Chapter Text
Mausok, maingay, at masikip.
Ayan ang agad na napansin ni Naomi pagkapasok na pagkapasok ng bar. This is his first time entering to a bar pero ang pangit agad ng experience niya. Inis niyang kinuha ang kanyang phone para i-chat kung nasaan ang kanyang kapatid.
“Sorry…” hindi niya pinansin ang nagsalita at iginala na lamang ang paningin. He sighed when he finally saw his sibling. Nagmadali siyang pumunta sa puwesto nito.
“Winter,” he uttered. “Winter!” Lumingon sa kanya ang kanyang kapatid.
“Naomi!” inis siyang tumingin dito. Lasing nanaman. She pulled him para ipakilala sa mga kaibigan na nandoon. He tried to remove her hand pero dahil lasing ito at makulit ay wala na siyang nagawa. “Guys! I want you to meet my younger brother, Naomi.”
“Naomi? I thought your kapatid is a..girl.” Napairap siya sa narinig. Palagi na lang. Hindi na siya nagulat sa sinabi nito dahil hindi naman iyon ang unang beses na narinig ang komento tungkol sa kanyang pangalan na ‘pangbabae’ raw.
“Naomi, my brother, these are my friends. Si Giselle, Somi, Minji, Jake, Jay, Sunghoon, and Ezra.” Tumango na lamang siya, kunwari ay interesado pero wala naman talaga siyang pakialam.
“Okay, nice to meet you.” sabi niya sa mga ito at muling bumaling sa kapatid. “Winter let’s go. Marami pa akong gagawin.”Totoo iyon, since he is a Nursing student, he is really a busy person. Marami pa siyang case study na kailangang basahin.
“I’ll help you, Naomi.” napalingon siya sa isang nagsalita.
“Who are you again?” tanong niya rito. Napansin niyang natigilan ito bago ngumiti ng bahagya.
“Ezra.” He nodded.
“Do you have a…car?” tanong niya. “Well, Winter is really drunk. Wala akong pera pang-taxi, I forgot to bring cash kaya baka mag-jeep lang kami.”
“Yes, I have.” sagot nito kaya napatango si Naomi.
“Okay. Lead the way.” sabi niya bago iniakbay sa kanya ang braso ng kapatid. “Winter, umayos ka. I will tell this to Mommy, sige ka.”pananakot pa nito sa kapatid na akala mo’y maiintindihan pa dahil sa taglay na kalasingan. Narinig niyang nagpaalam muna si Ezra sa mga kasama bago naglakad papalabas ng bar.
Hinintay niya na lang ito sa labas ng may entrance dahil kukunin pa nito ang kotse sa parking lot na sobrang layo. And he will not go there in this state of Winter, masakit na ang katawan niya sa duty, pagbubuhatin pa siya nito.
Tinulungan siya ni Ezra na maisakay sa backseat ang kapatid na ngayon ay knocked out na talaga. He decided to seat on the passenger’s seat dahil nakakahiya namang pagmukhaing driver ang kaibigan ng kapatid.
There is a thick silence inside the car. For Naomi, it is fine but for Ezra? He wanted to get to know Naomi more dahil ngayon niya lang nalaman na may younger brother ang kaibigan na si Winter. They have been friends for 5 years! Bakit ngayon lang pinakilala sa kanila si Naomi?
But then it came to his mind. Nasabi nga pala sa kanila ni Winter na sa Papa nila nakatira ang kapatid niya dahil hiwalay na ang mag-asawa. He is curious as to why he is now in Tita Lumielle’s home? But then hindi niya dapat ito pinoproblema.
“Dito na lang.”sabi ni Naomi. Agad niyang tinanggal ang kanyang seatbelt at lumabas ng kotse bago buksan ang pinto sa backseat to get Winter.
“Thank you..?”
“Ezra.” Napangiti si Naomi, why does he keep forgetting the name of this man?
“I’m sorry,”,” inayos niya ang tayo ni Winter. “Ingat ka sa daan.”Tumango si Ezra.
For the last time, hindi man lang nagtapon na isa pang tingin si Naomi kay Ezra na naghihintay na sila ay makapasok sa bahay nila. Probably because Naomi is tired, and Ezra? he is…intrigued.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang unang beses na nakita at nakausap ang kapatid ng kaibigan. The very first time that night, someone caught his attention. He wants to know Naomi more.
–
Pagod na umupo si Naomi sa kanyang kama. Ang toxic ng araw na ito para sa kanya. Life of a 2nd year Nursing student is tiring, napaisip siya, 2nd year pa lamang siya napakabusy na niya, what more 3rd and 4th year pa? Ano bang dapat niyang abangan?
“Naomi, stop.” pagpipigil sa kanyang sarili. “Think of the present, not the past, and please, not the future.”he tried really hard to persuade himself to not think of the future pero walang tigil pa rin ito kaya naman agad siyang humiga at ipinikit ang mga mata. He cleared his throat before humming a song.
“𝘈𝘮𝘢𝘻𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘳𝘢𝘤𝘦, 𝘩𝘰𝘸 𝘴𝘸𝘦𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘰𝘶𝘯𝘥
𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘴𝘢𝘷𝘦𝘥 𝘢 𝘸𝘳𝘦𝘵𝘤𝘩 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘮𝘦
𝘐 𝘰𝘯𝘤𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘭𝘰𝘴𝘵, 𝘣𝘶𝘵 𝘯𝘰𝘸 𝘢𝘮 𝘧𝘰𝘶𝘯𝘥
𝘞𝘢𝘴 𝘣𝘭𝘪𝘯𝘥, 𝘣𝘶𝘵 𝘯𝘰𝘸 𝘐 𝘴𝘦𝘦…”
Just like that, his insides became calm. ‘Amazing Grace’ is Naomi’s comfort song. When he is being brought into a bad past experience, or when he overthinks, he sings this song at doon kumakalma na ang kanyang isip.
Idinilat niya ang kanyang mga mata at napatingin sa kanyang phone na tumunog, hudyat ng isang text message.
Fr: Papa
Naomi, I already sent your allowance and payment for your tuition fee this semester in your bank account. I miss you, anak.
He replied, ‘Okay po’ before shutting down his phone.
“Why do I feel like I have no use in this world?” He whispered while looking at the ceiling of his room. “I feel so…lonely.”
After a few minutes of spacing out, Naomi decided to wash up and sit in front of his study table to read his notes. Maybe one day, he will feel happy.
–
“Naomi, samahan mo ako sa kapatid ko.” napatingin ako kay Jungwon. “Saan naman ‘yan?”tanong nito, closing his book.
“Sa kabilang building lang.”tinatamad man ay tumayo si Naomi at kinuha ang importanteng gamit niya like phone and wallet bago naglakad papalabas kasama si Jungwon.
“Archi si Kuya Minseok?” tanong niya.
“Hm.”
“Pareho pala sila ni Winter eh.”
“Ah, yung kapatid mo?” Naomi nodded. “Nice! May mapagtatanungan siya if may mga lesson siyang hindi maintindihan.” Tumango si Naomi, sana all diba?
“Why did you not pursue the same course as your brother?”
“Why so sudden?” natatawang tanong ni Jungwon. “Ah, basta. I am refusing to be a slave of my angkan na porket Architect halos lahat eh dapat ako rin? Paano naman pangarap ko diba?”
“Really, that is why I chose you as my friend.” tango-tangong sabi ni Naomi. “May sense kang kausap, may paninindigan, 10 over 10 rating, will order again.”
“Gaga!” natatawang sabi ni Jungwon. “Shopee yarn?”
“Jungwon! Here!” sabay na napalingon ang dalawa sa pwesto kung saan nanggaling ang boses na iyon. Jungwon skipped his way to his brother while Naomi just calmly walked his way. May mga kausap ito na familiar kay Naomi, saan nga ba niya nakita ang mga ito?
“Naomi, ikaw pala.”
“Hi, Kuya.” saglit siyang ngumiti dito bago iniwas ang tingin para ilibot sa building nila. The atmosphere in Archi building is way too far sa building ng mga nursing students. Sa nursing building kasi sobrang tahimik, sari-sariling mundo, minsan ay parang wala pang tao, probably because busy sa hospital duty or sa mga return demonstration, pero ang Archi building, ang daming taong makikita. May mga grupo grupo, gumagawa siguro ng kanilang mga activities. Another type of a busy student siguro.
“Naomi right?” napalingon siya sa nagsalita. He raised his left eyebrow.
“Yes?” he asked.
“Ang bilis mo naman malimutan ang pangalan ko,”natatawang sabi nito. “Jake, sa party last Saturday.”nanatili siyang nakatingin dito.
“Anong meron nung Saturday?”tanong niya kaya naman napakamot ng ulo ang Jake na nasa harap niya ngayon.
“I am one of Winter’s friends. Saturday, sa bar?”
“Oh…Oh!”Naomi let out an awkward laugh. “Sorry, I tend to forget things…a lot.”
“It’s fine,”Jake said. “Nursing?”nakatingin ito sa kanyang uniform.
“Yup.”
“Cool.”
“Thanks.”he smiled. Tinignan siya ni Jake, probably because nawi-weirduhan siya dito. And that I present to you two of Naomi’s toxic traits.
Forgetful (tend to forget things a lot especially names of the people)
He tends to cut the conversation straight away.
“You two know each other?”napalingon ang dalawa kay Minseok.
“Ah, yes Kuya. He is Winter’s younger brother.”
“Ah, si Winter? Oo, kapatid ni Naomi iyon. Hanap mo rin ba kapatid mo, Naomi?” He shakes his head.
“No, Kuya. I just accompanied Jungwon here.”
“Sige na, Kuya. Mag-start na klase namin eh. Bye!”
Naomi nodded his head as a sign of saying goodbye to Jake and Minseok bago naglakad kasunod ni Jungwon.
–
“Eto, parang mas maganda nakalagay dito sa tabi ng present.”
“Guys.”napalingon ang lahat kay Jake na kararating lang. “Sabi ni Kuya Minseok, free raw siya mamayang 8pm ng gabi, mabuti na lang naunahan natin yung ibang group sa kanya. Pinipilahan din eh.”
Napapalakpak si Winter sa narinig habang seryosong inaayos ni Ezra ang layout ng kanilang project sa laptop.
“Ayon, buti naunahan mo.”sabi ni Sunghoon. “Malaking tulong din mabibigay sa atin ni Kuya Minseok!”
“Claiming na sa perfect score.”
“Grabe, Jay. I-manifest mo lang ‘yan!”ani Giselle.
“Nga pala, nakausap ko kapatid mo Win!”
“Who?”tanong ni Somi.
“Si Naomi?”tanong ni Winter na agad nagpatango kay Jake. “Hanap ako?”
“Hindi. Sinamahan yung friend niya, kapatid ni Kuya Minseok. Nursing pala siya?”
Ezra suddenly stopped typing from his laptop dahil sa narinig.
“Ah, yes. 2nd year.”
“Nursing? Eh diba dapat mabait sila at mga palangiti? Pero bakit parang ang sungit!”sabi ni Sunghoon na nagpatawa kay Winter.
“Sira! Kapag narinig ka ni Naomi lagot ka doon!”tumatawang sabi ng babae. “Mabait ‘yun! Super! As in parang hindi niya kayang pumatay kahit ng ipis!” He is too hard on himself that I just want to protect him. Winter thought.
“Grabe, parehas kayo ng facial features ng kapatid mo. Parehas mukhang masungit pero hindi pala lalo na kapag ngumingiti. Pero hindi ko pa siya nakikitang ngumiti eh.”sabi ni Jake. “Ezra, you’re too quiet.”
“This is due in 20 mins, I can’t play around.” pero ang totoo ay nakikinig siya sa usapan ng mga kaibigan.
“Pakilala mo nga ako sa kapatid mo Win, type ko eh.”sabi ni Jay at itinaas pa ang kanyang dalawang kilay na agad nakatanggap ng batok kay Winter.
“Asa ka. Wala sa plano ‘nun ang magjowa!”
“Huh? Why?”tanong ni Giselle. “I mean, he is pretty and handsome at the same time. Sayang looks niya?”
“Ewan ko ba. He is fine by himself lagi ang sagot niya. I already had 2 boyfriends and 1 girlfriend pero siya wala, ayon, subsob sa pag-aaral.”napapailing na lang ang dalaga sa kinikwento. “Pero, kung meron man dito na ilalakad ko kay Naomi, si Ezra lang ano!”
“Grabe! Wala namang interes si Ezra sa pinag-uusapan natin oh!”
“If ever lang naman ano! Si Ezra lang naman mahaba pasensya dito. I think he will do great waiting for Naomi to open up himself into possibilities of being in love.”
“Grabe ka sa akin Win ha!”Napuno ng tawanan ang barkada maliban sa isang busy mag-type sa kanyang laptop.
Why are you so interesting, Naomi? It makes me want to protect you a lot.
—
“Alam mo, pangarap din ng anak ko ang maging isang nurse.”Napangiti si Naomi as he removed the cuff off the patient’s arm. Kinuha niya ang kanyang tickler notebook to write down the result na nakuha niya sa pagkuha ng blood pressure ng pasyente.
“Ganun po ba? Anong grade na po niya ngayon?”
“Ah, nasa kabilang buhay na siya..”unti-unting nawala ang ngiti ni Naomi ngunit hindi niya ito ipinakita sa pasyente. “Kaedad mo sana ngayon kung hindi lang siya namatay dahil sa sakit na Leukemia.”napayuko ito.
Naomi felt sad and angry for himself kasi hindi siya makahanap ng maayos na comfort words para sa pasyente, hindi niya alam kung ano bang dapat niyang sabihin kaya nanatili siyang tahimik.
“Uh…Nakikiramay po ako, Ma’am. Kung nasaan man po ang inyong anak ngayon, paniguradong masaya na po siya dahil hindi na niya mararamdaman ang mga sakit na naramdaman niya noon.”
“Oo, isa rin iyan sa naisip ko lalo na noong nakita ko siyang naghihirap dahil pinilit ko siyang mangako na kahit anong mangyari hindi siya bibitaw.”
“Hindi man po natin maramdaman ang anak niyo physically, sure po ako na andyan siya sa paligid as your guardian angel po.”He saw how the patient smiled dahil sa sinabi niya.
“Salamat, iho. Nako, ipagdarasal kita na sana makuha mo ang pangarap mo.”
“Maraming salamat po. Mag-iingat po kayo.”Pinanood niyang umalis ang matanda bago iniligpit ang kanyang mga gamit.
They volunteered as a medical team kasi sa isang foundation. This is mostly for older people. Masaya siya na nakatulong siya sa mga ito kahit sa paraan ng pagcheck ng vital signs at pagsabi ng mga health education na natutunan nila sa kanilang mga clinical instructors.
This is one of the things Naomi loves to do. Being a member of a medical team, he loves giving a helping hand kaya naman pinili niya ang kursong Nursing.
The day went by so fast na nakita niya na lang ang sarili niyang binubuksan ang gate ng kanilang bahay. He saw a lot of shoes sa labas kaya naman nagtataka niyang binuksan ang pinto only to find Winter’s friends sitting at the couch sa kanilang sala.
“Naomi! Hi!”bati ni Jake na para bang close na sila nito. “Saan ka galing?”
“Makatanong ‘to, close kayo?”tanong ng isang babaeng hindi niya matandaan ang pangalan.
“Andyan na si Naomi?”napatingin siya kay Winter na kakalabas lang mula sa kanilang kusina. “Hi! Umalis nga pala si Mommy, may business trip.”tumango siya sa sinabi nito.
“Galing kang volunteering?”tanong ng isang babae na maputi. It sucks to be someone na makakalimutin sa pangalan dahil hindi niya maalala ang mga pangalan ng mga ito.
“Uh, yes.”sumagot na lamang siya at naglakad papunta sa isang tabi para ilagay ang kanyang backpack at ob bag. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng maiinom.
“Busy ka ba? Sama ka sa amin, kakain tayo ng merienda.”Sinundan pala siya ng kanyang magaling na kapatid.
“Winter, alam mong I hate associating myself with people na hindi ko naman kilala.”
“You know them! Hindi mo lang maalala ang pangalan nila.”sabi pa nito at natawa.
“Kahit na–”
“Please? Take this as a practice to loosen up yourself when interacting with your patients!”tinignan niya ang mga mata nitong desididong pasamahin talaga siya sa kanyang mga kaibigan at mukha namang walang magagawa si Naomi kaya napabuntong hininga na lamang siya.
“I am just going to wash up.”bulong niya at lumabas ng kusina, took his bags at umakyat papunta sa kanyang kwarto.
Fresh from the bathroom, Naomi wore a white shirt at black jogging pants. Inayos niya ang kanyang sarili sa tapat ng salamin bago lumabas ng kwarto at bumaba para pumunta sa sala kung saan nakapwesto na ang kanyang kapatid at mga kaibigan.
Walang na siyang iba pang nakitang space kundi ang sa tabi ni Ezra kaya agad siyang umupo sa tabi nito. Agad siya nitong inalok ng tinidor na agad niyang kinuha. Hindi napapansin ng iba ang pagbigay ni Ezra ng pagkain kay Naomi.
“Salamat.”ani Naomi na agad tinanguan ni Ezra. Tahimik lamang na nakikinig si Naomi sa kwentuhan ng mga kasama.
“Uy, Intrams nga pala next week!”
“Huy, oo nga! Anong sports sasalihan niya?”tanong ni Somi sa mga kaibigan.
“Ay, ‘matic kaming tatlo basketball!”sabi naman ni Jake. “Baka varsity players ‘to!”
“Ha ha, edi wow.”umirap pa sa hangin si Giselle. “Ikaw, Win?”
“Badminton.”sagot nito.
“Sige, taga-cheer na lang kami ni Somi.”
“Ay, sorry ka beh. Kasali ako sa volleyball.”Giselle gasped causing her friends to laugh at her habang si Naomi ay napangiti naman.
“Grabe, Alexa play ‘Traitor’ by Olivia Rodrigo!”Giselle even points her finger at her friends. “I will never forget this betrayal.”
“Ayan, busy ka kasi sa ‘no label’ chat mate mo eh.”
“Inggit ka lang kasi walang nagchachat sa’yo.”ganti ni Giselle kay Jay at umirap pa sa hangin.
“Mag-aaway nanaman kayong dalawa.”sabi ni Ezra. “Ikaw, Naomi?”
“Hm?”napatingin siya kay Ezra na nakatingin sa kanya ngayon bago inilipat sa ibang kasama nila.
“I don’t play sports,”sagot niya. “But I am part of the medical team, so…”Naomi shrugged.
“Ayon naman pala.”
“So, ako lang ang hindi busy?”tanong ni Giselle. “Ay, okay lang. Atleast, makakatakas ako with my ‘kausap’ na never magkakaroon si Jay.”
“Tss. Tsaka mo na ipagyabang kapag official na kayo ano! Baka mamaya bigla bigla ka na lang naming makitang umiyak dyan, ang rupok mo pa naman!”and just like that nagsimula ang kaguluhan ng mga magkakaibigan.
–
“Lagay mo na lang dyan.”
“Hindi, tulungan na kita.”Tinapik ni Naomi ang kamay ni Ezra.
“Bisita ka, umupo ka na lang doon.”
“Ang dami niyan, nakakakonsensya naman kung hindi kita tutulungan, eh isang pinggan at tinidor lang naman ang ginamit mo.”Ibinaba ni Naomi ang baso at sponge na hawak niya at humarap kay Ezra na nasa tabi niya.
“You’re not going to let this go, am I right?”Napakamot sa ulo si Ezra, causing Naomi to smile. “Cute.”
“H-Ha?”
“Ang sabi ko ‘you’re cute’,”napaiwas ng tingin si Ezra. “Ikaw ang magbanlaw. Ako ang magsasabon.”Agad namang sumunod si Ezra sa sinabi ng isang binata.
“Do you remember my name?”
“Hm.”Naomi nodded. “Erza?”
Ezra stifles a laugh after hearing what Naomi said.
“Why are you laughing?”Ezra swears, the man in front of him is really cute and adorable at the same time dahil sa expression nitong litong-lito. God knows how he wants to keep this kid inside his pocket and keep him forever.
Hindi na napigilan ni Ezra ang kanyang tawa kaya naman napahalakhak siya ng sobrang lakad causing their friends to go look at them.
“Oh, anyare?”tanong ni Winter.
“I don’t know–I just called him by his name.”
“Oh? Bakit ka humahalakhak diyan Ezra? Baliw ka ba?”
“O-Oh,”unti-unting naramdaman ni Naomi ang pag-init ng kanyang mukha dahil sa narinig. He just uttered that man’s name..wrong! Nakakahiya!
“S-Sorry! Okay, tigil na ako.”sinamaan niya ng tingin si Ezra na nasa harap niya ngayon. “Okay, you called me Erza, then that is my name.”
“Er-Erza..what?”tanong ni Somi at pahabol na tumawa. Nakanguso niyang pinalo si Ezra sa braso nito bago naglakad papaalis.
“Winter, ituloy mo yung paghuhugas, I forgot I have due nga pala tomorrow. Thanks.”sigaw niya habang nagmamadaling umakyat papunta sa kanyang kwarto.
Napa-facepalm na lang siya nang makapasok sa kanyang kwarto at impit na sumigaw.
“Nakakahiya!”
—
Lumipas ang isang linggo na iniwasan ni Naomi ang kahit ano at kahit sinong kaibigan ni Winter dahil sa nangyari. Umuuwi siya ng gabi para lang hindi makita ang mga kaibigan ng kapatid tuwing bumibisita ang mga ito doon.
He can’t afford to embarrass himself like that again.
“Hindi ka pa ba uuwi?”tanong ni Ni-ki, his newly found friend dahil madalas siyang nakatambay sa coffee shop na iyon. Ni-ki is a business ad student, anak kasi niya ng may-ari ng coffee shop na tinatambayan niya, and he wishes to manage the business after his graduation.
“Hindi pa, wala pang chat yung kapatid ko.”
“May masasakyan ka pa ba?”Naomi sips from his iced mocha.
“Meron ‘yan.”sabi niya kahit ang totoo naman ay mahihirapan siya. Pero for the sake of saving his katiting na dignity, he will stay until he is notified by his sister.
Kagat labi niyang binasa ang kaniyang notes and takes his highlighter to highlight the important parts of it. Agad niyang kinuha ang kanyang phone at nakita ang message ng kanyang kapatid.
“Finally.”bulong niya at niligpit ang kanyang mga gamit. “Ni-ki, alis na ako!”
“Ha? Sige, ingat ka!”
“Okay!”patakbo siyang lumabas ng coffee shop para mabilis na makarating sa sakayan ng jeep. And as what he expected, paunti-unti ang jeep na dumadaan, punuan pa. Kaya naman wala siyang nagawa kundi ang maghintay. He looks at his watch to see the time.
11 pm
His duty today was from 2pm to 10pm kaya late na.
Bukas kasi ang presentation ng project ni Winter and her friends kaya naman nag-overtime rin ang mga ito.
11:15 pm, still naghihintay pa rin siya kaya he decided to walk na lang. Gawain niya naman ito kapag walang masakyan, ang kaso, sobrang gabi na kaya kinakabahan siya.
Napatigil ang lakad niya ng makita ang dadaanan. May mga nag-iinuman kasi kaya nagdadalawang isip siya kung tutuloy ba siya o hindi. Napakagat siya sa kanyang labi at mariin na napakapit sa strap ng kanyang ob bag. Taking a deep breath, inihakbang ni Naomi ang kanyang paa but he was pulled by someone causing him to shriek.
“H-Ha..”
“Ihahatid na kita.”hindi niya mabasa ang expression ni Ezra kaya naman mabilisan siyang napakurap at napalunok ng wala sa oras.
“Paano mo nalaman na nandito ako?”kunot noong tanong niya.
“It doesn’t matter, halika na iuuwi na kita,”wala sa sariling nagpatianod si Naomi kay Ezra. He is pulling him pero hindi siya nasasaktan, he even feel na safe siya dito. Hinintay lang ni Naomi na makasakay si Ezra sa sasakyan nito at umayos ng upo. Para siyang tuod na nakaupo roon dahil wala siyang balak gumalaw.
Kaya naman gulat siyang napalingon when he felt Ezra’s hot breath at the left side of his cheek.
“Seatbelt,”bulong nito.
“A-Ah,” Bakit parang ang hirap huminga? “Thank you.”
“You’re welcome.”
Tahimik lang ang dalawa habang nasa byahe, they did not even realize na wala palang tugtog. And if we are to judge this moment? The only thing we can say is ‘Awkward’.
Alam ni Naomi na awkward siya sa ibang tao, but the level of awkwardness when he is with Ezra is different. Ezra makes him feel breathless, he makes him feel intimidated, he makes him feel weak. Hindi niya alam kung bakit, it is because Ezra is tall? Attractive? Handsome? Smart?
“We’re here,” Naomi heard kaya naman agad niyang tinaggal ang kanyang seatbelt at lumabas ng kotse bitbit ang kanyang gamit. Dali-dali siyang naglakad papasok sa gate pero may nakalimutan siya kaya naman agad siyang naglakad pabalik at kinatok ang bintana sa side ni Ezra na agad ibinaba nito.
“Thank you,” ngumiti ito. “Ezra.”umiwas agad ng tingin si Naomi bago nagmadaling binuksan ang gate at pumasok sa loob ng bahay. He didn’t even notice how big Ezra’s smile is, napahilamos pa ito sa kanyang mukha.
“God, what are you doing to me Naomi?” Ezra bites his lower lip at binigyan ng isang tingin ang bahay nila Naomi bago ipinaandar ang kanyang kotse.
–
