Work Text:
Work Text:
“Hoy, Seungkwan, shot mo na!” sigaw ni Seungcheol na siyang nakatoka bilang tanggero nila ngayong gabi.
Kasalukuyang nag-iinuman ang treseng pinakagwapong lalaki (sabi nila) sa Barangay San Juan. You think thirteen is too much in one circle? They don’t really care. Gasgas man, naniniwala pa rin sila sa kasabihang “the more the merrier.”
There is no lie tho. Masaya talaga sila kapag magkakasama. Walang naiiwan mag-isa kumain sa canteen, umuwi at pumasok sa school, o tumambay kung saan—unless, of course, if one of them personally asked to be left alone. But most of the time, they come in groups or pairs.
Walang plastikan sa tropahan nila.
Pero may taguan.
There is this one pair sa grupo na sobrang close. Close naman silang lahat, but these two give a different vibe. They do everything together, bibihirang makita sila na hindi magkasama. They eat together, play together, bumabyahe at naglalakad together. These two are inseparable.
They are Wonwoo and Mingyu.
Sanggang-dikit sila, but not until people around them, particularly the one taking a shot right now and whose face is becoming red, Seungkwan, started noticing things.
Nagsimula ito sa isang inuman session din, parehong tambayan kung nasaan sila ngayon.
“Tangina mo talaga,” sabi ni Mingyu na may kasama pang pag-irap nang kunin ni Wonwoo ang natitirang piraso ng bbq sa plato na aabutin na sana niya.
Tinawanan lang siya ni Wonwoo bago ito tumayo para lumapit sa isa pang plato na naglalaman ng parehong pulutan. Kinailangan pa nitong umikot sa kabilang side ng lamesa dahil isang long table ang gamit nila.
May nang-aasar na ngiti pa rin itong bumalik sa upuan niya at saka inabot kay Mingyu ang paper plate na may lamang bagong kuhang bbq, “Oh, ayan, ubusin mo. Tampo ka naman agad.”
“Pakyu. Akin na nga ‘yan.”
Pinapanood lang silang dalawa ng mga kasama. Hindi naman na bago sa kanila ang ganitong eksena. Typical Wonwoo na mapang-asar at Mingyu na pikunin.
Pero may isang tao na hindi na napigilang magsalita.
“Sweet mo naman, Wons. Talagang naglakad ka pa hanggang sa kabilang side ng table para lang kuhanan si Mingyu ng bbq eh nakailan na ‘yan.”
Seungkwan Boo.
Tiningnan naman siya ni Wonwoo habang nakakunot ang noo, “Anong sweet? Tanga, kakain din ako.”
“‘De, parang may something na eh,” parang kinikilig pang sabi ni Seungkwan na ginatungan naman ng ibang kasama.
“Yie, gago, bagay kayo,” isa pa ‘tong si Seokmin.
Kumuha sina Mingyu at Wonwoo ng tag-isang piraso ng karne at sabay binato sa mga tropa nilang hindi matigil sa pang-aasar sa kanilang dalawa.
“Kilabutan nga kayo,” sabi ni Mingyu na namumula na ang tenga sa hiya (at kilig pero secret lang). “Tropa lang kami, mga gago.”
Walang sinabi si Wonwoo. Nang hindi pa rin humupa ang mga pang-aasar sa kanila ay tumayo na siya at lumipat sa tabi ni Soonyoung. Parang tanga kasi ‘tong mga ‘to, baka naiilang na si Mingyu.
Sa buong oras na nag-iinuman sila ay hindi natapos ang asaran. Humupa ito pero hindi nawala ang mga nakakalokong tingin ng mga kaibigan nila.
Nagpatuloy ang pang-aasar ng mga ito sa dalawa kahit ilang araw na ang nagdaan. Tuwing maaabutan nila sina Wonwoo at Mingyu na magkasama at silang dalawa lang ay automatic na ang bibig ng mga nito na magsasabi ng “yieee” sabay-sabay. Napapairap na lang si Wonwoo. Parang mga highschool amputa.
Ang mga panunukso ay naging dahilan ng pagiging mailap ni Mingyu kay Wonwoo. Nasa iisang friend group pa rin naman sila, nag-uusap pa rin pero hindi na masyado lalo na kapag kasama nila yung iba. Hindi na rin hinahayaan ni Mingyu na maiwan o maabutan sila na silang dalawa lang ni Wonwoo.
Hindi mapigilan ni Wonwoo na mairita sa mga nangyayari.
Hindi na tuloy maka-low key landi.
Oo, gusto niya si Mingyu, kung hindi pa halata. May gusto ba si Mingyu kay Wonwoo? Oo rin.
Kaya ganoon na lang ang hiya ni Mingyu sa matalik na kaibigan nang magsimula na silang tuksuhin.
Patay ka talaga sa akin, Seungkwan Boo. Hindi nga ako umaamin kasi ayoko masira yung friendship namin tapos ngayon napipilitan akong umiwas kasi baka mahalata niya.
Nilalandi (low key) na rin naman pala ni Wonwoo si Mingyu bakit hindi na lang siya umamin? Bukod sa torpe siya, years of friendship din ang pinanghahawakan ni Wonwoo, parang si Mingyu.
Lumalalim na ang gabi, hindi pa rin natatapos ang inuman session ng magbabarkada. Nasa poolside sila nila Joshua ngayon, paborito nilang tambayan. Chillnuman na lang din ang nangyayari kasi mga sabog na ang iba sa kanila.
Dahil hindi pwede ang videoke at baka mabuhusan sila ng tubig nang wala sa oras ay nag-decide sila na magpatugtog na lang sa phone ni Jeonghan.
“Oh, anong trip niyong music?” tanong nito. “Kanto songs?”
Bigla naman tumayo si Soonyoung at nagsimulang kumanta, “Sumasagi ka palagi sa utak, dahan-dahan pagkatok!” at sabay-sabay na kumatok sa lamesa ang magto-tropa. Kung hindi sa videoke, dahil dito siguro sila mabubuhusan ng tubig.
“Kung malandi ako sa isip mo—”
Bago pa matapos ni Soonyoung ang susunod na linya ay tinakpan ni ni Minghao ang bibig nito, “Tama na, pre. Wala pa ngang kanta, g na g ka na d’yan.”
“Ang gugulo, pucha. Ayan na,” si Jeonghan nang matapos pindutin ang play at shuffle button sa isang random playlist na nahanap niya. No ads kasi naka-premium—student premium nga lang.
Nakisabay ang ng mga lasing nang magsimula nang kumanta si Hev Abi, “Dapat mo nang malaman na wala lang ang mga sinasabi ng makakating labi!”
“Hev Abi aking God!” sigaw ni Seungcheol.
Binato naman ito ni Wonwoo ng chichirya, “Tangina mo, ang lakas ng boses mo. Baka marinig ka ni Papa Jesus d’yan.” Medyo nakainom na rin siya pero hindi naman sobra tulad ni Chan na kinakausap na ang halaman sa tabi niya.
“Papa mo?” at isang balot ng piattos ang lumipad papunta naman sa pwesto ni Jun.
Nagpatuloy ang kantahan, na medyo kumalma na, nang biglang tumugtog ang susunod na kanta sa playlist.
One Night Stand by FourPlay MNL
Intro pa lang parang may kung ano nang kumiliti sa tiyan ni Wonwoo. Alam na alam niya ang bawat lyrics at meaning ng kantang ‘to. Hindi man siya relate sa ONS dahil good boy siya (real) ay tamang-tama naman sa kanya ang ibang parte ng kanta.
Tangina talaga ni Jeonghan.
Nasisi pa ang kaibigan kahit na hindi naman ito ang pumili ng kanta.
Tila natigil din ang buong grupo, pati na rin si Mingyu, nang ma-realize kung ano ang sinasabi sa kanta. Alam na ng iba ang lyrics, siguro napakinggan na rin. Pero alam man o first time marinig ang kanta, pare-pareho silang napataas ng kilay at napatingin sa isa’t isa (maliban sa “couple” daw ng tropa) nang marinig ang unang dalawang linya.
Sobrang gulo
Sa'n ba 'ko tinamaan sa alak o sa 'yo
May mga nakakalokong ngiti sa mga labi ng mga kaibigan nila. Sabay-sabay din napatingin sa dalawang nagsisimula nang mamula ang tenga dahil alam nilang nasa kanila na naman ang atensyon ng buong tropa.
Hindi magkatabi sina Wonwoo at Mingyu ngayon. Sobrang unusual para sa kanila. But because of the constant teasing from their friends, medyo nagkaroon ng awkwardness. It’s not like they’re drifting apart, may not-so-hidden feelings lang talaga.
Nahihilo
Sa'n ba 'ko tinamaan sa alak o sa 'yo
“Hilo ka na, pre?” Mapang-asar na tanong ni Seungcheol kay Wonwoo. Isang gitnang daliri lang ang isinagot niya rito.
Bigla rin nagsalita si Soonyoung, “Uy, Wons, ‘di ba alam mo ‘tong kanta na ‘to? Narinig ko ‘to sa laptop mo nung nakaraan.”
Tinuloy pa nito ang sinasabi, “Favorite mo yata ‘to kasi nakalagay pa sa playli—” nasalpakan na ni Wonwoo ng cracklings ang bibig nito bago pa siya matapos sa kung ano mang sasabihin na alam ni Wonwoo na ‘di dapat.
“Kumain ka na lang. Dami mo pang sinasabi.”
You see, kapag nalaman pa ng iba nilang tropa na nasa playlist ‘to ni Wonwoo, iisa lang ang iisipin ng mga ito, and it’s not about him falling for one of his one night stands because they know Wonwoo is not into those stuff. Sana nga ‘yon na lang ang isipin ng mga kaibigan niya kasi ‘yon naman ang title ng kanta, pero alam niyang malalaman ng mga ‘to ang totoong dahilan why he has this particular song on his playlist.
Alam niya rin na tama sila if they ever say anything. But he can’t allow that to happen, lalo na’t kasama nila si Mingyu.
Nagsimula nang sumabay sa kanta ang number one believer ng MinWon (pangalan daw ng ship nila) na si Seungkwan.
Tumikhim pa ito bago ginawang mic ang nirolyong balat ng malaking alibaba, “Pagdating ng gabi ‘di masasabi na ako’y bitin sa mga nangyari sa atin.”
Sobrang gulo
Sa'n ba 'ko tinamaan sa alak o sa 'yo
Nahihilo
Pagsikat ba ng araw ikaw pa ba't ako
Habang sabay-sabay na kumanta ang mga walang hiya nilang tropa, napatingin si Wonwoo sa gawi ni Mingyu at nakitang nahihiyang nakatingin na rin ito sa kanya.
Nasa kabilang side si Mingyu. Hindi niya katapat pero ramdam ni Wonwoo sa buong katawan niya ang hiya. Walang bumibitaw sa eye contact, parang may kung anong non-verbal communication ang nangyayari sa pagitan nila na they found themselves staring back at each other longer. Naging background noise na lang ang mga boses ng iba nilang kasama.
Miss na niya si Mingyu. Dahil nga sa mga tuksuhan ay hindi niya na masolo ito. Halatang naiilang sa kaniya.
Aware naman sila. Napapansin ni Mingyu na iba ang actions ni Wonwoo sa kaniya kumpara sa iba nilang kaibigan. Napapansin din ni Wonwoo na may epekto kay Mingyu ang mga pakonting landi niya rito.
Still, they can’t help but think na baka they are just reading too much into things. Baka normal lang naman, pinapalalim lang ng mga sarili nila.
Sabi nga, “actions speak louder than words, but actions without words are confusing.” Again, another gasgas saying, pero there is no better way to confirm it other than hearing the exact words from the other, right?
While they know for themselves na there is something special sa friendship nila, they are equally afraid to say anything.
Hindi niya alam kung dahil ba sa hangin, sa boses ng mga kumakantang ulupong sa paligid niya, o sa ganda ng mga mata ni Mingyu, pero sa mga oras na nagtititigan silang dalawa, parang may sudden spark of courage na naramdaman si Wonwoo.
He gave Mingyu a little smile. Mingyu broke their nearly minute-long gaze. Biglang nahiya sa ginawa ni Wonwoo na siya namang nagpalaki sa ngiti ng isa. Ang cute, gago.
At ang aking hiling sa paggising
Ay ika'y katabi at may ngiti
At sana'y maulit muli
Kung gusto ni Wonwoo na makatabi si Mingyu sa pagtulog at paggising, kung gusto niyang ngiti ni Mingyu ang unang makita pagbukas ng mga mata niya sa umaga, kailangan niyang kumilos. Hindi pwedeng hanggang dito na lang sila. Hindi siya papayag. Bahala na.
Nahihilo
Ba't ba ako nahulog sa taong tulad mo
Nagpatuloy ang chill tugtugan, kumalma na rin ang mga kaibigan nila. May mga nakaubob na sa lamesa habang ang iba naman ay nakatutok sa kaniya-kaniyang phone, may mga sariling mundo na.
Ilang minuto pa, tumayo si Seokmin, na katabi ni Mingyu, para kumuha ng yelo sa loob. Wonwoo saw this as an opportunity para malapitan ang isa. Kanina niya pa ito sinusulyapan at paminsan-minsan ay nahuhuli niya ring nakatingin si Mingyu sa kaniya.
Tumayo siya at naglakad papunta sa kabilang side. Alam niyang napunta sa kanya ang mata ng bawat isa sa long table pero Wonwoo doesn’t care at this point. Gusto niya lang mapalapit kay Mingyu. Alam niya namang mawawala rin ang tingin ng mga ito mamaya at babalik ulit sa kaniya-kaniyang ginagawa.
Ilang inuman session na rin silang magkahiwalay ng upuan. Hindi tuloy maasar ni Wonwoo si Mingyu kapag nalalasing na ito.
“Hi,” medyo mahihiyang bati niya nang makaupo.
“Hello.”
Gaya ng inaasahan, nawala na rin sa kanila ang buong atensyong ng tropa. Though may mga pasulyap-sulyap pa rin, hindi na ito ganoong kahalata.
Hindi ideal ang inuman para mag-usap lalo na’t trese silang lahat. Kaya naisipan na lang ni Wonwoo alukin si Mingyu na sumabay sa kanya pauwi, “Usap tayo? Sabay tayo pauwi maglakad, if okay lang sayo?”
Mingyu nodded, “Hmm, okay lang. Para we can talk din nang mas maayos,” and gave him a little smile.
Ngayon na mas malapit siya, napansin ni Wonwoo na medyo namumula na ang pisngi ng katabi.
“Drunk na?”
Napatigil naman si Mingyu sa pag-abot ng pulutan at napalingon kay Wonwoo, “Ha?”
“I asked kung lasing ka na,” sagot nito at siya na ang kumuha sa inaabot na pagkain ni Mingyu.
“Hindi pa naman— Oh, ‘wag mo kakainin ‘yan. Akin ‘yan,” may pagbabantang sabi nito.
Natawa naman si Wonwoo sa naging reaksyon ng katabi. Sayo rin naman ako. Ilang beses na bang nagawa ni Wonwoo ‘yon kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ni Mingyu.
“Hindi ah. Iaabot ko nga sayo oh,” nakangiting sabi nito. “Tipsy ka na ‘no?” dagdag pa niya.
“Oo,” nginunguya na nito ang nakuhang pulutan. “Kaya shut your mouth muna kasi nahihilo ako sa boses mo.”
Natapos ang inuman at gaya ng napag-usapan ng dalawa, sabay silang naglakad pauwi. Tumakas lang talaga sila, tagal kasi umuwi ng iba pa nilang kasama.
And when Seungkwan was giving them a knowing look, kunwari na lang hindi nila nakita.
Tahimik na naglalakad ang dalawa. Eleven-thirty na rin at wala nang makikita pang tao sa daan. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay nila Joshua sa bahay nila. Mula kina Joshua, mauuna muna ang bahay nila Mingyu bago ang kina Wonwoo.
Nahimasmasan na rin si Mingyu kaya hindi na kailangan pang alalayan sa paglalakad.
They are walking side by side, arms brushing, medyo nagtatama rin ang mga balikat nila. It was comfortable na parang walang nangyaring ilangan the past weeks. Too comfortable pa nga for Wonwoo kasi bakit bigla niya na lang naisipan kunin ang kanang kamay ni Mingyu.
Mingyu flinched a little pero hindi ito lumingon sa gawi ni Wonwoo o tumigil sa paglalakad. Wonwoo observed his reaction. Nang makitang hindi naman umangal ang isa ay mas hinigpitan niya pa ang hawak, intertwining their fingers, habang may malaking ngiti sa labi.
“Ano ‘yan?” tanong ni Mingyu, nakatingin pa rin sa daan.
“Ang alin?” nang-aasar na tanong naman pabalik ni Wonwoo.
“Tanga ka ba?”
Hindi napigilan ni Wonwoo na matawa sa sinagot nito, “Sungit naman. E ‘di HHWW, ano pa ba?”
Hindi alam ni Mingyu kung maiinis ba siya o kikiligin sa sinabi ng katabi kaya mas pinili niya na lang magkunwaring hindi siya naaapektuhan sa mga pakulo nito, “Corny mo. Crush mo lang siguro ako.”
Nagulat si Wonwoo sa narinig. Alam niyang nagbibiro lang si Mingyu pero iba pala talaga ang epekto kapag totoo. Ito na naman yung sudden spark of courage na naramdaman niya kanina. Pakiramdam niya may gagawin siyang ikatutuwa o ikadudurog ng puso niya, depende sa magiging sagot ng nakababata.
Here goes nothing.
“Ano naman?”
Napatigil sa paglalakad si Mingyu. Hindi pa rin tumitingin sa direksyon ni Wonwoo.
Hindi rin alam ni Wonwoo kung saan nanggagaling ang lakas ng loob niya ngayon. It just feels right to finally confess.
Siguro dahil sa mga nangyari kanina at mga nakaraang linggo. O kaya sa ganda ng buwan na parang piniling mas lumiwanag ngayong gabi knowing he will confess. Pwede ring dahil sa lambot ng kamay ni Mingyu and how it fits perfectly sa kamay niya. Or sa side profile nito na kitang-kita ang matangos na ilong at nunal na paborito niya.
Hindi alam ni Wonwoo.
Siguro, lahat. Lahat, basta may kinalaman kay Mingyu. Lahat, basta kasama si Mingyu.
Sa totoo lang, mukha lang siyang matapang sa mga oras na ‘to pero grabe na ang kabog ng dibdib niya. Tapos na. Wala nang bawian.
“Hoy, sabi ko ‘ano naman?’,” at si tapang, inulit pa.
“Narinig ko,” sagot ni Mingyu pero hindi pa rin makatingin sa kanya. Hindi rin naman ito bumibitaw sa magkahawak nilang kamay, “Wait lang kasi.”
Napangiti na lang si Wonwoo sa sagot nito. “Take your time, tol,” nakuha niya pang asarin.
Biglang napalingon si Mingyu sa narinig, “Anong tol?”
“Bakit, ano bang gusto mong itawag ko sayo?” may nakakalokong ngisi sa labi ni Wonwoo na akala mo hindi kinakabahan.
Hindi sumagot si Mingyu. Alam niyang inaasar na naman siya ng kasama.
“Baby sana ‘yan kung gusto mo rin ako.” Lumapit pa ito nang bahagya, hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya, “Gusto mo ba ako?”
Madilim man ang daan, maliban sa iilang street light at liwanang ng buwan, kita ni Wonwoo ang pamumula ng pisngi ni Mingyu.
“Lasing ka pa ba?” tanong niya.
“Ha? ‘Di na nga, kulit mo,” medyo nauutal pang sagot nito.
“Ah,” tumango-tango si Wonwoo. “Kinikilig lang. Pula ng cheeks mo eh,” sabay tawa nito.
Mas lalo pang namula si Mingyu, “Kapal ng mukha mo, ‘no?” Kinuha nito ang kamay niya na hawak ng isa at nauna nang maglakad, “D’yan ka na nga.”
Masyadong natutuwa si Wonwoo sa pang-aasar. “Wait lang, tol!” sigaw pa niya kay Mingyu pero gitnang daliri lang ang sinagot nito sa kaniya.
Nang maabutan, hinawakan niya ito sa parehong braso para mapatigil, “Wait lang. Ito na, seryoso na.”
Bumuntong hininga si Wonwoo at tumayo nang maayos bago magsalita ulit, “Totoo yung sinabi ko, Gyu. Gusto kita.”
Nakatingin lang sa kaniya si Mingyu, hindi alam kung maniniwala ba o iisipin na nang-aasar lang ulit ito, “Alam mo, baka ikaw ang lasing.”
“Anong lasing? Gagaya mo pa ako sayo na uhaw sa alak tapos low tol nam— Aray!” isang suntok sa braso.
“‘Yan, seryoso pala ah.”
Habang hinihimas pa rin ang kaliwang braso, tinuloy ni Wonwoo ang pagsasalita.
“I’m serious, Gyu. Totoong gusto kita. Mukha lang akong nagloloko ngayon pero tingnan mo,” kinuha ni Wonwoo ang kamay ni Mingyu at inilagay sa kaliwang dibdib niya. “Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at alam kong hindi ‘yan dahil sa pagtakbo ko kanina.”
Hindi nagsalita si Mingyu, nakatingin lang sa kamay niyang nasa ibabaw ng dibdib ni Wonwoo at hawak-hawak ito. Ganiyan din naman heartbeat ko, hindi ka special.
“Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin yung awkward phase natin? Gustong-gusto kitang lapitan at kausapin pero natatakot ako na baka mailang ka. Baka hindi mo rin naman ako pansinin kasi aasarin lang tayo.”
“Kung may napapansin ka sa mga kilos ko sayo noon, oo, pagpaparamdam ‘yon.” Binitawan ni Wonwoo ang kamay ni Mingyu bago nagpatuloy, “At alam kong magmumukha akong assumero sa sasabihin ko pero… It has an effect on you, right? Yung actions ko?”
Tahimik at wala pa ring sagot si Mingyu. Sa bawat segundo na lumilipas, mas kinakabahan lang si Wonwoo. He’s fidgeting, the lack of response of the other is slowly making him feel sick.
After minutes of silence, he sighed, “I’m sorry, I don’t know why I’m saying this. Baka sa sobrang pagkagusto ko sayo, nililinlang na ako ng sarili kong utak,” mabilis na sabi niya. “Forget everything I said. I’m sorry for making you uncomfortable.”
Nakatingin lang si Mingyu sa ngayo’y nakatungong ulo na ni Wonwoo. Hinihintay niya na sabihin nito na nagbibiro lang siya.
Despite the warm feeling crawling up his chest and the butterflies wilding in his stomach, Mingyu resists the want to jump on the man in front of him. Paano kung nagbibiro lang pala si Wonwoo? Baka mapaamin si Mingyu tapos malaman niyang joke lang pala ‘to. Mingyu wants to save himself from the embarrassment.
Pero lumalamig na ang simoy ng hangin ay wala siyang narinig na kahit ano mula kay Wonwoo.
Oh my God.
Unti-unti nang napapangiti si Mingyu, nagsi-sink in na sa kaniya lahat ng sinabi ng kaibigan kanina. Tanga. After he let you feel his racing heart, you still think he’s playing around, Mingyu?
“Assumero ka nga,” salita ni Mingyu habang kagat-kagat ang ibabang labi para pigilan ang ngiti.
Pero hindi nakikita ni Wonwoo ang mukha niya kaya iba ang naging dating ng sinabi niya, “Sorry. Akala ko kasi—”
“Asummero ka pero tama lahat ng akala mo.”
Mabilis pa sa alas quatrong iniangat ni Wonwoo ang ulo niya at diretsong tumingin sa mga mata ni Mingyu.
“Seryoso ka ba?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Iiyak ako kapag hindi.”
Hindi na napigilan ni Mingyu na mapangiti sa kaharap niya, “Patay na patay ka pala sa akin. Angas mo pa akong tawaging tol kanina ah.”
“Tol means The love Of my Life kasi,” sagot ni Wonwoo. “Pero seryoso ka nga? Baka prank ‘to tapos lalabas sila Cheol diyan sa may puno.”
Napatawa nang mahina si Mingyu dahil sa sinabi nito. Cute.
“Kulit ng utak mo, ‘no? Kung ano-ano na lang naiisip.” He sighed, “Fine, kung hindi ka naniniwala, I’ll say it directly. Makinig ka ah, ‘di ko na ‘to uulitin.”
Lumapit si Mingyu sa kaniya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito, “I like you, Wonwoo. Gusto kita. Walang halong biro. Hindi rin ‘to prank.”
Tila natulala si Wonwoo sa narinig. No one warned him how good it would feel kapag na-crushback ka, para tuloy siyang mababaliw ngayon. He’s staring at Mingyu blankly, still unable to process the words that left the man’s lips.
Gusto rin ako ni Mingyu.
When it finally hit him, mabilis na hinila ni Wonwoo si Mingyu para yakapin. Nakapulupot ang dalawang braso niya sa bewang nito. Hindi niya alam kung nakakahinga pa ba nang maayos si Mingyu sa higpit ng yakap niya rito, “Thank you… Thank you, Gyu. Ang saya ko.”
Inilagay naman ni Mingyu ang mga braso niya sa balikat ni Wonwoo para ibalik ang yakap, “Bakit nagtha-thank you, pareho lang tayong masaya.”
Parang sasabog ang mga puso nila.
Ilang patagong sulyap na ba ang nagawa nila sa mga inuman session ng barkada bago mapunta sa sitwasyon na ‘to. Ilang gabi ba silang napuyat kakaisip kung aamin ba o hahayaan na lang bago nila mayakap ang isa’t isa nang ganito.
Humiwalay si Wonwoo sa yakap pero nanatili ang mga kamay sa bewang ni Mingyu. May malaking ngiti sa labi nito na maya-maya pa ay unti-unti nang nagiging ngisi, “Sabi ko na nga ba, crush mo ako. Syempre, ako na ‘to, imposibleng wala kang gusto sa akin.”
Si Wonwoo ba siya kung hindi niya aasarin si Mingyu.
“Talaga ba? Umiiyak ka na siguro ngayon kung hindi ako sumagot.”
Napanguso naman ang nakatatanda, “Baby naman…”
“Anong baby? Tol lang ‘yan kanina ah,” pang-aasar pabalik ni Mingyu. Hindi pwedeng siya lang lagi ang napipikon.
Mas lalong humaba ang nguso ni Wonwoo. Mingyu is biting the inside of his cheek para pigilan ang ngiti. Ang cute naman nito, pucha. Ki-kiss ko na ‘to, Lord.
“Hindi ka ma-joke?” agad naman ulit kinuha ni Wonwoo ang kanang kamay ng nakababata. He once again intertwined their fingers, “Bagay talaga kamay natin, tingnan mo.”
Hand in hand, nagsimula na ulit silang maglakad pauwi. Ihahatid ni Wonwoo si Mingyu, like he always does noon kapag galing silang inuman.
When their “awkward phase” started, nakabuntot na lang si Wonwoo sa likod ni Mingyu tuwing umuuwi sila. Since nagwo-worry siya na baka mailang ito, hindi na lang siya tumatabi, but he still makes sure na makakauwi si Mingyu nang ligtas.
“Baduy. Ang sabihin mo, patay na patay ka lang sa akin.”
“Patay na patay ako sayo.”
They both laughed at their silliness. Dinala ni Wonwoo ang kamay ni Mingyu sa labi niya para patakan ng isang maliit na halik, “I like you, Gyu. Sobra. It feels so nice to finally say it to you.”
Nagsusungit lang siya pero parang mapupunit na ang labi ni Mingyu dahil sa laki ng ngiti niya. Ang sarap at gaan sa puso.
“I like you too, Wonwoo.”
“Akala ko ba ‘di mo na uulitin? Ha! Sino ang down bad sa atin ngayon?”
