Work Text:
Chanyeol used to say na natutuwa siya sa tuwing nagigising siya, because Baekhyun has this habit of singing softly as he prepares for the morning.
What Baekhyun likes in the morning is this little routine that Chanyeol does kapag nauuna siyang magising kay Baekhyun. There are times na magpapanggap lang si Baekhyun na tulog pa at ayaw bumangon just because he knows that Chanyeol will just give him a tight hug, a really tight one, kapag ayaw pa bumangon ni Baekhyun bago siya tatayo at mag-aayos para sa umaga niya, also softly singing a song that Baekhyun was humming last night.
It’s always nice to wake up that way.
Parang laging tama ang simula ng araw niya.
Ganun na ganun ang gising niya ngayong umaga. Nang tumunog ang alarm ni Baekhyun at hindi siya bumangon, it was Chanyeol who woke up first and called his name softly. Nag-iwan pa ito ng halik sa pisngi niya, but Baekhyun didn’t want to open his eyes just yet. May hinihintay pa siya eh.
“Baekhyun,” mahinang pagsabi ni Chanyeol sa pangalan niya at nag-iwan ulit ng halik sa pisngi. “Ayaw pa?”
Hindi sumagot si Baekhyun. He just lightly kicked his feet para mag-inarte na ayaw niya pa bumangon at nanatiling nakapikit. He was facing the other side, away from Chanyeol kaya hindi niya nakita ang maliit na ngiti, obviously fond of him.
“Okay, ayaw pa,” natatawang sabi ni Chanyeol.
At dumating na ang hinihintay niya—ang yakap. Chanyeol hugged him from the back and left light kisses on his cheeks, neck, and even by his shoulders, kahit saan basta nag-iiwan lang ito ng mga halik, bago siya bumalik sa pagyakap ng mahigpit sa kanya.
“Bakit mas late ka nakatulog sa akin kagabi?” bulong nito. “Ayan tuloy, antok na antok ka pa…”
When he heard his question, saka siya napadilat at naalala ang dahilan kung bakit tamad na tamad siya bumangon ngayon. Agad siyang napaupo at kinuha ang dahilan ng pagkapuyat niya mula sa drawer nila. Ni hindi na niya binigyan pansin ang napakagulo niyang buhok, pati ang nagtatakang (and yet also found na) tingin ni Chanyeol.
Nang makita niya na ito, napangiti siya at saka agad na inabot kay Chanyeol. Wala nang surprise, surprise. He wants to give it first thing in the morning.
“For you,” sabi niya at saka inabot ang pinaghirapan niyang gawin nitong mga nakaraang linggo. “Happy Valentine’s Day.”
Maingat na kinuha ni Chanyeol ang binigay niya. There’s this small smile on his face habang tinitignan ang binigay niya.
It’s a puppy amigurumi keychain.
“Thank you. Ang cute naman,” sabi ni Chanyeol, and when Chanyeol gave him a kiss, he felt rewarded for his hard work. “Ikaw gumawa nito?”
Kinusot ni Baekhyun ang mata niya bago sumagot. “Yeah. I thought of giving you one kasi… cute. Pwede mo isabit sa bag mo, and I know you like those.”
“I do. I really, really do, and mas lalo na ito kasi ginawa mo eh.”
Baekhyun giggled. “I was going to give you those… crocheted flowers? ‘Yung bouquet na nauuso ngayon, but I wasn’t sure if you’d like it since ididisplay lang din siya dito. I’m glad I went with this though. I felt proud when I did it.”
Nagbigay ulit ng halik si Chanyeol sa pisngi niya. There’s that smile he loves so much on his face. “I would’ve still loved it if you gave me the flowers. Dadalhin ko pa rin ‘yun kahit saan kung gusto mo eh.”
Pinanliitan siya ng mata ni Baekhyun. “You wouldn’t.”
“You’ll never know,” aliw na sabi ni Chanyeol. “But you didn’t have to give me something… just some time with you is enough for me.”
“But you like receiving gifts, so… I decided to make one.”
“How did you even hide it from me? Bumili ka pa ng gamit pang-crochet nyan, pero hindi ko man lang nakita.”
“Let’s just say I’m good at hiding,” sabi ni Baekhyun at nakuha pang kumindat, to which Chanyeol just rolled his eyes at. “Or maybe I just stay up really late para lang gawin siya.”
Chanyeol sighed. “You didn’t have to. I know you’ve been busy… mas okay makapagpahinga ka. But still, thank you. I love it so much.”
“That’s all I wanted to know.”
Niyakap niya ulit si Chanyeol at agad naman siya hinalikan ni Chanyeol sa bumbunan. Napangiti naman si Baekhyun dahil doon and snuggled even closer to him. Napapout lang siya nang biglang lumayo ng kaunti si Chanyeol sa kanya.
“May kukunin lang ako, ito naman,” natatawang sabi ni Chanyeol at hinalikan siya kaya sige, pagbigyan na. Okay na. Tinignan niya lang na may kunin si Chanyeol mula sa ilalim ng unan niya. “I know you said you don’t want a gift, but as much as I love receiving gifts, I also like giving them, so…”
Pinakita ni Chanyeol ang gift niya at saka agad na sinuot sa may ring finger niya. Baekhyun could only stare at it in wonder.
“I know you said na ayaw mo ng ring unless it’s the one for the wedding, but I just… wanted to give you something. Sorry if it took a while and ngayon ko lang nabigay. It’s also handmade, by the way,” sabi ni Chanyeol. “I just… stumbled upon a random YouTube video and they were doing some things with the beads, so I got curious and… ayan. Saktong naghahanap ako ng idea for a ring that’s quite unique. It’s really simple, I know, but—”
“I love it,” sabi ni Baekhyun at tinitigan ito. “I can’t believe you did this.”
Sobrang simple lang ng singsing na ito, but he is curious kung paano siya ginawa, considering na hindi naman ito ‘yung usual na maglalagay lang ng beads and then tie it, the same ng ginagawa niya noong bata siya. May dalawang parang layer ito. He used small black beads, pero may nasa gitna na mas malaki lang ng kaunti na kulay gold. It’s a very simple and still stylish ring and Baekhyun loves it a lot.
Curious as ever, he asks, with an eyebrow raised, “At saan mo naman ‘to ginawa? I never saw you do something here.”
Chanyeol giggled. “Sa faculty ako gumawa. It took me a few tries since… hindi ko rin naman magawa lagi and I always somehow end up repeating it at hindi ako mapakali sa design. I want it to be the right size and design, tipong hindi ka naman mabobother kapag suot siya. Madali lang naman siya, but… I wanted it to be perfect, okay? With the right materials and all para siguradong hindi mag-fade ‘yung kulay. Nakita pa ako ng ibang profs habang ginagawa, pati students ko. They liked the idea. Some said nabigyan ko rin sila idea sa kung ano bibigay for today. I think I’m going to expect na marami sa kanila ang may ibibigay na ganito today.”
Ang cute isipin ni Chanyeol na gumagawa ng singsing sa may faculty room nila. Sobrang focused habang sinasabayan ang pinapanood na tutorial sa YouTube. He can already imagine it, lalo na since ilang beses naman na niya nakikitang ganun si Chanyeol, and every time he sees it, he can only think of how endearing he is. There was even this one time, sobrang seryoso pa nitong nagbabalot ng regalo sa bahay, and he just knows na ganun din ang itsura niya habang ginagawa ito, with the same focus and effort.
“Thank you,” Baekhyun said softly, and this time, he’s the one who initiated the kiss. “I love it. I love you. ”
Chanyeol giggled again because of that. Nanggigil niyang niyakap si Baekhyun at natawa lang siya dahil doon.
“As much as I want to just cuddle the whole day, unfortunately, pareho tayong may pasok.”
Baekhyun pouts. “Hadlang…”
Chanyeol laughs at that and gives him one more kiss bago siya tumayo mula sa pwesto niya. “Tara na.”
Kahit ayaw pa niya bumangon, hinawakan ni Chanyeol ang kamay niya at hinatak patayo which gave him no choice but to move and get ready for another day at work.
When Baekhyun was about to call Chanyeol for breakfast, nakita niya ang nobyo na isinabit ang binigay niyang keychain sa may bag niya. He saw how he stared at it with a small smile and so much love in his eyes.
Baekhyun felt proud of himself kasi nagawa niyang mapasaya si Chanyeol ng ganito.
Wala nang ibang nagawa si Baekhyun kundi ang ngumiti at lumapit sa kanya para bigyan siya ng isang napakahigpit na yakap.
