Work Text:
"Pwede bang tama na kaka-stalk sa FB ng crush mo?" bulyaw ni Soonyoung kay Junhui na nakatambay na naman sa FB ni Wonwoo for the nth ngayong araw.
"Pake mo ba? Edi i-stalk mo rin si Uji." sabay nguso.
"Sus, hindi ka niyan ia-accept kahit magdamag ka pang tumambay diyan." ani Joshua na kakatapos lang kunin ang worksheets nila.
"Oo na, tama na. Kayo na may lovelife at ako na ang wala." pagtataray nito.
"Oo na, kami na talaga may lovelife pero ikaw naman highest sa worksheet." sambit ni Joshua sabay bigay ng worksheets ni Junhui sa kaniya.
"Ano namang dulot ng worksheet na ito sa lovelife ko?" pagda-drama ni Junhui habang nakatitig sa worksheet niya.
He will be so proud!
"Okay, that's it. Bahala ka sa buhay mo, sad boy." sabay tayo ni Soonyoung sa upuan niya para layasan si Junhui.
Natatawa naman si Junhui sa mga reaksyon ng mga kaibigan niya.
Oo na, aaminin na niya. Para rin naman kasi siyang tanga na palaging ini-stalk ang Facebook ng crush niyang si Wonwoo na tuwing 1:00 pm niya lang nakikita.
Paano ba naman, salungat ang schedule nila pero hindi iyon mahahadlangan ang pagiging maharot niya 'no.
Tadhana na nga ang gumagawa ng paraan para pagkitain sila. Lalo na n'ung first time niyang maka-interview ng anghel a.k.a si Wonwoo para sa performance task niya sa isang major.
At simula n'un, sunod-sunod na ang pagkukrus nila ng landas, na naging sign para kay Junhui na sabihin na betsung niya talaga ang chinitong binata (tipo niya rin kasi).
Ang kaso nga lang katulad ng schedule nila ang social media life nilang dalawa. Isang active lang sa X at isang hindi active sa kahit anong socmed.
"Jun," ani Joshua sabay pakita ng selpon kay Junhui. "In-accept ni Wonwoo friend request ni Kyeom."
Nawala tuloy bigla ang ngiti sa mga labi ng binata. Ang tagal na rin simula n'ung in-add niya ito sa Facebook kahit maski siya ay hindi naman gumagamit ng FB.
"Lungkot gaming na siya oh." sabay tapik ni Soonyoung sa kaniya na natatawa pa.
"Hayop kayo talaga." inis na sabi ni Junhui.
"Sabihin mo kay Kyeom, gumawa siya ng paraan para ma-accept ako ni Wonwoo sa FB kundi tututol ako sa pagmamahalan ninyong dalawa!" dagdag pa niya habang dinuduro-duro ang tawang-tawa na si Joshua.
"Bading naman kasi, malamang kaklase niya si Kyeom. Bakit? Kaklase ka ba niya?" pagtataray ni Soonyoung.
"Bakit? Kilala na siya ng pamilya ko tapos hindi niya pa rin ako ina-accept. Ano naman iyan!" pagmamaktol ni Junhui habang ang dalawa ay hindi naman maipinta ang mukha.
"Delulu gaming naman ang laro niya now. Ganiyan siguro napapala kapag ang daming information na pumapasok sa utak 'no?"
"True, ilusyonada na naman siya. Minsan tama na iyan ha?" pagsang-ayon ni Soonyoung kay Joshua sabay walk out pareho.
Napapailing na lang tuloy si Junhui.
^o^
"Tagal niyo!" bulyaw ni Junhui sa mga kaibigan.
Uwian na nila at nauna nang makapagligpit si Junhui ng gamit kaya siya ay nasa pintuan na.
"Bakit ba? Sabay ba kayong uuwi ni Minghao?" ani Joshua sabay lakad sa gawi niya.
"Hindi pero nagsabi na me sa kaniya, isa pa kasabay sila Ming— HAO! INGAT KAYO HA?" sigaw ni Junhui kay Minghao na dumaan bigla sa room nila. Natatawa naman si Minghao kay Junhui kasi parang first time lang nila magkita.
"Oo mag-iingat ako, ingat din ha. Uy Shua at Unyong, ingat din!" kumaway naman ng dalawa kay Minghao dahilan para maging cue nila sa pag-alis.
Tinapik naman ni Junhui ang balikat ni Mingyu at sinamaan ito ng tingin. Tumungo naman ang binata na binigyan siya ng nakakalokong ngiti.
"Ano na? Tara na."
"Atat na ata naman umuwi. Bakit ba? May susundo ba sayo?" sabi ni Soonyoung sabay lapit sa dalawang kaibigan.
Finally!
"Meron."
"Edi dapat nakisabay ka na kay Hao, tangeks ka pala e." mataray na sabi ni Joshua.
"Hindi na, hindi ko kasi kaya na hindi ko kayo kasabay bumaba ng hagdan." malungkot na sabi ni Junhui.
Napakamot naman ng ulo si Soonyoung kasi hindi niya na alam ang gagawin sa kaibigan.
Habang papalabas ng department nila, nagkekwentuhan lamang ang tatlo pa tungkol sa mga bagay-bagay (eme! tungkol sa buhay ng blockmate nilang walang dulot).
"Saan na sundo mo? Nasa gate na tayo oh." paglilipat ng topic ni Joshua.
"Sa Dali siya nakaparada."
Tumungo naman ang dalawa ay pinagpatuloy ang paglalakad habang nagkekwentuhan.
Malapit na lang din naman ang Dali kaya konti na lang ang nilakad nila.
Habang papalapit sa Dali, may napansin si Soonyoung. "Akala ko ba si kuya Lay ang magsusundo sayo, bakit walang sasakyan?"
Natawa naman si Junhui. Hindi ito panandaliang kumibo dahil siya ay lumapit sa black na motor.
"Ito ang sundo ko." mayabang na sabi niya.
"Kailan pa natutong mag-mo—"
Napahinto na lamang si Joshua sa kaniyang sasabihin nang biglang lumabas ang isang poging buff na meztizong chinito sa Dali. Ito ay lumapit kay Junhui at may inabot paper bag.
"Guys, this is my boyfriend, Wonwoo. Wonwoo, these are my super duper dope friends; Joshua and Soonyoung." tinanggal muna ng binata ang kaniyang gloves bago makipagkamay sa mga kaibigan ng nobyo.
"Nice to finally meet you, guys. I heard a lot of good things about you two." ani Wonwoo habang may ngiti sa mga labi.
Lalo tuloy kumunot ang noo ng mga kaibigan ng kaniyang nobyo.
"Totoo ka ba?" out of nowhere na tanong ni Soonyoung na ikinatawa ni Junhui.
"Yes, seryoso na 'to. Hindi na ilusyon ni Jun ang lahat."
"Sabi sa inyo e, kulit kasi kayo. Sana nakipagpustahan na lang ako sa inyo para panalo pa ako." pang-aasar nito sa mga kaibigan.
Inirapan tuloy siya ng dalawa.
"Sige na, we got to go. Ingat kayo ha parang awa, huwag tatanga-tanga sa daan." ani Junhui sabay yakap sa mga kaibigan.
Yakap na biglang humigpit.
"Magtuos tayo mamaya ha." bulong ni Soonyoung bago bumitaw sa pagkakayakap.
"Ingay din kayo!" ani Joshua, "Lalo ka na Junhui" he mouthed.
Nauna ang ang dalawa sa kanilang maglakad kaya natawa naman tuloy ang mga magnobyo.
Habang nasa biyahe ay busy naman si Junhui kakatawa dahil sa mga kaibigan niyang naintriga sa ginawa niya kanina.
utoted 3x (online)
Soonyoung
ano na jun?
gan'on-gan'on na lang 'yun?
Joshua
Tututol ka pa sa pagmamahalan namin ni Kyeam dahil in-accept na siya ni Wonwoo eh, mukhang napakilala mo na yata kila tita 'yan e.
Me
napakilala mo na 'yan kila tita e***
SORRY NA MGA BBLOVES KO OH ONE CHANCE
MALAY KO BANG PATAY NA PATAY PALA SIYA SA AKIN 👅
Soonyoung
utot
muntik na kitang sabihang delulu pero baka kainin ko rin kaya, support na lang.
Natatawa na lang din si Wonwoo dahil sa naririnig ukol sa usapan ng mga tropa ng nobyo sa kanilang GC.
utoted 3x (online)
Me
oo na, libre ko na tig-isang foot long niyo na may kasamang milktea at mahabang-mahabang kwento
Joshua
Apology accepted
😍
Soonyoung
hindi talaga ako nagkamaling piliin ka bilang kaibigan 😘
Me
mga plastik 🥰
Kung siya rin naman kasi ang dalawa, baka nga hindi niya mapigilan ang sarili at baka masabunutan niya pa ang sarili niya.
After ba naman nitong balaking sirain ang lovelife ng tropa biglang *boom* sila na pala. Matagal na pa lang sila.
Sa sobrang galing ni Junhui um-acting hindi halatang 2 months na silang legal both side at officially together. Paano ba naman ang kwento niya sa mga kaibigan ay hindi pa rin sila umaalis ni Wonwoo sa Facebook friend request phase na si Junhui rin naman ang may pakana.
May utang tuloy siyang hindi lang kwento kundi footlong at milktea sa dalawang kaibigang hindi makapaniwalang totoo ang ang ilusyon ni Junhui.
