Chapter Text
Nakatingin lang ang mga kaibigan nya sa ginagawa nyang "care package" para sa binata. Meron syang iba't ibang klaseng mga snacks at maliit na deer stuff toy na ilalagay nya sa box.
“birthday ba ni Lee?” Umiling naman ako
“eh para san yan?” Ani Sunghoon habang binbasa yung note na sinulat ko. Agad ko naman 'tong kinuha
“recently kasi stress sya sa finals. lagi syang nasa library tas parang ang tamlay nya. just wanted to give him a small gift and tell him that he's doing well” Pag explain ko
Heeseung is taking a medtech course. Matalino at ace sa lahat ng bagay pero sobrang perfectionist kaya sobrang focus sa mga ginagawa nya.
Kinabukasan dumiretso kagad ako sa library para magreview sa last exam ko at para na rin makita si Heeseung. As expected andun na kagad sya. Nakalabas ang ipad, highlighters, at mga papel sa table. Magka hallway naman kami so mamaya ko nalang siguro ibibigay.
After exam labas kagad ako ng room. Ang daming students ang nagkalat at nagtatanungan about sa exam pero di naman ako nahirapan hanapin sya kasi matangkad sya.
“kuya hee!”
“uy riks hello” pagbati nya sakin at binigyan ako ng tipid na ngiti
He doe eyes looks tired. Halata rin ang eyebags nya pero ang gwapo pa rin lalo na naka white uniform sya ngayon.
“uuwi ka na ba?” Napahawak naman ako sa batok ko pagkatanong sa hiya kahit wala naman nakakahiya
“wala naman gagawin eh so uwi na lang ako haha”
“date tayo”
And that's how I find myself sitting in front of him now. Pumunta lang kami sa Sambokojin dito sa SM kasi gutom na kami at mag gala na rin. Sa hirap ng exam deserve namin 'to at lalo na sya.
Nakatitig lang ako sa kanya habang sinusuklay nya ang buhok nya at nag apply ng konting lip gloss tsaka tumingin sakin
“okay na ba?” Papakasalan
“ganda mo haha”
“ganda daw eh mukha na nga 'kong panda sa eyebags ko”
“edi magandang panda” biro ko at natawa naman sya
This is actually my first time eating with him that's only us. Madalas kasi nakikisabit lang ako sa friends nya or kasama ko sila kuya Jay. He's fun to be with and he'll make you comfortable. Madaldal sya but only with people he knows. He told me that he don't mind formalities kaya okay lang kahit tawagin ko sya in first name basis
Gumawa ako ng samgyup wrap at sinawsaw sa cheese tsaka nilapit sakanya.
“ahh” Namula naman sya pero sinubo rin ito. Napa ngiti ako ng nakahawak pa sya sa kamay ko ng kinain nya yun.
Simpleng bagay iba epekto mo sakin. Grabe ka na Heeseung
Pagtapos kumain naglakad na kami papuntang arcade. Like what I've mentioned, magaling sya sa lahat ng bagay and that includes gaming. Actually dun kami nagkasundo at sa paglalaro ko rin sya una nagustuhan. Sobrang attractive nya pagseryoso at naglalaro
“t-teka lang naman. ang bilis mo maglakad eh di nga ko makalakad sa kabusugan” Reklamo nya. Natawa naman ako at kinuha yung bag nya
“pencil lang dala ko sa exam tas ikaw ganito kalaki bag mo? di ka talaga makakalakad nyan”
“ay wow sorry ha?” Pagtataray nya. Tumawa naman ako at nanginginig na hinapit yung bewang nya para sabay na kami maglakad
Tangina ako yung dumadamoves pero parang ako pa yung kabado at kinikilig hahaha.
He insisted on buying our timezone card since I already paid for our dinner. Halatang excited sya kasi turo sya nang turo sa mga games at ang likot. Cute
Syempre dun muna kami sa basketball.
“pataasan score. ang panalo pwede mag request ng kahit ano dali” Iniswipe nya yung card sakin at sa kanya
In the first round he won and in the second round I won. Napangiti ako ng makitang nakanguso syang nakatingin sa scores. My competitive baby
“ready ka na ba sa iuutos ko pagnanalo ako?” Kahit di ka manalo susunod ako sa utos mo. Gawin mo pa akong alipin mo okay lang eh
“sure. basta i'll call you 'baby' pag ako nanalo” Akmang sasagot pa sya ng bigla na nagstart yung third round
Ang intense ng laban na pati yung mga katabi namin nanunuod na. Nangangati ako tawagin 'kang baby kahit ngayon lang so I'll make sure to win. And I did.
Natambakan score nya ih. Nakangisi akong lumingon sakanya at nakatingin lang sya sakin
“pano ba yan panalo ako?”
“y-yun ba talaga request mo yung kanina?”
“yes. but only if you're comfortable with it. pwede naman iba—”
“tara na po...baby” Heeseung pulled my hand and we went to another game
Word of the day: baby. Bawat galaw ata namin tinatawag ko syang baby. How I wish I can officially call him that, yung nakaamin na ko sakanya at may label na talaga kami.
We were about to leave after playing for an hour but he pulled me again into the photo booth stall on the near exit. Sa tangkad at laki namin pareho sobrang siksik na kami sa loob. Nakapatong yung kamay nya sa hita ko habang nagpipindot ng kung ano sa screen.
“huy ayos mukha riks”
Sumiksik sya lalo sakin kaya naman hinayaan ko na ang sarili ko na hapitin sya at isandal ang sarili ko sakanya. Nakailang pose na rin kami kasi dalawang copy kinuha namin but what I wasn't expecting him is him leaving a kiss on my cheeks. HE KISSED ME ON THE CHEEKS.
Agad akong napalingon sakanya after the last shot pero nakangiti lang sya na nagpipindot sa screen para mamili ng filters.
“baby ano yon?”
“what?” patay malisya nyang sagot
“sagot ng maayos o hahalikan kita dito”
Inirapan nya ako at lumabas ng booth para kunin yung na print ng pictures. Kinuha ko yung picturs kung saan hinalikan nya ko.
“ano ito? bakit?” Tanong ko sakanya habang nakaturo sa larawan
“cheek kiss? ano di mo alam yan? minor ka pa kasi—” I kissed the corner of his lips
“kaka birthday ko lang di na ko minor”
Namumulang tinuro nya ko.
“h-hoy ayos ka ah nauna pa halik bago umamin!” Ani Heeseung
“speed lang baby” nakingisi kong sagot
