Chapter Text
“I guess that’s it?” malungkot na ngiting tanong ni Junmyeon.
Dahan dahan ang pagtango ng lalaking katapat niya na nagsilbing senyales ng isang pagtatapos at bagong yugto sa buhay niya.
Tumayo si Junmyeon ngunit bago pa siya makatalikod ay narinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan na ikinalingon niya.
“It was a good run with you, Junmyeon” nakangiting sabi ng lalaki, “Wala akong pinagsisisihan”
Gusto niyang umiyak.
“Goodbye, Sehun” ang huli niyang sinabi bago siya nagmadaling lumabas sa opisina nito.
Paalam. Iyan lang ang nakaya niyang sabihin kay Sehun pagkatapos ng halos anim na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Walang pasasalamat, walang pagpapaumanhin. Paalam lang. Sa pagkakataong ‘yon wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang humakbang papaalis sa opisina na siya rin ang unang naging bisita.
Ganito pala ‘yon kasakit.
Hindi naman manhid si Junmyeon. Naramdaman niya naman na dito rin patungo ang relasyon nila nitong mga nakaraang buwan. He had already expected the end results. Pero kahit naman alam mo na kung ano ang mangyayari, hindi mo pa rin maiiwasan ang masaktan. Lalo na’t mahabang panahon ang iginugol niya. Magkasama silang lumaban sa araw-araw para sa isang bukas… and that’s all he ever did and knew how to do until this day.
Akala niya walang bukas ang hindi darating kung nandyan si Sehun.
He was the love of his life.
Simula college hanggang sa magkatrabaho silang dalawa, kasama sa mga plano nila ang isa’t isa. Naaalala niya pa kung gaano sila kasaya nang maging legal sa bansa ang civil union, at kung paanong hindi pa lumilipas ang ilang linggo naisipan nilang magpakasal habang hawak ang isa’t isa. Ngayon niya lang naintindihan ang sinabi ng mga magulang niya.
Hindi naikakandado ng kasal ang kasiguraduhan na walang katapusan ang pagmamahalan sa isa’t isa.
Tama nga sila.
Ang tanging hiling lang ni Junmyeon ngayon ay kung tama ang mga magulang niya sa relasyon nila, sana hindi sa iba.
Binigyan niya ang sarili ng panahon para magpakalunod sa sakit.
It was the least he could do for his heart.
Halos dalawang linggo siyang nagkulong sa bago niyang apartment na wala pang halos na laman bukod sa kama at iilang gamit sa kusina. Nag file na rin siya ng resignation letter sa trabaho niya dahil hindi niya ata kayang pumasok habang iniisip na nasa kabilang building lang ang ex-husband niya.
Hindi niya kaya at hindi niya gagawin sa sarili niya ‘yon.
Ilang wine na rin ba ang naubos niya sa halos dalawang linggo na ‘yon?
Ilang kaha ng sigarilyo na rin ba ang nabili niya?
Okay pa ba ang lungs niya?
Hindi niya alam pero sigurado siyang yung puso niya hindi okay.
“Nandyan po ba si Sehun ngayon?” tanong niya sa cleaner ng bahay nila ni Sehun.
Alas onse ng umaga at Thursday ngayon kaya malabong nasa bahay ang dating asawa pero gusto niyang maging sigurado na hindi niya ito makikita kapag pumunta siya doon para kunin ang mga naiwan niyang gamit.
“Wala po, Sir Junmy, gabi pa po babalik si Sir Sehun”
Nagpasalamat si Junmyeon bago ibinaba ang tawag.
Dahan dahan siyang bumangon para mag-ayos. Rinig na rinig sa bago niyang apartment ang yabag ng mga paa niya. Napatingin siya sa paligid. Walang kabuhay buhay. Dumiretso siya sa banyo, at tumigil ng ilang segundo sa harapan ng salamin para tignan ang sarili. Bumagsak ang katawan niya at kitang-kita ang pamumutla niya.
Huminga siya ng malalim bago umalis sa harapan ng salamin.
Maingat na nagpark si Junmyeon sa tapat ng dating bahay.
Ilang segundo niya rin itong tinitigan bago kinuha ang isang kaha ng sigarilyo na ibinato niya kanina sa passenger seat ng sasakyan niya. Nang maubos ang dalawang sigarilyo ay tsaka lang siya bumaba ng sasakyan.
Ang dami niyang iniisip dahil ang dami niyang naaalala.
Kung para sa iba isang simpleng two-storey house lang ang nakikita nila kapag tinitignan ito, para kay Junmyeon, limang taon ng buhay niya ang nakikita niya.
Hindi madali.
Pero kailangan niyang gawin dahil ayaw niyang ma-stuck sa ganitong posisyon where he’ll just endlessly feel sorry for himself.
Sorry, dahil kahit na matagal niya nang nararamdaman ay wala siyang ginawa.
Sorry, dahil hindi pala totoo ang happy ending na pinaniniwalaan niya simula nang pagkabata niya.
At sorry, dahil hindi pa rin pala sapat lahat ng ginawa niya.
Ayaw niyang hayaan ang sarili na lamunin ng ganitong klase ng pagdurusa.
Kaya kahit bawat hakbang may kirot, binuksan niya ang gate ng bahay.
“Sir Junmy!” masayang salubong ng cleaner.
Halos mag ga-gabi na nang matapos si Junmyeon ayusin ang mga gamit niya. Mabuti nalang nagdala siya ng mga box dahil ang dami niyang gamit dito. Tinawagan niya rin ang kapatid niyang si Jongin para maiuwi ang mga gamit niya, para saan pa ang pickup nito kung hindi niya tutulungan ang nahihirapan na kapatid.
Mabuti nalang din na tinulungan siya ng cleaner nila na sinupin ang mga gamit niya dahil mas napabilis ang proseso… mas napigilan niya rin ang pag shut down at pag iyak dahil ayaw niyang maging intindihin pa nito. Nung naghahanap sila ng maglilinis ng bahay wala naman sa nilagay nilang role ang pagiging trauma absorber kaya hindi niya gagawin sa dalaga ‘yon.
“Sir Junmy, hindi na ba kayo babalik dito?” tanong sa kanya habang ipinapasok niya sa sasakyan ang bagahe niya.
Kahit naluluha, nilingon niya ang isa at ngumiti, “Kitang naiiyak na yung tao dito, sa tingin mo babalik pa ‘ko?”
Natawa sila pareho pero nakita niya rin ang namumuong luha sa mata ng isa.
Kasabay ng paghihiwalay nila ni Sehun ang pakikipaghiwalay niya sa lahat ng tao na magdudugtong sa kanila.
“Eh ano na gagawin mo ngayon, Kuya?” tanong ni Jongin sa kanya habang kumakain.
Habang pabalik sa apartment niya, dumaan sila ng drive thru para bumili ng dinner nila. Alam niyang dumiretso sa kanya ang kapatid galing sa trabaho at alam niya rin na pagod ito dahil starting palang ito.
“Ewan” simpleng sagot niya habang kumakain.
Kumunot ang noo ng kapatid.
“Pwede ba ‘yon? Ano magkukulong ka lang dito?” sunod sunod ulit na tanong nito, “Nag-aalala sa’yo sila Mama, ayaw mo namang pauwiin”
Wala ang mga magulang ni Junmyeon. Matagal nang plano ng mga magulang nila ang subukan ang mag cruise kapag retirdo na sila at tatlong linggo na ang nakaraan nang matupad nila ang plano na ‘yon. Masaya si Junmyeon para sa mga magulang nila. It’s what they deserved after working day and night sa ibang bansa para lang mabuhay silang magkapatid. At wala siyang plano na sirain yung matagal na nilang binuo na pangarap dahil lang hindi natupad yung kanya.
“Hayaan mo lang sila mag-enjoy, tatawagan ko nalang sila mamaya para ipaalam na okay ako”
Tumaas ang kilay ni Jongin, “Kahit hindi?”
“Hindi na nila kailangan malaman ‘yon”
Pinauwi niya na ang kapatid kahit pa nagpresenta itong tulungan siya mag-ayos ng gamit at samahan siya. Halata kasi sa itsura nito na nilalabanan lang nito ang pagod at gustong gusto na nito humiga, ayaw niya namang patulugin ito doon dahil literal na wala itong tutulugan kung hindi ang sahig.
Malabong makatulog agad si Junmyeon dahil dati pa man, nahihirapan na siyang matulog, lalo na ngayong ang dami niyang iniisip at nararamdaman. Naisip niyang ayusin nalang ang mga gamit na kaya niyang ayusin ngayong gabi.
Nasa kalagitnaan siya ng pagtutupi nang marinig niya ang notification mula sa cellphone niya.
‘Nga pala kuya, yung box ng mga merch mo ni Chanyeol sinama ko dyan sa mga gamit mo. thank me latur’
Natawa siya sa nabasa.
Ilang taon niya na bang hindi nakikita ang mga merch niya noong college siya?
Dating diehard fan ng isang singer-rapper duo si Junmyeon noong college siya. EXO-CB ang tawag sa duo na ‘yon, obviously, may dalawang member na sina Baekhyun Byun at Chanyeol Park. Sobrang patay na patay siya dati kay Chanyeol Park, tuwing gabi kasama sa dasal niya na sana sila magkatuluyan kahit pa abutin ng 20 years ang paghihintay niya. At dahil nga patay na patay siya sa rapper, talagang pinagkagastusan niya rin halos lahat ng merch na inilabas nito.
Sa totoo lang, hanggang ngayon naman nararamdaman niya pa rin ang ‘butterflies’ tuwing naririnig niya ang boses ni Chanyeol pero dahil nga marami na siyang ginagawa at priorities sa buhay, unti unti nang bumaba sa listahan si Chanyeol Park. Ang huling balita niya tungkol rito ay silang dalawa rin ni Baekhyun ang nagkatuluyan. Kaya naman pala hindi magawan ni lord ng paraan yung hiling niya, araw-araw ba naman kasama yung kalaban niya.
In the end, it felt like they both went their separate ways kahit hindi naman sila magkakilala in person.
Opening the box full of his old merchs definitely brought back those memories.
It hit him.
Alam na ni Junmyeon kung ano ang gagawin niya sa ngayon.
“Anak, bakit mo naman naisipan mag island hopping? Ang lamig lamig pa diyos ko, pebrero palang” rinig niyang sabi ng ina mula sa kabilang linya.
Katulad ng sinabi niya kay Jongin, tinawagan niya ang mga magulang para ipaalam sa mga ito na okay lang siya at ‘wag masyadong mag-alala. Tumawag rin siya para ipaalam sa mga ito na balak niyang mag island hopping at nakapagbook na siya ng ticket niya.
Matagal na nilang niyang gustong mag island hopping, hindi lang nila niya magawa dahil may trabaho siya at may trabaho din si Sehun, busy sila pareho (kaya nga sila nauwi sa hiwalayan). Ngayong wala na siyang mga prior commitments, malaya na siyang mag island hopping at pumunta sa kung saan niya gusto.
“Ma, matagal ko na ‘tong gustong gawin. Tsaka may savings naman ako, kaya ko pa maging unemployed ng ilang buwan” sagot niya dito habang isinasara ang maleta.
“Ano? Eh ilang buwan ka bang maglalakwatsa?”
Napaisip si Junmyeon sa tanong.
“…Ewan ko pa”
Suminghap ang ina niya.
“Anong— Ignacio, ikaw nga ang kumausap dito sa anak mo, tumataas ang presyon ko sa batang ‘yan!”
Narinig niya ang pagshuffle mula sa kabilang linya bago marinig ang pamilyar na pag-ubo ng ama.
“Nak, pagpasensyahan mo na mama mo, matanda na kasi. Ano ba kasi ‘yon?”
“Anong ginagawa mo sa Palawan?!” gulat na tanong ni Kyungsoo habang kavideo call niya ito.
Wala ang matalik na kaibigan niya sa Pilipinas ngayon kaya medyo nahuhuli ito sa balita. Kinailangan kasi nitong pumunta sa kasal ng nakatatandang kapatid na nakatira sa Canada, gusto rin sana nitong umuwi nang malaman ang nangyari kaso syempre, hindi naman pwedeng umalis nalang ito lalo na’t best man siya ng kuya niya.
“Wala. Magre-relax lang, alone time” sagot niya habang inaayos ang mga damit.
Kakarating niya lang sa Coron at kakacheck-in niya lang rin sa binook niya na hotel. Sakto namang tumawag si Kyungsoo para tanungin kung kamusta na siya, ang hirap daw kasi timingan ng mga timezone timezone kaya hindi siya nakatawag agad.
“Ganon? Gusto mo ba sumunod ako sa’yo dyan pagkatapos ng kasal?” tanong nito.
Natawa si Junmyeon, “Alone time nga di’ba? May alone time ba na may kasama?”
“Sabagay” sagot nito, “Independent ka naman. Ang inaalala ko lang baka naman dibdibin mo nanaman lahat, kailangan mo rin minsan mag rely sa mga tao sa paligid mo. Junmyeon hindi lang simpleng break up pinagdadaanan mo ngayon”
Tama si Kyungsoo.
Independent naman talaga si Junmyeon. Siya na tumayong magulang ni Jongin nung high school siya at grade school palang ang kapatid dahil nga nangibang bansa ang mga magulang nila. Tinanggap niya na yung responsibilidad na ‘yon dahil kung hindi, pare-pareho silang magi-isang kahig isang tuka. Wala rin naman silang malalapit na kamag-anak na mag-aalaga sa kanilang magkapatid.
Kaya rin siguro tama rin si Kyungsoo na mahilig magkimkim si Junmyeon ng nararamdaman. Syempre, maliit pa ang kapatid niya noon at mahirap din ang lagay ng mga magulang niya na kumukuha ng kahit anong trabaho para makapagpadala. Ayaw niya nang dumagdag pa sa iisipin ng mga ito. Kaya siguro ganon nalang siya lumaki. Mabuti nalang talaga nakilala niya ang EXO-CB na nagsilbing safe haven niya noong college. Mabuti nalang din, nandoon na si Kyungsoo nung mga panahon na ‘yon kaya another source of happiness at will-to-live para kay Junmyeon.
Syempre, nandoon din si Sehun.
Napailing si Junmyeon.
“Wag ka masyado mag-alala sa’kin, Soo. I’m just trying to relax, I promise” sabi niya para pagaanin ang loob nito.
Bumuntong hininga si Kyungsoo, “Sige, basta I’ll call you often, okay?”
“Okay. Marami ka namang pera pang overseas call eh”
“Hey, are you alone?”
Napalingon si Junmyeon at nakita ang isang moreno at matangkad na lalaki na nakatayo sa gilid niya.
Ito nanaman tayo…
“Not interested, may asawa na ‘ko” sagot niya rito bago ipakita ang singsing na suot niya.
How many times have he been hit up on sa ilang linggo niyang pagpapalipat lipat ng pinupuntahan? Kung magkakapera lang siya tuwing may nagtatanong sa kanya kung mag-isa lang siya, baka asian tour na ang ginawa niya at hindi lang island hopping o local tour. Kaya naman kahit gusto niya nang tuluyang makamove on, hindi niya naman maiwasan na suotin ang singsing nila ni Sehun tuwing lumalabas siya sa gabi dahil hindi makaintindi ang mga lalaki ng mga salitang ‘no’ or ‘not interested’.
Katulad nalang ngayon, agad na humingi ng pasensya ang lalaki bago umalis pero pupusta si Junmyeon na kung hindi niya pinakita ang singsing, malamang hindi siya tatantanan ng lalaki.
So far, he’s been enjoying his little trip. It’s like he’s starting to see the world with a different perspective now that he’s taking some time for himself. Pakiramdam niya naman talagang nakakatulong sa kanya ‘tong ginagawa niya ngayon but of course, there are times, lalo na kapag mag-isa na siya sa gabi, where he would remember why he was there.
Mahirap nung una at mahirap pa rin hanggang ngayon, but he just needs to accept that there would always be lingering memories and feelings. That whether he likes it or not, he’ll think about those times every once in a while… like a relapse…but it doesn’t mean that he should act on it.
Hanggang doon nalang ‘yon… just memories.
Besides, Kyungsoo would kill him if he acts on those feelings.
Tinanghali ng gising si Junmyeon kinabukasan. Mabuti nalang mamayang hapon pa ang flight niya. Mukhang naparami ang inom niya kagabi pero salamat sa Diyos at hindi ganon kalala ang hangover niya.
Medyo lutang pa siya nang bumaba para kumain ng breakfast. Sarado na ang free breakfast kaya kinailangan niya pa lumabas para kumain. May mga malapit lang naman na kainan kaya hindi na rin siya nagreklamo, besides kasalanan niya naman.
“Fans of EXO-CB are devastated to hear that their favorite duo just got divorced last Sunday. Matagal na daw pinoproseso ng dating mag-asawa ang paghihiwalay ayon sa kanilang Manager.”
Nanlaki ang mata ni Junmyeon habang hinihiwa ang inorder na open sandwich sa narinig na balita. Agad siyang napalingon sa TV para kumpirmahin ang narinig.
And it was.
Dati hindi magkandaugaga si Junmyeon sa kakahanap ng similarities nila ni Chanyeol noong active fan pa siya pero ni minsan hindi sumagi sa isipan niya na ang pagiging ‘divorcee’ pa pala ang magiging common ground nilang dalawa. At anong meron sa panahon bakit naghihiwalay ang mga mag-aasawa? Seasonal din ba ito? Ano ‘to parang shedding ng balat ng ahas? Ano’ng nangyayari?
Hindi makapaniwala si Junmyeon.
Huling balita niya mula sa dalawa ay last year noong naspottan ang dalawa na nagbabakasyon sa Macau and they looked like they were going strong as ever.
Junmyeon chuckled.
Tama nga siguro ang mga sabi sabi… like idol, like fans.
“Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to Siargao. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you.”
“Nasaan ka naman ngayon, Kuya?” tanong ni Jongin.
Kumakain ito ng baon na sweet and sour pork sa cubicle nito habang nasa opisina. Lunch break kasi nito at nagtitipid daw ang isa kaya naisipan nalang nito magbaon. Panay rin ang tawag nito sa kanya tuwing may libreng oras ang kapatid, wala rin itong ginawa kung hindi tanungin siya kung kailan siya babalik ng Maynila.
Katulad nalang ngayon.
“Nasa Siargao ako” sagot niya rito,
“Ha? Eh kailan ka ba uuwi magda-dalawang buwan ka na atang nag-iikot sa Pinas”
Oo nga.
Dalawang buwan na siyang naglilibot. Mag a-apat na buwan na rin simula nang maghiwalay sila ni Sehun. Ang bilis ng panahon pero parang ang bagal pa rin nito. Hindi niya alam kung paano i-explain pero ganon yung pakiramdam niya.
“Baka next month umuwi na ‘ko, kailangan ‘ko bawiin lahat ng ginastos ko” biro niya rito.
Isa pang iniisip niya na sa pagbalik niya ng Maynila, kailangan niyang harapin ang araw-araw na iba na sa nakasanayan. Isa rin ito sa mga rason kung bakit niya gustong maglibot, para madisrupt yung usual routine niya. Para unti-unting masanay sa mga pagbabago sa buhay niya.
“Pasalubong ko ha?” hirit ni Jongin, “Nga pala, nabalitaan mo na ba hiwalay na rin pala si Chanyeol tsaka Baekhyun”
Paanong hindi malalaman ni Junmyeon eh halos iyon lang ang laman ng timeline niya sa mga social media apps, pati na rin ang showbiz news ‘yon ang laman. Iba pa rin talaga ang kasikatan ng dalawa, pati privacy ng relasyon nila bino-broadcast sa mundo. Hindi ata kakayanin ni Junmyeon ang ganong buhay lalo na kung kada lingon niya, balita lang tungkol sa ‘failed’ marriage niya ang maririnig niya.
It must be so hard for Chanyeol and Baekhyun.
“Narinig ko nga” sagot niya.
“Grabe mga relasyon ngayon akala mo mga mukhang masasaya pero—“ napatigil ito sa pagsasalita at napatingin kay Junmyeon na nakataas ang isang kilay. “Uhm… nakita ko nga sa facebook sa Korea na daw titira si Baekhyun, di’ba nandoon yung pamilya niya? Hehe, sarap ng ulam ko”
Pagkatapos niyang kausapin si Jongin, napagdesisyunan ni Junmyeon na maglakad lakad muna. Mamaya babalik siya sa hotel para mag shower bago siya pumunta sa mga bar dito.
Habang naglalakad ay kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. Naisip niya na mabuti na rin siguro na hindi natuloy ang ganitong plano nila ni Sehun noon kung hindi baka imbis na nagre-relax siya, lahat ng puntahan niya ay iyakan niya. Wala rin naman talaga silang ganito kalaking savings noong mga panahon na ‘yon dahil pareho silang entry level palang sa mga trabaho nila. Kaya nga siguro naubos nila ang oras nila sa pagsusumikap na makaipon para matupad ang mga plano nila but he guesses that somewhere along the way they forgot about their plans.
Situations changes people, changes relationships, and changes priorities.
That’s what he learned.
Sana lang paglipas ng panahon, mawala na ang lungkot at hinanakit ni Junmyeon so that he can truly wish Sehun love and happiness.
Hindi napansin ni Junmyeon na medyo napalayo na siya sa hotel at sa karamihan ng mga tao sa paglalakad niya. Napansin niya lang ‘yon nang makarinig ng isang lalaki sa hindi kalayuan na sumisigaw. Napalingon siya sa paligid at nakitang wala nang mga makukulit na bata na takbo ng takbo sa gilid niya, malayo na rin ang tunog ng mga speaker mula sa iba’t ibang shops.
Hala, nasaan na ‘ko?
Mukhang private property pa ang napuntahan niya dahil sa itsura ng bahay. It was a simple two-storey house lang din na malayo ang itsura sa mga nadaanan niyang resort at hotels. Mukhang nagtrespass pa siya ng hindi niya namamalayan. Tatalikod na sana siya para bumalik sa hotel nang tumunog ang cellphone niya.
Kyungsoo calling…
Napakunot ang noo niya sa pagiging wrong timing ng kaibigan.
“Sino ‘yan?!”
Nagulat si Junmyeon sa sigaw kaya nabitawan niya ang cellphone.
Tulala si Junmyeon habang nakaupo sa veranda ng kanyang self-proclaimed future husband noong high school na walang iba kung hindi si Chanyeol-fucking-Park.
Ang bilis ng mga pangyayari pagkatapos niyang damputin ang nahulog na cellphone dahil sa gulat. Pag angat niya ng tingin hindi siya makapaniwala na nasa tapat niya na ang isa sa mga pinakaperpektong gawa ng Diyos na si Chanyeol kahit nakasimangot ito at mabibigat ang hakbang papalapit sa kanya.
Nasigawan pa siya nito dahil akala ng isa ay isa siya sa mga reporter na ilang araw nang sinusubukan na humingi ng scoop mula sa kanya at walang tigil siyang sinusundan. Nang linawin ni Junmyeon na hindi siya reporter at wala siyang dalang kahit ano bukod sa wallet at cellphone niya ay agad itong huminahon at humingi ng tawad sa pagsigaw sa kanya. Samantalang si Junmyeon ay nastarstruck sa lalaki at kulang nalang sumigaw siya ng ‘Chanyeol Park, anakan mo ‘ko!’ katulad ng lagi niyang sinisigaw sa kwarto niya dati.
Nahiya pa ang isa sa inakto niya kaya inalok siya nito ng maiinom kaya heto si Junmyeon ngayon nakaupo sa veranda ng beach house ni Chanyeol Park.
“Oh my god, si Chanyeol ba talaga ‘yon?” bulong niya sa sarili nang bumalik sa wisyo.
Pakiramdam niya lumulutang lang siya the whole time na kinakausap siya ni Chanyeol. Kahit pa noong sinisigawan siya nito parang hindi siya naoffend, parang gusto niya pa magpasalamat na sinigawan siya nito dahil ang sexy nito magalit…
“Hey, orange juice lang ang meron ako. It’s been a while since I’ve been here kaya wala pa kong grocery, is this okay for you?” tanong nito na agad nagpatayo kay Junmyeon.
“Okay lang, okay lang talaga, hindi mo na nga kailangan pa ‘kong alukin ako ‘tong nagtrespass, dapat sa’yo ‘tong juice” Junmyeon rambled na ikinangiti ni Chanyeol.
Hala yung dimples.
“It’s fine hindi mo naman sinasadya, I’m just really on edge nitong mga nakaraan because… you know” Chanyeol trailed off, umiwas ito ng tingin kay Junmyeon.
Nakaramdam naman ng awa si Junmyeon sa isa. It must be so hard for him at kinailangan niya pang lumayo. It’s almost the same as his situation ang pinagkaiba lang nila ay hindi ginagawang pulutan ng buong bayan ang paghihiwalay nila ni Sehun, unlike Chanyeol and Baekhyun’s relationship na alam ng publiko.
“I understand” Junmyeon replied with a small smile.
Somehow Junmyeon was able to talk to Chanyeol like a civilized human being, na para bang hindi siya isang diehard fan ng rapper na may isang box ng merch nito na nakatago sa damitan niya. Hindi na rin kasi niya pinatagal ang usapan dahil baka kung ano pang kababalaghan ang masabi niya ng hindi sinasadya sa harapan nito.
Meeting his long time favorite artist with that near proximity was like a once in a lifetime chance for him, he’s glad that after a long time pakiramdam niya ay pinanigan siya ng swerte kahit 10 minutes lang. Okay na ‘yon sa kanya, masaya na siya doon.
For 10 minutes he was able to be happy and forget about the reason why he strayed far away in the first place.
“Ano? Ano na balak mo diyan?” tanong ni Kyungsoo na kausap niya nanaman through video call.
Dahil nga sa nangyari kanina, hindi nasagot ni Junmyeon ang tawag ni Kyungsoo. Ilang missed calls ang nakita niya nang i-check ang phone pagkabalik niya sa hotel room niya kaya nang tumawag ulit ito, sinagot niya na agad dahil may pagka-OA pa naman ang kaibigan.
“Anong ano balak?” tanong niya dito.
Walang alam ang isa sa nangyari kanina. Ayaw na muna ikwento ni Junmyeon dahil baka kung ano pa ang isipin nito, malikot rin kasi ang utak ni Kyungsoo kahit mukha itong matinong tao.
“Wala ka pang nakaka one night stand?” tanong nito pabalik na para bang tinanong lang siya nito kung kumain na siya.
Oh diba, malikot ang utak.
“Kyungsoo, I just got divorced” sagot niya in a matter-of-fact tone.
Pero thankful rin naman siya na hindi nagbago ang pakikitungo ng kaibigan kahit na alam nito ang pinagdadaanan niya ngayon. It would really suck to be reminded of it by every single person he knows. His other friends were already giving him pity parties but not Kyungsoo. And he’s very grateful for that.
“What? Lumagpas ka na sa 3-month-rule ni John Lloyd, surely you can get fucked now?”
Natawa siya sa sinabi nito.
“Ewan ko sa’yo, sige na, kakain na ko sa labas” pagpapaalam niya rito.
“Okay, hope you get fucked”
May dilang demonyo ata si Kyungsoo dahil ngayon, Junmyeon IS fucked. Pero hindi ito yung klase ng fuck na inaasahan ng kaibigan. It’s just that he’s in a totally fucked up situation right now.
“EH GAGO KA PALA EH! Bakit ka ba nangingielam sa away namin ng girlfriend ko, ha?!” sigaw ng isang lalaki na hindi niya kilala habang dinuduro siya nito.
Halos sumabog na sa pula ang mukha ng lalaki at bakat na bakat ang ugat sa leeg nito sa kakasigaw. Nagkaroon na rin ng mga taong nakapalibot sa kanila dahil sa page-eskandalo nito. If the devil is walking among us, ganito siguro ang itsura no’n, isip ni Junmyeon. Hindi niya rin alam kung paano siya humantong sa ganitong sitwasyon at naipit pa siya sa away ng dalawa.
Tahimik lang naman siyang umiinom sa bar kanina nang tumawag ang isang dating officemate at halos mangiyak ngiyak na, may gusto itong ipaturo sa kanya. Dahil alam naman ni Junmyeon kung anong klaseng halimaw ang higher ups nila, lumabas muna siya saglit para tulungan ito. Pagkatapos ng tawag, pabalik na sana siya sa loob nang may babaeng kumapit sa braso niya. The woman looked scared, umiiyak rin ito habang nakakapit sa kanya kaya hindi maiwasan ni Junmyeon ang maging concerned dito. Inalalayan niya ang babae papasok sa loob dahil kung galing ito sa labas, malamang nasa labas din ang tinatakbuhan nito.
Ilang minuto rin niyang inaalo ang babae, mabuti nalang may kanya-kanyang mundo ang mga tao sa loob kaya walang pumapansin dito. Ang kaso nga, bigla nalang dumating ang lalaking galit na galit at hinigit ang babae na ikinagulat ni Junmyeon.
At ngayon heto siya, mukhang hindi siya uuwi nang walang black eye ngayong gabi.
Well, at least that’s new.
“Hindi ako nangingielam pero natatakot yung girlfriend mo sa’yo, you should let her go” kalmado niyang sabi, sinusubukan niya pa rin pakalmahin ang isa.
“Ano?! Inuutusan mo ba ‘ko ha?! Gago ka pala talaga eh!” marahas nitong binitawan ang babae na ikinabagsak nito, hinila ng lalaki ang collar ng suot na polo ni Junmyeon at inambaan siya ng suntok.
Napapikit nalang si Junmyeon, anticipating the impact of the other’s fist.
“Hey, we don’t tolerate violence here” sabi ng pamilyar na boses na ikinadilat ni Junmyeon.
Si Chanyeol.
Natulala nanaman si Junmyeon nang makita ito at hindi niya napansin na hinila na ng mga guards ang lalaki papalabas. May mga umalalay din sa girlfriend nito. Agad din namang nagsialisan ang mga tao, mukhang hindi nito nakilala si Chanyeol dahil madilim ang lugar.
“Ikaw si Junmyeon di’ba? The same guy from this morning?” tanong nito nang silang dalawa nalang ang naiwan.
“Ah, oo” tipid na sagot ni Junmyeon still shaken up from what happened, but more so by the mere presence of Chanyeol na nasa harapan niya nanaman for the second time today.
He heard the taller man chuckle, “You seem like you’re having an unlucky day. First, akala ko reporter ka and now this” kahit madilim alam ni Junmyeon na nakatingin ang isa sa kanya, “you seem like you’re a bit of a trouble magnet, huh?”
Junmyeon spent the rest of the night with THEE Chanyeol Park.
Can you believe it? Because Junmyeon definitely cannot, kahit na marami-rami na rin silang napag-usapan ng isa (divorce matters aside). Thankfully, nag improve ang alcohol tolerance ni Junmyeon the past month and he can hold himself longer now, although medyo tipsy na nga siya. On the other hand, lasing na si Chanyeol at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya dito. He can’t possibly try to assist this huge drunk man alone, right?
“Oh my god, is that Chanyeol?” rinig niyang sabi ng isang babae sa gilid niya.
Agad na napalingon si Junmyeon, ready to shield the drunk celebrity kung saka-sakaling dumugin ito ng mga fans.
Pero naguluhan si Junmyeon nang sabihin nito ang, “Jesus, this idiot!”
Kumurap-kurap siya at sinubukang aninagin ang mukha ng babae.
Wait, is this… Yoora? Iyong ate ni Chanyeol?
Tumingin ito sa kanya at ngumiti, “Hi, I’m sorry but are you Chanyeol’s friend?”
Wait… friends na ba kami?
Hindi alam ni Junmyeon ang isasagot dahil baka isipin naman nito na he’s a stranger na sinadyang lasingin ang kapatid kapag sinabi niyang hindi siya nito kaibigan. In the end, Junmyeon just smiled awkwardly.
“Anyway, can you help me bring him back to his villa? I can’t bring any of my guards to help me dahil magkukulang naman ang bantay dito sa club ko” she said worriedly, “Can you do me a favor and help me?”
Napabuntong hininga si Junmyeon bago unti-unting tumango.
Mukhang tama nga si Chanyeol, maybe he really is a trouble magnet because this smells like a start of one hell of a trouble.
“That big idiot, Jesus, ang sakit ng likod ko” Yoora complained habang hawak ang likod.
The both of them just exited Chanyeol’s villa pagkatapos nilang ihiga ito sa kama. Literal na inihiga lang nila ito dahil agad rin siyang hinila ng babae palabas kahit na hindi komportable ang posisyon ng kapatid. Mukhang malalang hangover at body pain ang mararamdaman nito pagkagising.
Meanwhile, Junmyeon was just standing there awkwardly. Hindi niya alam kung magpapaalam na ba siya umalis o ihahatid niya pa ang isa pabalik sa club nito.
Nilingon siya ni Yoora, “Hey, thank you for helping me out. My brother is a big idiot, that’s why he’s a divorcee now” ouch. “What’s your name nga pala?”
Junmyeon awkwardly smiled for the nth time tonight, “Junmyeon. Junmyeon O—Kim”
What was he about to say, shake it off Junmyeon!
“Nice to meet you Junmyeon, I’m Yoora. Here’s my card and can I have your number? I would like to invite you for breakfast tomorrow kapalit ng tulong mo, if that’s okay with you?”
“Ah, you don’t have to. Okay lang—“
“No, I insist” mabilis na sabi ng babae.
Yoora looked at him expectantly at kung may isang bagay man na hindi matanggal ni Junmyeon sa sarili niya, iyon ang pagiging people pleaser niya.
“Alright”
Around 9 am nang magising si Junmyeon na may tumatawag sa kanya. Nakatulog siya agad pagkabalik niya sa hotel room niya, pakiramdam niya natagtag ang katawan niya dahil sa lahat ng nangyari sa araw na ‘yon. Mabuti nalang sanay si Junmyeon sa mga unexpected calls tuwing umaga dahil walang respeto ang dati niyang mga boss na pinapatawag siya kahit kakatilaok palang ng manok.
Anyway, it was Yoora who called him para ipaalala sa kanya na he promised that he’d eat breakfast with them. Kasama si Chanyeol Park na hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Junmyeon na nakilala niya ito on a personal level. His college self definitely didn’t expect all of this to happen.
“Junmyeon, hi! Good morning!” masiglang bati nito nang makalapit si Junmyeon sa table.
Mag-isa pa lang ito doon.
“Have a seat, papunta palang si Cy. For sure he’s having a splitting headache” sabi nito at inabot kay Junmyeon ang menu, “Here, pumili ka nalang muna, it’s on my brother”
Kahit na medyo naiilang, wala nang nagawa si Junmyeon kung hindi ang umupo. Hindi niya maiwasan ang tumingin-tingin kay Yoora. Grabe talaga genes ng mga ‘to, artistahin, isip niya. Nagsimula naman siyang kausapin ng isa tungkol sa kung gaano pinasakit ng gulo kagabi yung ulo niya dahil daw kahit anong gawin niyang paghihigpit ng security, may nakakapasok pa rin na mga gago para manggulo. Nalaman din ni Junmyeon na kay Yoora pala ang club na pinuntahan niya kagabi.
Maya maya ay may biglang humila sa upuan na katabi ni Junmyeon na ikinagulat niya.
“Cy! Kanina ka pa namin iniintay, ano ka ba naman” bungad ni Yoora sa kapatid na mukhang maya maya lang ay magsisisigaw ng ‘Brains! Brains!’ dahil sa itsura nito.
Ang pogi pa rin.
Simpleng white tshirt at pajama pants ang suot nito habang nakashades at mukhang kamay lang ang ginamit nitong pangsuklay dahil medyo magulo pa rin ang buhok nito. Halatang bagong gising ang isa at napilitan lang pumunta pero kagaya nga ng sabi ni Junmyeon sa isip niya…pogi pa rin.
“Yoora, what the fuck, kaya mo namang magbreakfast na wala ako di’ba? Did you really have to wake me up this early?” inis na sabi nito nang makaupo sa tabi ni Junmyeon.
Umirap ang nakatatandang kapatid nito, “Wag ka ngang OA, you usually don’t have any problem kapag inaaya kita mag breakfast dati”
“Yes dahil hindi ako wasted the night before, as you can see I’m still partially drunk at parang may lumalagari sa ulo ko ngayon” reklamo nito pabalik bago tumingin kay Junmyeon, “By the way, good morning, Junmyeon. Pinilit ka ba niya sumama? I wouldn’t be surprised.”
“Chanyeol!” saway ng kapatid, “You’re such an ass. And where’s your manners? Ate mo ko”
Chanyeol made face, “Ok ate, I’ll have my usual breakfast”
“Sorry about Cy, he’s a little grumpy lately, alam mo naman…wait you know naman di’ba?” tanong nito nang maiwan ulit silang dalawa dahil nagpaalam si Chanyeol na magc-cr.
Alam naman ni Junmyeon kung ano ang tinutukoy nito kaya dahan-dahan siyang tumango.
“Right, he’s just a little grumpy because of that. Ewan ko ba kasi dyan sa kapatid ko, they obviously fell out a year or so ago when I noticed he keeps coming at our family house pero ayaw niya pa rin makipaghiwalay.”
A year ago? Akala niya pa naman going strong ang dalawa based sa paminsan-minsan na mga balita na nakikita niya tungkol sa mga out-of-town trips ng mga ito. He wasn’t really updated because, well, he was busy trying to make his own relationship work although nung mga panahon na ‘yon, him and Sehun were still making an effort to see each other.
It was only this year that…
“Anyway, you know B is super nice naman, but they’re just so different with each other. Sinabihan ko na siya na love doesn’t work if they’re not compatible. He just told me that it’s enough to make them try, eh ano ngayon ang napala niya? Chanyeol doesn’t listen to me” dere-deretsong sabi nito, “Ang hirap kasi sa kapatid ko he jumps without thinking. I’ve been in several relationships kaya alam kong love kickstarts a relationship but compatibility makes it last, sobrang tigas kasi ng ulo”
Junmyeon knows that it was just a frustrated rant of concern towards her sibling but somehow he found himself getting struck by her words.
Sila ba ni Sehun, compatible?
Did they even bother to acknowledge their difference or did they just tolerate it in the guise of love?
Is that what led to their end?
Nakakatawa na yung mga simpleng salita mula sa taong nakilala niya lang kagabi, made him question things about his past relationship. Siguro akala niya ginawa na nila lahat to make their relationship last pero ang totoo hindi pala? Maybe they were both in denial. Maybe they were both making excuses. Well, at least at that point they were the same.
“Ano na-backstab mo na ko?” tanong ni Chanyeol na biglang sumulpot nanaman.
Inirapan lang siya ng isa, “Deserve”
“Junmyeon, thank you for humoring my sister. She’s a bit overbearing but she means well” sabi ni Chanyeol habang naglalakad silang dalawa pabalik sa hotel ni Junmyeon. Sabay na silang bumalik dahil madadaanan naman ni Chanyeol yung pinagi-istayan ni Junmyeon pabalik sa villa niya. Dala kasi ni Yoora ang sasakyan dahil may pupuntahan pa daw itong meeting para sa isang resort niya.
Napangiti si Junmyeon, “Okay lang, nag-enjoy naman ako panoorin kayong dalawa”
“We’re quite the clowns, aren’t we?” mahinang tawa nito. “But really, I appreciate it.”
Junmyeon just smiled again, hindi niya pa rin alam kung paano makikitungo kay Chanyeol.
“Oo nga pala, nagbabakasyon ka lang dito di’ba?” tanong nito.
Tumango si Junmyeon, “Bakit?”
“I can give you a tour para sulit yung bakasyon mo, I’m very familiar with this place, y’know?”
Tour? Sa Siargao? Kasama si Chanyeol?
Silang dalawa lang?
Totoo ba ito?
Wait, okay lang ba? Paano kapag may nakakita sa kanila tapos magawan pa sila ng issue?
Tinignan niya ang matangkad (at pogi) na lalaki na medyo kailangan niya pa tingalain para makita ng maayos ang mukha nito. Mukhang nage-expect ang isa na papayag si Junmyeon sa inaalok nitong tour based sa kung paano siya tignan nito.
“Okay lang ba sa’yo? Baka busy ka?” naga-alanganin na tanong niya rito.
Chanyeol shook his head, “I’m on a break, wala akong gagawin and it gets lonely sometimes kaya kailangan ko rin lumabas-labas. It would be fun, I swear” nakangiting sabi nito.
Tinignan pa ni Junmyeon ang isa ng ilang minuto, parang iniiscan niya pa ang facial expression nito kung may balak itong masama dahil you’ll never know right? Sabi nga ng iba, never meet your heroes, in this case, your idol.
Pero mukha namang wala itong balak gawin na masama sa kanya.
“Okay” sagot niya rito.
Lumawak ang pagkakangiti ng isa, “Great, let’s do it tomorrow. Masakit pa rin ang ulo ko at malamang buong araw akong matutulog to pull myself together. So, I’ll see you tomorrow?”
Junmyeon nodded, “I’ll see you tomorrow”
“Junmyeon, urong ka pa hindi kita yung magandang background!” sigaw ni Chanyeol na nakatayo ilang hakbang mula sa kinatatayuan ni Junmyeon.
Natuloy sila sa plano ni Chanyeol na igala si Junmyeon sa lugar. Umaga palang ay tumawag na ito para gisingin siya at ayain magbreakfast. Muntik pa nilang makalimutan mag exchange ng numbers kahapon bago sila maghiwalay. Isipin mo nga naman dati iniimagine niya lang yung mga ganitong bagay pero ngayon totoo na. Hindi pa rin alam ni Chanyeol na fan na fan niya si Junmyeon, hindi kasi niya alam kung paano sasabihin dito, medyo nahihiya pa siya.
But so far, it seems like the Chanyeol in front of the cameras is not very different from the Chanyeol now. Talaga palang madaldal at jolly na tao ito. Katulad nalang ngayon, nakita lang siya nito na pinipicturan yung dagat ang ending wala nang tigil ang isa sa kakapicture sa kanya. Mukha tuloy na stage father si Chanyeol. May mga iilan na rin na nakarecognize sa sikat na rapper pero mabuti nalang ay hindi nila ito dinumog. Mabuti nalang rin wala pang gumagawa ng issue sa kanilang dalawa pero baka dahil purposely, he puts space between the two of them.
Mahirap na pareho pa naman sila na galing sa failed relationships.
“Tama na ‘yan, nangangawit na ‘ko kakangiti” saway niya dito at kinuha ang cellphone sa kamay nito.
Nagsimula na sila ulit maglakad. Nag-iikot muna sila bago daw siya dalhin ni Chanyeol sa ‘Cloud 9’ na nung unang narinig ni Junmyeon ay mukha siya naeskandalo pero yun pala sikat na surfing spot daw ‘yon. Utak ubo na ata siya.
Tahimik lang silang naglalakad bago nagsalita si Chanyeol.
“It feels nice to be doing this again” nakangiting sabi nito.
Napakunot ang noo ni Junmyeon, “Ngayon ka lang ba ulit nagpunta dito?”
Chanyeol nodded, “Yup. It’s been a while.”
“Bakit naman? Eh may villa ka pa nga dito?”
The taller one shrugged, “I settled down in Manila.”
It was a simple sentence but Junmyeon noticed the depth in it. Kung ano ang totoong ibig sabihin ni Chanyeol.
His career and Baekhyun was in Manila.
“Pwede ka naman sigurong bumisita dito kahit papaano, right? You have vacations too”
Chanyeol smiled, but this time it looked more mellow. “My hus—Baek is a homebody kaya madalas we spend our vacation at home. If not, he preferred to go to other countries, mostly european”
“So lahat ng vacation niyo, siya ang nasunod?” tanong ni Junmyeon.
“It’s not like he forced me to, I willingly let him decide” sagot ni Chanyeol, “Kaibigan niya muna ako bago naging kami, alam ko naman kung ano ang hilig at hindi hilig ni Baek. I knew what I was getting into and I let him. My fault, really.”
It doesn’t seem too funny pero pareho silang natawa sa sinabi nito.
“You know how it is when people falls in love, right?” dagdag nito, “suddenly it’s all that we like to do and all that we let us be”
Junmyeon chuckled, whispering. “Like a fool”
“Like a fool, indeed”
Dahil kay Chanyeol nadiscover ni Junmyeon how much he sucks at surfing.
Ilang linggo nang paikot ikot si Junmyeon sa mga sikat na beach pero ni minsan hindi sumagi sa isip niya ang mag surfing dahil una, he’s a good swimmer pero takot pa rin siya lumayo masyado at pangalawa, kung magsu-surf nga siya, mag-isa lang siya at aabutin pa ng ilang oras bago malaman ng mga tao na tinangay na siya ng alon kung saka-sakali.
But Chanyeol is very keen on making him try surfing.
“You’re slowly getting the hang of it, Jun!” masayang sabi ni Chanyeol nang tumagal ng higit sa 5 second si Junmyeon nang hindi bumabagsak sa surfboard niya.
“Anong getting the hang—Chanyeol!” sigaw ni Junmyeon nang biglang tumaas ang alon.
Natatawa siyang hinila ni Chanyeol pataas nang makita siyang nagpapanic.
“Okay ka lang?”
Umubo si Junmyeon, pakiramdam niya ilang galon ng salt water ang nainom niya dahil sa pagkabagsak niya, “Ihampas ko kaya sa’yo ‘yang surfboard?”
“Hey, hindi naman kita pinapabayaan ah?” depensa nito sa sarili, smiling.
Naiinis dapat si Junmyeon dahil ang sakit sa ilong ng tubig pero tanginang dimples yan, nadidistract siya tuwing ngumingiti ang isa. Naramdaman ni Junmyeon ang kamay nito na nakakapit pa rin sa bewang niya at parang naging hyperaware siya sa kung gaano sila kalapit sa isa’t isa.
He can feel Chanyeol’s large hands na nakaalalay pa rin sa kanya and how his own hands were holding the other’s arm. Naramdaman ni Junmyeon ang pag-init ng mukha niya kaya agad siyang bumitaw dito.
“Ayoko na, ang sakit na ng ilong ko” pagrarason niya rito.
“Luh? Isa nalang Junmyeon, dali” Nagpaawa ang mukha ng isa bago kurutin ang ilong niya.
Napatingin si Junmyeon sa paligid, mabuti nalang konti lang ang tao.
Bumuntong hininga siya bago tumango.
“Fine, pero last na ang sakit na ng ilong ko” kunwari’y nakasimangot niyang sabi, but eventually his face broke down into a smile after seeing the taller’s even wider smile.
“I’ll feed you a lot pagkatapos nito, ‘wag ka mag-alala”
At least Chanyeol keeps his promises.
Ang dami nitong inorder na pagkain, it was more than enough for two people at hindi alam ni Junmyeon kung paano ito uubusin lahat.
“Bukas we can go to—“ may sinasabi ito nang biglang tumunog ang cellphone.
Tinignan ito ni Chanyeol bago nag excuse para sagutin ang tawag.
Sakto rin na tumawag si Kyungsoo sa kanya kaya sinagot niya ang video call nito.
“Bakit?” bungad niya sa kaibigan.
Kitang kita niya ang pagkabusangot ni Kyungsoo mula sa screen, “Bakit ba pinasundo mo pa ‘ko sa bwisit na ‘to?”
Natawa si Junmyeon.
Umuwi na kasi si Kyungsoo galing Canada pagkatapos nitong mag-extend ng stay doon nang may ipasikaso rin ang boss nito sa kanya regarding sa branch nila do’n. At dahil wala si Junmyeon sa Manila, pinasundo niya ang isa kay Jongin kahit na alam niyang mainit ang dugo ni Kyungsoo dito. Ewan niya ba sa dalawa, kasalanan rin kasi ni Jongin dahil walang tigil ang pang-aasar nito.
“Wala naman nang iba pang pwedeng sumundo sa’yo kaya nakisuyo na ‘ko kay Ji” sagot niya rito.
Umirap ang isa, “Sana nagtaxi nalang ako”
“Ay ‘wag ka mag-alala pwede kitang ibaba dito” pagsabat ni Jongin sa usapan kahit hindi nakikita ang mukha nito sa call.
“Bobo ka ba? Highway ‘to bawal magbaba” sagot ni Kyungsoo pabalik.
“Pwede, gusto mo ilaglag pa kita d’yan eh”
Patuloy lang sa pagsasagutan ang dalawa habang aliw na aliw si Junmyeon sa pakikinig hanggang sa bumalik si Chanyeol na hindi ata napansin na may kausap siya.
“Oh bakit hindi ka pa kumain Jun? Baka lumamig yung pagkain” sabi nito bago napatingin sa hawak na cellphone ni Junmyeon, “Sorry are you talking to someone?”
Napatingin naman si Junmyeon sa screen at nakitang nanlalaki na ang mata ni Kyungsoo.
Patay.
“Sino ‘yon? Hoy Junmyeon, sino kasama mo?”
“May kasama si kuya? Sino?”
Junmyeon awkwardly chuckled, “Mamaya na ulit kayo tumawag kakain na ‘ko”
“Hoy Junmyeon sino kasama mo may bago ka na bang—“
Pinatay niya na ang tawag bago pa may masabing kung ano si Kyungsoo.
Tumingin siya kay Chanyeol who looked amused while watching him.
“Sorry yung best friend ko ‘yon with my brother, parehong makulit”
Natawa si Chanyeol, “They sound like it”
“So you mean to say that Jongin liked Kyungsoo when you were in college?” the taller asked, eyes slightly widening.
After the call, Junmyeon just found the two of them talking about their families and more personal stuff. Kaya heto siya ngayon, kinukwento kung paanong nagkagusto si Jongin kay Kyungsoo noong college sila at senior high si Jongin. Naeeskandalo pa si Kyungsoo noon at sinasabing ayaw niya daw makulong.
it was fun looking back at it habang mukhang immersed na immersed si Chanyeol sa kinukwento niya. Apparently, the taller one is a good listener too. He thought that the other is more of a talker than a listener pero hindi pala.
“Yup” Junmyeon answered, smiling.
“Baka gusto niya pa rin si Kyungsoo hanggang ngayon, what do you think? Kaya lagi niya inaasar like what you said”
“Maybe, I don’t know, they can figure it out on their own” he shrugged, “Teka lang, siguro gano’n ka no? You tease the people you like”
Chanyeol laughed, “Maybe?”
“Weh?” pang-aasar ni Junmyeon, he’s more comfortable right now at mas natural niya na ito kausapin pagkatapos niyang makasama ito ng matagal.
“Mabait kaya ako nung college” pagyayabang nito. “Ikaw masungit ka siguro noong college”
Tama naman siya.
“Not true, I just keep to myself” sagot niya rito na ikinatawa ng isa.
“Masungit nga” sabi nito, “Still your college life seems fun, ano ba hilig mo no’n?”
Ikaw.
Totoo namang si Chanyeol ang hilig niya noon pero hindi alam ni Junmyeon kung paano sasabihin ‘yon without sounding like a creep. Should he just straight out say that he was, is, a fan of him and his music? Sa tingin niya naman at one point, because it seems like Chanyeol is really treating him as a friend, at one point malalaman nito na he’s a huge fan of his.
Whatever, he should just say it.
“Music” sagot niya dito, “Actually, I was a big fan of you and Baekhyun”
Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng isa.
Mukha naman itong nagulat sa sinabi niya, stopping halfway sa pagkain nito, “Really?”
Tumango si Junmyeon.
Tinignan lang siya nito ng ilang segundo before he squinted, “Sige nga, what’s your favorite song made by us?”
“Are you crazy? Jet lag syempre!” sagot niya na ikinatawa nila pareho.
Chanyeol smiled at him, “I’m surprised pero thank you, I appreciate your support kahit na binanggit mo yung kanta na sinulat ko para sa now ex-husband ko” biro nito.
Junmyeon shrugged again, “Sorry”
If Junmyeon didn’t know any better, iisipin niya siguro na this was a date.
But it wasn’t.
He’s 90% sure that it wasn’t habang yung gullible 10% niya ay naglilikot sa isip niya.
“Oo nga pala, ano pala ginagawa mo dito sa Siargao? Just a vacation?” tanong ni Chanyeol.
Ayan na nga.
Alam ni Junmyeon na eventually he’ll stumble upon a question that may be uncomfortable for him to answer pero alam rin niyang Chanyeol means no harm dahil hindi naman talaga nito alam kung ano ang ginagawa niya sa Siargao. It was definitely a harmless question for the other.
“Just… yes, just a vacation” he answered, smiling awkwardly na napansin naman ng isa.
“Wait wala ka namang tinatakbuhan na krimen no?” the taller jokingly said, trying to lighten up the mood.
Junmyeon laughed, “I might be, hindi mo sure”
“You’re right, karamihan pa naman sa mga kriminal, they seem very charming”
Tumaas ang kilay ni Junmyeon, “So you think I’m charming?”
Gusto niya lang naman itong asarin pero hindi niya inexpect ang susunod na ginawa nito.
“You might be, hindi mo sure” Chanyeol answered at kumindat pa ito na ikinamalfunction ng utak ni Junmyeon.
He could feel his face warm up again dahil sa ginawa nito, he almost swears that he could feel his heart rise to his throat dahil sa kindat na ‘yon.
That—that should be illegal.
“WHAT DO YOU MEAN KASAMA MO SI CHANYEOL PARK SA SIARGAO?!”
Inilayo ni Junmyeon ang cellphone dahil sa sigaw ni Kyungsoo.
Agad tumawag ang isa nang i-message niya ito na nakauwi na siya. Daig pa kasi nito minsan ang sarili niyang mga magulang sa paga-alala sa kanya, kung kumain ba siya o nakauwi na ba siya. Gano’ng level ng kaibigan si Kyungsoo and he really appreciates it kaya naging habit niya na rin ang i-update ito.
“Kasama niya si Chanyeol?!” rinig niyang sabi rin ni Jongin sa kabilang linya.
“Magkasama pa rin kayo?” gulat na tanong ni Junmyeon, akala niya id-drop off lang ni Jongin ang isa pagkatapos ay sisibat na pero hanggang ngayon magkasama pa rin ang dalawa.
Baka tama nga yung sinabi ni Chanyeol?
“Makapal mukha ng kapatid mo nagpalibre pa ng dinner—pero ‘wag mo ibahin ang usapan, kasama mo si Chanyeol fucking Park?! Yung kinakantahan mo ng ‘Crazy in Love’ dati sa kwarto mo?!”
Narinig niyang humalakhak ang kapatid na ikinangiwi niya.
He’s not going to deny it, totoo naman na kinakantahan niya ito ng ‘Crazy in Love’ at kung anu-ano pang kanta noong college siya dahil nga isa rin siyang biktima ng parasocial relationship na kasalanan niya rin naman. Nakakatawa at nakakahiya nalang isipin ngayon yung mga kacornyhan na ginawa niya.
“Oo na Kyungsoo, ‘wag mo ‘ko masyado ipahiya sa kapatid ko, pwede?”
Suminghap ang isa, “Paano nangyari ‘yon?! At bakit ngayon ko lang nalaman?”
Nakita niya namang lumapit si Jongin kung nasaan si Kyungsoo para makichismis kaya wala nang nagawa si Junmyeon kung hindi ikwento ang buong pangyayari. It’s not like maitatago niya sa best friend niya ang mga gano’ng bagay eh malakas din ang pang amoy ni Kyungsoo pagdating sa chismis. He can’t hide anything from him.
It was funny seeing Kyungsoo’s and Jongin’s reactions through the screen, parang rollercoaster ride lang ang peg ng dalawa. It’s like they went through series of emotions in just 5 minutes.
“Baka tama nga ang Southborder, there’s a rainbow always after the rain” sabi nito pagkatapos niyang magkwento.
Napakunot ng noo si Junmyeon, “Anong pinagsasabi mo dyan?”
“Kunwari ka pa Jun, this might be destiny! Alam mo na just God doing God’s work”
“Atheist si Ku—“ “Wag ka maniwala sa kuya mo nag O-Oh my God pa rin ‘yan kapag nakikipagsex”
“Kyungsoo!” saway niya sa kaibigan kahit natatawa siya sa sinasabi nito.
“Eh kasi naman! Baka nga ito na yung matagal mo nang minamanifest Junmyeon, na-delay lang”
Nasobrahan na ata sa kaka-kdrama ang best friend niya.
“Kyungsoo kakahiwalay lang namin ni Sehun” he said in a matter-of-fact tone.
Inirapan siya ng isa, “And? How many times will we go through this conversation? Okay na, nakapag three month rule na wala naman nang magagalit, you can very much date again”
Minsan talaga ang sakit sa ulo kausap ni Kyungsoo.
Naiintindihan naman niya ang sinasabi nito at tama naman ang isa na wala naman nang magagalit dahil malinaw naman sa side ng pamilya niya at pamilya ni Sehun kung bakit sila naghiwalay. Naiintindihan niya rin ang kaibigan na gusto lang siyang makita na masaya ulit o kung ano pa man, basta alam ni Junmyeon na he means well.
But still, he thinks that it’s too fast.
“Tsaka Soo, Chanyeol also got divorced very recently at hindi niya rin naman ako gusto” pagrarason niya ulit dito.
“Hindi mo sure” nakakalokong sagot nito. “And balita ko Baekhyun is planning to migrate na sa Seoul, di’ba nandoon ang pamilya niya? Parang they’re never ever ever getting back together na talaga”
Nakaramdam naman ng konting lungkot si Junmyeon sa nalaman.
Chanyeol must still be heartbroken about that.
Actually, habang kasama niya ang isa he got a feeling na parang sinusubukan lang din nito libangin ang sarili niya. It must be so hard for him to be alone during these times at alam na alam ni Junmyeon kung ano ang pakiramdam na ‘yon. He’s been there, no, he’s still there. There are moments na just when he thought he’s okay parang suddenly there’s a surge of memories and emotions in him.
He could very much relate to Chanyeol kahit wala itong alam sa pinagdadaanan niya.
Maybe that’s why he’s going along with whatever the taller man wanted to do.
If he knows how it feels like then might as well help, right?
“Anyway, Jun, aminin mo kinikilig ka sa kanya no?” patuloy pa rin ang pagiging usisero nito.
“Kyungsoo”
“What? Kilala na kita. You can’t hide anything from me” sabi nito.
Sasagot pa sana si Junmyeon nang sumingit ang kapatid.
“Alam mo ikaw Kyungsoo, ang dami mong alam pakausap nga sa kuya ko” siniksik nito ang sarili kung saan nakaupo si Kyungsoo, “Basta kuya, kung kinikilig ka that’s okay. Kung hindi, that’s still okay. But if ever, think things through and communicate. Okay? Let’s not make the same mistakes” paalala nito.
Junmyeon smiled.
“Of course, thank you Jongin”
Pumupungas-pungas si Junmyeon dahil sa tunog ng cellphone na gumising sa kanya.
Anong oras palang ba?
Tinignan niya kung sino ang tumatawag at nakitang si Chanyeol pala.
“Hello?” Sabi niya pagkasagot niya ng tawag.
Bakit naman kaya ito tumatawag ng ganito kaaga?
“Hi.” bati nito, “Nasa labas ako ng room mo, I brought breakfast”
Napabalikwas ng bangon si Junmyeon sa narinig.
“Ha?!”
Tumawa ang isa ng marinig ang pagkagulat niya.
“Good morning”
