Actions

Work Header

BINHI

Summary:

Katulad ng binhi na unti unting lumalago pagkatapos ng malakas na ulan, ito ay kwento ng pagkakaibigan na nabuo sa di inaasahang panahon.

Notes:

- Ang maikling kwento na ito ay nakasulat sa salitang Filipino.
- not proofread
_ Bukas sa mga komento.
_ maraming salamat!

Chapter 1: Ang Binhi

Chapter Text

POV NI JUSTIN

 

Kung tatanungin mo ako kung kailan at paano ko nakilala si Paulo.

Kayang kaya ko parin ikwento iyon na para bang nangyari lang ito kahapon.

Tandang tanda ko pa kung paano niya hinawi yung mala "wowie" niyang buhok sa tuwing natatakpan nito ang nagniningning niyang mga mata.

Tandang tanda ko pa kung paano siya kumaway at ngumiti sa mga studyante pagkatapos ng talumpati niya.

At tandang tanda ko pa kung paano niya mabudol ang buong school nung kinanta niya habang naggigitara ang "Just the way you are" ni Bruno Mars dahilan para manalo siya bilang Presidente ng student council namin.

Ano ang reaksyon ko?

Hindi maganda sa pakiramdam.

Nakakainis na yung pinaghirapan mong reputasyon at credentials sa school, mababalewala lang dahi ginusto ng mga tao ang isang transferee na tulad niya.

Ano bang meron sa kanya na wala ako?

Hindi ko sinasabing hindi siya karapat dapat sa posisyong iyon. Pero buhat noon, mainit na ang dugo ko sa kanya.

Yung binhi ng inis hindi ko namamalayan na naitanim ko sa loob loob ko, ay unti unting lumaki at yumabong.

Madalas kaming magkita sa mga events at school projects. Bilang ako ang representative ng block namin at siya naman ang sa kanila. Palagi kaming nagkakalaban. Madalas kaming magkabanggaan. Pero pagkatapos nun, ngingitian niya lang ako at sasabihing

”Nice one, Sir Jah.". Edi lalong nakakainis!

 

"Bakit Sir Jah?" tanong ko dati.

Mukha daw kasi akong striktong profesor noon. Ang tipid ngumiti, at parang laging nagaabang ng magagawa niyang mali.

Ang pagkikita namin sa UNiversity, masasbi kong dala ng mga responsibilidad ng isang mag-aaral. Pero anf mga palagiang pagtatago ng aming landas sa labas ng Uni ay hindi ko inaasahan.

Ang mga palagiang pagkikita namin sa Ministop sa saktong oras at araw. Sa mga panahon pa na kailangan ko ng makakausap, para siyang kabute na bigla na lang lilitaw.

 

Ewan.

Kagaya ng mainit na panahon na tumutunaw sa ice cream na madalas naming binibili dun, unti unti niyang tinutunaw ang binhing iyon.

Sa una ay okay lang, pero sa paglipas ng panahon…

Diko namamalayan na…

sa mga ngiti niya…

mga ligaw na tingin…

mga simpleng tapik sa braso…

mga salitang "Kamusta ka Sir Jah?"

may bagong binhing tumutubo at lumalago sa puso ko…