Chapter Text
Mabilis malasing si Donghyuck. Una niya itong nalaman noong sumama siya sa mga kaklase niya noong junior high school na mag-cutting para tumambay at mag-inuman sa bahay ng isa nilang kaklase. Alam ni Donghyuck na walang mali sa pagiging lightweight, pero dahil sa linya ng trabaho niya kung saan inaasahan ng lahat na perpekto ka sa lahat ng aspeto ng buhay, ito ay maituturing na isang kahinaan.
Kaya nagkukunwari na lamang siya.
Nagpapanggap si Donghyuck na walang epekto sa kanya ang alak na isinasaksak niya sa kanyang sistema. Nagpapanggap siya na hindi siya tinatamaan ng matataas na tagay at matatapang na alak na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga katrabaho.
Hindi na bago kay Donghyuck ang pagpapanggap na ito, kung tutuusin pa nga ay lampas na sa bilang ng kanyang daliri sa kamay at paa kung ilang beses na niya itong ginawa. Sa lahat ng pagkakataon na iyon ay sinikmura niya ang masalimuot na pakiramdam ng paghahalo ng alak at dugo sa kanyang katawan at ang kasama nitong hangover sa umaga.
Ngunit kahit na mahina sa alak si Donghyuck, sinigurado niya na hindi ito kailanman makikita ng kanyang mga katrabaho at lagi’t lagi, napagtagumpayan naman niya iyon.
Walang kahina-hinala ang kanyang mga kasama na umiikot na ang paningin ni Donghyuck at doble na sila sa kanyang paningin.
“CR lang ako,” paalam ni Donghyuck kay Renjun, isa sa mga kaibigan ng binata sa kanilang firm.
Tinanguan lamang siya ng kaibigan bago ibinalik ang atensyon sa pinag-uusapan sa kanilang mesa.
“Fuck, hilo na ako.”
Tinig ni Donghyuck sa kanyang isipan. Sa kanyang paglakad patungo sa CR ay mangilan-ngilang beses siyang halos tumumba sa sahig dahil sa labis na pag ikot ng kanyang paningin.
“Lakad matatag, bakla. Please, umayos ka.”
Nang makarating siya sa CR ay agad niyang sinabuyan ng tubig ang kanyang mukha upang mabawasan kahit papano ang init nito at para maibalik sa wisyo ang kanyang sarili. Nang nahimasmasan ay nagpasya na si Donghyuck na bumalik na sa kanilang mesa bago pa mapansin ng mga kasama niya ang kanyang pagkawala.
“Oh, careful,” saad sa kanya ng binata na halos mabungo niya noong pabalik na siya.
Agad na lamang humingi ng paumanhin si Donghyuck sa binata para hindi na siya matagalan pa.
Pagkabalik na pagkabalik niya sa kanilang pwesto ay ramdam na ramdam niya ang pagtitig sa kanya ni Renjun, “Anong problema mo?”
“Hah, wala tinitignan lang kita,” saad ni Renjun, “Tsaka ang pogi kasi nung muntik mo na mabangga kanina.”
Walang ibang nagawa si Donghyuck kung hindi umiling nalang dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Ipagtutulakan mo pa talaga ako sa tao dito ah,” reklamo ni Donghyuck.
“Bakit pogi naman ah,” depensa ni Renjun, “Kala mo naman di niya type.”
Bahagyang natawa si Donghyuck dahil sa sinabi ni Renjun, “Gago ka, porke pogi type ko na agad?”
“Wala akong sinasabi.”
Lumingon sa paligid si Donghyuck kahit na nagdudulot ito ng sakit sa kaniyang sintido, sa kanyang pagbaling sa kanan ay nakita niya ang binata na muntik na niya mabangga kani-kanina lamang.
Oo nga, tama si Renjun, type nga niya.
Agad niyang binawi ang sulyap ng saglit na magtagpo ang kanilang mata.
Sa pag lalim ng gabi, isa-isa ng nagsi-uwian ang ibang mga katrabaho nila Renjun at Donghyuck habang ang dalawang binata naman ay napagpasyahan na manatili at mag-inuman pa.
“Makaasta kala mo hindi weakshit ah,” saad ni Renjun nang sabihin ni Donghyuck sa kanya na gusto pa niyang manatili sa bar.
“Medyo okay naman na, wag ka nga,” sagot ni Donghyuck sa pang aasar ni Renjun, “tsaka minsan lang naman tapos tayong dalawa na lang, okay na yan.”
Mahinang tawa lang ang isinagot sa kanya ng kanyang kaibigan.
“Tsaka okay na yan, para isipin nila na kaya ko pa uminom, edi na retain ko pa identity ko as someone na may high tolerance sa alcohol,” medyo mayabang na sabi ni Donghyuck.
“Tangina mo talaga,” pagmumura ni Renjun.
Makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ni Donghyuck na may matang nagmamasid sa kanya. Sa kanyang inis ay inilibot niya ulit ang kanyang mata sa paligid upang mahanap ang taong nakatitig sa kanya.
Sa paglingon niya sa kanyang gawing kanan ay natagpuan niya ang may-ari ng mga matang nakatitig sa kanya buong gabi.
Nang magtapo ang kanilang mata ay mabilis na kumindat ang binata sa kanya.
Kinusot ni Donghyuck ang kanyang mga mata sa pag-aakalang namalik mata lamang siya ngunit ng mag angat ulit siya ng paningin ay muling kumindat at ngumisi sa direksyon niya ang binatang kanina pa nakatitig sa kanya.
"Landi naman," pabalang na saad ni Renjun sa tabi ni Donghyuck.
"Taena ang creepy niya kumindat, di ko madistinguish kung aling mata ‘yong nakapikit at nakadilat."
"Gago, ang sama talaga ng ugali mo, di ba pwedeng sobrang chinito lang ni pogi kaya ganun?" tugon sa kanya ng kaibigan bago sumimsim ng alak.
"Ah basta creepy pa rin," sagot ni Donghyuck habang nakangisi.
Tumawa nalamang si Renjun dahil sa mga pinagsasabi ni Donghyuck.
The night went on and the more drinks Renjun and Donghyuck drank, the bolder they became. Renjun found a guy and stared at him nonstop, for all Donghyuck knew they were already eye-fucking each other.
"Taena bakla hinayan mo lang naman kakatitig dun kay kuya," pagsaway ni Donghyuck sa kaibigan.
"Sus tigilan mo ko, dun kana kay kuya chinito," sagot ni Renjun, nag mwestra ng noo sa direksyon ng binatang chinito sabay sabi, "kita mo di pa rin inaalis ang tingin sayo."
Agad na nakaramdam ng hiya si Donghyuck dahil kinindatan ni Renjun ang binatang kanina pang nakatingin sa kanya.
Maya maya pa ay nagsimulang maglakad ang lalaking katitigan ni Renjun patungo sa kanilang direksyon.
"Nice one accla, yari ka may ginalit ka sa pag kindat mo kay kuya chinito ko," pangaasar ni Donghyuck sa kanya.
Matapos ang ilang segundo ay nasa tabi na ni Renjun ang binatang binanggit ni Donghyuck at nakikipag kilala na sa kanyang kaibigan. At dahil may kausap na si Renjun mas minabuti ni Donghyuck na dumistansya sa kaibigan upang bigyan na ito ng pribadong espasyo habang nakikipag kilala sa kausap nito.
Nagpatuloy na lamang sa pagsimsim ng alak si Donghyuck habang patuloy ang pag uusap ni Renjun at ng lalaki sa tabi niya. Nang humarap sa Renjun sa kanya upang ipakilala siya sa binatang kausap nito ay napansin ni Donghyuck na wala na ang lalaking nakamasid sa kanya.
Napainom nalamang si Donghyuck ng alak dahil sa panghihinayang na bumalot sa kanyang sistema ng mapagtanto na wala na ang mga matang nagmamasid sa kanya mula sa malayo.
Sayang naman! Lalaki na naging bato pa.
“Looking for me?”
Ahe, Lord thanks pi, dadaan po ako sa Baclaran pag may time.
Laking gulat ni Donghyuck nang marinig iyon mula sa kanyang kaliwang tenga, mukhang napansin ng binata ang kanyang pagkagulat kaya’t bahagya itong natawa dahil roon.
“I’m Jeno,” pakilala ng binata kay Donghyuck sabay lahad ng kamay nito.
“Donghyuck.”
Nang magtapo ang balat ng dalawa ay agad na may naramdamang kakaiba si Donghyuck, tila bumilis ang tibok ng kanyang puso, at uminit ang palad niya kung saan nagtagpo ang kanilang mga balat. Ngunit pinalampas lamang iyon ni Donghyuck dahil alam niyang dulot lamang iyon ng serbesa sa kanyang katawan.
“Is he your friend?” ani ni Jeno sabay muestra kay Renjun.
“Ahh yes, he’s my friend.”
“He’s cute, especially when he winks,” saad ni Jeno.
Aba pota hindi pwedeng si Renjun ang maguwi ng baby boi na ito.
“What about me?” Matapang na tanong ni Donghyuck sa binata.
“What about you?” Blankong balik sa kanya ng binata.
Putangina, nakakahiya.
Sa pagkakataong iyon ay parang umatras lahat ng alak sa katawan ni Donghyuck, wala siyang ibang nararamdaman kung hindi hiya.
“You should have seen your reaction, baby.”
Jeno laughed mischievously at Donghyuck’s reaction. It's the kind of laugh that sends shivers down one’s spine but for Donghyuck it went straight to his dick.
Lord ang sarap niya.
Marami pang mahahalay na bagay ang tumakbo sa isipan ni Donghyuck ngunit alam niya na kailangan niyang gumanti ng kalandian sa binata.
Pinulupot ni Donghyuck ang kanyang braso kay Jeno at iniharap ang dibdib sa binata, sabay tanong, “is it cute daddy?”
Mas lumakas ang tawa ni Jeno dahil sa ginawa ni Donghyuck at kasabay nito ay ang paglapat at himas ng kamay niya sa hita ni Donghyuck.
Donghyuck already knows what comes after this; they’ll make out, ask who’s place is free and do the deed there.
And he was right. Jeno leaned closer to his ear, closing off the distance between them–almost hugging him, “Let’s go to your place, baby.”
Without any hesitation Donghyuck stood up, took a look at Renjun and winked at him.
-------------------
Nagising si Donghyuck dahil sa naramdaman niyang marahan na paghimas sa kanyang pisngi. Unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang maaliwalas niyang condo.
"Good morning," bulong ng lalaki sa may tenga ni Donghyuck.
"Fuck, sino ka?" Gulat na saad ni Donghyuck.
Bakas naman rin ang pagkagulat sa lalaki dahil sa mura na tinamo, "Wow, you don't remember my name."
"Obviously I don't, so what's your name?"
Agad na namuo ang mga linya sa noo ni Donghyuck dahil sa pagkairita sa binatang nasa kama pa rin niya.
‘San ko ba ‘to napulot ang pogi shet.
Tumawa nang bahagya ang binata sa kama bago ibulong muli sa may tenga ni Donghyuck ang kanyang pangalan, "Jeno."
Deep voice ah.
Maya maya pa ay naramdaman na ni Donghyuck ang pag upo ni Jeno sa kanyang kama, "Grabe you were moaning my name a lot last night tapos ngayong umaga limot mo na agad," pang aasar ng binata sa kanya.
Pogi sana pero ang gago.
"May tama ako kagabi,” iritableng ani pa rin ni Donghyuck, “and please get off my bed.”
Wala nang ibang nagawa ang binata kung hindi tumayo.
Ginawaran siya ng malalim na tawa ni Jeno bago nito hilahin ang comforter ni Donghyuck upang ipangtakip sa sarili.
"What the fuck?!" gulat na saad ni Donghyuck na ngayon ay kita na ang buong katawan.
"What?" sagot ni Jeno kay Donghyuck
"Tangina lumayas ka na nga,” pang tataboy ni Donghyuck kay Jeno, “and no, we will not see each other again," iritableng saad ni Donghyuck bago pa tumayo at maglakad papunta sa banyo.
Pagpasok niya sa banyo ay inaasahan ni Donghyuck na maririnig niya rin agad ang pagsara ng pinto niya sa condo ngunit hindi iyon ang nangyari, kaya’t naisipan ulit niyang lumabas at tumambad sa kanya ang binata— si Jeno, na inaayos ang kanyang kama.
Putangina, marunong mag-asikaso, mine na ‘to lord.
'Di napigilan ni Donghyuck ang kanyang pag ngiti dahil sa nakita, ngunit agad niya itong itinago gamit ang kanyang pagiging sarkastiko upang hindi mahalata ni Jeno ang pagkabog ng kanyang damdamin.
“Who told you to make the bed?” ani ni Donghyuck na para bang hindi kumakabog ang kanyang dibdib dahil sa mga nangyayari.
“Uhm, isn’t it common courtesy to clean up after you make a mess?” seryosong pagsagot ni Jeno sa kanya.
"You're right, but you're hours late," sagot ni Donghyuck sa lalaki, "so get the fuck out of here."
You're hours late kasi di mo naman ako nilinisan kagabi, may bakas pa ako ng tuyong tamod sa tiyan at hita.
Matapos ‘non ay isinara na ulit ni Donghyuck ang pinto ng kanyang cr at nagsimula nang mag ayos para sa panibagong araw.
Pagdating ni Donghyuck sa kanilang opisina ay bumungad sa kanya ang tambak na papel sa kanyang mesa at ang kaibigan na si Renjun na naka ngisi sa kanya.
"Wipe that smirk off your face Huang, badtrip ako ngayong umaga," supladong sabi ni Donghyuck sa kanyang kaisa-isang kaibigan sa loob ng firm.
Pero kahit na suplado ang pagkakasabi ni Donghyuck non ay hindi pa rin nagpatinag si Renjun at pinapatuloy pa rin ang pang ngisi sa harap ng kaibigan.
"So kumusta ang dilig kagabi?" tanong sa kanya ni Renjun.
“I can ask you the same thing.”
As much as he wants to answer the question that his friend has posed, Donghyuck cannot, and it is not because he does not want to divulge the details of his escapade last night, but because he does not remember everything that transpired that night.
But Renjun is persistent and Donghyuck knows that, so it wasn't a surprise for him when Renjun kept on asking him questions.
To make his morning peaceful, walang ibang nagawa si Donghyuck kung hindi magbigay ng isang napaka vague na statement sa kaibigan, "Masaya naman, maingay lang siya in the morning."
“What do you mean na maingay siya in the morning?” naiintrigang saad sa kanya ng kaibigan, “maingay, as in maingay sa morning sex or maingay in general?”
Tila hindi nauubusan ng katanungan ang kapwa abogado ni Donghyuck kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi kamutin ang kanyang tuktok.
“Renjun please, nandito tayo para magtrabaho, hindi para mag tsismisan,” pasukong sambit ni Donghyuck sa kaibigan, “may mga kliyente tayong nakasalalay ang kalayaan at kinabukasan, kaya please mas importante ang trabaho natin kaysa sa sexcapades ko.”
Natawa na lamang si Renjun dahil sa pag iwas ni Donghyuck sa mga tanong niya.
“Jusko, for all I know baka hindi mo lang natatandaan kaya di mo makwento,” pilosopong ani ni Renjun sa kanya.
Jusko bakit ko ba kaibigan ‘to?
