Actions

Work Header

'wag nang pigilan pa, mga mata'y 'di nakatingin sa iba

Summary:

Sa lahat ng taong nagtapat ng kanilang mga damdamin sa kanya, ni minsan ay hindi naisip ni Wonbin na may mas malalim na pagsasama pang magbunga sa mga ito. Hindi niya na rin pipilitin, lalo na't ayaw niya namang may masaktan dahil sa kanyang hindi kasiguraduhan.

(Dahil siguro ihinahambing niya palagi ang mga taong iyon sa kaibigan niya. Bakit naman kailangan niyang maghanap pa ng ibang makakasama kung nandiyan naman si Anton?)

Work Text:

2020, Senior High

 

"Kuya, gusto kita."

 

Wonbin had to give it to her. Kilala niya 'yung babaeng 'to–kaibigan ng isa pang nagtapat ng damdamin nila sa kanya, not too long ago. Madalas niyang nakikita 'yung dalawa na pakalat-kalat sa campus grounds na magkasama, arms linked with each other. Sa isip-isip niya, mas bagay nga silang dalawa.

 

Not with him. No, not him.

 

"Thank you," sagot niya. Mukhang naghihintay ng sagot ang kausap niya, her head tilting to the side and features twisting to a hopeful expression. Wonbin feels for her, he really does, but dating is the least of his priorities right now. Bata pa siya, only in his senior year of high school, eager and wide-eyed to enter another formative stage in his life in a few months after graduation.

 

Wala rin siyang nararamdaman para dito, sa taong nasa harap niya, kahit anong ipilit niya. Hindi niya maisip ang sarili na kausap ito tungkol sa kahit anong bagay, kasama sa iba't ibang eksena na napapanood niya lamang sa mga pelikula sa laptop ng kaibigan niya. 'Yung paghawak ng kamay, pag-akbay, makasama sa pagtanda. Sa lahat ng taong nagtapat ng kanilang mga damdamin sa kanya, ni minsan ay hindi naisip ni Wonbin na may mas malalim na pagsasama pang magbunga sa mga ito. Hindi niya na rin pipilitin, lalo na't ayaw niya namang may masaktan dahil sa kanyang hindi kasiguraduhan.

 

(Dahil siguro ihinahambing niya palagi ang mga taong iyon sa kaibigan niya. Bakit naman kailangan niyang maghanap pa ng ibang makakasama kung nandiyan naman si Anton? Kayang-kaya naman nilang mag-usap maghapon magdamag. Minsan nga ay kahit wala silang sabihin sa isa't isa, nagkakaintindihan sila. Kaya nilang maupo nang tahimik, walang imik, pero hindi nakakabagabag ang presensya ni Anton para sa kanya.

 

Dahil nandiyan naman si Anton, bakit pa niya ipipilit sa iba?)

 

"Sorry, I'm not looking for anything right now," sambit niya sa babae. "But thank you, ah. Pasensya ka na."

 

Namula muli ang kausap niya at tumango. "Sige po," ani nito, "mauna na ako." Nagmamadali siyang tumalikod at umalis ng student council office, hindi man lang nagdalawang-isip na magpaalam pa sa ibang taong kasama nila sa silid.

 

"Pres, okay na ba tayo?" tanong ni Jisung, ang team captain ng dance club ng school nila. "Mauna na ako, may training pa kami. Pasabi na lang kapag may kulang pa sa end namin para maihabol ko ngayong week."

 

Nagp-plano ng culminating activity 'yung senior high dance troupe at dahil siya ang student council president, kailangang dumaan kay Wonbin ang mga plano bago niya ito ipa-approve sa admin nila. Katatapos lamang ng meeting nila, at sa tingin naman niya wala na silang dapat pag-usapan pa. Ngumiti na lang ito. "Okay na, update na lang kita sa sasabihin ni Ms. Kim," sabi niya. "Good luck!"

 

"'Di ka pa uuwi, pres?" tanong ni Ningning, ang secretary ng student council, at isa sa mga naging kaibigan na rin ni Wonbin. Hindi mahirap maging kaibigan ito, sa kabaitan niya at galing ng work ethic. Not to mention palagi siyang may baong chismis na palaging nasa agenda nila tuwing meeting! Kung updated man si Wonbin sa lahat ng kaganapan sa school, malamang dahil ito kay Ningning.

 

"Uuwi na rin," sagot niya, habang inaayos ang mga papeles na kailangan niyang ipapirma sa kanilang adviser. "Bakit?"

 

"Hindi ka susunduin ng bebe mo?"

 

"Ha?"

 

"'Yung bebe mo, si Anton!" may malisya ang ngiti ni Ningning, tingin na nakikita lang ni Wonbin tuwing may level-A chika siyang nasagap. Ganito pala 'yung pakiramdam kapag ikaw na 'yung pinagpipiyestahan? Sige, magbabait na nga siya. "'Yung palaging sumusundo sa'yo!"

 

Naramdaman ni Wonbin ang pag-init ng kanyang mukha. "Wala, hindi ko siya bebe, umayos ka nga! Umuwi ka na, wala kang makukuha sa'kin." Tumalikod siya para itago ang ngiti na siguradong traydor sa kanya. Kapag nahuli siya nito, siguradong hindi siya titigilan sa pang-aasar. 

 

Hindi nga naman mali si Ningning. Kahit magkaiba sila ng grade level at strand, palagi pa ring sabay umuwi ang magkaibigang Wonbin at Anton. Kahit pareho naman silang may sariling group of friends na nabuo sa panibagong yugto ng buhay nila, iba pa rin 'yung bond na mayroon silang dalawa. Dahil dito, tuwing may mga meetings pa si Wonbin para sa council at pag-eensayo ni Anton sa varsity team ng swimming club nila, kadalasan ay naghihintayan pa rin silang dalawa para magsabay ng uwi.

 

Kilala naman na si Wonbin ng mga tao dahil siya ang president, pero noong una ay laking gulat nila nang umaakyat ito sa swimming pool area sa kabilang building kung saan puro varsity at college-level na estudyante lamang ang dumadayo. Binati niya naman ang mga ito at sinabi ang pangalan ni Anton. Nang magtagal, hindi na sila gulat na pumapanik ito lalo na kapag tapos na ang practice.

 

Ngayon, siya naman ang magtatagal at ang hinihintay dahil rest day ng swimming team nila kaya siguradong si Anton ang taya sa kanilang dalawa ngayon. Unti-unti nang nagsisilabas ang mga kapwa niya council members, waving him goodbye. Siyempre, hindi pa rin nagpaawat si Ningning at may side comment pa.

 

"Ingat kayo ni bebe mo, boss!"

 

"Ewan ko sa'yo, Ning!"

 

Tinignan ni Wonbin ang cellphone. Sakto naman 'yung oras ng tapos ng meeting nila, malapit sa oras na sinabi niya kay Anton kaninang umaga. Usually, maaga siya, at tanaw na tanaw na kaagad ni Wonbin ang likod nito na nag-aabang sa maliit na bintana ng pintuan nila. Ano'ng oras na nga ba?

 

Nag-back read siya sa messages nilang dalawa. Tama naman 'yung sinabi niya na oras, 'di ba? Ayaw niya pa naman ng naghihintay nang matagal, kasi maraming nag-uuwian nang ganitong oras. Mas mainit at masikip sa LRT, at ayaw ni Wonbin na makipagsapalaran agad sa commute kapag gan'on. Kaya as much as possible, pinaplano niya 'yung oras ng alis niya. Kapag hindi ito natutupad, well.

 

Nakakainis, to say the least.

 

Kapag may mababago sa plano nila, palaging nagsasabi kaagad si Anton, dahil alam niyang particular 'yung best friend niya sa pagp-plano. Kaya ngayon, ilang minuto na ang nakalipas at wala pa rin siya, nagtataka na si Wonbin.

 

Me:

Where ka na?

Tapos na meeting namin

 

Lumabas siya ng office para tignan kung nasa labas na ba si Anton, ngunit wala talaga ito. Saan kaya siya nagpunta? With a huff, he decides to clear the board muna habang naghihintay. He'll give his best friend ten minutes, tapos uuwi na lang siya mag-isa kapag wala pa ito.

 

Inayos niya na ang mga upuan, ang bag niya, at ang mga kailangan niyang i-drop off sa faculty ngunit wala pa ring paramdam si Anton. So weird. Kahit naiinis na siya, hindi niya maiwasang mag-alala.

 

Me:

Nakauwi ka na ba

???

 

Nagiging delivered pa naman messages niya. Maya-maya, lumabas na ang tatlong dot, ibig sabihin nagt-type na si Anton.

 

Umalis muna siya sa chat nilang dalawa, pero nag-long press para makita kung nag-send na ba ang tina-type ni Anton. Gan'yan talaga ang mga galawan niya, hindi na bago para kay Wonbin 'yan, 'no!

 

Nawala.

 

He rolls his eyes, taking out his earphones and slides them in his ears. Uuwi na lang siya mag-isa. Ang tagal sumagot ni Anton, at ayaw na niyang abutan ng gabi sa daan. Just as he's scrolling through his Spotify playlists, he receives a text from Anton's mother.

 

Tita:

Hi, Wonbin. Magkasama ba kayo ni Anton? Nag missed call kasi sya ilang beses kaso hindi sumasagot. I'm worried lang. Let me know if pauwi na kayo

 

Pambihira. Saan ba kasi nagsuot itong si Anton Lee at kahit 'yung nanay niya hindi niya masagot? He quickly sends a reply saying they're not together at the moment. Okay, ngayon nag-aalala na siya. Missed calls with no reply? Where the hell has he gone to?

 

Wonbin wills his best friend is safe. Sinubukan niya muling tawagan ito sa number niya mismo, and another one sa Messenger for good measure.

 

Me:

Uwi na ako

Call me when you get this

Tokis ka naman

Ingat









 

 

 

 

Natapos na ni Wonbin ang night routine niya. He's fresh from the shower after his chores, skincare done, and he has no backlogs, surprisingly! He plans to do a sheet mask and read a book before bed. Nothing can ruin his night!

 

Except for the spam messages na galing sa best friend niyang hindi niya kinakausap. 

 

Paano ba naman, pagdating na pagdating niya sa bahay saka lang nakapagchat si Anton sa kanya. Nagkayayaan daw kasama ng varsity at saktong na-lowbatt siya kaya hindi na siya nakapagsabi na hindi niya na masusundo si Wonbin. 

 

Anton:

bani

sorry!! :(

kumain kami at nalowbatt ako

nasa tables ako nagccharge

 

nasa council office ka pa? wait mo ako

sorry talaga 

wala ring signal dun sa loob kaya nung nanghiram ako ng phone di ako makatext

 

banii akyat na ako diyan

umuwi ka na ba?

i hope youre safe

 

im sorry :( 

wag ka magalit

chat ka pag nakauwi ka na

 

pauwi na po ako

sorry

seen mo na ako pls :( 

 

 

 

 

 

Hinayaan muna ni Wonbin ang inis niya. Alam niyang kapag sinabayan ng topak niya si Anton ay baka hindi maganda ang kalabasan. Sa buong pagkakaibigan nila, bihira naman silang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Mainly because they've grown up next to each other, knowing what things bother them. Wonbin has known Anton to be greatly perceptive, kahit madalas ay akala niyang hindi ito nakikinig. 

 

(There was an instance when Wonbin mentioned craving a peanut butter sandwich na extra crispy, just in passing. Anton was busy highlighting his textbook dahil kalagitnaan ng exams nila 'yun. Madaldal naman kasi talaga siya, and Anton didn't seem to mind his rambling. He thought nothing of it, until Anton hands over a packed peanut butter sandwich along with a small jar of it the next day.

 

"Ano 'to?" tanong niya, raising an eyebrow in suspicion. 

 

"Pang-recess mo," sagot naman ni Anton. "Nagc-crave ka niyan, 'di ba?")

 

Truth be told, hindi niya rin naman alam kung bakit ganito 'yung inis niya. Dahil siguro nasanay siya na kahit hindi siya magsabi ay palagi nang nandiyan si Anton. Tsaka dahil sa pagod na rin, so he was really looking forward to talking with Anton as they headed home. They would talk about their days as they waited for the train, the younger boy always letting him alight first. Kapag naman ay biglang bibilis ang takbo ng tren, instinct na lang niyang humawak sa braso ng kaibigan. 

 

Anton has always felt warm, safe, and steady.

 

May balak naman siyang replyan ito! Siguro ay tatapos muna siya ng chapter sa librong napili niyang basahin. Pahupa naman na 'yung inis niya, eh. At least alam niyang nakauwi nang ligtas si Anton, dahil bukas na ang ilaw sa kwarto nito sa kabilang bahay.








 

 

Hindi na namalayan ni Wonbin ang oras. Alam niya na lang, may naririnig siyang tunog na galing sa bintana niya. Dahil sa panonood niya ng horror movies against his will with his cousins, he knew better than to check what the cause of the noise is. Gusto niya pang mabuhay, 'no! Marami pa siyang pangarap!

 

May tumunog uli. Parang humampas sa bintana niya.

 

Ibinaling niya ang atensyon sa librong hawak niya.

 

Isa pa. Tok.

 

Annoyed, Wonbin turns to his side, willing the noise to go away eventually. Kaso the words in front of him start swimming in a puddle, and he's unable to concentrate because of it. Naupo siya at napansing may ilaw naman na itinatapat sa bintana niya.

 

Three consecutive flashes.

 

("Sorry, napagalitan ka pa ata kagabi," Wonbin said the next day, as he was let in Anton's house. "Dapat hindi ka na lumabas, maingay pa naman 'yung pintuan niyo."

 

Anton waved a hand. "It's okay," sagot niya. "Dapat talaga, may signal na tayo sa isa't isa. Parang ano, 'yung sa mga superhero? Parang ilaw na sinisinidihan kapag kailangan nila ng tulong!"

 

Wonbin stifled a laugh, making himself feel comfortable on the couch. "Ano? Parang kay Batman?" His best friend was always so imaginative, he had to give him that.

 

"Oo! Para alam ko kapag bababa ako o hindi, para alam ko kapag ikaw 'yung tumatawag."

 

Hindi niya nakalimutan 'yung pagbilis ng tibok ng puso niya nang marinig 'yun.)

 

Sighing, he stalks off to his window and sees Anton peering up at him hopefully. "Sorry na," pagtawag nito. "Babain mo naman ako, oh."

 

Wonbin didn't have to be told twice.










"Sorry na nga kasi," Anton says, a pout evident in his voice. "Hinila lang nila ako, dapat kasi may ibababa lang ako sa locker ko."

 

"Okay."

 

"Bani naman, eh!"

 

"Ano?"

 

"'Wag ka nang magtampo," Anton brings out a small carton of a chocolate drink–'yung paborito ni Wonbin, the one he always gets from convenience stores whenever he feels like having a sweet treat. "Here, I got you this," inabot niya ang inumin sa kaibigan niya.

 

Nagpipigil ngumiti si Wonbin, sa totoo lang. Nag-iinit muli ang mukha niya at nagpapasalamat na lang siya at gabi na at hindi na pansin ni Anton kung gaano siya kapula ngayo. He'll blame it on his skincare or something!

 

"Ano 'to? Suhol?" Between them, it was Wonbin who was more… mataray. Mas madali itong magtampo, kahit si Anton ang mas bata sa kanila. Kaya hindi na rin bago ito sa best friend niya na ganito ang reaksyon niya habang nakikipagbati ito. 

 

"Oo. Alam kong hindi ka papayag sa sorry lang, eh."

 

"Buti alam mo."

 

"'Wag ka nang magalit. 'Wag ka na rin sumimangot, sayang 'yung skincare mo." Anton teases, the mood lighting up between them. Nawala 'yung panandaliang inis ni Wonbin from this afternoon, now replaced by warmth blooming in his chest. Anton just knows him so well.

 

Kung may isang tao na nakakaintindi sa kanya at sa takbo ng utak niya, si Anton na 'yun. Kung may makakabasa ng nararamdaman niya kahit hindi niya sabihin, si Anton na 'yun. Sino pa nga ba, kung hindi siya?

 

Dahil nandiyan naman si Anton, bakit pa nga ba niya ipipilit sa iba?

Notes:

finally wb's pov!!! i enjoy writing for this universe huhu torpe tonnen u are so dear to me :")

as always, this is unbeta-ed! series title is from COJ's song, tingin hehe

please let me know your thoughts !!! :)
let's talk on twt | retrospring

Series this work belongs to: