niyang mga anak.
Hindi nila kailangan ng ganung klaseng tao sa buhay nila.
Hinding-hindi makakalimutan ni Chanyeol kung paanong naghihirap siya noon na alagaan ang mga anak nila, habang si Baekhyun, ilang buwan pa lang ang nakalipas simula nang manganak ay nasa ibang bahagi na ng mundo at nagpapasaya ng mga fans niya. Akala mo ay walang iniwang pamilya.
Tapos ngayon? Nakikilala siya sa mga ganyang pagtulong sa mga bata at sa mga ampunan?
Hindi niya talaga masikmura.
Nag-scroll down na lang siya ulit at napatigil nang makita ang isa na namang balita tungkol sa mga nahuling sindikato na kilalang-kilala sa pangingidnap. Babasahin pa lang sana niya ‘yun nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya at ang kaninang simangot ay napalitan ng isang malaking ngiti nang tumakbo papalapit ang kambal at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.
“Good morning, tatay!” sabay pa na bati nito sa kanya.
And just like that, parang nawala na ang lahat ng galit na naramdaman niya kanina.
Maganda na ang simula ng umaga niya.
Binigyan niya ng halik sa pisngi ang dalawang bata.
Mahal na mahal niya talaga ang mga anak niya.
Kaya grabe na lang ang galit niya at the thought na hindi sila mahal ng isa pa nilang magulang.
Kung tutuusin, talaga namang tama lang na magalit si Chanyeol kay Baekhyun.
Dati silang magkaibigan. Sobrang close nila to the point na naaasar na sila ng mga kaibigan nila na mukha silang mag-jowa.
Hindi naman magsisinungaling si Chanyeol—at some point, he did hope for that to happen. Kulang na lang eh tanungin niya pa siya ng classic na ano ba tayo? Kasi may mga pagkakataon na pakiramdam niya ay pareho lang ang nararamdaman ni Baekhyun sa kanya.
He’s not going to deny na nagkafeelings siya sa dating kaibigan.
Why not, diba? Baekhyun’s this kind-hearted guy who always looks out for everyone that is dear to him. Lagi siya nagpe-pay attention sa mga tao sa paligid niya. Lagi niyang ipararamdam sa’yo na nandyan siya para masandalan. Baekhyun never failed to remind the people he loved that he's there with them, for them.
Pogi, talented, mabait, at matalino. Kahit na nahihirapan, he knows how to overcome those and smiles as if nothing happened. He’s everyone’s dream guy, the type that would make you feel like he’s out of your league.
Chanyeol was enamored. His friends would say na kung totoo ang mga bituin sa mga mata, katulad ng sa mga cartoons or kwento, baka kung paanong tignan ni Chanyeol si Baekhyun ang tamang halimbawa nun.
His friends kept saying na ganun din makatingin si Baekhyun, that what he's feeling is mutual, but it’s hard to wrap his head around the idea na baka gusto siya ni Baekhyun. Baka naman kasi iniisip niya lang or nagpapauto lang siya sa mga kaibigan niya, syempre, gusto niya siya eh. Maghahanap at maghahanap siya ng pwedeng bigyan ng meaning sa mga actions niya.
And he knows that he has to stay in his lane, kahit na parang urong-sulong na nangyayari. He never asked. He never confessed. Chanyeol’s aware that Baekhyun is an ambitious person, someone that has a lot of dreams that he aims to achieve, hindi lang para sa sarili niyang interes kundi para rin sa pamilya niyang nahihirapan.
And as Baekhyun’s friend, the only thing he can do is be there for him, especially on days that Baekhyun can’t show his usual bubbly self to everyone.
Kilalang-kilala siya ni Chanyeol, kahit ang kakaunting pagbabago lang sa inaakto nito, isang pagbabago sa expressions nito, malalaman niya na agad kung may mali.
Naalala niya ang sinabi ni Baekhyun noon.
“You know me so well, no?” mahinang pagkasabi ni Baekhyun habang nakayakap sa kanya. “Hindi ko alam kung nababasa mo utak ko o ano, pero you always know what to do and what to say. I’m just… so thankful that I have you in my life.”
Mayabang na kung mayabang, pero alam niyang siya lang ang nakakakilala ng ganito kay Baekhyun. Si Baekhyun pa nga ang mismong nagsabi, and he’s proud of that kasi alam niyang hindi madali makuha ang tiwala ni Baekhyun. Hindi madaling makilala siya because Baekhyun has this tendency of putting up walls dahil na rin sa career niya, and because of everything that he’s been through.
And because of this, others can see how special Chanyeol is for Baekhyun. Kaya nga ang daming umaasa na magiging sila eh.
Kaya nga siya umasa na baka maging sila eh.
He held on to that idea for so long na kahit pa anong pilit niya na ipaalala sa sarili na hindi siya pwedeng lumagpas sa linya ng pagiging isang kaibigan, may mga panahon talaga na umaasa na lang siya, iniisip na tama sila, special siya kay Baekhyun.
He reached the peak of his feelings this one night.
This one night they were at a party, and Baekhyun looked so beautiful while talking about how his day went, how nice it was to just have one full day where he didn’t think about his problems, that he just couldn’t look away from him. Hindi niya alam, basta may something kay Baekhyun nung araw na ‘yun. He was just so captivating that he couldn’t stop himself from leaning in, pausing even before their lips touched to ask for permission, and he remembers how Baekhyun didn’t answer, but just kissed him instead.
It was one night that he let himself hold Baekhyun like how he always wanted to, to make him feel every emotion, to make him feel loved, just like what he deserved.
One night of thinking that it was a dream come true.
Pero ‘yung isang gabi na ‘yon? Isang gabi na akala niya ay isang pangarap na natupad niya na?
That one night turned out to be a nightmare.
A night that just… shattered his rose-colored glasses.
He thought too highly of Baekhyun. Or maybe masyado lang siya umasa. Baka pinilit niyang makita ang gusto niyang makita kahit na wala naman talaga. He considered na baka nga wala naman talagang nararamdaman si Baekhyun para sa kanya, because it was impossible that Baekhyun would just disappear after that one night without any explanation, right? Hindi naman ganung klaseng tao si Baekhyun. He’s his best friend. He’s just busy with his career. Lagi niya nga siya nakikita sa TV, so he’s probably just too busy.
Si Baekhyun ‘yan eh. Kilalang-kilala niya ‘yan.
Hindi siya ang tipo ng taong hahalik na lang sa taong tinuturing niya lang na kaibigan. Hindi siya ‘yung tipo ng taong makikipag-sex sa taong hindi niya gusto. Hindi siya ‘yung tipo ng taong kakalimutan na lang ang nangyari at magpapanggap na wala lang ang lahat.
But apparently not. Mali siya.
Hindi niya kilala si Baekhyun. Mali siya ng pagkakakilala sa kanya.
Nagbago ang pananaw niya sa dating kaibigan nang malaman niya kung paanong sobrang dali lang niya tinakasan ang responsibilidad niya bilang isang magulang at basta-basta na lang niyang iniwan ang mga anak nila without even telling him na nagbunga ang gabing ‘yon, na may anak silang dalawa. Nakakagalit na nalaman niya lang ito kung kailan nalaman niya na Baekhyun just simply gave up his parental rights at nagpatuloy lang sa career niya.
Sobrang pretentious niya. He can act as if he’s so happy, willingly helping others’ children find their home, habang ang sarili niyang mga anak… ni hindi niya man lang kinilala at basta-basta na lang iniwan. Don’t get him wrong ha. Again, walang mali sa ginagawa ni Baekhyun. Walang mali sa pagtulong sa iba, sa paninigurado na lalaking masaya ang mga bata. Walang bata ang deserve na lumaki malayo sa magulang nila katulad na lang din ng mga anak niya. Sadyang hindi niya lang talaga mapigilan na magalit sa tuwing nakikita niya si Baekhyun at naaalala niya ang mga ginawa niya.
He can’t believe he loved him.
He can’t believe that he thought that that one heated night that they both shared was bliss, like a dream come true.
"Pretty!"
Katatapos lang ni Chanyeol na mag-ayos ng gamit ng kambal at 'yun agad ang una niyang narinig nang makarating siya sa sala. Thinking na nanonood ito ng paborito nilang cartoons (right now, Miraculous Ladybug ang pinapanood nila), agad niya iyon tinignan, ready to react sa pinapanood nila (sinubaybayan na rin niya!), pero nang makita niya kung sino ang sinabihan nito ng pretty, agad siyang napasimangot.
Si Baekhyun.
Nasa balita na naman, this time with the recent success of his concert.
Araw-araw na lang siya nasa balita.
Literally everywhere.
At naiinis lang siya lalo.
Pero ayaw naman niya 'yon ipakita sa mga anak niya. Calmly, he turned off the television kaya agad naman nag-reklamo ang dalawang tuwang-tuwa na nanonood, obviously starstruck sa kung sino nasa balita.
"Tay, why mo turn off!?" sabi ni Yeoreum. Her lips turning into a pout. "Pretty! Want ko concert!"
"Tatay, I want to be like him!" sabi ni Yejun. Chanyeol froze when he heard that. "Want ko concert too! I have a nice voice too!"
I want to be like him, sabi nito, and Chanyeol would support his children no matter what, pero hindi siya sigurado kung matutuwa siya na dahil lang nakita nito kung gaano kaganda ang Baekhyun na 'yan , biglang ganito na agad ang epekto.
He used to think that way too, that Baekhyun is the closest definition to perfection, that he's a role model, and yet… nalaman niya lang ang totoong kulay niya.
And he wants the world to know that, for his children to know that.
But of course, hindi niya kayang sabihin 'yan sa mga anak niya, not when they look so amazed, with their eyes full of hope and admiration.
“Let’s talk about your dreams habang papunta tayo kila Lola Mama, okay?” sabi niya at pinisil ang pisngi ng kambal. “Double check your things, please. Baka hinihintay na nila tayo.”
“Okay!” sabay na sagot ng kambal at saka kinuha ang mga bag nila para tignan ang mga gamit nila. Even while doing so, nakuha pang maglaro ng dalawa, poking each other’s birthmarks for no reason. One on the neck, and the other sa may collarbone. Who knows what’s going on in their heads.
Napabuntong-hininga na lang si Chanyeol habang pinapanood sila, paulit-ulit sa utak ang sinabi ng mga anak nang makita nila sa TV si Baekhyun.
Hindi naman tumigil sa pagdadaldal ang kambal kahit nung papunta na sila sa grandparents nila. Chanyeol’s pretty much used to the both of them na parang hindi nauubusan ng kwento. Madaldal na tao si Chanyeol, pero wala siyang laban sa kambal kapag nagsabay na sila na nagkukwento.
Normally, masaya naman si Chanyeol na marinig ang lahat ng kwento ng mga anak niya, pero this time, he’s not sure if he’s happy about it.
Si Baekhyun kasi ang pinag-uusapan .
Parang nagsesearch ang mga kambal about sa kanya at kanina pa niya naririnig ang boses ni Baekhyun—sa tuwing nagsispeech, kumakanta, ang mga tilian ng mga fans, reaction videos, at kung ano-ano pa. Parang ang dami na nilang napanood. Halatang bilib na bilib sila. He couldn't forget how they just snatched his phone away from him para lang panoorin ang lalaki.
Kinagat na lang ni Chanyeol ang dila niya para mapigilan ang sarili na magsabi ng kung ano-ano. He doesn’t want to immediately shatter every image that they’ve made about Baekhyun in their heads. Although there is a part of him that thinks na mas okay nga kung malaman nila agad how terrible he is.
But then they would find out his relationship with him.
At… alam niyang hindi tama, pero ayaw niyang sabihin sa mga anak niya kung sino si Baekhyun sa buhay nila.
He doesn’t want them to think that their other father left because he didn’t love them. God, he can’t break their heart like that. Hindi niya kaya.
Kaya kahit na gusto niya sabihin ang totoo, for them to know what kind of person their father is, pinigilan na lang niya at hinayaan silang hangaan ang lalaki. After all, deep down, behind all his anger, kaya naman niyang aminin na magaling naman talaga si Baekhyun and he fits in his singing career so much. He shines brightly on stage, at okay nang ‘yun lang ang malaman ng mga anak niya, at hindi na kailangan malaman ang iba pa tungkol sa kanya.
Malabo naman na magkita sila.
Imagine his relief nang sa wakas ay nakarating na sila sa bahay ng magulang niya. Sakto namang nasa labas lang din at nakaupo ang magulang kaya agad silang sinalubong pagkababa ng kotse.
Agad na nag-mano ang mga bata sa lolo at lola nila, excited na excited, samantalang si Chanyeol ay bumeso sa kanila.
“Yeoreum! Yejun!” agad na pagtawag ni Chanyeol nang makitang agad na tumakbo ang kambal papasok ng bahay. “‘Wag masyadong magulo at makalat ha!”
“Nak, aalis ka agad?” tanong ng Mama niya.
“Kayo nag-request ng bonding time with them, Ma,” natatawang sabi ni Chanyeol. “Tsaka… I have a lot of errands to do, so mas okay na rin po na gawin ko na ngayon para hindi ako masyadong late na matatapos.”
“Errands?” pag-ulit ng mama niya. “Nak, what’s the point of giving you a break kung ang gagawin mo lang din naman pala ay errands ? Kaya nga sabi namin, kami na muna magbabantay sa kambal ngayon eh para naman makapagpahinga ka.”
“Ma, wala naman akong ibang inaatupag sa buhay. Wala naman ako masyadong ganap for me to need a long break. A long sleep, maybe kasi ang hirap mag-keep up sa energy ng mga bata, but… I don’t really need to go out and party, if that's what you're expecting,” sabi niya at saka natawa. “Plus, don’t lie, kaya niyo gustong pumunta kami dito ay para maspoil ang mga anak ko, and not to just for the mere reason that you want me to take some break. Hindi naman ako madamot, Mama. Of course I’ll let you spend time with them.”
“You know that’s not true. Gusto kita magkaroon ng well-deserved break at hindi para lang masolo ang mga apo ko,” pagtanggi ng Mama niya and malapit na sana siya maniwala kung hindi lang natawa ang Mama niya. “Okay, well, it’s partly true. Namiss ko ang mga apo ko and I still think you should have some break.”
“Why not go out with your friends, nak? Kaya ka nga namin pinagbebreak. Why don’t you ask Sehun and Jongin if they’re free? Palagi ko nakikitang umaalis ‘yung dalawang ‘yun,” sabi naman ng Papa niya.
He stopped himself from rolling his eyes. Lagi naman panay labas ‘yung dalawang ‘yon. Parang weekly may lakad, balak ata i-try lahat ng alak sa mundo. “I’m not really up for parties… wala akong gana ngayon. Seryoso, Pa, gusto ko bumawi ng tulog.”
“Okay, then, pwede ka rin naman kumain dito. May mga hinanda kaming pagkain. Alam mo naman ‘yung kambal, parang lagi dapat may makakain lalo na kapag naiinip.”
Natawa naman si Chanyeol sa sinabi ng Papa niya. Totoo naman, talagang hilig ng dalawa na may makain. Kaya nga ang dami laging snacks sa kanila.
Mana lang sa isa pa nilang ama.
Agad na tinanggal ni Chanyeol sa isip niya ‘yon. Hindi na kailangan maalala ang dapat na kinakalimutan na.
“Baka gabihin ako kapag nag-stay pa ako,” pag-dahilan niya. “Pero pasok ako sa loob. Papaalam lang ako sa kambal.”
“Okay, but if you change your mind, ha? Sabihin mo lang.”
“Yes, Pa. And if hanapin ako ng kambal, just call me. Pupunta ako agad dito kung kailangan.”
It’s weird not to have his children with him habang naggrocery siya.
Nasanay siya na inaabot siya ng ilang oras sa pag-grocery niya kahit nalilista niya ang mga kailangan niyang bilhin kasi kung saan-saan gustong pumunta ng kambal. Kung ano-ano gustong bilhin, and every time they go here, hindi nawawala ang mga linyahang, no, nak, hindi pwedeng tig-isa kayo ng Selecta ice cream tub kasi masyadong marami ‘yon, and cue a lot of questions.
Still, kahit na nakakapagod at nakakailang ikot sila, it’s fun. It’s always so nice to spend time with his children kasi parang lagi siyang may bagong natutuklasan tungkol sa kanilang dalawa.
Napabuntong-hininga na lang siya at nilagay ang hawak na cereal box sa cart. Saglit pa lang siya nahihiwalay sa dalawang makulit, miss niya na agad.
It can't be helped. For the past few years, halos sa kanilang dalawa lang naman umiikot ang mundo niya.
Tinignan niya ang mga laman ng cart at napatango na lang nang makitang nandun na ang lahat ng kailangan niyang bilhin.
While on his way para magbayad, iniisip niya na ang mga gagawin niya pagkauwi. Well, honestly, wala siyang maisip na gagawin to just simply have fun kasi for him masaya na siya kung kasama ang mga anak niya, but he does want it to be a productive day kasi minsan lang din naman siya nakakakuha ng short break, and then hopefully, magkakaroon siya ng mahabang pahinga kasi nagkataon na day off niya rin naman bukas. Now that long and peaceful sleep is very much welcomed.
Napatigil lang ang pagmumuni-muni niya nang maramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya. Nilabas niya ito mula sa bulsa at agad na napasimangot nang makitang nabuhay na naman ang GC niya kasama si Sehun at Jongin.
From: Sehun
Nabanggit ni tito na pwede ka ngayon?
Baka naman
Ang bilis nga naman kumalat ng balita.
Alam niya na ‘to agad. Nag-aaya na naman.
From: Chanyeol
no
Agad din naman siyang nakatanggap ng reply at sunod-sunod na ang mga messages na natanggap niya mula sa GC. Siguro talaga dapat hindi na siya nag-reply eh.
From: Sehun
No fun!
From: Jongin
Saan ka
From: Chanyeol
grocery, bakit?
From: Jongin
Bukas na yan
Sama ka
Tara labas
Ayaw ako bigyan ng bebe time today. Busy bebe ko :(
From: Chanyeol
no
From: Sehun
Booooo corny!
Pareho lang kayo corny 🤮
From: Jongin
Shut up
Inggit ka lang kasi ikaw, hanggang habol ka pa rin kay Junmyeon
From: Sehun
Gago ka ah
Pero true inggit ako gusto ko rin ng ka-bebe time
Patiently waiting ako dito para makakuha ng unli lambing 😔
From: Jongin
Hahahahaha kawawa ka naman nyan
AY MAY NAISIP AKO
Se, pm
Hindi na lang niya pinansin kung ano man ang naisip ng kaibigan niya. Baka kalokohan na naman.
Ibubulsa na niya ang phone niya nang bigla siyang makatama ng cart ng iba.
“Shit, sorry!” agad na sabi niya kasi medyo nagalaw ang cart nung tao pero buti na lang din agad na napahawak ang may gamit nito para mapigilan itong mapunta sa kung saan. “I’m really sorry.”
“It’s fine—”
Napatigil ito sa pagsasalita kaya napatingin si Chanyeol sa kanya. Hindi niya pa maiwasan magtaka nung una kasi naka-hoodie ito kahit napaka-init naman ng panahon ngayon at nakasuot pa ng bucket kahit na hindi naman ‘yun pwede dito, pero nang makita niya ang mga mata nito, para siyang natigilan at ang lahat sa paligid nila ay parang bigla na lang nawala.
It’s just him and the guy in front of him.
Those eyes… pamilyar ‘yan sa kanya.
Kilalang-kilala niya ‘yan… noon.
Baekhyun.
It can’t be.
He can pretend to not know him and just ignore him. Tama lang naman na gawin 'yon. Malabo rin naman na kilala pa siya nito. Most likely, binaon na siya nito sa limot, because why would he even remember him? Siya nga ang kusang umalis sa buhay niya nang walang paalam eh.
But just like the other times, Baekhyun proved him wrong again.
Binaba nito ang suot na mask, and there he saw him, the same face that he used to love. The same face that he now hates. He can’t help staring. Parang ang dami-dami niyang nararamdaman ngayon. Galit, mostly, pero hindi niya kayang itanggi that the feeling is still there. Ang ganda pa rin nito, at parang nabuhay ulit ang mga paruparo sa tiyan niya nang makita siya. Nandun pa rin ang epekto nito sa kanya, parang kayang-kaya pa rin siya nito dalhin sa kahit saan, make him feel the same feelings that he tried so hard to bury, and be mesmerized with whatever he does.
“Chanyeol,” mahinang pagkasabi nito but that was enough to snap him out of his thoughts. He shouldn’t feel that way, not for someone like him. Just like that, parang nag-uumapaw na ulit ang galit na nararamdaman niya. “Chan—”
And just like what any decent person would do in front of someone that they used to love and cherish, hindi niya ito pinansin . Instead, he turned his back on him and went the other way. Bahala na kung mas malayo pa ‘yan sa cashier or kailangan niya pa umikot ulit.
Basta ayaw niyang nasa malapit lang si Baekhyun sa kanya, calling his name like they were close, as if he deserved to even acknowledge him.
On his way home, hindi mawala-wala ang pagkabadtrip niya kahit anong pampakalma pa ang gawin niya. Siguro kung nandito ang kambal, baka ang kaingayan nila ang makakapagpabago ng mood niya, pero at the same time, he’s glad na wala rin ang dalawa at hindi niya kasama ang mga bata nung nag-grocery siya.
Paano na lang kung nagkasalubong pa sila at nakita ni Baekhyun ang dalawang bata, diba? Eh di mas lalo siyang nabadtrip at namroblema.
It’s not helping na hindi rin matanggal sa isip niya ang itsura ni Baekhyun, ang napaka-pamilyar na mukha nito.
Wala pa ring pinagbago.
Kaya pa rin nitong pabilisin ang tibok ng puso niya.
Naiinis niyang sinarado ang kotse niya, pilit na tinatanggal sa isipan ang mga nangyari.
“Woah. Easy ka lang sa kotse mo,” biglang sabi ng isang pamilyar na boses.
Mas lalo lang napasimangot si Chanyeol nang makita kung sino ‘yon, si Jongin, at napairap pa siya nang makita kung sino ang kasama nito, syempre ang isa niya pang kaibigan, si Sehun.
Ito ba ‘yung pinag-usapan nila sa PM?
“Tumabi nga kayo,” inis na sabi niya. “Paharang-harang kayo dyan sa gate. Papasok ko pa kotse ko.”
“Chill. Grabe. Bakit ba ang init ng ulo mo?” sabi ni Sehun.
Hindi niya ito pinansin at binuksan na lang ang gate. Ayaw na sana niya papasukin ang dalawa kasi ang kukulit, pero kusa na lang silang pumasok nang mabuksan niya ang gate at wala nang ibang nagawa si Chanyeol kundi ang hayaan na lang sila sa kung anong trip nila sa buhay.
Kilala niya ang mga kaibigan niya—hindi rin naman sila magpapapigil at mas lalong hindi siya nito tatantanan ngayong nakita nila siya na badtrip.
Pero pwedeng-pwede naman niya iwasan ang mga tanong nila. Wala siya sa mood para i-kwento ang mga nangyari kahit na alam niyang maiintindihan naman ng mga kaibigan niya kung sakaling mabanggit niya ang short encounter niya with that guy.
But of course, his friends won’t let him ignore them.
Alam na alam talaga ng dalawa kung paano siya mapipilit na mag-kwento.
“Holy shit,” pag-react ni Sehun nang matapos ang pag-kwento niya. It’s not like sobrang haba ng kwento. Simpleng nakita ko si Baekhyun lang naman. Wala naman silang ginawang pag-uusap. “Damn. After four years, huh? Nagkita na ulit kayo?”
“I probably would’ve done the same thing. Baka hindi ko rin siya pinansin kung nakita ko siya,” sabi nito at umayos na sa pagkaupo, kakatapos lang sa pag-aayos ng mga dinala nilang food para sa kambal (kasi akala nila uuwi rin sila today) at para sa kanila. “Kung pwede nga lang, kahit sa TV or billboard, maiwasan ko siya eh, kasi nakakainis lang. Paano pa kaya if personal ko nakita, diba? Even Kyungsoo said the same thing before, and that’s saying a lot ha. Considering na dati niya ‘yon best friend, and if he could, he would’ve ignored him completely. Trabaho lang pumipigil sa kanya eh.”
Of course, his friends know kung anong ginawa ni Baekhyun. Kahit sila, na-disappoint. Nagalit. Iba rin ang naging friendship nila with Baekhyun, kasi bago pa man maging close si Chanyeol kay Baekhyun, the two of his friends were already there. Isa sila sa mga pinagkakatiwalaan ni Baekhyun at nakasama na bago pa siya sumikat.
Katulad lang ni Chanyeol, hindi rin sila makapaniwala sa ginawa ni Baekhyun, mula sa biglaan na lang niyang pagkawala at sa mismong pag-iwan ng mga anak niya para lang ipagpatuloy ang career niya.
Sehun sighed. “Sa tuwing nakikita ko si Baekhyun, there’s a part of me that’s reminded of what he was like. Sobrang bait niya. Lagi nga ako nililibre nun eh, and it’s not just because of that ha. Hindi ‘yun ‘yung basis ko kung anong mabait. He helped me a lot with acads, kahit mga trip ko, sinasakyan nun eh. And I’ve seen him with kids before. He looked like he really adored them, just like what we see in TV pati sa mga news about sa kids? Ganun siya, pero kapag naaalala ko rin ginawa niya sa kambal? Kung paano niya sila iniwan? Tangina na lang. Nag-mukha lang siyang pakitang tao.”
“Ang kapal ng mukha niya, that’s what,” sabi ni Jongin at saka uminom ng beer na hawak niya. “Buti na lang din wala ‘yung kambal—I mean, normally ha, syempre, I’d say na karapatan nila na malaman ‘yon at magkakilala sila, pero si Baekhyun na ‘yung kusang nag-give up ng karapatan niyang maging magulang sa kanila eh, so why bother? Paano na lang kung nagkita sila tapos nag-demand na makilala sila at makuha?”
Chanyeol scoffed. “Pakita ko pa ‘yang document na pinirmahan niya. Pamukha ko sa kanya ‘yon.”
“Tinago mo nga pala ‘no,” sabi ni Jongin.
“Malamang. Muntikan ko na nga itapon noon sa sobrang galit, pero naisip ko, baka mamaya, gamitin niya pa ‘yon against sa akin.”
“Patingin nga,” sabi ni Sehun. “Baka mamaya, nakalagay pa ‘yan sa isang safe. Sobrang secured lang.”
Natawa naman si Chanyeol sa sinabi niya. Gone was the heavy atmosphere kanina, at least. “Gago. Kasama lang siya ng iba kong mahalagang documents.”
“Pero di nga, patingin? Hindi ko nakita before. Grabe eh. Ang daming nangyari that time. Imagine, bigla natin malalaman na tatay ka na pala and iniwan ni Baekhyun ang mga bata. That’s a lot to take in, tapos we were literally helping you take care of the twins kasi halatang gulong-gulo ka noon. And parang someone who cannot be named pa si Baekhyun noon kaya hindi siya ma-bring up, so it honestly just slipped my mind.”
“Oh, right. Ako rin, hindi ko nakita. Or maybe I did, pero I was too angry about what happened at kinalimutan ko na lang. Baka repressed memory na, pero nacurious tuloy ako now that Sehun mentioned it. Patingin. Baka mas lalo ako magalit.”
“Hindi ko maintindihan kung bakit gusto niyo pang madagdagan ang galit niyo, but fine,” sagot ni Chanyeol at saka pumunta sa kwarto niya para hanapin ang dokumento.
Ang tagal na rin niyang hindi nilalabas ang dokumento na ‘yon. Ayaw na ayaw niya makita, so when he found it in one of his file organizers, he didn’t even spare a glance para i-check ang contents. Bakit pa? Eh kabisado na rin niya nakalagay doon. It used to break his heart. He used to cry so much whenever he saw it.
Pero ngayon? Wala na. Galit na lang. Lalo na kung paanong nakikita niya na lumaki ang mga anak niya, at hindi niya matanggap na his two adorable children who deserves the world were just easily given up by their own father.
“Oh,” sabi ni Chanyeo at nilapag ang dokumento sa lamesa. “There’s not much to see. But you’re right, Jongin, baka nga mas lalo ka magalit kung makita mo ‘yan. It makes everything so much more real. ”
Kinuha naman ni Jongin ang papel at scinan ito. Sehun leans to check din, and Chanyeol saw the way their expression changed. Halata ang galit at pagkainis kanina, pero ngayon, parang napalitan ito ng… pagtataka ? Jongin's eyes were stuck on one page, the last page to be specific. Nakatitig lang ito at parang may inaalala.
Pati tuloy siya nagtaka. Ano namang kakaiba doon? Kung tama ang pagkakaalala niya, mga pirma lang naman ang nandun.
“Sehun,” pagtawag ni Jongin sa kaibigan at saka may tinuro sa papel. “Hindi ba pamilyar?”
Huh?
Tinignan naman ni Sehun nang maayos kung anong tinuturo ni Jongin. Nagulat pa siya nang biglang hinablot ni Sehun ang papel, tinitigan ito, at saka sinabi, “What the fuck?”
“Anong nangyayari…?” hindi mapigilang pagtanong ni Chanyeol upon seeing their reactions. Hinarap ni Sehun ang papel na hawak sa kanya and Chanyeol doesn’t need to look twice to know kung anong nandoon. Mga pirma nga. “Yes, I know kung ano nandyan. Pirma ni Baekhyun, giving up his parental rights.”
“No, you don’t understand,” agad na sabi ni Sehun. Tinuro niya pa ang pirma na ‘yon. “This… this is not Baekhyun’s signature .”
“What? ” gulat na sagot niya. “That’s impossible—”
“No… hindi ako pwede magkamali…” sabi ni Sehun at tinignan ulit ang pirma. “I used to copy this signature a lot. Tinetrace ko pa nga noon para maperfect ko. Kaming dalawa ni Jongin, ginagaya ‘to. Diba?”
“I knew it. ‘Yan nga ‘yon,” sabi ni Jongin. But it’s still not making sense to him. Bakit nila ginagaya ‘yung pirma? Mukhang nahalata ni Jongin kung bakit siya nagtataka. “This signature… again, is not Baekhyun’s. Sa Papa niya ‘to. Ginagaya namin ‘to ni Sehun noon kapag may kailangan kaming pirmahan na reply slip, particularly, para makasama si Baekhyun sa fieldtrip nung highschool kami. Sobrang strict ng parents niya at hirap sila sa pag-budget, you know that… and we always had to help him out kapag ganito para wala siyang ibang mamiss na school activities.”
Natahimik naman si Chanyeol nang marinig ‘yon. Hindi niya maiwasan na magtaka. Hindi naman magsisinungaling ang dalawang kaibigan tungkol dito. Bakit naman nila gagawin ‘yon, eh pare-pareho lang silang nagalit sa ginawa ni Baekhyun? There’s no point in lying.
Kaya bakit?
Bakit ibang pirma ang nasa papel?
Bakit hindi kay Baekhyun?
Kinuha niya ang papel na hawak nila at hindi maiwasan na mapatitig sa pirmang ilang beses niya nang nakita noon sa tuwing nakikita niya ang papeles na ito.
“I know I said that we should ignore Baekhyun and that’s the right thing to do…” pagbasag ni Jongin sa katahimikan. Napatingin si Chanyeol sa kanya. “But there’s something… wrong with this… something fishy … and we’ll all know the truth or at least, maliliwanagan tayo kung bakit ganito if manggagaling siya kay… Baekhyun… kasi I swear… hindi pwedeng magkamali kami dito.”
Napatingin ulit si Chanyeol sa hawak na papel. Ni hindi niya kayang sagutin si Jongin, to say that there’s no need to talk to someone he’s been mad of for so many years, pero… kahit siya, hindi niya na maitatanggi ngayon, now that it’s been pointed out to him.
May mali.
Could it be… na hindi ginusto ni Baekhyun ang nangyari… at pakana lang ng Papa niya ang lahat ng ito?
Somehow, Chanyeol’s scared of finding out the truth, but he also knows that his friend is right. Malilinawagan lang sila kung manggagaling mismo kay Baekhyun ang kasagutan, and it will be up to them whether or not they will believe in whatever he will say.
Kinakabahan man, he knows what he needs to do.
Kailangan niyang makausap si Baekhyun.
“Sir, I’m really sorry… I don’t think nandito rin ang mga hinahanap mong bata… wala rin pong kambal dito…”
Napabuntong-hininga si Baekhyun nang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya. “I see.”
Wala namang bago sa sinabi nito, pero it doesn’t mean that he’s not disappointed about what he heard.
“But there are parents here that would like to thank you for your help. Pinapatanong po nila kung may oras kayo to meet with them? They want to treat you daw po… or compensate…”
“It’s fine. There’s no need to do that,” sagot ni Baekhyun sa kanya. “Tell them that I’m just glad that their kids found their way home. ‘Yun ang mahalaga.”
“Alright, sir. I’ll let them know.”
“Thanks. I have an event in a few minutes, so just update me kung anong mangyayari sa mga sindikatong kumuha sa mga bata, okay?”
“Sige po. Salamat, sir. Babalitaan po namin kayo agad kung sakaling may mahanap po kami tungkol sa mga batang pinapahanap niyo.”
“Okay, thanks,” matamlay niyang sagot. “Sabihan na lang din kita kung sakaling may mabalitaan din ako. Thanks for the help, Minju. I hope the kids are okay. If there’s anything else that I can help with, just let me know.”
“Okay po, sir.”
Binaba na ni Baekhyun ang tawag at napabuntong-hininga na lang ulit. Wala pa rin siyang napapala.
Hindi niya pa rin mahanap ang mga anak niya.
“No luck?” tanong ni Jihoon, ang manager niya, habang inaayos ang mga snacks na hinanda niya kung sakaling kailanganin ni Baekhyun. Alam niyang kailangan niya 'yun eh. “Bad news pa rin? Hindi pa rin nakikita ang mga anak mo?”
Baekhyun smiled sadly at him and shook his head. Tinapik naman siya nito, trying to comfort him, at nakuha pang mag-abot sa kanya ng isang biscuit na tahimik niya lang tinanggap, always feeling grateful for him.
“I’m sure we’ll receive good news soon,” sabi niya at ngumiti. Baekhyun heard the same line numerous times already from him, and every time he says it, umaasa si Baekhyun na dumating na ‘yang soon na ‘yan. “I’ll try to look for leads too, okay? Let’s not lose hope.”
“I’m not… disappointed lang…” mahinang sabi niya. “Pero hindi ako mapapagod na hanapin ang mga anak ko.”
Kahit apat na taon na ang nakalipas simula nung may kumuha sa mga anak niya, kahit na sobrang dami niya nang natulungang mga bata, kahit pa dumami pa ang mapakulong niyang mga kidnapper at sindikato, hindi siya mapapagod na mahanap ang mga anak niya at mapakulong ang kung sino mang kumuha sa kanila.
Sisiguraduhin niya ‘yan.
“That’s the spirit!”
Natawa naman si Baekhyun sa pagkasabi nito, parang sobrang enthusiastic lang. But he’s also glad na may nakakasama siya ngayon sa paghahanap niya at mayroon siyang kahit isang taong mapagkakatiwalaan ngayon.
Nawala kasi ‘yung mga pinagkakatiwalaan niya noon eh.
Baekhyun smiled bitterly at that. Kasalanan din naman niya.
He doesn’t get the chance to dwell on that thought dahil sakto rin namang may nagbukas ng pintuan ng waiting room.
“Matatapos na po si Jongdae and Minseok for their performance. Standby na po tayo.”
Tumango lang si Baekhyun at saka tinignan ulit ang sarili. He can hear the cheers kahit na napakalayo pa naman ng stage area. It’s a familiar sound to him. It’s been like that for as long as he can remember and he will always be grateful for it. Parte na ‘yun ng buhay niya, pero… there’s also a part of him that wants to take a rest from all of this.
It’s been a while since he felt like he needed a… change in his path.
“Parang mas malala ang sigawan ngayon,” pag-comment ni Jihoon. “Is the duo getting more popular or umamin na sila na may relasyon sila kaya grabe magsigawan?”
Natawa naman bigla si Baekhyun sa sinabi nito. Sobrang hilig talaga maki-chismis nitong manager niya na ‘to. He remembers him saying na kaya rin siya pumayag na maging manager kasi baka sakaling makita niya ang mga iniidolo niya at makasagap siya ng showbiz chika. He said that jokingly, pero everyone in this industry knows na maraming ganon. And even though maraming mga bulungan tungkol sa maraming bagay, walang kahit na sinong nagsasalita. Not even his manager kaya he knows everything’s safe with him.
“Paano naman aaminin na may relasyon eh wala ngang nag-aaminan ng feelings?” natatawang sabi ni Baekhyun sa kanya. “I’m pretty sure they’re not together. I mean, I literally asked Jongdae before para sa’yo, and he said that’s not true and it’s not gonna happen, but for an outsider like me, I can feel the pining.”
“I’m proud. Nahahawa ka na sa mga pa-chika ko ha. Hindi ka na puro work.”
“You’re literally someone that I’m with most of the time. Nagaya na tuloy ako."
Natawa naman ang manager niya. “Sabi ko nga. Hay nako. Let’s go na nga. You still have to go to the company after for some so-called celebration.”
Baekhyun snorted. “Pretty sure they’re just trying to make me sign again.”
Jihoon just shrugged. Tumayo na lang si Baekhyun mula sa pwesto niya at kinuha na ang mic niya and patiently waited for his song to play.
“I’m really proud of you, Baekhyun. You’ve come so far.”
Pinilit ni Baekhyun ang ngumiti at tumango sa sinasabi ng CEO ng agency nila. To be called by the CEO himself and have dinner with him when he’s known as someone na sobrang strict at hindi basta-basta nakikipag-usap sa mga artists nila is a huge honor for any artist out there.
But not Baekhyun.
Syempre, alam niya kung anong pakay nitong so-called celebration (in the words of his manager) na ‘to.
If anything, this is not a celebration.
This is a meeting. A business meeting.
Dahil malapit na matapos ang kontrata niya, he’s making sure that he’ll sign again. Soon enough, makikipag-negotiate na ito, but unfortunately, kahit na ano pang gawin nito na pag-convince sa kanya, wala na siyang planong pumirma pa ulit para maextend ang kontrata niya dito.
He loves his fans. He’s very much grateful to them, but he doesn’t want to stay here. He can always continue his career without this constant pressure mula sa kumpanya na ito, without thinking that he owes them so much.
That way, what he will earn will mostly be for him alone and all the other people working under him, and not someone who takes advantage of him. He can teach, offer vocal lessons, do what he loves, and have more time for himself instead of sacrificing everything for the sake of this company and a family that just simply takes advantage of him.
Desidido na siya ngayon. Hindi ito tulad noon na kailangan na kailangan niya ng pera. No, not this time. Lalo na kung sakaling mahanap na talaga ang mga anak niya.
He wants to focus on them.
And hopefully… be able to face Chanyeol and tell him the truth about his children. Their children.
“Given your performance and your achievements, you’re really an important part of SM…”
Oop. It’s starting.
Ngumiti na lang siya at hinayaan siya magsalita kahit na hindi naman siya interesado sa sinasabi nito. Nag-hum na lang siya from time to time, nodding his head as if he was truly listening to him, kahit all he wants is to go home and finally have some rest.
That is, if he will have a good rest… dahil sa bahay siya ngayon ng magulang niya didiretso.
And he’s not sure if that would be a good thing or not.
Ang una niyang nakasalubong pagkarating niya ng bahay ay ang Mama niya.
Agad siya nitong niyakap. “Buti naman at nandito ka na. Nakapaghanda na ako.”
There’s a part of him that feels awkward by the hug, pero niyakap niya lang ang Mama niya pabalik out of respect. “Sorry. Kakagaling ko lang po isang schedule.”
“Tara na. Nasa dining room na rin ang Papa at Kuya mo. Sakto, kakatapos lang namin maghanda. Kanina ka pa namin hinihintay. Ang tagal mo na hindi bumibisita.”
Ngumiti lang si Baekhyun sa kanya at sumunod sa Mama niya. Pagkarating doon, agad sumalubong sa kanya ang napakaraming pagkain na niluto ng Mama niya. Naglalagay ng plato at utensils ang kapatid niya, samantala ang Papa niya ay nakaupo lang at nakatingin sa cellphone niya, may kunot sa noo nito, pero nang mapansin siya nito, agad nito binaba ang hawak niyang phone at ngumiti sa kanya.
Ngumiti siya pabalik at umiwas ng tingin. Hindi siya kumportable dito.
Sobrang tahimik nila ngayon habang kumakain. You’d think na dahil matagal na hindi nakabisita si Baekhyun, marami ang mangyayaring pag-catch up, pero for some reason, sa tuwing nandito talaga siya, hindi nangyayari ‘yon.
“May sinusunod ka bang diet ngayon?” pagbasag ng Mama niya sa katahimikan.
“Ah… may sinusunod, pero okay lang naman po… kakainin ko rin ‘yung nandito. Ayaw ko naman masayang,” sagot niya at kumuha ng mga nakahanda at saka nilagay sa plato niya. He tried to lighten up the mood by saying, “It’s not like I can eat something like this everyday. Sulitin ko na lang po, diba?”
Sinabayan naman ito ng Kuya niya. “Punta ka dito lagi at makikita mo na laging maraming ganito dito hanggang sa maumay ka.”
Ngumiti lang siya sa biro nito. Iba na talaga ngayon.
He couldn’t help thinking about how back then, ni hindi nila kaya makapaghanda ng napakarami. Isang ulam lang na kailangan nila ipagkasya sa isang buong araw. Minsan nga, ni hindi na magawa ni Baekhyun ang kumain dahil mas pinipili na lang niya ang matulog pagkatapos ng napakaraming schedule at kung ano man ang makukuha niyang pera, mapupunta agad sa pang-opera sa Mama niya, sa pagpapagamot sa kanya, at para sa pag-aaral ng kuya niya dahil after so many shifts and breaks ay gagraduate na siya. Siya ang sumalo ng halos lahat ng ‘yun dahil walang trabaho ang Papa niya.
Hindi siya tumigil kahit gustong-gusto niya na lalo na noong nalaman niyang nagbunga ang gabing ‘yon kasama si Chanyeol. He wanted to rest, to stop, so bad. It was too much for him, pero hindi siya hinayaan ng kumpanya, ng Papa niya, dahil ang career niya ang bumubuhay sa kanila. If he stopped, maaaring mawala ang lahat sa kanila. They couldn’t risk it and have him experience the same fate as those other people in showbiz na bigla na lang nawala sa industriya at wala nang natatanggap na mga offer.
Nagawa lang naman nilang matago ang pagdadalang-tao niya dahil sa pagpaplano ng mga scheduled activities, all of which done bago pa mapansin ng iba ang pagbabago sa katawan niya. A few months of break was normal for him naman, since others can assume that it’s just him preparing for something.
But that time, he wanted to run away from it, to tell Chanyeol the truth, about their children, pero sa tuwing plano niyang gawin ‘yon, napipigilan siya ng pamilya niya. Ng Papa niya.
Kahit noong nawala ang mga anak niya at gusto niyang hanapin na lang sila kasi hindi niya alam ang gagawin niya kung tuluyan na silang nawala, hindi siya hinayaan. Pinilit pa siyang magpatuloy sa pagpopromote, na parang walang nangyari, kasi kailangan pa rin nila ng pera.
Hanggang ngayon, ayaw pa rin siya patigilin kahit kaunti. Kahit na ngayong mas okay na ang lahat… dahil lahat sila, sa kanya nakaasa. Ang Mama at Papa niya, walang trabaho. Maski ang kuya niya na nagawa niyang matulungan noon na makapagtapos ng pag-aaral, natanggal sa trabaho. He said he’s looking for a new job, pero masyado itong nakakampante na may maaasahan pa naman mula sa kanya kaya he kept on dragging it.
Masyado na silang… naging dependent sa kanya.
Kaya hindi niya magawang maging kumportable sa tuwing nandito siya kasi nararamdaman niya lang ang pressure. Sa tuwing pumupunta siya dito, puro tungkol sa trabaho niya ang pinag-uusapan. Baekhyun knows na kaya rin ginusto nila na pumunta siya dito ay hindi lang dahil nagpapasalamat sila sa kanya o dahil miss siya. Maybe, para sa Mama at Kuya niya, that’s the case, because they never failed to make him feel it kahit sa text, pero sa Papa niya? He knows that’s not it.
At mukhang tama naman siya dahil ang sunod na sinabi nito ay, “Nabanggit ni Mr. Lee na galing ka raw sa company after ng schedule mo?”
Siya ba ‘yung kausap niya kanina? Nung nakita niyang nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa phone niya?
“Yes,” sagot niya. “He said he wanted to congratulate me personally for the UN Award…”
“Ah, yes, ‘yung Humanitarian Award? Nakita nga namin sa balita. Congratulations,” sagot nito. He said congratulations, pero parang hindi naman ito natuwa. Wala man lang kahit anong bakas ng ngiti o tuwa sa mukha nito. “Nabanggit niya rin… matatapos na ang kontrata mo sa kanila, hindi ba? What’s your next plan for your career? Sa SM ka pa rin naman nyan, diba? They’ve been doing a good job with you and all of your activities. Talagang marami nang nakakakilala sa’yo, so I’m assuming na itutuloy mo pa rin with them.”
He knows that there will be a consequence with what he’s about to say, pero ayaw niyang mag-sinungaling, “Probably not…”
Kahit gaano pa kahina ang pagkasabi niya, with the silence at home, of course, narinig nila ito.
“Seryoso ka?” tanong ng Papa niya at napahigpit ang hawak ni Baekhyun sa hawak na spoon and fork, nanatili ang mga mata niya sa pagkain niya. He already knows what he’s about to say, syempre, ‘yun lagi niyang sinasabi eh, pero nakaramdam pa rin siya ng kaba kahit na kabisado niya na ito. “Your career has been stable because of them. We have been stable and have been living a decent life dahil sa kanila at sa tulong nila para mapaganda ang career mo. Why leave something that’s been beneficial for you?”
Hindi siya sumagot. Kahit ano pang sabihin niya, wala rin maririnig ang Papa niya. Pigil na pigil lang siyang sabihin na kaya ayaw siyang paalisin ay dahil siya lang ang nakakapag-provide sa kanila ngayon. They have no other plans to help themselves. Isusumbat lang nang isusumbat sa kanya ang lahat ng nakuha niya through the help of the company, kahit siya naman ang nagpakahirap para sa lahat ng ‘yon, that he’s here now not because of the company, but because of what he can do.
“Tama ang Papa mo, nak… malaking tulong din naman ang pag-stay doon… at least doon, alam nating magiging okay ang career mo kahit na anong mangyari…” pagsang-ayon ng Mama niya sa sinabi ng Papa niya. “Siguro, nak, pag-isipan mo muna? Malaki ang utang na loob natin sa kanila. Malaki ang natulong nila sa atin.”
When he glanced at his brother, nakita niya rin itong tumatango. Napabuntong-hininga na lang si Baekhyun, binitawan ang hawak na utensils, at tumayo mula sa pwesto niya.
“Um… naalala ko lang na may kailangan pala ako makausap…” sabi niya. It’s a lame excuse and everyone here knows na hindi totoo ang sinabi niya, pero thank god for the timing, dahil may bigla rin tumawag sa kanya. When he saw the caller, pinakita niya ang phone niya. Manager lang naman niya. “I have to… take this call…”
Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nila. It’s already suffocating there, at bago pa mag-escalate ang usapan, mas pipiliin na lang niyang makaalis doon agad.
Mas okay pang pag-usapan ang work with his manager kaysa pag-usapan ang work with his family. Magkaibang-magkaiba ‘yon.
“Kumpleto naman na ‘yung mga balak mo ipamigay, and I’ve also considered all of your plans for the activities once na makapunta tayo sa mga orphanage. Mukha namang magiging enough ang time, but I suggest na ‘wag masyadong marami ang pupuntahan in one day kung ganito karami ang plano mo,” sabi ni Jihoon sa kabilang linya. “That will make you tired and I doubt na makakapunta tayo agad sa lahat ng ‘yon. Grabe pa naman ang traffic.”
“Then why not free up my whole week? Super busy ba ako by next week? Can you find some way para maadjust ‘yon? I can personally arrange visits sa iba’t ibang orphanage, if that’s the case.”
“Not super busy, pero may recording ka, interview, and scheduled photoshoots.”
“Pwede bang gawin lahat ng ‘yan ng umaga so that the rest of my day will be dedicated to visiting orphanages? I’ve been pushing this for so long. Tinatanong na nila ako kasi may mga bagong bata na dumadating and may mga bata rin na naghahanap sa akin, asking about where I was. I think they miss me.”
Narinig niyang natawa ang manager niya. “Bilis nilang maattach sa’yo! Sandali nga. I’ll check if it’s possible, okay? Wait.”
Habang hinihintay ito, bigla naman siyang nakaramdam ng ibang presensya sa kwarto niya. Nang makita niya kung sino ang pumasok sa kwarto niya, natigilan siya, at ang ngiti sa labi niya ay nawala. He looks away from the man in front of him at sinabi sa kausap, “Jihoon, call me back later kapag nacheck mo na. Nandito si Papa.”
Hindi na niya hinintay pa ang manager na sumagot. Nagets naman na niya agad ‘yon for sure.
“Pa, bakit po?”
“Gusto ko lang humingi ng tawad,” sabi nito at umupo sa may kama niya. Tinapik niya ang gilid niya, signalling him to sit beside him. Kahit ayaw niya, it would be too awkward to do so, so he just quietly does what he wants. When he was already seated beside him, tinuloy ng papa niya ang sinasabi niya. “You know that we’re only hoping for the best for you, diba?”
Hindi siya sumagot. Gusto niya umangal. Maybe, for his mother and brother, baka ‘yun nga. Maybe they are hoping for the best.
Pero sa Papa niya? No , this is all about money.
Kaya nga niya ka-close ang CEO eh. Kaya nga siya natatrack nito at alam ang mga gawain niya.
Except for one. One na ang manager niya lang ang nakakaalam pati ang mga tumutulong sa kanya sa paghahanap ng mga anak niya, but no one from his family knows this. Sinisigurado niya ‘yon.
Not when they’re also the people na pilit binabaon sa limot na may mga anak siyang hanggang ngayon ay nawawala pa rin.
“Ayaw naman namin masayang ang mga pinaghirapan mo kung kusa mo na lang ititigil ang lahat. This is your dream after all,” No, this is yours. Not mine. “And for you to leave after everything… paano ka na lang nyan?”
More like, paano na lang kayo…
“Think about it, okay?” sabi nito nang hindi pa rin sumasagot si Baekhyun. “Kinailangan ko lang sabihin before you make a decision that can just affect you a lot. You’re probably busy, sorry. Si Jihoon ba ‘yun? I heard you mention orphanages. Bumibisita ka pa rin pala?”
“Yeah… I visit monthly… or whenever someone contacts me…”
His dad hummed. “I’m not saying it’s a bad thing, pero hindi ba ang dami sa income mo ay napupunta sa pag-donate sa kanila? You don’t even have to do that monthly or even visit. Just donating is enough then the rest of your money, pwedeng sa’yo na lang o kaya… dito sa bahay… ”
Hindi niya gusto ang tono nito. Parang pati ang pag-donate at pagtulong sa iba, nagiging mali na just so he can increase what he’s giving to them. As if naman hindi na malaki ang binibigay nila sa kanya.
Ni hindi rin ganoon karami ang gusto niya. Ang gusto lang naman niya ay ang makatulong at mahanap ang mga anak niya.
“I like what I’m doing. I like that I can help,” sagot ni Baekhyun sa kanya. “Walang mali sa ginagawa ko… at… malay natin, baka mahanap ko rin ang mga anak ko along the way. ”
“ Until now? Hinahanap mo pa rin sila?” hindi makapaniwalang tanong ng Papa niya. “Akala ko, mahilig ka lang tumulong at mag-donate, maybe out of guilt or sadness because of what happened, and not really… looking for them, as in actively looking for them. Why don’t you just… stop? Ilang taon na ang nakalipas. Who knows what happened to them? Maybe they’re even gone. Instead of wasting your time with this, you just focus on your career, and not… this. Learn how to move on—”
“How can you say that?” hindi niya mapigilan na masabi. He can’t believe he’s hearing this from his own father. Nakakagalit. “Nawala ang mga anak ko. Nakidnap. Nadamay sa kaguluhan sa ospital. You don’t just easily move on from that, Pa. Just the thought na lumaki ang mga anak ko na walang kasamang magulang when they should’ve grown up with their family in a healthy environment makes me sad… and angry sa gumawa nito sa kanila, sa naglayo sa kanila sa akin. And you want me to move on? ”
When Baekhyun found out na nawawala ang mga anak niya, na may mga kumuha sa kanya, he was so devastated. He felt so lost. Ni hindi man lang niya sila nakasama ng matagal. They were just… taken away from him. It breaks his heart that he couldn’t even watch them grow up. Ni hindi niya alam kung anong kundisyon nila ngayon when he could’ve given them a loving home and give them everything that they deserve.
You don’t just move on from that.
Not to mention, ni hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na maging malungkot, for him to find them, kasi they wanted him to go back to work immediately. And they ask why he doesn’t want to sign again? Maybe if they weren’t so heartless and inconsiderate, baka maisip man lang niya, but every single time that he’s reminded of what they did… he can’t even hesitate sa mga pinipili niyang gawin para sa sarili niya.
“Sinasabi ko lang na ilang taon na ang nakalipas. Ilang taon ka nang naghahanap pero wala ka naman napapala. Why keep wasting time, resources, and money?”
“Lahat na lang tungkol sa pera ‘no?” sabi ni Baekhyun at napaismid. “Even then, when I told you na nagdadalang-tao ako, ang una mong inisip ay pera. Ang career ko na nagbibigay ng pera sa atin. Not even my health. Not even my safety. My career. The money, and alam ko, kailangan na kailangan natin noon, pero hanggang ngayon, kahit sa sarili niyong apo, ni hindi niyo magawang magkaroon ng pakialam.”
“Ba’t naman ako magkakaroon ng pakialam sa mga hindi ko kilala? Walang kwenta—”
“Alam mo kung anong walang kwenta?” pabalang na sagot niya. “Ito, pa. Itong usapan na ‘to. Itong pag-stay ko dito. You just wanted me to be here para makumbinsi ako na pumirma ng kontrata para masiguradong may maaasahan pa kayo. Well, just to make it clear: You failed. Aalis na ako at gusto ko lang din sabihin, wala akong planong tumigil sa paghahanap sa kanila. I know they’re alive and I won’t stop hangga’t hindi ko sila nakakasama.”
“Baekhyun!”
Hindi pinansin ni Baekhyun ang pagtawag ng Papa niya. He couldn’t care less. Galit na galit siya sa mga sinabi nito.
He wanted to stay here for the night kasi kahit na sobrang awkward and he felt suffocated, may respeto naman siya.
But after what happened?
‘Wag na lang.
When he got to his house at nakahiga na, doon niya na hinayaan na makawala ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan tumulo.
Everytime na nababanggit ang mga anak niya, he feels so sad , guilty, and scared. Nalulungkot siya dahil hindi niya sila nakasama at hindi niya alam kung nasa mabuting kundisyon ba sila. Nagiguilty siya kasi wala siya para sa kanila, at pakiramdam niya, naging pabaya siya, that maybe he’s not trying that hard sa paghahanap sa kanila, and… scared dahil sa possibility na baka hindi niya na sila mahanap kahit kailan.
But most of the time, he’s an optimist—despite all the sadness, guilt, and fear, sinasabi niya sa sarili niya na mahahanap niya sila. Kaya nga hindi siya tumitigil sa pag-start ng mga fundraising events, sa mga shows niya, to the point na nakatanggap na siya ng award sa dami ng nagawa at natulong niya para sa mga bata, kasi umaasa siya na at some point, sa mga pagtulong na ‘yon ay makikita niya ang mga anak niya.
And by doing so, kapag nahanap niya na ang mga anak niya, masasabi niya kay Chanyeol ang totoo.
Kay Chanyeol, ang tanging tao na minahal niya, na kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para sa kanya.
Napatunayan niya ‘yon nang makasalubong niya siya noong napadaan siya sa may grocery.
He still looked the same—sobrang pogi pa rin, fresh, and seeing him always made him feel at ease na kahit pa wala na siyang balita sa kanya dahil wala na siyang kahit anong account online, he still feels like the same person that he’s been in love with for the past few years.
Ang nagbago lang ay wala na ‘yung ngiting laging binibigay nito sa kanya sa tuwing nakikita siya nito.
Nakita niya ‘yung galit sa mga mata nito bago ito agad nagbago at parang nawalan ng pakialam sa kanya. Na parang wala lang siya.
Ang sakit isipin na ‘yung taong mahal niya, ang taong sobra niyang pinagkakatiwalaan noon, ay ayaw na siyang tapunan ng tingin.
Kasalanan din naman niya . Siya naman itong nawala ng parang bula at hindi na nagpakita ulit. Kaya nga kahit ‘yung mga matatalik niyang kaibigan noon, hindi na siya pinansin kahit pa anong try niya na kausapin sila.
He felt so alone. Pakiramdam niya, wala na rin siyang kakampi sa buhay simula nung nangyari ang lahat.
Gusto niyang makasama ulit ang mga kaibigan niya, for things to go back the way it used to be, at ang masabi sa kanila ang dahilan kung bakit siya biglang nawala.
Pero hindi niya kaya.
Lalo na kay Chanyeol.
Paano naman niya masasabi na nawawala ang mga anak nila? Na may kumuha sa kanila?
Ano na lang iisipin ni Chanyeol sa kanya, ni hindi niya nasabi sa kanya noon na mahal niya siya kaya niya hinayaan na mangyari ang lahat at nagbunga ang gabing ‘yon?
Hindi niya kaya harapin si Chanyeol nang ganito ang lahat.
Gusto niya, kung magkikita sila at magkakasama ulit, ay nasa piling niya na ang mga anak niya at magagawa niya silang mapakilala sa kanya, and hopefully, ay tanggapin sila nito. Kahit ang mga anak na lang niya kung may iba na siya ngayon. Ang gusto niya lang ay… may mukha siyang maihaharap sa kanya.
Kaya kahit noong nagkasalubong sila ni Chanyeol, hindi niya magawang masabi ang lahat. Hinayaan niya lang itong maglakad papalayo sa kanya.
Ang hirap, lalo na dahil pakiramdam niya, napakarami ng kasalanan niya—sa mga anak niya, sa mga kaibigan niya, at kay Chanyeol.
Pinapangako niya na kapag naayos na ang lahat, gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para maayos ang lahat ng nasira dahil sa kanya.
Hindi siya titigil sa paghahanap sa mga anak niya. He will not give up. He doesn’t know how to give up . Hindi siya mapapagod na ipaalala sa sarili niya na magiging okay din ang lahat.
Magiging okay din ang lahat.
“Parang dumami po ang mga bata…” malungkot na sabi niya habang kasama si Sunhee, ang head ng orphanage na ito, sa paglilibot nila.
Nag-insist kasi siya na sumama dahil marami rin sa mga bata ang gusto ng makita siya.
Napabuntong-hininga naman ang babae. “Ang daming iniiwan at inaabanduna pero walang naga-adopt…”
Hindi niya maiwasan ang malungkot sa tuwing bumibisita siya dahil nakikita niya kung paanong dumadami ang mga batang iniiwan sa ampunan. Noon, nung baguhan pa lang siya sa pag-donate, nakita niya kung gaano kahirap para sa mga orphanages na binibisita niya ang pag-manage ng mga basic necessities nila. Noong minsan, hindi rin sapat ang mga kwarto nila, kaya noong nakakaya niya na makatulong, talagang naghihiwalay siya ng pwedeng mabigay sa kanila para kahit papaano, ay maayos ang pamumuhay nila.
Even before, noong wala pa ang kambal sa buhay niya, he’s already had a soft spot for kids. He always wanted to help, pero hindi pa enough ang resources niya, at mas tumindi lang ang pagkagusto niyang makatulong simula nung nawala ang kambal, kaya he worked so hard so that he can help and at the same time, do everything para mahanap ang mga anak niya.
It doesn’t matter kahit gaano pa karaming shows ang gawin niya, kahit gaano pa karami ang events, basta wala siyang planong tumigil sa pagtulong at sa paghahanap sa mga anak niya.
“Kambal? Or just… close kids? Magkapatid?” tanong niya kay Sunhee nang makita niyang may dalawang bata na magkahawak at tahimik lang na nakaupo sa isang stone bench.
“Oo, kambal. Bago lang din. Bigla na lang din nagpunta dito. Sinusubukan namin hanapin ang magulang. Naghihintay din kami, kasi baka may maghanap, pero hanggang ngayon, wala pa rin,” pag-explain nito. “Kambal din ang hinahanap mo, diba? Gusto mo ba sila makausap?”
“Okay lang po ba?”
“Oo naman, pero mahiyain ang dalawang ‘yan kaya hindi pa masyado nakikipaglaro sa ibang mga bata. Ayaw din maghiwalay.”
Tumango lang si Baekhyun sa kanya at lumapit sa mga bata. Tahimik lang siyang tinitignan ng dalawang bata, may halong pagtataka sa mukha nila.
“Hello,” bati niya, may ngiti sa labi niya. Out of habit, tinignan niya kung may birthmark ang mga bata, pero nang makita niyang wala at nakumpirma niya agad na hindi sila ang batang hinahanap niya, nanatili lang ang ngiti sa labi niya. “Anong pangalan niyo?”
“Ako po si Bom,” sabi ng batang nasa kaliwa niya, tapos tinuro ang kapatid niya. “Tapos siya po si Eun.”
“Hello, Bom, Eun. Nice to meet you.”
“Ikaw po si Kuya B?” tanong in Eun.
“Kilala niyo ako?”
“Lagi po kayo kinukwento nung ibang mga bata…” sabi nito. “Paborito ka po nila… lagi ka rin nila pinapakita sa TV…”
Natawa naman siya sa sinabi nila. “Sinabi nila ‘yan? Paborito lang ata nila ako kasi kalaro nila ako eh. Gusto niyo sumali? Inaaya nila ako. Gusto nila… hmm… mag-taguan daw…”
“Hindi pa po namin nakakalaro ‘yung ibang mga bata…” sagot ni Bom. “Parang galit sila sa amin…”
“Kasama niyo naman ako!” pag-encourage niya. “May mga dinala rin ako para sa mga bata. Baka gusto niyo rin.”
Halata namang nahihiya ang kambal, and Baekhyun can only smile fondly at them, thinking about how they’re just the same age as his children. Maybe, kasing laki na rin.
“Tara?” sabi niya at nilahad ang kamay niya.
Tinignan ito ng kambal, at nagkatinginan pa ang dalawa, bago nagbitaw sa pagkahawak at hinawakan ang kamay ni Baekhyun. Nasa magkabilang side niya ang dalawang bata at ngumiti lang si Baekhyun kay Sunhee at umiling. Agad nitong naintindihan ang ibigsabihin niya.
Hindi sila ang anak niya.
Dumiretso na lang sila sa kung nasaan ang ibang mga bata na nage-enjoy na kumain para hayaan na makisama ang dalawang bata na kasama niya.
“Parating na si Kyungsoo.”
Hindi maiwasan ni Baekhyun ang kabahan nang sabihin ‘yon ng manager niya. Kahit ilang beses na nito pinapaalala sa kanya ang tungkol sa interview na ‘to ngayong umaga, nandun pa rin ang kaba. It’s not because it’s his first time to be interviewed. Malamang hindi ‘yon.
Ang kinakakaba niya ay… si Kyungsoo mismo.
Hindi naman ganito noon. Kung tutuusin, si Kyungsoo ang huling tao na dapat siyang makaramdam ng kaba sa tuwing makakasama (bukod pa kay Chanyeol). Syempre, siya ang best friend niya noon eh. Siya ‘yung taong nakukwentuhan niya lahat ng bagay, maski pa ang nararamdaman niya para kay Chanyeol.
Pero somewhere along these past few years, simula rin nung nagdalang-tao siya, parang nawala rin si Kyungsoo sa buhay niya.
He tried reaching out to him before, and before, he never understood why Kyungsoo suddenly changed. Bakit pati siya, hindi na siya kinausap? He used to talk to Baekhyun, to ask him about what happened, pero siguro, nagalit talaga ito dahil sa bigla niyang pagtago.
Inintindi na lang niya.
Still, sa tuwing naalala niya na hindi na sila close ng kaibigan niya, hindi niya rin naman maiwasan ang malungkot.
It’s been years since they last talked.
Ngayon lang ulit.
Para sa trabaho pa.
“Papasukin ko lang,” sabi ni Jihoon. “Nandyan na raw.”
Tumango si Baekhyun at huminga nang malalim, sinusubukan na pakalmahin ang sarili. He doesn’t know how he’ll act, pero ayaw niya naman na itong pagkakataon na ito, masayang niya rin. He’s hoping na kahit papaano, with this interaction, maging civil man lang sila, at magawa nilang ngitian ang isa’t isa sa tuwing makakasalubong. Hopefully, kahit hindi niya pa masabi ang lahat ay kahit papaano, things will be better.
Pero nang dumating si Kyungsoo at may nakasunod na cameraman sa kanya, he immediately knew that what he was hoping for will not happen.
Pagkapasok pa lang ni Kyungsoo, agad na sumalubong ang seryosong mukha nito. Ni hindi siya mabigyan nito ng kahit isang ngiti. Sobrang formal lang habang binibigyan sila ng overview sa kung anong mangyayari sa interview at sa kung ano ang mga itatanong niya. It’s mostly about his UN Award pa rin, given na ‘yun ang recent achievement niya. The questions were not new and he’s already answered similar things before.
“D-Do you want some drink first?” he tried asking, para lang sana maging friendly. "I can prepare some meals too…"
“No, thank you,” tipid sagot nito. “I’m sure you’re busy. I think it would be better to start things immediately para matapos din agad.”
Marami pa sana siya gustong itanong, just to lighten things up, or probably build some rapport. Like, kumusta na ba siya, sila pa ba ni Jongin, kumusta si Chanyeol , and such. Ganun naman ginagawa ng mga interviewer, pero halata rin kay Kyungsoo na wala siyang planong gawin ‘yon. He looked like he wanted to get out of here as soon as possible. Mukhang ‘yun din naman ang pinararating niya sa sinabi niya.
Even if he wanted to catch up like what old friends do, hindi niya magawang maipilit. Ayaw naman niyang lalo pang magalit ang kaibigan sa kanya.
He sighs and just quietly follows kung anong gusto nila. Napatingin siya sa gawi ng manager niya at halata ang pag-aalala niya, siguro dahil napansin niya rin how unusual the atmosphere of this interview is, pero he only shook his head and smiled as a way to assure him na okay lang ang lahat, and to just let it be.
Needless to say, sobrang… seryoso ng atmosphere sa interview. Ni hindi niya magawang mag-joke sa mga tinatanong even if he wanted to. Talagang professional kung professional. Kulang na nga lang, hindi pa mag-follow up questions ang dating kaibigan, pero syempre, since it’s still for work, he still did what is expected of him.
Sobrang bilis lang nung interview kung tutuusin. Nagulat na lang siya at nagpapasalamat na sila Kyungsoo sa kanila. Kinausap muna niya ang manager ni Baekhyun regarding sa naging kinalabasan ng interview. He needs to check kung may mga kailangan ba tanggalin, and Baekhyun was just standing there awkwardly nang bigla siyang tinawag ng manager niya.
“Baekhyun, makiki-CR daw,” sabi niya at tinuro si Kyungsoo. “Samahan mo?”
“Sorry, okay lang ba maki-CR saglit?” nahihiyang tanong ni Kyungsoo na ikinagulat pa niya.
“Sure,” medyo enthusiastic pa sagot niya kahit na nagpapaalam lang naman ito na makigamit ng CR at lumabas ng room kung saan ginawa ang interview. “Samahan na lang kita papunta.”
“It’s fine. Hindi naman kailangan. Sabihin mo na lang saan banda.”
No, he couldn’t let that opportunity go kahit ilang segundo o minuto lang naman ang kakailanganin niya. At least he can talk to him. “It’s okay. Para na rin—”
Napatigil sila sa paglalakad dahil sa pagkabigla ng pag-ring ng phone. Agad na nilabas ni Baekhyun ang phone niya mula sa bulsa niya at hindi pa maiwasan na magtaka dahil from an unknown number ito.
“You should answer that. Baka importanteng tawag,” sabi ni Kyungsoo.
“Ah, no—”
“It’s fine. Saan ba banda ‘yung CR? Ako na pupunta.”
Hindi pa rin nito binababa ang tawag. Patuloy lang sa pag-ring. Naghehesitate pa siya sumagot kasi baka mamaya kung sino lang na nakakuha ng number niya at hindi naman pala importante.
But Kyungsoo was waiting, so he just says, “S-Sa… may baba… malapit sa may dulo. Left side. Marami doon. You know what, samahan na lang kita. I can call this person back—”
“No, it’s really okay. Sagutin mo na,” sabi nito at naglakad na papunta sa direksyon nito.
Baekhyun sighs and looks at his phone again. Saglit na namatay ang tawag, pero nang makatanggao ulit siya ng tawag from the same number, sinagot niya na ito.
“Hello?” sabi niya. “Who is this?”
Walang sumagot sa kabilang linya kaya napakunot ang noo niya. Is this a prank call?
“Hello?” pag-ulit niya, this time, a little bit frustrated. “How did you get my number?”
Wala pa rin sagot, at nung plano niya na ibaba ang tawag dahil iniisip niya, niloloko lang siya ng caller, bigla itong nagsalita.
“Baekhyun?” sabi nito, at bago pa siya makasagot ay na-disconnect na ulit ang tawag.
He couldn’t help staring at his screen.
Pamilyar ang boses ng tumawag.
He tried calling him back, kasi he’s sure… boses ni Chanyeol ‘yon. Pero nung nakaka-ilang try na siya, wala pa rin sumasagot, at sa huli, cannot be reached na siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
Bakit tumatawag si Chanyeol sa kanya?
He was about to try again nang mapansin niyang hindi pa rin bumabalik si Kyungsoo. Worried, bumaba siya at pumunta sa kung nasaan ang CR. Baka kasi nawala na pala siya sa bahay, pero nang makababa siya, nakita niya agad ang kaibigan niya, nakatayo lang sa harap ng isang kwarto.
Napatigil siya nang marealize niya kung nasaan siya.
Sa kwarto… kung saan nakalagay ang lahat ng gamit na binili niya para sa kambal.
Ang kwarto na para sana ay sa kambal.
"Occupied mga CR," napatingin si Kyungsoo sa kanya, tinuro ang kwarto, confusion evident in his face. “Ano ‘to?”
He can lie. Pwede niyang sabihin na para ‘yun sa mga bata na tinutulungan niya. He’s known for it, after all, pero may pumipigil sa kanya.
Hindi niya kaya sabihin ‘yon, not when it’s obvious na hindi lang ‘yun para sa mga batang tinutulungan niya.
“I… I can explain…” sabi niya at lumapit sa kaibigan. “Let’s… enter this room.”
Tahimik na sumunod si Kyungsoo sa sinabi niya, his eyes looking around the room, inoobserbahan ang mga ito.
Kinakabahan siya.
Hindi niya alam kung paano magsisimula.
Pinanood niya si Kyungsoo na tignan ang bawat gamit na nandun. May mga nakahiwalay na gamit, nakalagay his at hers.
Huminga siya nang malalim bago sinimulan ang kwento niya.
“I-I prepared this room…” paninimula niya. “ F-For my kids… ”
Walang kahit anong reaksyon si Kyungsoo sa sinabi niya. Nakatingin siya sa mga nakabalot na regalo na nakapatong sa bawat kama.
“I have… twins … ” sabi niya. “And… Chanyeol is the other father… can you believe it?”
He said that kasi aware si Kyungsoo sa nararamdaman niya para kay Chanyeol, and he was hoping that he’d get some reaction with that, kasi who wouldn’t, diba? Especially if he revealed something like that, something that isn’t even known by a lot of people?
Pero wala pa rin kahit anong sinasabi si Kyungsoo. Hindi rin siya nito tinitignan. At that, hindi niya maiwasan ang magtaka, but he assumes that he’s just too surprised sa mga sinasabi niya or sadyang gusto lang nito tahimik na pakikinggan ang kinukwento niya.
“But… but something happened to them.”
Doon napatingin sa kanya si Kyungsoo, halatang nagtataka.
“I’m sorry na hindi ko magawang masabi sa’yo, sa inyo… lalo na kay Chanyeol, pero hindi ko kaya, lalo na nung mga panahon na ‘yon, and I’m still trying to fix everything…” pagtuloy niya sa sinasabi niya. “I’m sure you’re wondering why all of these are unopened… that's because… they're not with me… that day, at the hospital, may nangyaring kidnapping incident, and my kids were part of it… until now, hindi ko pa rin sila nakikita. But I’m trying my best to look for them… kaya ko nga ginagawa lahat ng ‘to. Para rin sa kanila ‘to, kaso hanggang ngayon, hindi ko pa rin sila mahanap. Sandamakmak na sindikato na ang napakulong ko, ang dami na tumutulong sa akin na mga opisyal, pero… pero wala pa rin…”
Kyungsoo was only looking at him with an unreadable expression habang kinukwento niya ang mga ‘yon.
“Hindi ko kayo kayang harapin, with something like that going on with me… ni wala akong lakas ng loob na sabihin kay Chanyeol, kasi ano na lang iisipin niya sa nangyari? I’m—”
“Nagsasabi ka ba ng totoo?”
Nabigla si Baekhyun sa sinabi ni Kyungsoo. He was expecting other responses, maybe something about him asking about how it all happened sa kanila ni Chanyeol, but this? For him to doubt him?
“Excuse me?” sabi niya. “Of course I am…? Why would I lie about something like that?”
“It’s just… different from what I know.”
“Huh?”
From what he knows?
Paano naman niya malalaman ang tungkol dito eh sigurado siyang walang kahit na sinong nakakaalam sa mga anak niya. Not anyone from the media. Sinigurado ‘yan ng agency niya dahil para sa kanila, makakaapekto ito sa career niya (na naging rason din ng pag-aaway nila noon, and them overworking him).
So what does he know?
“Didn’t you give up your parental rights?”
“Parental rights? Me? Give it up?” nagtatakang pag-ulit ni Baekhyun sa sinabi niya. “What are you talking about?”
“You gave up your parental rights to continue your career, and now mukha ka lang hypocrite na tumutulong sa mga bata when you can’t even take care of your own children.”
“What!? Why would I do that!?” he said, feeling betrayed. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ang daloy ng pag-uusap nila. “Kilala mo ako, Kyungsoo. I loved children even back then. Alam mo rin, na mahal ko si Chanyeol. Sobra. You were so sick of hearing it. So, imagine, it’s all I’ve ever wanted. Why… why would I give them up, both my children and Chanyeol, for my career!?”
Hindi agad na nakapagsalita si Kyungsoo. Nakatingin lang siya sa kanya, as if trying to read him, and Baekhyun doesn’t bother to conceal his anger and disappointment. Hindi talaga siya makapaniwala that he’s being accused of something like this. He would never do such a thing.
“I’m sorry,” mahinang sabi ni Kyungsoo. “Like what I said, your side is different from what I know. From what we know. ”
“What—”
“About your children… I think you should talk to Chanyeol.”
“Didn’t you hear what I just said—”
“Baekhyun,” pagtawag nito sa kanya, and something about the way he said it made him stop. “Hindi sila nawawala at hindi sila nakidnap.”
“What?”
“I think… someone else tried to get them away from you. Someone… close to you… who didn’t want you to have your children.”
He wants to know more about what he just said, kasi what the fuck does that mean? ‘Yun ang sinabi sa kanya noon, binalita pa nga ang nangyari, so what does he mean na hindi naman sila nawawala?
But before he can even ask about it, tumunog na naman ang cellphone niya.
Maiinis na sana siya dahil istorbo ito, pero nang makita niya ang number ng tumawag kanina, parang mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya.
Naalala niya ang sinabi ni Kyungsoo. I think you should talk to Chanyeol.
What if?
What if si Chanyeol nga ito?
Natatakot siya, pero pakiramdam niya, kung hindi niya tatanggapin ang tawag na ito at kung si Chanyeol nga ito, hindi niya makukuha ang kasagutan sa mga tanong niya.
“I-I need to answer this call…” mahinang sabi niya.
Tumango lang si Kyungsoo, but he stayed where he was. Baekhyun cleared his throat before answering the call.
“H-Hello?”
Katulad kanina, wala agad nagsalita. Kinakabahan siya. Parang masyadong maraming nangyayari ngayong araw and he’s so overwhelmed with what’s being revealed to him.
Kahit kinakabahan, huminga siya nang malalim at saka sinabi, “C-Chanyeol…? Ikaw ‘to, diba?”
Nakita niyang nanlaki ang mata ni Kyungsoo nang marinig ang pangalan ng lalaki. Mukhang hindi nito inaasahan na mangyayari agad ang usapan na sinabi niya.
“Baekhyun,” sabi nito, at ngayon, kahit hindi pa sabihin ng nasa kabilang linya kung sino siya, kilalang-kilala niya na ito. Sigurado siya. Si Chanyeol ito. “May kailangan tayong pag-usapan.”
Lalo lang siyang kinabahan dahil sa sinabi nito.
Pero nilunok niya ang kaba niya at sinabi, “Y-Yeah… I think we need to talk…”
Nagmamadaling pumunta si Baekhyun kay Chanyeol.
Takang-taka man kung bakit biglang pinacancel ni Baekhyun ang lahat ng schedules niya for the rest of the day, hinayaan siya ng manager niya, especially when he mentioned that it was for his children.
Sinabi ni Chanyeol na kahit siya na ang pupunta sa kanya, pero umayaw si Baekhyun. He insisted na siya ang pupunta. Hindi siya mapakali. Habang inaalala niya ang mga sinabi ni Kyungsoo, he can’t shake the feeling that something’s off and something big is about to happen. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Kahit kasama niya si Kyungsoo pati na ang manager niya na parehong sinusubukan na pakalmahin siya, parang hindi niya sila marinig.
When they arrived at Chanyeol’s house, parang pakiramdam niya, nanginginig siya. Kung dahil ba sa kaba, stress, o ano, hindi siya sigurado.
Natatakot siya sa kung anong malalaman niya.
Naiwan silang dalawa ni Chanyeol sa may sala.
Nakita niya pa kanina si Jongin at Sehun na ngumiti lang sa kanya bago pumasok sa isang kwarto. Maski si Kyungsoo, binati lang si Chanyeol at tinapik siya pero sumunod na rin agad sa kanila. Ang manager niya naman, iniwan na sila para mabigyan sila ng pagkakataon na mag-usap.
Hindi maalis ni Baekhyun ang tingin niya sa mga naka-frame na picture sa may shelf. Maraming nakapatong na pictures dito, and they’re mostly… family pictures.
It’s Chanyeol… with two kids .
Parang gusto niyang maiyak dahil nang makita niya pa lang ang mga litrato, ang napakapamilyar na birthmark sa bawat portrait ng mga bata, ‘yun pa lang, malinaw na sa kanya ang isa sa mga kasagutan sa tanong niya.
Si Yeoreum at Yejun.
They’re here.
“They’re with you,” sabi niya, his eyes never leaving the pictures. “My children… our children… they’re with you… how did this happen?”
He didn't even have to reveal that they had children. Bakit pa?
Kasama na pala niya.
“Baekhyun, maupo muna tayo,” sabi ni Chanyeol. “You don’t look okay. Calm down for a little bit.”
But Baekhyun stayed rooted in his place. Parang hindi siya makagalaw. Sobrang dami niyang nararamdaman, naiisip, kasi paano nangyari ‘to? He was so sure about what happened. His father mentioned it pa sa kanya, so how is it possible na napunta kay Chanyeol ang mga anak niya when he didn’t even know about his pregnancy?
“I’ve been looking everywhere for them. Kulang na lang libutin ko ang buong mundo—-no, actually, I have been doing that—-para lang mahanap sila, and… and they were with you. I don’t understand. Simula pa kanina, simula pa lang sa sinabi ni Kyungsoo, about me giving up my parental rights… hindi ko maintindihan, and now… now, I find out, na after all this time, they were in safe hands? I’m relieved, but I’m also, so, so confused—”
“So you didn’t?”
Napatingin si Baekhyun sa kanya. “What?”
“You didn’t give up your parental rights?”
“No!” napalakas niyang sinabi. “Why would I do that!? I loved them so much. I was willing to give everything to them. And I… I loved you, I still do, and I wanted to have a family with you. Gusto kong malaman mo na hindi ko pinagsisisihan ang gabing ‘yon, and I was happy at the idea that we’d have our own children, but then this all happened—”
“Then why does this exist?”
Saka lang nakita ni Baekhyun ang hawak ni Chanyeol na papel. Halos nalulukot na ito sa sobrang higpit ng pagkahawak ni Chanyeol. Nagtataka siya kung ano ‘yon. It’s not familiar to him. He never even encountered one like it before.
“If you really wanted to take care of them, if you really wanted to have this family with me, why did you give them up?” sabi nito, at hindi makapasalita si Baekhyun, his eyes glued to the paper being shown to him. “You could’ve told me. Instead of running away and hiding from people, sana sinabi mo sa akin, pero hindi mo ginawa ‘yon, and I was waiting for you to reply, to call, anything, just tell me na hindi mo pinagsisisihan, kasi ako, I was also happy that time, and I was fucking hoping that it will be the start of something because God knows how much I loved and adored you, but you disappeared from my life, and I didn’t receive anything else from you. Even it hurt, hinayaan kita. I kept telling myself that you'd’ come back, pero wala. Kusa na lang akong lumayo sa’yo, because I can take the hint: You regret what happened.”
Baekhyun was shaking while listening to Chanyeol. He’s having a hard time breathing at lumalabo na ang paningin niya dahil sa mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo. Panay iling siya. Chanyeol’s got it wrong. He didn’t regret it.
“So, imagine, na after months of not hearing from you, malalaman ko na lang that you gave birth, and you’re leaving the children to me, kasi you gave it all up for the sake of your career.”
Baekhyun kept shaking his head. “N-No… I never did any of those… I didn’t want to give them up. Hindi ko alam kung anong sinasabi niyo. I’m sorry that I had to keep it. They were making me keep it because they couldn’t risk it, not when my career is at stake at sa akin naka-depende ang lahat sa pamilya namin, but I never intended to hide them, not from you, not from everyone else. I didn’t give them up. I was planning to reach out to you, kahit nung nalaman ko ang nangyari, but you never replied. I assumed that you were mad at me, and hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin ang lahat ng nangyari. They told me about what happened sa ospital, about the kidnapping, and my father—”
Napatigil si Baekhyun sa pagsasalita nang makita niya ang pirma sa isang pahina.
Ang isang napaka–pamilyar na pirma.
He should've known.
“Hindi ko pirma ‘yan,” biglang sabi niya. “I should’ve known.”
Simula pa lang, tutol na ang Papa niya. Ayaw na ayaw nito ang mga apo niya, ni ayaw siyang tulungan noon. He always thought that it’s a hindrance to him, something na makakaapekto sa trabaho niya. He wanted him to get rid of them. But Baekhyun kept on saying no, kasi he wants to take care of them, and he wants to have this family with Chanyeol kahit ano pang tutol niya. He was willing to give it all up just to make his point how serious he was about wanting this family.
Akala niya, okay na sa kanya, especially when he saw the kids with him.
He should’ve known.
May ikakasakim pa pala ito.
To make some made up news about some kidnapping, he needed to have someone huge to back him up. He should’ve known.
Kaya siya close sa agency, sa CEO nila, why he kept on persuading him to stay… it all suddenly made sense…
Para siyang nahihilo sa lahat ng narerealize niya, sa lahat ng nalalaman niya ngayon—magmula sa mga sinabi ni Kyungsoo, when he found out that it’s because of his own father that he’s in this misery, nang malaman niya na kasama pala ni Chanyeol ang mga anak niyang matagal niya nang hinahanap, maski ang ideya na minahal siya ni Chanyeol noon at handa rin siyang makasama siya.
It’s all so overwhelming.
“Baekhyun? Hey?”
Para siyang nahihirapan huminga. Sobrang bigat ng bawat hingang nilalabas niya. He couldn’t stop shaking. Pakiramdam niya, makakawala na ang puso niya sa dibdib niya. Halo-halo ang nararamdaman niya. His vision was getting blurry, maybe from the crying, and the last thing he saw was Chanyeol’s confused and worried expression, bago niya tuluyang ipikit ang mata niya at hayaan na dumilim ang paligid niya.
Ang una niyang narinig pagkamulat niya ng mata niya ay ingay ng mga… bata.
“Pretty! TV! Siya ‘yung sa TV! Pretty man! Singer!” rinig niyang sabi ng isang bata.
“So noisy!” sagot ng isa pa.
“Ikaw noisy too!”
“Mas noisy ka!”
Was he… dreaming?
“You’re both noisy, mga anak,” sabi ng isang pamilyar na boses, at dahil doon ay saka narealize ni Baekhyun ang sitwasyon. “Look, both kayo, nagising niyo siya…”
Napatingin siya sa dalawang bata na nakatingin sa kanya ngayon, nanlalaki ang mata, parang amazed na amazed. Napaupo si Baekhyun at hindi niya pinansin ang hilong dulot nito. Out of habit, napatingin siya sa neck at collarbone ng mga bata.
At the sight of it, parang gusto niya na lang maiyak.
He’s so relieved to see them safe, healthy, and happy.
“Look, iyak siya. Noisy ka kasi!” rinig niyang bulong ng bata—ni Yeoreum.
“Kaw ‘yun eh!” sagot ni Yejun.
Before he can even stop himself, niyakap niya ang dalawang bata. Napatigil ang dalawa, halatang nagtataka. Baekhyun can only release a sigh out of relief. Tinignan niya si Chanyeol at nakangiti lang ito, hinahayaan lang sila.
Baekhyun closed his eyes and relished the feeling. Hindi niya inaakala na darating ang araw na ‘to—ang mahawakan ang mga anak niya, ang mayakap sila, at makita silang masaya. Even if he missed so many years, he’s glad that they grew up with a person that he knew loved them so much.
Masaya na siya dito, and Baekhyun can only hope that he can continue doing this, spend time with them, and shower them all the love that they deserve.
But of course, hindi naman ganun kadali magtatapos ang lahat.
Baekhyun was looking at both of the kids who were busy eating. Nakangiti lang siya sa kanila, hindi pa rin makapaniwala that he can spend his time with them like this.
Kahit na hindi pa alam ng dalawang bata kung sino siya sa buhay nila, he’s just glad that he’s here with them. Kayang-kaya niya sila tignan, hawakan, yakapin, and just… be there with them.
He can’t believe they’ve already grown this much.
He snapped out of his daze when Chanyeol suddenly sat down beside him. “Are you okay?"
Alalang-alala ito nung nahimatay siya.
Ngumiti siya at tumango.
"I know… it was too much to take in… pero… anong plano mo? With your dad and… the agency?”
Baekhyun’s smile slipped off his face. Just the thought of them makes him so angry.
Pagbabayaran nila ang ginawa nila. He’ll make sure of it.
He had to go through so much because of them. Ang dami niyang ginawa para makatulong sa kanila, pero… ganito pala ang ginagawa nila? They were so willing to keep him away from everything that makes him happy para lang sa sarili nila?
“I’ll deal with them,” mahinang sabi niya, making sure that the kids won’t hear it. “I’ll make them pay for all the damages that they’ve done.”
Hindi agad sumagot si Chanyeol kaya nagulat na lang si Baekhyun nang biglang hawakan nito ang kamay niya. “Samahan kita?”
Napangiti naman si Baekhyun sa ginawa niya. He didn’t mind how Chanyeol still had this effect on him. Kung tutuusin, masaya pa siya. Sa kanya niya lang naman ito nararamdaman.
He intertwined their fingers. “Please.”
Chanyeol placed a quick kiss on his hand. “Okay.”
Hindi pa nila napag-uusapan ang mga susunod na mangyayari sa kanila at sa pamilya nila, but he’s hoping that everything that’s happening right now is a good sign and the start of what should’ve happened years ago.
“Sigurado ka bang ayaw mo ako sumama sa loob?” tanong ni Chanyeol.
“It’s okay. This is something that we should talk about,” pag-assure ni Baekhyun sa kanya.
Humigpit ang hawak ni Chanyeol sa kamay niya. “Okay, but remember, if ever it gets too much, call me, okay? I’m here. I’m with you.”
Tumango si Baekhyun at huminga nang malalim. He reluctantly let go of Chanyeol’s hand that’s been giving him comfort all throughout the ride papunta ng bahay ng magulang niya. He was about to open the door, pero hinawakan ni Chanyeol ang braso niya para pigilan siya. The next thing he knows is that Chanyeol left a kiss on his forehead.
“Everything’s going to be okay,” bulong nito. “You’re now here with us, diba? Just like how it should’ve been.”
He wanted to kiss him Chanyeol so bad, pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi pa ito ang tamang oras for it. Tumango siya ulit and gave him the best smile that he could give right now.
Huminga siya nang malalim bago bumaba mula sa kotse.
Tinignan niya ulit ang text na natanggap niya mula sa manager niya.
From: Jihoon
Andyan daw siya. I think he’s trying to convince you to sign
I still can’t believe what they did!
Go make them pay!!
Napangiti na lang siya sa pagiging supportive nito. He’s glad na kahit papaano ay may isa siyang mapagkakatiwalaan sa kumpanyang ‘yon.
Now that he knows na nandito rin naman ang isa pang tao na kailangan niyang kausapin, there’s no other perfect time para makausap ang dalawang taong maraming kasalanan sa kanya.
Kailangan niya nang harapin ang lahat ng ‘to at masiguradong pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila.
“Just make sure that Baekhyun will sign the contract,” rinig niyang sabi ng pamilyar na boses ni Mr. Lee. Baekhyun rolled his eyes at what he heard. “Sa dami ng ginastos namin para sa kanya, at hindi lang para sa mismong career niya, kundi para ipagtakpan ang lahat tungkol sa mga anak niya? The least he can do is sign and prove his loyalty.”
“Oo, sisiguraduhin ko ‘yan,” sagot ng Papa niya. “May naiisip ka pa bang paraan to make him stay? No matter what I say, he won’t listen. Parang sinasayang niya lang ang oras niya sa paghahanap sa mga anak niyang ‘yon.”
Napangisi na lang siya at binuksan ang pintuan ng kwarto kung saan sila nag-uusap. Sabay pa silang napatingin sa kanila, halata ang gulat sa mukha.
“I already said that I won’t be signing that contract again, right?” sabi niya at binigyan sila ng isang ngiti na malayong-malayo sa usual na ngiti na binibigay niya sa mga tao. “Or, I don’t know, Pa, I think you’re good at signing things on my behalf, so why don’t you do the same thing with my contract?”
“Anong sinasabi mo?” sagot ng Papa niya, he tried to look confused, but Baekhyun can see na kinakabahan siya. “You’re not making sense.”
“Am I not?” sagot niya at napangisi. “Okay, my bad. Dapat pala may example.”
Nilabas niya ang papel na tinago niya lang sa may likod niya. Nanatili ang ngisi niya at pinakita ang papel sa kanila.
“Familiar?” tanong niya, pero bago pa sumagot ang dalawang gulat na gulat sa pinakita niya, tumawa siya bigla. “Oo, syempre, familiar… pirma mo ‘to eh, over my own name. In a paper that you both did. For what? Ahhh… para ipamigay na lang ang anak ko, make the other person believe that I gave up on them for my… career.”
And just like that, their facade was broken.
“Paano napunta sa’yo ‘yan?” tanong ng Papa niya, at nakuha niya pang magalit.
Siya pa talaga ang nagagalit ngayon?
Parang baliktad.
“Did you honestly think na hindi ko ‘to malalaman? As in… ever?” he asked and snorted. “Ang liit-liit ng mundo… narealize ko ‘yon… at nalaman ko sana ang agad totoo kung hinarap ko ang mga taong nalayo sa akin noon…”
Hindi sila nakasagot. He took a step forward towards them, his eyes never leaving them kahit halos lamunin na siya ng pinaghalong kaba at galit.
“Bakit niyo ‘to ginawa?” tanong niya at nang hindi pa rin sila sumasagot, nagpatuloy siya. “Bakit niyo pinamukha na iniwan ko ang mga anak ko at ang responsibilidad ko sa kanila? Bakit niyo sila nilayo sa akin? Bakit niyo ‘to pinagkait sa akin?”
“Because you were going to make a decision that you’ll only regret and will only cause your downfall,” sagot ng Papa niya. “Handa kang iwan ang lahat ng ‘to, kahit na hirap na hirap na tayo sa buhay, para lang sa sarili mong interes. Ni hindi ka pa nga handa maging magulang, and you’re already willing to risk it all. I’m sorry, nak, ginagawa ko lang naman ang lahat ng ‘to para sa’yo, para sa pamilya natin. Hirap na hirap tayo noon, Baekhyun. Hindi pwedeng mawala ang lahat ng ‘yun dahil lang gumawa ka ng maling desisyon.”
He scoffed at what he heard. For him? For their family?
Kalokohan.
“You were at the peak of your career, Baekhyun,” sabi pa ni Mr. Lee. “Masasayang ang lahat ng pinaghirapan mo. Maraming aayaw sa’yo. It would be a waste to not have you, for these to ruin you, and we had to do what we could para lang matigil ‘yang pagiging impulsive mo. It’s not worth it then, even now.”
“Mukha talaga kayong pera,” he said in disbelief. “You don’t care about me. You care about what I can give, and that is… money.”
“No,” sabi ng Papa niya. “Lahat ng ‘to, we did it for you. You were not in the right state to make any decision. You were not looking at things logically. Kinailangan na humanap kami ng paraan para hindi ganoon karaming tao ang madadamay sa mga desisyon mo. I was just thinking about what’s the best for all of us.”
“But you didn’t have the right to take them away from me and to make that decision. When I said that I was willing to leave this all if you didn’t allow me to take care of them, it was my warning. It was a way to make you accept them. Hindi ko naman itutuloy eh. After all, even if there are days that it’s tiring, I love what I’m doing and I’m grateful to everyone who has supported me. Alam ko rin na maraming umaasa sa akin, sila Mama, si Kuya, pati ikaw, Pa. I’m not heartless like you to deprive you of something. But this? After knowing what you did? After everything that I’ve been through? Yeah, I’ll continue my career, but with this company? Habang binabantayan niyo ako? No . I know what I deserve, and this isn’t it. I will leave, and I will be with my family whether you like it or not.”
“Sige, gawin mo ‘yan,” pagbabanta ni Mr. Lee. “Gawin mo, and you’ll see kung anong sinusubukan namin pigilan na mangyari. Ipagsigawan mo sa buong mundo na iniwan mo ang mga anak mo, that you were an irresponsible father. You will not have a career after, I’ll make sure of that.”
“Bago ka magbanta, siguraduhin mo munang mananatili ‘yang kumpanya mo,” sagot niya. “See, thanks to the both of you, I’ve formed a lot of connections. Can you believe it? Ang dami ko nang napakulong. I helped a lot of people para mahanap ang mga dapat na maparusahan, and they’re also willing to help me. So twist whatever narrative that you have of me and publish it. I want you to watch it backfire.”
“Baekhyun,” sabi ng Papa niya, and this time, he looked scared. Hinawakan niya pa ang mga braso niya. “Nadadala ka lang ng galit mo. We should talk about this calmly.”
“I am calm. I’ve thought a lot about what I have to say,” sagot niya at tinanggal ang pagkahawak nito sa kanya. “I will make sure that the both of you will pay for what you did to me and my family.”
Pilit pa rin siyang hinahawakan ng Papa niya. “Baekhyun, nak, I’m sorry. Ginawa ko lang ‘to para sa pamilya natin. Patawarin mo ako—”
“ Hinding-hindi kita mapapatawad. Not after what you did,” madiin na pagkasabi niya. “You deserve to be punished, katulad ng mga taong nahuli rin namin noon. The next time that I’ll see you… that will be in court.”
Hindi niya pinansin ang pagtawag nila sa kanya at tinalikuran lang sila. Napahinga siya nang malalim.
He was finally able to let that out.
Dito pa lang nagsisimula ang isang mahabang laban nila.
The past few weeks have been busy for Baekhyun.
Simula nung nilabas ang balita tungkol sa nangyari, tungkol sa kanya, sa agency, at sa Papa niya, he’s been dealing with all of those at parang sandamakmak na meeting na ang napuntahan niya. He’s so tired.
Pero kahit na ganun, hindi niya pa rin maiwasan ang mapangiti habang nakatingin sa kambal na mahimbing ang tulog ngayon sa tabi ng Tatay nila. Tinanggal niya ang unan na nakaharang sa side ni Yeoreum at humiga sa tabi niya. Nasa kabilang side ni Yejun si Chanyeol na mahimbing din ang tulog ngayon.
He’s glad that he can at least end each day with them by his side.
Ni hindi na siya umuuwi sa sarili niyang bahay. He finds himself going here, kila Chanyeol, after a long day, because this is where he feels at ease the most.
Kahit na ang daming nangyayari, he makes sure that this peace that they have in this home remains. Kahit na alam na ng halos lahat na may mga anak siya, he makes sure na pribado kung sino sila at ang side na ito sa mundo.
Ayaw niyang mawala ulit ito sa kanya.
“Hey,” rinig niya bigla kaya napatingin siya sa may-ari ng boses. “Are you okay?”
He smiled when he saw how Chanyeol was trying his best not to close his eyes para tignan siya. Mukhang nagising niya ito.
“Yeah. I’m here now, so of course,” sagot niya. “Sorry for waking you up.”
“It’s fine,” mahinang sabi ni Chanyeol. “Let’s talk about your day?”
“Now?” he whispered and giggled. “Matulog ka na lang. Antok ka pa eh. It’s nothing interesting, anyway. Just the same.”
“Pinipilit ka pa rin…?”
“Yeah.”
Parte ng araw niya ay ang araw-araw na pakikipag-usap ng Mama at Kuya niya sa kanya, pinipilit siya na patawarin ang Papa niya at ‘wag na ituloy ang kaso, kesyo Papa niya pa rin ‘yon, pero hindi. Hindi ‘yun excuse para gawin ang lahat ng ginawa niya. Hindi niya siya kayang patawarin kahit ano pang pilit ang gawin nila sa kanya.
They took this from him. This home that he’s been longing for.
“They’ll understand why you’re doing this,” sabi ni Chanyeol. “But whatever your decision will be, we’ll be here with you, okay? You’ll make the decision that's the best for all of us.”
“Of course.”
Saglit silang natahimik. Akala pa nga ni Baekhyun, bumalik na sa pagtulog si Chanyeol. Halata naman kasing antok na antok pa ito at nagising lang dahil sa kanya.
But then, Chanyeol suddenly says, “The kids have been asking about you.”
Baekhyun hummed. “Anong sabi?”
“They were asking… why do you keep going here…” mahinang sabi niya at natigilan si Baekhyun sa narinig. “When will you be coming home… and… if ikaw ba ‘yung isa pa nilang Papa… secretly, they have been calling you that…”
Baekhyun gasped at what he heard.
Hindi pa rin kasi nila alam. Kahit pa gustong-gusto na ni Baekhyun na malaman nila kung sino siya, nirerespeto niya rin naman si Chanyeol. Hinihintay niya kung kailan ito magiging handa na sabihin sa mga anak nila kung sino siya. Masyadong marami ang nangyayari ngayon, and Baekhyun knows that Chanyeol is only looking for the right time to tell them.
“Anong sinabi mo sa kanila?” tanong ni Baekhyun, kinakabahan.
Ito na ba?
Maririnig niya na ba ang dalawa na tawagin siyang Papa?
“I told them… that we should talk when you’re here…” sagot ni Chanyeol. “Kasi gusto ko sana… nandito ka kapag sinabi ko sa kanila… pero alam mo naman ‘yang dalawang ‘yan. Makukulit… kaya I gave them a hint, so I hope it’s okay, and I hope you’re ready, because the moment that you open your eyes tomorrow, they’ll be the first one that you’ll see and they will have a lot of questions.”
“I can’t wait,” he said and giggled. Masaya na siya na pwede na siya magpakilala sa kambal, but still, there’s something that hasn’t been addressed. “Chanyeol?”
“Hmm?”
“Are you still willing to try? With me?” mahinang tanong niya. Hindi sumagot si Chanyeol, and Baekhyun kind of panicked. “I won’t force you kung ayaw mo. I’m already glad that I can be with the twins, but I also hope that you know… that my feelings for you have never changed. I love you. I still do, and I’m not saying this because of the kids… it’s what I genuinely feel.”
Chanyeol’s silence made him nervous. Talagang hindi nila ito pinag-uusapan. Alam niya naman na malala ang galit ni Chanyeol sa kanya dahil sa nangyari noon, and an anger that’s been there for years won’t just simply go away.
Naiintindihan naman ni Baekhyun ‘yon, and he’s willing to work hard to gain his trust again, to make Chanyeol love him, if he’s still willing to try with him.
“What happened wasn’t your fault, and I’m not mad about it anymore, now that the truth is out. But, Baekhyun, it was still… painful to not have you here with us. Kahit noon, nung bigla kang nawala, I was hurt,” sabi nito, and Baekhyun only nodded. Naiintindihan niya naman kung saan ito nanggaling. “But… I can’t deny that… despite all of those… you still have this certain effect on me, and… it makes me want to try… to see where this will lead us… so, okay…”
“Okay?” pag-ulit niya sa sinabi niya. “Okay, as in… okay, we should try?”
“Yes.”
Parang nakahinga naman nang maluwag si Baekhyun sa narinig. Good. Okay. That’s something. That’s a good sign.
He’ll make sure that this will work out.
Sasabihin niya pa lang sana iyon, pero nang biglang gumalaw si Yeoreum, that was his cue to shut up. Masyado na silang maingay at ayaw niyang magising pa ang dalawa. Mahirap pa naman patulugin ulit kapag nagigising pa ng gabi.
“Good night, Baekhyun,” bulong ni Chanyeol.
Baekhyun closed his eyes and smiled. “Good night, Chanyeol.”
He can’t wait for tomorrow, because finally, kahit na sobrang daming nangyayari, he knows that he can at least start his day right with them by his side.
And that is more than enough for him.
Chanyeol wasn’t kidding when he said that the moment that he wakes up, ang unang bubungad sa kanya ay ang dalawang bata.
Nagising siya dahil sa dami ng halik na iniiwan ng kambal sa mukha niya, with them happily saying, “Papa, wake up!” nang paulit-ulit, and Baekhyun had to stop himself from tearing up, too overwhelmed, too happy with this feeling.
“Puro laway na ‘yang mukha ng Papa niyo nyan. Yak,” pang-aasar ni Chanyeol habang nagtutupi ng kumot na ginamit ng kambal. Pero kahit na sinabi niya ‘yon, hindi pa rin tumitigil ang dalawang bata which just made Baekhyun giggle. “Kapag hindi kayo tumigil, hala, hindi kayo makakasama nyan kapag nag-grocery ako. Wala nang ice cream… na tig-isa pa naman sana…”
Agad namang napatigil ang kambal sa narinig, parang biglang natuwa dahil sa mention pa lang ng ice cream. Mukhang paborito talaga ng dalawa. Baekhyun makes a mental note of that.
“One tub each?” tanong ni Yejun.
Chanyeol snorted. “No.”
Agad naman napa-whine ang dalawang bata and Baekhyun can only laugh and give the both of them a kiss on their cheek. “Morning… one tub is enough…”
“See? Even your Papa agrees,” sabi ni Chanyeol. The way he kept hearing the word Papa simula nung pagkagising niya is just surreal. Until now, hindi siya makapaniwala na natupad na itong hinihiling niya lang noon. “Go downstairs and brush your teeth. Titignan ko ‘yan kung maayos.”
The twins just kept on whining and mumbling habang papalabas na ng kwarto. Baekhyun just looked at them fondly.
Napatingin lang siya kay Chanyeol nang bigla nitong sinabi, “Good morning.”
Napangiti naman si Baekhyun sa kanya. “Good morning.”
Just like that, kahit sigurado siyang isang mahabang araw na naman ito, at least maganda ang simula ng araw niya.
Malapit na mag-isang taon simula nung mangyari ang lahat ng 'yon.
Things are… better now. Mas kalma na. Hindi na siya ang laman ng balita daily, at hindi na siya sa kung saan-saan pumupunta. He's glad that things went smoothly at nagbayad ang dapat na magbayad. Even after all this mess, he's also glad na marami pa rin ang sumuporta sa kanya sa lahat ng nangyari, those who believed sa side niya, which made things easier for him.
He has a better way of scheduling things now with consideration sa career niya at sa pamilya niya, thanks to Jihoon.
Right now, nagpapahinga lang siya. Deserve naman niya ito after a long and tiring fight.
Hawak niya lang ang cart habang hinihintay si Chanyeol na mamili ng stock nila sa bahay. He kept on glancing at the kids dahil kung saan-saan pumupunta ang dalawa para magpabili.
Whenever they spend time together as a family, kahit sobrang mundane pa nyan, hindi pa rin siya makapaniwala na nagagawa niya na 'to with them, na kasama niya na sila ngayon sa iisang bahay, just like what he always wanted.
"You're probably thinking that all of this feels surreal," biglang sabi ni Chanyeol.
Nagulat pa siya sa sinabi nito. "Nababasa mo ba talaga utak ko? How did you even know na 'yan iniisip ko?"
"You said it before… I know you so well, " sabi nito, ngumiti, at pinisil ang pisngi niya. " Or maybe I was just thinking of the same thing . There are just days na hindi rin ako makapaniwala that you're here with us and I can hold your hand anytime… when I used to be so mad and hated you that I couldn't even consider this happening… and… now I just have this sudden urge to say I love you, just because you're here doing grocery with us."
Baekhyun giggled and kissed him. Mabilis lang. After all, they're still in public, but he's happy that he doesn't even have to wait for the perfect timing to do such a thing. Pwedeng-pwede niya na iyon gawin and he knows Chanyeol won't mind.
"I love you too," sagot niya, and when he looked at the twins again, natawa siya. "But I think… kailangan na natin bilisan bago pa makakuha ng tig-isang tub ng ice cream ang kambal."
Chanyeol pouted. "It's your fault. Bakit naman kasi ikaw ang endorser nyan, edi parang gusto pa nilang kolektahin ngayon?"
Natawa lang si Baekhyun at pumunta na sa direksyon ng kambal bago pa nila pag-awayan kung anong kukunin.
Ang gaan-gaan sa pakiramdam ng lahat ng 'to.
Now that he's here with them, happy, complete, without much to worry, wala na talaga siyang ibang mahihiling pa.
