Actions

Work Header

Yours (SunSun)

Summary:

Simpleng tao lang naman si Sunoo, basta maka-kita at makapag-ipon ng pera ok na siya para mabuhay sa pang-araw araw na buhay. Kabaliktaran ni Sunghoon na mayaman pero palaaway.

Chapter 1: Chapter 1

Chapter Text

Sunoo

 

“Opo nay andiyan na po!” mula sa sala sinigaw ko ang sagot ko saaking nanay na nasa labas lang dahil inaantay akong makuha ang mga iba pa naming bibitbitin papunta sa aming pwesto sa palengke. Wala kasing pasok ngayon kaya masaya akong nag boluntaryo akong tulungan si nanay na maglako sa palengke. Pagkalabas ko ay bumungad saakin si nanay na nakangiting naka tingin saakin.

 

“Diba sabi ko naman sayo anak, ako nalang mag isa ang magtitinda at magpahinga kana lang dahil alam ko kung gaano kahirap ang kolehiyo” sabi niya sakin na agad ko namang iniling ang aking ulo.

 

“Masyado ka namang makulit 'nay, ginusto kong tumulong ngayon nay. Tyaka, wala naman akong assignment at naiwan na gawain dahil tinapos ko na lahat kaya halika na nay, mag-aayos pa tayo ng gamit” pagkatapos kong sabihin yun ay agad ko siyang tinulungan magbuhat saka kami nagsimula maglakad papunta sa highway para maghanap ng tricycle.

 

“Napaka-kulit mo talagang bata ka. Sige na nga, halika na” at tumawa nalang ako sa pahabol na sagot ni inay. 

 

Hindi kami nahirapan sumakay dahil kalaunan ay sumalubong agad saamin si Uncle Edgar, ang aking ankel na tricycle driver.

 

“Mukhang madami-dami kayong bitbit ngayon ah, teka lang tutulungan ko kayong magbitbit” sabi naman ni ankel bago bumaba sakanyang sasakyan at tinulungan kami magbuhat at maglagay ng gamit sakanyang tricycle.

 

“Nako maraming salamat Edgar, dadagdagan ko nalang ang bigay ko sayo sa pamasahes namin” halata mo sa boses ni inay ang labis na kasiyahan ng bitawan niya ang mga salitang iyon. Agad namang iniling ni ankel ang kanyang ulo bago sumagot.

 

“Eto namang si Elena parang di tayo magkakilala. Wag mo ng dagdagan, eto naman” natatawang sabi ni ankel kay nanay dahilan para matawa ako sakanilang dalawa. Aangal pa sana si inay pero pinapasok na kami ni Ankel sa loob ng kanyang tricycle.

 

“Maraming salamat po ankel” masayang bati ko naman sakanya. Ngumiti at tumango naman si Ankel bago magsimula magmaneho ng kanyang tricycle.

 

Habang nasa daanan ay napaisip ako kung sasabihin ko ba kay inay na may bayaran nanamang nagaganap saaking Unibersidad. Napatingin ako sakanyang pwesto at kita ko ang pagod at puyat sakanyang mata.

 

“Bakit anak may gusto kabang itanong o sabihin?” hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sakanya dahilan para sabihin niya ang mga katagang iyon. Nagulat ako, dahilan para matuliro ako saglit bago ngumiti sakanya saka sumagot.

 

“Ay wala naman ho inay, napaisip lang ako bat ang ganda ganda niyo everyday. Sainyo talaga ako nagmana” proud na sabi ko pa sakanya saka ngumiti. Tumawa naman siya saka umiling na parang aliw na aliw sa sinabi ko.

 

“Ikaw talagang bata ka puro ka pambobola” sagot niya sakin dahilan para mapatawa kaming dalawa. Ilang segundong tawanan ay tumigil na kami at bumalik sa kanya-kanya naming mundo.

 

Hindi ko na siguro sasabihin sakanya. Kukuha nalang muna ako sa ipon ko sa pinagtratrabahuan kong restaurant. Kaya ko pa naman siguro ibalik ang bawas bago ang bayaran ng tuition fee. Kahit ako ay isang president lister, lahat ng tuition fee ko ay bayad na ngunit hindi ang mga miscellaneous fee, pero kahit ganun ay napakalaking tulong at bawas narin saaking bayarin ito. Hindi ko sinabi kay inay na may miscellaneous fee pa ang eskwelahan namin, kung kaya't ang akala niya ay wala na akong binabayaran sa Unibersidad na pinapasukan ko, at wala akong balak sabihin iyon sakanya. Ayaw kong madagdagan ang pasan-pasan ng aking inay lalo na't nagmahal ang mga bilhin sa panahon ngayon.

 

Lumaki akong isa lang ang kinikilala kong magulang, at iyon ay si nanay. Kakapanganak palang daw saakin ay iniwan na kami ng magaling kong tatay at mas pinili ang kayamanan ng kanyang pamilya kesa panagutan ang aking inay. Hindi naman nilihim ni nanay ang pangalan at kung saan nakatira ang aking ama, pero kahit na alam ko ito ay wala akong pakialam dahil matagal narin niya naman kaming inabanduna, bakit pa ako maghahabol sakanya?

 

Mula bata ay palagi kong ginagalingan sa pag-aaral dahil nadiskubre ko na nagiging libre ang pag-aaral kapag ikaw ay may mataas na marka na kung tawagin nila at scholarship. Pagkatuntong ko ng kolehiyo ay tinanong ako ng nanay kung saan ko gusto mag-aral. Sa totoo lang, hindi naman dapat ako sa isang Unibersidad mag-aaral eh, pero dahil gusto ko at paulit-ulit akong pinilit ni inay ay tinuloy ko at mas nagpursige maging isang istudyante , dahilan kaya hanggat ngayong 3rd year na ako ay napagbubuti ko parin ang pag-aaral.

 

Dahil ayaw kong madagdagan ang pasan-pasan ng aking inay ay palihim akong nagtratrabaho at rumaraket kung saan saan basta kumikita ako ng pera. Ang alam ni inay ay palagi akong nasa Unibersidad, nag aaral ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay inilalaan ko ang mga vacant hours ko sa pagtratrabaho sa apat kong trabaho. Isa akong waiter sa isang restaurant, delivery boy, tutor ng mga istudyante, at isang commisioner na tumatanggap ng kahit na anong paperworks, assignment o learning task manyan basta kayang kaya ko gawin.

 

Aaminin ko na mahirap, lalo na pag pinagsabay-sabay mo ang mga bagay na ito pero wala naman akong magagawa dahil sa hirap ng buhay ngayon, hindi pwedeng wala akong ginagawa. Sa totoo lang, ang hirap maging mahirap, ang hirap mangarap pag mahirap pero hindi ko hahayaan na mabigo ko si nanay at ang aking sarili. Sa Panginoong maykapal at kay nanay ako humuhugot ng lakas sa pang-araw-araw kong pamumuhay.

 

Ilang minuto lang ay nakarating narin kami sa pwesto namin sa palengke, dahilan para mapabalik ako sa realidad at mag ayos ng bibitbitin ko pababa.

 

*******



Kakatapos ng klase kaya naman inayos ko agad ang aking mga gamit upang maghanda saaking shift sa restaurant ngayon. Buti nalang at natapos ang klase ng mas maaga kaya mas mapapabilis ang pagpunta ko sa restaurant na pinagtratrabahuan ko.

 

Ilang ayos, lakad at sakay ay nakarating rin ako sa aking destino. Agad naman akong sinalubong ng aming Manager na si Jay na ngayon ay inuutusan ang isa naming kasamahan na magbuhat at mag-ayos ng mga gamit.

 

“Hello po, wait lang papalit lang po ako tapos tulong na po ako agad” nagmamadali ko namang sabi saka dumiretso agad sa locker room namin upang magpalit. Pagkarating ko sa locker room ay nadatnan ko ang kaibigan ko dito sa restaurant na si jungwon na mukhang kakapalit lang rin.

 

“My gosh my fren andito kana, jusko medyo mainit ang ulo ni papi Jay ngayon, hindi kasi dumating yung ilaw kineme natin” bungad na sabi ni Jungwon sakin. Ah, kaya pala siguro hindi ako pinansin kanina ni Jay.

 

“Last month pa yun diba? Nako nako baka ayaw nila i-deliver kasi masyadong malaki?” nakangiwi ko namang sagot kay Jungwon bago tinanggal ang aking pang-itaas na damit.

 

“Kaloka edi sana minessage nalang sana tayo na tayo na mag pick up diba like I can volunteer tapos one on one kami ni Jay sa car, heart to heart usap ganon!” malanding sabi naman ni Jungwon saka sinabayan ng bungisngis ang kanyang tawa. Napatawa nalang ako sa inasal niya bago sumagot.

 

“Ikaw talaga nagagawa mo pag may gusto kang tao eh, ang yaman yaman mo na nga pero nag apply kaparin dahil kay Jay . Ewan ko sayo” sagot ko habang tinatali ang aking apron. Tumawa lang siya ng malaswa saka pinalo ako sa braso.

 

Ilang minutong pagpapalit ay lumabas na kaming dalawa para simulan ang pag tulong sa pag-aayos. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Jungwon na galit nga si Jay dahil sa seryoso at nakakunot niyang noo ngayon. Isinawalang-bahala ko nalang iyon saka nag focus sa pag-tratrabaho. 

 

Maya-maya ay nag open narin kami at mas lalong nahirapan ako dahil dumagsa ang mga taong kanina pa pala nag aabang sa pag open ng resto. Late kasi kami nag-open ngayon dahil narin sa pag-aayos. Sa sobrang dami ng tao ay hindi ko na halos makausap si Jungwon.

 

Table 15

 

Pagkabasa ko sa papel na nasa order ay agad ko naman itong hinanap. Ang alam ko sa may kalayuan ito dito sa loob eh. Habang bitbit ko ang dalawang tray saaking kamay ay dali-dali akong naglakad. Confident naman akong hindi ito mahuhulog dahil narin nasanay ako. Di kalaunan ay nakita ko narin ang hinahanap kong table 15 at napapalibutan ito ng madaming istudyante, malakas ang kutob ko na sila ay magbabarkada. Habang papalapit ay mas naainag ko ang kanilang id lace at uniporme, mga ka schoolmate ko pala ang mga ito.

 

“Here's your order Maam and Sir, double check lang po natin if tama po. Dalawang half macaroni pizza, 3 lasgna, at 1 garlic bread po” sabi ko rito habang nakatingin sa binabasa kong order slip nila. Ilang segundo ay walang sumagot sakanilang apat kaya napatingin ako sakanila.

 

“Huy Hoon daw tama ba? Yan ba inorder mo?” tanong ng isang lalaking katabi ng matangkad na lalake doon sa lalaking napakaputi. Dumako naman ang tingin ko doon sa taong pinagtanungan niya. Nakita ko itong masamang tumingin kay Jake bago sumagot saakin.

 

“Is it your job is to double check it yourself?” matapobreng sabi niya naman saakin. Aba, napaka-bastos naman nito ah! Nagtatanong ako ng maayos dito letche to ah. Dahil customer siya at nagtratrabaho lang ako dito, pinigilan ko ang sarili ko at ngumiti sakanya. 

 

“Sir kaya po we run double checking po ng order sainyo po is para ma check niyo talaga kung tama ba yung mga dinalang orders niyo sa table niyo, para iwas reklamo narin po. Baka kasi mamaya mali pala ang order na dinala ko tapos late niyo lang na realize diba PO?” pagkatapos kong sabihin yan ay ngumiti ako ng malaki sakanya, yung tipong liliwanag yang mundo niya sa sobrang ngiti ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin bago nagsalita.

 

“Ok if you say so” he said before motioning his hand na para bang pinapaalis na ako. Sa tinagal tagal kong nag-aaral sa Unibersidad namin ngayon lang ako makaka-salamuha ng ganitong tao na akala mo kung sino. Ngumiti nalang ako ng malaki, yung tipong kita pati gilagid ko.

 

“Ok sir, enjoy your meal po” I said saka umalis agad sa harapan nila. Pagkatalikod na pagkatalikod ko palang ay umirap ako sa hangin dahil sa sobrang inis pero di kalaunan ay kinalma ko rin sarili ko dahil may mas mga malala pa akong karanasan diyan. Nagpatuloy ang araw ng ganun. Ilang beses ko ring mapapansin na tinitignan ako ng lalaking masungit kanina at mga kasama niya at hindi ko maiwasan mailang ng kaunti dahil narin sa hiya na baka may madumi saakin o ano.



Natapos ang araw ko na pagod ako. Kakatapos ko magtapon ng basurahan kaya andito ako ngayon saglit sa labas nag papahangin at nagpapahinga narin tutal, tapos naman na ako maglinis at mag ayos. Nauna na ang aking kaibigan na si Jungwon dahil narin sa biglaang emergency nito. Tahimik akong nagmumuni muni dito sa gilid at inaaalala ang mga kailangan kong i-budget para sa buwan na to. Siguro ay magiging sapat naman ang ipon ko para sa papalapit na kaarawan ni nanay. Balak ko sanang maghanda ng maliit na salo-salo na kami lang. Napangiti ako ng ma-imagine ko ang magiging reaction ng nanay ko. Alam kong matutuwa yun!

 

Napabalik ako sa reyalidad ng may marinig akong tunog ng parang may nahihirapan o nasasaktan na tao. Agad ko namang nilingon ang gilid ko upang sundan ang tunog ng maingay na yon. Hindi kalayuan ay may nakita akong matangkad na lalaki, pa-ika-ika mag lakad. Hindi ko gaano maaninag ang itsura niya dahil medyo madilim pa doon sa kanyang pwesto pero kitang kita ko ang mga pulang marka sa puti niyang uniporme. Napasinghap ako at dali-daling tumayo upang pumunta at lumapit sa pwesto niya. Narinig ko naman ang kanyang sigaw ulit kaya mas dinalian ko maglakad papalit doon.

 

Napakunot ako ng noo ng makitang uniporme to ng Unibersidad namin ah. Dali dali akong lumapit at ng makalapit ako sa pwesto niya ay bigla itong naa-upo sa gilid habang habol habol ang kanyang hininga. Agad akong lumapit sakanya at umupo agad sa harapan niya. Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang i-angat ang kanyang tingin. Nagkasalubong ang aming mata. Ang kanyang makapal na kilay na nakakunot, matang masamang nakatingin saakin. Pamilyar ang mukha niya saakin. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit parang huminto ang aking paghinga sa oras na nagtatama ang aming mata. Hindi ko maibuka ang bibig ko dahil naaalala ko na siya. Siya yung masungit at bastos na customer kanina. Napaawang ako ng tingin at magsasalita na sana ng bigla niya akong unahan.

 

“What? First time to see a person na nabugbog?” masungit niyang sabi sakin dahilan para mapairap ako sakanya. Shuta to ah, tutulungan na nga sana eh.

 

“Aba, ayus-ayusin mo nga gusto mo bang matulungan o hinde?” mataray na saad ko sakanya saka tinaasan siya ng kilay. Tinitigan niya naman ako ng ilang segundo bago siya nagsalita.

 

“I don't need your help. I can manage myself. Ang gusto kong gawin mo, umalis ka dito at itikom mo yang bibig mo. Subukan mong ipagkalat sa campus ang nakita mo, makikita mo ako sa gate, nakaabang sayo.” masungit pero nanghihina niyang sabi saakin bago niya isinandal ang sarili sa pader. Aba, ako na nga tong nakakita sakanya at balak mag-magandang loob tapos ako pa susungitan at tatakutin niya? Huh, anong akala niya matatakot ak— teka.. ipagkalat sa campus?

 

“Alam mong magka schoolmate tayo?? Ha? Paano? Di naman tayo nagkakasalubong, hindi naman ako naka uniporme ng pang istudyante, paano mo nasabi na nasa iisang University tayo??” naguguluhan kong tanong sakanya. Imbis na sumagot ay tinignan niya lang ako saka pilit na tumayo. Nasa kalahati palang siya ng pagtayo ng bigla siyang mawalan ng balanse, dahilan para mapatili ako bago siya hinawakan para simulan na tulungan siya.

 

“Bago mo ako sitahin, hayaan mong tulungan kita. Jusko ka! Wag mo ng buksan yang bunganga mo mamaya kana mag reklamo. Dadalhin muna kita sa ospital” pag-aaalalay ko naman sakanya. Pagka-tayong pagkatayo niya ay iwinaglit nito ang kanyang kamay bago nagsimulang paika-ika naglakad. Napabuntong hininga ako saka umirap sa hangin.

 

“Kung ayaw mo ng tulong di kita pinipilit. Kung ayaw mong matulungan edi neknek mo! Grabe mga pasa mo—HOY!!!” naputol ang pagsisigaw ko ng bigla ito g matumba. Agad akong lumapit sakanya saka sumigaw ng tulong pero mukhang walang nakakarinig saamin. Sisigaw pa sana ako ng bigla itong magsalita kaya napatigil ako at napatingin sakanya.

 

“Just help me. Ayoko ng hospitals” nanghihina niyang bulong saakin saka hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko ang kabuuan ng kondisyon niya at madami siyang pasa kaya at may mga sugat siya sa labi.

 

Huminga ako ng malalim saka tinignan ang oras saaking relo. Maaga pa naman at sarado naman kami. Since ako nalang rin naman mag-isa sa shop pwede ko siya tulungan saglit at para mahimasmasan narin siya. Tumingin ako sa paligid saka tinulungan siyang makatayo. Naramdaman ko ang mabibigat niyang paghinga kaya dinahan-dahan kong maglakad para makasunod rin siya saakin. 

 

Umabot kami ng tatlong minuto bago ko siya mapa-upo sa loob. Huminga ako ng malalim ng maalalayan ko siya pagka-upo saka inayos ang aking sarili.

 

“Saglit lang, kukunin ko lang first aid namin” sabi ko sakanya saka nagsimulang maglakad papaalis sa pwesto niya. Tinignan niya lang ako saglit tapos iniwas niya rin naman pagkatapos ng ilang segundo. 

 

Nagsimula akong pumunta sa may kitchen, doon kasi nakalagay yung first aid namin. Pagkarating na pagkarating ko ay tumungo ako sa isang cabinet saka kinuha ang first aid namin. Hindi naman ako umabot ng ilang minuto para hanapin ito dahil kitang-kita agad ito. Kinuha ko ito saka sinimulan ulit maglakad pabalik sa kinaroroonan ng bugbog na lalake. Jusko, bakit ba nabugbog yon? Gusto kong tanungin pero mukha naman akong chismosa. Wag nalang noh.

 

Pagkarating ko ay naabutan ko siyang nag-cecellphone at seryoso ang mukha nito. Mukhang nahimasmasan na to ah. Tumikhim ako para malaman niya na nandito na ako. Iniangat niya ang tingin sakin saka pinanood ako hanggang makalapit ako sakanya at nagsimula mag ayos ng gamit para magamot ko ang mga sugat niya.

 

“Jusko ang lala ng sugat mo dito sa labi, sure ka ayaw mo mag ospital? Tignan mo nga tong sugat mo sa may kilay, ay jusko ano bang nangyayare sa inyo” hindi ko maiwasan na sabihin dahil grabe, ang lala ng mga sugat niya. Sayang, amputi pamandin niya tapos makapal kilay, pogi tapos andaming sugat.

 

“Just help me, andami mong sinasabi” masungit naman niyang saad dahilan para mapa-irap ako. Grabe andaming irap na ang nagawa ko simula nung magpakita tong lalakeng to ha.

 

“K sabi mo eh” halos pabulong na saad ko saka tumahimik nalang. 

 

Tahimik kong ginagamot ang sugat niya at hindi ko maiwasan na medyo mamangha sa features ng mukha niya. Mapanga, matangos ang ilong, maputi ang balat, makapal na kilay, at magandang mata, overall pogi talaga siya. Yung poging pang-ibang bansa na artista ganun. Totoo naman kasing pogi siya. Hindi niya ata ako napansin na inoobersbahan ko ang kanyang mukha dahil abala parin siya sa pagtipa sa phone niya. 

 

Napapa-daing naman siya sa sakit minsan pero iniirapan ko siya at tahimik paring ginagamot siya. Dinahan-dahan ko naman kasi bawat haplos ng betadine sa sugat niya dumadaing na siya, eh medyo naaawa naman ako sakanya. Ilang saglit lang ay napamura siya bg malutong habang nakatingin siya sa kanyang telepono. Ibubuka ko palang sana ang ang bibig ng bigla itong magsalita.

 

“I'm sorry for asking this out of nowhere pero I am desperate to find a shelter for our upcoming long weekend. Pwede bang sainyo muna ako please? I will pay you 50k for my stay please”  

 

Dahil sa sinabi niya ay napanganga ako. Ha? Teka anong nangyayari?? Anong sinasabi niya??