Work Text:
Halos tumulo na ang pawis ni Jun sa sahig habang isa-isang ino-organize ang mga natitirang gamit mula sa dati niyang apartment. Iilang gamit na lang naman ang natitira ngunit parang walang katapusang hakutan ng gamit ang ginagawa niya.
Isama pang wala ng kuryente sa dating bahay dahil ang tanging due date na binayaran niya ay for last month.
Aalis na siya rito at lilipat na sa bahay ng kanyang magulang. Tapos na rin ang paghihirap niya tumira mag-isa sa isang bubong. Matagal niyang ninais na makasama ulit ang mga magulang.
"Anak naman kasi ng tipaklong. Bakit kasi hindi ko na lang kinuha 'yung portable electricfan na binigay ni mama kanina. Ang init-init tuloy." malakas na daing niya. Wala siyang paki kung marinig siya ng kapitbahay niya. Ito na ang huling beses na tatapak siya dito kaya gagawin na niya ang mga bagay na hindi niya nagawa noon.
Habang nilalagay ni Jun ang mga gamit niya sa box ay bigla namang pumasok sa isipan niya ang nawawalang battery ng instax niya. Kahapon kasi habang inaayos ang mga koleksyon ng camera napansin niyang hindi gumagana ang instax niya, ayun pala ay nawawala ang battery nito.
Hinanap naman niya 'yun kahapon din kaso wala naman sa pinaglagyan niya, kaya ngayon nagbabakasakali siyang naiwan iyon dito. Kaya naman niyang bumili ng bago pero mas maganda na munang hanapin.
Binuksan niya ang drawer ng luma niyang study table na konting sipa na lang ay gigiba na. Mayroong dalawang layer ng drawer ito, sa una ay puro lumang papel ng listahan at scratch ng mga drawing. Habang sa pangalawang layer naman ay medyo maalikabok na at may tae ng ipis halatang hindi binubuksan ang parteng ito.
Pagkabukas ay nakita niya ang isang asul na ziplock envelope na may mga laman sa loob na papel at cattleya. Kinuha niya ito at tinignan muna ang laman ng drawer bago isara.
Sinama niya ang envelope sa loob ng box na dadalhin niya pauwi tsaka na ulit nag-umpisa na maglinis.
—
"Nyong, ikaw na bahala sa natitira kong kalat d'yan. Babayaran na lang kita kapag nagkita na tayo ulit."
"Wag na, malaking bayad na 'yung lumayo ka ng apartment sa'kin." tumatawang sabi ni Soonyoung mula sa telepono.
Napailing naman ito sa narinig na sagot ng kaibigan. "Ulol. Ikaw pa? Alam kong gahaman ka sa pera kaya babayaran kita kapag nagkita na tayo." sagot niya dito na siyang kinahalakhak naman ng lalaki sa kabilang linya.
"Makagahaman ka naman?" natatawa pa ring sagot ni Soonyoung sa kaibigan. "Nga pala, mag-ingat ka sa bago mong bubong. Makatitira ka na rin ng libre at walang babayaran. Dadalawin kita r'yan kapag may libre akong oras."
"Biglang ang seryoso mo naman, hindi ako mangingimambansa 'no. Pero ikaw din mag-ingat ka, tigil-tigilan mo na ang pagdadala ng kung sinu-sino sa apartment mo."
"Hoy!" sigaw naman ni Soonyoung dahilan para ilayo ang telepono sa tenga. "Tanga, 'yung jowa ko lang dinadala ko sa apartment ko hoy. Grabe ka talaga" hindi niya nakikita ang kaibigan pero alam niyang umiiling na ito ngayon.
Tumawa naman si Jun sa naging rekasyon nito. "Oo na, super defensive ha. Bye na. Salamat sa pagtulong, ingat ka wala ka nang makukuhanan ng ulam kapag tinatamad ka magluto."
"Oo nga 'no. Sige, bye. Ingat!"
Tapos na siya makipag-usap sa kaibigan at bago pa siya makipag-usap sa kaibigan ay tapos na rin siya magligpit.
Hihiga na sana ito sa sahig ng maramdamang may nahigaan siyang zipper. Medyo napaaray pa si Jun dahil 'yung mismong zipper ang nahigaan niya.
Agad naman itong bumangon at kinuha ang nahigaan na envelope na de zipper.
Ito 'yung envelope na nakuha niya kanina n'ung hinahanap niya ang instax niya.
Binuksan niya ito para makita ang laman na puro papel lang. Tinignan niya isa-isa at napatawa sa ibang nakita.
Karamihan kasi ay puro drawing ng kung ano-anong kababaghan, pirma at mga sulat in short scratch.
Habang paubos nang paubos ang papel na tinitignan niya lalo namang naging interesting ang nagiging laman nito. Hanggang sa umabot na siya sa last 5 paper na iba-ibang kulay, mukhang ginamitan ng colored paper at hindi simpleng papel na galing sa notebook ang sinulatan.
Binasa niya ito isa-isa at nagulat.
Nagulat dahil hindi niya naman alam na ang limang pirasong papel na ito ay galing pala sa kanyang grade 10 crush na si Wonwoo.
"Hello, Wen!
Sabi ni Choi lagayan mo raw 'to ng mga kung anu-ano? Palagay ako ha? Salamat hehe
- Wonwoo"
Nakalagay sa isang sulat. Binasa niya pa ang ilan dito na puro kaweirduhan lang ang nababasa niya hanggang sa makarating siya sa panglimang papel.
"Hello, Wen!
Nakita ko pala 'yung scratch notebook mo kanina. Ang galing kasi puro drawing mo. Magaling ka pala mag-drawing? Bakit hindi mo kaya i-drawing future natin? Crush kita :)
- Wonwoo"
Dahil sa nabasang iyon, agad niyang kinuha ang cellphone para picture-an at isend ito sa kanino.
Ilang minuto bago bitawan ni Jun ang kanyang cellphone ay may biglang tumawag.
"What the hell was that?" pambungad ng kausap niya.
"I don't know. Ask yourself, what was that?" tumatawang sagot ni Jun. "Care to explain why were so weird back then?"
"Am I?"
"Yuh! You even wrote a letter just to inform me na nagpalagay ka ng papel mo sa envelope ko."
Natawa naman ang tao sa kabilang linya.
"I have a crush on you, that's why I did that." nahihiya nitong sabi.
"Hay, akala ko pa naman one-sided crush ang ganap ko sayo back when we were in grade 10. Crush mo rin pala ako." Jun rolled eyes. "Need ko pa rin ba i-drawing future natin? Hindi ba sapat na na-drawing ko na future house natin?"
"Hay nako, Junhui. So annoying."
"Okay, Mr. Jeon sungit na crush din pala ako dati hindi pa inamin ka agad, edi sana high school pa lang 'di ba."
"Ikaw naman una nagkagusto sa'kin 'no. Isa pa college lovers na tayo now."
"Kahit na dapat n'ung una umamin ka na sa akin." angal ni Junhui.
"Umamin naman ako ha, it's just ngayon mo lang nalaman na crush kita."
Sa totoo niyan ay natatawa si Junhui sa usapan nilang dalawa ni Wonwoo. Just like what Wonwoo said back then, si Junhui talaga ang nag-drawing sa future nila.
Masyadong mahal ni Lord si Junhui kaya kahit anong sign na may kinalaman sa love story nila ay binibigay ni Lord.
Kaya ngayon ay masaya na sila. Aangal pa nga talaga si Junhui kasi gusto niya ng classmate to lovers trope kaso okay na rin ang schoolmate trope, at least jowa na niya crush niya dati.
