Work Text:
walang choice si haechan kung hindi pumunta sa malapit na branch ng sb para tapusin ang isang paper na ang deadline ay ngayong tanghali. nawalan ng power ang unit niya kaya kahit ang branch ng coffee shop na pinuntahan niya ngayon ay tambayan ng mga retirees at mga titang mahilig mag-catch up over coffee, nakalatag na ang kanyang laptop at iced matcha latte sub oat milk sa table.
everything went well dahil wala pang 11:59am tapos na siya paper at inaayos na lang ang references, on his 2nd cup of iced matcha naisipan niya bumili ng flatbread as his first meal of the day. medyo mahaba ang pila sa counter kaya habang nasa pila siya chineck niya ang gc nila ng mga kaibigan niya na hindi naghabol ng deadline kaya maraming time ang mga ito dahil kita niya ang unread messages nitong napakadami sa gc.
chenle
[video]
jisung
tama na!!!
renjun
HAHAHHAHAHAHA MEME VICE
chenle
buhay pa ba si haech
jisung
sb pa rin ata siya
renjun
kailan pa naging sb ang kaibigan natin?
chenle
NAMO HAHAHA
haechan
hello madlang people
jisung
mabuhay!
renjun
haech tapos na paper mo?
haechan references na lang. bili lang ako ng bread
chenle
yabang mo naman
haechan
anong yabang ikaw nga last week pa nagpasa, nanlalamang ka ng kapwa
jisung
ganyan ka pala chenle
renjun
oo nga ganyan ‘yan
chenle
si jisung talaga nauna
renjun
huwag ka na nagtuturo diyan
jisung
nawala na si hyuck
chenle
baka nago-order na
isang tao na lang bago maka-order si haechan, isang counter lang kasi ang naga-accommodate sa mga customer ngayon.
“one iced americano venti with no water po” sabi ng lalaking umo-order sa harap ni haechan.
“and 4 espresso shots po pala” dagdag nito. wala na atang balak matulog tong nasa harap niya.
“anything else, sir?” tanong ng barista sa cashier.
“add na rin ako nung four cheese flatbread” sagot pabalik ng lalaking naka-black.
hala ang four cheese flatbread ko pareho kami
haechan heard a chuckle from the man in front of him, nasabi ata niya ng malakas ang nasa isip niya. medyo oa hindi naman mauubos ang flatbread. umalis na ang lalaki at makaka-order na rin si haechan. bumili na rin siya ng panibagong drink at hindi na matcha baka maging kakulay na niya si shrek kapag pumangatlong baso pa siya.
naghihintay ngayon siya ng kanyang order hindi na siya bumalik sa table, andito rin ang lalaking nasa harap niya kanina. mestizo ito may katangkaran at nakasuot ng black shirt at jeans, may nakasukbit na id lace at sa sobrang linaw ng mata ni haechan sinipat na nito ang id.
na jaemin
‘yan ang pangalan ng lalaki sa harap niya, biglang tinawag ang pangalan ni haechan. mukhang nauna makumpleto ang order niya kesa kay jaemin. hala close ba sila?
nauna na siyang bumalik sa table. hindi nakita ni haechan ang course nito, curious lang binata dahil sa order nitong kape na mukhang ayaw nitong makatulog. alin lang sa dalawa baka nasa med school ito o kaya naman arki student. nasa isip ni haechan kung siya ‘yun lalaki sasamahan na rin niya ng paghipak, starter pack sa all nighter ni haechan.
nakaupo na ngayon si haechan sa table at naririnig niya naman ang kabilang table ng mga matatanda na nagtatalo sa lupa pati sa coffee shop may nagtatalo sa lupa. tinapos na muna ni haechan ang references niya bago kumain ng lunch niyang tinapay. patuloy pa rin ang diskusyon tungkol sa lupa, napakarandom pakiramdam ni haechan nasa sitcom siya ngayon. ‘yan ang background music ni haechan pero mukhang effective dahil mabilis niyang naayos ang last part ng paper at napindot na niya ang submit button. oras na para sa first meal of the day na solid food.
bago pa niya maisubo ang tinapay biglang may nagtanong sa kanya kung pwede bang makiupo at ang mukhang tumambad sa kanya ay si jaemin, ang lalaking may 4 extra shots sa kape niya ngayon.
“sige lang, upo ka na diyan.” sagot ni haechan
“salamat” umupo na si jaemin at nilapag ang laptop nito at ilang libro. nakita ni haechan ang mga libro at mukhang medicine field nga ang course nito.
naging tahimik lang ang ilang minutong magkasama sila ng lalaking nasa harap niya, may ginagawa ito sa laptop habang kumakain at si haechan naman ay nanunuod lang sa laptop niya ng gilmore girls.
“excuse me, may sasaksakan ba rito?” tanong ni jaemin. hala huwag naman sana
tumawa si jaemin.
“narinig mo ‘yun?” gulat na sagot ni haechan, napatakip naman ito sa bibig niya.
“your thoughts are so loud, kanina narinig din kita” nakangiti ngayon si jaemin sa harap niya at medyo natatawa pa rin ito.
“sorry, meron outlet dito sa tabi ko, gusto mo palit tayo?” tumango ang lalaki at nakipagpalit ito ng pwesto kay haechan.
“thank you, what’s your name pala? if you don’t mind”
“haechan, haechan lee”
“thank you, haechan.”
“welcome, jaemin”
“huh? you know my name?” bakas sa mukha ni jaemin ang pagkalito at si haechan naman at nag-iisip kung magpapalusot ba siya o sasabihin na nakita sa id niya.
“ay sorry baka narinig mo kanina sa counter” nagsalita ulit si jaemin.
“oo, narinig ko nga kanina.” ang plastik ng tawa niya pero okay na ‘yun at least hindi naman magiging weird sa paningin ni jaemin si haechan.
naging tahimik ulit sila at nagpatuloy sa kanya-kanyang ginagawa. tinignan ni haechan ang kanyang telepono at nag-message sa gc.
haechan
kasama ko si jaemin 😀
[photo]
renjun
hyuck sino si jaemin?
jisung
okay ka pa ba?
chenle
press 1!!!!!!
haechan
jaemin na, nakita ko id kanina sa pila
renjun
gagi ka hahaha
chenle
MATULOG KA NA NGA
renjun
cgeh sabi mo
haechan
seryoso nga
[photo]
jisung
nakiupo lang naman sa’yo ‘yan
chenle
TAMAH!! huwag ka na gumawa ng kwento
haechan
grabe
kayo sa akin
kayo na laging tama!!!
renjun
ingay
kick niyo na nga ‘yan
“masarap ‘yan drink mo, jaemin?” tanong ni haechan. nakita niyang kumakain na ito kaya kinausap na lang ni haechan.
“hindi” sagot naman ni jaemin. masungit pala ‘to
“joke lang pero seryoso hindi masarap kasi mapait pero i like it.” dagdag ni jaemin.
“oh mukhang matapang nga akala ko kanina ayaw mo na matulog.”
"yup, i can't fall asleep may deadline ako at 1pm."
"pareho tayo! one hour early sa akin. are you done with it?"
"already submitted my output and this is my first meal."
"pareho tayo? ayos meant to be." napatakip ng bibig si haechan sa sinabi, para bang may mali itong nasabi. his inner thought, si oa
napangiti si jaemin sa narinig mula sa binata.
"welcome to showtime!" sabi ni haechan.
"ang funny mo"
"bagay ba?"
"oo pwede ka na magco-host sa showtime."
sumasakay naman sa trip ni haechan si jaemin. mukhang pareho rin sila ng humor. buti naman, pumupogi tuloy sa paningin ni haechan si jaemin. jaemin is now pouting at salubong ang kilay while examining his drink. cute. scratch that jaemin is gwapo. jet black brushed up hair and his eyelashes is so long, ang ganda pagmasdan.
"you are staring" naputol ang train of thought ni haechan dahil nagsalita ang lalaki sa harap niya.
"penny for your thoughts?" dagdag pa nito.
"wala, is something wrong with your drink?"
"tinititigan ko lang, effective ngayon"
"haechan alam mo parang familiar face mo?"
"masyado bang generic mukha ko?"
"no, cute nga eh" ano raw?
"maliit na bagay, ikaw naman"
"you know renjun?"
"oo, kilala mo siya?"
"mark lee"
"hala!! si kuya from org"
how can haechan forget renjun and mark beef last year, but ibang kwento na 'yun.
"meant to be tayo?"
"ay? dapat sure ka diyan"
uy benta na naman si haechan dahil tumawa na naman si jaemin sa joke niya.
"can i get your-" haechan got cut off nang nag-ring ang phone ni jaemin.
"i'll take this call lang."
haechan finished his bread habang nakikipag-usao si jaemin sa phone. tatanungin sana nito si jaemin kung pwede kunin ang number niya.
"sorry, haechan. mauna na ako may pinapaayos pa si kuya mark sa akin. wala kamimg availabl staff ngayon."
"go ahead, ako na mag-clean up here."
"thank you! see you around, haech."
dalawang linggo ang dumaan hindi sila nagkita sa campus, coffee shop, sakayang ng jeep, sidewalk, mang inasal, chowking, o kahit sa cr. wala hindi sila haechan at jaemin.
haechan entered the coffee shop at may paper na naman si haechan ngayon. may kuryente naman sa unit niya pero pakiramdama ni haechan ay he can focus more kapag malayo siya kama.
maraming tao sa coffee shop as usual pero may nakita siyang lalaki na mag-isa wearing a ball cap and a mint hoodie. naka-focus ito sa ipad niya.
"hello, may saksakan ba rito?"
"huwag naman sana. bata pa ako." inagat nito ang ulo at tumingin kay haechan.
"haechan?"
"jaemin?"
