Actions

Work Header

admin, pls delete

Summary:

Ano ang probability na makakasakay mo sa isang MRT ride at makakasabay sa matarik na hagdan ng Shaw ang dati mong crush, ang jowa ng dati mong crush, at ang admin ng isang college confession page kung saan mo dati sinend ang iyong undying love para sa nasabing crush?

Mataas ang probability niyan… kung ikaw si Donghyuck.

Notes:

hello madlang pipol, mabuhay!
nabuhay ako mula sa aking writing slump dahil wala kaming kuryente, kaya wala akong pampalipas oras kundi magsulat.

sinulat ko ‘to ng isang bagsak at walang sinusunod na plot sa utak dahil ewan.

may nadiscover akong bago sa sarili ko, salamat sa Meralco at sa fic na ‘to—

1. mas nakakasulat pala ako kapag biglaan kesa kapag pinagplanuhan.

2. ang mga drafts ko sa notes app ay mananatiling drafts dahil ayun nga, pinagplanuhan ko sila.

ENJOY.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

🌻

 

Maganda ang umaga ni Donghyuck. Paano ba naman kasi, for the first time since the year started, hindi siya naabutan ng pagsasara ng pinto ng MRT. Madalas kasing walang load ang beep card niyang may tatak ng mukha ni Seungcheol— huwag niyo siyang ijudge please. Masisisi niyo ba siya kung ang mukha lang ni Seungcheol ang tanging consolation niya para masurvive ang mala-hunger games niyang commute to work. 30-minute tricycle ride ba naman, tapos pipila pa siya ng pagkatagal sa P2P station, tapos ay lalakarin ang kahabaan ng trinoma para makarating sa MRT station, pagkatapos ay mahabang pila na naman.

Anyway, mabalik lang tayo sa beep card niyang may mukha ni Seungcheol. For the first time ay may laman iyon— 100 pesos pa kamo, sino kayo diyan? Ibang iba iyon mula sa karaniwang forty pesos na laman ng beep card niya. Sakto lang balikan papunta at pabalik hanggang Shaw. Nung nakaraang linggo kasi ay hiniram ito ng kapatid niyang si Jisung, at hindi niya katulad na kuripot magpaload (in his defense, hindi naman niya iyon madalas magagamit dahil once a week lang naman siya sa office), niloadan nito iyon ng 100 pesos kaya ngayon nga ay hindi niya kailangang pumila pa para magpaload.

Pagpasensyahan niyo na ang napakahabang intro ni Donghyuck tungkol sa MRT adventures niya pero ang gusto lang talaga niyang sabihin ay super hirap talagang magcommute sa pinas.

Pagkapasok palang niya sa loob ng tren ay gusto na niyang bawiin ang kaninang naisip niyang maganda ang bungad ng umagang ito. Paano ba naman kasi, wala nang bakanteng upuan, may nakapwesto na malapit sa pinto, at occupied na rin ang mga pwestong malapit sa hand rails. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang makisiksik sa bandang gitna at magdasal na hindi siya mapahawak sa kung saan kapag biglang pumreno ang driver.

Mabuti nalang ay hasang-hasa na si Donghyuck sa ganitong siksikan. Nung high school kasi siya ay ipinatapon siya sa isang summer class para magprepare para sa college, masyadong kinareer ng mga magulang niya ang statement na “I’m one step ahead of my competitors” kaya nga kahit dapat ay umaattack siya sa Mobile Legends ay ayun at nagsusunog siya ng kilay para sagutan ang mga math equations (na by the way, sa loob ng 4 years niya sa trabaho, ay hindi pa niya nagagamit kahit kailan)

Hinayaan siyang mag-isa sa summer camp na ‘yon kaya nga kahit sobrang bobo niya talaga sa directions ay natuto siyang makipagsiksikan sa mga bus papuntang Muñoz, Nueva Ecija.

Walang taon na pala simula noon? Feeling kasi ni Donghyuck ay huminto na siyang tumanda simula ng pandemic. Kaya nga kahit magbebente-singko na siya ay feeling niya fresh at twenty years old pa rin siya. Nagugulat pa siya kapag nagmamano sa kanya ang mga inaanak niyang magsisimula na palang mag daycare.

Speaking of daycare, kumusta na kaya ang ex crush niyang si Jaemin na pangarap maging daycare teacher? Nagcringe si Donghyuck nang maalala ang mga kagaguhang pinaggagawa niya dati para magpapansin sa crush niyang ito.

Mag-rent ng bike kahit hindi marunong para masamahan si Jaemin gumala sa buong school tuwing weekend? Check.

Maligo sa ulan kahit sakitin para dalhin si Jaemin sa infirmary dahil biglang sumakit ang tahi nito sa tiyan? Check.

Magkasakit kinabukasan, hindi makapasok sa class, at hindi makakain maghapon dahil walang ibang tao sa dorm kundi siya? Check.

Magsend ng confession sa isang college confession page para kay Jaemin? Check.

Alam niyo, kasalanan talaga ito ng movie ni Maja Salvador at Paulo Avelino. Ano ang karapatan ni Direk JP na ipamukha kay Donghyuck na may mga pag-ibig talagang hindi nasusuklian kahit na samahan mo pa siya sa La Union at muntikan ka pang hindi maka-attend ng graduation?

Katulad kasi ni Carson ay inlove din siya sa kaibigan niyang si Jaemin. 4 years palang noon nung nagsend siya ng confession. 4 years simula ng una silang magkita sa summer camp, at 4 years since nagstart siyang magcollege. Tutal ga-graduate naman na siya, time check na rin para simulan niyang grumaduate sa feelings niya para kay Jaemin.

Kaya nga habang umiinom ng happy horse for the happy whore (kahit hindi siya marunong, for the feels lang. also, can he just say na ampanget talaga ng lasa ng red horse?), at lasing na sinasabayan ang linya ni Carson na “hindi mo naman kasalan na hindi mo ako mahal” at ang pinaka-favorite niyang “nag i love you na siya eh, kaso dinugtungan pa ng… tol?!” ay nagtipa si Donghyuck ng confession. Straight galing sa kanyang facebook account, hindi uso kay Donghyuck ang dummy account, sa isip niya ay para sa mga duwag lang yan. At ano bang kinakatakot niya eh anonymous naman itong ipopost ng admin ng page? Pikit-mata nalang siyang humiling na sana ay hindi niya ito kakilala.

 

JAEMIN NA

HOY! Wala nang paligoy-ligoy, direct to the point na.

CRUSH KITA, 4 YEARS NA. Hindi kasing tagal ng kay Carson para kay Dio pero napakanta rin ako ng Huling Gabi ni Juan Miguel Severo dahil sa'yo.

Aayain sana kitang uminom para medyo I'm Drunk, I Love You talaga yung datingan ng confession ko kaya lang 'di ako marunong uminom kaya magbagnet na lang siguro tayo.

Tutal, alam ko naman na wala kang ex so walang Vegan na Pathy na eeksena sa ating dalawa.

Umamin lang ako kasi gusto ko nang maka graduate sa feelings ko sa'yo kagaya ni Carson kay Dio. Time check na rin daw kasi ako sabi ng mga kaibigan ko.

Kagaya nung tanong ng nanay ni Carson sa I'm Drunk, I Love You, tatanungin ko rin ang sarili ko ng "Ready ka na?!”

Ready na 'ata ako.

Carson 2015 CAS BSMath

 

Tanda pa ni Donghyuck nang maisend niya sa page ang confession ay agad agad na nagreply ang admin para tanungin kung hindi ba raw siya na-wrong send. Para naman siyang nahulasan saglit noon at dali-daling ni-rethink ang mga life choices niya. Pero dahil si Donghyuck siya, isang 20 years old na matapang at walang inuurungan na ang tanging motto sa buhay noong time na yun ay “hindi ko naman siguro ito pagsisisihan pagkatapos ng limang taon” (Narrator: nagsisisi na po siya your honor) ay pabalang pa siyang sumagot sa admin ng “Ano sa tingin mo?”

“You’re too pretty to be doing this, Hyuck. :)”

“Ay bakit? Mga pangit lang ba ang may karapatang ma-inlove sa friend at hindi masuklian kaya ngayon ay naglalasing sa red horse kahit di naman masarap? Ang sama ng ugali mo!”

“No, I mean, if Jaemin Na doesn’t see your worth. Find someone who will.”

“Like who?”

“Like me. :)”

Masyadong lasing ang murang isip ni Donghyuck para magproseso ng dalawang bagay nang sabay. Noong panahon na yun ay focus lang siya sa confesssion niya para kay Jaemin kaya’t hindi na niya napansin na, wait, pasimple ba siyang nilalandi ng admin? Kung oo, sino ang admin at bakit parang kilala siya nito? At ang pinakamahalagang tanong sa lahat, bakit pinalampas ni Donghyuck ang potential jowa na ito?!

OH MY GOD.

Mag-a-apat na taon na siyang corporate slave, ibig sabihin ay apat na taon na rin simula nang isend niya ang confession, at apat na taon simula ng pasimple siyang landiin ng admin. Siguro naman ay naka-move on na ito sa kanya ngayon? Naka-move on na nga siya kay Jaemin eh.

Nang makarating sa Cubao station ay nakahinga ng kaunti si Donghyuck dahil lumuwag kahit papaano ang tren. Nagkachance sila ni Mark na maka-pwesto sa kung saan malapit sa pinto at may hand railings.

Teka, hindi ba niya nakwento si Mark?

Si Mark nga pala ang bestfriend niya simula kinder. Ang Jason Ty ni Carson. At oo, magkasama sila hanggang sa summer camp, magkaklase sila hanggang college, at tama ulit kayo, magkawork sila hanggang ngayon. Sa sobrang laging magkasama nga sila ni Mark ay pwede na sigurong sabihin ni Donghyuck ang uber dramatic na line na “kulang ako kung wala ka, hindi ako mabubuo kung di kita kasama.”

Si Mark nga rin pala ang nagbigay sa kanya ng Seungcheol beep card niya, ka-pair ito ng Jeonghan beep card naman nito, at si Mark din ang kasama niyang mag never ending aju nice hanggang madaling araw noong be the sun manila. Sa sobrang sanggang-dikit nila ni Mark ay ang tanging pinag-tatalunan lang siguro nila ay kung sino sa kanila ang totoong jowa ni Wonwoo.

Nagkaroon ng bakanteng upuan nang may bumaba sa Santolan. Sumenyas naman si Mark na si Donghyuck na ang maupo at nagoffer nalang siya na kakandungin nalang niya ang bag nito.

Nasa harap ngayon ni Donghyuck si Mark habang nakakapit ito sa railings. Humahapit ang longsleeves nito sa braso dahil sa higpit ng kapit sa bakal. Ang ganda rin ng tangos ng ilong nito habang tinitingnan siya ni Donghyuck mula sa pagkakaupo.

Huwag niyo ngang masamain ang pag-appreciate ni Donghyuck sa sarili niyang bestfriend? Masama bang aminin sa sarili na favorite ni Lord si Mark kaya binantayan siyang mabuti noong binebake palang siya? Mukhang sang-ayon naman din ang ibang pasahero ng tren dahil kahit ang mga ito ay hangang-hanga habang nakatitig sa oblivious na si Mark Lee.

Ganoon ang pwesto nila nang ‘di sinasadyang magtama ang tingin nila ng lalaking nakaupo sa harapan ni Donghyuck. May katabi itong mukhang chinese— maganda ang kutis, pwedeng gawing reference sa rhinoplasty ang ilong, at overall siyang maganda. Isang nilalang na naman na binantayan mabuti habang binebake.

Kahit walang taon na ang nakalipas, hinding hindi pwedeng ipagkamali ni Donghyuck ang mapang-asar na ngiti ni Jaemin Na.

“Lee Donghyuck!”

Napatingin lahat ng tao sa medyo maluwag na ngayong tren. Kabilang ang lady guard na agad agad na nagwarning na “iwasan po natin ang pakikipag-usap sa loob ng tren.”

Hinintay muna nilang tumalikod ang lady guard at magtungo sa kabilang bahagi ng bagon bago excited na mangumusta si Jaemin. Si Mark ay nakatalikod pa rin ngunit halatang nakikichismis din ito sa nangyayari.

Sinimulan ni Jaemin ang usapan sa pag-aayang magkape habang bumababa sila sa matarik na hagdan ng Shaw station. Sakto namang sa likod lang din pala ng SM Megamall ang office nila Jaemin. At oo, hindi raw siya naging daycare teacher. IT specialist siya ngayon. Gustong magdiwang ni Donghyuck dahil kahit papano ay mahal pa rin naman pala siya ni Lord dahil hinayaan siyang maging Architect.

Kitang-kita sa mukha ni Mark ang pag-alma, dahil unang-una, pumasok sila ng maaga para maaga ring makauwi. Mahirap na kasing mag-abang ng P2P mamaya lalo na at may cutoff itong until 9PM lang. Kahit na nga ba flexi ang sched nila ay ayaw nitong sayangin ang perfect attendance niyang tuwing 7am nag-i-in.

Pero dahil nga nananalaytay sa dugo ni Donghyuck ang dugo ng patron saint niyang si Carson ay pumayag siya, kaya heto sila ngayon sa Starbucks habang nagrereminisce si Jaemin ng mga summer camp moments nila.

Bago pa pala makalimutan ni Donghyuck ulit, kanina habang papasok sila sa Starbucks ay naipakilala na rin ni Jaemin kung sino ang mukang chinese nitong kasama— “Renjun Huang nga pala Hyuck, boyfriend ko.”

Gustong-gustong itanong ni Donghyuck kung vegan ba si Renjun, o kung may H ba ito sa pangalan, o kung nafeature na ba ito sa youngstar, pero pinigilan niya ang sarili niya. Ika nga ni Jason Ty ay timecheck!

“Naalala mo noong summer camp, Hyuck? Noong nagrent ka ng bike para masamahan akong maglibot sa CLSU?”

Ngumiti si Donghyuck, paano ba niya makakalimutan ‘yan eh si Mark ang kasama niya papuntang rentahan disoras ng gabi?

Sakto pang isang bike nalang ang ‘di narerentahan noon at saktong kulay blue na paboritong kulay ni Mark.

“Marunong ka ba niyan at magrerent ka?”

Ngumiti ng nakakaloko si Donghyuck at parang may masamang balak kay Mark.

“Eh kaya nga nandyan ka diba? Tuturuan mo ako!”

“Anong tuturuan, hyuck, bukas na kayo maglilibot ni Jaemin anong akala mo matututo ka ng isang gabi?”

At syempre dahil tama si Mark, hindi natuto si Donghyuck magbike kaya kinabukasan ay si Mark ang nagdrive ng bike habang naka-angkas siya sa likod nito.

“Eh nung naligo tayo sa ulan kasi inabutan tayo sa daan dahil sa kakaarte kong masakit yung tahi ko?”

Tumawa si Hyuck habang inaaalala ang mukha ni Mark na nakabusangot kakahanap ng tricycle na pwedeng magsakay sa kanila papuntang school infirmary. Si Donghyuck kasi ay naka-alalay noon kay Jaemin habang nakalupasay ang isa sa gitna ng ulan habang daing-daing ang sumasakit na tahi sa tiyan.

“Kinabukasan noon, nagkasakit ka. Nagulat nalang kaming lahat na di ka pumasok. Si Mark noon masama loob maghapon dahil hindi siya pinayagang lumabas ng room para mag-absent para puntahan ka.”

Napatingin si Donghyuck kay Mark na kasalukuyang nasamid sa iniinom na kape. Nag-iwas ito ng tingin kay Donghyuck at pasimpleng humiwa siya carrot cake niya.

Hindi niya kasi alam yun. Ang akala niya ay hindi lang talaga siya pinuntahan ni Mark hanggang hapon dahil mas pinili nitong umattend ng class. Bakit nga ba siya pinagdudahan ni Donghyuck noon eh kung kinabukasan ay nag-absent ito kahit may quiz para ipagluto siya ng lugaw at hintaying bumaba ang lagnat niya?

Sabay pa silang nagreview para sa make up quiz.

Napangiti si Donghyuck, kung tutuusin ay kasama rin pala niya si Mark sa lahat ng kagaguhang pinaggagawa niya para kay Jaemin. Pwera lang sa isa.

Speaking of.

“Eh yung confession, naalala mo?”

Tumawa si Jaemin at tumingin sa jowa nitong si Renjun.

“Alam mo ba, babe? Patay na patay sa’kin ‘yang si Donghyuck nung summer camp. Nagconfess pa siya sakin sa The CLSU Confession.”

Gustong lumubog ni Donghyuck sa lupa. Gusto niyang suntukin si Jaemin sa mukha. Gusto niyang imessage ngayon din ang admin ng confession page para ipadelete sa balat ng facebook ang isinumpang confession niyang yun.

Gusto niyang sisihin sila Jeno at Chenle dahil sa walang sawang pagshare ng mga ito at pag tag sa kanya sa post nung napost ang confession. Dahil kasi sa mga ito ay nabunyag kay Jaemin na siya ang nag confess sa page.

Nagsisisi si Donghyuck kung bakit hindi niya inaya si Mark maglasing noon at tumungga ng red horse, edi siguro napigilan siya nitong isend ang confession. Edi sana hindi siya inaasar ni Jaemin ngayon.

“Babe, stop na oh. Nahihiya na si Donghyuck.”

Tumawa lang muli si Jaemin bago ito nagsalita na naman. Pwede bang manahimik nalang siya? Sa isip isip ni Donghyuck. Sana pala ay nakinig siya kay Mark at pumasok nalang sila ng maaga. Edi sana mamayang alas tres palang ay out na sila.

“Akala ko talaga kayo noon ni Mark kaya nagulat ako nung nagconfess ka sa’kin. May pa-Carson ka pang nalalaman.”

Tututol pa sana si Donghyuck nang sa wakas, for the first time in their whole conversation sa Starbucks, ay nagsalita na si Mark.

“Babe, lets go. We’re going to be late.”

Dinampot nito ang mga bag nila at saka siya hinawakan sa palapulsuhan. Walang nagawa si Donghyuck kundi sumunod sa agos dahil sa totoo lang hindi niya alam ang nangyayari ngayon. Ha?

Nang nakatalikod na sila paalis ay biglang huminto si Mark sa paglalakad at nilingon sila Jaemin.

“By the way, kilala mo si Dio ‘di ba? Hindi nga pala siya ang nakatuluyan ni Carson.”

Ngumiti si Mark at dinampot ang naiwang Iced Matcha Latte ni Donghyuck.

“Kunin ko pala ‘to, bayad ko naman na eh. Paborito kasi ‘to ng boyfriend ko.”

Tinalikuran na muli ni Mark sila Jaemin at saka naglakad papunta sa nakatulala pa rin na si Donghyuck. Hinawakan siya nito sa kamay, pinagsalikop ang mga iyon, at saka naglakad palabas ng starbucks.

Okay na sana ang lahat kung hindi lang ito nahirapang buksan ang pinto dahil sa bitbit nitong matcha sa kabilang kamay, at ang kamay naman niya sa kabila.

Doon na bumalik sa reality si Donghyuck, dahil oo nga pala. Ito pala si Mark Lee, ang bestfriend niyang ubod ng clumsy.

“Ano yun, Mark?”

Hindi naman ito makatingin sa kanya. Siguro ngayon lang nagsisink in ang kagaguhang ginawa nito kanina sa cafe. Magbestfriend nga sila.

“Inaasar ka niya gamit yung past mo Hyuck. Hindi naman ako pwedeng manuod lang.”

“At naisip mong sa pamamagitan ng pagpapanggap na jowa ko, hindi na niya ko aasarin?”

“Oo, para naman isipin niyang naka move on ka na.”

“Eh naka move on naman na talaga ko.”

“Kung naka move on ka na, bakit hindi ka pa nagkakaboyfriend, Hyuck? If Jaemin Na doesn’t see your worth. Find someone who will.”

Napatanga si Hyuck dahil parang familiar ang linyang yun. Saan nga ba niya ulit narinig yun?

Iniisip pa rin yun ni Donghyuck hanggang sa nakapila na sila ni Mark pasakay ng P2P sa SM North station. Super haba ng pila kaya naman naisip niyang magcheck muna ng facebook, at kung hindi nga ba naman talaga nang-iinis si Mark Zuckerberg, sa dami dami ng araw, talagang ngayon pa ibinalik sa memories ang shared post ni Chenle kung saan siya nakatag. At oo tama kayo, walang iba kundi ang I’m Drunk I Love You confession niya kay Jaemin.

Sa sobrang inis niya ay dumiretso siya sa pagmessage sa admin ng page upang ipadelete sana ang nasabing post para sa wakas ay mawala na ito sa balat ng mundo.

Patipa na sana siya ng bagong message nang magload ang old messages niya with the confession admin noong 2015.

At ayun nga, sa loob ng malamig na P2P bus, habang kumakain ng llao llao na may favorite niyang biscoff sauce, narealize ni Donghyuck na baka nga hindi katulad niya kay Jaemin Na, hindi pa nakaka move on sa kanya ang admin ng confession page.

And maybe this time, hindi na niya palalampasin ang potential jowa niyang ito.

Notes:

SALAMAT KAY DIREK JP SA PAG-GAWA NG MASTERPIECE NA I’M DRUNK I LOVE YOU. I love you direk, kahit hindi ako nalasing sa red horse dahil hindi naman masarap.