Actions

Work Header

Jail Booth

Summary:

It's org fair week! Marami na namang paandar ang mga org isa na roon ang jail booth ng Crim Org. pero bakit sa dami ng pwedeng damputin si Junhui pa na napadaan lang?

Notes:

hello!!! finally hehe may mailalapag din ako rito hehe na1miss ko rito, na-miss ko gumawa ng fic hays kamusta? kaya pa ba? pahinga ha kapag pagod na sa buhay!!! kaya iyan!! I believe in you and I’m so proud of you for surviving :))

anyway, nandirito me para ilapag itong fic hehe prelims szn kaya wish me luck kahxhwjf since ilalapag ko lang ito sure maraming typo so babalikan ko na ilang ito to make changes and clean my typos heheh

now, enjoy^^

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

"Daan tayo sa main, now daw open booth ng department." yaya ni Soonyoung sa tropahan after ng madugong quiz sa Anaphy. Literal na katatapos lang ng quiz dahil halos walang umiimik sa tropahan dahil sa quiz na iyan. 

 

 

 

Pangalawang quiz na nila ito ngayong araw kaya tingin naman ni Junhui okay na rin na sumama siya kung dadaan sila sa main.

 

 

 

 

 

"Sige lang pero kain muna tayo." ani Junhui habang nagliligpit. Tinapik niya na rin si Dokyeom na mukhang paiyak na.

 

 

 

 

 

"Lika na Kyeom, anyari ba sayo?" tanong ni Soonyoung na suot na ang bag. 

 

 

 

 

 

"Pota... mali pagkakaintindi ko sa number 25-30, late ko na na-reliaze kung kailan nakasagot na ako." sambit nito bago ingudngud ang ulo sa lamesa.

 

 

 

 

 

Napabuntong hininga rin si Junhui kasi same... same sila ni Dokyeom na mali ang pagkakaintindi sa number 25-30. 2 points each pa naman iyan. Kung allowed lang ang erasure easy 10 points na kasi ayun pa naman ang pinakamadali.

 

 

 

 

 

"Tara na, libre na lang kita ng dumplings na favourite mo." pagkasabi ni Junhui ay agad na umangat ang ulo ni Dokyeom para magligpit ng gamit.

 

 

 

 

 

Sa weekend ko na lang ito iiyakan tutal may quiz pa naman kami bukas.

 

 

 

Habang kumakain sila, walang umiimik, tila dama sa lamesa nila ang pagod. Walang specific week para sa hell week kasi literal na every linggo halos mamutla na sila sa dami ng gawain at quiz per course. 

 

 

 

Kahit dasal yata hindi na makukuha ang mababang score na nakukuha ni Junhui lalo na sa majors dahil ginagawa niya itong sacrificial lambs kapag hindi na talaga kaya ng oras.

 

 

 

 

 

“Mamaya kapag nakadaan na tayo sa main, alis na rin me ka agad.”

 

 

 

 

 

Napalingon naman agad ang dalawa sa kaniya.

 

 

 

 

 

“Bakit? Hindi mo na kami mahal kaya uuwi ka na?”

 

 

 

 

 

“Ang pagmamahal ko sa inyo ay parang pananabik ko na kumandong sa inyong dalawa n’ung quiz. May kikitain pa kasi ako kaya aalis na ako ka agad.”

 

 

 

 

 

Pagpapaliwanag ni Junhui na parang hindi naman pinaniniwalaan ng dalawa.

 

 

 

 

 

“Weh? Uuwi ka lang nang maaga para umiyak e. Oh ito.” sambit ni Dokyeom sabay open arms. “Sa amin ka na umiyak, sige na, dali na.” aniya bago niya hablutin ang ulo ni Junhui na nabigla.

 

 

 

 

 

Natawa naman si Junhui nang sumama si Soonyoung. Naipit ang bungo niya kaya marahan niyang inalis ang pagkakayakap ng dalawa.

 

 

 

 

 

“Papatayin niyo yata ako e.” sambit niya habang inaayos ang uniform na nagusot dahil sa kaharutan nila.

 

 

 

 

 

“Oo na, sige na, sagot ko na takoyaki mo.” ani Soonyoung sabay tayo. Malawak ang ngiti ni Junhui dahil dito. Samantalang, sinusubuan naman siya ni Dokyeom ng nilibre sa kaniyang dumplings.

 

 

 

 

 

Swerte talaga siya sa dalawang ito. Iniisip niya pa lang kung hindi niya natabig si Soonyoung noong general assembly n’ung freshman sila dahilan para matapunan si Dokyeom ng chocolate milk, e walang ganitong tropahan na mabubuo.

 

 

 

 

 

“Gusto niyo lang ako na huwag umalis ka agad e.” bulong ni Junhui habang nginunguya ang takoyaki na ibinili sa kaniya ni Soonyoung.

 

 

 

 

 

Narinig naman ito ng dalawa dahilan para ma-activate ang pagiging linta nila kay Junhui.

 

 

 

 

 

“Buti naman nakiramdam ka na.” matamis na sambit ni Dokyeom.

 

 

 

 

 

“Bebe time naman tayo oh.” panggatong naman ni Soonyoung.

 

 

 

 

 

Natawa tuloy si Junhui sa dalawa. “Sasama pa rin naman ako sa inyo ha.”

 

 

 

 

 

“Uuwi ka naman ka agad.”

 

 

 

 

 

“Hindi ha, mag-stay pa ako kasama niyo hehe pero saglit lang.”

 

 

 

 

 

“Oh tamo!” angal ni Dokyeom.

 

 

 

 

 

“May kikitain kasi ako e.”

 

 

 

 

 

“Uunahin mo pa iyan kesa sa amin?!” singhal ni Soonyoung sabay layo kay Junhui.

 

 

 

 

 

Natahimik si Junhui ilang saglit bago ngimuti. “Uhm… oo hehe.”

 

 

 

 

 

Napasapo naman ang dalawa sa kanilang noo. Wala na silang ibang choice kundi pumayag. Okay naman si Junhui, sumasama naman talaga siya at nag-i-stay kasama nila nang matagal pero kapag ganitong may lakad pa siya talagang hindi mo siya mapipilit na mag-stay nang matagal.

 

 

 

:)

 

 

 

“Wow! Daming booth ha, saan booth ng department?” tuwang sabi ni Dokyeom.

 

 

 

 

 

“Sa may bandang entrance daw ng hall sabi ni Shua kanina n’ung nag-chat siya sa GC.” turo ni Soonyoung sa isang pink booth malapit sa may entrance.

 

 

 

 

 

Pinuntahan nila iyon at d’un nakigulo. Mga sampu rin yata ang open na booth ng mga org ngayon. Last day na rin kasi kaya maraming paandar ngayon, parang nate-tempt tuloy si Junhui na mag-stay kahit 30 minutes.

 

 

 

 

 

Ilang minuto rin ang nagtanggal sa pagtambay nila sa booth. Halos marami rin ang tumitingin dito kasi ang cool at unique ng games na inihanda ng org, kahit si Junhui ay nag-try maglaro dahilan para malimutan na niya ang dalawa niyang tropa.

 

 

 

 

 

Matapos siya maglaro roon lang siya nagpaalam na aalis na. Halos gulpihin muna siya n’ung dalawa dahil pumunta lang daw siya sa booth para i-entertain ang sarili niya. Natawa naman ito kasi totoo naman, nalimutan niya ang dalawa sa sobrang libang niya.

 

 

 

 

 

“Sige na, mula ngayon pinapalaya na kita.”

 

 

 

 

 

“Ok—“

 

 

 

 

 

“Mula ngayon malaya ka na~” napakunot naman ng noo si Junhui dahil bigla ba naman nag-duet ang dalawa matapos niyang magpaalam.

 

 

 

 

 

“Bwisit! Ingat kayo sa pag-uwi ha.” natawa naman ang dalawa na siyang hinayaan na siyang umalis.

 

 

 

 

 

Habang paalis ay nagtitipa ito sa kaniyang telepono para sabihan ang kaniyang kikitain nang biglang—

 

 

 

 

 

“Halika sumama ka sa amin.” 

 

 

 

 

 

Napamura sa gulat si Junhui nang biglang may sumulpot na crim student sa kaniyang magkabilang gilid at dinampot siya.

 

 

 

 

 

Pota, jail booth!

 

 

 

 

 

“Hala! Bakit? Magbabayad na lang ako, kuya.” pagmamakaawa nito habang bitbit siya sa jail booth. “May kikitain pa kasi ako e.”

 

 

 

 

 

“Magkano ba bayad para makalabas ako?”

 

 

 

 

 

“10 pesos pero hindi ka pwedeng magbayad sa sarili mong piyansa.”

 

 

 

 

 

“Sino pwede?”

 

 

 

 

 

“Edi kung sino ka-chat mo riyan kanina n’ung hinuli ka namin.”

 

 

 

 

 

Napa-“luh” naman si Junhui kasi jusko naman oh. Hinayaan niya na lang muna ang sarili niya sa jail booth habang hinihintay niya sina Dokyeom at Soonyoung na puntahan siya rito.

 

 

 

Pinapunta niya na rin iyong kausap niya sa cellphone para makalayas na rin siya rito just in case bawal ang mga kaibigan niya na dumampot sa kaniya.

 

 

 

Tanaw ng dalawa si Junhui na nakasandal sa improvised na rehas dahilan para humalaklak sila papalapit dito. Kumunot naman ang noo ni Junhui na naging nakakaawa kasi sagabal ito! Na-jail booth pa nga.

 

 

 

 

 

“Mga kuya, sila na magbabayad ng piyansa ko.” napatingin naman ang isang member ng org sa dalawa.

 

 

 

 

 

“May sinalihan ba kayong org?”

 

 

 

 

 

Sabay na tumungo ang dalawa.

 

 

 

 

 

“Hindi pwedeng org member ang magpiyansa. Nasa rules iyan.” aniya sabay turo sa gilid ng preso kung saan nanduroon ang mga listahan ng sinong pwedeng hulihin at paano sila makakalaya.

 

 

 

 

 

Napasapo naman si Junhui sa noo na siyang ikinasapo rin ng dalawa.

 

 

 

 

 

“Cancel mo na date mo, baks.” pang-aasar ni Soonyoung.

 

 

 

 

 

“Tangek naman kasi e. Hindi pwede iyon ‘no, isa pa pin—“

 

 

 

 

 

“Boss, magkano piyansa niyang naka-white?” turo ng lalaki kay Junhui.

 

 

 

 

 

“10 pesos.” mabilis na inabutan ng lalaki ang member na iyon kaya mabilis naman din niyang pinalaya si Junhui. Nanonood lang ang dalawa sa nangyayari.

 

 

 

 

 

Lumapit si Junhui sa lalaking ito at lumingon sa dalawa.

 

 

 

 

 

“Guys, manliligaw ko, siya rin ang kikitain ko ngayon.”

 

 

 

 

 

Napanganga ang dalawa kasi potek! Seryoso ba?! Wonwoo Jeon ang manliligaw niya? Ang very own top 1 n’ung SHS sila at ang kaniya ultimate crush since grade 11.

 

 

 

 

 

“Long time no see!” kaway ni Wonwoo sa dalawa na tulala pa rin.

 

 

 

 

 

Natawa tuloy si Junhui kasi mukhang nabulaga niya yata ang dalawa.

 

 

 

 

 

Matagal na rin kasi nilang gusto makilala ang palaging kinikita ni Junhui kapag early dismissal. Ayaw naman ito ipakilala ni Junhui baka ma-jinx daw kaya pinatagal niya na muna.

 

 

 

 

 

“Kailan pa?” mahinang bulong ni Soonyoung habang nakatitig sa kanila.

 

 

 

 

 

“N’ung nilagawan ko siya? Eksaktong 3 months ago.” masayang banggit ni Wonwoo. Nanghina naman ang tuhod ng dalawa na parang nalugi ang negosyo.

 

 

 

 

 

3 months ago pa iyan o kahit 1 year wala talagang clue ang dalawa na may ganitong ganap si Junhui. Alam naman na nila ito, kilala na nila iyan na magsasabi lang ng lovelife kapag umabot na ng buwan. Malaking mapaniwalain kasi ito sa bati kaya gets nila.

 

 

 

Hinahayaan na lang din nila at hindi sila nakikiusosyo kasi alam nilang isu-surprise sila malala ni Junhui. Katulad ngayon, huling kita nila kay Wonwoo gradation noong SHS tapos malalaman nila manliligaw na siya ni Junhui.

 

 

 

 

 

“Paano?” bulong naman ni Dokyeom.

 

 

 

 

 

“Patay na patay siya sa akin.” hahabulin na sana ni Dokyeom si Junhui ng sabunot buti hinatak siya pabalik ni Soonyoung.

 

 

 

 

 

Napaka-oa talaga ng dalawang ito.

 

 

 

 

 

“Grabe ka na! May utang ka pang kwento!” sigaw ni Dokyeom habang hinahatak siya ni Soonyoung paalis. “Ingat!”

 

 

 

 

 

Napakamot na lang tuloy sa ulo si Wonwoo dahilan para yayain na siya ni Junhui na umalis. 

Notes:

thank you for reading! don’t forget to leave a kudos :))