Work Text:
Sigawan ng mga tao. Talbog ng bola. Kabog ng puso. Masyadong maraming nangyayari sa paligid ni Jongin na hindi niya na alam paano niya iproproseso lahat. Dumadagundong ang MOA Arena dahil do or die finals na ng 48th season ng PBA. Pang game 7 na ito which means tonight na malalaman ang champion sa season na ito. Hindi na nagulat ang lahat nang Ginebra at San Miguel Beermen na naman ang nagharap sa finals. Ipagsama ba naman si June Mar Fajardo at Sehun Arevalo sa SMB. Sa Ginebra naman, si Scottie Thompson at si Chanyeol Medina ang top players. Pero ang talagang tinik sa lalamunan ni Sehun ay ang kaibigan niyang si Chanyeol. Kahit sino ay mapipikon sa hayop na iyon sa court. Kung hindi niya lang talaga kaibigan.
Napanood na rin ni Jongin dati ang laban ni Sehun sa finals pero natalo sila ng Ginebra nung season 46. Grumaduate pa nga si Sehun sa dami ng foul niya. Kaya hindi na siya napasok sa fourth quarter at nagkanda leche leche na.
Iba rin siguro talaga iyong kaba niya ngayon, dahil siguro boyfriend niya na officially ang lalaki? Actually, wala siyang konek. Gusto niya lang talaga i-flex na jowa niya ang center ng San Miguel Beermen. Kung pwede lang mag-ala Athena Dizon siya habang sumasayaw ng Go sexy! Go sexy sexy love! in ballet style ay ginawa na niya.
Speaking of ballet, dapat hindi makakapunta si Jongin sa game 7 na ito dahil 1 week dapat siya sa Cebu para sa ballet competition na matagal na niyang pinaghandaan. Ngayon din dapat ang flight niya to Cebu pero hindi talaga mapirmi ang pwet niya. Napagdesisyunan niya na lang na bukas nang madaling araw umalis para lang mapanood niya manalo si Sehun. Pinangako kasi nila sa isa’t isa na every achievement ng bawat isa ay nandun sila para i-witness iyon.
Nang malaman ni Sehun na hindi siya makakapanood sa game 7 ay alam niyang nalungkot ito. Kahit hindi niya man ipakita kay Jongin. “It’s okay, Nini. You can watch it naman live paglapag mo sa Cebu.” Sabi nito with a faint smile. “I also want you to focus din naman sa performance mo sa competition mo.”
Pagkakita nga lang kanina ni Sehun sa kanya bago magstart ang laro ay gulat na gulat ito. Akala kasi nito ay nasa Cebu na siya. Bakas din sa mukha nito ang saya at parang mas lalo pa itong ginanahan.
Their 4-months being boyfriends were full of bliss. Although, yung 4 months na iyon ay super busy sila sa individual careers nila. Mas naging strict si Coach Jorge sa training nila dahil gusto nila makuha ulit ang kampyeon na dalawang season nilang hindi nakuha. Ngayong bumalik na si Sehun sa PBA, mas malakas ang line-up ng SMB team. Alam din ni Jongin ang pressure sa part ni Sehun kaya as much as possible, gusto niyang laging nandyan siya sa boyfriend niya.
Si Jongin naman ay nag-focus din sa pagpractice sa i-peperform niya. Sa una, ayaw niya na muna talaga sanang bumalik sa pakikipag-compete dahil sa pressure. Halos 2 taon din siya tumigil sa ganun at nagstick sa pagtuturo ng ballet sa mga bata tuwing summer, pagiging choreographer, at iba pang sidelines. Pero kinuha ulit siya ng trainer niya, “naniniwala akong mananalo ka rito Jongin, trust me.”
Hiningi niya ang opinion ni Sehun sa pagsali niya ulit sa competition. Nagulat siya sa reaksyon ng jowa niya dahil tuwang-tuwa pa ito habang siya kinakabahan. “Go for it, Nini! I know that you’re hesitating but ito na iyong sign na sumali ka. I know that you can do it, bebu.” Wala na, ginamitan na siya ng bebu. Kaya napa-oo na siya agad sa trainer niya nung gabing kinausap niya si Sehun about doon.
Kahit busy sila, gumagawa pa rin sila ng paraan to spend time together. Kapag free si Sehun at may practice si Jongin, nanonood siya ng practice nito sa studio ni Jongin. Walang alam ni-isa si Sehun sa ballet kaya kahit anong gawin ni Jongin ay manghang-mangha siya. Multiple pirouettes lang ni Jongin ay napapapalakpak na siya.
May isang beses pa na halos maiyak sa inis si Jongin dahil paulit-ulit siyang nagkakamali. Kinausap ni Sehun ang trainer ni Jongin para magpahinga muna ang boyfriend niya. Kabisado na ni Sehun ang ugali nito. Perfectionist ang jowa niya, hindi sa ibang tao, kundi sa sarili niya lang. “Alam mo, Ni, narealize ko na mas mahirap ang ballet kesa sa basketball. Basketball is easy to learn and flexible siya. Unlike ballet, every position should be precise. Dapat nandun iyong artistic expression kasi balewala lahat kapag hindi iyon dama.” Pinapakinggan niya lang magsalita si Sehun habang yakap-yakap ni Jongin ang tuhod niya. Nakaupo silang dalawa sa sahig ng ballet studio ni Jongin. “Kaya naa-amaze ako sa iyo. Every move you make is done so gracefully. Don’t be too hard on yourself, Ni, you’ll get there. And I am here with you, whenever you need me.”
Nung gabing iyon, narealize ni Jongin how opposite they are. Dun niya rin narealize na possible palang mas mainlove ka pa sa boyfriend mo.
Halos mapatayo sa kinauupuan si Jongin dahil nahabol ng Ginebra ang leading score ng SMB dahil sa 3-point shoot ni Chanyeol. Dahil dun, nagrequest ng time out ang coach ng SMB. Simula ng maging open sila sa relationship nila, lagi nang umuupo si Jongin sa seat malapit sa bench ng players. Gusto niyang kausapin ngayon si Sehun dahil nagiging mukhang kabado na ito. 4th quarter na at nahabol ang score nila ng kabila, kahit si Jongin ay kinakabahan. Pero pinagbawalan na sila noon pa na kausapin ang players kapag in game.
Inaabangan na lang ni Jongin na tumingin ito sa kanya at umangat nga ang tingin nito. Bumulong siya, “Chill ka lang, Se. Huwag ka mag-iinit sa laro. I love you.” Nabasa naman ni Sehun ang labi niya. Napangiti ito at bumalik na ang focus sa sinasabi ng coach nila. Isa sa natutunan ni Jongin sa basketball ay kapag mas lalong mainit ang ulo, mas lalong pangit ang laro mo.
Last 2 minutes na ng game, ito na yata ang pinakamatagal na 2 minutes ng buhay ni Jongin.
Nasa SMB ang bola at bantay ni Scottie si Sehun. Sa tingin ni Jongin, match lang silang dalawa since parehas silang maliksi gumalaw sa court. Tuwing pinapasa kay Sehun ang bola ay parang nahihigit ni Jongin ang hininga niya. Drinidribble ni Sehun ang bola at sinesenyasan niya ang isang ka-team na bumaba ng court malapit sa ring. Pero mabilis niyang pinasa ito sa isang player kaya hindi nahabol ni Scottie. Ilang beses din sila nagpasahan ng bola hanggang sa malapit na matapos ang shot clock. Pinasa ulit kay Sehun ang bola at tumira siya ng 3 points.
“AREVALO, SHOOTING THREE ON THE WAY! BANG!”
Napatayo na rin si Jongin at pumapalakpak pa. Hindi na tumitingin sa kanya si Sehun unlike sa mga naunang quarter dahil sobrang focus na ito sa laro. Lead na ulit ang SMB, 90 – 87 na ang score. Nasa Ginebra na ang bola at dire-diretsong naglay-up si Chanyeol pero natabig ng isang SMB player. The referee called for foul na may 2 free throws. Kaibigan man ang turing ni Jongin kay Chanyeol, ilang beses niyang binubulong na sana pumalya lahat ng freethrows ng lalaki. Kaso hindi yata siya narinig ng mga santo.
Na kay Sehun ang bola at pinasa niya ito kay Fajardo pero naagaw ni Scottie. Napasabunot sa buhok si Sehun nang makashoot si Scottie ng 2 points at na-foul pa. Nataasan na ang score nila at may 1 minute 15 seconds na lang.
Habang nagshoshoot ng freethrow ay tumingin muna saglit si Sehun kay Jongin. Para siyang nabuhayan ng loob nang makita ang boyfriend na nakatayo na at focus na focus sa laro. Hindi pwedeng masayang ang pagpunta ni Jongin dito, dapat kaming manalo. Ito ang tinatak niya sa isip niya.
90 – 92 na ang score at leading na ang Ginebra. Sa pag-shoot ng last na freethrow, nag-agawan ang players sa bola at natabig ng isang ka-team ni Sehun ang bola palabas ng court. Napasigaw si Sehun sa inis dahil bola ng Ginebra na naman. Mayroon na lang silang 1 minute. Nag-time out ang SMB para kausapin ulit sila ng coach nila. Nilapitan ni Sehun ang player na nakatabig ng bola, “Pre, dapat hinayaan mo na lang iyong bola kasi palabas na iyon ng court eh. Tignan mo, napunta pa sa kanila iyong bola.” Napikon pa siya lalo nung sinagot siya nito pabalik.
“Ngayon pa kayo mag-aaway?!” Sigaw ni Coach Jorge.
Pansin ni Jongin ang tension sa players at pati siya ang parang maiihi na. Hindi siya relihiyosong tao pero halos magrosaryo na siya sa kinatatayuan niya para magkaroon ng himala sa court. Nag-lay-up ang isang player sa Ginebra pero hindi pumasok kaya na-rebound ni Fajardo at agad pinasa kay Sehun. 30 seconds na lang pero alam ni Jongin na marami pang pwedeng mangyari sa 30 seconds sa basketball. Nag-2 point shoot ang isang SMB player at pumasok dahil walang bantay. Tie na ang score at may 15 seconds na lang. Rinig ni Jongin ang tibok ng puso niya dahil nasa kalaban ang bola.
“Tangina, tapusin na natin ito.” Sabi ni Sehun habang binabantayan niya si Chanyeol. Ayaw niya na mag-overtime. Kaya nang pinasa kay Chanyeol ang bola ay inagaw niya ito. Hindi niya na narinig ang sigaw ng ibang ka-team at dire-diretso sa ring para magdunk.
Napanganga si Jongin sa kinatatayuan niya habang naglalaglagan na ang mga confetti hudyat na may nanalo na. Nanalo na ang team ng boyfriend niya. Nakita niya ang mga taong nagtatakbuhan na sa gitna kaya nakisabay na siya. Tumigil siya sa gitna ng court para hanapin ang boyfriend niyang pinagkakaguluhan ng mga ka-team niya. “Sehun!”
Lumingon ito sa kanya at agad siyang sinalubong ng halik. Napayakap siya sa lalaki habang ramdam niya ang ngiti nito habang hinahalikan siya. Wala na silang paki sa libo-libong taong nanonood sa arena at sa bahay nila. This is their first victory, not only Sehun’s. “You did it, Se! I am beyond proud of you!”
Wala nang mas sasarap pa sa kapag kasama mo manalo ang mahal mo. Parang nanalo nang dalawang beses si Sehun sa gabing iyon. Kung dala lang ni Sehun ang singsing na binili niya a week before ay baka nagpropose na agad siya sa gabing iyon.
Buti napigilan niya dahil balak niyang magpropose kay Jongin habang nasa Cebu sila, after ng competition nito. Pinapanood niya magperform ngayon si Jongin ng Le Corsaire ballet acts niya. Amaze na amaze siya dahil walang bakas ng kaba sa mukha ng boyfriend niya. Hindi naman sa pagiging bias pero mas maganda ang performance ng jowa niya kumpara sa ibang contestant kaya kampante siyang mananalo ito.
Kahit 2 minuto lang ang performance ng jowa niya, parang mas nakakapagod ito physically kesa sa basketball. Ikaw ba naman umikot-ikot sa stage habang minemaintain ang poise mo?
Hindi na nga nagulat pa si Sehun nang tawagin ang pangalan ni Jongin bilang champion sa ballet competition. Nakita niyang paiyak na ito sa gitna ng stage at nakatingin na sa kanya. Sinenyasan siya nitong umakyat sa stage kasama ng trainer nito. “Baka gusto mong ikaw magsabit ng medal sa kanya?” Sabi ng trainer nito. Ganto ba talaga rito? Parang recognition day? Sa utak ni Sehun. Inabot sa kanya ng organizer ng event ang medal at sinuot niya ito kay Jongin.
Iba’t ibang emosyon ang naramdaman ni Sehun habang tinitignan ang maamong mukha ng lalaking minamahal niya nang tatlong taon. This is their second victory together. And he can’t wait to celebrate more victories with the same man until his last breath.
“I love you, Jongin. May ibibigay ako sa iyo bukas...”
