Chapter Text
Ramdam na ramdam ng mga estudyante ang tension sa ere. Araw ng pakikibaka tutol sa pagiging bayani ni Marcos. Iisa ang ekpresyon ng kanilang mukha, galit.
“Guys,” sigaw ng isang estudyante, “don’t forget to download the Marcos not a hero app!”
Agad na nilingon ni Jeonghan ang atenista niyang kaibigan na si Kun. Six footer, maputi, ubod ng yaman, pero mabait at saksakan ng gwapo at malakas ang dating. Kung hindi dahil sa Fil 40, hindi magtatagpo ang landas ni Jeonghan at Kun. Hindi ‘rin mapapadpad si Jeonghan sa Ateneo para sa isang pagtitipon.
Last year nang magkakilala sila, huling taon ‘rin ‘yon ni Kun bilang isang isko. Ngayon isa na siyang ganap na Atenista sa kursong Business managament.
“Putangina, may app?” saad ni Jeonghan sa kaibigan. Ilang rally na ‘rin ang nasalihan ni Jeonghan, ni-isa ay walang app. At napaka organized ng rally na ito, kung maligaw ka nga ay hindi mo aakalain na nasa isa kang pag-titipon, akala mo isang normal na university week lamang.
“Yeah.”
“Para saan?”
Bago pa makasagot si Kun ay naunahan na siya ng isang boses galing sa megaphone, “So that we can sync our pakikibaka together.” pag papatuloy ng babae.
Hindi napigilan ni Jeonghan ang ngumisi, Tangina lupet naman dito.
“Gago pare, wala akong data eh. Makikibasa na lang ako sa’yo.”
Tumango si Kun. May pinapasa-pasang tubig, putangina Evian. Pati tubig nila mamahalin…Baka mamaya may pa-giveaway pa sila.
Isang boses ang nangingibabaw, galing sa isang megaphone, at nabalik sa realidad si Jeonghan. “Okay guys so we’ll march from gate 3 and our first stop, oh my god it’s at La Creperie!”
Maraming reaksyon ang nangaling sa paligid ni Jeonghan, bilang isang chismoso na enganyo ang tenga niya sa usapan ng dalawang lalaki na nasa likuran niya.
“Uy oh my god did you know their coffee is from yardstick?”
“What? Single origin?”
“Yeah single origin beans man, grabe.”
“Cold brew?”
“Cold brew!”
“Macchiato?”
“Macchiato!”
“After our first stop sa La Creperie, we will eat some galettes to express our galit diba?”
Nagtawanan ang mga estudyante pati na ‘rin ang kaibigan niyang si Kun liban lang kay Jeonghan dahil putangina may pagkain ba talagang galette? At pucha anong La Creperie at kilig na kilig ang mga tao sa paligid nila, lalo na ang katabi ni Jeonghan na kinagigiliwan ang kape nilang galing yardstick?
Op na op na si Jeonghan.
“Then after that we’ll go to corinthian garden, doon ‘yung main stage natin.” sabi ng babae sa megaphone.
“Wag mo sabihing may pa-give away ‘rin kayo ah.” biro ni Jeonghan.
“We have nga,” sagot ni Kun, nanlaki ang mata ni Jeonghan, “havainas.”
“Gago?!”
“Yeah nga and mamaya, may performance moonstar88.”
“Putangina.”
Matindi ang culture shock na dinadanas ni Jeonghan.
Isang lalaki ang tumapik sa braso ni Kun, maputi, itim ang buhok, guhit pusa ang mata at napaka bango. Hindi matanggal ni Jeonghan ang tingin sa lalaki, tangina ang ganda at bakit mukhang walang bahid ng pawis sa mukha at katawan? Nasa iisang bansa lang naman kami ah gago.
Abala sa pag-uusap si Kun at ang lalaki nang biglang umakbay si Kun kay Jeoghan at sumenyas sa magandang lalaki, “Nga pala my friend si Jeonghan. Not his first rally.”
Ngumiti si Ten, “Nice to meet you Jeonghan.” ang sabi nito sakanya at tsaka inabot ang kanyang kamay.
Kinuha ito ni Jeonghan bilang respeto, bilib siya sa sarili niyang hindi siya na-tanga kahit na manghang-mangha siya sa ganda ng lalaki. “Hello Ten, no tama ang rinig ko?” Nice one.
Tumango si Ten at ngumiti.
“Nice to meet you ‘rin.”
Binigyan ng ngiti ni Ten si Jeonghan sa pangalawang pagkakataon.
“Oh I’ll go ahead ah. I’ll see you guys sa corinthian. Ay oh my god Kun alam mo ba kung sino ang organizer ng rally na ‘to?”
Pumalakpak ang tenga ni Jeonghan.
“Who?” matipid na sagot ni Kun. Lumapit si Ten at ibinulong, “People who organized wanderland.”
Tangina, kakaibang rally nga talaga ito.
Kudos sa moonstar88, walang konek ang kanta nilang migraine sa rally, pero, they’re trying to fit the concept in.
“Alam niyo guys,” sabi ni Acel, patuloy lang sa pagtugtog ang banda, “Parang, ano eh, yung gobyerno ano nakaka,”
Pumasok ang instrumental ng chorus at sabay-sabay ang mga estudyante, “hilo, nalilito.”
At ito pa! Pinapaligiran si Jeonghan ng mga mag jo-jowang nagyayakapan habang sumasabay sa banda.
Seryoso, ano ba tong rally na sinalihan ni Jeonghan parang paskuhan. Tapos, kanina lang bago umakyat ang moonstar88 sa stage, ang intense ng pakikibaka nila tutol sa pagiging bayani ni Marcos, hindi lang sa megaphone, sa bigating sound system ‘rin nila. Tapos biglang ang bilis nang shift, nagsitilian ang mga estudyante.
Nagulat si Jeonghan dahil akala niya kung anong meron, may banda pala…Ang moonstar88.
Saan ka makakakita ng rally na ganito. Napaka organized, may pakain sa mamahaling restawrant, mamahaling tubig at may pa-giveaway ng havainas.
Sa Ateneo lang. And Jeonghan’s enjoying it. Huy minsan lang siya mapunta sa rally na alagang-alaga siya. Eenjoyin niya ‘to. Ang daming libre, bilang isang buraot, punong-puno ang puso niya.
Sobrang grateful ni Jeonghan na kinaibigan niya si Kun, kahit nung una iritang-irita siya sa ka-conyohan ng lalaki. Mabait kasi at hindi madamit. Tignan mo nga kung saan siya napadpad ngayon.
“You’re having fun naman?”
Muntik nang mahamapas ni Jeonghan ang lalaking bigla-bigla nalang sumusulpot sa gilid niya.
Si Ten pala.
Gago si Ten!
“H-huy! Oo nag e-enjoy ako. Ikaw ba?” nautal siya. Hindi niya na-icompose ang sarili niya, bigla-bigla kasing sumusulpot eh.
Ngumiti si Ten—palangiti ata ang lalaki—salam niya na mahina ang dibdib ni Jeonghan—“I’m glad! You’re active ba sa rally?”
“Oo, ah, ikaw?”
Tumango si Ten, nagiba na ng kanta ang moonstar88, hindi pamilyar si Jeonghan, “Nakakahiya, I used to be apolotical.”
Jeonghans offers a smile this time.
“Atleast mayroon kang character development.” sabi niya. Mas lalo pang lumaki ang ngiti ni Ten.
“Thank you Jeonghan—" naputol ang salita ni Ten ng hatakin siya ng isang matipuno't-matangkad na lalaki. Malaki ang katawan ng lalaki. Baka jowa? Nakaramdam ng dismaya si Jeonghan, may ka-unting lungkot 'rin. Akala mo naman 'rin abot kamay mong landiin 'yan Jeonghan, pagsasaway niya sa sarili.
"Gago, Ten help me. Hendery vomiting."
Ang masamang tingin ni Ten ay napalitan ng pag-aalala. "What? Anong nangyari, okay tara—Jeonghan, bye. Enjoy at ingat pauwi!"
Hindi na nakapag paalam si Jeonghan, hatak-hatak siya ng lalaki palayo, pinanood na lamang ni Jeonghan na tangayin siya ng lipon at dahan-dahang nawala ito.
Sabi nga life goes on, and did life go on para kay Jeonghan. Ilang linggo na ang nakalipas mula nang dumalo siya sa Ateneo para sa isang pagtitipon, ngayon, balik-kayod siya bilang isang trabahador sa Dunkin donut sa gabi at estudyante sa umaga. Ang kinaganda ng pagiging delay ay hindi siya nakikisabay sa gulo at bilis at presyur (mga 1/2) na dapat niyang kasabayan. Hindi kasi talaga pu-pwedeng makisabay si Jeonghan, kailangan mag-trabaho. Kinakaya naman niya, wala naman siyang reklamo sa buhay.
It is what it is, nakakain pa 'rin naman siya sa tama, nakakabili ng mga kailangan niya, tiis-tiis muna. Pagka-graduate naman niya, makakakuha siya ng magandang trabaho at sunod-sunod na ang pasok ng suwerte, sigurado siya doon. Syempre, masipag yata siya.
Galing sa likuran si Jeonghan, gawa nang kumuha ng bagong beans, para gumawa ng bagong batch ng kape ng makita niya ay isang taong pamilyar na nasa counter.
Hindi naman na bago na iba't-ibang estudyante ang nag-aaral dito sa kapehan na ito. Madalas kapag puno sa Starbucks ito ang puntahan ng mga taga UP at Ateneo. Bukod sa masarap ang kape, mura na. Pero nagulat pa 'rin si Jeonghan dahil sa anim na buwan niyang nag tra-trabaho dito ay hindi kailanman napadpad ang lalaking hinding-hindi niya makakalimutan dahil sa rally na iyon.
"Jeonghan!" nasasabik na bati nito. Hindi napigilan ni Jeonghan ang ngiti sa labi niya, naalala niya ako gago, "Ten. Hello." apaka AI response.
Lumaki ang ngiti ni Ten at buti nalang walang pila, mukhang mapapatagal ang usapan nila. "You're a working student pala. Hala grabe you're so sipag."
Naramdaman ni Jeonghan ang init sa pisngi niya, hindi naman na bago sakanya ang puri, pero dahil nangaling ito sa isang lalaking maganda na sige na aamin niya, type niya, iba ang pakiramdam.
Napakamot nalang sa ulo si Jeonghan, "Hindi naman haha. Ano ang gusto mo?"
"Oh right. Iced coffee lang and masarap ba 'yung ham and cheese croissant niyo here? Hindi pa ako nag di-dinner eh. Hell week."
Medyo kumirot ang puso ni Jeonghan, dapat wala naman siyang pake, pero type niya nga kasi.
"Oo masarap!" masayang sagot ni Jeonghan, masyado atang masaya, kumbisado naman si Ten sa tono ng boses ni Jeonghan, kaya inorder niya ito pati na 'rin isang extra-large iced coffee. Nagbayad si Ten at pagkatapos i-punch ni Jeonghan sa kompyuter kung ano man ang dapat i-punch.
"Pwede ka nang humanap ng lugar mo, tatawagin nalang namin pangalan mo."
Ngumiti si Ten at nagpasalamat.
Pinili ni Ten ang puwesto kung saan pwedeng-pwede siyang masilip ni Jeonghan sa may counter at nagpapasalamat si Jeonghan sa Diyos dahil napaka-suwerte naman niya sa shift niya ngayong gabi. Ilang araw na siyang bugbog sa recit at hindi natatapos na pa-surprise quiz ng kupal niyang propesor at kasabay pa ng mga ibang bagay. Ito na ang reward niya.
Anyways.
Balik sa trabaho si Jeonghan, sasarapan niya ang kape ngayong gabi, hindi lang si Ten ang mabibiyayaan ng freshly brewed coffee na sakto lang sa tamis at pait kung hindi pati na 'rin ang mga susunod na customer. At ang croissant ni Ten, dadagdagan niya pa ng dalawang slice ng ham, hindi pa daw nag didinner eh.
Minsan lang naman mapadpad si Ten dito, itotodo na ni Jeonghan, hindi niya 'rin naman afford ang lifestyle ni Ten para malandi niya. Kitang-kita pa lang sa Macbook at iPad niyang parehas na makapal at, hydroflask na pagkalaki-laki, pati 'rin ang herschel backpack niya, sa next life nalang siguro.
Tsaka may jowa na ata si Ten, 'yung lalaking matipuno na matangkad.
Hindi maganda ang init ngayong araw. Maalinsangan, nakaka init ng ulo. Iisang electric fan lang ang nagana, gustong magwala ni Jeonghan. Wala pa ang propesor nila, mahigit thirty minutes na ‘rin silang nag-iintay. Dapat free cut na pero bago pa sila magsi-alisan nakatanggap ng text message si Jongin (ang class beadle) sa propesor nila na intayin siya.
Sinasagutan nalang ni Jeonghan ang assigment sa isa pa niyang klase na major ng mag-vibrate ang selpon niya sa bulsa. Automatikong tinignan niya ang upuan sa tabi niya at nakita niyang wala si Sehun. Siguro siya na ‘to.
Nagbuntong hininga si Jeonghan at ibinaba ang ballpen sa lamesa. Dinukot niya ang selpon niya.
Si Kun pala.
Jeonghan macapagal tayo later, sama mo si Sehun and Chanyeol. Miss ko ‘yung aral natin together. Free kayo?
Nagsimula nang mag kompyut si Jeonghan sa utak niya nang mag-vibrate ulit ang selpon niya.
Libre ko :)
Tinigil na ni Jeonghan ang pag ko-kompyut sa utak niya.
Pre pag libre oo agad, ako bahala sa dalawa. Anong oras ba ‘yan?
Here na ako actually. Sa upper floor, sa couch. May klase pa kayo?
Yep, dadating kami jan siguro mga alas kwatro. May org meeting pa si tsanyeol eh.
No worries, may kasama naman ako.
Okay, see you pre.
“Amputa, wala pa ‘rin?” pagrereklamo ni Sehun na may bitbit na turon, kwek-kwek, fishball, kikiam at coke. Inabutan niya si Jeonghan ng turon.
Nagpasalamat si Jeonghan. Inintay niyang umupo si Sehun, “Nag-aaya si Kun.”
“Ah oo nag message ‘yun sakin eh. Kasama niya si Johnny, nag snap siya sakin.” pag sha-share ni Sehun habang ngumunguya ng kwek-kwek.
Walang paalam na kinuha ni Jeonghan ang isang baso na may lamang fishball at kikiam. “Sino ‘yun?” tanong niya bago sumubo.
Nilagay ni Sehun ang stick sa baso at kinuha ang selpon niya sa bulsa ng pantalon niya. Nag pipindot sa screen niya ng mga ilang segundo lang bago iniharap kay Jeonghan.
‘Yung matipunong matangkad na humatak sa crush niya?
“Gago, kilala mo ‘yan?” pamumulis ni Jeonghan. Sinamangutan pa siya ni Sehun dahil may tumalsik na maliit na kikiam mula sa bibig niya at napunta ito sa braso ni Sehun.
“Baboy nito,” galit na saad ni Sehun, nag sorry si Jeonghan na may halong tawa, “kaya tayo nag break eh.”
Mas lalong lumakas ang tawa ni Jeonghan, “Gago. Ba’t mo nga kilala ‘yan?”
“Maka yan, may sama ka ng loob? Tropa ko ‘yan sa mineski gago. Galing ‘yan. Bakit?”
Hindi pala malaki ang mundo.
Umiling nalang si Jeonghan, “Wala. Kilala ko lang ‘yung jowa niya.”
“Ha? Si Johnny? May jowa? Sino? Tangina non ah. Di nag kwe-kwento, mamaya ‘yun saken.”
Napakunot ang noo ni Jeonghan, dere-derecho ang pagsubo ni Sehun ng kwek-kwek, “Gago di niya jowa ‘yun?”
“Sino ba ‘yan?”
“Yung Ten Lee?”
Kumunot ang noo ni Sehun, binubuksan niya na ang coke, naubos niya na ang kwek-kwek, “Pota, sino ‘yun?”
Ang gulo-gulo ng usapan nilang magkaibigan, “Yung lalaki na maganda na maputi!”
“Tangina,” natatawang saad ni Sehun, “straight ‘yan si Johnny. Baka ibang tao ‘yang iniisip mo. O amputa, bakit ka biglang ngumingit jan? Baliw.”
Minsan lang mag-aral si Jeonghan sa kapehan. Hindi niya kasi trip. Pero walang kuryente sa boarding house, mamaya pa daw madaling araw babalik. Sumakto namang finals niya, kaya naisipan niyang mag-aral sa labas.
He’s not like other boys, sa Bo’s siya nag-aral.
Punuan ‘rin. Kung hindi titignan ni Jeonghan ng mabuti ang lugar, hindi niya mapapansin ang libreng lamesang nakatago sa may gilid sa may bintana.
Dali-dali siyang naglakad papunta rito at nang makalapit, bago niya pa malapag ang gamit niya ay mayroong lalaking naglalapag ng libro, handa ng magmuk-mok si Jeonghan, nang biglang magtama ang mata nila.
Si Ten.
“Huy! Ikaw!” excited na bati ni Ten. Akalain mo ‘yon, minsan lang mag-aral si Jeonghan sa labas. Si Ten pa ang makakasama niya.
“Hello.” tipid na sagot niya.
“Mahilig ka ‘rin mag-aral outside pala eh, o hindi? Ako kasi oo.” nakangiti sabi ni Ten. “Puno na ang tables. Okay lang ba mag share tayo?”
Okay na okay. Ang gusto isagot ni Jeonghan pero tumango nalang siya, “Hindi masyado.”
Umupo na si Jeonghan at tinangal ang bag niya at isinabit sa hook sa ilalim ng lamesa. Wala pang order si Ten, ito na ang pagkakataon ni Jeonghan para mag da-moves.
Tumayo kaagad si Jeonghan, “Libre kita. Anong gusto mo?”
“No na!” mabilis na pagtatanggi ni Ten, pero hindi papayag si Jeonghan.
“Minsan lang tayo magkita, mag palibre ka na sakin.” sabi niya at ngumiti.
Ten smiles, nag soften ang mukha niya, “Well…If you insist. Iced americano lang. Thank you Jeonghan.”
Apaka cute talaga. Gigil si Jeonghan.
Alas siyete na ngunit buhay na buhay pa ‘rin ang eksena sa kapehan sa Bo’s España. Mukhang pare-pareho silang nag cra-cram. Sinuswerte talaga ngayong gabi si Jeonghan, nakikisama ang brain cells niya, pocus na pocus siya at lahat ng basahin niya at tumatatak sa isip niya.
Nakakatulong kasi na may kaharap siyang magandang lalaki na todo kayod ‘rin.
Onti na lang ay papasok ang malamig na boses ni Moira para kantahin sila ng pangmalakasang love song na isinulat lang para sakanila.
“Done ka na?” nabalik sa realidad si Jeonghan ng marinig niya ang boses ni Ten. Umiling si Jeonghan, hindi na masabi na, nag iilusyonada siya kaya tumigil siya sa pag-aaral.
“Mga what time do you think will you stay here?”
Nagdadasal si Jeonghan na sana tama ang oras na maisasagot niya, “Uh, mga madaling araw.”
Ten let out a sigh of relief, “Yes, oh my god. I need kasama. I’m so lucky talaga you’re here.”
Gusto sanang sagutin ni Jeonghan si Ten ng, “Hindi, ako ang swerte dahil kasama kita ngayong gabi. Crush kaya kita.”
Pero syempre, hindi niya sasabihin ‘yon, “Sama tayo mag suffer.” ang sinagot niya nalang kung saan napangiti naman si Ten.
Nilabas ni Ten bigla ang selpon niya from his bag at, “Picture tayo! I’ll send kay Kun.”
Oh my god, wait ang bilis. Tangina masyado atang sinuswerte si Jeonghan ngayong gabi.
“Sure.” swabeng sagot ni Jeonghan.
Pagkatapos nilang mag picture ay nanahimik na sila ulit ay bumalik sa kani-kanilang gawain. Pero, si Jeonghan, iniisip niya kung paaano niya ba susulitin itong gabi na ito na kasama niya si Ten.
Bahala na.
The night ended with Jeonghan na, not being able na masulit ang gabi kasama si Ten. Pero! Nag-exchange sila ng snapchat, instagram, facebook at cellphone number.
Hindi na ‘rin masama.
Hindi talaga masama dahil, pagkatapos ng gabi na ‘yon ay araw-araw na silang nag-uusap ni Ten. Mahilig pala si Ten sa memes, so mostly, ‘yun ang usapan nila. Minsan sa politika ‘rin. Kung kumain na ba si Jeonghan o kumain na ba si Ten, very friendly conversation lang.
Pero syempre para kay Jeonghan may meaning. Kinikilig siya. Mataas ang supply ng oxytocin sa utak at katawan niya.
Currently, kumakain sila sa Mcdonalds dahil pare-pareho silang gipit gawa nang adik mag-aral sa labas si Sehun at Chanyeol at ayan, naubusan ng ipon at si Jeonghan lagi naman siyang gipit.
“Type mo ‘yung kaibigan ni Kun no?” pagsisimula ng isyu ni Sehun sa lamesa. Well, hindi naman talaga siya isyu, it’s real, totoo ang balita, type na type niya. “Ano naman sa’yo?” masungit na saad ni Jeonghan.
“Oh kalma lang. Napaka defensive.” pangaasar ni Sehun at dumukot ng french fries, “Luh gago, sino!” pamumulis ni Chanyeol.
“Ito,” nilabas ni Sehun ang selpon niya pata ipakita ang picture nila? “Hoy gago bakit nasayo ‘yan?”
“Syempre, sinend sakin ni Kun.“
Tangina wala talaga natatago sa pagkakaibigan na ‘to. Mamaya ma-jinx eh. Nagsisimula pa lang sila ni Ten. Hindi na magugulat si Jeonghan kapag biglang tumigil si Ten mag-reply sakanya. Sisihin niya talaga ang mga kaibigan niya.
“Wow, maganda siya ah.” kumento ni Chanyeol.
“Oh akin ‘yan.” sagot ni Jeonghan na nagtawanan naman ang dalawa. “Hindi naman aagawin! Ito naman. Kaya pala, ang sama ng loob mo kay Johnny. Straight naman 'yung tao!" natatawang sabi ni Sehun, natawa 'rin si Chanyeol.
"Wala ka naman talent sa paglandi Jeonghan. Nako, pano 'yan?" sabi ni Chanyeol. Akala mo hindi tunay na kaibigan, siguro kung may nakikinig sa usapan nila, iisipin nilang na bu-bully si Jeonghan ng dalawa.
Tama naman 'rin si Chanyeol. Nakakahiya sabihin pero huling relasyon niya si Sehun at high school pa sila non. Syempre ibang-iba na ngayon. Matanda na sila. Pano ba kasi lumandi ng hindi nalalamang nilalandi mo? O dapat ipaalam mong nilalandi mo para alam niya at ma-reciprocate? Baka kasi type 'rin siya. Hindi naman siya panget?
"Tangeks, madali lang 'yan Jeonghan. Pumunta ka sa Quiapo tapos magpatulong ka sa mangkukulam doon." nauto nanaman ni Sehun si Jeonghan makinig sa walang kwenta niya palang sasabihin. Aliw na aliw naman si Chanyeol. Si Jeonghan syempre, masamang-masa ang tingin niya kay Sehun.
Eh ano naman kung hindi niya kayang lumandi, hindi naman siya binigyan ng manual tsaka, wala naman sa bingo card niya ang magka-jowa (hypothetically ha!) this year.
Pano naman niya matitiis mapunta si Ten sa iba. Iniisip niya pa lang nanghihina na siya.
Bahala na. Anak naman siya ng Diyos, baka sa susunod na araw biyayaan siya ulit tsaka, nag-uusap naman sila Ten. Malay niya, baka bigla siyang sumpungin ng katapangan na itanong si Ten kung gusto niya bang kumain sa labas (translation: pwidi ba kita i-date hihi).
"Seryoso kasi, kala niyo nakakatuwa eh. Crush ko talaga si Ten. Wala ba kayong mapapayo?"
Tinuro ni Sehun ang sarili niya, "Ako? Saakin ka pa nagtanong? Ex mo. Pass. Chanyeol ikaw na 'to."
Nagkabit-balikat si Chanyeol, "Gago di ko 'rin alam. Si Baekhyun lumandi saakin diba. Actually, wala tayong tatlo talent sa ganto kaya Jeonghan, galingan mo mag dasal gabi-gabi. Pakabait ka."
Nagbuntong-hininga si Jeonghan. "Sabagay. Tignan mo kami ni Sehun, pagkatapos namin sa isa't-isa wala nang sumunod."
"Ay!" mabilis na singit ni Chanyeol, "Hindi ka sure."
Pinalo-palo ni Sehun si Chanyeol sa braso, akala mo naman talaga tatalab sa laki ng braso neto, sinasaway-saway, "Napakadaldal mo."
Wala naman pake si Jeonghan at hindi na 'rin tinuloy ni Chanyeol ang ikwe-kwento niya at bumalik sila sa pagkain.
Good luck nalang talaga sa mga susunod na araw kay Jeonghan. Kailangan na niyang matuto mag de-tach habang pangalawang araw pa lang nila nag-uusap.
Mahirap na baka masanay.
