Work Text:
“Oh ano Sun, ‘kala ko ngayon dating nung order mo?” bungad na tanong sakin ni Jake.
Tinignan ko naman ito at napasimangot, “Oo nga, pero naiinis na ako!” maktol ko dito. Tinignan niya naman ako na parang may sapak nang pumasok sa kwarto ko si Hoon na may dalang pagkain.
“Oh bakit nakasimangot yan?” tanong niya sabay lapag ng mga dala niya sa mini table ko.
“Ewan ko dyan, tinanong ko lang naman yung order niya sa Lazada,” rason ng kaibigan ko sabay kuha ng chips na dala ni Hoon kanina.
“Kasi naman! Pang-ilan na ‘to, nakalagay ‘delivered’ na, e wala naman akong natanggap,” sabi ko sabay pakita sa kanila ng selpon ko.
Tinignan naman nilang dalawa at tumingin sakin, “Bakit dildo yang in-order mo?” tanong sakin ni Hoon.
Agad-agad ko namang inalis sa harap nila selpon ko, “Anong dildo?! Wala noh!” sigaw ko at halata na sa mukha ko na namumula na ako.
Tinawanan naman nila akong dalawa, kaya hindi ko naiwasang tignan sila ng masama. Hilig talaga ako netong asarin ng dalawa.
“Joke lang, seryoso mo naman. Delivered nga nakalagay, hindi ba tumawag sayo?” tanong ni Jake sabay subo ulit ng chips. Ginugutom ba ‘to sa kanila?
“Hindi nga e, “ sabi ko at lapit sa kanilang dalawa na nakaupo sa sahig habang busy kumain.
“Diba may photo yan something silang inaattach once na ma-deliver nila?” kuryos na tanong ni Hoon. Tumango naman ako at nakikuha rin ng pagkain sa mesa.
“Chineck mo na ba?” tanong niya ulit. Tumango naman ako, “Kapag pinipindot ko, nag-eerror yung link,” sagot ko.
“Reklamo mo na kaya sa Lazada yan, do you pay via card ba?” Jake asked.
“Nope, puro COD nga yon. Ewan ko paano nababayaran ni kuyang rider yun,” sabi ko naman.
“Magkano ba yung order mo ngayon?” tanong naman ulit ni Hoon. Bakit ba ang daming tanong neto? Eme.
“Nasa 12k ata, yung digi cam yun e,” sabi ko naman. Napa-ubo naman silang dalawa sa sagot ko.
“Gago?! May 12k ka bang cash?!” gulat na tanong ni Hoon. Isa pang tanong, susupalpalan ko ng papel bunganga neto.
“Mag-oorder ba ako kung wala?”, mataray kong sagot.
“Wait….,” napatingin naman kami kay Jake ng magsalita ‘to na parang ang lalim ng iniisip.
“Sunoo, did you even change the recipient’s address after you and redacted broke up?” tanong niya.
Ahh “....” hindi ako napasagot kasi hindi ko rin alam?? Did I??
Sasagot na sana ako ng tumunog selpon ko.
Message from “DNI ❌”:
“I hope you have plans to get all your orders here in our house, Sun.”
Nabilaukan ako sa sarili kong laway ng makita ko kung sino yung nagmessage at kung ano yung laman ng message niya. “Shit,”
“Why? Who messaged you?” Jake asked curiously.
I was about to answer him, ng tumunog ulit yung selpon ko.
“Mom has been asking me why I have so many unopened packages inside my room.”
“You don’t need to pay me though, just get them here or do you want me to go there and give it to you?”
Napa-“Huh?” na lang ako at magrereply na sana ng may bago na naman itong message.
“I prefer the latter. 🙂”
I was engrossed to my own bubble and didn’t notice na nasa likod ko na pala si Hoon at nakikibasa.
“HAHAHAHAHA tangina,” iyak-tawa na, may pagulong-gulong pa sa sahig habang hawak yung tiyan. Si OA…pero tangina naman bakit kasi hindi ko pinalitan yung address?
Pero may mali rin siya, kasi bakit unang parcel pa lang na natanggap niya, bakit hindi niya agad sinabi sakin diba? Tanga mo Sunoo, tingin mo ba rereply-an mo siya? I mean order ko yun, so syempre….?? AIsh ewan ko!
“Magreply ka na kay Papi Jay, wag mo kausapin sarili mo dyan,” sabi naman ni Hoon. Tapos na pala ‘to tumawa.
“Based on what Sunghoon said, you forgot to change the address noh?” mapangasar na tanong ni Jake. Akala ko ba kakampi ko ‘to?
Inikutan ko na lang sila ng mata at nagtipa na sa selpon.
“No need, I’ll get it there. I’ll borrow Jake’s car na lang,” I replied and not even a minute had passed, I already received a reply.
“Fast replier naman pala,” asar na naman ulit ni Hoon. Hindi sana ‘to sagutin ni Jungwon.
“I can give it to you, no need to borrow someone’s car. Sa labas lang ako ng apartment mo, don’t worry,” he replied.
Kokonsensyahin pa ata ako neto, alangan naman hindi ko siya papasukin, e siya na nga nagbuhat ng mga parcels ko, dagdag pa ang init ng panahon. Ano ba masarap na ulam ang pwedeng lutuin bukas?
Wait bukas? Oo, bukas na agad, para naman wala na akong problema. “O baka naman miss mo na?” napatampal naman ako sa noo ko sa mga pumapasok sa isip ko.
“Ako? Miss yung mokong na yun? Over my dead body noh,” bulong ko.
“Nabubuang na naman po siya,” rinig kong sabi ni Hoon.
* kinaumagahan *
“Wow, ang sarap naman niyan!” rinig kong may sumigaw sa may pinto ng apartment ko.
Maaga akong nagising para mamalengke at magluto ng pwede kong ipakain sa bisita ko mamaya, wala akong stocks ng pagkain sa e. Hindi naman ako parating nagluluto, pero marunong ako, he taught me how to.
“I will teach you how to cook food that is easy to cook, Sun. So that whenever I am not here or I’m busy, you can cook yourself some real food. Stop ordering deliveries, please,” pangangaral niya sakin habang nagpeprepare ng mga putahe sa mesa.
Napanguso naman ako at tumango-tango na lang kahit hindi niya naman nakikita. Psh, nakakatulong naman ako sa store and sa rider kapag bumibili ako ng deliveries kasi may trabaho sila ah.
“I know what you’re thinking, bub,” I didn’t notice na he’s already in front of me. “But limit yourself in digesting delivery foods, marami yang mga additives that are not good for your health,” he said and gave me a kiss on the forehead.
“Huy, natulala ka na dyan,” napatingin ako kay Jake na kumakaway sa harap ko na para bang kinukuha yung atensyon ko.
“Ano ba yang iniisip mo? Or sino? Masusunog na niluluto mo oh,” sabi naman ni Hoon na ngumunguya na. Saan naman neto nakuha yung chicharong hawak?
“Wala, may naalala lang. Tsaka bakit nandito na naman kayo?” tanong ko sabay balik sa pagluto ng adobo. His favorite.
“Makikichismis, tsaka may pinasabay akong order sayo diba. Nandun din yun sa parcel na natanggap ng ex mo,” sabi naman ni Hoon.
Chismoso talaga.
“Linisin niyo yang mesa ha, lalo ka na Hoon. Kararating mo lang, ngumunguya ka na naman,” sabi ko kahit nakatalikod.
Wala akong narinig na sagot pero naririnig ko naman na nagliligpit sila ng mga kalat ko kanina na hindi ko pa nalinis agad.
Ilang minutong nakalipas, nasa living room na yung dalawa at nanunuod ng “JJK”
CW // spoiler
“Tanginang Mahito, apaka panget. Oh ayan! Pakyu jaberb! Sapakin niyo lang Yuji tsaka Todo!” rinig kong sigaw ni Hoon. Gigil na gigil na naman siya.
“Oh Sun, are you done na ba?” tanong ni Jake nang makita niya akong papunta sa sala.
Ngumiti naman ako at tumango, tumabi naman ako sa bakanteng space sa tabi niya at nakinuod sa pinapanuod nilang dalawa.
“Did you text him already?” Jake asked me.
I grabbed my phone at tinignan lang yun ng ilang segundo nang marinig ko na namang sumigaw si Hoon, “GAGO! KINAIN NI GETO SI MAHITO!” hindi ba mananahimik ‘to? Ilang pwet ng manok ba pinakain sa kaniya ni tita at napaka-ingay.
“Message him na, baka lumamig na yung pagkain na niluto mo. We’ll stay lang din sa room mo, we went here for moral support. So if ever you need help, nasa loob lang kami ng room,” Jake said and continued watching with Sunghoon.
I heaved a sigh and opened my messages, “Hi, you can come here na. I also cooked, so sana hindi ka pa kumakain,” and tap send.
“On my way, Sun. Also, do you have a stock of mint choco ice cream? I can go by the convenient store to grab one,” he replied back. One of the reasons why I fell in love with him, he’s so thoughtful.
“Yes please. I’ll pay you na lang here, later. Thank you, Jay,” After sending the message, I excused myself para maligo dahil amoy ginisa ako.
“SUNOO!!! TAPOS KA NA BA DYAN!? NANDITO NA EX–ARAY! JAKE MASAKIT!”
“Shut up. Sun, Jay’s here na. Are you finished?”
Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ko sigaw ng dalawa kong kaibigan, shit, nakatulog ako.
“Eto na! Wait lang kamo!” sigaw ko pabalik.
“DALIAN MO RAW. ANG BAGAL MO–TANGINA MASAKIT JAKE HA. ISA!”
“Ang ingay mo! Shh!”
Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nakita kong pinipingot ni Jake ang isang tenga ni Hoon na kanina pa ata umaaray.
“Go na, we’ll stay here sa room mo. At ikaw, manahimik ka muna,” ika ni Jake at pumasok na silang dalawa sa kwarto.
Huminga ako nang malalim at lumakad na papunta sa sala at doon ko nakita ang taong minahal ko noon, minamahal ko pa rin hanggang ngayon na tumitingin sa mga litratong naka-display sa sala ko. Litratong siya ang kumuha noon.
“A-ahm, h-he-ello?” utal-utal kong bati. Lumingon naman ito sakin at ngumiti. “Hey. Did I disturb your sleep?” he asked. I immediately shook my head and smiled. “No, nakaidlip lang talaga ako. Maaga kasi ako nagising kanina. Saan na pala yung mga parcels?” tanong ko.
“Sorry, pwede naman ako pumunta ng hapon sana. You could’ve slept more,” he said.
“Okay lang, ano ka ba,” sabi ko naman. “Hmm, oh about the parcels, Hoon and Jake put it somewhere earlier, I think it is your storage room. Also, I already put your ice cream inside your freezer, medyo natunaw na kasi,” he reasoned out.
He’s “Cute,”
Jay looked at me with a blush on his cheeks, “Pardon?” he asked.
Huh? Did I say that aloud? Shit. “A-ahm an-no! Kain na tayo, hindi ka naman kumain noh?!” nagpapanic kong tanong sabay lakad-takbo papuntang kusina.
I heard him following me sa kitchen kaya dali-dali akong nagprepare ng pagkakainan namin. I was about to get the bowl sa taas, when I felt his breath on my nape. “I’ll get it, go sit on the chair,” he said.
Hindi naman ako nakakilos kaagad because of the sudden touch, but when he called my name again, umalis ako agad at umupo sa upuan. Narinig ko naman yung mahina niyang tawa. Nang-aasar ba ‘to?
“Let’s eat,” he said at umupo na sa harap ko. Kumain naman kaming dalawa at mga tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig.
“I don't know how to start a convo… like, musta? May bago ka na ba? Sana wala,”
“Sun? Why aren’t you eating?” concern nitong tanong sakin. Hindi ko napansing napatulala na pala ako, habang nakatingin sa putaheng nakahatag sa harapan ko.
“Are you sick? Don’t you like what you cooked?” alala nitong tanong at dinampot ang kutsara na nasa plato niya at kumuha ng onting sabaw sa adobong niluto ko. “It’s delicious. Don’t you like this? Do you want me to cook other food?” he asked again.
I just looked at him and “Tangina,” whispered. Mahal ko pa talaga siya. Tita ma, I still love your son. Tanginang mutual break up, tanga! Ikaw naman nakipagbreak up sa kaniya diba? Anong pinuputok ng butsi mo ngayon?
“Ayaw mo ba ako dito? It’s okay, I already brought all your orders, I can go home na rin naman,” and tatayo na sana siya nang hawakan ko yung wrist niya to stop him from walking away.
I walked away before. I turned my back on him, but today, I won’t do that. Never will. “Balik ka na,” I whispered but made sure that he could hear it.
“Balik ka na sakin, Jay,” I said and looked at him. However, I was shocked when I looked at him, he’s also looking at me but smiling.
“I never left, Sun,” he said and walked closer to give me a kiss on the forehead.
“Shet!! May nangyayari na!! Jake asan ka na ba?! Yung popcorn ko!” rinig kong may sumisigaw sa living room ng apartment ko.
“What do you mean popcorn? Eh potato chips–at saan mo naman nakuha ‘to?!” pangalawang sigaw na narinig namin. “Gago ka! Sa pinsan ko ‘tong–halika rito Sunghoon!!!!”
Tangina talaga netong mga kaibigan ko.
“They never change noh?” I heard Jay whisper, so I looked at him who’s also looking at me with his loving eyes.
“Hmm, and so do you,” ika ko at pinulupot ang mga braso ko sa bewang niya.
“I love you,” he whispered and gave me a kiss on my head.
“I love you,” I whispered back.
“Pwede na ba makisingit? May nagnotif, delivered na raw parcel mo. Gago ka, wala namang kumakatok dito,” rinig kong may nagsalita sa may pinto ng kusina ng apartment ko.
Nilingon ko yon at nakita si Hoon na nakangiting nangaasar, susugurin ko na sana ‘to nang tumunog bigla selpon ni Jay.
“I guess they delivered it again to the wrong address,” he said and chuckled.
– fin
