Actions

Work Header

Once Upon An IKOT Trip

Summary:

Itinatampok ang nagpapaliwanag ng mga araw ng isang UP student (a.k.a. Crisostomo): mga cutie (a.k.a. Elias) sa IKOT jeep.

Chapter 1

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

Shet. Saktong labasan nang 5:00PM, tapos yung pila sa waiting shed ng IKOT hanggang papasok ng Vinzon's. Lord help me, internalisasyon ni Crisostomo. Bakit ba kasi niya pinahiram kay Isagani yung kotse.

Bro, you gotta try riding IKOT sometime. It's like - freeing. A mark of independence. Unforgettable. Look where it got me, yeah? Ika ni Juanito sa kaniya noong nakaraang buwan, paano ba naman eh nakilala niya ang bagong nobya sa mismong jeep noong nalimutan ni Paulita yung Aquaflask niya at si Juanito ang nagsauli nito.

Tatlompung minuto at tila limang galong pawis ang nakaraan at sa wakas ay paakyat na si Crisostomo sa jeep. Muntik pang hindi umabot pero dahil pinagpilitan ng drayber na dosehan, eh ayun, pasok pa siya kahit mukhang magkakapalitan na ng pwet ang mga pasahero.

Sa paghakbang ng pangalawang paa ni Crisostomo ay biglang umandar ang jeep. "Kuya!" "Hala wait po!" "May nasakay pa po!" Bulalas ng mga pasahero. Walang hawak sa kahit alin si Crisostomo kaya nawala ang kaniyang balanse. Humawak siya sa pinakamalapit na bagay - magaspang. Denim jeans. Malapad. Walang grip whatsoever. Dahil wala naman siyang magagawa eh automatic na napabagsak na lamang siya sa hitang nakabuka - putangina, patawarin niyo ho ako.

Maiinit na palad ang humigit sa kaliwa't-kanang braso ni Crisostomo para siya ay istabilisa. Dahilan ito upang makatapat mata sa mata ang may-ari ng denim jeans.

Mukha kang Greek God, kuya.

Kalma, Crisostomo. Ilang sentimetrong layo sa mukha ng mestizo ang matangos na ilong, tsokolateng mga mata, makakapal na kilay, at labing parang nasasabik sa halik - saglit. Idagdag pa ang pagkamoreno ng estranghero at tila ba'y nakita na ni Crisostomo ang natatanging representasyon ng pagkalalaki. Kung nandito si Clars, isa lang ang sasambitin nito: 'Tong baklang 'to!

"Kuya, pwede ka po dito maupo."

Ah. Nagpreno pala si manong drayber at nakatigil na palang muli ang sasakyan. Nagkaroon ng kakarampot na luwag sa tapat ng inkarnasyon ni Achilles na nakaputing t-shirt at jeans. Dito naupo ang binata.

"Shit! Sorry, pre, uh. Pasensya na." Paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Crisostomo sa lalaki. Buti na lamang mabilis niyang nabitawan ang titig ng lalaki at hindi naman siguro siya masyadong halata. Umupo na si Crisostomo sa bakante habang hiyang-hiya. Jusko, lamunin niyo na ako.

Nanatiling tahimik ang makisig na lalaki, ngunit minsan ay patingin-tingin ito sa direksyon ni Crisostomo. Pilit pinipigilan ni Crisostomo na tumitig pabalik kahit nais ng kanyang mga matang sauluhin ang kabuuan ng misteryosong lalaki. Naalala niya ang sinabi ni Maria Clara sa isang gabi ng inuman nilang magtotropa: Let us make a toast for the IKOT cuties we will never meet again!

Hay. Pighati.

Malapit na ang jeep sa Area 2 kung saan bababa si Crisostomo para sa PE class niya. Kung bakit niya naisipang kunin ang schedule na 11:30AM sa arnis ay ewan niya nalang.

"Manong, para," sambit ng banayad at malalim na boses sa tapat ng binata na sumabay sa pagsabi niya ng, "Para po."

Kapag nga naman talaga umaayon sa iyo ang panahon. Nagkatinginan silang muli, at sa panahong ito ay nagpaunlak ng tipid na ngiti ang matipunong moreno. Ang loob ni Crisostomo ay parang yung meme na nag-aapoy na Elmo.

Tumango ang lalaki na nagsasabing mauna na si Crisostomo sa pagbaba. Nang makababa ay tumigil panandalian si Crisostomo habang nasa waiting shed upang hintayin ito at makahingi muli ng tawad sa mga kaganapan kanina.

"Ah, kuya. Pasensya na talaga sa kanina. Hindi ko sinasadya," panimula ni Crisostomo. Ngumiti ang lalaki sa kaniya.

"Wala yun, ayos lang." Shucks. Nakakalambot ng tuhod ang timbre ng boses niya. "May klase ka ba ngayon?"

"Oo, PE."

Napatingin ang lalaki sa relo nito at napataas ang mga kilay. "O, edi late ka na? 10:00 AM ba class mo?"

Umiling si Crisostomo, "Ah, hindi. 11:30 pa, sadyang maaga lang ako nakarating sa campus kaya dumiretso narin ako."

"11:30... anong PE?"

"Arnis."

"O, sakto! TA ako ni prof ngayon." Oh my god oh shit.

Nanlaki ang mga mata ng binata, "Seryoso?" Patawa nitong sambit.

"Oo. Kakasimula ko lang din," banggit ng matipunong teaching assistant pala.

"Gusto mo bang... magtanghalian muna?"

Napalingon si Crisostomo at napatingin dito. Hindi siya makapaniwala na iniimbitahan siya ng gwapo sa IKOT na maglunch together. Cris, wag delulu. Baka straight 'yan.

"Y-yeah, sure. Pre." Napatawa ang lalaki.

"Elias. Tawagin mo 'kong Elias."

Notes:

Me to a mic: EliBarra nation, buhay pa ba kayooo!
*crickets*

Hays. Naubos ko na ang 6 pages ng EliBarra tagged fics dito at nagccrave pa ako sa marami kaya naman na-inspire ako ng katagang, "Be the change you want to see in the world."

Apologies for the rusty writing. No beta, wrote it during a bus commute. Hmu if u wanna discuss EliBarra in this Year of The Lord 2024.

Salamaaat!

- 123