Chapter Text
“Gago ka, Mingyu! Kinagatan mo na naman ‘yung hotdog!”
“Oops. My bad, my bad. Kala ko matik free taste pag naka-display.”
It takes a lot of willpower for Wonwoo para lang mapigilan ang sariling bawiin ang resume niyang hawak ng branch manager na nasa harapan niya ngayon.
Hindi pa man siya nakakapagsimula, pero sa dalawang oras na nandito siya sa loob ng 7-eleven, nagawa nang pasakitin ng mga nasa paligid niya ang ulo niya. Hindi niya alam kung kakayanin niya ba ‘tong tiisin nang walong oras sa isang araw, limang beses sa isang linggo, kapag natanggap na siya sa trabaho.
“Hey pre, what happens if I wrap this condom in lumpia wrappers?”
“Banana-flavored ‘yan ‘di ba? Edi turon na siya non pucha naman pre nag-iisip ka ba?”
“But guys, wouldn’t that be the lumpia wrapper itself though?”
“Yes though, but it still becomes turon if you wrap it around a deal though.”
Wonwoo heaves a sigh, at bahagyang ini-angat ang kamay niya para hingin pabalik ang resume niya. Hindi siya tatagal nang isang araw dito, sigurado na siya.
“However, sir, I admit that I may not be qualified for the job seeing that I don’t have much to offer. So as to not waste your time, may I—”
“You’re hired. Simula ka na today. May tanong ka pa ba?”
Natulala na lang si Wonwoo habang nagsimula naman ang palakpakan sa paligid.
“Aye, new character unlocked! Welcome!”
“Welcome to the team! Welcome to 7-eleven!”
“Welcome to the family! I'm so happy to meet you, and I realize once again, that you guys mean a lot to me. Thank you for all your love and support!”
Sa totoo lang, ang daming tanong ni Wonwoo. Gaya ng bakit siya tinanggap kahit wala namang kalaman-laman ang resume niya, kung pwede na ba siyang magfile ng complaint sa HR two minutes in on the job, o kung valid reason for resignation ba ang hindi niya kinakaya ang gulo at ingay ng paligid niya.
Lalo na kung siya lang naman ang nakakarinig at nakakakita nito.
He settles on a professional one. “Simula na po agad? Wala po bang training period?”
Bagot na bagot ang itsura ng manager nang sagutin siya nito.
“Trip mo pa ba? Kung ako ‘yan ‘di na para bayad na ako agad.”
Napa-iling na lamang si Wonwoo.
Mukhang may saltik lahat ng tao sa branch na ‘to, buhay man o hindi.
“Nice!” Ini-abot na sa kanya ng manager ang plastic bag na mukhang uniform niya ang laman. “Bounce na ‘ko.”
“Good day, Mr. Yoon.”
Kaalis ng branch manager na kumuha pa ng cadbury sa counter at nag-iwan ng isang daan bago tuluyang lumabas (malas, abonado pa siya), agad na nagpunta ng banyo si Wonwoo and changes into his uniform. Hindi niya kailangan bantayan ang counter dahil wala masyadong customer ‘pag gantong tanghaling tapat, at kung tutuusin, ang pinakamabigat lang na trabahong dapat niyang gawin ngayong araw ay memoryahin ang bawat sulok ng lugar.
Mabuti na lang at naging tambay siya dito for the past four months. Pwedeng pwede siyang magpakatamad ngayong araw hanggat walang bumibili dahil alam na niya kung saan nakapwesto ang iilang mga bagay.
Gaya na lamang ng isang plastic ng skittles na naligaw sa rack ng mga de litrong bote ng tubig at softdrinks na siyang una niyang nakita kalabas ng banyo.
“Ay, ‘yung naiwang candy ni Chan bago siya umakyat kahapon ata ‘yung tinitignan niya.”
“May bata na namang hindi napagbigyan.”
“Why daw hindi siya pinayagan dalhin?”
“No outside food allowed na raw mula sa purgatoryo e.”
Napataas naman ng kilay si Wonwoo sa nalaman habang ibinibabalik ang candy sa tamang lalagyan nito. The concept of heaven is now closer to reality than he thought kasi sinong mag-aakalang same protocol lang ang entrance ng purgatoryo at sm cinemas?
Nakaramdam tuloy siya ng gutom. Parang kinikindatan siya ng mga nakahilerang cup noodles na nasa gilid niya lang ngayon.
Wala naman sigurong masama kung magluluto siya ng isa, ‘di ba? Babayaran naman niya, at isa pa wala pa namang pumapasok na customer.
Kusang gumalaw ang kamay ni Wonwoo at kinuha ang seafood-flavored cup noodles na sa pinakalikuran pa nakalagay. Saglit niya itong tinitigan bago binalik.
“‘De, ayaw ko ‘to.”
Parang gusto niya ng mas malasang noodles kesa don. Korean noodles kaya? Pwede. Pero kasi, maarte si Wonwoo pagdating sa ramyeon. Ayaw niya ng paputso-putso lang. Gusto niya kasamang niluto ‘yung soup base powder sa ginisang bawang na medyo sunog, tapos may halong green onions.
Isa lang ang kilala niyang may kayang magluto nito. Magpaluto na lang kaya siya kay—
Napahinto si Wonwoo.
Kanino?
Bigla namang bumukas ang pinto at may pumasok na customer kaya napabalik na siya sa likod ng counter. Tulala lang si Wonwoo habang ginagawa ang trabaho, racking his brain in attempts to remember the faceless person’s name in his memory.
Palagi na lang ganito.
When he woke up from his coma ten months ago, maski pangalan niya hindi niya maalala. Mabuti na lang at nandon ang pinsan niyang si Minghao. Siya ang tumulong sa kanya mula nang makalabas siya ng ospital. Pinatira rin siya nito sa apartment niya, at ito rin ang tumulong sa kanya sa paggawa ng pinasa niyang resume sa 7eleven.
Minsan, napapagod na rin siyang wala siyang alam.
Like any other person who wakes up one day and discovers na wala na silang matandaan sa kung paano sila nabuhay, marami ring naging tanong si Wonwoo. Pero bukod sa kung anong dahilan bakit siya nagising sa ospital, Minghao could only help him with the most trivial of things gaya ng kung saan siya nag-aral ng elementary, kung may allergy ba siya sa mga pagkain, at kung saan siya huling tumira dahil bata pa lamang sila ni Minghao noong huli siyang nakasama nito. Hindi nito alam kung saan siya nag-aral ng college, kung anong naging trabaho niya pagkatapos, at kung pamilyadong tao ba si Wonwoo.
Hindi na niya alam minsan kung anong mas nakakapagod: ang walang nalalaman o ang walang ibang matanungan.
He gradually regains half of his memories over time, pero gaya ng kanina, they come in forms of missing puzzle pieces, at walang magawa si Wonwoo kundi hintayin ang mga tira-tirang piraso na dumating sa kanya bago makabuo ng isang kompletong alaala. Kaya sa ngayon, umaasa lang siya sa mga kwento ni Minghao.
But some things just don’t quite seem to add up, mula sa paraan ng pagkwento ng pinsan niya hanggang sa pagkakasunod sunod nito, just like how it took him months bago niya nalaman na matagal nang wala ang mga magulang niya na kung tutuusin ay isa dapat sa mga bagay na nauna niyang malaman tungkol sa sarili niya. Mukhang hindi pa nga ito sasabihin sa kanya ng isa kung hindi niya lang ito natanong kung bakit siya ang cinontact ng ospital.
Kaduda-duda rin ang naging sagot ni Minghao dito. Siya lang daw kasi ang nag-iisang kamaganak na naka-save sa contacts sa phone ni Wonwoo. Hindi niya ito nagawang tignan dahil nang ibalik sa kanya ni Minghao ang mga nakuhang gamit ng ospital mula sa aksidente, basag na basag ang phone at hindi na sumisindi.
Over time, Wonwoo developed a habit of pretending to be unbothered by it all. Wala naman siyang ibang choice kundi magtiwala sa pinsan niya dahil si Minghao lang ang meron siya ngayon at so far, wala pa naman itong ginagawang ikakapahamak niya. Siya pa nga ang nag-aasikaso pati sa pagkain ni Wonwoo.
Ah, baka si Minghao rin ang taong malabo sa alaala niya na alam iluto ang klase ng ramyeon na gusto niya.
Tatanungin na lang niya ito mamaya.
He goes back behind the counter. Naririnig na niya ulit ang paligid niya ngayong hindi na tumatakbo ang isip niya kung saan saan, kaya naman inabot niya ang bag niya and takes his earphones out.
“—sana matikman namin luto mo one day, Gyu.”
“Sana nga. Masarap pa naman ako magluto ng ra—”
He wears both of them on to drown out the sound of the ghosts talking to each other para naman mabigyan niya ng privacy ang mga ito. Hindi niya alam kung kailan siya nagsimulang makakita ng mga multo, kung mula ba ito pagkabata or if it was a side effect of his near-death experience, kaya kung hindi niya ginustong magkaron ng kakayahang makita sila, sigurado siya na hindi rin naman nila ginusto na makita at marinig sila ni Wonwoo.
“Lo, tama na ho.”
The song playing from his earphones fades out at the same time he hears someone talk.
Bahagya niyang inilingon ang ulo sa direksyon nito, and he sees him talking to another ghost. Sa ilang buwan ring palaging nandito si Wonwoo, alam niyang boses ito ni Mingyu, at ang kausap nito ay ang matandang lalaking kasama ng customer kanina.
Pinanood lang ni Wonwoo ang matanda sa pagsubok nitong makalabas ng pinto. Wala naman siyang ibang magagawa kundi panoorin lamang ito as he helplessly tries to grip the handles for a few seconds, then throws his body onto the door in an attempt to push it open only to be bounced back by the invisible barrier that seems to be guarding the doorway.
Pati si Mingyu ay nanonood lang mula sa gilid, kahit nang magsalita na siya ulit.
“Tigil na po kayo. Tayong mga naipagpag dito, hindi na po makakaalis.”
The man finally speaks. “Hindi pwede. Kailangan kong samahan ang anak ko. Kamamatay lang rin ng asawa ko noong isang araw. Mag-isa lang ang anak ko…”
Wonwoo looks away.
Ilang buwan na siyang gising. Ilang buwan na siyang nakakakita ng mga hindi niya dapat makita. Ilang buwan na siyang nakakarinig ng mga hindi niya dapat marinig.
Yet somehow, it doesn’t get easier.
And it only gets heavier every time Wonwoo realizes that it could’ve been him in their shoes—it could’ve been him in front of that door, nagmamakaawang makalabas dahil may dapat siyang bantayan; dahil may hindi siya pwedeng iwan.
Wonwoo was lucky enough to survive. But he couldn’t be thankful, not when he was put on the other end of the spectrum as the price to pay.
Dahil pakiramdam niya, para siyang iniwanan.
He was left with a body that felt nothing more than a shell. Wala siyang kalaman-laman. Everything he’s ever known went away just like that at hindi niya man lang ito naipaglaban bago siya nito iwanan.
Wonwoo catches a glimpse of the wall clock na nasa itaas ng atm.
An hour before his shift ends.
Mabilis na lumipas ang isang oras. Tsaka na lang ito namalayan ni Wonwoo nang dumating na ang kapalitan niya ng shift. Nagpakilala siya dito at saglit silang nag-usap bago siya nagpaalam, and just when he’s about to push the door open, isang kaluluwa ng matandang babae ang lumitaw sa harap niya at tumagos sa pinto.
“Tara na, mahal.” He hears the woman say, at kahit na hindi siya lumingon, alam niyang ang matandang lalaki kanina ang sinusundo nito. “Papanoorin natin siya mula doon.”
Tuluyan nang lumabas si Wonwoo.
