Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2023-02-21
Updated:
2023-02-21
Words:
3,557
Chapters:
1/?
Kudos:
7
Hits:
170

Let's Try Again, Shall We?

Summary:

Second Chance

noun. : an opportunity to try something again after failing one time.

Should we give another chance to those people who failed us? Should we try again knowing that it won't be the same as before? Should we take another risk or should we finally let go of the things that we once loved?

Notes:

Hiiii!

So, this is the first full NaHyuck fic that I will be writing but tbh, this is supposedly the sequel of my NaHyuck Kape AU (it was posted on my twitter account @/mashuarap). BUT (again), you don't really need to read the first part of the story just to understand this story since I am planning to write everything here (especially the holes that I intentionally put on my Kape AU)

ANWYWAY, I do hope that you will find this one uhm,,,, not so boring (charot not charot) since there will be no social media dummies here. TBVH, I really want to finish the AU on my twitter (yes, it's not yet done folks!) but I really don't have that much time to edit (socmed edits) like before :'] This is why I also decided to just put it on ao3 since I can write it down and edit easily (on my notes) if I want to write something. Also, the whole story (au & this supposedly sequel) was actually already finished (inside my head lol) a LOOOONG time ago

Dami ko na masyadong nilagay sa notes but anw, I hope you enjoy and love this one just like my Kape AU on twitter :))

(See the end of the work for more notes.)

Chapter 1: Simula

Chapter Text

Simula.

Have you ever feel satisfied but at the same time, not that satisfied? Marahil ay batid ko sa aking sarili na parang may kulang.

 

I don't regret leaving the life that I had back then.

I don't regret making that decision-the decision to leave everything behind for the sake of my happiness.

 

But whenever I looked back in the past, napapaisip ako, paano kaya kung hindi ko ito tinalikuran?

Paano kaya kung pinili kong magpatuloy kahit alam kong hindi rin naman ako sasaya kinalaunan?

Will I learn how to love the career that they choose for me even though I know that I wasn't belong to it in the first place?

Will I be happy later on if I happened to continue what they want for me even though I don't want it at all and it's against my idea?

 

Well, I guess not.

Kaya nga mas pinili kong iwan ang lahat noon para makapagsimulang muli, hindi ba?

 

If I compared my past to my present self now, I am glad that I was able to did it kahit na alam kong wala akong kasiguraduhan noon kung magiging matagumpay ba ako o hindi.

The only thing that matters to me before is that, I'm happy. I'm happy that I'm finally letting my self to pursue the things I want to do without anyone saying that it's not even the right thing-that it will be a failure after trying to be one. Na tama sila at mali ako.

But now, look.

I am successful.

I am happy.

And I feel satisfied and contented with everything that I achieved.

 

Pero kahit gano'n, bakit parang may kulang pa rin?

 

Maybe the only regret with the decision that I had made before was to leave them without telling about anything. I leave him without even telling my true feelings for him. Bakit at para saan pa kung iiwanan ko rin naman pala siya? Better not tell him anything at all, right? Even if I know that I'll be suffering later on. Pero hindi eh, buo na talaga ang desisyon ko noon.

 

Hindi lang naman siya, sila rin. Hindi ko man lang sila nabigyan ng pagkakataon para maipaliwanag ang lahat. Hindi ko siya nabigyan ng pagkakataon na kausapin ako dahil batid ko sa aking sarili ang gagawin kong desisyon-desisyon na iwanan siya, sila, at lahat.

 

I don't really want to be a burden to them, that's why.

Isa pa, mas napangunahan ako nang takot. Takot na baka hindi nila kayang tanggapin ang magiging desisyon ko. Takot na isipin nila na napakamasarili ko masyado. Takot kung saan they will also find the career that I want ridiculous just like my family did.

Yes, indeed. I was really a fool, selfish and a great coward.

 

"Hyuck, are we done for today? Should we wrap this up already?"

 

Bigla akong bumalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Kuya Taeyong. Napalingon tuloy ako sa kanya. Mukhang kanina pa pala niya ako tinititigan at inaabangan ang magiging desisyon ko ngayong araw.

 

I smiled at him before answering his question. "Yes, Kuya. Bukas na lang siguro ulit." Tumango naman ito sa'kin bago nagsalita sa mikropono na nasa harap niya ngayon.

"Seok, we'll wrap this up. We're done for today. Thank you for your hard work!" Nakita ko naman ang pagtango at pag-thumbs up ni Kuya Seokmin sa amin.

 

Nasa recording studio kami ngayon para sa bagong album na ilalabas ni Kuya Seokmin sa susunod na buwan.

I actually composed 2 songs for his upcoming album. Hindi ako ang main song writer at producer niya. In fact, it is Kuya Jihoon, his fiancé. He just really want me to become part of his new album kaya pinilit niya ako na magsulat para rito.

 

To be honest, I always rejected his past offers pero talagang mapilit si Kuya Seokmin lalo na ngayon. Hanggang sa mapapayag niya na nga ako na maging parte sa magiging album niya.

Well, who wouldn't accept if he travelled from Manila to Panay just to convinced me to write a song for his new album?

"You know that I'm on a break, Kuya." Sabi ko isang araw nang tawagan at kulitin niya na naman ako para kuhanin bilang isa sa mga song writer niya para sa magiging bagong album nito.

 

Before I even got home, tinatak ko sa utak ko ang katagang "break is break". Sinabi ko sa sarili kong hindi ako tatanggap ng anumang trabaho patungkol sa pagsusulat.

Isang linggo pa lang nang makauwi ako sa Pilipinas nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya. I didn't even tell anyone about me going home kaya hindi ko rin alam kung paano niya nalaman na nakauwi na ako sa bansa matapos ang pitong taon.

"I know! Pero I really want you to become part of my album this time. Did you know how much it hurts me every time that you rejected my offers? Pero binabalewala ko lang 'yon kasi alam ko naman na mas marami kang projects sa ibang bansa at wala kang time para kumuha pa nang ibang offer." I sighed. Well, that's... partly true.

Umuwi ako sa Pinas para sana makapagbreak kahit pa-paano sa trabaho. I've been working my ass since I don't know when. Nakalimutan ko na rin. Basta ang alam ko lang, nang matanggap ako sa isang scholarship sa Berklee College of Music sa Boston, tuloy tuloy na ang pagpupursigi ko. Hindi ko na rin nga halos matandaan kung kailan ba ako huling nagbakasyon o nagpahinga. Ngayon ko pa lang yata talaga ito naisipan. Kung hindi pa ako matatauhan, baka hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakauwi.

 

Isang linggo lang akong namalagi sa Manila at lumuwas na rin agad patungong Panay.

Feeling ko kasi, hindi ako tuluyang makakapagpahinga sa trabaho kapag nasa Manila ako kaya nang nalaman din ni Kuya Taeyong na nakauwi na muli ako at ayaw manatili sa Manila, he offered me to stay in Panay-in Kalibo, Aklan to be exact.

 

Nakilala ko si Kuya Taeyong sa Boston. I was a freshman back then when I first met him. Graduating na siya nu'ng mga panahon na 'yon pero hindi ito naging hadlang upang hindi maging malapit sa isa't isa.

He has a spare apartment here in Kalibo at doon nga ako pansamantalang tumutuloy.

 

Balak ko pa rin namang bumalik sa Manila pero hindi ko pa alam kung kailan. Basta ang gusto ko lang, makapagpahinga nang maayos.

Isa pa, gusto ko rin munang umiwas at lumayo sa magiging komprontasyon hangga't hindi pa ako handa. Kailan ba ako naging handa?

 

 

It was my first month in Kalibo when I heard that my doorbell rung. Nu'ng una, akala ko si Kuya Taeyong ito pero laking gulat ko na lamang na nasa harapan ko na si Kuya Seokmin na may malawak na ngiti. Kasama niya pa si Kuya Jihoon na mukhang napilitan lang sumama dahil alam niya na ang magiging kasagutan ko kung sakali. I know why they're here. It's because they want to recruit me again for the nth time. Ang pinagtataka ko lang, paano nila nalaman?

 

"I'm sorry, Hyuck. Makulit talaga 'tong pinsan mo. I plead him several times already pero ayaw niya talagang makinig sa'kin. Gusto ka raw talaga niyang kunin." Kuya Jihoon sighed after explaining.

"How did you even know I'm here?" Taka kong tanong sa kanila.

This time, si Kuya Seokmin na ang nagsalita. "Taeyong and Jihoon are cousins too! Nagulat pa si Taeyong na magkamag-anak din pala tayo. A small world, isn't it? At, hindi mo ba muna kami yayayain pumasok sa apartment mo?" Napabuntong hininga na lang ako at tuluyan na ngang pinapasok ang dalawa.

 

 

Since I am on a break at sinabi ko sa sarili ko na hindi ako tatanggap ng kahit anong trabaho lalo na sa pagsusulat ng kanta, wala rin ako masyadong maisulat. Kahit ano mang pilit ang gawin ko, wala talagang masyadong pumapasok sa utak ko kaya naman nahirapan din akong magsulat. I didn't expect all of this to happen anyway. Akala ko, kapag nandito na ako sa Kalibo, magiging tahimik ang buhay ko at makakapagpahinga ako nang maayos.

 

One of the reasons why I took a break and decided to go home was because whenever I write, the works that I've written didn't really satisfied me. Kahit na sabihin pa nang iba na maganda naman, hindi pa rin ako kuntento sa gawa ko hindi katulad noon.

Parang may kulang sa lahat ng mga ginagawa ko. I realized later on that my compositions lack emotions. At bago pa man tuluyang mawala ang sparks ko sa trabaho ko, I decided to take a break.

Iniisip ko na baka kailangan ko lang talagang magpahinga at makapag-isip isip nang maayos para bumalik ang dati kong sigla sa trabaho.

Feeling ko kasi ay kailangan ko muna ring hanapin ang sarili ko dahil batid ko ang pagiging magulo nang utak ko netong mga nakaraan.

Maybe because I was always alone in Boston. Though, I have friends. But whenever I'm alone, I don't really find it lonely most of the times. Mas gusto ko nga 'yon. Tahimik. Pero parang bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa'kin.

 

"Don't worry, Hyuck. Matagal pa naman bago ilabas ang bagong album. Nagpaplano pa lang din naman kami. You don't need to pressure yourself." Sabi sa'kin ni Kuya Jihoon isang araw habang nasa recording studio niya kami sa Kalibo. It turns out that this is their province. Kaya marami rin silang lupa rito.

 

 

It was my second month in Kalibo when I decided to find a place for my own coffee shop. Dahil wala naman akong ibang plano bukod sa magpahinga sa trabaho, naisipan ko na lang na itayo ang binabalak kong coffee shop na planado ko na noon pa man.

I trained how to become a barista before on Boston and got a certificate later on while I'm also still studying about Music Production and had late night works.

 

Kuya Taeyong and Kuya Jihoon helped me find one since mas pamilyar sila sa lugar kumpara sa'kin.

Nang makahanap, agad na rin akong nagpatayo. I even designed my own coffee shop since I was an undergraduate of Civil Engineering before I got accepted in Boston.

Well of course, Kuya Taeyong introduced me to his friend, Jaehyun, who's a known Architect. He was older than me but he said to just drop off the formalities and call him by his name instead. So I did.

He has a project here in Kalibo bukod pa sa ipapatayo kong kapehan. I thought he won't be able to help me since he has a project and it's a big one but he said that he can still help me. Kaya kinuha ko na rin siya bilang arkitekto ko.

Jaehyun helped me with everything. He was the one who complemented the design that I created since it's really his expertise. I thank Kuya Taeyong for introducing him to me because he really is a big help.

We then worked together for at least a month and a half. Hanggang sa tuluyan na ngang matapos ito at makapagbukas na nga ako ng aking sariling kapehan.

 

 

My own coffee shop helped me to focus and write some songs again without any pressures.

Hanggang sa nabigyan ko na nga rin si Kuya Seokmin ng kanyang hinihiling na kanta. Isa lang ang hiling niya pero nabigyan ko siya ng dalawa kaya naman tuwang tuwa ito sa'kin. At dahil malapit na ngang matapos ang preparasyon ng kanyang album, ilalabas na niya ito sa susunod na buwan.

 

 

"Pupunta kang Full Sun's Cafe?" Napatango na lang ako kay Kuya Taeyong nang matapos na kaming magligpit.

"Susunduin ako ni Ji, hahatid ka na namin Hyuck." Umiling naman ako. "Hindi na Kuya. Baka makaabala pa ako sa inyo. I know you're both busy since your new album will be released soon."

"Or is it because Jaehyun will fetch you here again kaya tinatanggihan mo ang offer ng Kuya mo?" Napairap naman ako sa tanong ni Kuya Taeyong.

"I told you, there's nothing between us-"

"Or are you just being defensive every time we asked you about your relationship with him? Jaehyun is fine. What's wrong with it?"

"I know. Pero wala ngang namamagitan sa amin. He-"

 

Natigil ako nang makitang pumasok si Jaehyun sa studio. Napailing na lang ako habang malaki naman ang ngisi ng dalawang nakakatanda.

"Hi!" Jaehyun greeted the two so they greeted him back. Maya maya pa ay pumasok na rin si Kuya Jihoon sa studio.

Agad na rin akong nagpaalam sa kanilang tatlo. Sinundan naman ako ni Jaehyun palabas.

 

 

I heard his chuckled that's why I glared at him. Bigla namang tumaas ang dalawa niyang kamay na parang sinasabi na 'suko na ako'. Napairap na lang ako sa kanya kaya naman mas lalo siyang natawa.

 

"Do they really think that there's something between us? Sabi ko naman sa'yo, ipaliwanag mo nang maayos. Or baka naman kasi gusto mo rin?" He grinned. Ang kapal ng mukha. Hinayaan ko na lang siya mag-isip nang kung anu-ano at napagpasyahan na dumiretso na lamang sa kanyang sasakyan.

 

Nauna na akong sumakay at nahuli naman siya. Natatawa pa rin ito habang umiiling.

 

"Can you just shut up and drive? Don't pick me up again, okay? Kaya laging may ibang iniisip sina Kuya dahil sa'yo eh."

"Cute mo talaga kapag naaasar. Fine! Magkita na lang tayo sa shop mo-"

"No! You'll text me if you need something. Hindi natin kailangan magkita araw araw."

"Ayoko nga. I'll do whatever I want to do." Sabi niya pa bago tuluyang nagdrive. Napahilot na lamang tuloy ako sa aking sentido.

 

 

Nang makarating ay agad na rin akong bumaba. Sumunod naman siya pagkatapos.

My employees greeted me when they saw me entered the shop so I smiled at them.

Nakita ko naman si Jungwoo na nasa counter at tumatanggap na ngayon ng orders galing sa isang customer. Napalingon naman ako kay Jaehyun na kakapasok lang ngayon at kita ko na naman ang dalawang naglalaliman na dimples nito kaya napailing na lang ako.

 

Reason why he always fetch me whenever I'm in studio and why he wants to come with me everyday in my shop is because he is crushing this employee of mine.

Nagpapapansin eh hindi naman siya pinapansin.

 

Pumasok na ako sa loob para makapagsuot ng apron. Bago pa ako tuluyang makapasok, nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagpunta ni Jaehyun sa counter para um-order at landiin na naman si Jungwoo habang nagtatrabaho. Hinayaan ko na lang siya. Paulit ulit lang din naman kasi ang binibili niya. Iced Americano.

Which it reminds me of someone.

Napailing na lang tuloy ako sa iniisip.

 

 

Lagi akong pumupunta rito para tumulong kahit hindi naman na kailangan dahil may mga kinuha naman akong empleyado. Mas gusto ko pa rin kasi na hands on ako sa sarili kong shop. Isa pa, ito ang una kong ginawa bukod sa magsulat.

Bukod do'n, wala na rin naman akong ibang pinagkakaabalahan kasi nga, nasa break ako. Tapos na rin naman akong magsulat ng kanta para sa bagong album ni Kuya kaya hindi ko na rin alam ang susunod na gagawin. Ayoko rin naman na i-pressure at biglain ang sarili ko na sumulat nang tuloy tuloy kahit alam ko sa sarili kong nakakabalik na ako kahit pa-paano.

Imbes na magkulong sa apartment, mas pinili ko na lang na mamalagi rito araw araw.

 

 

Nang makapagsuot ay agad na rin akong lumabas at pumwesto sa counter. Pinalitan ko si Jungwoo at siya na ngayon ang naghahanda ng mga orders.

 

Rinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya naman ngumiti agad ako sa kakapasok pa lamang na customer. Hindi ko pa masyadong maaninag ang mukha nito dahil sa sinag nang araw na nakatapat sa aking mukha.

 

"Good afternoon, Sir! Welcome to Full Sun's Cafe." Masigla kong bati sa kanya.

 

Inabala ko na agad ang sarili ko sa screen ng monitor sa aking harap kaya hindi ko agad nakita ang pinagkakaabalahan niya pero batid kong nakatingin ito sa taas at marahang binabasa ang mga nakalagay.

 

Handa na sana akong pumindot nang mapansin kong medyo natatagalan sa pagpili ang customer na nasa harap ko kaya naman napaangat ako nang tingin sa kanya. Sakto pang pag-angat ko ay ang kanya namang pagbagsak ng tingin sa akin.

 

 

Shocked was seen on my face. Katulad ko ay ganoon din ang naging reaksyon niya pero agad din niyang nabawi ang pagkagulat at ngayon naman ay hindi ko na mabatid ang ekspresyon niya sa akin.

Hindi agad ako nakaimik nang tuluyan kong mapagtanto kung sino talaga ang nasa harapan ko ngayon. I thought I was just hallucinating earlier but no, this is real. Everything that is happening right now is real. Kaya agad akong ginapangan ng kaba pero hindi ko ito pinahalata.

His eyes and face suddenly went blank too. I can see no emotions on his face at all.

Hindi ko rin alam kung paano ako magrereact sa harapan niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. My encounter with him today is so sudden that I can't think and react properly.

 

I realized that it's been 7 years since I last saw them-since I last saw him. I can see how much he changed and growth in these past years that I was gone.

 

I was at fault, I know. Pero hindi ko batid na sa ganitong paraan kami magtatagpong muli.

 

It's funny how it felt like the time stopped when we met each others eyes. Para bang biglang tumigil lahat ng nakapaligid sa amin. Hindi ko rin mabasa ang ekspresyon niya kaya naman ako na ang unang nag-iwas nang tingin.

He's mad, right? I mean, malamang sa malamang, oo. Who wouldn't get mad at me, anyway? Sino bang hindi magagalit kung iniwan mo na lang bigla nang walang pasabi? Sino bang hindi magagalit na pagkalipas ng ilang taon, nandito ako sa harap niya na parang wala lang nangyari?

 

I'll understand if he makes a scene here now pero hindi niya ginawa na aaminin ko, ikinagulat ko. Of course, sino bang hindi? We fought like Tom and Jerry before at wala pa kaming pinipiling lugar noon. Wala kaming pakialam kung mag-away at magbatuhan man kami nang masasakit na salita sa harap ng maraming tao. We caused too much ruckus that we both knew it wasn't really healthy.

Well then I guess he's really not the same person that I used to know before. Siyempre, Donghyuck. Ilang taon na ang lumipas. Isa pa, hindi na kayo bata.

"Jaemin! Akala ko mamaya pa ang dating mo?" Napaangat muli ako ng tingin nang marinig ang boses ni Jaehyun. Kita ko ang paglapit nito sa counter kung saan magkaharap pa rin kaming dalawa.

"Kuya." His cold voice made me shiver.

 

7 years have passed at ngayon ko na lang ulit narinig ang boses niya. I know his voice is deep even before pero parang mas lalo lang itong lumalim ngayon. Para tuloy akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa boses niya.

He only said a word but I felt like my whole world is crushing down already.

"Hyuck! This is Jaemin pala, my stepbrother. Remember, the Pediatrician that I'm talking about? Siya yung sinasabi kong pansamantagal dito sa Kalibo dahil dito siya na-assign." Wala sa sarili akong tumango kay Jaehyun. Great. What a small world indeed!

 

Hindi ko na rin ito magawang tignan muli dahil batid ko na kapag tumingin ulit ako sa kanya, lahat ng tinatago kong emosyon ay magsisilabasan.

Buti na lamang ay sumagi sa gilid ng mata ko ang katawan ni Jungwoo kaya naman agad kong iniwan ang dalawa para lumapit sa kanya.

 

"Can you take care of this shop for today? Sumama bigla ang pakiramdam ko. Pasensya na." Gulat man sa agad na paglapit ko ay agad din naman itong tumango at ngumiti sa akin.

"No worries, Hyuck. Ako muna ang bahala sa shop." Tumango ako at agad umalis para pumasok sa loob at tanggalin ang apron. I also heard Jaehyun who's calling my name pero hindi ko na ito nagawa pang lingunin.

 

Bastos na kung bastos. Isipin niya na kung ano ang gusto niyang isipin pero sa ngayon, gusto ko munang umiwas sa lahat ng nangyari.

I know, I'm still a coward. Pero hindi pa ako handa na harapin ang lahat ngayon. Our encounter earlier after years was too much already. Hindi ko kayang isang bagsakan lang ang lahat because I am still the same Donghyuck who is weak to confront everything.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong namalagi sa loob pero nang kumalma ay agad na rin akong lumabas.

Laking gulat ko pa na nando'n pa rin si Jaemin kasama si Jaehyun pero agad ko ring itinago ang pagkagulat.

 

Tumayo naman si Jaehyun nang makita ako at agad na lumapit sa'kin.

 

"Are you okay? I heard masama raw ang pakiramdam mo. Want me to drive you home?" Umiling ako agad sa kanya at ngumiti.

"I'm fine. I can just took a grab to get home."

"But-"

"I'm really fine, Jae. I also think that your brother needs a company since he's kind of new in this place. I can take care of myself, don't worry."

 

Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot dahil umalis na rin ako agad. Sakto naman na may taxi sa labas kaya sumakay na ako at ibinigay ko na sa kanya ang address na tinutuluyan ko.

Notes:

If you reached this, then I want to say thank you for reading until the end of this chapter!

I finally finished one <3 TBH, hindi ko pa alam kung ilan ang magiging chapters nitong story but most likely less than 15 or 20 lang siguro. Basta more than 10 yata.

Again, thank you so much for reading! We'll see each other on the next chapter :'> Adios!

(Pasingit: If you want to ask some question, you can go to my cc if you're shy hehe curiouscat.live/mashuarap)