Actions

Work Header

jeepney love story

Summary:

kapag pinaglalaruan nga naman ng universe si jaemin talagang in full circle, walang masakyan na jeep? check! umuulan? check! walang dalang payong? OPO! kumandong sa crush niya? ch- HA?!!

Notes:

yes, umuulan na naman at opo nasa jeep na naman.

this work is unbeta-ed! apologies for the errors. enjoy reading!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

“malas naman kailangan ko na makauwi” bulong ni jaemin sa sarili niya. makulimlim na at kailangan na nitong sumakay sa jeep para hindi abutan ng ulan ngunit wala pa rin humihintong jeep sa sakayan.

halos sampung minuto na rin siya rito, wala pa rin talagang anino ng jeep siyang nakita. may strike ba? anong nangyayari sa mundo? wala pa naman siyang dalang payong ngayon araw dahil may bitbit siya na bola para sa pe class.

pasilip-silip siya sa kalsada at sakto natanaw na niya sa ‘di kalayuan ang jeep.

sa wakas. huminto ito sa may sakayan, pagkasilip niya ay puno na pala ito. malaki ata ang balat sa pwet ni jaemin mukhang aabutan pa siya ng ulan.

“kuya kasya pa po ba?” sumigaw bahagya si jaemin sa driver.

“kasya pa ‘yan” sagot pabalik nito. nakatingin na ang lahat sa kanya ng pasahero. sa lagay nito kahit kalahati ng pwet niya hindi mauupo. may dadaan pa naman siguro ulit.

“hindi na po ata ka-“

“kandungin na lang kita.” nagsalita ang isang pasahero na nasa kanan.

“ha?”

“ano iho kandungin ka na lang daw ni pogi. sasakay ka ba?” tanong sa kanya ng driver. ramdam niya lahat ng mga matang nakatitig ngayon sa kanya. sumulyap siya langit at lalo pa palang dumilim ito.

“tangina. bahala na nga” bulong nito sa kanyang sarili. sumakay na ito sa jeep at dumiretso sa lalaki roon sa kanan.

tinuturo ng morenong lalaki ang hita nito, “donghyuck?” nagulat si jaemin nang makita niya na kaklase niya ang kakandong sa kanya sa jeep.

“hi, jaemin! upo ka na” natatawang bati sa kanya. nagdadasal na si jaemin na walang ibang kakilala na makakita sa kanilang dalawa.

umupo na siya sa kandungan ni haechan, isang kamay niya nakayap sa bag at ang isa pa ay nakakapit naman sa bakal na hawakan ng jeep.

“sorry, donghyuck baka mabigatan ka sa akin. mamaya siguro may bababa naman.”

“magaan ka naman. ayos lang” naramdaman ni jaemin na medyo malapit ang mukha ni donghyuck sa kanya, masyado ata silang magkadikit ngayon.

“hindi mo ba ako nakilala kanina? akala ko alam mo na ako ‘yun nagsalita kaya ka sumakay” nagsalita ulit itong kumandong sa kanya.

“hindi ko nakita mukha mo at tsaka baka umulan kasi kaya sumakay na rin ako” sagot pabalik ni jaemin.

nahihiya na makipag-usap si jaemin kay donghyuck dahil nasa kakaibang pwesto sila ngayon. wala pa rin bumababa sa jeep, ano ba namang buhay ‘to. hindi rin niya alam kung saan titingin kasi nakaharap siya mismo sa mga katapat na pasahero. gusto na lang niya magtago ng mukha pero hindi niya magagawa ‘yun. magtawag na kaya siya ng santo?

pinikit niya ang kanyang mata, magkukunwari na lang natutulog kesa makipagtitigan sa mga tao sa loob ng jeep.

“jae-“ biglang naputol ang sasabihin ni donghyuck, pumreno bigla ang sinasakyan nilang jeep. ang isang kamay ni haechan ay lumingkis sa katawan ni jaemin at biglang napakapit ang isa pa sa kamay niya na nakakapit din sa bakal na hawakan ng jeep.

“kuya, dahan-dahan naman po” sigaw ng matandang babae na pasahero.

“okay ka lang ba diyan, jaem?” ang lapit ng boses ni haechan sa tenga niya. naramdaman niya ang pagbuga ng hangin sa batok niya nakiliti si jaemin nang bahagya.

“okay lang ako. ikaw ba? sorry talaga, donghyuck.”

“ayos lang talaga, jaemin. huwag ka mag-alala.”

“sige. sana may bumaba na.”

“upo ka lang diyan” napangiti si jaemin sa sinabi ni donghyuck. hindi niya rin alam kung bakit.

kung paglalaruan nga naman si jaemin ng universe ngayon araw talagang todo na. may pumara na pasahero at makakahinga na sana siya ng maluwag. akmang lilipat na si jaemin nang may sumakay pang matanda. bumalik lang ulit siya sa kandungan ni haechan.

aaminin ni jaemin this is such an uncomfortable position pero umiikot ang sikmura niya dahil napakalapit niya ngayon kay hyuck. hindi kasama sa bingo card niya this year ang maging ganto kalapit sa kaklase niya. magtataka pa ba siya hindi rin naman kasama roon na magka-crush kay haechan kung saan siya nakaupo ngayon.

sa buong school year na magkasama sila haechan at jaemin ang pinakamahabang conversation lang nila ay noon naging mag-partner sila sa isang movie review. after that?
wala na. para kay jaemin happy crush lang niya si haechan. crush is paghanga nga naman.

“jaemin may payong kang dala?” bago makarating kung saan ang kanyang isip nagtanong sa kanya ang kaklase.

“wala akong dala. bakit?”

“sige, hatid na kita sa sakayan.”

“hala! huwag na umaambon pa lang naman” pagkatapos sumagot ni jaemin sakto namang kumulog at kidlat kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan.

“sabi ng universe sumabay ka na sa akin”

sa wakas at may bumaba na sa jeep. lumipat na si jaemin sa katapat na upuan. ngayon nasa harapan na niya si haechan.

“hello ulit classmate” sambit ni haechan. banaag na ni jaemin ang mukha ng kanyang kaklase. kitang-kita na nito ang nunal sa mukha ni haechan. oh kay gandang pagmasdan nga naman.

nakababa na ang dalawa sa jeep. sinamahan pa ni haechan si jaemin sa sakayan nito. magkaibang barangay ang dalawa kaya hiwalay din ng terminal sa tricycle.

nang makarating sila sa terminal ng tricycle ni jaemin. inabot ni hyuck ang payong sa kanya.

“balik mo na lang sa akin bukas.”

“haechan huwag na baka mawala na rin naman ‘yun ulan. kaya ko na ito.” binalik ni jaemin ang payong sa kaklase.

“salamat, haechan. sorry sa abala ha. gamitin mo na yung payong mo.”

“sure ka?”

“oo nga. sigurado ako. ingat, haechan!” hindi na nito hinintay na sumagot si haechan at lumakad na paalis ngunit wala pa sa tatlong hakbang may humigit sa kanya.

hinarap niya ang taong humigit sa kanya at pagkakita ni jaemin si haechan ulit ito. natulala si jaemin at kinuha ng kanyang kaklase ang kamay nito, nilagay ang payong sabay takbo patawid sa kabilang terminal. umuulan pero tumakbo ito na walang payong.

“bukas mo na lang ibalik. ingat!” malakas na sigaw ni haechan sa kabilang side.

nakaalis agad ang tricycle sa pila at si jaemin naiwang nakatingin sa payong na inabot sa kanya.

hindi naman siguro malas si jaemin ngayong araw.

Notes:

hi! this is my first nahyuck offering. thank you for reading?!! comments are highly appreciated <3

 

twt: lumalagi