Work Text:
It was a quiet afternoon. Jeonghan decided to do his one school work at a Cafe slash Study hub nearby. Tahimik lang na nakaupo si Jeonghan habang mabilis na nagtatype sa laptop n’ya when suddenly a group of high school students came in.
He doesn’t like people na hindi marunong makiramdam. The place is meant to have a peaceful surrounding pero parang walang pakialam ang mga bagong dating. At kung minamalas nga naman s’ya, sa katapat n’ya pang lamesa naupo ang mga ito.
He tried his best na huwag na lamang silang bigyan ng pansin but he can’t seem to focus dahil panay silang hagikhikan. S’ya lamang ang tanging malapit sa mga ito kaya naman mas naimbyerna s’ya.
He’s not the type to shush other people and kill their fun pero hindi na s’ya natutuwa kaya naman agad na n’yang sinita ang mga ito. Wala siyang pake kung mainis sila dahil yun ang goal n’ya.
“Can you please tone down your voices, kids. Nakakairita e.” He said firmly. The high school students were taken aback because of his sudden outburst. Sasagot na sana ang mga ito pero inuhan na n’ya.
“This is not the right place para mag-tawanan kayo and mag-ingay. So it’s either tatahimik kayo o tatawagin ko ang security guard para palabasin kayo. Choose.” Agad naman silang natahimik.
It was the scene na naabutan ni Joshua, boyfriend n’ya.
“Hey, love. What’s going on here?” Mahinahon nitong tanong bago s’ya hinalikan sa noo.
“Those kids are hella annoying. Ang iingay.” Sagot niya habang nakakunot ang noong bumalik sa ginagawa.
Joshua immediately snaked his left arm sa bewang ng nobyo at saka pinatakan ng halik ang balikat nito. He knows that the action always works on calming his boyfriend down, and it did. Nawala ang pagkakakunot ng noo nito at nawala ang kaninang tensionadong balikat.
“Don’t be annoyed na. They’ve gone quiet naman na po,”
“It’s because sinaway sila.”
“Lemme buy you another coffee nalang. French Vanilla Latte?”
“Oh, yes please.”
“On it, love.”
The grocery store was so jam-packed even though it’s already 6 in the evening.
Jeonghan and Joshua decided to have some grocery run today, which is Friday, because they don’t want to go outside na kinabukasan. Pareho silang walang pasok during weekend kaya naman they tried their best to maximize it and spend it together. Palagi naman silang magkasama but Saturday and Sunday are the days that they assures na ilalaan nila para sa isa’t isa. May it be for their dates or by just simply leisure time na magkasama.
They’re now in the biscuit section. Jeonghan loves buying biscuits kase paborito yun ni Joshua.
“Love, meron pa ba tayong Fita sa cond–” Jeonghan wasn’t able to finish his sentence dahil may biglang nagtatakbuhang bata ang dumaan sa harapan n’ya. Sasawayin na sana n’ya ang mga ito but Joshua was enough para palamigin ang ulo n’ya.
“Hey, love. Hayaan mo na, mga bata naman.” And how can Jeonghan get his annoyance get through his way pa e sobrang soothing ng boses ng boyfriend n’ya. Idagdag pa ang paghalik nito sa pisngi n’ya. And just like what Joshua said, hinayaan na lang n’ya ang mga ito. Kahit naiinis s’ya na bakit hinahayaan ito ng mga magulang na mag takbuhan e hindi naman playground ang grocery store.
Sunday morning.
Joshua woke up na wala sa tabi n’ya ang nobyo. It’s so unusual dahil palagi s’yang nauunang magising dito. Lalabas na sana s’ya sa kwarto nila para hanapin ito when their bedroom door opens at iniluwa doon ang boyfriend n’yang nakakunot na naman ang noo habang may kausap sa cellphone n’ya.
“Ma naman. Hayaan mo na pong sumama sa exposure tour si Junkyu. He’s big enough naman na para alagaan sarili n’ya doon.” Jeonghan’s gaze was now at him nang mapansing gising na s’ya. Agad n’yang ibinuka ang mga braso indicating na lumapit ito sa kanya.
Agad din naman itong lumapit at pumwesto sa pagitan ng mga hita n’ya. Joshua buried his face in Jeonghan's stomach. Ang tanging suot nito ay boxer shorts at oversized tshirt na pag-aari ni Joshua.
Jeonghan continues his conversation with his mother while gently caressing Joshua’s hair.
“Ma, mas magiging madali ang sem project ni Kyu kapag sumapa s’ya d’yan sa exposure tour na ‘yan. Kahit ako na magbayad ng gagastusin n’ya.” Joshua can sense na malapit na itong mainis. And just like what he would do to calm his masungit na boyfriend, he place some soft kisses sa bandang tiyan nito. Jeonghan loves kisses, that’s for sure.
Naramdaman din naman agad n’ya ang pagkalma nito. The irritation on his voice is now gone at magalang na nagpaalam sa ina.
“I’ll call nalang ulit later, ma. Bye po. I love you.”
After ending the call, Joshua guided him para maupo sa hita nito.
“Ayaw pa rin ni mama pumayag?” They both call each other’s parents as mama and papa.
“Ayaw pa rin. She’s worried daw kasi nga it’s Bohol, medyo malayo. If hindi n’ya papasamahin si Kyu, kawawa naman. Most of his blockmates are going tapos narrative report nalang ipo-provide as semestral output.”
“I’ll also talk to her. Ako na tatawag mamaya.” Jeonghan nodded. Liking the idea. Alam kasi n’yang maiinis lang siya ulit kapag hindi pa rin payag ang ina. And for sure, Joshua can convince their mother. Palagi naman itong pumapayag agad kapag si Joshua na nag-suggest. Paborito e.
“Let's eat breakfast na, love. Mukhang gutom ka na ako na pinapapak mo e,” Pabirong sabi n’ya. Joshua has been nibbling his neck at nakikiliti na s’ya.
“Aww, I thought this is my breakfast na.”
Agad s’yang natawa dito, “Sira.”
