Chapter Text
”gusto mo bang dumaan sa jollibee bago kita iuwi sainyo?” bungad ni mark pagkaupo pa lang ni haechan sa front seat ng mirage niya.
“uh, no na. uwi na ako,” sambit ni haechan habang nakayuko at pinaglalaruan ang daliri niya.
mark smiled, one that would never give creases in his cheeks. kumbaga, isang linya lamang.
“i see…” at natahimik silang dalawa. dahil dito ay nagsimula nang magmaneho si mark.
kung ano ang kinaingay ng utak nila ay siyang kinatahimik ng loob ng sasakyan. tanging ang aircon lamang ang naririnig at ang mahinang tunog ng pagtatama ng rosary at “safe roads” pendant (na bigay ni haechan) na nakasabit sa rear view mirror ni mark.
mahinang umubo si haechan at binasag ang katahimikan.
“nabasa mo ba text ko kagabi?” mahinang sabi nito, tila ba ay pinapakiramdaman ang hangin na bumabalot sakanilang dalawa.
“mhm” ungot ni mark at lumingon sa gawi ni haechan.
“keep your eyes on the road,” paalala ni haechan.
“asan ang love na kasunod?” mark asked, chuckling a bit, but still followed the younger.
tumingin din si haechan sa harap. agad na napansin nito ang tinatahak ni mark na daan—hindi ito yung madalas nilang dinadaanan.
ito yung mahabang daan sakanila na laging iniiwasan ni mark dahil gusto niyang makapagpahinga agad si haechan pagkahatid niya rito.
“sorry…” ani haechan. alam na alam niya na coping mechanism ng nakatatanda ang mga sinasabi nito. at naiintindihan niya ito.
ikaw ba naman kasi ang magbigay ng lahat sa kaibigan mo at umasang may patutunguhan kayo… talagang naiintindihan ni haechan ang posisyon ni mark. at kahit ganito ang kahihinatnan nila ay kayang-kaya sabihin ni haechan ang mga dahilan kung bakit nararapat na masuklian ni haechan ang nararamdaman ni mark.
ganoon kasarap magmahal si mark lee. hinding-hindi mo malilimutan.
una, personal alarm clock.
“sakit ulo ko…” sambit ni haechan habang nakadapa sa kama ni mark.
“tulog ka muna, poof.” ani mark at hinaplos ang buhok ng nakababata.
“ayaw, magpapameet daw sina jeno sa reporting… wait ko na lang, miff.” sabi nito at marahan pang umiling.
“si poof ang kulit, gisingin na lang kita. at wag mo nga ako matawag-tawag na miff… ginawa mo naman akong rabbit.” sabi ni mark habang hinahaplos ang buhok ni haechan na parang hinehele ito sa pagtulog.
”ikaw poof tawag mo kasi nakita mo lang stuffed toy ko na si mr. poofy. edi ikaw si miff…” hindi narinig ni mark ang kasunod kaya naman ay lumapit pa siya kay haechan at yumuko.
”mhm?” mahinang anas ni mark, takot na baka masira ang antok nito.
“miffy, favorite mo sabi ni tita.” at tuluyan nang nakaidlip ang nakababata at hindi na napansin ang maliit na ngiting sumilay sa labi ni mark.
“sleep well, poof.” sambit nito at pinindot pa ang ilong ni haechan.
ikalawa, personal reminder.
“kakainis,” mahinang bulong ni haechan habang nakatingin sa screen niya. ilang minuto na itong nasa loading at parang walang usad.
hindi niya alam bakit naiinis siya. sa normal na araw ay kaya niya itong tiisin, pero for some reason ay naiinis siya ngayon sa hindi malamang dahilan.
bago pa sumigaw si haechan sa inis ay may naramdaman siyang malamig na lumapat sa kaliwang pisngi.
”strawberry ice cream, poof.” tila ba nawala ang inis ni haechan nang lingunin niya si mark na nakangiti at kinuha agad ang ice cream sa kamay nito.
“kainis, how did you know…” mahinang anas ni haechan nang nakakunot ang noo habang binubuksan ang matigas na plastic.
”ako na,” sabay agaw ulit ni mark at binuksan ito ng walang kahirap-kahirap. dahil doon ay nakasimangot na kinuha ni haechan ang ice cream.
”wag na simangot.” sambit ni mark at mahinang pinisil ang pisngi nito.
“wala na inis ko…” sabi ni haechan habang kumakain ng ice cream.
napailing na lamang si mark. halata naman kasing naiinitan ang binata, dagdag pa nito ang kagustuhan ni haechan ng ice cream. paano nalaman ni mark? naka-on notifs yata sa mga social media accounts ng isa.
ikatlo, haechan over anything, maliban na lang daw sa band practice ni mark, talaga ba?
“ayaw ko na, lele.” sambit ni haechan pagkatapos ng isang maliit na kagat sa burger.
“ayan, order ka kasi nang order. kanino mo ngayon bibigay ‘yan? sayang naman kung itatapon.” sambit ni lele habang kumakain ng fries.
“kay miff!” suhestyon niya.
“ha? nasa oval sila, hindi ba? nagppractice.”
”hala! oo nga, naka-dnd pa naman siya…” malungkot na sabi ni haechan.
“favorite niya rin ‘tong buger, le. what if dalhin natin?” tanong ni haechan.
”ayaw ko ‘no! ang sungit at seryoso na nila pag simula na sa practice, mamaya na rin yung performance kaya panigurado mga galit mukha.” nanahimik si haechan at sumang-ayon sa sinabi ni lele.
pero kahit ganoon, nagmessage siya kay mark upang magbigay ng good luck.
miffy
hi, good luck later! nonood kami ni lele, pero nandito kami sa tables pa kasi kakatapos lang namin kumain.
may burger din ako dito pero di ko naubos huhu bigay ko sana sa’yo kaso busy ka pala.
hindi mo rin mababasa since on dnd ka nga pero sinabi ko lang hehe baka save ko later for you if di ako magutom ulit!
good luck, miff!!!!
makalipas ang ilang minuto ay aalis na sana sina haechan nang may tumawag sakaniya.
si mark. pinagpapawisan at hawak pa ang gitara.
”oh, ano meron?” tanong ni lele sakanila.
”hi, poof. where’s my food?” tanong ni mark at ngumiti.
natawa naman si haechan at inabot ang burger, “good luck later, okay?”
sumaludo naman si mark at pinindot ang ilong ni haechan.
”sige na, sige na! mauuna na kami ni haechan.” sambit ni lele at hinahatak na si haechan.
ngumiti si haechan at kumaway, hindi nakaiwas sa paningin ang kwintas na nakasabit sa leeg ng nakatatanda. ito ay ang kwintas na may customized guitar pick na niregalo niya kay mark noong kakapasok niya pa lamang sa banda.
“good luck charm,” sambit pa niya noon.
napailing na lang ito at nagpaalam na. malaking ngiti ang isinukli ni mark.
“thank you sa burger!”
ikaapat, kachismisan (kaaway ko ay kaaway niya rin).
”rinig ba ako, poof?” sambit ni mark sa call.
naka-discord sila ngayon. nasa plano na nila ito na pagsapit ng 10 ay pupunta na sila sa kanilang server at magpapatugtog ng kung ano-ano habang nagkekwentuhan, nag-aaral, o kung naglalaro man si mark.
pero ngayon, inis muna ni haechan ang uunahin niya.
“pabigat siya! sabi niya busy siya kasi sk kagawad siya, naglalakad daw sila ng papel ganito ganyan…” panimula nito.
”edi sana hindi na siya nagfile una pa lang kung hindi niya kaya mag-manage ng time!” pagsusumbong ni haechan.
“oo nga, sino ba ‘yan? abangan natin sa kanto.” sabi ni mark kaya lalong nainis si haechan.
“kasi naman, parang crazy kausap!” sabi ni haechan.
dahil sa inasta ng nakababata, mas natuwa si mark. ngunit kaakibat ng kaniyang tuwa ay inis ng isa.
”bahala ka, i will drop the call…” pagsambit ni haechan.
“wait, joke lang! i was just trying to make you laugh,” pag-amo agad ni mark.
”it’s not funny kasi…”
“oo nga, hindi na, sorry.” sambit ni mark at nagpapa-cute pa sa camera.
”fine! as i was saying…” mark let haechan ramble throughout the night habang siya ay nakatitig lang sa nakababata, paminsan-minsan ay nagcocomment kung gusto ng isa.
”kaya ayun! isa pa, i’ll remove him sa paper namin. nakakainis talaga siya, miff. kala mo siya lang busy.” sabi pa nito.
“oo nga, huwag ka magalala, hindi natin sila bati.” sambit ni mark at tumango-tango pa.
ikalima, tagalagay ng kanta sa karaoke.
“ano na, haech? ambag naman ng numero dyan, puro ka kanta!” sabi ni jaemin at natawa naman sina jeno.
“ha?” tila ba ay nahiya si haechan at ibababa na sana ang mic nang hawakan ni mark ang kamay na nakahawak dito.
“hindi naman ako kumakanta at naglalagay naman ako ng mga numero kaya hayaan mo siya. papansin ka, jaem.” sabi ni mark at lumingon kay haechan, hindi pinapansin ang nanunuksong tingin ng mga kaibigan.
“kanta mo na oh,” sabay nguso ni mark sa harap—kung nasaan ang tv at nakadisplay ang next song.
“hala! mine! omg miff nilagay mo favorite ko…” sambit ni haechan at tumayo.
this is his jam!
nakangiting umiling si mark at naglabas ng cellphone. agad niyang binuksan ang camera at nilipat sa video dahil paniguradong ilalagay ito ni haechan sa story niya.
“poof,” tawag ni mark, nakangiti at kumakaway upang makuha ang atensyon ni haechan na galaw nang galaw sa harap nila habang kumakanta.
napansin ito ni haechan at lumingon sakaniya—sa cellphone. ngumiti ito ng matamis at kinanta ang susunod na linya.
“but i’m in so deep, you know i’m such a fool for you,” kanta nito at tinuturo-turo pa ang camera.
“you got me wrapped around your finger,” pagpatuloy nito at nagpapa-cute pa sa camera ni mark.
si mark naman ay hindi pinapahalata ang namumulang mga pisngi at tenga sa likod ng camera.
haechan is just being haechan—and that’s what mark finds endearing. he’s just everything that mark is not. he’s a ray of sunshine to his friends. a pillar to lean on.
he’s doing everything so effortlessly. most of all, he is his own being.
natigil ang pagiisip niya noong tinabihan siyang muli ni haechan at inaasar siyang sabog dahil tapos na ang kanta ngunit naka-video pa ito.
yari si mark. at this point, mukhang hindi niya na kayang pigilan ang nararamdaman.
lalo lamang lumakas ang tibok ng puso niya noong nakita niya ang palitan ng tingin nina jaemin at jeno na parang alam niya kung ano ang pinaguusapan nila.
damn. gustong-gusto nga niya talaga si haechan… matagal na.
do you have to make it linger?
ikaanim, assurance.
“may tanong ako,” sabi ni mark habang kumakain ng dynamite sa tabi ni haechan.
“shoot,” tanging sambit ni haechan na ninanamnam pa ang cheesestick na hawak.
kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan ni mark dahil may dalawang oras na break si haechan bago ang next class.
“sa tingin mo…” napatigil saglit si mark at pinunasan ang gilid ng labi ni haechan na may sauce pa ng ketchup mayo.
“wait, rephrase ko,” dito na napatingin si haechan sakaniya.
“may nafefeel ka bang… something… sa’tin?” mabagal na tanong ni mark at nilagay ang plastic cup sa plastic.
shit, ang pangit ng pagkaka-deliver!
napakunot naman ang noo ni haechan sa narinig, “what do you mean?”
huminga ng malalim si mark. ito na ‘yun.
”diretsuhin na kita, poof…” panimula nito. tanging tango lang ang naisagot ng isa.
“paano kung isa sa atin magka-feelings?” tanong ni mark.
“like… sa isa’t isa?” maingat na tanong ni haechan na sinang-ayunan ng nakatatanda.
”hindi ko alam,” sinserong sagot ni haechan.
“really?” tanong ng nakatatanda.
“oo, kasi… hindi ko naman naiisip. ganito na talaga tayo dati pa, tapos alam natin ang baho ng isa’t isa. kilala ko ex mo, kilala mo mga naka-fling ko. kaya parang hindi naman pumasok sa isip ko.” sunod-sunod na sabi nito.
kahit ayaw ipahalata ni mark na nalungkot siya ay pilit niyang dinaan sa ngiti. ngunit, dahil nga si haechan ‘to, si haechan na kilalang-kilala siya kaya kahit isang lukot sa mukha nito ay kabisado na niya.
“you… like me?” mahinang anas ni haechan.
wala nang nagawa si mark kundi tumango.
“matagal na.” sambit nito.
at parang nabuhusan ng malamig na tubig si haechan sa narinig niya.
“parang nakita ko na lang sarili ko na lagi kang hinahanap. yung onting arte mo lang ay parang kailangan kitang pagtuunan ng pansin. gustong-gusto kong inaalagaan ka.”
“necessary talaga yung arte?” haechan said, eyes rolling in the process. tumawa naman silang dalawa at nang mahimasmasan ay katahimikan ang namayani sakanila.
sanay naman kasi si haechan na may nagkakagusto sakaniya ngunit iba kapag kaibigan mo na ito. kaya mas matagal siyang nag-isip.
parang hindi niya yata kayang mawala si mark sa buhay niya pero…
“alam mo namang ayaw ko sa commitment, hindi ba?” tanong nito.
“takot ako, mark.” dagdag pa niya at yumuko, ang tingin ay nasa cheesesticks. dahil dito ay hinarap na ni mark ang katawan niya kay haechan.
”hey, poof.” sambit ni mark at hinawakan ang baba ni haechan upang tignan siyang muli.
“i am not pressuring you, okay? inaamin ko lang kasi ayaw kong itago sa’yo ‘to.” sambit ni mark at inangat ang hintuturo upang pindutin ang ilong ni haechan.
“ayaw kong mawala kung anong meron sa’tin, miff.” pag-amin ni haechan.
“pero hindi ko alam kung kaya kong suklian nararamdaman mo…” dagdag pa nito.
ngumiti si mark. masaya siya at hindi pinipilitin ni haechan ang sarili, ngunit may halong lungkot dahil kahit papaano ay umasa siya… na baka may chance… na baka…
“okay lang bang subukan, haechan? wala namang magbabago.” tanong ni mark.
“tsaka pwede kang magsabi sa’kin kung ayaw mo na o kung hindi ka mapalagay. sagot kita, poof.” sambit niya, tinatansya kung ano ang sasabihin ng isa.
ilang segundo na nang nakasagot si haechan.
“hindi ako nagcocommit, ha? sorry, miff.” sambit nito at mahinang tinapik ang kamay ni mark
“areglado, poof.” sambit ni mark at ngumiti. dahil dito ay napatawa na lang si haechan.
mark has one goal: he’s gonna make haechan happy.
“8th street kayo ‘no?” sambit ni mark na para bang hindi niya halos araw-araw hatid sundo si haechan.
“yes, sa may red gate.” maikling sabi ni haechan at tumingin kay mark. napansin nito na humigpit ang hawak ni mark sa manibela kaya naman ay iniwas na muli nito ang tingin sa nakatatanda.
ikapito, maalaga sa pet niyang si mocakes!
isang buwan na ang nakalilipas magmula noong umamin si mark pero hindi nawala kay haechan ang guilt.
guilt dahil feeling niya nagiging paasa siya kahit klaro naman sakanilang dalawa na wala pang balak si haechan magcommit.
kaya ngayong nandito siya sa condo ni mark at nakatingin sa naghaharutang si mark at mocakes (aso niyang aspin) ay para bang naninikip dibdib niya.
“mocakes, jump!” utos ni mark. nang magawa ng alaga ay wagas kung makatalon ito sa tuwa. ito raw kasi ang isa sa mga unang trick na natutunan ni mocakes.
lalo lang sumakit ang dibdib niya sa nakita.
”ayan, para sa’yo ‘yan lahat.” sambit ni mark at nilahad ang kamay na may mga treats.
kung titignan ng iba ay mukha sigurong tanga si haechan ngayon. nakaupo lamang ito sa sofa at nakatingin sa dalawa—ang utak? ayun, lumilipad sa kawalan.
natigil siya sa sa pagiisip nang may dumila sakaniyang kamay. mocakes.
”yes?” sambit ni haechan habang hinahaplos ang tuktok ng ulo ni mocakes.
“come here, mocakes.” utos ni mark na agad na sinunod ng aso.
”good boy,” puri nito nang makalapit sa kaniya. nginitian niya ang alaga pagkatapos ay humarap kay haechan at matamis na ngumiti.
hindi alam ni haechan kung ano ang nararamdaman niya.
naninikip dibdib niya, nararamdaman niyang nangingilid ang luha niya. parang… hindi niya pala kaya.
hindi na nakatagal si haechan sa condo ni mark sapagkat nagpaalam na ito makalipas ang ilang minutong pagpipigil.
pagkauwing-pagkauwi ay umiyak siya sa kaniyang kama, hindi niya rin alam bakit. basta ang alam niya lang ay naffrustrate siya sa lagay nila ni mark ngayon.
ang sakit sa dibdib.
kaya nama’y nagtext siya kinabukasan kay mark pagkatapos mahimasmasan.
”last na sundo na muna ‘to, mark.”
“tigil na tayo.”
ikawalo…
hininto ni mark ang sasakyan nang makita ang pamilyar na pulang gate nina haechan.
“dito na,” mahinang sambit ni mark na para bang labag sa kaniyang loob.
“mark…” miff.
“hmm?” mahinang anas ni mark.
“i’m sorry.” at dito na nagpakawala ng luha si haechan. agad naman siyang inalo ni mark.
“ayaw kitang mawala… pero hindi mo deserve yung ganito.” dagdag nito at lalong umiyak nang hatakin siya ni mark para sa isang mainit na yakap.
”i know. it’s not your fault, i get it.” sabi ni mark habang hinahagod ang likod ng isa.
“i know the consequences, wala kang kasalanan. don’t feel guilty. i’ll be okay.” sunod-sunod pa na sabi ng nakatatanda.
“i’m really really sorry, mark.” mahinang bulong pa nito sa dibdib ng isa.
“poof.” pagkuha ni mark ng atensyon ng isa na tanging hmm lang ang naisagot.
”did i make you happy?”
tumango naman si haechan, ”so much.”
napangiti si mark sa sagot ng nakababata.
goal accomplished.
“salamat kasi sinubukan mo.” panimula nito
”hindi mo pinagkait sa’kin yung tyansa.” sambit niya at maingat na hinawakan ang kanang pisngi ni haechan.
”kaya walang magiging ‘what if’ na babagabag sa’kin.” dagdag niya habang maingat na pinunasan ang luha ni haechan gamit ang hinlalaki.
”you’re very admirable, poof.” huling sabi nito at gaya ng palagi niyang ginagawa, ginamit ang kaliwang hintuturo upang pindutin ang ilong ng nakababata.
”pasensya ka na, mark… hindi pala kita kayang mahalin sa paraang gusto mo.” sambit ni haechan at kumawala sa hawak ng isa.
tumango lang si mark at sinserong ngumiti.
“ayos lang… yung sa ticket pala sa gig next week, wag mo na pilitin sarili mo, hm?” dagdag nito.
may gig nga pala sila sa cubao at binigyan siya nito ng ticket para makanood.
sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni haechan at maingat na binuksan ang pintuan sa kotse ni mark.
”see you around, miff.” sambit ni haechan at sinara ang pintuan ng sasakyan ni mark.
isang malaking buntong hininga ang kumawala sa nakatatanda. masaya siya at hindi nagsinungaling si haechan sakaniya. at mas lalo siyang natuwa sa sarili niya dahil hindi siya nagpakita ng kahinaan dito.
pero masakit din pala, ‘no? kumawala na ang luhang pinipigilan ni mark, pero kahit ganoon ay nakangiti pa rin siyang nakatingin sa gate na pinasukan ni haechan. akala niya kasi ayun na, na kahit papaano ay natanggap na ni haechan ang nararamdaman nito sakaniya.
humanda na siguro ang gig nila next week at puro masasakit ang tutugtugin nila.
bonus:
napatingin bigla si haechan sa kalendaryo. apat na araw na ang nakalilipas at bukas na pala ang gig ng nakatatanda. agad siyang tumayo at pumunta sa cabinet.
makahanap nga ng susuotin.
