Work Text:
"Hays..." malalim na paghinga ang inilabas ni Junhui kakatapak niya pa lamang ng paa niya palabas ng bahay nila.
Bibisita kasi ang mga kaibigan niya bago sila pumasok sa university. Ngunit, hindi naman sila ang dahilan kaya napahinga nang malalim si Junhui.
May quiz kasi sila sa isang major at wala pa sa kalahati ang kaniyang nare-review. Palibhasa inatake ito ng kalungkutan kagabi kaya nawalan ito nang paki sa lahat.
"Lintik, wala akong dalang phone." ani niya sabay tingin sa reviewer niya.
Mas pinili niya kasing dalhin ang reviewer niya kesa sa cellphone niya, ayun tuloy, hindi niya alam kung nasaan na ang dalawang kaibigan.
Luminga-linga ito sa mga sasakyan na dumadaan, nagbabakasakaling isa sa mga jeep na dumadaan ang magluluwal sa mga kaibigan niya.
Ilang minuto ang lumipas at may natatanaw siyang dalawang nilalang na pamilyar ang lakad.
Sinalubong niya ito nang lakad at binugaran ng, "Saan ba kayo galing?"
"Ang tagal kasi kami suklian ng driver." ani Jeonghan.
"Sumakay kami sa e-jeep." sagot ni Cheol at nagtuloy-tuloy na ang kwentuhan nila hanggang sa makarating sila sa bahay ni Junhui.
Si Cheol at Han ang unang dalawa sa walo niyang kaibigan na pupunta sa bahay niya ngayon. Ang iba ay papunta pa lang at ang iba ay ayaw mag-reply.
Expected na ni Junhui na hindi na siya makakapag-review once na dumating na ang mga kaibigan, kaya magaling ang technique niya na mag-review nang konti bago sila dumating.
Onti-unti nang nagsisipasundo ang mga kaibigan niya. Mula kay Vernon na sinundan ni Minghao na mukhang naligaw na bata n'ung nakita niya sa tawid at si Woozi na nakipag-ikutan pa kila Junhui at Minghao bago nila makita ito.
Sila na munang anim ang nasa sala ng bahay ni Junhui ang nagchichismisan ngayon. Hindi kasi nagre-reply ang tatlo pa nilang kaibigan.
Napagkwentuhan na rin nila ang chismis na nasagap ni Cheol kagabi at oras na para mag-review na silang tunay.
Nginig kasi sa bone marrow ang major nilang iyon kaya ito silang anim nagpapanggap na nagre-review para sa ekonomiya ng bansa at para sa score nila mamaya.
Kaso Junhui being Junhui, distracted sa paligid. One thing na makakatuwid ng utak niya ay ang chocolate chips cookie from 7-11 na binibili niya kapag nasa crisis ang buhay niya.
But the thing is wala namang gan'on sa dalawang 7-11 na malapit sa bahay niya at nakakabili lang siya n'un kapag nasa university siya.
Wala tuloy choice si Junhui kundi magpalamon sa distraction. Nagpunta ito sa Instagram at du'n nilibang ang sarili. Sa totoo lang, susundin niya na lang talaga ang sarili niya na mag-review na lamang mamaya kapag nasa unibersidad na sila.
Dahil nasa Instagram na siya, nilubos na niya na iparating ang nararamdamang limbay towards choco chips cookie thru IG notes.
'CHOCO CHIPS COOKIE ME WANT 😤'
After niya itong i-post, agad niyang pinatay ang phone para ibaling na ang atensyon nito sa kaniyang reviewer.
Lumipas ang mga minuto, ang review ay naging chismisan na naman. Dumating na ang isa pa nilang kaibigan na si Joshua na sumulpot na lang bigla sa pintuan nila.
Ito rin ang dahilan para tignan ni Junhui ang phone, nagbabakasakaling nag-chat na ang dalawa pa nilang kaibigan. Ngunit, walang bakas nila pero may bakas ng iba.
Halos mabato si Junhui n'ung makitang nag-chat si Wonwoo.
Ang dati niyang kaharutan. Ang daylight niya. Ang ultimate crush niya. Ang TOTGA niya. Ang baby, baby, you're my sun and moon niya.
"Anong address mo?"
Basa ni Junhui sa notification na galing kay Wonwoo. Hindi niya pa binubuksan ang chat at iniisip niya pa kung magre-reply siya.
Habang iniisip ang desisyon niya, hindi na niya namalayan na nakapag-send na siya ng sagot.
"Ano muna ang bago mong address?"
Nagulat naman si Junhui dahil sa nangyari pero mas nagulat ito n'ung sinabi nga ni Wonwoo ang bago niyang address at contact number.
"Sinama ko na pati number para magtiwala ka."
"Hirap akong magtiwala sa tao, Wonwoo. Ayusin mo ang mga balak mo sa buhay." sagot ni Junhui at kasunod nito ang address niya.
Ewan niya, tanga ba siya? Tanga siya, alam niya 'yun kasi padalos-dalos siya sa mga desisyon niya. Hindi niya rin talaga alam bakit nagtiwala siya at binigay niya ang bago niyang address.
Napailing na lang si Junhui at itinabi na ulit ang telepono.
Isang oras ang lumipas at dumating na rin ang dalawa pa nilang kaibigan. Katulad ni Joshua parang kabuteng sumulpot lang sina Dokyeom at Seungkwan.
Kumpleto na ang magbabarkada. Papasok na lang sila ngunit ang inner demons nila ay umaatake naman.
"Magpa-late na lang tayo, manonood lang naman tayo sa quizbee ni Mingyu tapos Soonyoung. Pwede raw ma-late sabi nila." ani Jihoon.
Nagkibit-balikat sila pero agree sila sa sinabi ni Jihoon. Kung tutuusin hindi talaga nila alam bakit need nila manood sa laban ng dalawa, maski ang dalawa ay napagtripan lamang ng prof nila mula isang minor subject nila na sumali sa quizbee.
Pero kahit na gusto nila magpa-late, pipilitin pa rin naman nila na makapunta nang sakto.
"Mama! Si kuya Junhui!? kuya Jun?!" rinig na sigaw nila Junhui kasabay nang mabibigat na tapak papasok sa bahay nila.
"Chan! Nandidito pa ako, bakit ba?" salubong ni Junhui sa kapatid.
"Kuya, 'yung parcel mo. Inabot ng driver now, bayad na 'yan." ani Chan sabay abot ng paper bag sa kapatid.
Si Junhui naman ay nakakunot ang noo dahil alam niya sa sarili niya na hindi siya um-order. Nagtataka man pinilit niya na lang ipakita na galing talaga iyon sa kaniya at in-order niya ito para sa sarili para hindi magtaka ang kapatid.
"Oo, bayad na ito. Thank you sa pagkuha." ani Junhui sabay tingin sa mga kaibigan na nag-aayos na. Mag-aayos na rin siya.
(●´∀`●)
"Hindi naman pala tayo late." bungad ni Junhui sabay upo sa upuan na pina-reserved nila Mingyu.
Dahil hindi pa nagsisimula, inilabas na ulit ni Junhui ang reviewer niya at inilapag naman ang paper bag kanina.
Dinala niya ang parcel na inabot sa kaniya ng kapatid niya. Ayaw niya naman iwan kasi baka buksan pa nila sa bahay niya.
"Ano ba kasi laman niyan?" ani Joshua na nakayingin sa paper bag.
"Hindi ko alam."
"Paanong hindi mo alam? Ikaw nag-order niyan."
"Alam mo namang hindi ako makaka-order sa lagay natin 'di ba?" ani Junhui sabay tingin kay Joshia na naging sanhi para makapag-eye-to-eye contact sila.
"Kung hindi ikaw, sino?" sabay ng pagtapos ng sentence ni Joshua ang pagputol ng tingin ni Junhui.
Napakunot naman ng noo si Joshua dahil dito at biglang nanlaki ang mata.
"Don't tell me siya ang nagpadala niyan."
"Edi hindi ko sasabihin." sagot ni Junhui na naging dahilan para muntik na tumalsik ang reviewer niya dahil hinampas siya nito.
"Paano naman?"
Sasagot na sana si Junhui nang biglang mag-salita ang MC.
"Mako-confirm ko lang talaga 'yan kapag binuksan ko ito mamaya." huling mantra ni Junhui bago makinig sa MC. Mabuti na lamang at tapos na siya mag-review, makakapanood siya ng laban nang maayos at walang ipinag-aalala.
(〜^∇^)〜
"Congrats sa inyong dalawa!!" bati ni Junhui kila Soonyoung na pumunta na sa pwesto nila pagtapos hindi makapasok sa finals.
Binati rin ng iba niya pang kaklase ang dalawa at malaki naman ang ngiti ng dalawa dahil dito.
"Huy, pwede na tayo umalis. Balik na tayo may quiz pa tayo." ani Mingyu pagkatapos mag-pose sa phone ni Junhui.
Him being a proud bestie. Hindi siya papayag na wala siyang picture ni Soonyoung at Mingyu ngayong araw.
Nagsialisan na ang block ni Junhui at marami ang nagmamadali na bumalik sa building nila, hahabol sa review.
Si Junhui naman mabagal ang lakad na naging dahilan para hilain siya ni Joshua nang mabilis hanggang sa makahanap sila ng lamesa na may upuan.
"Bakit?" sabi ni Junhui habang nakatingin kay Joshua. Si Joshua naman ayun, nakatingin sa paper bag na hawak niya.
Alam na ni Junhui ito.
Agad na ipinatong ni Junhui ang paper bag. Kinuha ang box na nasa loob na may ribbon pa at letter.
Nagtinginan ang dalawa. Agad na kinuha ni Junhui ang letter, mahigpit niya itong hinawakan bago ituloy ang pagbukas ng box.
Tinanggal niya ang ribbon at onti-unti niyang inangat ang takip. Halos magliwanag ang mata ni Junhui sa nakita.
Assorted dessert ang laman nito ngunit hindi lamang dessert ang ito para kay Junhui, ito ang mga favourite niyang dessert including ang chocolate chip cookie niya.
"Alam na alam niya ang kahinaan mo." ani Joshua. Napalingon naman si Junhui sa kaibigan, busy si Junhui mag-picture sa natanggap na box.
"Alam na alam." sagot niya sabay balik ng balot, babalik na sila sa building.
Habang pabalik sila, du'n lang napansin ni Junhui ang letter na hawak niya pa rin hanggang ngayon.
I want you to eat these sweets with gusto. Eat these with your friends. Choco chips cookies are only for you, Hui.
- Woo :)
"Nandidito na tayo sa room. Ayusin mo, baka mangatog pa ang tuhod mo." saway ni Joshua bago siya unahan sa pagpasok.
Sumunod naman si Junhui at umupo sa kaniyang upuan. Agad na nilabas ang pagkain na bigay ni Wonwoo pero agad niya rin naman kinuha ang tatlong choco chips cookies niya.
Sumusunod lang siya sa utos.
'thank you :)'
Basa ni Junhui sa caption niya sa IG story niya bago niya ito i-post.
Tatlong minuto pa lang ang lumipas biglang may lumabas na notification mula sa IG niya.
dbluooo liked your story.
dbluooo replied to your story.
Pinindot naman ito ni Junhui na mas mabilis pa sa alas kwatro.
"You don't have to say thank you, just date me again para makabawi ka. You made me bake a box of desserts."
Napakunot naman ng noo si Junhui sa nabasa, kaya pinindot niya ang voice mail button para marinig ni Wonwoo ang boses niya.
"Kapal naman ng apog mo, ako pa sinisi mo ha. Sige, akala mo hindi ako papalag sayo." ani Junhui sabay send. Napagtinginan tuloy siya ng mga kaibigan niya sa sobrang ingay ng bunganga niya.
May notification na naman na lumabas at galing na naman ito sa IG.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Sunduin kita riyan mamaya. Bawal pumalag. Go eat your food first then review. Good luck. Don't reply na"
Mabaliw-baliw na kinagat ni Junhui ang choco chips cookie niya dahil sa nabasa. Sino ba nagsabing mag-bake siya? Sino rin nagsabing pumayag siya na magpasundo?
Nauulol man, wala nang nagawa si Junhui kundi hintayin na lang na matapos ang klase niya para masundo siya ni Wonwoo. Maganda na rin ito para para makapag-usap sila ulit at makapagliwanagan sa nangyari noon.
Gabayan sana ng mabuting anghel si Junhui mamaya.
