Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
English
Stats:
Published:
2023-12-25
Words:
420
Chapters:
1/1
Kudos:
25
Bookmarks:
1
Hits:
325

dantay

Summary:

a short seken drabble | Christmas Special

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

“Pagod, mahal?” tanong ni Ken kay Pablo habang tahimik na magkalingkis ang kanilang mga paa at mahigpit na magkayakap sa kama niya.

Tumango naman ang mas nakakatanda at mas lalong dinantay ang kanyang ulo sa dibdib nito. Kakauwi lang ni Ken galing sa event nito sa Dubai at napagpasyahan ni Pablo na puntahan niya ito sa condo nito. Matagal na simula nang magkasama ang dalawa dahil sa siksik nilang schedule ngayon.

“Yes, Ken. Napagod talaga ako. Buti nagkita na tayo.” Sagot naman ni Pablo habang inaamoy and natitira pang perfume na nasa balat ng nobyo. Kahit na ilang beses na niya itong naamoy, hindi pa rin siya nagsasawang kabisaduhin ito.

Pagkatapos ng naging saglit na pahinga nila sa mga events dahil sa naging issue sa dati nilang handler nitong nakaraang buwan, agad silang nakatanggap ng kaliwa’t kanang events. Kaya’t naging matumal ang pagkikita ng magnobyo na walang kinalaman sa trabaho.

Kaya’t sobrang halaga para sa kanilang dalawa ang mga ganitong pagkakataon na binibigyan sila ng tadhana ng pagkakataon para makapagusap, maramdaman ang pagmamahal para sa isa’t isa habang tahimik na magkayakap. Ang init ng mga balat ay kasing init ng nararamdaman para sa isa’t isa.  

“Kawawa naman pala ang Pablo ko. Busy ka na naman kahit na magpapasko.” Sabi ni Ken habang sinusuklay ang buhok ni Pablo gamit ang kanyang mga daliri dahilan para maantok mapapikit si Pablo.

“Ikaw nga ‘tong kagagaling lang abroad eh.”

“Pero masaya naman ako lalo na nakanta ko na para sa kanila yung Kanako.”

Tiningala ni Pablo si Ken at sumagot, “Gustong-gusto ko talaga yung Kanako, mahal. Para siyang yakap, parang tanda na kahit anong mangyari, basta may naniniwala sa’yo kaya mong magpatuloy.”

“Isa ka na doon, mahal. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon kung wala ka sa buhay ko. Kaya salamat sa patuloy na suporta at pagtitiwala.” Sabi ni Ken sabay hila kay Pablo sa bisig nito.

Napangiti si Pablo sa tinuring nito. “Ikaw talaga, Suson. Siyempre dati pa naman naniniwala na ako sa’yo, mahal.” Tahimik lang si Ken nakikinig sa sinasabi ni Pablo habang nakangiti at nakapikit.

“Alam ko naman dati pa, malayo ang mararating mo. I’m happy that many people are noticing you now. Nakikita na nila kung anong nakita ko na noon pa man.” Dagdag pa nito.

“Pero alam mo kung anong mas nagpapasaya sa akin ngayon mahal?” Tanong ni Pablo.

“Ano?”

“Ang dumantay sa’yo. Despite all the noise and chaos outside, ikaw pa rin ang uuwian ko. Ang pahinga ko sa magulong mundo. Mahal kita.”

“Mahal din kita, langga.”

Notes:

Merry Christmas, my dear readers! Thank you so much for sticking with me through 2023. A little something for you this holiday season! 🎄💜🖤