Chapter Text
Alam naman ni Seungkwan na ang pagiging corporate slave ay tila kapareha lang ng pagbebenta ng kaluluwa niya mismo sa demonyo. Nakakapagod at nakaka pressure. Ang daming demand mula sa mga boss and at the same time nandyan ang mga kliyente na akala mo hawak siya sa leeg, dahil napakaraming request. Pero wala naman na siyang maggagawa, sobrang competitive ang salary na inoffer ng NYL Industry Inc. Dibale nang pagod, basta well compensated.
Kaya naman noong unang beses siyang mapahiya ng isang supervisor niya after he failed to inform one of the suppliers regarding the changes of their setup for one of the events they handled ay napabulong na siya ng “I swear, sa katapusan mag s-submit na ako ng resignation letter. Hindi ko to deserve.”
That was 8 months years ago. At mag iisang taon na siya sa kumpanya sa susunod na linggo. Still working. Standing strong sa cubicle niya na madalas may tasa ng kape at mga abubot sa table na hindi naman niya talaga ginagamit.
“Kwannie, hindi ka pa ba matatapos? Ang tagal naman. Lunch na tayo.” Narinig ni Seungkwan ang boses ng isa mga kaibigan niya sa office. Si Hoshi from the sales department. Nakilala niya ito dahil batchmate sila noong college at nagkita nalang uli nang huling makapasok si Seungkwan sa kumpanya.
The tiny marketing employee just sighed, “Baka mag skip ako lunch Hoshi, ang daming hinihingi ni Mr Byun sakin. Baka katayin ako at ibentang botcha kapag di ko to masend before 2 PM.” Malungkot na saad nito, gaze not even leaving his monitor screen. But his friend is persistent, “Sure ka na ba? Wednesday ngayon ah, diba ngayong araw laging kumakain si Chairman sa cafeteria?” Hoshi said while smiling, knowing damn well that his bait is going to be effective.
And true to that ay mabilis ang paglingon ng maliit sa kaibigan, eyes glistening with excitement. Seungkwan was quick to snatch his wallet from his desk bago pumunta sa gawi ng kaibigan na nakasilip lang sa labas ng office nila. He reached out to his friend and looped his arm to the other, “Hindi mo naman agad sinabi Kwon, edi sana kanina pa tayo kumukuha ng pagkain.”
The other scoffed, fascinated with how his friend was quick to switch up sides. “Akala ko ba ibebenta ka as botcha ni Mr. Byun kapag hindi ka nag submit ng paperworks?”
But the smaller just beamed before answering, “Completion reports lang naman yun. Sabihin ko wala pang financial report galing sa finance kaya di ko natapos,” ani nito. Kind of proud with his excuses. “At saka, mabait ang chairman. Ayaw niyang may nagugutom na empleyado.”
Hoshi then suddenly removed his friend’s hand from his arms to give him a look, “Makapagsalita ka naman parang kaibigan mo si chairman?”
The answer was instant, Seungkwan looking very much offended with his friend’s remark. Saglit pa nitong nirolyo ang mga mata nila at naunang lumakad, “Ano ka, friends naman kami,” paunang sambit niyo giving a dramatic effect bago muling lingunin ang kaibigan niya. “Sa facebook, hehe.” Then he laughed, leaving his friend from the sales completely frozen due to only one reason, it's because he once again realized how delusional Seungkwan is. Pusta niya, hindi nga ata sila kilala non.
You see, the angel from the marketing department in the form of Seungkwan Charles Boo has an unhealthy obsession with the Chairman of the NYL Industry Inc., Mr. Vernon Sebastian Chwe, ang nagiisang anak at tagapagmana ng pamilyang Chwe na nagmamay-ari ng buong labelling industry sa buong Pilipinas. Nagsimula ito nang makita ng maliit ang nasabing chairman na naglalakad papunta sa private elevator paakyat sa office.
Matangkad. Naka suit and tie. Pulang kurbata. At higit sa lahat, yung panga niya. Mula ulo hanggang talampakan, parang embodiment ng lahat ng tipo ni Seungkwan sa lalaki. Ilang buwan na ang nakalilipas, hindi parin maka move on sa puppy crush stage si Seungkwan.
Konti lang ang tao sa cafeteria, hindi naman masyadong puno dahil kadalasan ay sa labas kumakain ang ibang empleyado kapag hindi nila gusto ang niluto ng chef. Pero gayon pa man, Chairman Vernon religiously eats at the cafeteria every wednesday to check on the employees and to keep himself grounded in a way. Since being the main organ of the company, Vernon likes to keep his people by his side. That’s how he managed to make his business grow into a successful empire.
Habang si Seungkwan naman ay tinitignan yung adobong may itlog, “Ang lungkot naman ng luto ni chef today,” angal pa nito pero sinungkit parin naman niya ng tong yung buong pirasong manok, itlog, at patatas.
The newly arrived Hoshi na iniwan niya lang sa corridor kanina ay nasa tabi niya na, “Sabay daw satin si Kuya Jeonghan. Reserve nalang daw natin siya ng upuan.” Ani nito at kumuha na rin ng tanghalian niya.
Actually, kahit pakiramdam ni Seungkwan ay nilulumpo siya ng kumpanya nila, di niya naman maiiwasan na magstay dahil una sa lahat, Vernon. At sumunod na don ay ang daming benefits, may libreng pakain palagi, maganda ang yearly increase kapag masipag ang sales, atsaka may travel benefits pa lagi tuwing magkakaroon sila ng technology meeting. Madalas sa China, minsan naman sa Canada kasi nandun ang main plant nila.
Gusto man talaga mag venture ni Seungkwan sa industriya ng media kung saan sa linya ng comms naman talaga siya gumraduate ay hindi talaga niya maggawang magresign, dahil nga, Vernon Chwe.
While scanning the room full of people who are minding their own businesses, nalungkot si Seungkwan na wala ang namumukod tanging matangkad na may jet black hair at palaging may mga singsing na akala mo drug lord ito. Feeling a little bit defeated, Seungkwan just sighed and followed his friend Hoshi who seemed to find an empty table just for them.
“Malapit na raw si Kuya Jeonghan, pumirmi ka diyan at baka mabali ang leeg mo kakasipat sa chairman,” sabi ni Hoshi habang nagsimula nang kumain.
Seungkwan just pouted, “Di ko naman hinahanap eh.”
This earned a scoff from the other, “Okay, sige nalang.”
Si Jeonghan ay isa sa mga naging kaibigan nila kahit mas mataas ang posisyon nila sa kumpanya. Ito ang nagsisilbing manager ng Sales Department at balita pa nga ni Seungkwan ay isa siya sa minamatang ipromote bilang General Manager o GM.
Naging kaibigan lang nila ito dahil nagkasama ang tatlo sa isang event somewhere in Pasay para tumingin ng bagong mga labelling machines na pwedeng paggamitan sa mga bagong account o kliyenteng napasok ni Jeonghan. And from there, inampon na sila ng blonde manager under his wing at laging inaaya ang dalawa kumain sa labas tuwing tapos ng office hours
Speaking of the devil.
“Kwannie!” Malambing na tawag ni Jeonghan sa dalawa. Ang haba haba na ng buhok nitong blonde, umaabot na sa balikat niya. Hindi nga alam ni Seungkwan kung maiinggit siya dahil sobrang ganda nito or magkaka crush nalang siya dahil at the same time, ang pogi ni Jeonghan. But still, Vernon Sebastian Chwe.
Ewan niya ba, hindi naman siya madalas malunod sa delusyon tuwing magkakacrush. Sadyang there is something with Chairman Chwe along with his intimidating aura na gusto nalang niyang sumuko sa pagiging corporate slave at maging stay at home husband nito.
But a hard pinch on Seungkwan’s thigh quickly snapped him out of his trance. “Umayos ka, wag mo ko ipahiya Kwan.” Mahinang bulong ni Hoshi, dahil oh my god.
In front of them is the Vernon Sebastian Chwe, sporting a very stylish slick back hair, a Rolex watch on his left wrist, four pieces of bulky rings, all black suit and tie, and a kind smile painted on his lips.
“I hope you don’t mind Hoshingie and Seungkwannie, sinama ko na si Chairman Hansol para naman hindi puro trabaho ang kaharap niya maghapon.” Pagbibiro pa nito na agad namang sinakyan ni Hoshi at in-offeran pa nga ng mauupuan sa harapan nila ang boss niya.
Pero hindi maggawang matawa ni Seungkwan, ni hindi niya nga ata nagets yung joke, nakatitig lang siya sa dating sinisilip lang na chairman sa 24th floor ng building nila tuwing magsu-submit siya ng mga completion reports from an accomplished projects.
Ngayon, nasa harapan na niya. At kasama pang manananghalian.
Bakit hindi naman siya ininform ni Jeonghan na ngayon pala maggaganap ang first date nilang dalawa ng love of his life, Vernon Sebastian Chwe?
Mabilis ang pagtapik ng kamay ni Hoshi para kunin ang atensyon ng kaibigan at isalba naman ito sa kahihiyan, pero hindi na ata dumaan sa thought process ang laman ng utak ni Seungkwan at lumabas na ito deretso sa bunganga niya.
“Hala, sobrang gwapo niya talaga Hoshi.” Sambit nito, earning the attention of everyone on the table, especially the chairman who is just raising his eyebrows at the tiny marketing employee.
But his response shocked everyone, because the now seated chairman just laughed lightly before speaking, “Gwapo sino, Mr. Seungkwan?”
