Work Text:
Dinig na dinig ang matinis na iyak na bumalot sakanilang kwarto. Hindi pa man umiinit ang mga katawan nila sa higaan eto nanaman sila. Gusto man nilang hayaan ito pero hindi pwede mahapdi pa ang pagkakamulat ni eli pinilit niyang tignan ang orasan.
2:25 am.
Napabuntong hininga na lang siya at napatakip ng mata para maiwasan ang hapdi na nararamdaman, gumalaw na rin ang kaliwang bahagi ng kanilang higaan nakaupo na si alex walang pantaas dahan-dahan nag-iinat.
"Hintayin mo na lang ako dyan kukunin ko ang kambal panigurado gising na sila pareho, mahal. " -Alex.
Hilo pa siyang umupo sa kama habang kinakapa ang lampin sa tabi, inusog ang ibang unan para makasandal. Tanaw niya ang likod ng asawa na kinukuha isang kambal malakas ang iyak nitol inayos niya ang damit nito bago ihele pero hindi ito huminahon, tinignan naman ni alex ang diaper nito na kakapalit lang kanina pero wala din.
" Akin na mahal, baka gutom na yan. "- Eli. Sinilip ni alex ang isa pang anak bago lumapit sa asawa at ibigay ang umiiyak na anak.
"Why cry-cry ang baby na ito? Gutom na? Aguy tahan na mahal. " Mahinahong wika ni eli sa anak. Itinaas niya ang kaniyang pang-itaas na suot kanina ni alex na napunta sakaniya bago sila nakaidlip.
" Humihikbi-hikbi pa ang baby na ito, tahan na andito na si papa. " Hinaplos ni eli ang pisngi ng sanggol habang dumedede sakaniya. Pinatakan niya ito ng isang halik sa ulo bago iangat ang ulo nakita niya si alex na nakaupo sa dulo ng kama habang pinapanood sila.
"Silipin mo na si archer mahal baka nagising na rin iyon, alam mo naman kapag nagigising ang isang yon tahimik lang hindi tulad ni stella. "- Eli.
-
Alex recalls how Eli rejects the idea that he should have a cesarean delivery, how Eli handles the pain of each constraction, and how Eli bathes in his own sweat while pushing the babies. When he heard the twins' cries, he saw the relief on Eli's face.
Eli recalls how panic spread across Alex's face when his water broke, how Alex assisted him in holding his dextrose stand, and how he massaged his husband's lower back. While delivering, Alex keeps kissing the side of his head and whispering sweet words to him. Alex bears the pain of Eli's grip on his hand. Alex stopped crying when he saw his husband crying, possibly happy tears. "I love you mahal ko, thank you for giving us our children. Another chapter has finished, let's open another one together. Good job mahal, you did great."
Alex waits for his husband to wake up before seeing their twins, he keeps fidgeting while preparing his food, he won't leave his side, brushing his hair, playing with their fingers. He messaged their family and friends about the news.
Alex and Eli saw their twins for the first time together: one wrapped in a blue blanket and the other was wrapped in a pink blanket. They can't help but coo when the little one in pink yawn opens her eyes meeting them for the first time. Eli knows Alex is excited and nervous at the right moment. They talk about this every night on what they worry the most, "what if's" run through their head as a first time parent.
" Buhatin mo na mahal. "- Eli.
" Dinig ko yung mga palaisipan mo, hindi mo siya mabibitawan. Hinihintay ka rin niyang hawakan mo siya. "- Eli.
Marami pang bumabagabag sa kanyang isipan dahan-dahan kinuha ni alex ang anak. Yung laman ng tiyan ni eli ng siyam na buwan ay hawak-hawak na niya. " Hi little one. "
Kumurap-kurap lang ang sanggol na hawak niya at humikab muli ramdam ni alex ang mainit na pakiramdam sa kanyang puso mula sa ligaya at galak hindi man niya masabi kung gaano siya kasaya ngayon. Lumapit naman siya sa asawang nakangiting pinapanood sila ngayon.
" Mahal, ang ganda-ganda niya. "- Alex.
" Anong gusto mong ipangalan sa kanya?" -Eli.
" Hindi pala tayo nakapag lista kung ano dapat ipangalan sa kanila. "- Alex.
" Pwede naman tayong umisip ngayon, may naiisip ka bang pangalan, mahal?"-Eli. Hinahaplos niya ang pisngi ng anak na babae.
"Iniisip ko tutal siya ang unang nagmulat ng kanyang mata at unang nakakita ng mundo kung saan siya lalaki. Tulad ng isang bituin kung paano siya kakinang sa unang labas, bagay sakaniya ang pangalan na stella. " - Alex.
" Stella. " Mahinang banggit ni eli.
" Hawakan mo siya dapat makilala niya din kung kanino siya lumabas. "- Alex. Dahan-Dahan naman siyang inilipat ang bata sa kamay ng ama. Hindi man aminin ni eli ang nararamdaman na kaba pinatakan pa rin siya ng halik ni alex sa noo at hinagod ang likod nito.
" Pretty. " - Eli.
" Parang ikaw pretty. " - Alex.
" Tatay mo bolero may gusto nanaman yan. " - Eli
" Mahal, bawal bang sabihan kang maganda?" - Alex
" Hayaan mo lang yang tatay mo ganyan talaga siya kapag nagkamuwang kana maiintindihan mo rin si papa. " Nakangiting nakakalokong sabi ni eli. Pinanood lang nilang humikab ang batang karga-karga ngayon ni eli namumula pa ang pisngi nito.
Lumayo naman saglit sakanila si alex para kunin ang isa pang anak. Halos matunaw siya sa nakita ang isa pang anak kakatapos lang nitong humikab gumalaw-gumalaw pa ito ng bahagya. Mas lumiwanag ang mukha ni alex ng magtama ang mata nilang dalawa.
" Hi. "
Bati nito na akala mo anumang oras ay babati rin sakaniya pabalik ang sanggol na nakahiga.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito bago tuluyang binuhat, para siyang may buhat na manika kumikinang ang mga mata nito habang minamasdan ang paligid.
" Hello, pretty boy. "
Sa pag tawag niyang iyon ay ang sunod-sunod na pagkurap nito sa ama na parang sinusuri ang itsura nito. Nakita nito ang pagliwanag ng mukha nito na ikininainit ng kaniyang damdamin.
" Para kang nanalamin. " - Eli.
Para nga siyang nanalamin pero kuhang-kuha nito ang mata ni eli alam na alam kung kailan makikipagtitigan, kung kailan masasabi mong makuha ka sa isang tingin.
" Alam ko na papangalan sakaniya, mahal. " Titig na titig pa rin si alex sa anak na lalaki.
" Ano?" - Eli.
" Archer. " - Alex.
Malaking ngiti naman ang binigay ni eli sa asawa.
" Hindi mo ba itatanong bakit archer?" - Alex.
"Bakit?" - Eli.
Pinapanood lang ni eli ang asawa kung paano buhatin lalaki nilang anak.
" Kasi tulad mo makikita sa mata niya kung gaano siya magiging matatag at alam niya kung ano ang gusto niya. " - Alex.
Natawa naman si eli. " Mahal, wala pa ngang isang araw yang anak mo hinuhulaan mo na agad. Malay mo naman mas malambing pa sayo yan. "
" Ah, basta madaming magmamahal sakanilang dalawa kung anong ikinalambing ng mata ni stella siyang kabaligtaran ng mata ni archer. Kung anong ikinaamo ng mukha ni archer siyang kabaligtaran ni stella. " -Alex.
The couple gave their twins the name "Stella," first came out from his just as the new born star light up in the clear sky, they saw how beautiful she was, Stella glowed as the nurse held her up.
The second one to come out from him is "Archer" as he has a strong sharp and strong gaze. They were born in the middle of December, just like father, Alex, just like what their zodiac sign represents sagittarius in their star alignment
" Magbabago pa ang mukha nila mahal kalmahan mo na muna. " - Eli.
Natutuwa si eli kung paanong si alex ang nagpangalan sa kambal at kung paano niya ito iangkop sa kambal. Masaya na siya kung anong meron siya ngayon, kung paano nila bubuuin ang pamilya na dati lang pinaplano niya.
" Mahal, thank you. "
Nilingon naman niya ang asawang may nagbabadya na luha.
" Bakit ka umiiyak?" - Eli.
" Tears of joy, mahal. Sobrang saya ko hindi ko alam ano-ano na yung naghalo sa dibdib ko ang tagal natin hinintay to diba? Ang tagal kong hinintay to kasama ka, gabi-gabi lang ako nagpaplano non na makasama ka hanggang sa makabuob tayo ng sariling pamilya. " - Alex.
" Hay, mahal iyakin ka pa din daig mo pa yung mga anak natin. " - Eli.
Inabot ni eli ang pisngi ng asawa dahan-dahan itong pinunasan iniiwasan maistorbo ang anak na nakapikit sakaniyang bisig.
" Huwag na ikaw iiyak tinitignan ka ni archer oh nagtataka siguro siya bat umiiyak dada niya. Madami pa tayong pagdadaanan mahal mula sa pagiging asawa hanggang sa pagiging magulang madadagdagan man sila o hindi pupunuin natin sila ng pagmamahal na kaya natin ibigay magiging magkaagapay tayo sa lahat. " - Eli.
Pinisil naman ni eli ang baba niya at binigyan siya ng isang matamis na halik.
-
"Seryosong-seryoso ka sa panonood ng pagpupump ko ha. " Tukso ni eli sa asawa inabot niya ang bote ng gatas para kay archer. Mag-iisang buwan ang kambal, mag-iisang buwan na rin simula noong nagsimula ang pagiging magulang nila.
" Nagugulat pa din ako kung paano ka nakakapagproduce ng gatas. " - Alex.
" Baliw malamang kailangan kumain ng mga anak mo ano ka ba. " - Eli.
" Hindi ba masakit? " - Alex.
" Masakit kapag puno na sila kaya minsan nababasa yung damit ko diba, yung anak mo hoy. " Nginuso naman ni eli si archer na pinapanood ang ama makipagkwentuhan habang hawak pa din ang bote.
" Ibabalik pa ba natin sila doon?" -Eli
"Malaki naman tong kama kasya naman tayong apat. " - Alex
Hinaplos niya ang noo ng lalaking anak papunta sa buhok nito.
" Ang kapal ng buhok ni archer, mahal. " - Alex.
" Bakit nung baby ka ba kalbo ka?" - Eli.
" Hindi naman ganon ka kalbo, ikaw ba?" - Alex.
" May buhok naman daw ako. Nakuko mo ba sila kanina? May kalmot ang prinsesa oh. " Hinaplos ni eli ang kalmot sa may pisngi nito minsan nakikita na lang niya ang kalmot sa may ilong o kaya naman sa baba.
" Si stella kaninang binibilad tapos na,si archer naman umiiyak baka mamaya na lang ulit. " - Alex.
" Hala, why naman nagbeberat ang baby boy na ito? Ayaw mo pakuko kay dada? Okay naman kapag ako nagpuputol ng kuko mo ha, aguy. " - Eli.
" Ay nako mahal kapag yan biglang sumama sayo magsasabay pa sila ni stella. " - Alex.
" Madalas sayo sumasama si stella lalo na kapag hinehele, sumasama lang naman to sakin kapag gutom na. " Reklamo ni eli.
" Same lang naman sa batang to kopyang-kopya pati sa ugali partida isang buwan pa lang yan ha. " Pabiro namang kinurot ni alex ang batang hawak.
" Ako nanaman ipapaalala ko lang na anak mo din yang mga yan ha baka isisi mo sakin mga ugali niyan mas malakas pa toyo mo minsan sakin. "- Eli.
" Pero ang galing no mahal, si stella na hawig mo mas malapit sakin tapos si archer na hawig ko mas malapit sayo. " - Alex.
" Tapos si stella nakuha niya yung mata mo habang si archer nakuha niya yung akin. " - Eli
" Maganda yung pagkakagawa ng mga anak natin mahal, kailan yung susunod?" Pabirong tanong ni alex.
" Alam mo kung hindi ko lang hawak tong anak natin makukurot ka sakin. "- Eli
" Ayaw mo na ba? Okay na yung dalawa satin?" - Alex.
" Hindi naman sa ayaw pero kakaluwal lang nila siguro after 2 years? lagyan naman natin ng pagitan. Ikaw ba mahal ilan gusto mo?" - Eli
" Kung ilan gusto mo ikaw magdadala at magsisilang sakanila. Naalala mo noon mahal nung si riri pa lang anak natin masaya na tayo paano pa kayang andito na tong kambal. " - Alex.
" Hala nasaan pala si riri?" - Eli.
" Sa ilalim ng kama nakatulugan mo na siya kanina habang binebelly rub." - Alex
" Naunahan ko pa nga yata siyang makatulog. " - Eli.
" Binaba ko na lang siya kanina buti nga hindi siya gaano nagigising kapag umiiyak ang kambal eh. " - Alex.
" Lagi niyang binabantay ang dalawa kapag binababa natin sila alam niya na agad saan siya pwepwesto. " - Eli.
" Nacucurious pa nga siya kapag hawak ko sila nagtataka siguro saan galing ang dalawang tao na to at kung bakit wala na yung umbok sa tyan mo." - Alex.
"Siguro nga pero behave naman siya. " - Eli.
" Kinausap natin siya noong kabalik diba? Naiintindihan tayo ni riri lalo na hindi naman natin siya kinakalimutan. " - Alex.
Humikab naman si eli habang binaba ang damit, kinuha niya ang lampin inilagay sakaniyang balikat bago ipwesto doon si stella bago mahinang tapikin ang likod para makapagburp.
Sa scenario na iyon naramdaman nanaman ni alex ang mainit na kumakalat sakaniyang dibdib gusto niyang maluha sa sobrang saya sa nakikita hindi niya alam na aabot siya sa puntong ganto magiging ama ng magiging anak nila ni eli, hindi isa kundi kambal pa.
Nakapikit si eli habang patuloy lang sa pagtapik ng mahina maririnig mo din ang mahina nitong pagkanta ng pampatulog. Magulo ang buhok, makikita mo din ang itim sa ilalim ng kaniyang mata pero hindi mo makikita ang pagod o antok, hindi niya rin ito narinig magreklamo kung dati-rati maririnig mo siyang magdabog na bilang lamang sa daliri simula ng dumating ang kambal mas humaba pa lalo ang pasensya nito.
Kapag naging magulang ka mas magiging hands-on ka daw sabi nila, nakita niya iyon kay eli. Yung dating malalim na tulog ni eli ngayon mababaw na, yung antukin na eli noon konti na lang hindi na matulog iniisip nga ni alex kung hinihintay na lamang nito na umiyak ang mga anak para magmulat at tumayo sa kama. Kahit kapag pahinga na nila hindi siya magawang kalimutan ni eli nagpapalambing pa ito walang kumpas kung paano sila nagsimula hanggang ngayon ganoon pa rin kaya hindi niya pipiliin magsawa.
4:10
Bago sumikat ang araw nakita niya ang mapupungay na mata ni eli, walang bahid na reklamo, kung gaano kapresko ang itsura nito kung paano niya ito nakilala ganoon na ganoon pa rin. Wala man lang kunot noo siyang natanggap simula ng mag-umpisa lang bagong pahina sa buhay.
Sa oras na iyon muli nanamang nahulog si alex sa asawa at patuloy niya pa ring siyang mahuhulog sa isang taong alam niyang makakasama sa habang-buhay. Hawak-kamay at magkatuwang bumagyo man at umaraw.
-
6:15
Pagmulat ni eli wala na siyang nakitang katabi pinasadahan niya ng kamay ang bakanteng pwesto mainit pa ito kakabango lang ng kaniyang mag-ama.
mag-ama
Ang sarap pakinggan lalo na ngayong pwede na at masaya na silang dalawa ni alex. Kahit inaantok pa siya tumayo siya at kinuha ang mga lampin malapit sakanilang unan. Natawa siya ng makita niya ang sarili sa salamin damit lamang ni alex ang suot niya, magulo ang buhok at halatang kulang sa tulog isinabit naman niya sa magkabilang balikat ang mga lampin bago sumilip sa may balkonahe.
Halos manlambot siya ng makita ang kaniyang mag-aama. Si alex na nakapanjama lang walang pantaas habang hawak si stella na walang pantaas nakadiaper lamang ito, si archer na nasa stroller habang binabantayan ni riri. Pinapaarawan sila ni alex araw-araw kahit 5 mins lang, dahan-dahan siyang lumapit at sinandal ang pisngi sa kabilang balikat ni alex. Nginitian naman siya ng asawa bago hinalikan sa gilid ng noo.
" Good morning, mahal. " - Alex.
" Magandang umaga, dada. " - Eli.
Pinadaan naman ni eli ang hintuturo sa pisngi ng natutulog na stella.
" Pretty stella. " Kitang-kita kasi ang pamumula ng pisngi ng anak.
" Anong oras sila nagising? " - Eli
" Si stella 5:45, si archer kaninang 6 tapos kaninang 6:13 nagdesisyon na kaming lumabas si riri rin kailangan ng hangin. " - Alex.
Nilapitan naman ni eli ang stroller para masilip ang isa pang anak na nakapikit at hinaplos din ang pisngi. " Gwapo. "
Kasunod binigyan pansin naman niya si riri hinaplos ang balahibo nito. " Good job, riri. "
" Gagawa muna akong almusal, ops walang aangal ako muna ngayon. Para kapasok niyo kakain na tayo habang tulog ang kambal. " - Eli.
Palagi kasing umaangal si alex kapag may gagawin siyang gawaing bahay kaya naman niya siguro ayaw lang siyang mapagod ng asawa. Binigyan niya ng isang matamis na ngiti si alex bago pumasok napahawak naman siya sakaniyang dibdib kakaiba talaga ang pakiramdam kapag ganon ang nasasaksihan mo sa umaga.
Dumiretso naman siya sa kusina para ihanda ang gatas niya at kape ni alex simula kasi ng magbuntis siya hanggang sa nanganak iniiwasan niyang magkape. Naglabas din siya ng dalawang itlog, hotdog at tirang kanin kagabi magfrifried rice na lang siya para sakanilang dalawa. Nagsimula na siyang magluto ng marining niya ang pagsara ng pinto sa balkonahe at ang pagtakbo ni riri, hininaan naman niya ang stove para maihanda ang pagkain ng isa pa nilang anak panigurado pinupwesto pa ng asawa ang kambal sa mga higaan nila.
" Riri, come. " Agad naman itong sumunod sakaniya para mapakain. Siniguradi niyang may tubig ito bago bumalik sa pagluluto.
Naghapag na rin siya ng plato, kutsara at ang kanilang gatas at kape. Hinalo-halo niya lang ang fried rice at hinintay saglit ng may maramdaman siyang yumakap mula sakaniyang likod at dinampian siya ng halik sa leeg.
" Bango. " -Alex.
Pinatay niya muna ang niluluto bago humarap kay alex at yumakap rito naramdam niya ang paghaplos ni alex sa kaniyang likod.
" Mahal na mahal kita kung alam mo lang. " Bulong ni eli sa asawa.
" Soft hours, mahal? " -Alex.
" Uhum, kahit saglit lang. " - Eli.
" Mahal na mahal din kita binigay ka sakin at ngayon binigyan naman ako ng kambal, ano pa ba hihilingin ko. " - Alex.
" Ganito muna tayo saglit, please. "- Eli
" My original baby. " - Alex.
Naramdaman niya ang pagsway ng kanilang katawan, ang mahinang pagkanta ni alex sa isang pamilyar na tono pero hindi mawari ni eli alin sa mga laging pinapakinggan ng asawa.
Under the sunlight streaming in through their window, two bodies find solace in each other and find their way home. The same person, the same emotions, but a different chapter. The warmth they felt when they realized they had made it, they had already fulfilled their wishes and prayers while in college.
They knew it wouldn't be easy, that it would be a long journey as first-time parents, that there would be new experiences ahead of them, and that they would face them alongside the new additions to their lives.
Hinalikan ni alex ang tenga ni eli bago ibulong ang kinakanta. "My heart skips a beat when I hear you calling,and I like that it won't go away. "
It was the first song alex dedicated to him "fallen by lola amour." Eli can't help but blush everytime alex plays that song or whispers to him every lyric of it.
Hinila niya papalit ang asawa at hinawakan ang mukha bago pinatakan ng halik sa noo, mata, ilong, pisngi, baba at labi.
" I love you, I love you, I love you. " - Eli.
Hinalikan siyang muli ni alex tinapik lang niya ito bago pa lumalim.
" Kain na tayo bagi magising ang kambal. " - Eli.
" Mahal. " Tawag ni alex.
" hmm? " - Eli.
" Mahal kita ng sobra-sobra. " - Alex.
