Work Text:
Eisa POV:
“Hala ang pogi niya talaga!“
“OMG, mahihimatay ata ako!“
“Lord buhay paba ako?!“
“AAAAAA OH MY GOSHHH”
And so on and so ford, na nakakabinging tilian mapa babae man o lalaki. While me, here standing from a far. A far from him.
Jun Wen.
Ang kinababaliwan ng lahat dito sa campus. Well sino ba naman ang hindi right. Nasa kanya na ang lahat. Sabi nila walang taong perpekto—but he exists.
He's perfect while I'm not. I have so many insecurities. I'm just here admiring him from a far. He's just like the star who shines brightly and I'm here admiring he's beauty.
:・゚✧:・.☽°。・゚✧:・.:
“Huy!“ Nagulat ako dahil sa taong nasa harapan ko.
“Problema mo?“ Masungit kong tanong sa kanya. Kahit sa totoong lagay ko ay nanghihina na ang tuhod ko.
“May good news ako!“ Maligaya niyang sabi.
“Hmm?“
“Natanggap ako sa Gilas!“
“C-congrats!“ Medjo na utal pa ako dahil sa sinabi niya. This is he's dream. Simula pa lang pangarap na niya ito. At ngayon, unti-unti na niyang natutupad.
Kailan kaya ako maisisingit sa isa sa mga maging pangarap mo?
Bakit ba lalo akong nahuhulog dahil sa matatamis niyang ngiti? Ako na lang ba lagi yung mahuhulog dahil doon? Kailan kaya ako magiging dahilan sa pag ngiti mo? Kailan ka rin kaya mahuhulog sa akin?
Pero napaka labo naman yata ng pangarap ko na 'yon. Kasi yung matatamis niyang ngiti ang nagpapahulog sa akin ng tuluyan. Pero kapag ba nahulog ako, nariyan ba siya para saluhin ako?
Grabeng taas na pangarap 'to. Bakit kasi ikaw pa? Eh sa rinami-rami ng tao sa mundo bakit sa'yo pa talaga?
Natigil ang usapan namin ng biglang mag ring ang cellphone niya. He picked it up and bid a goodbye.
Alam ko namang una pa lang wala na talaga akong pag-asa. Pero heto ako, umaasa pa rin sa taong wala naman akong pag-asa.
Yung ngiti niya noong kinakausap niya yung tumawag. Iyon yung ngiting hindi ko pa nakikita kailan man.
Malabo nga talaga.
:・゚✧:・.☽°。・゚✧:・.:
Halos matunaw ako ng makita ko siyang papalapit sa akin. Para bang tumigil yung paligid. Na parang tayo lang dalawa. Siya at ako, may sariling mundo na hindi ko maipaliwanag.
Yung titig niya na lalong nagpapahina sa akin. Kuya mahina po kalaban opo, hinay hinay tayo.
Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. At hindi ko na lalo maipaliwag ang nararamdaman ko ngayon.
Bakit ba ganito yung set-up na ibinigay sa atin ni lord? Siya yung nasa taas ang ako lagi ang nasa ibaba. Maraming humahanga sa kanya—in short kaagaw ko.
“J-Jun, anong balita?“ Bati ko sa kanya at tinatago ang kaba.
Malaking ngiti lamang ang ibinigay sa akin, at nagulat ako ng bigla niya akong yinakap.
“Thank you, next month makakapag laro na ako!“
“Deserve mo yan, matagal mo na ring pangarap 'yon eh.“ I said and hug him back.
Pangarap nating dalawa. Pangarap mo— at pinangarap ko rin para sayo.
:・゚✧:・.☽°。・゚✧:・.:
Mas lalo ng dumami ang humahanga ngayon sa kanya. And I'm so proud of him.
Parang ang hirap mo na lalo abutin. Kasi kahit anong gawin ko never ka namang magiging sa akin.
As I was watching him shoot the 3 points agad nagtilian ang mga tao sa paligid ko. At simple na lamang akong ngumiti. You really shines brighter.
At mas lalong hirap na hirap na akong abutin ka.
Bakit naman ganito?! Sa dami-daming lalaki sa mundo ikaw pa talaga yung gusto ng pesteng puso ko na 'to!
Malabo nga.
Malabo nga naman, hindi dahil malabo yung mata ko. Kun'di malabo talagang maging kami—haha funny to say this. Malabo ngang piliin ako, maging kami pa kaya?
