Work Text:
“Jun! How did we end up in this situation?” angal ni Joshua habang winawalis ang mga potato chip na nahulog sa sahig.
Natawa naman si Junhui na nagdadampot naman ng mga bote ng alak na walang laman.
“Parang dinaanan ba naman ng bagyo.” bulong nito na siyang narinig ni Joshu at natawa. Napapailing na lang silang dalawa.
Jusko! Last na ito this year ha!
Bihira na nga lang ulit sila mag-bonding ng SHS friends niya at ganito pa ang unang ganap nila ngayong taon. Sino ba namang mag-aakala na madadagdagan ng isang miyembro ang club ni Woozi at Jeonghan — The Toma Club.
“Jun~~~”
Napasilip naman si Junhui na nasa kusina sa may sala dahil may tumawag sa kaniya.
“Jun! Halika rito hanap ka ni Wonwoo. Dalian mo, parang awa.” mabilis namang lumakad si Junhui sa sala na may hawak pang basahan. Nakatitig lang ito sa sitwasyon sa harap niya.
Si Vernon na inaalalayan ang nakaupong lasing na si Wonwoo sa sala kung saan may tira-tira pang bote at pulutan mula sa session kanina.
“Jun~” tawag ni Wonwoo rito habang nakangiti.
“Bakit? Matutulog ka na?” tumungo si Wonwoo. “Halika, aalalayan ka ni Vernon, hahatid ka niya sa taas.” kukunin na sana ni Vernon ang kamay nito para iakyat sa taas nang biglang tabigin ni Wonwoo.
Tumaas tuloy ang kilay ng nakababata.
“Ayaw! Gusto ko ikaw!” sambit nito sabay tayo. “Piggyback me!” aniya sabay open ng mga braso senyales na ready na siyang pumasan sa likod ng isa.
Napatingin na lang si Junhui sa mga kaibigan na nasa sala.
“Hoy, Wonwoo! Huwag ka ngang maarte!” sigaw ni Woozi na biglang bumangon mula sa pagkakahiga.
Lumingon naman si Wonwoo rito sabay dinuro. “Wala kang pake!”
Mag-aaway na sana sila mabuti na lamang at pinatulog na ulit ni Soonyoung ang nobyo kaya tahimik na ulit.
“Piggyback me, Jun!” sambit ni Wonwoo na nakakunot na ang noo.
Kinuha sa kaniya ni Vernon ang hawak niyang basahan at binigyan siya ng ‘Ikaw na bahala riyan’ look. Kaya napasapo naman siya sa noo.
“Okay lang ba huwag na piggyback? Masakit ang likod ko e.” matapos iyin sabihin ni Junhui, ibinaba ni Wonwoo ang kaniyang kamay at ngumiti.
“Okay!”
Bumulong si Junhui sa mga kaibigan na alalayan silang dalawa kasi delikado. Delikado talaga. Aalalayan na sana ni Junhui ang isa paakyat sa hagdan nang bigla itong huminto.
“Bakit? May problema ba?”
“Hold my hand!” ani ng isa sabay hawak sa kamay ni Junhui na in-interwined niya pa.
Nagulat naman ang dalawa nilang kaibigan na nakaalalay.
“Bakit?”
“Kasi baka mahulog ako.” sambit niya bago umakyat ng kusa. Napatulala naman si Junhui habang sinusundan nito.
Delikado tayo sa ganito.
Pagpasok sa kwarto, pinwesto ni Junhui si Wonwoo sa pwesto niya. Tulog na ang dalawa sa mga kaibigan niya rito sa kwarto, may isa nagpapatulog ng lasing at isang lasing.
Pagkaupo ni Wonwoo sa pwesto niya roon siya pinunasan ni Junhui. Nakapikit ang isa na mukhang antok na yata.
“Antok ka na? Bibilis—“
“Jun, may sasabihin ako sayo.”
“Hmm?” tumungo ito sa kaniya habang nagpapatuloy sa ginagawa.
“Jun, gusto mo ba ako?” napahinto naman si Junhui sa kaniyang ginagawa, nakatitig sa mukha ni Wonwoo habang nakangiti.
Didn’t expect na sa ganitong way ako magko-confess pero okay.
“Meron.” natawa si Junhui. “Bakit? Bawal ba?”
Umayos ng pwesto si Wonwoo at minulat na ang mata. “Sorry, Jun ha. Magagalit ang boyfriend ko.”
Ang kwarto na kanina’y tahimik ay mas lalong tumahimik na para bang nakikinig sila sa usapan ng dalawa. Well, iyong tatlong gising na kaibigan niya nakikita at naririnig ang nangyayari sa kanilang dalawa.
“May boyfriend ka?” mahina pero malungkot ang tonong sambit niya na pinagpatuloy ulit ang ginagawa.
“Oo, si Junpi. Palagi niya kasi sinasabi sa mga kalaro namin na boyfriend niya ako e, edi boyfriend ko na rin siya.”
Lumabas ang isang malaking ngiti mula sa labi ni Junhui. Narinig niya naman ang hampasan sa likod nila.
“Sorry, Jun ha? Magagalit kasi iyon, matapang pa naman iyon.”
Tumungo na lang siya.
Nababaliw ito. Nakakabaliw.
“Gusto mo ba si Junpi?” may isang daliri ang tumapat sa labi ni Junhui.
“Shh! Hindi niya dapat malaman kasi mayabang iyon, baka asarin ako kapag nalaman niya.” sumenyas naman ng ‘Okay’ si Junhui sa lalaking lasing.
“Pero gusto ko siya kahit mayabang siya. Palagi ba naman niya ako pinagtatanggol kapag may nang-aaway sa akin sa laro namin. Tapos! Galit yata iyon sa kalaro namin.” umaktong nag-iisip si Wonwoo na siyang kinatawa ni Junhui. Pinahiga na niya ito dahil tapos na ang paglilinis niya.
“Paanong galit?”
“Kinick niya palagi iyon kapag dumadating e. Nagseselos ba siya? Kung oo — hmm, okay hehe.”
Napalingon tuloy si Junhui sa mga kaibigan dahil sa ginawa ni Wonwoo. Kinikilig ba ito? Cute.
“Jun.” binalik tuloy ni Junhui ang atensiyon kay Wonwoo.
“Bakit?”
“Huwag mo sasabihin ito kay Junpi ha. Huwag ka rin magagalit sa akin ha?” nakangiti itong nakatingin sa kaniya na siyang tinunguan niya.
“Oo, sige, hindi ko sasabihin sa kaniya kaya matulog ka na.”
“Tatabihan mo pa rin ba ako kahit gusto ko si Junpi?” mahina nitong bulong.
Ang cute niya!
“Pag-iisipan ko, hindi ako matutulog e.”
“Gusto kita makita na katabi ko sa umaga…”
Nakarinig naman si Junhui ng violent reactions mula sa mga kaibigan.
“Kapag natulog ka na now, mamayang umaga makikita mo ako pagdilat mo.” Junhui tucked Wonwoo in bed. Hinawi nito ang buhay na nakaharang sa mukha niya.
“Good night, Wonwoo.” sambit niya habang nakangiti.
Bgumiti naman pabalik si Wonwoo pero bigla itong bumangon, facing Junhui.
“Mas gusto naman kita kay Junpi e.” sambit nito bago siya halikan sa noo.
Nanigas naman si Junhui sa pwesto niya at halos mamatay naman niyong mga kaibigan niya.
Bumalik si Wonwoo sa pagkapwesto sabay sabi ng, “Good night, Junhui.”
Hindi pa rin gumagalaw si Junhui, kinikilig ang mga kaibigan niya at nawala ang tama ni Jeonghan ng dahil kay Wonwoo.
“Gago pala iyang si Wonwoo.” sabi ni Jeonghan bago ihagis ang sarılı sa higaan.
Minuto ang lumipas bago napagdesisyunan ni Junhui na gumalaw at umalis.
“If you need me, nasa may terrace lang ako” bulong niya kay Wonwoo sabay alis ng kwarto.
“Tangina…”
Ayan ang una niyang nabanggit pagkahakbang na pagkahakbang sa terrace.
“No more overthinking, gusto ka rin niya.” napalingon si Junhui sa nagsalita, si Joshua. Saksi ito sa lahat ng kagagahan ni Junhui mula denial phase hanggang sa kanina.
“Gusto niya rin ako, Shua!” sambit ni Junhui na tumatawa.
“Yup, he likes every version of you. Lakas talaga.” tinapik niya ang likod ng kaibigan.
“Grabe… I liked him grade 12 pa tayo and now we are sophomore sa college.” nakangiti niyang banggit. “Always holding my self back kung magko-confess ba ako pero tignan mo nga naman, nauna pa siya.”
“The feeling is mutual naman pala. Masyado kang malakas kay Lord kasi imagine, ino-overthink mo na baka may special treatment ka dahil kay user Junpi na gamer ego mo pero look, he loves everything about you.”
“Malamang, mahal kaya iyong gayuma na binili ko sa Quiapo.” napatingin tuloy si Joshua sa kaniya na siyang ikinatawa nilang dalawa.
“First time niya ito uminom in front of us ‘no?”
Tumungo si Junhui.
“Ang sudden pero sige, at least alam na natin. Pero nakakainom naman siya in front of us, limited nga lang, ngayon lang siya super walwal.”
“What if uminom siya para malakas loob niya to confess?”
“We never know pero kung ayan man ang dahilan, that’s so brave of him.” nakangiti niyang sambit habang nakatingin sa kawalan.
“Paano iyan?”
“Hmm?”
“Hahanapin ka niya mamayang umaga.”
“Papasok na lang ako sa kwarto natin pagtapos natin magluto, for sure tulog pa naman siya n’un.”
“You like him talaga ‘no? What do you feel right now?”
“Alam mo naman iyan, nilagyan yata ng gayuma tubig niya kapag nakikiinom ako dati. Masaya ako, Shua, sobrang saya. Parang sasabog ako, pero may side ng utak ko na gusto mag-overthink kaso sa susunod ko na lang hahayaan ang sarili ko na mag-overthink.” masaya ni Junhui tinignan ang kaibigan.
Masaya sila sa isa’t-isa. Tapos na magduda si Junhui at pigilan ang temptation na umamin kay Wonwoo kasi nakaamin na siya at tapos na si Joshua na pigilan na gumawa ng wreckless shit si Junhui nang dahil kay Wonwoo.
—
“Mauna ka na umakyat doon.” ani Joshua matapos ilagay ang kawali sa may lababo.
“Gisingin mo na lang ako mamaya ha kapag kakain na rin kayo.” tinunguan siya ni Joshua. “Umakyat ka na rin para makatulog.”
“Crush mo ba ako?” sabi ni Joshua habang nakatingin kay Junhui.
Tinawanan lamang siya nito at nagsabi ng, “Bakit si Wonwoo ka ba?”
Mabilis na umakyat si Junhui sa kwarto nila. Nagpunas pa siya ng pawis bago buksan ang pinto kasi mainit kanina sa may kusina. Binuksan nito ang pinto at bumungad ang higaan ni Wonwoo na katabi ang foam nina Dokyeom na tulog at Joshua na nasa baba pa rin. Sinilip naman niya ang pwesto nina Jeonghan at Seungcheol sa may kama at humihinga pa rin naman sila.
Tumabi ito sa gilid ni Wonwoo, hindi malayo pero hindi rin malapit. Straight lamang ang higa nito na parang nakahiga lang sa nitso at wala pang kumot.
Unti-unting nararamdaman ni Junhui ang pagbigat ng kaniyang talukap. Hinayaan niya na lamang ang sarili na matulog sa ganoong posisyon.
Ilang minuto ang lumipas naramdaman niyang may telang pumatong sa kaniyang katawan at presensiya ng tao sa kaniyang gilid. Papalapit ito nang papalapit. Naramandaman niya na lang na may kamay na humawak sa kaniyang braso at ibinalot siya sa mga bisig nito. Ang mukha nito ay nakaharap sa dibdib ng lalaki.
Kahit nakapikit alam ni Junhui na may malawak na ngiting kumawala sa kaniya. Niyakap niya pabalik ang lalaking ikinulong na siya sa bigsi niya.
“You are here.” bulong ng lalaki.
Nag-aalangang sumagot si Junhui dahil na rin sa antok pero pinilit niya pa rin.
“Because you wanted me here.” aniya bago ingudngud ang mukha sa dibdib ni Wonwoo na siyang hinihimas ang buhok niya.
