Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationships:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2024-09-01
Words:
2,161
Chapters:
1/1
Comments:
9
Kudos:
26
Bookmarks:
1
Hits:
255

Estranghero

Summary:

The sound flowing along the wire of their shared earphones masks the unknowingly louder-than-usual thumping of their hearts.

at kung may daluyong ng bagong pakiramdam ang umuusbong sa kani-kaniyang sikmura, ang kanilang mga sarili at ang Diyos na lamang ang nakakaalam noon.

Work Text:

It is a scorching afternoon on a Friday, evident from the sweat trickling down the side of Sunoo’s face. The wetness slowly dries up as he enters the air-conditioned bus—his selected mode of transportation for the day. Kapag naghintay pa kasi siya ng jeep ay baka abutin pa siya ng pasko sa dami ng estudyante bago makauwi.

 

Riding a bus instead of a jeepney doesn’t take much of his money. Kaunti lang naman ang nadadagdag sa pamasahe at madalas din ang panalo niya sa color game sa classroom kaya palagi siyang may sobrang pera.

 

Biglang natawa si Sunoo sa isipan nang maalala ang talunang mukha ng mga kaklase gawa ng sunud-sunod niyang pagkapanalo. Iba talaga ang nagagawa kapag mabait at hindi nanghihila pababa, kaunting pandaraya at tiyak ang panalo sa gabay ng Panginoon. ‘De biro lang. Hindi naman siya nandadaya. Sadyang s’werte lang magtaya. 

 

Ang tuwa galing sa naglalakbay na isip ay agad namang napawi nang maalala ang dahilan kung bakit nalowbat ang kaniyang cellphone.

 

Sa totoo lang, umpisa pa lamang ng araw ay badtrip na si Sunoo. Kasabay ng tilaok ng mga manok na nadaanan ng tricycle na sinakyan kaninang umaga ay pagsabog niya sa kaloob-looban. 

 

His face couldn't be painted early in the morning as they had a long quiz in their first subject. Hurrying to make it on time, he forgot his headphones and only realized it after he had already ridden the shuttle service.

 

Ang pakiramdan na bumyahe habang walang headphones ay maikukumpara sa sitwasyon kung saan pinilit siya ng mga magulang na makihalubilo sa kamag-anak kahit na nais niya lang na pumirmi sa kuwarto. 

 

Pero kahit na naiwan ang headphones, on the way to school wasn’t a hell of a ride for Sunoo since at least, he had his fully charged phone to accompany him. So he just busied himself by scrolling through his social media accounts and playing games. 

 

However, Sunoo’s current reality is different. Dahil miski cellphone niya ay sinukuan na siya. Nadrain ito dahil nakipaglaro siya ng ML sa talunang kaibigan na si Jungwon. Nagyakag kasi ito ng 1v1 at ang matalo raw ay ibibigay ang lahat ng napanalunan sa color game. Dahil dakilang patola, pumayag siya.

 

Sa kalagitnaan ng laro ay dumating ang kanilang guro kaya agad silang tumigil. Matapos ang klase ay tsaka niya napagtanto na hindi niya pala napatay ang kanyang data kaya p’wede nang lutuan ng itlog ang likod ng cellphone sa sobrang init.

 

Gusto niya sisihin si Jungwon kaso gusto yata nito marecruit ng track and field team para sa intrams sa sobrang bilis ng takbo nito palabas nang mag-uwian. 

 

Sunoo’s friends including Jungwon have their own agendas after class kaya hindi sila sabay-sabay uuwi; that means, there is no one to distract him from the fact that he doesn’t have his beloved headphones na hindi amoy baktol dahil alaga n’ya at laging nililinisan. Tapos lowbat pa siya kaya makikipagtitigan na lamang siya sa mga pasahero sa loob ng bus. Ang unang umiwas ng tingin ay tatalon sa bintana. 

 

Kaya ngayon ay medyo padabog siyang umupo sa tabi ng isang estudyante na may kaparehas na uniporme. Nakabusangot ang kaniyang mukha na para bang siya ang pinakamalas na tao sa mundo.

 

Kasi naman, kahit na kalahating oras lang ang byahe pauwi, he'll be bored to death. Tsaka, listening to music on the way home is what Sunoo considers the highlight of his day, something that he looks forward to—hindi manlang ang uwian. He romanticizes every bit of this moment where his imagination blooms and creative juices flow.

 

In short, ginagamit niya ang oras na ito para makapagnilay-nilay. Pero ngayon, distracted na siya sa ingay ng paligid at hindi makapag-isip. 

 

Kapag ganitong wala siyang magawa sa byahe ay hindi siya mapakali. Although he doesn’t feel distressed, his mood sours most of the time.

 

Tapos sa aisle pa siya nakaupo ngayon kaya ang pangit ng view niya sa binata. Napabuntong hininga na lang siya sa inis at handa nang magbilang ng pitumput pitong puting tupa nang mahagip ng tingin ang katabi.

 

The boy is wearing the same uniform as him. He is looking out the window with earphones plugged into his ears. Wow, sana all, he thinks. And before Sunoo can even stop his fingers, they already start moving by themselves to poke the boy lightly on his shoulder. 

 

“Uh..” Sunoo contemplates a little. Hanggang sa napagdesisyunan niyang sabihin ang pinaka motibo kung bakit kusa na lamang gumalaw ang kamay at nangalabit. Pinalaki naman siyang makapal ang mukha at baka kung ano pang isipin kapag hindi siya magsalita.

 

“P’wede pa-share sa earphones?” makapal na mukhang saad niya, napangiwi pa pagtapos.

 

Confusion quickly draws on the stranger’s face, clearly taken aback by the sudden request. He stares at Sunoo like he uttered a joke. 

 

“Ano?” sagot ng lalaki nang makabawi.

 

“P’wede kako pa-share sa earphones,” kamot ulong tinuro ito ni Sunoo.

 

Salubong ang kilay ng lalaki at pabalik-balik ang tingin sa kaniya at sa wire ng earphones niya na tinuturo ni Sunoo.

 

“Bagong modus ba ‘to?”

 

Sunoo put one hand over his chest, taking offense at what the boy just said. “Grabe ka naman, ‘ya? Parang pashare lang!” 

 

“Lowbat kasi ako tapos gusto kong nakikinig ng music sa byahe. Share ko lang naman, pero grabe ka naman makamodus d’yan, ‘ya! Ayos lang naman kung ayaw mo!” tuloy tuloy niyang sabi.

 

The stranger is still looking at him puzzlingly. “Okay. Pasensya na. Nag-iingat lang kasi maraming modus ngayon.” 

 

“Okay lang, ‘ya. Apology accepted.” 

 

Tumango ang katabi ni Sunoo at napatigil bigla dahil pakiramdam niya ay parang nagaslight pa siya.

 

“Ano, ‘ya? Pashare mo ako? Saglit lang, legit. Baba rin ako Rob.”

 

“Paano ako makakasigurado na hindi ka modus? Mamaya ay mang-tangay ka ng kung ano sa’kin.”

 

Napaisip si Sunoo, squinting his eyes hanggang sa maagaw ng pansin niya ang ID ng lalaki kaya marahan niyang hinablot ito. “Hoy, an–!” 

 

Sunoo unbuckles his own ID from its lace. The boy beside him jumps a little when Sunoo unbuckles his next and then proceeds to exchange their IDs. “Oh, ayan. Nasa’yo ID ko. Kapag may ginawa akong masama, rekta report.” 

 

The boy tilts his head to the side, his face showing amusement. He then removes his right earphone and plugs it into Sunoo’s right ear himself.

 

“Sana ‘di ka maarte. Ang kapal mo naman kung ganoon. Malinis ‘yan,” ani nito. 

 

Sunoo’s eyes widen in happiness, nodding his head like a puppy while smiling brightly at the boy. 

 

Ang kanilang mga mata ay nakapokus sa isa’t isa at sabay na rumehistro sa kanilang pandinig ang musika na nanggagaling sa aparatong pantainga. 

 

♪♫~

Been a minute

Since we’ve been here

I’d be wrong to say that I don’t need you now

I need a friend

Oh, it’s nice to spend time with you

 

Sunoo smiles even more, albeit not recognizing the song. His system is twirling out of joy for hearing music and at the same time, meeting a nice stranger. 

 

Tumikhim ang lalaki bago iniwas ang tingin sa mukha ni Sunoo at ibinalik ang mata sa bintana. 

 

“Anong title nito, ‘ya?” tanong ni Sunoo.

 

Binuksan ng lalaki ang cellphone. “Break the Rules.” 

 

“Ng?”

 

“Ruen Brothers.” Tumango si Sunoo rito, mentally noting the title and the singer. The song sounds nice.

 

“Ano pang kanta mo d’yan, ‘ya?” Gusto na sana niya manahimik kaso kusang bumubuka ang kanyang bibig.

 

“Lima lang kanta ko rito,” tugon nito.

 

“Huh? Lima?” gulat niyang sabi.

 

Tumango ang lalaki. “Tama lang sa byahe. Hindi ako nagamit masyado ng cellphone, lalo pa ang makinig sa music.”

 

Sunoo wants to gasp loudly, feeling slightly offended by what he heard. But he quickly realizes that people can actually live without being on their phones 24/7, and not everyone is chronically online like him.

 

“Gano’n?” saad na lamang niya. “Eh games? Meron ka?” 

 

Natawa ang lalaki kaya kumunot ang noo ni Sunoo. “Para kang pamangkin ko.”

 

Sunoo blushes when he understands what the other one means. “Parang nagtatanong lang!”

 

Humalakhak pa lalo ang lalaki at tinapal ang kamay sa mukha para pigilan ang sarili. “Oo, meron. Hiram ka?” pang-aasar nito habang tumatawa.

 

“Grabe ka naman, ‘ya!” pabirong galit na sabi ni Sunoo. “Pero, oo. Pahiram.” Parehas silang humagalpak. Hindi batid ang pares ng mga mata galing sa katabing upuan na nakatingin na sa kanila.

 

Nanginginig sa tawang binuksan ng lalaki ang cellphone sabay pindot sa isang offline game na application at iaabot sana kay Sunoo nang may marealize. 

 

“Oops, oops. Kala mo nauuto mo na ako? Ako hahawak,” sabi nito at siya nga ang humawak sa cellphone, minuwestra lamang kay Sunoo ang screen.

 

“Yatap! Ayon na ‘yun, eh. Takbo na sana ako.” At sabay silang natawa.

 

Nang kumalma ay agad ding nakuha ng laro ang atensyon ni Sunoo. Hawak hawak ng katabi ang device at siya naman ay nagpipindot gamit ang hintuturo.

 

Labas sa kamalayaan ni Sunoo na ilang minuto s’yang pinagmamasdan ng nakahalumbabang katabi, siko ay nakapatong sa bintana, habang aliw na aliw siya sa laro kung saan nagbabagsakan ang iba’t ibang klase ng prutas at nagiging isa ang mga magkaparehas. 

 

“Kamukha mo,” turo nito gamit ang hinlalaki sa melokoton na prutas. “Parehas kayong pink.” Kinunot lang ni Sunoo ang noo, hindi matukoy ang ibig sabihin nito at ayaw iliban ang atensyon mula sa laro. 

 

Sinakop pa niya ang kamay ng lalaki gamit ang sariling mga kamay para i-steady ang pagkakahawak sa cellphone at saka nagpatuloy sa pagpindot gamit ang hinlalaki.

 

Their hands on each other provide warmth to their skin, fighting the freezing AC inside the bus. The hands of Sunoo enveloping the stranger’s hand are seemingly a comforter, a hoodie, or a cup of hot coffee to ease low body heat in cold weather.

 

The stranger lets Sunoo hold his hand and turns his gaze outside. Kung may daluyong ng bagong pakiramdam ang umuusbong sa kani-kaniyang sikmura, ang kanilang sarili at ang Diyos na lamang ang nakakaalam noon.

 

♪♫~ 

Estranghero ka naman saking paningin

Bihirang mapansin ngunit sa pag tagal biglang nag bago ihip ng hangin

 

The sound flowing along the wire of their shared earphones masks the unknowingly louder-than-usual thumping of their hearts.

 

♪♫~

Ligtas ba ako sa paraiso mong mga mata

At ang bungisngis mong nakakatawa na walang katulad

Gagawa ba ng paraan oh titigilan na ang para-paraan?

 

At mukhang tama nga ang sabi ng iba, na mabilis ang oras kapag masaya ka. Hindi napapansin ang ikot ng orasan, o miski ang unti-unting pagpapalit ng pasahero, o ang pagbakante ng mga upuan at pagupo ng kaninang mga nakatayo. 

 

Hindi alam ng estranghero kung gusto niya bang huminto ang bus, o di kaya’y umiba ng ruta upang humaba pa ang byahe. O mas gusto niya nang makauwi para sa wakas ay makapagpahinga matapos ang nakakapagod na araw sa klase.

 

Robinson.

 

Tanaw ang malaki at pulang logo nito. Bago pa sabihin sa katabi na malapit na siyang bumaba ay naunahan na siya nito. Nabatid nang kumalas ang mainit na palad na kanina lamang ay nagbigay ng init sa kanyang kamay. 

 

At ang kapares ng earphones ay naibalik na sa kanyang kaliwang tainga.

 

“Robinson!” sigaw ng kundoktor.

 

Napalingon siya sa kaninang katabi na ngayon ay nakatayo na, sukbit ang bag habang naglalakad papunta sa pintuan ng bus.

 

Nakatingin lamang siya sa likod ni Sunoo at nang tuluyan itong makababa ay nilingon niya ang bintana kung saan nakitang nakatayo ito, malaki ang ngiti at kumakaway sa kanya.

 

♪♫~

Kapag ika'y nakangiti, ako'y bigla na lang, hindi mapakali

O dapat bang itago ang mga paruparong binigay mo sa'kin?

 

Sinuklian niya rin ito ng ngiti hanggang sa mabaling ang tingin sa suut-suot na ID; doon niya napagtanto na hindi pala nila nabalik ang ID ng isa’t isa.

 

Bago pa n’ya maipagpaalam kay Sunoo ay lumiko na ang bus at nawala na ito sa kanyang paningin.



Kim Sunoo

11B - Arts and Design 

 

Basa niya sa nakasulat sa ID at sa taas ng pangalan ang litrato nito, malapad ang ngiti habang ang mga mata’y nagtatago.

 

Imbis na pagkabahala, ang bumalot sa sistema ng estranghero ay pagkatuwa. 

 

Dahil ba may kasiguraduhan na maibabalik ang ID niya,

 

O sa kadahilanang may rason para muli silang magkita?

 

Pagkauwi ng lalaki sa kanilang bahay ay sunud-sunod ang tunog ng notification nang buksan niya ang Wi-Fi.

 

Sa ordinaryong araw ay pinapatay na niya agad ang cellphone para bumawi ng tulog dahil maaga lagi ang gising niya. Ngunit mayroon sa kanya ang bumubulong na buksan at galawin ito.

 

Sa dagsa ng notipikasyon ay isa lamang ang umagaw sa kanyang pansin.

 

Kim Sunoo wants to send you a message.

 

Kim Sunoo

 

hello, ‘ya

ikaw po ba yung sa bus kanina? ಥ⁠‿⁠ಥ

nasa akin ID mo nakalimutan ko pagpalitin sorry na huhU

sinearch k kac park jongseong sa fb tas ito unang acc na lumabas

may isa rin tau mutual from decelis ey lopit

pero nde k pa rin sure if ikaw to kasi walang dp..

reply pls if ikaw nga !! if hindi hunting-in ko na lng tong c park jongseong sa building nila sa monday mwahahahahahH 😈