Actions

Work Header

period, no erase

Summary:

matalinong tao si sunoo pero ewan niya ba kung bakit natatanga siya kapag andiyan na si jungwon.

alternatively,

napulot ni jungwon ang papel na sinulatan ng FLAMES ni sunoo.

Notes:

happy valentine's day! posted this on twitter (i added some panels for visualization)

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

FLAMES

 

 

“Guys, magligpit na kayo. Yung ibang okay na dumeretso na sa court, mags-start na raw yung program tsaka il-lock ko na ‘tong pinto,”

 

“Yes, Pres!” 

“Pre, ML!” 

“Sinong may pulbo?”

 

“Ayusin niyo yung pila ah, Hee! Ikaw na muna bahala sa baba. Hintayin ko lang makalabas lahat dito.”

 

Agad namang nag-ayos ang buong klase nang magsalita si Jungwon, ang class president nila. Alas-nuebe ng umaga at tirik na rin ang araw sa labas, dinig ang tugtog na Chinito ni Yeng Constantino sa buong grounds na nagmumula sa covered court. Malamang sina Ni-ki, at Hoon na naman ang naka-toka sa sound system.

 

Dinig rin sa loob ng classroom ang ingay na nagmumula sa corridor,  kakatapos lang kasi ng break time nila at syempre busy ang lahat. Paano pinagbigyan sila ng mga teachers na wag muna mag-klase ngayong araw since Valentine’s day naman daw. Kaya ayon, lahat nagliliwaliw sa vacant time na binigay sa kanila. 

 

“Sunoo, ano yan? Tara na, assigned ako sa Journ today. Magc-cover daw sa program eh!” Saad ni Jake at agad namang nilukot ni Sunoo ang hawak na papel at mabilisang tinago ito sa bulsa ng jeans niya.

 

“Ay hala sige, wait lang.” Nang maayos ang sarili iniangat ni Sunoo ang kaniyang bag sa upuan. “Tara na, Jakey!” Nagsimula na silang maglakad ni Jake palabas ng classroom at bago pa man makalabas ay nagtagpo ang mga mata nila ni Jungwon na nakahalukipkip sa pintuan tila ba inaabangan ang pag-alis nila since si Jake at Sunoo nalang ang natira. 

 

“Labas na Kim, Sim. Wag na puro landi.” Huh? Anong sinasabi nito?

 

“Uy walang gan’on, Pres. Gagi, tropa lang naka-white nga siya oh.” 

 

Dapat lang. Akin ‘ yan eh. Sa isip isip ni Jungwon.

 

White shirt color means NBSB/NGSB – Happy & contented kasi ayon sa guidelines na pinost ng SSG. Mayroon kasing color coding scheme na itinalaga ang SSG para sa Valentine’s Day kaya naman lahat sila ngayon ay naka-civillian. 

 

Agad namang tumango si Sunoo upang sang-ayunan ang sinabi ng kaibigan. Eh sa totoo naman, wala naman talaga silang something ni Jake. May bebe na nga ‘to sa ibang section eh!

 

Nginitian lang ni Sunoo si Jungwon upang magpaalam. Habang naglalakad sa corridor ng third floor hindi maiwasang magtaka ni Sunoo kung bakit biglang ganoon ang pag-asta sa kaniya ni Jungwon. Parang kagabi nga lang ay nag-uusap pa sila kung anong kulay ang isusuot para sa araw na ‘to. Tinulungan niya pa ang nakababata na mamili ng outfit na susuotin ngayon kaya bakit biglang ang sungit nito?

 

“Baliw ka kasi, Jakey! Dikit ka nang dikit sakin, napagkamalan tuloy na tayo.”

 

“Yuck! Kilabutan ka nga, Sun!”

 

“Anong yuck? Nung Grade 8, inamin mong may crush ka sakin?”

 

“Tagal na no’n! Hindi ka maka-move on? May Jay na ako, BFF!”

 

Saktong pagkababa nila mula sa hagdan ay naroon na si Jay na nakaabang kay Jakey. “Bwisit! Iiwan mo na naman ako!”

 

“Hi, Sun! Meron ka naman na ah! Ayos yan!” Sabay nguso ni Jay sa likod niya. Kaya naman biglang napalingon si Sunoo sa likuran niya at tumambad dito ang dibdib ng isang lalaki. Mmm! Ang bango naman nito!

 

“Tapos mo na ba ako singhutin? Pwede mo naman ako yakapin, Sunshine.” Nanlaki ang mga mata ni Sunoo nang marinig ang kaisa-isang boses na ‘yon. 

 

Taena! Kaya pala familiar ang amoy, si Jungwon ito at ang kaniyang signature scent na Lewis n Pearl Rain. Nakatungtong pa ito sa huling hakbang ng hadgan kaya naman nakatingala ang tingin ni Sunoo dito. 

 

“S-sorry, Pres! Uhmm… daan ka na po.”

 

“Ah, hindi. Sabay na tayo sa pila. Wala ka na kasama oh,”

 

“Huh?”

 

At ang lintek na Jay at Jake na 'yon, iniwan ba naman siya! Hindi tuloy alam ni Sunoo ngayon kung magpapasalamat ba siya o magpapalamon nalang sa lupa dahil kasama niya na ngayon ang lalaking sinisigaw ng puso niya… yuck, ang corny! 

 

Or hindi naman corny? On a side note baka ganon lang siguro talaga pag may nagugustuhan ka, a lot of people do and think of 'crazy' stuff when they're in love.  But take note ah! Hindi pa siya inlove, happy crush lang po or... like? Ewan! 

 

“Joke lang, Sun. Tara na?”

 

“U-uhmm sige, Pres.”

 

“Wonie nalang diba, Sunshine?”

 

“Ah... hehe. Okay, P-pres. I mean, Wonie.”

 

Wonie and Sunshine, ‘yan ang nickname nila sa Messenger para sa isa’t-isa. But, it seems like nakakalimutan ni Sunoo iyon. Sunoo’s words falter and fail him whenever the feline-eyed boy is around him – seemingly tongue-tied when Jungwon initiates to talk to him, like a spell had cast upon him.

 

Isa sa consistent honor student ng buong batch nila si Sunoo, at palaging pambato sa Science Investigatory Project kaya marami ring nagkakagusto dito. Pagpasok mo palang ng school nila, tarpaulin na may mukha nito at ang napalanunan niyang sa Regional Science Fair ang tatambad sa mga tao kaya naman kilalang-kilala ang binata bilang isang matalino, pogi, at mabait na estudyante – role model kumbaga. Pero ang nakakapagtaka lang is how he’s acting like a fool when Jungwon, or Wonie rather, is near him. He can’t seem to act, and speak his words right. 

 

And don’t even get started with his self-esteem kasi he’s insecurities are rising through the roof kung ikukumpara sa mga nakakasalamuha ni Jungwon. Dahil talaga nga namang nakaka-intimidate ito. Class President, at isa sa mga committee ng strand nila, consistent na pasok sa Top 10 ng batch, at higit sa lahat? Kabilang din ito sa Decelis High Impact – their school’s official dance club. 

 

Habang nagninilay-nilay, ay hindi napansin ni Sunoo na nasa loob na pala sila ng court partikular sa dulo ng pila ng klase nila. Halos lahat ng estudyante ay nakaupo na sa sahig ng court kaya naman, nagulat na lamang siya ng biglang lumuhod si Jungwon at biglang pinagpagan ang uupuan nila. 

 

“Hala Wonie. ‘Wag na, okay lang!” Sa pagkabigla ni Sunoo ay napalakas ang pagkakabigkas niya kaya naman naglingunan sa kanila ang mga kaklase pati narin ang mga nasa kabilang section na katabi ng pila nila.

 

"'Tol, Wonie raw. Pres tanggal angas ka diyan ah." Nagtawanan naman ang mga nakarinig na estudyante sa paligid nila.

 

"Hahaha ‘raulo kayo!" sabat ni Jungwon. 

 

“Akin na kamay mo…” Bulong ni Sunoo dito. "Sabi sayo madumi eh," Ini-sprayan nito ng alchohol ang mga kamay ng nakababata. Samantalang, nakaluhod pa rin si Jungwon sa harap niya na tila ba nagp-propose sa kaniya.

 

“Uy!! May nangyayari na!” Pagkantyaw ulit ng iilan nilang mga kaklase. “Sabaok!”

 

"Guys, tama na. Baka mahiya baby ko." Ano raw? Tama ba pagkakarinig ko?

 

"Ayan upo na tayo, Sunshine” 

 

“Salamat,” nahihiyang sambit ni Sunoo. Hindi naman nakatakas sa paningin ni Jungwon ang pamumula ng pisngi ni Sunoo. Hindi niya alam kung anong dahilan nito, kung sa sinabi niya ba? Sa pang-aasar ng mga kaklase nila? O baka siguro sa init ng singaw ngayon sa court dahil mula JHS at SHS ba naman ay pinagsama sa iisang program ng eskwelahan nila.

 

“Mainit ba?”

 

“Ah hehe oo pero okay lang. Kaya naman.” 

 

“Shh, quiet po.” Pananaway ng mga scouts kaya naman humarap nalang si Sunoo at tinitigan ang set-up ng stage na may mga balloons na korteng puso. 

 

Makaraan ang ilang minuto ay naramdaman ni Sunoo ang hangin na tumatama sa batok niya. “Pawis ka na. Lapit ka sakin para mahanginan ka.” Bulong ni Jungwon sa batok ni Sunoo.

 

Napaigtad si Sunoo dahil biglang nagvibrate ang cellphone niya, kasabay pa ng pagbulong ng nakababata sa kaniya. Feeling niya tuloy ay kitang-kita nito kung paano tumayo ang balahibo niya sa batok.

 

Tinapat ni Jungwon sa kanang bahagi niya ang mini fan nito, ramdam niya na rin kung gaano magkalapit ang likuran niya kay Jungwon. Sunoo isn’t fond of skinship na kahit mismong ang bestfriend na si Ni-ki ay di gaanong ka-touchy sa kaniya, pero kung si Jungwon… mapapa-sure why not talaga siya.

 

Lumapit si Sunoo kay Jungwon upang mahanginan nang maayos at tiniklop pa nito ang kaniyang tuhod upang patagong buksan ang cellphone. 

 

Messenger
2 Notifications

 

Jakey: Wow huling-huli PDA

Sunny: tangina mo asan kayo??? bat mo ako iniwan? HUHU

Jakey: Papahuli kita sa mga BSP, bff 😘

Sunny: as if eh kay wonie palang takot na yang mga yan!! 

Jakey: power tripping!! sumbong ko yan sa office

Jakey: sira wag!!

Sunny: picture-an mo nalang kami bilis sagot ko palamig niyo ni jay mamaya 

Jakey: mataas rates ng mga pitik ko, bee ef ef 

Sunny: wow parang di ex-crush at kaibigan?

Jakey: pakyu paulit-ulit ka na ah 

Sunny: IKEU!!! 😭😭😭

Sunny: jakey pls di ko na alam gagawin ko gagi ang landi niya today!!! hAFHDHDSHDGH

Jakey is typing . . . 

 

Habang hinihintay ang reply ng kaibigan ay bigla ulit nag-vibrate ang phone ni Sunoo, at nag-appear sa taas ng phone niya ang pangalan ni Jungwon… teka si Jungwon?



Wonie: sunshine

Sunshine: uy 

Sunshine: bat nagchat ka pa haha

Wonie: wala lang inggit ako sa ka-text mo eh

Sunshine: hala si jek lang to!!

Wonie: ah

Wonie: boring noh? tara ikot nalang tayo sa booth sa labas

Sunshine: huh di ka ba magpperform ngayon?

Wonie: di eh, may need akong bakuran

Sunshine: ah

Wonie: so ano tara?

Sunshine: oh sayang naman pala haha who’s the lucky person?

Wonie: you’ll know soon hehe baka mabati eh

Sunshine: ah haha good luck tho! 

 

Napasimangot si Sunoo sa nabasa, pero agad din naman niyang sinendan ito ng fighting sticker. Hoping his reply won’t come off bad kay Jungwon – awit ito na ‘yon eh magkaka-tayo na naging bato pa . Baka talagang tama na sa angry yung bagsak nung FLAMES kanina?  



Wonie: hehe yup thanks, sunoo! so ano, g?

Sunshine: pwede na bang lumabas? 

Wonie: pwede yan ako bahala 😉

Sunshine: baka ma-confiscate id natin ah

Wonie: lol cute mo. nananakot lang mga ‘yan

Sunshine: OKIII >< basta sagot mo ko ah

Wonie: oo naman ikaw pa, lakas ka sakin eh 

 

Hindi alam ni Sunoo kung anong gagawin after mabasa ang usapan nila ngayon. One day he woke up at bigla nalang naging ganito agad sila ka-close ni Jungwon sa chat. Actually, nitong Christmas break lang talaga sila nag-usap na hindi about sa acads ang pinag-uusapan. Bilang lang din sa kamay ang interaction nila sa school kaya naman bago ang lahat ng ‘to para kay Sunoo. But that doesn’t mean he is uncomfy with it, in fact, kumportable siya sa kung ano mang nangyayari ngayon. Ayun nga lang, ‘di maiwasang kabahan! Ikaw ba namang magkaroon ng grabeng interaction sa crush mo, sinong hindi magwawala? 

 

Ramdam ni Sunoo ang paghawak ni Jungwon sa bewang niya kaya agad siyang bumaling dito. Ay hindi pa pala siya nakapag-reply.

 

“Tayo ka na po. Papaalam lang ako.”



***



Nakalabas nang matiwasay ang dalawa. Hindi mapigilang matawa ni Sunoo nang maalala niya na naman kung anong dinahilan ng nakababata. Lumabas silang nakaalalay si Jungwon sa tabi niya, ang isang braso nito ay nakaalo sa balikat niya.

 

“Hatid ko lang po sa clinic, Ma’am. Nahihilo po kasi.” Ayan ang eksaktong paalam ni Jungwon sa lady scout na nakabantay malapit sa pila nila. Agad sila nitong pinayagan, pero halata dito na hindi sineryoso ng babae ang sinabi ni Won dahil nagsabi ba namang, “Patapos na rin 'to. Ingat kayo, baka may makahuli.” at nginisian lang sila. Like, what does that even mean?

 

“Pupunta ba talaga tayong clinic?” 

 

“Gagi, hindi. Bakit, ayos ba palusot ko? Kapani-paniwala ba?”

 

“Ewan ko sayo, Wonie! Ganyan ka pala ah,”

 

"Anong ganiyan?" Tinitigan ni Jungwon si Sunoo. "Nagsisinungaling!"

 

“Uy hindi ah, mabait ako. Gusto lang talaga kitang ma-solo.” 

 

“Gustong ano? Sorry di kita marinig ang ingay ng mga bata.” Tawa ni Sunoo nang biglang magsilabasan ang kumpulan ng mga estudyanteng sa tingin niya ay mga Grade 7 palang.

 

“I mean, gusto ko lang maupo doon.” Sabay turo ni Jungwon sa ilalim ng puno ng Acacia. May bench kasi ito at madalas tambayan ng mga estudyante upang magpahangin. Tapos na rin pala ang program, nauna lang sila ng ilang minuto dito.

 

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa dalawa nang maupo sila, at ang tanging ingay na maririnig mo lamang ay ang mga boses ng mga naglalabasang estudyante pati na rin ang ugong ng sound system sa court. Tumikhim si Jungwon sa gilid ni Sunoo kaya agad siyang napatingin dito.  

 

“Okay ka lang, Wonie? Baka ikaw kailangan dalhin sa clinic ah. Magsabi ka lang.” Hinaplos ni Sunoo ang likod ng nakababata. He looks so worried right now dahil matapos niyang magsalita ay mas lalong napaubo na naman si Jungwon. 

 

“You want, water? Wait, bili lang ako doon.” 

 

Sa isip-isip ni Jungwon, Pucha hindi pa tayo pero grabe mo na ako alagaan. 

 

“Dito ka lang, okay lang ako. See.” Nginitian ni Jungwon ang nakatatanda matapos mahimasmasan, paano ba naman kasi naalala niya yung nahulog na papel sa bulsa ni Sunoo kanina sa classroom. 

 

Sunoo poked his cheeks particularly on the younger’s dimples kaya naman agad namula ang tenga ni Jungwon.

 

“Weh? Sure ka ba talaga? Wonie, kinakabahan ako sayo.”

 

“Ako rin kinakabahan.”

 

“Ano tara na! Dadalhin na kita.”

 

“Actually, Sunshine. I have something to tell you. Upo ka ulit dito sa tabi ko,” Kitang-kita parin sa mukha ng nakatatanda ang pag-aalala pero mas lumamang ata ang kuryosidad nito dahil sa sinabi ni Jungwon. 

 

“Nakakaba naman ‘to, Won. Ano ba ‘yon?” Nang makaupo ay pinihit ni Sunoo ang pwesto niya upang makitang mabuti si Jungwon.

 

“10 letters.”

 

“Huh?”

 

“Ten. Sampu.”

 

“Yung? Teka… Ano bang pinag-uusapan natin? Hehe...” Kamot-ulong sambit ni Sunoo, because he clearly doesn’t have any idea kung anong sinasabi ng nakababata.

 

“Pwede ko bang hawakan kamay mo?”

 

“Huh? S-sige…” What’s happening? Huhulaan ba ni Jungwon palad niya?

 

Teka, this is not the time to be unserious, Sunoo. Get a grip! Sunoo panics internally. 

 

Dahan-dahang kinuha ni Jungwon ang kamay ni Sunoo at inilagay nito ang isang kulay papel na nakatupi sa apat. 

 

“Ano ‘to?”

 

“Hmm. You tell me,” Damang-dama ni Sunoo ang pagkabog ng dibdib niya na halos mabingi siya dito. Feeling niya ay lalabas na ang puso niya nang mapagtanto kung anong papel yung hawak-hawak niya ngayon. 

 

It’s the paper he hid kanina sa bulsa niya nung nag-FLAMES siya habang break time nila!

 

“Paano napunta ‘to sayo?” Namumutlang saad ni Sunoo kay Jungwon. Nakatitig lang ang nakatatanda sa papel, takot na masulyapan ang itsura ni Jungwon dahil for God’s sake hindi niya alam kung anong gagawin!

 

Phew. Huli pero di kulong? (Hopefully)

 

“Didn’t know na uso pa pala ang mag-FLAMES, Sunshine?” Sunoo gulped,  he can clearly see through his peripheral vision how close Wonie is to him grinning at him na para bang nang-aasar pa!

 

9 LETTERS – it was written on the middle of the paper. Holy shit! Ito ba yung 10 letters na tinutukoy ni Wonie? 

 

Binilang ni Sunoo ang mga natitirang letra sa mga pangalan nila, 

 

“1, 2, 3, 4…, 9, 10. Fudge, married nga.” Jungwon chuckles breathlessly before lying down on Sunoo’s shoulder na agad namang sinalo ni Sunoo sabay mahinang tinapik ang ulo nito gamit ang kanang kamay. A small smile playing on Jungwon’s lips. 

 

Nagtama ang paningin ng dalawa, sabay umihip ang hangin – both have a faint smile. Jungwon’s hand gently placing itself on the side of the fox-eyed boy’s cheeks as if this scene could pass on a Tadhana edit on Tiktok.

 

“Kailan kasal? Ready na marriage booth, baby.” 

 

“Wonie naman eh! Nakakahiya please!” Tinawanan lang siya ni Jungwon, habang nakatingin parin ito sa kaniya – eyes full of adoration, while his dimples are peeking.

 

“Crush mo rin ba ‘ko, Pres? Umamin ka na.”

 

“I like you, Sunoo Kim.” Seryosong banggit ni Jungwon. “A lot. And I’ve been waiting for this moment, since our JHS days.” 

 

“What the fuck? Seryoso ka ba? That long?” Sunod-sunod na tanong ni Sunoo. 

 

“Hmm. Orientation day nung Grade 7, nagtanong ako sayo no’n kung saan yung room ko. Tapos sobrang cute mo no’n, naka-bowl cut ka pa… Yung eyes mo parang may sariling buhay na naka-smile din sakin. Grade 8, nanood ako ng performance niyo for Choric Interpretation kahit na may quiz kami non sa Math. Grade 9, pumasok ako sa dance club kasi nabalitaan ko crush mo si Kuya Dino. I want to learn from him. Grade 10, hahaha. Nagka-MU ka. Let’s not talk about it.” Jungwon pauses, tongue poking his inner cheek habang inaalala kung gaano pinagsisihan ng nakababata yung taon na ‘yon. Sana pala nung nag-prom, umamin na siya.  

 

“Jungwon naman eh, naiiyak na ako.” A tear falls down Sunoo's cheek na agad namang pinunasan ni Jungwon. 

 

“Sorry, Sunshine.” Sunoo looks at him eye to eye, naka-nguso ang mapupulang labi nito habang mahinang humihikbi. “Go, tuloy mo.”

 

“Wag ka umiyak, baby. Please.” Hinawakan ni Jungwon ang kamay ni Sunoo, his thumb rubbing Sunoo’s knuckles as a form of assurance na everything’s gonna be alright.

 

“Hindi na nga, go na.” Sunoo intertwined their hands, at tumango lang ito tanda upang ipagpatuloy ni Jungwon ang pagkukwento.

 

“Grade 11, I tried to stop kaso biglang bumalik eh, hahaha. Gagong lalaki ‘yon, yung taong matagal kong pinapangarap sinaktan lang. Remember your tweet a year ago na the only thing na makakapagpasaya sayo that time is your comfort food?”

 

“Ha? Yung Tapsi sa Rodic’s palagi sa table ko nung Lunch time? Sayo galing ‘yon?” Mahinang hinampas ni Sunoo sa Jungwon ng papel na hawak-hawak niya.

 

“Ow, baby. Hahaha! Yeah, It’s from me.”

 

“Don’t tell me, ikaw rin yung nagbabayad doon sa libreng kwek-kwek sa labas dati?”

 

“Oh yeah, that too. Binabayaran ko si Kuya Rene ng singkwenta kung sakaling bumili ka sa kaniya.”

 

“Nakakainis naman ‘to!” Mahinang pagsinghot ni Sunoo, kaya naman inabutan siya ni Jungwon ng panyo.

 

“And then now, it’s our last year na. So I told myself why not take the risk kaysa naman sa pagsisihan ko diba? Na hindi ko sinubukan kung may pag-asa? Since magc-college na naman at baka hindi na tayo magkita, ngayon sana ako aamin. Kaso nakita ko ‘to.”

 

“Nakakainis, mali pa bilang ko! So, paano mo nakuha?”

 

“It's okay, baby. Small mistake lang naman. You dropped it sa corridor, pagkalabas niyo ni Ni-ki sinarado ko agad yung room." Nakangiting saad ni Jungwon.

 

“Wala na, iiyak na naman ako.” Tinignan muli ni Sunoo ang papel habang paulitp-ulit na binabasa ang mga side comments ni Jungwon dito.

 

“I like you, Sunoo Kim. So much. And I want you to know and feel that.” Jungwon pouts, tila ba may namumuo  na ring mumunting luha sa mga mata nito.

 

Sunoo looks at him at kinurot ang pisngi nito, “I like you too, Jungwon Yang. Let’s pass the courting stage na siguro? Tara na, pakasal na tayo.” Tumayo si Sunoo, at pumwesto sa harap ni Jungwon at tuluyan nitong niyakap ang nakababata. 

 

The two arrive at the marriage booth and Sunoo looks at Jungwon fondly "Ano? Ready ka na?"

 

“Going 6 years na akong nagr-ready, Sunshine. Ikaw ready ka nang matawag na Yang?” Jungwon raised his eyebrows, challenging his Sunoo. His Sunoo.

 

"Oo naman! Wala nang bawian."

 

"Mamatay man?" 

 

"Oo nga, Wonie. Period. No Erase."

 

"Okay, my Sunshine."

 

February 14 - the very day na tinapos na ni Jungwon Yang ang pila ng mga Sunoo Kim enjoyers.  Sorry na lang, dahil hindi niya na pakakawalan ‘to.

Notes:

thank you so much for reading! curiouscat