Actions

Work Header

giliw, ‘di mapigil ang bugso ng damdamin ko (mukhang mapapaamin mo)

Summary:

Na-realize ni Sunghoon na mas masayang mag-commute lalo na kung kasabay mo ang crush mo. Nakakawala ng stress, pagod, at lungkot. Tapos, ang sarap din pala niyang kakwentuhan. Tapos, parang ang sarap din pa lang jowain (Ay, joke! Torpe si Sunghoon, pag aaralan niya pa muna kung paano mag first move).

Notes:

hey hahahah hindi ako makatulog kaya eto sunsun fluff dahil nakakamiss college life at commute life (slight lang hoy pota hassle pa rin mag commute rito sa pinas D:<) hahshshshs mwah sorry if there are grammatical errors pls labyu hahah wag mag expect !! T__T

ermmm magkakaklase sina heeseung, jake, sunghoon, jay, and sunoo :D

title from and inspired by the song mahika by adie, janine berdin

(See the end of the work for more notes.)

Chapter 1: next week sabay ulit at sa mga susunod na linggo pa?

Chapter Text

September 2019

 

Naiinitan na si Sunghoon. Paano ba naman kasi, nandito sila sa labas ngayon kung saan tirik na tirik ang araw, at napakatagal pang maghanap ng kakainan nitong sina Jay, Jake, at Heeseung. Nagtatalo pa kasi kung saan sa Dapitan sila kakain. 

 

Ang ending? Dimsum Treats. Medyo sawa na si Sunghoon sa siomai rice, pero dahil wala rin naman siyang masusuggest sa mga kaibigan dahil kung saan sila susunod na lang siya, nanahimik na lang ang binata.

 

“Mas masarap angkong,” pabulong na sabi ni Jay. Medyo nang iinis pa ngang nakatingin kay Jake.

 

“Dimsum Treats mas masarap,” sumagot naman si Jake.

 

“Hindi ‘no. Chili sauce lang nila maayos eh,” Jay rolled his eyes at his friend. Natawa naman si Sunghoon dahil parang aso’t pusa talaga ‘tong dalawa niyang kaibigan. Palagi na lang nagtatalo. Itong si Jay mahilig pikunin si Jake, minsan ganun din si Heeseung. 

 

“Ulol. Bobo ka kasi,” aba. Hindi talaga nagpaawat itong si Jake. Kaya naman kiniliti na lang siya ni Jay bigla sa leeg at ginantihan din naman nito ang kaibigan hanggang sa sinita sila ni Heeseung.

 

“Hoy, parang mga tanga ang haharot eh. Anong order niyo? Ako na magsasabi. Hanap na kayo upuan,” buti na lang at nasa mood ‘tong si Heeseung ngayong araw eh. Sinabi na ng tatlo ang kanilang mga order at dahil wala nang mapwestuhan sa baba, nagbaka sakali silang may mahahanap sa taas. 

 

Nang makarating sa second floor, maswerte sila dahil wala pang tao roon at solo nila ang lugar. Agad naman na naupo ang tatlo habang hinihintay si Heeseung at naging busy na sa kani-kanilang mga phone.

 

“Yown! Finollowback na ako ni Sunoo sa IG,” masayang sambit ni Jake. 

 

“Gago, kinabahan ako dun ah,” dagdag pa niya. 

 

“Uy, ako rin pala. Akala ko hindi ako i-aaccept,” pangiting sabi ni Jay.

 

Hindi lang pinansin ni Sunghoon ang dalawa at patuloy lang na nagsscroll sa phone niya.  Sa totoo lang, gusto niya rin sana i-follow si Sunoo, pero kinakabahan siya. Unang kita pa lang sa kanya noong first day, hindi niya na maalis sa isip ang blockmate niya na ito. 

 

Halos one month na rin nang magsimula ang buhay college si Sunghoon dito sa UST. Journalism ang kursong kinuha niya dahil maganda rin namang pre-law ito. Oo, may balak si Sunghoon na mag law. Mahirap, pero kakayanin. 

 

Pinili na lang din ni Sunghoon na mag uwian galing Cavite kaysa mag dorm. Tinatanong siya ng mga magulang niya kung sigurado na ba siya ngayong four days a week ang klase nila. Sabi naman niya, ayos lang mag uwian dahil maaga naman ang dismissal. Pinaka late na yung 5 p.m. dahil sa P.E. class nila tuwing Wednesday, pero kaya naman ni Sunghoon sumabay sa rush hour nun. 

 

Ayaw rin kasi ni Sunghoon na gumastos pa magulang niya sa dorm eh kung kaya naman mag uwian, why not, ‘di ba? Bukod nga lang sa rush hour, kalaban niya rin yung gigising ng maaga araw araw. Mayroon siyang 7 a.m. classes tuwing Monday at Wednesday, tapos 9 a.m. classes naman kapag Tuesday at Thursday. Maganda nga lang kasi ang uwian naman niya usually ay 1 p.m. or 3 p.m— mga patay na oras kaya masarap magmuni-muni sa bus. 

 

At sa mga pagmumuni-muni niya sa bus ay laging sumasagi sa isip niya ang blockmate na si Sunoo. Bukod sa maganda si Sunoo sa paningin niya, para bang pinana siya ni kupido o may kung ano mang mahika na bumalot sa kanya at first day of classes pa lang, napukaw kaagad ni Sunoo ang atensyon niya. 

 

Never pang nakapag usap nang maayos ang dalawa nitong nakaraang buwan dahil una, ibang iba naman ang circle of friends nila; pangalawa, walang kapal ng mukha si Sunghoon para kausapin si Sunoo ‘di gaya nitong tatlo niyang kaibigan. At pangatlo, hindi pa sila nagkakagrupo sa kahit anong subject. Pero, pinagdadasal lagi ni Sunghoon na mangyari iyon. 

 

“Hoy, tulala ka na naman,” pang aasar ni Heeseung habang binaba sa mesa ang kanilang mga order. Ang bilis lang din niya. 

 

“Nag iisip yan si Sunghoon paano niya ifofollow si Sunoo eh,” kinindatan ni Jay si Sunghoon bago sumubo ng pagkain. 

 

Lakas talaga mang asar nitong gagong ‘to.

 

“Tss. Hindi, ‘no. Gago,” pagdedeny ni Sunghoon at saka umiling.

 

Oo, iniisip niya ilang araw na kung ifofollow niya na ba si Sunoo sa IG, pero nakakahiya naman at naka-lock pala ang account nito. Sadyang makapal lang mukha ng mga kaibigan niya dahil halos lahat pala ng blockmates nila ay finollow na nila sa Twitter at IG, samantalang siya, mga blockmates pa nila nagtatanong ng socials niya. Hay, introvert things nga naman.

 

“Uy, nag follow back na siya sa akin,” siniko naman ni Heeseung si Sunghoon na nasa tabi niya lang. 

 

“Pre, follow mo na. Wala naman ‘yan, nag aaccept naman siya agad,” dagdag pa ng kaibigan.

 

“Luh. Wala naman akong balak eh,” sagot ni Sunghoon.

 

“Akala ko ba crush mo? Mag first move ka na, sige na, dali!” pagpipilit ni Jake at sinipa pa kaliwang binti ni Sunghoon sa ilalim ng mesa. 

 

Tinignan lang siya ni Sunghoon ng masama at nagpatuloy ito sa pagkain. “Taena mo, Jake.” 

 

“Tol, balita ko taga Cavite rin si Sunoo. Pero nagdodorm ata siya eh. Sabi ni Yujin sa akin,” chumika na naman si Heeseung. Napakadaldal talaga nito. 

 

“Chismoso ka talaga. Saan daw sa Cavite?” Syempre, na-curious na si Sunghoon. Parang tanga naman kasi eh, ngayong alam niya na pareho lang pala sila ng lugar na inuuwian, edi aasa na siya na sana magkasabay sila sa bus pauwi kahit nakadorm ang crush niya at mukhang sinusundo siguro ito dahil hindi niya nakakasabay kahit isang beses pa sa bus. O baka naman hindi lang talaga sila nagtatagpo. O baka naman since Thursday ang end ng classes nila for the week, siguro Friday umuuwi, o kaya naman hindi talaga umuuwi sa kanila (Bakit? May mga ganun kaya!).

 

Hay, ewan. Masyadong napapaisip si Sunghoon, sumasakit ulo niya. 

 

“Ay, yun ang hindi ko na naitanong,” napakamot ng ulo si Heeseung.

 

“Bobo mo naman. Nandun ka na rin lang hindi mo pa tinanong,” umirap naman si Sunghoon.

 

“Aba, attitude ‘tong mokong na ‘to. Kotongan kita dyan eh. Ikaw kaya magtanong.”

 

Sumabat naman si Jay habang natatawa, “Hindi niya itatanong yan. Duwag siya eh.” 

 

“Oy, gago nandun na raw si sir sa room. Bilisan niyo!” pagmamadali ni Jake habang tinungga ang isang basong red iced tea. Nagmadali na rin ang tatlo at binilisan ang kilos para hindi sila mamarkahang late sa klase. 

 

Wala na talaga. Thursday ngayon, last day ng classes nila for this week. Sana naman, Lord. Pagmamakaawa ni Sunghoon. 


***

Dismissed na ang klase nila Sunghoon at masaya ang lahat dahil last day of classes ngayong linggo. Kahit na may mga pending tasks pa sila na kailangan tapusin, ang mahalaga ay makakapagpahinga na sa bahay at hindi kailangang gumising ng maaga. 

 

Nagyaya pang tumambay at mag milktea tropa ni Sunghoon pero tinanggihan na niya ang mga ito kaagad. Alas tres na ng hapon. Kung tatambay pa sila at magmimilktea somewhere, aabutin sila ng isang oras mahigit dahil magkukwentuhan pa. Baka maabutan siya ng rush hour. Okay na yung sigurado. At saka, magsasayang pa ng pera eh gusto ni Sunghoon may maipon din siya galing sa allowance, kaya wag na lang. 

 

Gusto na rin kasi agad makauwi ni Sunghoon. Lagi naman siyang uwing-uwi at alam na yun ng mga kaibigan niya pero syempre, niyayaya pa rin siya ng mga ito after class kahit alam nilang most of the time, tinatanggihan sila ng binata.

 

“Hindi ako tulad niyo na isang jeep lang ang biyahe pauwi,” sabi ni Sunghoon habang inaayos ang gamit. 

 

Tinignan ni Sunghoon ang buong classroom at ang mga kaklase niya, pero wala na si Sunoo. Nagpaalam siya sa mga kaibigan at nagmadali lalo dahil baka mahabol niya pa sa bus ito. Ang bilis niya nga maglakad palabas ng gate para makapag abang ng jeep papuntang Lawton.

 

Ang problema, anong bus kaya ang sasakyan ni Sunoo? Dalawa ang bus doon usually. Yung isa, Kersteen, yung isa naman, Erjohn. Iniisip niya rin kung uuwi ba si Sunoo ngayon talaga. 

 

Grabeng pag-ooverthink naman yata ito para kay Sunghoon. Tangina kasi ni Heeseung eh. Sinabi na taga Cavite yung isa, edi malamang sa malamang laking asado talaga nitong si Sunghoon ngayon. 

 

Napabuntong hininga si Sunghoon. Siguro, aasa na lang siya sa tadhana. Ang korni talaga niya pero sabi nga nila, “If it’s meant to be, it will be.” Ngayon, kung talagang tinadhana na magkasabay sila sa bus, talagang magkakasabay sila. 

 

Pagkababa niya sa jeep ay agad na siyang sumakay ng bus. Nakita niya na puno na sa Kersteen kaya dito na siya sa Erjohn sumakay. Para kay Sunghoon, mas pipiliin niya talaga ang Erjohn dahil mas malaki ang mga upuan at malawak ang leg room. 

 

Pagkaupo ng binata sa bus ay nag-earphones na lang agad siya para hindi na niya maisip pa na makasabay ang crush dahil mukhang hindi siya papalarin ngayong araw. Hinanda niya lang ang pamasahe at sumandal sa upuan. 

 

Ang ganda ng pwesto niya dahil wala pa masyadong tao kaya nakaupo siya sa may window seat. Perfect pang daydream sa mga mangyayari sa non-existent love story nila ni Sunoo habang nagpapatugtog ng mga kanta ng Cup of Joe. Ayos yan, Sunghoon. Ipagpatuloy mo lang. Malay naman natin, ‘di ba. 

 

Mga 30 minutes na rin siguro ang nakalipas at medyo napupuno na ang bus. Wala pang umuupo sa tabi ni Sunghoon. Hindi niya lang pinapansin dahil mamaya naman meron na rin yan. Busy lang siya sa pagtanaw sa labas. Nakatulong yung soundtrip niya dahil medyo nakakalimutan niya na rin yung pagnanasa niya na makasabay ang crush niya ngayon. 

 

Gayundin, inaantok na si Sunghoon. Na-burnout siya sa presentation kanina. Na-tense pa siya lalo dahil titig na titig si Sunoo sa kanya kanina sa harap. 

 

Habang tinitignan naman ni Sunghoon ang labas, nagulat siya dahil may nakita siyang pamilyar na tumatakbo at pasakay rin sa bus na sinasakyan niya ngayon. Nawala ang antok sa katawan ni Sunghoon sa sobrang excitement at agad na tinanggal ang earphones niya sa tenga. 

 

Pucha, si Sunoo. Thank you Lord!

 

Hingal na hingal si Sunoo nang makatapak sa bus. Itinaas ni Sunghoon ang isang kamay at agad itong nakita ni Sunoo. Ang laki ng ngiti ng dalawa. 

 

Ang ganda ng ngiti ni Sunoo. 

 

“Sorry po, kasama ko po uupo rito, ayun po siya oh,” marespetong sabi ni Sunghoon sa ale na uupo na sana sa tabi niya, sabay turo kay Sunoo na papalapit na sa kanila.

 

“Dito, Sunoo!” Tawag niya. Ngumiti naman si Sunoo at bahagyang nanlaki ang mata. Nagulat siyang may blockmate siyang makikita rito dahil wala namang nag banggit sa kanya na may taga Cavite rin pala siyang kaklase. 

 

Nakakahiya man pero alam ni Sunghoon na ang laki ng mga ngiti niya ngayon. Isang milagro rin na natawag niya ang pangalan ni Sunoo nang walang bahid ng hiya sa boses niya. 

 

Sunoo waved his hand as he approached Sunghoon’s seat. Sobrang cute ni Sunoo. Ang animated ng mga galaw niya. Pero sa block nila, hindi naman gaano ka-energetic si Sunoo. Oo, nakikipagusap siya sa mga kaklase pero hindi rin lahat kinakausap niya. Parang one month na silang magkaklase pero ngayon lang niya na-witness si Sunoo na ganito ngumiti at magsalita. 

 

Tama na, Sunghoon, Umiiral na naman pagkahibang. Malamang ganyan din siya sa tropa niya, ‘di mo lang nakikita.

 

“Huy! Taga Cavite ka pala?” tanong ni Sunoo bago tuluyang umupo sa tabi niya. Hingal na hingal ito at dalawang bag ang bitbit niya, tapos may backpack pang dala.

 

“Teka lang, Sunoo. Ang dami mong dala. Ilagay na natin yan dito sa taas,” agad na inilagay ni Sunghoon sa luggage compartment ang dalawang malalaking bag ni Sunoo. 

 

Kawawa naman, tumatakbo pa siya kanina rito papunta sa bus. Akala siguro niya maiiwan siya.

 

“Gusto mo ba rito sa window seat?” Sunghoon offered. Kahit paborito niyang pwesto ‘yon, it’s okay if he gives it up to the latter. 

 

“Okay lang ba?” Sunoo asked. Medyo nahihiya pa siya. 

 

Walang pag aalinlangang umoo si Sunghoon. “Aba’y oo naman. Here, let’s switch seats.” 

 

“Salamat, Sunghoon,” ngumiti na naman si Sunoo. 

 

Tama ka na, Sunoo. Sobra na ‘yang mga ngiti mo, nakakatunaw na.

 

“You’re welcome. And to answer your question awhile ago, oo, taga Cavite rin ako. Uwian nga eh,” sagot naman ni Sunghoon.

 

“Oh, saan sa Cavite? I’m from Imus.” 

 

“Dasma.” 

 

“Hala! Ang layo! Are you sure you don’t want to stay in a dorm? Maraming magaganda near UST.” 

 

“Eh, okay naman na ako na uwian. Maaga kasi dismissal eh kaya g lang.” 

 

“Paano yung commute? Okay lang ba araw-araw?” Sunoo looks concerned. Iniisip niya kasi na kahit naman maaga dismissal nila, ang hirap gumising ng maaga. Plus, nakakapagod yung commute. Imagine mo, dalawang oras ka sa biyahe araw araw. Tapos may mga times pa sa umaga na wala kang masasakyan dahil lahat punuan na. O ‘di kaya aabot ng tatlong oras biyahe mo dahil sa morning traffic. Parang mas okay pa kung bumiyahe ka pa-Cebu dahil wala pang dalawang oras ‘yon. 

 

“Oo. Nasanay na,” Sunghoon smiled at him. Ang gwapo naman nito. Sunoo says to himself. Medyo naghahabol pa rin ng hininga si Sunoo gawa nga ng pagtakbo niya kanina. Hindi pa naman siya sanay sa ganito– yung mga takbuhan o kahit anong physical activity, kaya mabilis siya mapagod.  

 

“Mukhang pagod ka yata, Sunoo. Nakita kitang tumakbo papunta rito eh. Hinga ka muna,” grabe, hindi alam ni Sunghoon kung paano niya nagagawang kumalma habang kausap si Sunoo. Pero mabilis ang tibok ng puso niya, at naririnig niya ito. 

 

“Oo, hinabol ko kasi talaga at ayoko na maghintay pa mamaya eh. Gusto ko na umuwi. Tapos yung Kersteen doon sa kabila, paalis na. Eh wala namang susunod na bus na naghihintay,” sagot ni Sunoo na nagpupunas pa ng pawis. 

 

Speaking of pawis, kanina pa naaamoy ni Sunghoon si Sunoo. Ang bango. Amoy baby cologne tapos may halo ng fabric conditioner. Tama, si Sunoo ay amoy baby na bagong laba. Teka, bakit ganyan naman pagkaka-describe ni Sunghoon sa utak niya? Ah, basta. Mabango si Sunoo. Mukhang fresh pa rin kahit pawis na. 

 

“Mani, mani”

 

“Tubig, chips kayo dyan!”

 

“Ma’am, sir, prutas po. Orange, dalandan– meron tayo rito”

 

Ayan na ang mga ate at kuyang nagbebenta ng mga snacks at prutas. Umakyat na sila sa bus dahil malapit na mapuno kaya may mga bibili na. 

 

Tinawag ni Sunghoon yung nagbebenta ng tubig at bumili siya ng dalawa. Si ate naman ay kumatok sa bintana at sumenyas sa mga kasama niya sa labas para sa tubig nila Sunghoon. 

 

“Oh, tubig,” alok ni Sunghoon kay Sunoo. “Tig-isa tayo.”

 

“Ha? Hala, thank you,” akmang mag aabot ng bente si Sunoo kay Sunghoon, bayad niya rito pero tinanggihan ito ng binata. 

 

“Libre ko na,” ngiti niya. Natatawa si Sunghoon sa sarili niya. Natatawa siya dahil para bang hindi siya nahihiya ngayon sa crush niya. Normal siguro para sa iba ‘yung ganitong gestures, pero para kay Sunghoon, achievement na magawa niya ito. Siguro mas komportable kapag silang dalawa lang. Sa room kasi, maraming tao tapos hindi rin sila ganun nagpapansinan ni Sunoo gawa nga ng friend groups nila na magkaiba naman ng gusto.

 

At syempre, bagong salta lang naman silang lahat sa college. Nag-aadjust pa ang lahat sa isa’t isa. Siguro, kapag tumagal na, saka pa sila magkakakilala lahat.

 

“Alam mo, ang saya saya ko kasi may makakasabay na ako umuwi. Okay lang bang sabay na tayo umuwi kapag Thursday?” Sobrang tuwa ni Sunoo at na-excite siya dahil may taga Cavite siyang kaklase at makakasabay niya na umuwi. 

 

Bukod pa roon, out of all his classmates, si Sunghoon pa talaga. Eh balita niya halos karamihan ng blockmates niya, crush si Sunghoon. Hindi niya alam kung napapansin ba ito ng binata o sadyang oblivious lang ba ito. Pero, hah. Mainggit kayo ngayon. Pagyayabang ni Sunoo sa isip isip niya. 

 

Napapansin din ni Sunoo na medyo awkward na tao si Sunghoon. Minsan nga nalulungkot siya kasi pag lumalapit siya kay Sunghoon, lalayo ito kaagad. Mabaho ba siya? May dumi ba siya sa mukha na ayaw sabihin ni Sunghoon? O baka naman na-iintimidate ito sa kanya. Hindi rin naman kasi maikakaila ni Sunoo na may intimidating aura siya. 

 

Isang buwan na magmula noong magsimula sila sa college. Pansin din ni Sunoo na tahimik si Sunghoon. Hyper lang siya kapag kasama niya sina Jay, yung tropa niya. Nakakatawa nga yung magtotropang yun eh. Ang kukulit kasi. Yung tatlo madaldal talaga, pero si Sunghoon lang yung hindi. 

 

Nagulat si Sunghoon sa tanong. Hindi siya agad nakasagot. Napainom muna siya ng tubig bago siya nakapagsalita.

 

“O-oo naman. M-mas gusto ko nga yung may kasabay eh.”

 

Gago. Nakakakaba naman ‘to. Hindi naman ineexpect ni Sunghoon na itatanong ni Sunoo ‘yun sa kanya. Akala naman ni Sunghoon na-overcome niya na yung hiya, pero eto na naman. At syempre, oo agad ang sagot. Sino ba namang aayaw makasabay ang crush pauwi? Iniimagine na yata ni Sunghoon na isa sa kanila makakatulog tapos sasandal sa balikat nung isa. Ay, Diyos ko po. Napapangiti na naman si Sunghoon. 

 

Hindi niya rin yata nararamdaman na namumula ang mga tenga niya at nakita iyon ni Sunoo pero kunwari na lang ay wala siyang napansin because he finds it cute. Sunghoon looks adorable when he’s flustered.

 

Naalala ni Sunoo na may mga biscuit pala siyang dinala pauwi mula sa dorm kaya naman binigyan niya si Sunghoon at mukhang mas nahiya pa ito at tatanggihan sana pero Sunoo said he should take it instead. 

 

At sa wakas, nagsimula na ring umandar ang bus. 


***

“Tapos pati ate ko tumatalon talon nung nakapasa ako sa UST. As in nagyakapan kami kasi nga pati siya napuyat kakaantay namin nung results,” kwento ni Sunghoon habang nginunguya yung biscuit na binigay ni Sunoo. 

 

Nasa Macapagal Boulevard na sila ngayon. Halfway na rin sa destinasyon nila at kanina pa sila nagkukwentuhan simula nang umalis yung bus, at hanggang dito, halos wala silang tigil sa pagsasalita. 

 

Madaldal naman pala itong si Sunghoon. Napagkwentuhan nila first impressions sa mga kaklase at pakiramdam nila noong nakapasa silang UST. Tapos lumayo sila ng topic at napunta naman sa mga alagang aso’t pusa sa bahay, tapos ngayon bumalik na naman sa topic noong nakapasa silang UST at reaksyon ng pamilya nila. 

 

Nakwento rin ni Sunghoon na naging varsity siya ng volleyball noong high school, tapos nakwento naman ni Sunoo na active siya sa extracurricular activities kaya balak niya ngayong college ang mag-focus sa studies. Nag agree naman si Sunghoon dahil ganun din ang plano niya. 

 

“Hoy, ang sakit na ng panga at pisngi ko kakadaldal at kakatawa,” pangising sambit ni Sunoo. 

 

“Kaya nga eh. Grabe, nandito na pala tayo sa Bacoor?!” sumulyap naman si Sunghoon sa bintana. Oo nga, nasa SM Bacoor na sila. Parang ang bilis? Kanina lang nasa Macapagal pa ah? Hindi na rin kasi nila namalayan ang oras at kung nasaan sila dahil sa kadaldalan nila pareho. 

Nakaka-enjoy kausap si Sunoo. Napapakwento tuloy si Sunghoon. Yung earphones niya nga, kanina niya pa inilagay sa bulsa ng bag niya dahil hindi naman na rin siya nakapag-soundtrip. 

 

Mas pinili niyang kausapin ang crush niya, syempre. 

 

Ang dami na nilang napagkwentuhan sa biyaheng ito. Hindi naman inakala ni Sunoo na madaldal din naman pala itong si Sunghoon. Ang daming nakwento, grabe. Sa mga susunod pang biyahe, malamang talambuhay na nila pareho ang makukwento nila sa isa’t isa. 

 

Mga ilan pang minuto at pababa na si Sunoo. Medyo may lungkot sa mata nilang dalawa. Naiimagine na ni Sunoo na mag isa na lang si Sunghoon pabiyaheng Dasma. May konting layo pa kasi ito eh. Si Sunoo naman, pagbaba sa bus ay konting lakad lang sa kanto at nandun na rin ang subdivision nila. Maswerte rin at hindi niya na kailangan pang mag tricycle o pedicab papasok. 

 

“Tatayo ka na ba?” tanong ni Sunghoon. Tumango naman ang isang binata at dali-daling tumayo rin si Sunghoon sa kinauupuan para kunin ang dalawang bag ni Sunoo sa may luggage compartment.

 

“Ingat ha. Mabigat pa naman dala mo,” sabi ni Sunghoon. Gusto niya sana bumaba para samahan si Sunoo maglakad pauwi kaso… kaso ang OA naman yata nun. 

 

“Hoy, okay lang! Tinext ko na kuya ko. Sabi ko antayin ako sa kanto at pababa na ako. Malamang nandun na yun. Lakad onti lang yun tapos tatawid,” Sunoo lightly tapped Sunghoon on his shoulder. 

 

Bumaba na rin si Sunoo sa wakas. Sinundan siya ni Sunghoon ng tingin at nakita nga ang kuya niya na naghihintay sa mismong tinigilan ng bus. Tinulungan agad siya nito sa kanyang mga bitbit at mukhang nag aasaran pa nga. 

 

Napaka-cute rin ni Sunoo maasar. Sinuntok niya pa ng bahagya ang kuya niya sa balikat pero nag belat lang ito sa kanya at nagkukulitan sila habang naglalakad pauwi. 

 

Nag buntong hininga si Sunghoon. Nahuli niya ang sarili niyang nakangiti na naman. 

 

Hinawakan niya ang kanyang dibdib. Ang bilis ng tibok. May kung ano siyang nararamdaman. 

 

Napailing siya at natawa sa sarili. 

 

Kinuha niya na ang earphones at saka sinaksak sa phone niya nang makita niyang may notifications mula sa Facebook, Instagram, at may chat sa Messenger. 

 

[Facebook]

Sunoo Kim wants to add you as a friend

 

[Instagram]

Sunoo Kim has requested to follow you  

 

Nagulat pa nga si Sunghoon at hindi pa muna nagpatugtog ng kanta dahil sa nakitang notifications. Syempre, inaccept niya pareho yon. Grabe, akalain mo yun? Crush niya pa talaga ang nag add at nag follow sa kanya sa FB at IG?!

 

Naunahan ako ah.

 

Masakit na ang pisngi ni Sunghoon kakatawa at kakangiti kanina pa ngunit walang makapipigil sa kanya at sa nararamdaman niya ngayon nang makita kung sino ang nag message sa kanya. 

 

[Messenger]

Sunoo Kim 

Hi Sunghoon! Nakauwi na kami. Ingat ka ha. Ang saya mo pala kausap. Next week sabay ulit at sa mga susunod na linggo pa? :D 

 

[Messenger]

Sunghoon Park

Hello, Sunoo. Buti naman at nakauwi ka na. Ok, next week at sa mga susunod na week, sabay na tayo. Haha. Saka, ‘di ako madaldal noh. Ikaw yun. Nakakahawa ka kasi eh. Hehe. :)) 

 

Pagkatapos mag-reply ay nagpatugtog na si Sunghoon ng kanta sa phone at binaling ang atensyon sa pagtanaw ng mga nadadaanan mula sa bintana ng bus.

 

Ngayon, mukhang maeenjoy na niya nang tuluyan ang biyahe pauwi lalo na tuwing Thursday.

 

At sa wakas, there is finally something really exciting to look forward to every week. 

Notes:

omg you’ve reached the end? thank you for reading!! HAHAHH sorry for the word vomit haha tnx po SUNSUN FLUFF LET’S GO!