Work Text:
Third week of August, 2022
Nasa bahay lamang si Justin ng araw na iyon dahil wala siyang lakad at wala rin silang i-fifilm for any of their sponsorship. They’re actually given a few days of rest dahil nalalapit na ang release ng kanilang bagong music video at ilang linggo na lang rin ay i-aanunsyo na nila ang kanilang world tour.
To say that he was nervous would be an understatement ngunit mas nangingibabaw ang excitement sa kaniya. Sa wakas ay makakapagperform na rin sila abroad dahil alam nilang lima na marami ring tumatangkilik sa kanila sa ibang panig ng mundo—in which they were so thankful for.
Umaga ng araw na iyon at kakatapos lamang nilang mag-almusal, nasa kwarto lang siya kachat ang nobyo niyang si Ken habang pinapanood magkulitan ang mga alaga nilang sina Kuro at Saoirse.
Ngunit agad siyang napatayo nang makitang nagsusuka si Saoirse, nasa likod nito si Kuro na tila ba nag-aalala rin.
Justin immediately walked towards his cat and checked if there’s anything wrong with her. Wala naman siyang ibang napansin pero parang mas tumaba ito. Saoirse also rubbed her head on Justin’s arm.
Aligaga niyang dinala sa kama si Saoirse, nakasunod naman sa kanila si Kuro. Inihiga niya ito at pahirapan pa siya para lang makita ang nipples ng kaniyang alaga.
Her nipples were a bit swollen and pinkish.
Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan si Ken.
Isang ring palang ay sinagot naman na nito ang kaniyang tawag. “`Ga? Bakit? Ka-chat lang kit—”
“Ken Suson!” he exclaimed that startled both of their cats. He petted their heads as a form of apology.
“B-Baby, bakit? Anong kasalanan ko?”
“Hindi ikaw! `Ga, buntis na yata si Saoirse!”
“Ha?”
“Magbihis ka, dadaanan kita d’yan. Pupunta tayong Vet now na,” anunsyo niya bago nagmamadaling lumabas ng kwarto niya. “Bihis ka na dapat pagdating ko d’yan!”
“Okay, okay. Calm down, Baby. Sige na magready ka na rin, ha? Ingat pagdadrive. I love you,” Ken said lovingly that made Justin stop and smile.
“Okay, Baby. See you.”
“See you, Langga.”
Nang mamatay ang tawag ay nagmamadali siyang bumaba sa hagdan.
“Ma! Pa! Diko! Si Saoirse at Kuro nakabuo na yata!”
---
“Is she pregnant? Or sick? Nagsusuka siya kanina eh,” nag-aalalang turan ni Justin habang chinecheck up ng Vet ni Saoirse ang kaniyang alaga. Katabi niya si Ken na buhat si Kuro.
The Veterinarian looked at them with a smile. “Don’t worry, Justin. Walang sakit si Saoirse. Buntis siya,” anunsyo nito bago tiningnan si Kuro. “Si Kuro ang daddy? Naku, napakagaling naman.”
Paranh nakahinga ng maluwag si Justin habang si Ken naman ay mahinang napatawa. “Ang tagal nagligawan ‘yang dalawa, Doc. Napakasuplada niyang si Sershing,” biro ni Ken.
The Vet also chuckled. “Matyaga ang Kuro, ano? Congrats sa inyo! In two months, manganganak na si Saoirse. Kapag nakita niyong nagtatago or naglalagay ng clothes sa bed niya, let her be. She’s nesting. Puwede naman kayo na ang gumawa ng nest niya but just make sure na sa place na hindi siya madalas makikita, ha?” paalala nito bago iabot sa kaniya si Saoirse.
Justin nodded his head and mentally noted everything that the veterinarian told him while putting Saoirse in her cat carrier. Maging si Ken ay matamang nakikinig dito habang inilalagay rin si Kuro sa cat carrier nito.
Nang makalabas sila sa clinic ay saka siya napabuntong hininga. Ken looked around before he held Justin’s hand. “Kalma ka na, `Ga?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya.
Justin nodded his head and gave the older a smile. “Sorry, `Ga. Nataranta lang talaga ako noong nakita kong nagsuka si Saoirse.”
Nginitian rin siya nito bago siya hinila para maglakad na. “Intindi ko, don’t worry. Bili muna tayo vitamin at more food ni Sershing, nabasa ko kasi na mas tatakaw siya kasi preggy na,” sabi nito habang naglalakad papunta sa katabing pet shop.
Justin’s smiled fondly while looking at the back of Ken’s head. “Nag-Google ka?”
“Mhm. Of course. Nagworry rin ako kasi. At saka para alam ko rin ano possible mangyari,” tugon nito sa kaniya bago siya nilingon. “Average daw na ipanganak on ng first-time mommy cats is two to three kittens, baby.”
“Really? Pero sana more than that.”
Ken chuckled as he opened the glass door of the pet shop bago siya pinaunang makapasok. “Chinat ko nga sina Bea nab aka buntis na si Sershing. Aba, wala pang kuting eh nanghihingi na,” tatawa-tawang pagkukwento nito.
Justin also chuckled while they’re walking towards the cat food aisle. “Panigurado kapag nalaman ni Stell baka manghingi rin ‘yon.”
“For sure,” Ken said. Binitawan nito ang kamay niya bago ito pumunta sa kaniyang likod at yumuko. “Magiging mommy na ang Sershing namin na ‘yan… hindi na ikaw ang baby.”
The both of them burst out laughing nang tila sagutin ito ni Saoirse dahil sa lakas ng ngiyaw nito.
They took all the goods that might (and might not be) needed for Saoirse’s pregnancy. Kung anu-anong plushie rin ang pinagkukuha ni Ken para raw sa bed ni Saoirse. Kahit ang mga kuting na wala pa naman ay binilhan rin nito ng laruan at kung hindi pa niya inawat ang nobyo ay baka nasuyod nito ang buong pet shop.
So they got in Justin’s car with 30% of what Saoirse might need and 70% “malay mo magamit”.
Habang nagmamaneho si Justin pauwi ay kalong ni Ken ang dalawa nilang pusa habang nagkakakanta ito sa passenger seat. That kind of scene had been so normal for him already and at the same time, he knew it will be one of his favorites.
“Jah, may ask ako.”
Saglit na napalingon si Justin sa kaniyang nobyo nang magsalita ito bago muling ituon ang atensyon sa daan. “Yes po?”
“Sa condo muna kayo sleep, puwede? Mahihirapan na magbyahe si Saoirse, mamimiss ko ‘to,” pagdadahilan ni Ken bago tinitigang mabuti si Justin. “Please?”
Justin couldn’t help but smile and glance at Ken again. Sabi na nga ba niya, nakapout ito. “Of course. Chat mo si Mama, ipagpaalam mo kami.”
“Okay, ito na! Nanginginig pa,” turan ni Ken bago binitawan si Kuro at kuhanin ang cellphone mula sa bag nito. Justin was smiling while driving all the way to Ken’s condo. “Oh payag si Tita,” the older said to inform Justin.
Napailing na lamang siya habang nangingiti. But his smile faltered when he remembered something. “Oh no.”
Kunot noong nilingon ni Ken si Justin. “Bakit? Anong problema?”
Justin didn’t say anything until he parked his car on the basement parking of the condominium building where Ken was staying. Lalo tuloy itong kinabahan.
Nang mamatay ang makita ay saka niya nilingon ang nobyo. “Ken, two months nagbubuntis ang cats.”
“I know, and?”
“Langga, wala tayo dito kapag manganak si Saoirse,” Justin said in horror, namimilog rin ang mata niya bago inabot si Saoirse na payapang nakahiga sa hita ni Ken. “Oh no… estimatedly October siya manganganak nasa ibang panig tayo ng mundo niyan.”
Saglit na natulala si Ken sa kaniya habang iniisip marahil kung saan silang bansa sa buwang iyon. “Gagi, hindi tayo makakasaglit ng uwi kasi feeling ko nasa US tayo niyan.”
Justin pouted his lips and looked at Ken with pleading eyes. “No… my baby…”
The older looked at him softly and leaned forward to hug him. “Don’t worry na ha? Panigurado namang babantayan siya nina Tita. Iiwan ko rin si Kuro sa inyo,” the older said and turned to his own cat. “Ikaw, Kuro-chan. Alagaan mo si Sershing habang wala kami ni Dada Jah, okay?” bilin nito kay Kuro na akala mo talaga ay maiintindihan ito.
Justin finally giggled before he sighed. “Either way, excited na ako for the kittens.”
“Ako rin, `Ga. Sana kamukha ni Kuro.”
“Aba malahian man lang ni Saoirse!”
“Sana six kittens para tig-three.”
---
Second week of October, 2022
Kakababa lamang ng eroplanong sinakyan nila papuntang Davao at kakasakay lamang nila sa van papunta sa hotel na kanilang tutuluyan para sa Davao leg ng kanilang WYAT Tour. They all feel sleepy that’s why Justin was slightly dozing off throughout the ride.
Kaya’t halos mapatalon siya sa tabi ni Ken nang biglang magvibrate ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa.
“Okay ka lang, `Ga?” pupungas-pungas rin at nag-aalalang tanong ni Ken dahil nakaidlip na rin pala ito.
Justin just nodded his head and fished his phone from his pocket. “Nagvivideo call si Mama,” bulong niyang sabi kay Ken. He looked at the older first before he answered the video call. “Ma? Bakit po? Nasa van palang kami.”
“Nanganak na si Sersha!”
Lahat ng kamiyembro niya ay biglang bumalikwas at lumingon kay Justin at Ken na nakaupo sa pinakalikuran ng van. Justin’s eyes widened when he heard what his mother said. “Nanganak na? Mama nasaan? Ilan kittens? Mama patingin po please, please…”
Justin’s mother was laughing as she changed the camera setting of the call. Nang malipat sa back camera ang video call ay halos matunaw si Justin sa nakita.
Saoirse was grooming her kittens while Kuro was outside her nest and looking at her and their kittens. “Tita! Puro Kuro ‘yan!” Ken exclaimed happily making Justin chuckle.
“Kaya nga eh, tatlong Kuro dalawang Saoirse. Ang cucute!” His mother said and zoomed in the camera to show the kittens even more.
“Tita Gemma pakontrata na agad ako ng isa!” biglang sigaw ni Stell na nasa unahan ng van dahilan para magtawanan sila.
“`Ga tingnan mo si Kuro oh, bantay na bantay, akala mo naman talaga,” Ken whispered while giggling.
“Aba, ni hindi umalis ‘yan d’yan habang nanganganak si Saoirse. Good boy talaga si Kuro,” biglang singit ng kapatid ni Justin na si Julian sa usapan.
Saglit pa silang nakipag-usap sa mga ito, but Justin and Ken couldn’t help but just stare at the kittens on the screen. Matagal na nilang napagdesisyunan ang pangalan ng magiging mga kuting ng dalawa kaya’t alam na rin ng kaniyang ina ang ipapangalan sa mga ito.
Nang magpaalam ang ina ni Justin ay nakangiti niyang pinatay ang tawag bago idinantay ang kaniyang ulo sa balikat ni Ken. “Hindi na sila baby, `Ga.”
“Hmm… baby pa rin natin. May mga baby na nga lang na kanila.”
“Excited na akong umuwi. ‘Di ba uwi muna tayo bago mag-overseas?”
“Sama ako sa’yo pauwi sa inyo. Gusto ko makita mga apo ko.”
Justin giggled and hit Ken’s thigh lightly. “Makaapo ka naman.”
“Lolo ka na rin, Jah.”
“Ikaw rin, Lolo ka na.”
“Pogi naman nating mga Lolo kung gano’n.”
“I know right.”
