Work Text:
"Mali naman pala 'yung nasagap mong balita. Soonyoung." ani Junhui sabay hagis ng sarili sa sofa. Grabe rin ang dinanas nila 'no bago siya makahimlay nang todo sa sofa nila.
"Eh ayun ang sabi n'ung pinsan ko," bahagyang kumamot ng ulo si Soonyoung. "Ano namang magagawa ko 'di ba?"
"Nako, ikaw talaga Soonyoung, muntik na namang mapaaway itong anak ko du'n sa anak ni Mayor." bahagyang binatukan ng ina ni Junhui si Soonyoung pagkabigay ng tubig dito.
"Pero hindi ba parang kaduda-duda sila? Paano kung totoong nandidito na ang mga pinadala ng Eveon Engineering para hikayatin ang mga kabaryo natin? Paano na tayo?" saad ni Ms. Oh, ang matandang babaeng nakatira sa bahay nila Junhui dahil sila ang unang natanggalan ng lupa.
"Kung gan'on po ay mas magandang huwag po tayong magpahikayat sa kanila kahit na ano man po ang ibigay nilang kapalit sa lupa natin." mataas ang noong ani Junhui. Hangga't kaya nilang pigilan na hindi maakit sa pera, hindi nila makukuha ang lupang gusto nilang ipagiba.
Sinong mag-aakala na hahantong ang tahimik na buhay ng mga residente ng Unmyeong sa ganito? Kanina ay nagwewelga sila na humantong din naman sa wala kundi pagod, at muntik na naman mapaaway si Junhui.
Bakit hindi na lang kasi nila iwan ang baryo namin tutal maliit lang naman ito?
"Anak, Junhui, nasaan ang kapatid mong isa?" pag-agaw pansin ng ina ni Junhui sa kaniya.
"Nandidito naman po si Jieun, ma." sagot niya rito na ikinangiti ng bunsong kapatid na babae.
"Iyong kuya ko naman po ang wala." all smile pang sabi ni Jieun. Hindi siya masayang nawawala ang kapatid niya, sadyang ganito lang talaga siya.
"Saan na naman kaya nagsususuot si Jaeo?"
"Ako na maghanap sa kaniya ma, alam ko na kung saan siya nagsuot." ani Junhui sabay alis sa kanilang bahay para hanapin ang pangalawa niyang kapatid.
Kanina ay nakita niya itong nasa welga pa pero n'ung sumugod sila kay mayor ay wala na ito.
Hindi naman siya takot na mawala ang kapatid dahil bata pa lang sila alam na nila ang lugar na ito. Rito na sila lumaki, kilala sila ng mga tao dahil na rin sa likhang sining ng mga magulang niya at siya — si Junhui — bilang isang radio DJ sa baryo nila.
Ngunit, mapanganib pa rin naman ang lugar nila, nasa probinsiya sila at malapit-lapit na siya sa gubat. For sure, rito nagtago ang kapatid niya dahil walang tao rito para malaya siyang makipag-date sa kakalse niya.
Pingot talaga ang abot ng batang iyon sa akin kapag nagkataon.
Habang naghahanap, hindi pa rin maalis sa isip ni Junhui ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.
Ang bilis ng mga pangyayari sa kaniya. Parang noong isang araw lang ay nasira ang antena ng kanilang radio studio na naging dahilan para lumuwas siya at ang kaniyang mga kaibigan sa Seoul upang manghingi ng pera.
Pero lahat ng pagod, gas, pera at paghihirap na gumawa ng presentation para sa mga mamayamang kompanya sa Seoul ay nasayang sa wala. Nihindi nga nakatapak ang paa niya sa opisina ng may-ari ng kompaniyang balak niyang hingan ng pera.
Seoul nga naman.
At pagbalik galing Seoul, ang balitang galing kay mayor ang sumalubong sa kanila.
Alam ni Junhui na malaki ang perang pinapaamoy sa kanila ni mayor. 100 million won, saan ka naman makakahanap ng ganiyan kalaking pera sa panahon ngayon?
Ngunit, kahit ganiyan man kalaki ang pinapapain sa kanila, hindi pa rin siya at ang kaniyang pamilya papayag na mawala ang mga alala nila dahil lang sa 100 million won.
"Jaeo, nasaan ka ba? Jaeo!!" sigaw ni Junhui na nakapagpabasag sa paligid niya.
Nasa hanging bridge na siya patawid sa kabilang parte. Unmyeongso pa rin naman ito, sadyang may hanging bridge lang talaga.
Medyo nararamdaman na rin ni Junhui ang pagbabadya ng panahon. Kailangan na niyang mahanap ang kapatid bago maggabi at bago umulan.
Maglalakad na sana ulit si Junhui nang biglang maramdaman ang pag-alog ng tulay, senyales na may tatawid din.
Hinintay niya ito na siyang kinagulat sa hindi inaasahang paglabas ng isang aso.
"Ryung! Halika ka." pagtawag niya sa aso ng kanilang kabaryo na si Ryung.
"Ano 'to, Ryung?" sambit niya matapos kunin ang maliit na notebook na kanina ay kagat-kagat ni Ryung.
Bubuksan na sana nang biglang may pumigil sa kaniya. Huminto naman ang mundo ni Junhui sa nakita.
"Anak!" saad ng ina na may ngiti sa labi pagtapos bitawan ang kamay niya mula sa pagkakaapir.
"Hay nako, may nakita na naman iyang si mama." sabi ni Jieun sabay subo ng champorado.
"Anak, may nakita ako!" pagtawag ulit ng nanay niya sa kaniyang pansin. "May kulay gatas na balat, mala-sanggol ang kutis, matangkad, matalino at higit sa lahat..." kinikilig na huminto ang ina niya sa pagsasalita.
Junhui is anticipated to what is his mom's going to say.
"Gwapo!" tuluyan ng kumawala ang kilig ng kaniyang ina sa pamamagitan ng tili.
"Ngunit anak!" napakunot ng noo si Junhui dahil wala na ang kilig ng kaniyang ina.
Ano ba ang ngunit na iyan? Ngunit ano? Mamamatay tao? Manyakis? O baka naman ay manloloko?
"Malabo ang mata niya anak, pero matalino." natawang sabi ng kaniyang ina. "Soulmate mo!"
"Ikaw!" sigaw ni Junhui matapos bumalik sa ulirat.
May kulay gatas na balat, check.
May mala-sanggol na kutis, check.
Malabo ang mata, check.
Matalino, hindi pa sure pero mukhang check.
At guwapo... check na check.
"Wala ito, Junhui, ilusyon lang itong lahat, nag-iilusyon ka lang." nagpa-panic na bulong nito na hindi naman talaga bulong kasi lumalakas ang boses niya sa sobrang kaba.
"Sir, hindi ka nag-iilusyon kaya pwede bang ibigay mo na sa akin ang notebook ko?" ani ng lalaki na mas lumapit pa kay Junhui.
Nanlaki naman ang mata ni Junhui dahil malapit na ang lalaki sa kaniya.
"Huwag kang lumapit! Tulong! Tulong! May rapist dito!" sigaw ni Junhui na umaatras naman.
"Hello? Ako rapist? Sa mukha kong ito?" napapailing na sabi ng lalaki. "Sir, ang kailangan ko lang ay ang notebook ko, pwede bang ibigay mo na sa akin iyan?"
"Huwag kang lumapit! Rapist! Tulong may rapist dito!" ani Junhui na hindi na malaman ang gagawin.
Hindi pa rin tumigil si Junhui sa pagsigaw nang biglang lumapit sa kaniya ang lalaki nang patakbo para hablutin ang notebook dahilan para mahulog ang notebook niya.
At ang lalaki? Ito, kasalukuyang kumakapit para sa buhay niya nang siya ay bumaliktad at muntik ng sumama ang sarili kasabay nang pagbagsak ng notebook niya sa bangin.
"Sir, tulungan mo ako rito." pagmamaakawa niya kay Junhui.
Tila nataranta naman si Junhui dahil sa mabibilis na pangyayari. He didn't thought na aabot sa point na kakapit na ang lalaki para sa buhay niya.
"Sir, tulong. Natatakot na ako please, tulungan mo ako, huwag mo ako tignan." naiiyak na sambit ng lalaki.
Nagdadalawang isip man ay kumilos pa rin si Junhui para iangat ang napakabigat na lalaki.
Ano bang muscle meron 'to? Siksik at liglig masyado. Silent builder ba 'to?
"Tulungan mo rin ang sarili mo na umangat, ang bigat mo." ani Junhui na hirap na hirap sa pag-angat sa lalaki.
Katulad ng utos ni Junhui, umangat naman ang lalaki para mabilis ang pagtapak niya sa tulay.
Dahan-dahan at ayun!
Nahimatay ang lalaki sa ibabaw ni Junhui pagkaangat nito.
Nanlaki ang mata ni Junhui sa nakita na para bang nag-flash na ang 26 years ng pagkabuhay niya sa mundo.
"AAAAAAH!" malakas na sigaw nito habang pilit na inaalis ang lalaki sa ibabaw. "Hoy, gumising ka parang awa mo na." sabi niya habang ginigising ito at inaalis sa ibabaw niya.
"Tulong! Hoy, gising ka na, jus—"
"Hoy! Ano 'yan?" dinig ni Junhui mula sa pamilyar na boses.
: )
"Ayun po, nahimatay bigla sa ibabaw ko pagkaangat ko po sa kaniya kaya gan'on po niyo kami naabutan." pagpapaliwanag ni Junhui sa kaniyang pamilya sa nangyari kanina.
"Buti na lang at nakita kita du'n baka ano na ang nangyari sayo."
"Oo nga po pa, mukhang manyakis pa naman iyon."
"Kuya, anong manyakis? Eh hindi ba siya iyong sinasabi ni nanay na soulmate mo?" biglang singit ni Jieun.
"Ayun ba iyong pininta ng nanay ninyo sa labas?"
"Opo tay, halika po tignan natin." pag-aya ng nakababata sa kuya at ama niya. Sumunod naman sila rito at pinuntahan ang sinasabi ng kapatid.
"Anak, kamukha nga niya talaga oh." namamanghang banggit ng ama niya.
"Kuya, try mo," pag-agaw ng atensiyon ni Jieun. "Kapag pumikit ka habang nakatingin ka riyan, makikita mo mukha n'ung lalaki na iyon."
Natawa naman si Junhui. Hindi niya na ito kailangang gawin kasi kahit nakadilat alam niyang kamukha n'un ang lalaking sinasabing soulmate niya raw.
Kaya nga sila umabot sa ganito dahil sa painting, dahil nakita niya harap-harapan ang lalaking nasa dingding nila at take note, buhay.
"Halika hijo, narito sila oh." napukaw ang atensiyon nila Junhui sa boses ng kaniyang nanay na papunta sa gawi.
"Ito po kuya iyong sinasabi ni nanay na kamukha niyo pong painting." ani Jaeo na may dala pang baso ng tubig.
"Nako! Kamukhang-kamukha mo talaga siya." kinikilig na sambit ng ina nang pare-parehas na silang nakatitig sa painting.
Tahimik lang silang nakatayo habang nakatitig dito maski ang lalaki.
"Sino ka ba?" bulong ni Junhui na mukhang napalakas yata.
"Traveler Wonwoo Jeon at your service," humarap si Wonwoo sa gawi ni Junhui habang nakalahad ang kamay.
Napangisi naman si Junhui. "DJ Junhui Wen." ani niya sabay kuha ng kamay nito.
Mukhang sisirain nito ang buhay ko.
