Work Text:
Maaga pa lamang ay gising na si Junhui. Naghahanda para brunch nila ni Wonwoo ngunit habang nagluluto ito ay biglang may tumawag sa kanyang telepono.
Dali-dali namang sinagot ni Junhui ang tawag gamit ang kanyang daliring ginamit sa paghihiwalang bell pepper kanina.
"Hello? Ano problema?"
"Mama mo problema." rinig ni Junhui sa kabilang linya.
"Ano na naman kayong dalawa? May kailangan ba kayo?"
"Oo, ikaw. Ikaw ang kailangan namin, tulungan mo kami rito sa baba."
"At bakit? Sino ka para utusan ako?" pagtataray kuno ni Junhui.
"Edi 'wag, sige sa amin na 'tong mineral water na in-order mo ha."
Natawa naman si Junhui sa naging sagot ng kaibigan.
"Kaya niyo na 'yan, malaki na kayo ni Jihoon. Si Jihoon nga nabuhat mo, dalawang galon pa kaya ng tubig namin?"
"Tamad talaga nito oh..."
"Ano aangal pa? Sumbong kita kay Wonw-- Ay jusko! Akyat niyo na tubig namin, nasusunog na sinaing ko. Bye."
Biglang pinatay ni Junhui ang tawag dahil naamoy nitong nasusunog na ang sinaing niya. Agad naman niyang pinatay ang gas stove dahil baka mas lalong masunog at maamoy pa ni Wonwoo.
Ding~ Dong~
"Ano na, Junhui?"
"Oo na, sandali lang." sabi ni Junhui sabay buhat ng isang galon ng tubig na nasa tabi ni Soonyoung. "Grabe ha, bakit ba kasi kayo pa nag-deliver? Nasunog pa tuloy sinaing ko."
Binatukan naman ni Jihoon si Junhui.
"Kami pa sinisi mo, kwentuhan kasi kayo nang kwentuhan ni Unyang diyan kanina."
"Ano ba ganap niyo rito?" ani Junhui habang hinahalo ang malapit na malutong Kalderata.
"Labas tayo..." pagyaya ni Soonyoung.
"Eh?" napalingon bigla si Junhui sa kanila na kasalukuyang nasa dining area. "Pwede naman kaso tulog pa si Wonwoo."
"Anong oras ba nagigising 'yan?" tanong ni Jihoon sabay tingin sa nakasaradong kwarto nila Junhui na akala naman niya nakikita niyang natutulog si Wonwoo.
"Magte-10:30 a.m. na, kapag normal na gising niya mga 12:00 n.n. pa siya pero ngayon pwede ko na siya gisingin para kumain." sabi ni Junhui sabay patay ng kalan. Luto na ang pagkain nila.
"Tagal naman." ani Jihoon.
"Ang alin? Niluluto ko? Hindi ah, tapos na. Kakain kayo?"
"Hindi 'yan, alam kong tapos ka na magluto pero 'yung gising ni Wonwoo kasi tinutukoy ko. Matagal pa siya gigising, tayo na muna umalis." pagyayaya ni Jihoon ulit.
"Eh?" angal na naman ni Junhui.
"Ayaw niyo ba rito? Nagluto ako nang pwede natin kainin..."
"Edi kakain tayo rito tapos aalis na rin tayo." sabi ni Soonyoung na nauna nang magsandok.
"Paano si Wonwoo?"
"Iwan natin." sagot ni Jihoon na sumunod sa pagsandok.
"Hindi ba't palagi mo siyang hinihintay? Edi ngayon, iwan mo siya." ani Soonyoing bago mag-firat bite.
"Ano? Iiwan ko lang siya nang hindi nagpapaalam kung saan ako pupunta? Baliw ba kayo? Kapag nagalit 'yan sige, sige alis tayo..." sabi ni Junhui sabay ngiti.
Napangisi naman ang dalawa dahil nagpapain din sa wakas si Junhui sa kademonyohan nila.
Silang tatlo talaga ang tandem sa kagaguhan, ang kaso simula n'ung naging sila ni Wonwoo tumino na si Junhui.
Ngunit bilang certified demonyo si Soonyoung at Jihoon namumutawi pa rin hanggang ngayon ang dugong demonyo ni Junhui dahil na rin sa kagagawan nilang dalawa.
"Alis tayo after niyo kumain. Maghugas kayo syempre para walang bakas ng Junhui."
"Anong walang bakas ng Junhui? Aalis lang naman tayo, hindi ka naman mawawala."
"Ay oo nga pala." sabi ni Junhui sabay tawa.
"Ako na maghuhugas para makaalis na tayo." pagpepresenta ni Jihoon.
(^▽^)
Tatlong oras nang nawawala si Junhui sa kanila Wonwoo at ngayon ay nanginginig na silang tatlo at nagsisisi bakit ba nila naisip 'yon.
Joke.
Actually, si Soonyoung lang talaga ang nanginginig sa takot palibhasa siya lang ang sumasagot sa mga tawag at text ni Wonwoo. Samantalang ang dalawa naman ay ayun parang may sariling mundo.
"Text na lang kita kapag nakita kong dumaan si Junhui sa amin." sabi ni Soonyoung bago ibaba ang tawag.
Mabilis namang sinundan ni Soonyoung ang dalawang kasamang nauna nang maglakad sa kanya.
"Huy, uwi ka na Jun." bungad ni Soonyoung n'ung naabutan niya ang dalawa.
Natawa lang si Junhui sa sinabi ni Soonyoung. "Nako, kayo nag-aya sa akin dito tapos kayo rin magpapauwi sa akin."
"Galit na kasi si Wonwoo."
"Sagot ka kasi nang sagot sa kanya."
"Nirereplyan mo kasi siya."
Sabay nasabi ni Junhui at Jihoon na kinatawa ng dalawa.
"Huwag ka magpapatinag diyan kay Wonwoo. Tandaan mo ako ang uuwi sa kaniya 'no, kaya safe kayo." pagpapakalma niya kay Soonyoung kahit na medyo natatakot na rin siya.
Nararamdaman niya na kanina pa kasi talaga siya tinatadtad ni Wonwoo ng texts at tawag ngunit dahil expected niya na mangyayari 'yon pinatay niya ang phone niya.
"Unyang, gusto mo ba ice cream? Kain tayo dali para naman mawala kaba mo." pag-aaya ni Junhui. Pumayag naman si Soonyoung dahil gusto niya rin ng ice cream.
( ˘ ³˘)
"Jun, ingat ha?" ani Jihoon.
Natawa naman si Junhui. "Bakit naman? Nandidito na ako sa condo namin oh, hinatid niyo pa ako."
"Ingat ka kay Wonwoo, kainin ka n'un ng buhay pag-uwi mo." pananakot ni Soonyoung.
"Well, okay lang. Gusto ko naman." maharot na sabi ni Junhui bago bumaba sa kotse nila Soonyoung.
"Ingat kayo pauwi!" sabi niya bago isara ang pinto ng kotse at kumaway.
Nasa loob na ng elevator si Junhui at ngayon niya lang naramdaman ang kanina pa naramdaman ni Soonyoung.
Habang pagtaas nang pataas, pakaba naman nang pakaba si Junhui.
Kasalanan ko 'to, papanindigan ko 'to.
Ding~ Dong~
"Who's th— Junhui." biglang bagsak ng tonong bungad sa kaniya ni Wonwoo.
Dama ni Junhui ang halong tampo at galit ni Wonwoo.
Pumasok na si Junhui sa condo nila dahil sermon na ang sunod na mangyayari sa kaniya.
"Where have you been?" mahinahon ngunit mababa ang tonong tanong ni Wonwoo.
"Somewhere... Sorry."
"Why didn't you answer my calls? Nag-aalala ako sayo, Junhui. Kanina pa ako hindi mapakali rito."
"Sorry..." sabi ni Junhui sabay yakap sa nobyo. "Sorry kasi I left you here all alone tapos hindi pa ako nagsabi na aalis ako."
Napapailing si Wonwoo sa nangyayari.
You can't, Wonwoo. You can't. Compose yourself.
"Mahal, sorry na." sabi ulit ni Junhui sabay halik sa pisngi ni Wonwoo tapos tapat ng labi sa tenga niya. "Happy anniversary, mahal. Sorry na."
Hinarap tuloy bigla ni Wonwoo si Junhui sa kaniya dahil sa narinig.
"You taught that I forgot our anniversary?" natatawang sabi ni Junhui sabay labas ng regalo niyang relo sa nobyo. "Happy anniversary." ani Junhui na may ngiti sa mga labi.
"This is unfair, Junhui Wen" sagot naman ni Wonwoo. "I'm still nagtatampo kaya bukas ko na lang ibibigay regalo ko." nakasimangot na sabi niya. "Happy anniversary and thank you for this."
Wonwoo and Junhui smiles before kissing each other.
"Akala ko hindi mo magugustuhan. Pinagod ko sila Unya—" nahinto bigla ang binatang nagsusuot ng relo kay Wonwoo dahil ito ay nadulas.
"What did you say?"
"Wala... Sabi ko naghirap ako na hanapin 'yan." palusot ni Junhui na kinatawa naman ni Wonwoo.
"You're really not good at lying huh? Don't worry, alam ko naman na kasama mo sila, sinabi ni Unyang."
"Sorry..."
"For what?"
"Kasi iniwan kita rito tapos nagsinungaling pa ako."
"Hay, kitten. You don't have to be sorry, na-kwento na rin naman ni Unyang kung bakit ka pumayag sa kademonyohan nila." ani Wonwoo sabay halik sa noo ni Junhui.
"Thank you, mahal. I love you."
"I love you too. Happy 4th anniversary to us." sabi ng lalaking nakasalamin sa binatang mukhang pusa.
