Actions

Work Header

Seemingly Tangled

Summary:

Everything was at peace in Klay's mind. A constant routine that she wasused to, the same bedroom she had been sleeping in since she was born. But,what if all that changed from a simple masked man in a green cloak?

Notes:

This book is inspired by my all-time favorite Disney movie, Tangled. Klay and Fidel from the hit series Maria Clara at Ibarra are the main characters in this book as I saw them basically being Rapunzel and Flynn Rider.

 

I do not own any of the characters. The flow of the story will be similar to the original story of Tangled, though there will be a bit of twist and turns.

Names of the characters are mixed up and made up as well.

 

This book will also be in Tagalog-English language

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Alt er love

Chapter 1: CHAPTER 1: When Will My Life Begin?

Chapter Text

Klay jolted upright from her bed once she saw a glimpse of the outside world from her window. She was eager to be up before the sun rises today, not even sure if she was able to get enough sleep from last night.

She stretched out her body as she stood up and walked to her bookshelf where her beloved Ali was sleeping soundly. She cradled the snake into her arms, the little reptile seemingly shocked by the sudden movement. Ali looked at her incredulously and Klay just giggled.

"I know, I know. It was never fun to be awake this early." She teased, and the little snake just seemed to roll its eyes at her.

Klay walked to her window, opened the wooden sills, and looked up at the sky. The first purple and pink lines are seeping into the sky.

And soon, purple turned to pink and into gold and oranges. Painting the sky with a glowing aura. Ethereal. She said in her mind. The most magical thing she has ever seen. Well, one of them. She guesses?

She sighed. She can't help but feel a bit of her joy vanish for a while. It has been difficult growing up alone, in a tower in the middle of the woods. Feeling... trapped.

Trapped? Sheltered? Protected? That is what her mother Isabel pointed out ever since she was little. Her whole life basically revolves around the corners of the tower. She knows every room inside the tower, from the kitchen, bathroom, and her little art room. Basically, every corner. Well, except for the door that leads outside the tower, which was locked from the outside, and only her mother Isabel has the key.

Her window is also way up high, so going through there is basically a no-go. And honestly, she does not really have any plans on going outside. She has everything she needs right here, on their tower. With her mother Isabel. She was kept here to keep herself safe from those savages that only want to do her harm. So why would she want to leave, right?

But as the years go by, and as the purple, pink, and gold lines paint the skies, there's this feeling in her heart that wants to see what is out there. Because if something as magical as that is out there, what other beautiful could exist out there? Maybe, just maybe, she will also be able to see those magical lanterns that she always watches floating in the sky only on her birthdays.

Wait.. Birthday?!

Oh my! Today is that day! She squealed, waking the little reptile on her arm. She waited for this moment to come! And this time around, she will ask her Mother Isabel if she can go see the lanterns she has been dreaming about.

"Klaaaay? Anak, tulungan mo akong ipasok itong mga pinamili ko sa bayan", sigaw ng kanyang ina na si Isabel. Excited na tumayo mula sa pag kakaupo si Klay sakanyang kama, at minadaling puntahan ang ina sa nag iisang bintana na mayroon sa tore nila. Kasabay nito ay kanyang iniladlad ang isang makapal at mahabang lubid na mag sisilbing gabay ni Mother Isabel sa kanyang pag akyat. 'Di rin naman talaga ma-gets ni Klay paano niya nagagawang iangat at buhatin ang ina sa tanang buhay niya. Ngunit eto lamang ang tanging makakapag akyat manaog sa kanyang ina, kaya wala naman siyang reklamo rito.

Klay seems agitated. Or excited? She is feeling all sorts of emotions right now, especially since she is going to ask Mother Isabel today kung pwede na ba siyang makalabas.

"Dios mio, napakainit ngayon sa labas. Mabuti na lamang at nakauwi rin ako." Aniya ni Isabel.

Klay didn't immediately respond. Despite her attempts to ignore them, daydreams of the outside world had swept her away. Her mother's voice was a rude yank back down to reality. Mother Isabel noticed the wistful look on Klay's face as her daughter gazed out at the fading gold tones of the sunrise. Mother Isabel frowned and clucked her tongue sharply.

"Hoy, Klay? Anak, ano bang iniisip mo riyan at panay ang tulala mo?" Wika ni Isabel, na siyang ikinagulat ni Klay. Hindi niya namalayang siya ay natutulala na naman. Dios mio naman, baka lalo ka pa hindi payagan kung ganyan ka umasta, Klay!

"Wala ho iyon, ma--" tugon ni Klay, na siya ring pinutol agad ni Isabel.

"Hindi kita pinalaking sinungaling." Seryosong tugon ni Isabel. Tinignan siya ni Klay na puno ng kaba ang mga mata.

"It was just a harmless daydream, ma. Wala na pong iba." Mahinang wika ni Klay.

"Dreams are the farthest thing from harmless. Dreams lead you on wild goose chases that end up destroying you, or worse. Trust me, your mother. I know what is best for you. I know how to keep you safe."

Napa buntong hininga na lamang si Klay. Hindi pa man niya tuluyang nababanggit sa ina kung ano ang nais niya ay giniba na agad nito ang anumang tinatayong pundasyon ni Klay ukol sa kanyang pangarap. Ngunit hindi ito ang panahon kung saan tatanggap ng salitang "HINDI" si Klay. Kay tagal niya nang pinangarap ang makita ang mundo sa labas at ito ang araw na matutupad iyon.

Her mind wandered to her beloved books. She considered the heroes in them. The heroes were common people, but they were good. The heroes she dreamed about, and she badly wanna see them. Before she could shut herself up, the awful words escaped her lips. "But surely, not everything is bad out there? Dreams aren't all destructive?"

Mother Isabel's hands stopped caressing her own face in front of the mirror and just stared at Klay in the reflection of the mirror. Her eyes were empty and Klay does not have any idea what is her running through her head right now.

She braced herself for some yelling, and anger to come out of her mother's lips, but instead, she was met with a sudden change of emotion. Pity.

"That's the thing about fiction, princess. It's all a lie. Dreams are for common people, who live in their own filth and stew in their anger. Those people you read and daydream about will rip you to shreds until you were left with nothing." Said her mother, voice full of sadness and pity. She does this while she caresses Klay's face. Klay felt that surge of sadness within her. She hugged her mother so she can feel safe from all the worries her mother told her.

"Huwag mo na ulit babanggitin ang usaping ito, anak ha?" Isabel mentioned while she hugs Klay.

"Opo, mama." Tugon ni Klay.

"Mahal kita, anak."

"Mas mahal kita, mama."

"Pinakamamahal kita."

Sa isang sulok, malungkot na tinititigan ni Ali ang kanyang amo, na bakas sa mukha nito ang dismaya at pighati dahil sa makailang pag kakataon, hindi na naman ito tagumpay sa kanyang kahilingan.

FIDEL'S POV

"Fidel! Ano pang tinutunganga mo riyan? Dalian mo at baka mahuli pa tayo ng mga guardia dahil sa kakaarte mo riyan!" Sigaw ni Salve, na halatang yamot na sa nangyayari sa amin ngayon. Napa ngiwi ako sa inis dahil nasira yung pag momoment ko habang tinititigan ang malawak na kaharian ng Corona. Napaka epal netong panot na ito! Nag eemote pa ako e!

"Sandali lamang, Salve. Masyado yatang mainit ang bumbunan mo. Kumalma ka naman." Ani ko, na siyang lalong kinainis ni Salve. Waring itutulak ako neto ng pigilan siya ni Damian.

"Para kayong mga paslit! Magsi tigil nga kayo! Kailangan na natin mag madali at makuha ang koronang iyon bago pa tayo mamatay dahil sa kakaaway ninyo!" Saway sa amin ni Damian. Hindi na lamang kami kumibo ni Salve ngunit bago kami lumarga ay pumuslit muna ako nang mapang asar na ngisi sa kanya sabay takbo para hindi na niya ako mahuli.

Nakarating kami sa bandang bubungan ng kastilyo at dahan-dahang nilakad ang parte kung nasaan naka tago ang korona nang nawawalang prinsesa. Kung itatanong ninyo kung nasaan siya? Aba malay ko. Basta ang pakay ko ay ang makuha ang koronang siyang mag bibigay pag asa sakin na mag karoon ng bagong buhay.

Tila bihasang itinali ko ang lubid sa aking baywang at iniabot ito sa kasamahan ko upang alalayan ako pababa sa kalstilyo. Tila ako ay eksperto na sa ginagawa dahil mabilis ko na lamang binagtas ang pagbaba mula sa bubong at dali daling dinampot ang korona. Napangiti ako. Sa wakas. Napakaganda mo!

Ngunit kung minamalas ka nga naman. Hindi ba sila nag lilinis dito?! Dios mio, ang alikabok. Napabahin tuloy ako! Sinabihan pa ako ng "Bless you" ng guardia. Buang ba yun?

Tila napagtanto rin ng guardia na wala dapat siyang kasama sa kwarto at nilingon kung saan ako galing. Siya namang daglian kong pag angat paakyat sa bubong. Hay, salamat at nag ka silbi rin itong dalawang kasama ko.

Wala kaming ginawa kundi ang tumakbo nang tumakbo palayo sa lugar na iyon dahil kung hindi ay baka matagal na kaming humimlay.

Hawak ko pa rin ang bag kung saan ko nilagay ang korona. Napangiti ako at napahiyaw sa tuwa! Nayayamot naman akong tinignan saglit nila Salve at Damian.

May isa pa akong kailangang tapusin ngayon. At iyon ay ang mawalay sa mga gunggong na ito. Gahaman pa naman itong mga ito.

At siyempre, dahil malakas ako kay Lord, may isang malaking bato na humarang sa daan namin.

"Ako muna paakyatin niyo. Mas magaan ako, hindi ko rin naman kayo kayang ipasan" Ani ko, at tinignan ako ng masama ng dalawang kasama ko. Nilahad nila ang palad nila na parang may hinihingi.

Ang korona.

"Hindi ba kayo tiwala sa akin? Hindi ko kayo tatakbuhan!" Daing ko ngunit tumitig lamang sila sa akin. Napa singhal na lamang ako at iniabot sakanila ang bag na naglalaman ng korona sabay tinulungan nila akong makaakyat sa malaking bato. Mukhang naapakan ko pa nga sa mukha si Salve. Buti naman.

Nang makarating sa tuktok, pinagpag ko ang aking sarili. Nilingon ko ang mga kasama kong nag aantay sakin na abutin ang kamay nila ngunit..

"Pasencia na, masyado nang okupado ang mga kamay ko." Wika ko sabay pakita sa bag na pasimple kong kinuha kanina sa gilid ng pantalon ni Damian.

Humalakhak ako ng malakasa sabay takbo palayo. Rinig na rinig ko ang malakas na pag tawag sa akin nila Damian ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. Dali dali akong tumakbo papalayo at nag hanap ng matataguan.

Sa di kalayuan naman ay natatanaw ko ang isa sa mga katiwalang guardia ng hari at reyna na si Elias. Matagal na akong tinutugis neto kaya't umiwas ako ng daan, at lumusot sa isang madamo at lugar na may matataas na talahiban. Dire diretso lamang ako hanggang sa makalayo ako sa kakahuyan at hindi na marinig ang yabag ng guardia.

Sa aking pag lalakbay papalayo ay napunta ako sa isang lugar na kailanman hindi ko pa nakita. Malamig rito dahil sa mataas na falls na siyang presko sa pakiramdam. Ngunit hindi iyon ang pumukaw sa atensiyon ko. Kundi ang isang mataas na tore, na siyang nakatayo sa gitna nang lugar na ito.

Ethereal.

Dali dali akong tumakbo papunta rito at inilabas ang aking kagamitan para sa pag akyat ng bundok. I used an axe to help me climb up the walls. Everything is so quiet and the only sound you can hear is the sound of running water from the falls and the occasional blow of the wind. This will be a great hiding spot. I thought.

I reached the top. May kadiliman sa loob ngunit hindi ko na ito pinansin. Dali dali kong kinuha ang bag ko at tinignan ang nasa loob. Malawak ang aking ngiti sa likod ng aking mask. Sa wakas!

"Alone at last!" Iyon na ang huli kong sinabi bago pa ako mag black out sa pukpok ng kung anuman sa ulo ko.

KLAY'S POV

Pinukpok ko nang pagkalakas ang sinuman o anuman na siyang pumasok sa aming pamamahay ng frying pan na nadampot ko sa kusina namin nang makarinig ako kanina ng kaluskos galing sa ibaba ng aming bahay.

Kinakabahan man, sinilip ko ang nilalang at tinignan kung buhay pa ba ito. Nakasuot ito ng itim na pantalon, and it seems like he is wearing a green cloak. Naka mask din ito kaya't hindi ko masyadong maaninag ang kanyang itsura. Tinignan ko rin si Ali sa aking balikat at wari siya ay nag kibit balikat rin. Pareho kaming hindi sigurado kung ano o sino itong nasa pamamahay namin.

Inobserbahan ko ito, dahan dahang inalis ang mask, tinignan kung may pangil, may matulis na kuko o anuman sa mga kinukwento sa akin ni ina noon.

SI INA! Nako, kung malaman niya ito, tiyak magagalit iyon! Kapag nalaman niyang may nakapasok na kung ano o sino sa bahay at ito ay aking napatulog ay -----

Teka. Napatulog ko ang nilalang na ito? Ha! Napangiti ako. Sabi sa iyo, mama e! Kaya ko naman ang sarili ko!

Napatingin ako muli sa nilalang at nakita ang tila kumikinang na bagay sa bitbit nito. Dinampot ko iyon at tinignan. Ano ito?

Hindi namin mawari pareho ni Ali kung ano nga ba ang bagay na iyon. Sinubukan kong isuot sa aking braso, ipukpok sa mesa, at ano pa man ngunit, tila wala naman itong ginagawa. Sinubukan kong pumunta sa harap ng salamin at isinuot ito sa ibabaw ng ulo ko. Napatigil ako sa aking nakita. Tila naman... tama ang aking nakikita. Ngunit ito ay pinag sa walang bahala ko na muna dahil may mas importante pa kaming kailangang gawin ni Ali.

Ngayong matagal mawawala si ina dahil kailangan niyang pumunta sa ibang baryo para makabili ng nais kong regalo sa aking kaarawan, ay tila binigyan ako ng pagkakataon para maisakatuparan ko ang matagal ko nang pangarap.

Lumingon ako kung nasaan nakahiga at mahimbing na natutulog ang nilalang na nasa lapag ngayon. I guess I already found my way to my dreams.

Hila hila ni Klay ang upuan kung saan nakaupo at mahimbing na natutulog ang nilalang. Mabuti na lamang talaga at praktisado na siya sa pag bubuhat sa nanay niya.

Nang madala niya ito sa gitna ng kanyang kwarto, lumayo ito bahagya sa nilalang. Ngunit patuloy nitong pagmamasdan ang mukha ng nilalang.

Hindi siya mukhang bampira, o aswang. O kahit thugs. Ano at sino ka ba? He seems... harmless.

"Okay, Ali. Ikaw na bahala ah? Wake him up"

Ali nodded his head and hissed. He went straight to his face and hissed in his ear, his long tongue reaching the creature's earlobes. The creature's eyes shot open and he gasped.

Lumayo si Ali at lumapit sa kung saan ako nag tatago. Nakita ko namang tila pinunsan ng nilalang ang kanyang tainga. Nakita ko ring puno nang pagtataka ang mukha nito ng makitang nakagapos siya. Sinubukan nitong kumawala ngunit hindi nag tagumpay.

Huminga ako ng malalim bago nag salita. "Struggling is pointless."

"Ano raw?" Wika nito. Tila hinahanap siya sa dilim. Naglakad si Klay nang dahan dahan papalapit sa nilalang at naanig ni Fidel nang mas maayos ang maamo at inosente nitong mukha. Natulala si Fidel ng ilang segundo bago bumalik sa realided.

"Where am I? Who are you?" tanong ni Fidel. Takang taka pa rin siya kung sino itong kaharap niya. At teka, ahas ba iyong nasa balikat niya?!

"Who are you?" tanong rin ni Klay, hawak ang isang kawali na akmang pupukpukin siya. Ito ba iyong pinukpok sa kanya kanina lamang?

"I asked you first." pag susungit ni Fidel.

"And I'm the one who have you tied up after you barged into my room. So, you answer me first," Klay retorted back. She was gripping that frying pan with her dear life. Fidel noticed this. This woman looked so innocent, and he cannot deny the beauty she holds. Especially those eyes.

"Who are you? And how did you find me?" Asked Klay again.

He knew what to do. He cleared his throat and looked up at the woman, who is now looking at him with a confused face.

"I know not who you are, nor how I came to find you, but may I just say... Hi. How ya doin'?" Fidel smirked. Wiggling his eyebrows, showing off his pearly white teeth and charming smile.

Klay looked at him with an even more confused face, feeling a bit awkward at what he is doing. Hindi ba effective sakanya? Dios mio, hindi na dapat siya nakikipag usap rito dahil kailangan niya pang asikasuhin ang korona... ANG KORONA!

Nagpalinga linga siya, kabadong nilibot ang paningin upang hanapin ang kanyang bag.

"Tinago ko iyon. Sa lugar kung saan mo hindi makikita." Wika ni Klay nang mapagtanto na may hinahanap ang nilalang.

Tinignan lamang siya ni Fidel at tinignan ang paligid sabay mapadako ang tingin nito sa isang baul. "Naroon ba?" Turo nito gamit ang nguso sa baul. Nanlaki ang mata ni Klay at lumapad din ang ngiti sa labi ni Fidel dahil sa hula nito. Ngunit hindi rin tumagal ang ngiti nito at napawi rin bigla ng hampasin muli siya ni Klay ng frying pan.

Nagising na lamang ulit ang lalaki nang siya ay makaramdam ng kung anong nakakailiti sa kanyang tainga. Yung ahas!

"Ano ba?! Itigili mo nga iyan!" Hiyaw ni Fidel.

"Ayan, natago ko na sa kung saan HINDI mo makikita." Pagyayabang ni Klay. Nakakatuwa mang tignan ang itsura nito ngunit naiinis na si Fidel dahil nauubos lamang ang oras niya sa babaeng ito. Akmang mag sasalita pa lamang siya nang unahan siya ng babae.

"You will only get your bag or your satchel, or whatever it is, if you bring me to see the stars." Klay said. Nagtataka naman siyang tinignan ni Fidel kaya't lumapit siya banda sa isang sulok ng kwarto at iginiya ang kanyang kurtina upang ipakita ang kanyang ipininta.

The lanterns?

"You mean, the lanterns that they light up during the lost princess' birthday every year?" Fidel clarified. Klay's eyes widened and looked amused. "Lanterns? I knew it! Hindi lamang iyon mga bituin!" Wika ni Klay sa kanyang sarili.

"Oo. Dadalhin mo ako sa bayan kung saan ko maaaring makita ang mga lanterns. Only then will I give you your bag back. Understood?" Klay asked, face full of seriousness.

"No. Hindi kami okay and goodie goodie ng mahal na kamahalan," pagsisimula ni Fidel. "Kaya't imposible iyang sinasabi mo. Ibigay mo na lang sa akin ang bag ko, nang makaalis na ako at makabalik ka na sa pakikipag usap mo sa ahas mo." Naweweirduhan pa rin si Fidel sa ahas na nasa balikat nitong babaeng ito. Kaibigan niya ba iyon? Nababaliw na ba itong babaeng ito?

Hindi natuwa si Klay sa sagot ng lalaki. Lumapit siya rito nang malapitan at hinawakan nito sa baba nang mahigpit.

"You can tear down this tower brick by brick. But without my help, you will never find your precious bag. So, you will bring me to the town, and you will let me see the lanterns. That is the only deal." Klay muttered, her eyes serious and sincere. Fidel almost gave in but no.

"Let me just get this straight, I take you to see the lanterns, bring you back home, and you'll give me back my satchel?" Fidel asked. "Yes, I promise," Klay said, words full of sincerity. Fidel is not buying it though. He will never! He just looked at her, raising one eyebrow.

"And when I promise something, I never ever break that promise," Klay added. Fidel is still not convinced.

"EVER," Klay said, full of diction. Fidel sighed. "All right, listen! I didn't want to have to do this, but you leave me no choice. Here comes the smolder." Fidel starts his infamous smolder, hoping to charm Klay. However, Klay is not impressed.

Hindi talaga swerte itong araw na ito for me. Isip ni Fidel. Bumuntong hininga siya bago nag salita. "Fine! I'll take you to see the lanterns."

"Oh my! Really?!" Klay squealed excitedly, leaving Fidel to fall face flat on the ground. "Oops?" Klay whispered. Fidel just groaned.

This is really an off day for me. Fidel thought.