Actions

Work Header

Mastermind

Summary:

What the...? No, it can't be... Siya yung apo ng may-ari?!

Di na lang napigilan ni Klay na bumukas ang kanyang bibig sa gulat nang makita niyang umakyat sa stage si Fidel de los Reyes. Lahat ay pumapalakpak, pero di niya makuhang iangat ang kanyang mga bisig.

Notes:

I've been wanting to write a modern fic for some time now. I just couldn't find the right concept yet, but one day at work it just hit me. And now it's here! I hope y'all like it.

Chapter Text

Klay's POV

Nagliligpit na si Klay ng kanyang mga gamit dahil patapos na ang shift niya sa ER.

Hay, sa wakas at tapos na din ang shift ko for today.

"Bye, everyone. Bukas ulit. Alagaan niyo mgapasyente ko, ha?"

"Ay, naku Ate Klay. Araw-araw ka na lang. Sige na at baka mahuli ka pa sa lakad niyo ni Ate Clarita" sambit ni Basilio.

"Ganun na pala mga OJT ngayon no? Pinapaalis yung mga sup nila. O siya sige na" sagot ni Klay. Malapit na sana siya sa pintuan nang may biglang pumasok na taga-HR.

"Announcement lang po. May urgent lang po tayong gathering sa main hallway in 5 minutes, dahil may anunsyo po ang ating Hospital Administrator. Dito sa ER naman po, mangyari lamang na may maiwan na dalawang nurse para meron pa ring mag-aasikaso sa kung anumang emergency. Hindi lang po tayo magtatagal."

Pinigilan muna ni Klay na umalis ang babae, "Teka po, Ma'am. Wala naman pong na-ishare na ganyan sa mga gc namin."

"It was disseminated right before I arrived. You can check your phones. If there's nothing else--"

"Can I go? My shift just ended." singit ni Klay. "Sorry, Ms. Infantes. But the management required for everyone to attend, lalo na po yung may free time. See you there."

Ang effort naman ng HR. Ano ba kasing announcement yan at kailangan lahat umattend?

Biglang nag-vibrate ang phone niya at kinuha niya ito. Si Clarita, tumatawag. Naku, baka inaantay na ako neto sa labas

"Hello, Mars. Baka mahuli lang ako saglit kasi, ewan ko ba? May pakulo kasi ngayon dito sa ospital."

"Ha? Anong pakulo?"

"Ewan, may announcement daw yung admin. Kailangan daw mag-attend lalo na yung may free time and. And that means, kasama ang tulad ko na tapos na ang shift. Kung minamalas nga naman. Pero saglit lang naman daw."

"Sige lang, Mars. Maaga pa naman. Wala naman tayong hinahabol na deadline, traffic lang naman haha. Pero sige basta pag matapos yung pa-program niyo diyan, kumaripas ka agad ng takbo palabas hahaha"

"Karipas talaga?hahaha O sige, babu. See ya later." Pinasok ni Klay ang phone sa kanyang bag at agad na nag-tungo sa main hallway. Narating naman niya ito agad dahil malapit lang ito sa ER. Nakakaloka mukhang halos lahat nandito ah, pwera na lang sa emergency staff. Nanakot nga ata ng matindi ang mga taga-HR.

Di mapakali si Klay dahil siya nga eh ayaw niya na pinapaghintay, mas lalo na ang paghintayin ang ibang tao. Ano ba 'to? Ang tagal naman ng 5 minutes.

Lumipas ang 10 minuto, at lumabas na ang Hospital Administrator. Hay, salamat at lumabas din. Filipino time nga naman talaga, di nasunod ang sinabi na 5 minutes. Baka naiinip na si Clarita kahihintay sa'kin.

"Good afternoon, everyone. I'm sorry to have kept you waiting. I gathered you all urgently today at the request of our Chairman, because he'd like to introduce the newest addition to our Medical Center's family."

Naku, para yun lang may pa-ganito pa? Ga'no ba ka-big deal yung mga taong yan?

"But he won't be here today due to unforeseen circumstances. Instead, our Vice-chairman will be gracing us with his presence today to make the important announcement. So without further ado let me call our Vice-Chair, Mr. Jacinto de los Reyes."

Mukhang importante talaga yung ipapakilala. Bihira lang magpakita tong mga de los Reyes.

"Thank you, thank you. So, I see it's like we have almost all of the hospital staff seeing that our hallway is almost full. We called you all today to introduce someone that will start working with you starting tomorrow. You've never seen him around the hospital because we wanted him to experience other working environments first, so that he can better serve this institution."

Andami pang satsat. Ipakilala niyo na yan nagmamadali na ako eh!

"So, I won't make this longer, as I know we have jobs and errands to attend to. Let me introduce my son, Atty. Fidel de los Reyes, who will be leading our hospital's legal department starting tomorrow."

Parang nagpanting ang tainga ni Klay nang marinig niya ang pangalan ng bago nilang Legal Department Head. Fidel? de los Reyes? Teka, baka kapangalan lang eh. Maraming Fidel, at maraming may apelyidong de los Reyes sa mundo.

"Come on up, Son. And introduce yourself."

What the...? No, it can't be... Siya yung apo ng may-ari?!

Di na lang napigilan ni Klay na bumukas ang kanyang bibig sa gulat nang makita niyang umakyat sa stage si Fidel de los Reyes. Lahat ay pumapalakpak, pero di niya makuhang iangat ang kanyang mga bisig.

Teka, girl. Malayo naman yung opisina ng Legal sa ER. So maliit lang ang chances na magkasalubong kami. And I don't think magugustuhan niya ang pagkain sa cafeteria.

"Good afternoon, everyone. I'm Atty. Fidel de los Reyes. I look forward to working with all of you. For whatever legal concerns you have related to the hospital, please feel free to visit my office. Pero pag personal na, pwede niyo pa rin naman akong puntahan. May additional fee nga lang."

Natawa naman ang iilan sa sinabi ni Fidel, pero hindi si Klay. Nakuha pang magbiro nito. Wala naman akong legal concerns, and kung meron man, pwede naman yung interns na lang papuntahin ko. Di talaga ako magpapakita sa mokong na 'to! Di talaga pwede!

Nang napalingon si Fidel sa kanan, di inaasahan ni Klay na magkakatagpo ang kanilang mga mata. Napakunot muna ang noo ni Fidel, pero nginitian siya nito at kinindatan.

Kung minamalas nga naman! Ba't ba ako pumwesto dito?! Jusko, ngayon alam na niya na dito ako nagtatrabaho. Lord, help me.

"Some of you may know me and would wonder kung bakit di nga naman ako pumwesto agad sa ospital na ito gayung ako ay apo ng may-ari. Mas pinili ko talagang lumawak muna ang karanasan ko sa maraming aspects ng legal profession, para ako'y maging handa na pagsilbihan kayo. So, I hope you can all treat me as a friend even though I am a de los Reyes."

Friend? Pinagsasabi nito?

"Oh, and the annual social ball of our hospital is happening this weekend, so I hope everyone can attend, except for those who are on duty of course. But don't worry we have other things in store for them. So, thank you all for coming despite your busy lives. I didn't really expect that my arrival would be announced this way, but I really am grateful. So, Dr. Chiu, I'll give the floor back to you."

 "Okay, so Atty. Fidel de los Reyes, once again, welcome to St. Anthony Medical Center. We're so excited for what you can do for this hospital."

Naramdaman ni Klay na parang may nakatitig sa kanya, at nahuli niya si Fidel na nasa likod ni Dr. Chiu. Tumango ito sa kanya at ngumiti ng konti, ngunit umirap lamang si Klay. Bumalik naman ulit ang tingin ni Fidel sa madla.

Kailangan ko na bang mag-resign? Nakakaloka 'to. Ilang buwan pa lang since nung na-promote ako kaya di talaga pwede.

"Thank you, everyone for coming. Let's all go back to work, and don't forget about our ball this Saturday."

Dali-daling naglakad si Klay papunta sa exit at tinawagan si Clarita. 

"Hello. Tapos na kami, palabas na ako."

"Ok, andito lang ako sa may exit."

Nang makalabas na si Klay ay nakita niya agad ang kotse ni Clarita. Binilisan niya ang lakad papunta sa kotse at sumakay agad.

"Oh, ba't ka naman tumakbo girl? At ba't para kang nakakita ng multo?"

"Hay naku, girl. You have no idea. Tara na nga."