Chapter Text
PROLOGUE
“Enjoy your flight, sir!” Pagbati na may ngiti ang ibinungad ng isang flight attendant na nasa entrance ng eroplanong sasakyan ni Chanyeol pauwi sa Pilipinas. Ngumiti lang siya rito pabalik bago hanapin ang kaniyang seat.
Nang malapit na siya sa kaniyang seat, sumabit ’yung strap ng bag niya sa armrest ng seat na nasa harapan ng sa kaniya. Bago niya pa matanggal ’yung pagkakasabit ng bag niya, hinawakan siya ng ginang na nakaupo roon. “’Noy, sinyales ’yan na hindi ka pa dapat umuwi,” Sabi nito.
Ngumiti na lang siya dahil hindi niya naman kilala ’yung ginang, hindi niya alam kung anong sasabihin dito. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay ng ginang na nakahawak sa kaniyang braso pero hinigpitan nito ang hawak at muling nagsalita, “Maniwala ka sa ’kin, Hijo. Bata ka pa’t may kailangan ka pang gawin!” Halata sa mga mata nito ang pinaghalong takot at pag-aalala.
Dahil sa sobrang sincere ng hitsura ng reaksiyon ng ginang, nakaramdam siya ng kilabot at takot. Pa’no nga ba kung may mangyaring masama sa kaniya? Ano na ang susunod na mangyayari? Gusto man niyang tumakbo palabas ng eroplano, hindi nakisama ang kaniyang katawan. Umupo siya na parang hindi na mapipigilan ng kahit na sino, maliban sa isang tao. Isang tao na dahilan kung bakit siya naririto ngayon.
‘Mahal ko, kung hindi pa talaga ngayon, pigilan mo sana akong umalis.’
Naghintay siya nang ilan pang minuto hanggang sa oras na para isara ang pintuan ng eroplano. Unti-unti na siyang nawalan ng pag-asa, na baka sakaling magbago pa ang isip nito. Sinubukan niyang pigilan ang nararamdaman niya ngunit nagpatuloy ito, hanggang sa…
“Wait!”
“Sir, p’wede pa ba?”
“Hindi pa naman totally naisara, pagbuksan niyo na.”
‘Narinig mo ba ang panalangin ko? Nandito ka ba para pigilan ako, ha, Baekhyun?’
…
CHAPTER 01
“Dito na lang po, kuya.” Ani Chanyeol at naghintay na huminto ang taxi na sinasakyan niya. Ibinaba siya nito sa tapat ng paborito niyang puntahan na simbahan, ang Baclaran Church.
Ngumiti siya nang pagka-laki dahil sa pakiramdam na nakauwi na siya ulit kung saan siya ipinanganak. “Namiss ko po kayo.” Bulong niya sa sarili bago siya lumakad papasok sa loob ng simbahan.
Ang magsimba talaga ang una niyang plano pagkalapag na pagkalapag niya ng Pilipinas galing ng Canada kung saan siya nagtrabaho pansamantala para makapag-ipon.
Nang makapasok na siya sa loob ng simbahan, umupo siya sa upuan kung saan mayroong nakaupo sa may dulo. Wala naman sa ugali niya ang makinig ng usapan ng iba pero luminaw ang pandinig niya nang marinig niya ang salitang, “Baby!”
Wala naman siyang ine-expect na taong tatawag sa kaniya noong oras na ’yon pero napalingon siya. Nagkatama ang tingin nila no’ng lalaki na nagsabi no’n, at dahil do’n, nakaramdam siya ng hiya. Hindi pala siya ’yung tinatawag, kung ’di, ’yung isa pang kasama no’ng lalaki na dadaan sa harapan niya.
Imbis na mahaba ’yung pasasalamat niya sa Diyos, wala na siyang ibang choice kung ’di ang “Thank you po, Lord, for everything.” na lang ang masabi at saka kumaripas nang takbo palabas.
“Tang na juice.” Bulong niya sa kaniyang sarili, kamot-kamot ang kaniyang batok. Natawa rin siya makalipas ang ilang minuto dahil na-imagine niya ang hitsura nila kanina sa loob ng simbahan, natigil lang ito no’ng naramdaman niyang may humihila ng t-shirt na suot niya.
“Kuya, kuya, bili ka na po. Pangkain lang po namin.” Nanggaling sa batang lalaki na may hawak-hawak na sampaguita. Lumuhod nang kaunti si Chanyeol para makausap ito nang maayos. Napansin na rin niya ang isa pang bata na nakahawak sa damit ng batang lalaki.
“Magkano lahat ’yan?” tanong ni Chanyeol.
“50 pesos po.” Sagot ng batang lalaki sa kaniya.
Kinuha ni Chanyeol ang wallet niya na nasa bulsa, at kumuha ng dalawang 50 pesos. Iniabot niya ito sa dalawang bata na kumislap ang mga mata at ngumiti nang pagka-laki nang matanggap nila ’yung isang libo galing sa lalaking pinaghingan nila.
“Okay na ba kayo d’yan?” tanong niya sa dalawang bata at napangiti rin dahil sa reaksyon ng mga ito.
“Sobra-sobra pa nga po ito, kuya.” Nahihiyang sagot ng batang lalaki.
“Tulong ko na ’yan sa inyo.” Pagtawa niya nang mahina habang ginugulo ang buhok ng dalawang bata. “Basta, pangkain n’yo ’yan, ah?” pag-alala ni Chanyeol. Tumawa ang dalawang bata dahil sa itsura at tono ng pananalita niya. Iniabot sa kaniya ng bata ang lahat ng sampaguita na hawak-hawak nito pero dalawa lang ang kinuha niya, para raw maibenta pa ng mga bata ang iba kung sakaling magutom sila ulit. Nakipag-fist bump pa siya sa dalawa bago sila umalis para bumili ng makakain.
Nang makaalis na ang dalawang bata, nakuha naman ng isang lalaki sa may gilid ang atensyon niya. Kahit na nakatalikod ito sa kaniya, mukha pa ring pamilyar ang tindig nito. Nilapitan na lang niya ito para makumpirma kung tama ba ang nasa isip niya.
Tumabi siya rito, nagkunwaring bibili rin ng paninda ng naglalako. Sinusulyapan niya ang lalaki pero kahit na anong usog niya, hindi niya ito makita nang mabuti dahil sa likot nito. Nakikipag-daldalan pa ito sa nagtitinda, hindi tuloy alam ni Chanyeol kung kailan at paano siya sisingit sa usapan nila.
Lumalapit din siya para marinig nang mabuti ’yung boses ng lalaki, familiar din kasi ito pero dahil sa ingay ng paligid, hindi malinaw ang boses nito. Tyaka niya lang napansin na tumigil ito sa pagsasalita nang makita niya sa gilid ng mata niya na lumayo ito. Nagdalawang-isip siya kung lilingunin niya ba ito o magpapanggap na wala siyang pakialam.
“Hm! Hoy, Tsong!” Nanlaki ang mga mata nito at napaso pa ng kwek kwek na subo-subo. Napalakas din ang boses nito at napahampas sa kaniya. Nagpigil pa siya ng tawa nang makita niya ang reaksyon ng kaibigan. “Uwi mo pala rito sa Pinas ngayon, hindi mo naman ako sinabihan. Edi sana, nasundo pa kita sa airport nang nakaporma naman ako.” Pagsasalita nito habang nahihirapan pa rin sa pag-nguya at paglunok ng kinakain niya.
“Sige, tatawagan kita. Sandali lang, ah?” ani Chanyeol habang umaaktong kukunin ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Nakatanggap ulit siya ng hampas galing sa kaibigan dahil don. “Loko ka talaga kahit kailan, Parechong!” Tumatawang sagot ni Chen at saka inakbayan ang kaibigan.
Napagkasunduan nilang dalawa na sabay umuwi. Pinagtitinginan sila ng mga taong nadadaanan nila dahil sa lakas ng boses nilang dalawa. Sa sobrang tagal ba naman kasi nilang muling nagkita, paniguradong maraming kwento ang bitbit ni Chanyeol, gayundin si Chen.
Napatigil lang ang mga ito no’ng may nakakuha ng atensyon ni Chanyeol sa isang tindahan at dahil do’n, napatingin din ang kaibigan niya kung saan siya napatitig.
‘Magazine?’ isip-isip ni Chen. Napa-isip siya kung bakit nakuha ng mga ’yon ang atensyon ng kaibigan niya kahit na alam niyang ’di naman mahilig ’yung kaibigan niya do’n, sumunod pa siya rito.
“Ah...” natawa si Chen sa naisip niyang dahilan kung bakit nilapitan ng kaibigan niya ’yung mga magazine. Inakbayan niya ’to na may nakakalokong ngiti. “Ikaw, ’tol, ah... Walang bold dito. Alam ko kung saan merong magagandang magazine. Malapit lang ’yon, don’t yah worry.” Pang-aasar ni Chen sa kaniya na may pasundot pa ng tagiliran.
“Akala ko bading ka, magazine lang pala magpapatuwid sa ’yo.” Dagdag niya pa. Tiningnan siya ni Chanyeol nang magkahalong pagka-inis at panghuhusga. Siniko nito ang tiyan ng kaibigan na naka-akbay sa kaniya.
“Tanga, hindi. Linisan mo nga ’yang utak mo. Idadamay mo pa ’ko, eh. Pinagtitinginan tayo, oh.” Sagot ni Chanyeol sa kaniya bago manghingi ng paumanhin sa nagtitinda ng magasin.
“Ay, malakas ba boses ko?” bulong ni Chen sa kaniya kaya hinarap niya ulit ito at bumulong rin pabalik. “Tinanong mo pa.” Sagot niya.
“Luh? Grabe sya, oh.” Bulong ni Chen sa sarili at sumilip mula sa likuran ng kaibigan para tingnan kung anong meron sa hawak-hawak nito na magazine. “Ano ba kasing meron diyan?”
Natagalan pa siyang makilala kung sino ’yung nasa cover ng magazine dahil matagal na panahon na no’ng huling nakita niya ’to sa personal. Kinuha niya mula sa kamay ng kaibigan ang magazine para tingnan nang maigi.
Nang ma-realize niya na kung sino ang nasa cover, nanlaki ang mga mata nito at ’di napigilan ang sarili na magsalita. “OH MY GAHD. SI BAEKHYUN????” binawi ito ulit ni Chanyeol at tumango lang.
“Chong, ’di ba ex mo ’yan?” bulong ni Chen kay Chanyeol para raw secret lang pero malakas talaga ang boses niya, ganun siya bumulong. Tiningnan niyang maigi ang kaibigan niya na nakatitig sa magazine. Naisip niyang gusto itong bilhin ni Chanyeol kaya tinanong niya sa tindera kung magkano ’yon.
“Ay, hindi na po. Tiningnan ko lang.” Pagpigil niya sa tindera na sasagot na sana. Nanghingi rin siya ng paumanhin dito. Tiningnan niya ulit ang magazine bago ibalik kung saan niya kinuha. Pagkatapos ay inilagay niya ang isang kamay sa loob ng bulsa habang ang isa naman ay nakahawak sa strap ng bag niya.
Humarap na siya sa daanan. Napatalon siya nang makita si Chen sa harapan niya na nakatitig sa kaniya na parang nagtataka—ang daliri ay nasa baba(chin) at magkasalubong ang kilay. “Sure kang hindi ka kukuha?” tanong nito kay Chanyeol na may pasilip pa sa magazine. Hindi na siya sinagot ni Chanyeol at nauna nang lumakad.
Sinundan siya nang tingin ng kaibigan at naglakad nang patago pabalik sa tindahan para bilhin ang magazine na ’yon. Dali-dali rin siyang naglakad pabalik para masabayan ang lakad ni Chanyeol. Nilingunan siya nito kaya ngumiti siya agad-agad na parang inosente, na-creep out tuloy ’yung isa.
Malalakas na tawanan at asaran hanggang sa pagdating nilang dalawa sa tapat ng bahay nila– ay, sa bahay pala nila Chanyeol. Binuksan ni Chanyeol ang gate ng bahay nila at pumasok na pero napatigil siya nang naramdaman niyang sumunod si Chen sa kaniya. Hinarap niya ito at tinaasan ng kilay.
“Ops, ops. Bakit dito ka rin? Hindi ba sa tapat ang bahay niyo?” nakapamewang pa ’to habang nagsasalita. Napakamot lang sa ulo ’yung kaibigan niya.
“Anak?” ani Mama Park kaya hinarap niya ito at niyakap nang may ngiti sa labi. “Nakauwi ka na pala, hindi ka manlang nagtext sa ’kin, nasundo ka sana ng Ate Yoora mo.”
“Eh ’di, hindi ko po kayo na-surprize?” ngumiti lang si Mama Park. Napatingin ito sa isa pang binata sa likod ng anak niya. Agad-agad kinuha ni Chen ang kamay ni Mama Park at nagmano.
“Pasok na tayo sa loob para kumain.” Inalalayan ni Chanyeol si Mama Park papasok sa loob habang si Chen naman ay hindi alam kung susunod ba siya o uuwi na lang. Mabuti na lang, napansin ’yon ni Mama Park kaya niyaya na siyang kumain kasama sila.
Kwentuhan tungkol sa buhay at tawanan tungkol sa mga /nakaraan/ tulad ng mga nakakahiyang ginawa ni Chanyeol at Chen noong maliliit pa sila, pati na rin noong binata pa sila. Lalo na noong binata pa si Chanyeol.
“Naalala mo ba no’ng highschool tayo?” tanong ni Chen sa kaibigan pero tiningnan lang siya nito, medyo masama pa, pero kahit na ganon, tinuloy pa rin niya ’yung sasabihin niya. “No’ng may binigyan ka ng malaking teddy bear sa harap ng klase no’ng taga-kabilang section no’ng Christmas Party?” walang natanggap na sagot si Chen kung ’di ang ingay lang ng kutsara’t tinidor ni Chanyeol.
“Sino nga ulit ’yon...” tanong nito sa sarili pero narinig naman ng buong pamilya ni Chanyeol.
“Hindi ko maalala.” Sagot ni Chanyeol pero nasundan agad nito ni Chen. “Ah~ Si Baekhyun pa rin, tama ba? Naaalala mo pa ba ’yon?”
Nang marinig ng kapatid ni Chanyeol ang pangalan na sinabi ni Chen, nasamid ito sa iniinom nitong juice kaya tumingin ang lahat sa kaniya. Agad na inabutan ni Mama Park si Yoora ng tubig para inumin, at hinimas-himas ang likod nito.
Hindi ito sinagot ni Chanyeol. At dahil doon, ang kaninang tawanan at kwentuhan, naging tahimik na. Tanging ang maririnig lang ay ang mga kubyertos na gamit nila.
Nang matapos na silang kumain, tinulungan ni Chanyeol at Chen si Mama Park na iligpit ang pinagkainan nila at nagboluntaryo namang maghugas si Yoora ng mga platong ginamit nila.
Pagkatapos nilang magligpit ay dumiretso si Chanyeol sa kwarto niya para ilagay ang mga gamit niya. Sinundan din siya ng kaibigan niya.
“Wala pa ring pinagbago ’tong kwarto mo, Chong. Malinis pa rin kahit ilang taon ka ng wala rito.” Ani Chen habang paupo sa malambot na higaan ng kaibigan.
“Alam mo naman si Mama, araw-araw ’yon naglilinis. Walang kahit ni-isang kapiranggot ng kulangot ang makakaligtas do’n.” Sagot nito sa kaniya na may mahinang tawa sa dulo habang inilalagay ang laman ng backpack niya sa cabinet.
Habang busy si Chanyeol sa pag-aayos ng gamit niya, sinilip naman ni Chen ang magasin na kanina niya pa hawak-hawak. Umikot ang tingin nito sa buong kwarto ng kaibigan, pinaplano kung saan niya iiwan ang magasin na binili niya para kay Chanyeol.
Napunta ang tingin nito sa maliit na cabinet, sa tabi ng kama ni Chanyeol. Dahan-dahan siyang umurong malapit do’n para buksan ’yung drawer habang pasulyap-sulyap din sa kaibigan.
Nang nabuksan niya na ang drawer, inilagay niya ’yung magasin sa loob at saka niya ito marahan na isinarado.
“Ano ’yan?” nagulat siya nang marinig niya si Chanyeol. Agad siyang lumingon sa kaibigan niya at ipinatong ang braso niya sa cabinet, suot-suot ang ninenerbyos na ngiti. Nakatitig lang sa kaniya si Chanyeol habang naka-crossed arms, at nakasandal sa pintuan.
“Ah, eh... Wala naman... Ano... Chineck ko lang kasi baka ano... Ma-... alikabok...?” sagot niya na may pakamot pa ng batok.
Hindi naman pinanganak si Chanyeol kahapon para hindi mapansin. Nakita niyang may nilagay si Chen sa drawer ng maliit na cabinet niya. “Ano ’yung nilagay mo?” tanong niya kay Chen pero hindi pa rin ito sumagot.
Dahil do’n, lumapit siya sa cabinet at tinabig ang kamay na nakapatong rito. Binuksan niya ang drawer ng cabinet niya at bumungad sa kaniya ang mukha ng /pinakamamahal niya/.
Gusto ng ngatngatin ni Chen ang mga kuko niya kaso nang makita niya ’yung kuko niya, ’di pala siya nakapag-manicure kaya ’wag na lang raw. Napalunok na lang siya ng laway niya bago siya makapagsalita.
“Ay, ano... Nalagay ko pala ’yan... S-sorry...” kukunin sana niya sa kamay ni Chanyeol ’yung magasin kaso naiwasan agad nito ang kamay niya. Inilayo nito sa kaniya at umupo sa tabi niya na nakatitig pa rin sa hawak-hawak na magasin.
Napansin ni Chen na napatagal na ’yung titig nito sa magasin, katulad rin kanina na parang walang tao sa paligid niya, ang magasin at siya lang. Tumagal ito ng ilang minuto kaya nawala na ’yung pagkanerbyos ni Chen.
“Pagagalitan mo ba ako o hindi?” tanong ni Chen sa kaniya pero “Gumanda na siya lalo, ’no? Kamusta na kaya ’to ngayon?” lang ang natanggap niya mula sa bunganga ni Chanyeol. OO, BUNGANGA NI CHANYEOL.
Nabigla si Chen sa sinabi ng kababata niya pero nauna ang kilig, eh. Inakbayan niya lang ang nangingiting Chanyeol at tiningnan din ang magasin. “Mahal mo pa, ’no?” tanong niya dito kaya ayan tuloy, nawala bigla ang ngiti ni Chanyeol. Binigay niya kay Chen ’yung magasin at tumayo agad-agad, naka-crossed arms na naman ulit.
“H-hindi, ah...” sagot nito sa kaniya na umiiwas ng tingin. Tinaasan siya ng kilay ni Chen at tinawanan pa. Nagkasalubong ang kilay ni Chanyeol nang marinig ’yon.
“Bakit ba kasi bumili ka niyan tapos ilalagay mo pa sa drawer ko? May balak ka bang patayin ako? Pa’no kung mabangungot ako niyan ’pag nakita ko ’yan?” tanong ni Chanyeol sa kaniya. Grabe, nagkaroon bigla ng Q&A sa loob ng kwarto ni Chanyeol.
“Sabi mo kanina, maganda? Oh. Eh, bakit ka naman mababangungot?” tanong pabalik ni Chen sa kaibigan.
“Eh, bakit mo ako tinatanong? Ako nga nagtatanong sa ’yo, eh.”
“Hindi mo nga nasagot ’yung tanong ko kanina kung mahal mo pa, eh. Ano, mahal mo pa ba?”
