Work Text:
Katutubong Kasarinlan, Hindi Malilimutan
Hindi dekada, hindi siglo,
333 taong pagpapasakit at pang-aabuso.
Sa katutubong Pilipino, ito'y naging himig
Ng mga pusong sumiklab sa paghihimagsik.
Bughaw na langit na saksi sa mga labanan,
Hindi malilimutan pinagsikapang kasarinlan.
Sa puso, isip, diwa, at pagmamalasakit sa bayan,
tanging pamitagan ang aral ng kasaysayan.
