Actions

Work Header

Gabay sa Wastong Pagbabawas (paano tumae) ni Josh Cullen Santos

Summary:

Mga bagay na kuntento si Stell na 'di sabihin - at si Josh, na hindi.

Chapter 1: food for thought

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

Alas dos ng umaga.

Alas dos na ng umaga at apat na oras na lang ay kakailanganin ko nang bumangon para paghandaan ang first rehearsal namin para sa first leg ng Pagtatag tour.

Alas dos na ng umaga at kahit katiting na antok 'di pa rin ako dinadapuan kasi 'yung bwisit na Josh Cullen Santos pumunta na naman dito nang walang pasabi at kung ano-ano ang pinagpuputak. Buti sana kung gising din siya ngayon dahil nakonsensya sa mga pinagsasabi niya, e. Kaso alam kong hilik na hilik na si kupal alas otso pa lang sa dami ng pinaluto niya sa 'kin kanina. Pabigla-bigla na ngang sumulpot at pinaulanan ako ng mga walang kwenta niyang advice, inubos pa 'yung pangtatlong-araw na stock ko sa condo. Wagi talaga sa pakapalan ng mukha e.

Umamin ka na kasi, dre. Parang tumatae ka lang, gano'n lang. Masakit lang 'pag nilalabas mo na. Tapos, 'yun. Instant relief.

Ang baboy pa gumamit ng analogy. Sinong matutuwa't ma-re-reassure sa mga advice ng tarantadong 'yun?

Oo nga't may point siya, pero 'di para sa 'kin 'yun. Hindi sa sitwasyon ko. Kasi para sa'n pa? 'Di naman 'yun bagay na 'di ko naisip dati pa. S'yempre naisip ko na. Paulit-ulit. Kasi madali e. Ang dali-daling kapitan ng what-if na 'yon.

Noon. Nu'ng 'di pa 'ko nagising at tinimbang kung ano bang mas importante para sa 'kin - 'yung what-if na 'yun? O kung anong totoong meron ako?

Kaya kahit anong rason pa ang ibigay ni Josh sa 'kin, kahit ulit-ultin pa niyang ipaintindi na ito lang ang makakapagpawala ng bigat ng loob ko - hinding-hindi ko pa rin isasakripisyo ang bagay na pinaka-importante para sa 'kin para lang pagbigyan ang pantasya kong wala namang patutunguhan.

Kasi, Josh, matagal ko nang sinabi at matagal mo nang kailangang maintindihan - pagdating dito, wala naman akong pake sa sarili ko, sa ginhawa at pagkawala ng tinik sa dibdib ko kung magawa ko mang umamin. Wala akong pake kahit habang-buhay ko pang dalhin 'tong bigat na 'to hanggang mamatay ako.

Sa pagkakaibigan namin ni Ken Suson, meron.

 

.

Ba'la ka nga. Makaramdam 'yun, oy. Anong gusto mo? Sasabihin mo mismo o hihintayin mo pang siya na magtanong?

Question: Sayang ba kung tatapusin ang mahigit isang dekadang pagkakaibigan o justifiable ba kung ang kaibigan na 'yun e si Josh Cullen Santos?

Notes:

last month ko pa to pinagtitipa e kaso bumibigay utak ko kapag patapos na wahahaha tapos ko na couple or more chaps, but im still not satisfied so ill have to polish them some more before putting them out

twt ko mga teh -> @k0haik3n ,,, di pa ko active (kasi kakakita ko lang din ng password q huhu) tsaka puro kentell n other stell-centric ships lang naman ako dun kasi di ko pa maalala password ng main ko anemal