Actions

Work Header

Sigma: Special Chapters

Summary:

Collection of special chapter for my X (Twitter) KENTIN AU, Sigma.

Notes:

Dito ko na 'to in-upload kasi ang daming issues lately ng Privatter kakainis. Na-late na ito nagkatrangkaso kasi me huhu.

If ngayon mo lang ito nakita, here's the character list:

Jehan - Justin
Faolan - Ken
Priam - Pablo
Callum - Josh
Sinclair - Stell
Maddox - Maverick

 

ENJOY!

Chapter 1: Gender Reveal

Chapter Text

The Suson’s apartment was unusually lively that day. Paano ba namang hindi kung lahat ng kaibigan nina Jehan at Faolan ay naroon maging ang kanilang pamilya.

 

It was still early for lunch, alas diyes lamang ng umaga. Faolan’s mother and Jehan’s omega dad were in the kitchen with Stassi and Catrin, still cooking at masayang nagkukuwentuhan. Sa salas naman ay nag-aayos ng dekorasyon sina Alanis. Sina Priam, Callum, Sinclair, Maddox, at Jio ay nag-aayos ng ilang lamesa’t upuan sa may terrace at bakuran habang nagbabangayan na hindi naman na yata mawawala.

 

Meanwhile, inside Faolan’s bedroom were the couple giggling to themselves as if they’re doing something mischievous.

 

“Damihan mo peanut butter, Bebi,” bulong ni Faolan kay Jehan habang nakatingin sa dalawang malaking baso.

 

“Kapag nag-LBM sila, ready naman gamot,” turan ni Jehan habang nilalagyan ang dalawang baso ng maraming peanut butter. They both giggled again while they were mixing their concoction.

 

Faolan sighed happily and placed his head on top of Jehan’s shoulder. “Naririnig ko na reklamo nina Sinclair at Maddox,” komento niya bago tumawa ng bahagya.

 

Jehan chuckled and turned his head sideways so he could peck Faolan’s forehead. “Ginusto rin naman nila eh.”

 

“Aminin mo na lang rin kasing ayaw mo ng popping balloons na gender reveal kasi magugulatin ka,” nakangising sabi ni Faolan bago yumakap sa baywang ni Jehan.

 

His mate laughed too and hugged him as well. “That too. At saka napakakalat no’n eh.”

 

“Ikaw maglilinis if ever.”

 

“Oo naman, bawal ikaw mapagod.”

 

That day was finally the gender reveal for their twins kaya’t naroon lahat ng kaibigan at pamilya nila. He’s glad that their parents instantly clicked, ayon nga at magkasama na ang mga alpha nilang ama para bumili ng inumin ng mga ito.

 

Faolan gently pulled his mate towards the bed and they both sat down. Jehan hugged him tighter and Faolan melted in his arms. Like always.

 

“Ano gusto mo talagang gender ng twins, Je? ‘Yong seryosong sagot ha? Kukurutin kita,” tanong niya rito.

 

Jehan giggled. “Kahit ano naman talaga for me. Anak natin sila so kahit anong gender pa basta healthy kayo,” he softly answered.

 

Faolan looked up at Jehan and frowned. “Ano kaya ‘yon, bakit pa tayo nagpa-gender reveal?”

 

Jehan looked at him as well and leaned down to peck his lips. “Para makapag-bond tayong lahat together. And I don’t know, it’s refreshing to see na pati sila excited sa kahit ano related sa Pibis.”

 

“Refreshing, ano ‘yan, juice?”

 

“Seryoso daw oh, siya ‘tong namimilosopo,” Jehan said while pouting before he tickled Faolan’s waist.

 

Faolan giggled and tried to break free from Jehan’s arms but the latter only tightened his arms around him while still tickling him.

 

“Tigil, masakit na!” tumatawang reklamo niya.

 

And Faolan smiled widely when Jehan immediately stopped. The alpha’s most hated words from him were masakit, ouch, aray.

 

“Sorry,” malambing na bulong nito bago halikan ang labi niya. Faolan’s smile just widened and seemed to get even brighter because of that. “Dalhin na natin ‘yong mga glass kina Papa?” tanong nito sa kaniya.

 

Faolan whined and burried his face on the crook of Jehan’s neck. “Mamaya na… maaga pa naman eh.”

 

“Hmm… oo nga ‘no? Ganito na lang, ako na magdala para ma-prepare na nina Papa. Higa ka muna, balik ako. Ha? Para maka-rest ka pa before the party,” Jehan softly said.

 

“Babalik ka dito.”

 

“Mhm, of course,” Jehan assured him. He then kissed Faolan’s temple before he stood up. “Mabilis lang ako, Bebi.”

 

“Okay,” Faolan responded and crawled on the bed, flopped down and got comfortable immediately. “Bilisan mo.”

 

“Yes po, Bebi!”

 

Nakangiting sinundan niya ng tingin si Jehan hanggang makalabas ito ng kuwarto. Faolan sighed contentedly and fished his phone from the pocket of his shorts. Ni hindi pa rin siya bihis.

 

But his friends and family were all so adamant not to make him move and help. Ang mga ito na raw ang bahala sa lahat at magpahinga na lang siya. Everyone was really overprotective of him at hindi naman na siya magtataka kung bakit. Unang anak nila, unang apo, unang pamangkin, unang inaanak, kambal pa.

 

Nahihiya man siya na hindi siya tumutulong kaso kada lalabas siya sa kuwarto at hahawak ng kahit sandok ay pinapabalik agad siya ng mga ito sa kaniyang silid. He appreciated everyone though, hindi lang si Jehan ang nag-aalaga sa kaniya maging ang mga nakapaligid sa kaniya.

 

The door opened again after a few minutes, and Jehan walked in. Maging ito ay ni hindi pa rin bihis. The alpha laid down beside him habang siya ay nilagay ang kaniyang cellphone sa bedside table.

 

Jehan hugged him from behind, his hand rested on top of Faolan’s tummy and caressed it. 

 

“Tagal pa bago sila lumabas,” mahinang turan ni Jehan bago sumubsob sa kaniyang balikat.

 

Faolan chuckled, raised his hand, and combed his mate’s hair with his fingers. “Excited masyado. Marami pa tayong gagawin within those months bago sila lumabas,” he replied.

 

Jehan smiled and kissed Faolan’s shoulder. “Mhm. The wedding pa,” Jehan said before he wiggled like crazy and hugged Faolan tighter. “Mate na kita tapos asawa soon!” halatang-halata ang kilig sa tono na turan nito.

 

Faolan laughed heartily before he turned around and faced Jehan. “Parang sira.”

 

“Bakit ba, kinikilig ako eh.”

 

“Tingin ulit kilig,” Faolan asked with a huge smile on his face that turned into laughter again when Jehan did his kilig wiggles. “Para kang bulateng inasinan!”

 

“Bebi, kapag naging bulate ba ako, mahal mo pa rin ako?” Jehan then cutely asked and even looked at Faolan with puppy eyes.

 

Faolan grimaced and shook his head vigorously. “Yuck, no way.”

 

“Ang ouchy mo talaga, grabe,” kunwa’y tampong sabi nito bago malalim na buntong hininga. “Samantalang ako kapag naging bulate sa’yo pa rin didikit— ouch!”

 

Gigil niyang hinampas ulit ang balikat ni Jehan. “Dami mong alam. As if magiging bulate ka talaga. Gumagawa ng sariling tampo.”

 

“Eh bakit ‘yong sa anime—”

 

“Anime ‘yon!” singhal ni Faolan bago humalukipkip. “Hay nako, Kyuryoh. Ewan ko sa’yo.”

 

Jehan giggled and sniff-kissed Faolan’s cheek. “Joke lang, ‘wag na mainis.”

 

“Araw-araw ka nakakainis.”

 

“Love mo naman.”

 

“Nakakainis ka pa rin oras-oras.”

 

“Araw-araw lang ‘yan kanina eh!”

 

“Minu-minuto!”

 

“Kiss na lang, kiss na.”

 

“Segu-segun—”

 

🐳

 

“Hello everyone! Thank you sa pagpunta sa gender reveal ng Pibibis namin,” nakangiting bati ni Jehan sa lahat. They’re all in the living room, mabuti na lang at malawak rin doon at pinasok muna ng mga kaibigan nila ang ilang gamit sa salas sa kuwarto ni Stassi.

 

They have their own drinks with pink and blue mini umbrellas on top. Nakapatong iyon sa lamesa sa kanilang harap.

 

Faolan’s arm was on Jehan’s waist. Nakablue na polo si Jehan habang siya ay nagputi. They also told their friends and family to wear blue if they voted for boys, pink for girls, and white for both. Mas marami sa mga kaibigan nila ang nakaputi gaya niya.

 

“Actually, may twist itong gender reveal namin,” Faolan said and giggled quietly. Saglit niyang tinakluban ang kaniyang mukha at nang makaseryoso na siya ulit ay lumingon siya sa may likuran niya kung nasaan ang dining area. “Papa, the glasses po.”

 

Faolan’s alpha father walked in with a tray, sa tray ay nakapatong ang dalawang malaking glass. Inilapag nito iyon sa lamesa sa harap nila ni Faolan. The couple looked at everyone and laughed to themselves when they saw everyone frowning while looking at the special drinks.

 

The glass was probably more than half a liter, kulay brown ang inumin na iyon na may whipped cream sa ibabaw.

 

“So! Explain ko muna syempre,” nakangiting sabi ni Jehan bago inakbayan si Faolan at marahang hilahin papalapit sa sarili. “Sa pinakailalim niyan is may tig-isang bola na kasing laki ng bola ng jackstone. That will tell us the gender of the twins.”

 

“If blue eh ‘di boy, kapag pink eh ‘di girl,” salo ni Faolan sa pagpapaliwanag ni Jehan. “Pero hindi kami ang iinom niyan.”

 

“Eh sino?” tanong ni Priam na nasa malapit sa kanila.

 

Faolan smirked and pointed at his friend. “Good question. Sino nga ba?” he asked and looked at Maddox and Priam teasingly. Gusto niyang matawa bang makita ang nagugulumihanang reaksyon ng dalawa. “Pabilisan maubos itong inumin. Of course, may premyo mananalo.”

 

“Anong premyo? Kapag maganda premyo, g ako!” prisinta naman ni Sinclair.

 

Jehan laughed and shook his head. “Sabi nina Papa ang premyo raw two days vacation, choose your destination pero dito lang sa Pinas.”

 

“I’m in. I. Am. In! Let’s go!” Sinclair said while stretching his arms that made everyone laugh.

 

“Wait…” napatingin sila kay Callum na nakatitig sa dalawang inumin. “Bakit tigalawang straw ‘yan?”

 

“Galing mo talaga, Callum,” ngising asong sabi ni Jehan. “So ang maglalaban para dito and wala kayong choice but to join ay sina Priam and Callum at Sinclair and Maddox!”

 

Everyone cheered except the four mentioned. Natatawang tinulak ang mga ito papunta sa unahan kung nasaan ang mga inumin.

 

“What the hell? Bakit ako?! Tingnan ko pa lang ‘tong inumin nasi-CR na ako!” reklamo ni Maddox habang nakatayo na sa harap nina Faolan.

 

Priam rolled his eyes and sighed. “Ang dami niyong alam.”

 

“Ayaw niyo? Kapag ayaw niyo puwede naman,” Faolan said.

 

“Okay, bye.”

 

“I’m out.” 

 

Sabay pang sabi nina Callum at Priam.

 

“Pero if mag-backout kayo, hindi kayo ninong, hindi invited sa wedding, prohibited makita ang kambal hanggang lumaki,” nakangising pagpapatuloy ni Faolan.

 

Priam sighed and Callum grumbled as they both walked back towards the table. Everyone was clearly having a good time.

 

Kinuha ni Jehan ang dalawang inumin at ipinuwesto sa magkabilang dulo ng lamesa para kita rin ng mga kasama nila kapag naubos at lumabas na ang bola.

 

“Game na, game! Kamay sa likod,” Jehan instructed at labag sa loob na sumunod na lang ang apat. “Go!”

 

Everyone cheered and squealed when both Priam and Callum’s mouths aimed for the same straw, they almost kissed. Napaghampas ni Faolan ang braso ni Jehan nang makita niyang magkahiyaan ang dalawa, pulang-pula ang mga mukha.

 

Si Sinclair naman ay nagsisimula nang uminom, nahila nito ang kuwelyo ni Maddox dahil ayaw pa rin nitong uminom.

 

“Iinom o iinom?!” gigil na tanong ni Sinclair. “Kapag hindi ka uminom hindi kita kakausapin ng isang buong buwan, makita mo.”

 

And Maddox didn’t need to be told twice, agad nitong inapuhap ang isa pang straw gamit ang bibig at nagsimula nang uminom.

 

Patigil-tigil ang mga ito sa pag-inom dahil malamig ang inumin and well, matamis. The kind of sweet na si Faolan lang ang may gusto. 

 

“Wait, brain freeze shit,” turan ni Callum bago sapuhin ang noo nito.

 

Priam immediately stopped drinking and looked at Callum worriedly. “Kaya mo pa? Ako na lang iinom. Masakit ba sobra?” napakalumanay na tanong nito.

 

Callum glared at Priam but all of them could see the smile he’s trying so hard to hide. “I’m fine. Anong ikaw na lang iinom eh hindi pa tayo nakakakalhati,” sabi nito bago yumuko ulit at uminom.

 

Priam also leaned down pero na kay Callum pa rin nakatuon ang mga mata nito. “Sure ka?”

 

“Uminom ka na lang ulit, daming daldal naman oh.”

 

“Ang tiyan ko!”

 

Jehan and Faolan then looked at the other pair. Nakakakalhati na sina Maddox at Sinclair.

 

At parehas silang natawa nang mapansing hawak ni Sinclair and kuwelyo ng t-shirt na suot ni Maddox para hindi ito makatunghay.

 

Sinclair turned his head sideways and looked at Maddox, kunot na kunot ang noo nito at kaunti na lang ay mag-uusok na ang ilong. “Kapag ‘to maubos ko at puro ka pa rin reklamo, hindi ka kasama sa bakasyon ha,” malumanay na sabi nito.

 

Maddox whined and placed his left arm around Sinclair’s waist. “Iinom naman, ramdam ko na kumukulo tiyan ko.”

 

“Alis na nga,” Sinclair said and held the glass. 

 

Lalayo sana ito kay Maddox ngunit hinigpitan lang ng huli ang kapit nito sa baywang ni Sinclair kaya’t hindi ito nakagalaw.

 

“Ito na, ito na.”

 

“Oh! Nakahabol na sina Callum!” Jehan suddenly exclaimed at lahat sila ay napatingin sa inumin nina Priam.

 

Sinclair and Maddox also saw the other pair’s glass at oo nga, mukhang mauuna pang makaubos ang dalawa. Biglang nagseryoso si Maddox at nagmamadali nang ininom ang inumin ng mga ito.

 

They were all anticipating, excited who would finish their drinks first. Their friends were even cheering for the pairs.

 

A few more sips and…

 

“Blue! Blue kina Priam, oh my God!” sigaw ni Jehan bago humarap kay Faolan.

 

Na nakatitig naman sa baso nina Sinclair dahil kaunti na lang rin ay makikita na nila ang kulay.

 

Faolan’s eyes widened while Jehan held his head as if he couldn’t believe what he saw.

 

“Blue rin? Parehas boy?!” Faolan said bago pumihit paharap kay Jehan. “Parehas boy!”

 

Jehan laughed and hugged his mate tightly. “I don’t know pero malakas kutob kong parehas lalaki,” tuwang-tuwang sabi ni Jehan bago matunog na halikan ang noo niya. “So hindi puwedeng nickname ang peanut—”

 

“Je, tantanan mo,” inis ngunit natatawang kontra niya kay Jehan. Hindi na nila napansin ang dalawang pares na umubos ng inumin. “God, isipin ko pa lang kung gaano kagulo ang bahay kapag lumaki na sila…”

 

“Sana mana sa akin na hindi masungit— aw… Bebi, masakit kurot mo,” nakangusong sabi ni Jehan.

 

“Sorry, sorry,” hinging paumanhin ni Faolan at hinalikan ang labi nito. “Both boys… oh my God.”

 

“Bubu—”

 

“Parehas lalaki, bubunso pa talaga kayo!” Sabay silang napatingin sa Papa ni Jehan.

 

Faolan’s mother laughed and nodded her head. “Totoo. Pero naku! Nakikinita-kinita ko na ang likot ng kambal!”

 

“May ka-jamming tayo, Pare,” nakangiting sabi ng ama niya.

 

Jehan’s Dad nodded happily. “Kaya nga.”

 

Faolan smiled and placed his head on top of Jehan’s shoulder, watching everyone talk and laugh as they planned how they would spend time with the twins or what gift they would give them.

 

“Hindi pa nga nalabas eh,” naiiling at nakangiting bulong ni Faolan.

 

Jehan also chuckled, kissing the top of Faolan’s head. “Mas excited pa sila eh.”

 

“Kami muna mag-spend time sa kambal, ‘no.”

 

“Lock tayo pinto ng bahay palagi.”

 

“Need ng appointment bago makita Pibibi.”

 

They both laughed at their own silly thoughts. Jehan’s hand went to Faolan’s tummy again. “We’ll see you soon, our boys. The world is excited to meet you.”

 

“Oh siya, tayo nang magsikain lahat!” anunsyo ng ina ni Faolan, and all of them cheered loudly.

 

Faolan looked up and stared at his mate lovingly. You’re right. Today’s more than a gender reveal. I’m so happy.

 

🐳

 

Habang gumagabi ay isa-isang nagpaalam ang mga kaibigan nila. Pati ang mga magulang nila ay nagpaalam na ring uunang umalis. Faolan was so thankful when Jehan’s parents said that his own parents could stay in their house for the night. Wala kasing extrang kuwarto sa apartment nila ni Stassi.

 

Ang natira na lamang sa bahay nang sumapit ang alas otso ng gabi ay si Priam at Maddox na lasing, si Callum na nayayamot na, at si Sinclair na nagvi-videoke.

 

“Una na ako sa kuwarto, guys. Nandito pa naman si Jehan,” paalam ni Faolan sa mga kaibigan.

 

Maddox nodded. “Oo… rest ka na, go go… kami lang ‘to.”

 

“Alis,” tanging sinabi ni Priam.

 

Faolan rolled his eyes and stood up. Si Jehan rin ay tumayo para ihatid siya sa kanilang silid.

 

Priam heaved a sigh and stood up. “Mag… mag-CR ako,” paalam nito sa mga kasama at tumayo. Nakakaisang hakbang pa lamang ito ay muntik na itong matumba.

 

Callum sprung up and immediately held Priam’s arm. “Let’s go. Pagkatapos mong mag-CR, uuwi na.”

 

Priam only looked at Callum but didn’t say any. Hinayaan na lang nito si Callum na alalaayan ito papuntang CR, leaving Maddox and Sinclair.

 

Wala pa ring imik si Priam hanggang makapasok ito sa CR at medyo kinakabahan na si Callum. He’s used to the alpha chasing him, wooing him, the one initiating their talks kahit ano pang sitwasyon.

 

Malalim na napabuntong hininga si Callum bago sasandal sana sa pinto ngunit ganoon na lamang ang taranta nito nang makarinig ng kalabog sa loob.

 

Callum immediately opened the door and went in. Nakita nitong nakatayo naman si Priam at nakatuon ang braso sa pader, sa sahig ay mga bote ng shampoo na natabig marahil ni Priam.

 

Isa-isang pinulot ni Callum ang mga nahulog at inayos bago humarap kay Priam. “Tara na, umuwi na.”

 

“Then go home.”

 

“Hindi kita iiwan dito nang ganiyan.”

 

Priam snickered and lowered his head. “Kailan ka pa… nagkapakialam sa’kin? Are you… on your pulling… pulling phase? Kapag, kapag kumagat ulit ako, lalayo ka na naman? Itataboy mo, itataboy mo ako ulit?” sunud-sunod na tanong nito, pilit inaayos ang mga salita.

 

Callum couldn’t form a word to answer Priam’s questions. It was the first time Priam asked him about their situation, it was the very first time Priam ever complained or asked anything about the push-and-pull situationship that they were in.

 

Callum swallowed hard and cupped Priam’s cheeks. “Priam… we’ll talk about this kapag hindi ka na lasing. Okay? For now umuwi muna tayo.”

 

Muling tumaltak si Priam at nag-iwas ng tingin. “Kailan ‘yang talk na ‘yan? Next year? Next decade? Millennium?” diskumpyadong tanong nito bago marahang alisin ang kamay ni Callum sa mga pisngi nito. “Go home. Dito na lang ako tutulog.”

 

“No. Tara na kasi.”

 

“Don’t be like this to… me tapos bukas wala ka na naman.”

 

“I won’t pull away this time, I promise.”

 

Priam didn’t say anything and just looked away. Callum felt so frustrated at that moment pero alam naman nitong ito rin ang may kasalanan.

 

Callum couldn’t handle the silence anymore snd hugged Priam. “Please, tara na. Hindi ako aalis,” he whispered and pecked Priam’s lips. “Tara na.”

 

Priam sighed and nodded. “Galing. Alam na alam paano ano mapasunod,” he commented. 

 

Callum did not say anything and just pulled Priam out of the comfort room. Diretso nitong hinila si Priam palabas ng bahay, nadaanan pa ng dalawa sina Maddox at Sinclair na nagme-makeout sa couch. 

 

Inalalayan ni Callum na makapasok si Priam sasakyan nito bago lumigid at naupo sa driver’s seat.

 

He fastened Priam’s seatbelt and drove off, taking Priam home with him.

 

 

Samantala…

 

 

“M-Maddox— ahh…”

 

“Babe, shit—”

 

“What the— wala kayo sa sariling bahay niyo! Keffee! Sina Sin dinudungisan couch mo!”

 

“Sumbong pa, uuwi na kami!”

 

“Anong— what the fuck ka ba, Maddox?!”

 

“Iuuwi ko na nga si Sin!”