Chapter Text
Naih was a certified wingman back in her city.
Hello? Sa dami ng couples na napaamin niya, natatawa na lang siya tuwing naaalala niya ang mga kaganapan. Pero kasi, 99% yata ng scenario, nadadawit lang talaga ang pangalan niya.
Nagiging takbuhan na nga, napagseselosan pa.
Ang ending, tamang kamot ulo siya kasi nabansagan pa siyang "wingman" kahit in reality, casualty talaga siya. Biktima ng kapalaran ba.
Pero ayun nga.
Wingman nga siya.
At bitbit niya ang titulo at kapalaran niyang yan pa-Korea.
*
Naih is a CARAT.
But before she became a fan of SEVENTEEN, 10 years na ang nakalipas nang magsimula siya maging KPOP fan. At sa loob ng isang dekada, ilang barko na ang naglayag at nasubukan niyang sakyan. Karamihan doon ay sa totoo lang, ship niya pa rin hanggang ngayon. Bakit? Sino ba nagsabing lumubog na Daragon?
Di na bago kay Naih ang pagship. Mas marami pa siyang idol x idol na delulus kesa sa y/n momints. Ika nga niya sa isang tweet habang nakikipagbardugalan sa stantwt, "Ew? Duh? Sinong tanga ishiship sarili niya sa bias niya? Ano 'ko, hibang?"
At dahil lumaki siya sa barko ng Daragon na di mamatay-matay, isipin niyo na lang kung gaano kahigpit hawak niya sa barko ng MinWon.
Complete yan siya ng MW merch.
- Keychain? Check.
- Banner? Check.
- Luggage Cover? Check.
- Standee? Check na check.
Pag tinanong mo yan ng AU recommendation, ikaw na lang magpapasensya. Halos nasa isang libong MinWon AUs na yata nabasa niya at hanggang ngayon eh may susulpot pa ring completed AU kahit na sa loob loob niya, nahalughog na niya ang buong Twitter at AO3.
Sa sobrang pagkahibang niya sa dalawa, talagang pinilit niyang makita ang dalawa sa bansa nila. Saktong sakto at trip din ng kaibigan niya mamasyal habang comeback season. Kaya lumipad agad sila pagkaapprove ng kanilang travel visa.
*
May dalang swerte si Naih sa mga role-roleta. (Although hindi ganun kalupit yung swerte niya manalo sa lotto. Believe her, she tried.)
Kaya hindi na nagtaka ang dalawang magkaibigan nung sinwerte sila sa offline fansign kahit pa first time nila mag-apply.
Yun nga lang, hindi siya ready.
Ni isang banner nor any MW merch, walang bitbit si Naih sa venue. Walang mamahaling camera or kung ano pa man. Ang bitbit niya lang talaga eh yung mga travel essentials niya, ballpen at maliit na notepad, isang locket at isang polaroid.
Alam mo yung mamamatay ka na sa nyerbos tapos dagdagan mo pa ng kabobohan, edi diretso tayo niyan ng himlayan? Ganon! Gusto na lang niya iuntog sarili niya kasi ganoon ba siya kawala sa sarili buong araw para di niya mapansin na maling bag yung nabitbit niya?
Pero wala na siyang magagawa eh. Andito na siya. Kailangan na tanggapin ang masakit na katotohanan.
Ilang minuto pa tumunganga si Naih. Medyo tumagal pa kasi sa dami nang daldal ni Hoshi bago yung turn niya mismo. Nung oras na niya, tuwang tuwa na kinakabahan si Naih lumapit sa mga members.
*
Naih is an extrovert.
She likes talking with people. She likes being around the people. She likes people in general.
And an exact opposite of Wonwoo, if you ask him.
Nonetheless, they click.
Afterall, she is a combination of Mingyu and Seokmin; a yapper and a sunshine.
"Wonu, hi?" Alanganing bati ni Naih sa sobrang pagpapalpitate. Girl! Mamamatay na talaga ata ako sa kaba. Kung alam niya lang sana hindi na siya umorder ng double shot espresso kaninang umaga para lang magising.
Ngumiti si Wonwoo at bumati pabalik. "Hello....?"
"Naih. Please call me Naih," pakilala niya habang inaayos yung pwesto para makausap niya nang maayos si Wonwoo.
Wonwoo hummed softly. "Hello, Naih. How are you?"
"I'm fine! Thank you for asking." Pagkatapos, nagkwentuhan lang nang mabilis sa hobbies nils.
Few seconds later, "Uhm..." she trailed, "If it's not too much, is it okay if I ask for fan service?"
Tumingin si Wonwoo sa kanya. "Sure!"
At dahil wala siyang baon na kung anomang romantic banat, ibang banat ang sumagi sa isip niya. Ngumiti siya nang nakakaloko at humarap ulit kay Wonwoo.
"Wonwoo, can you say 'Sana ako na lang po'... 'Mingyu'?"
"Mingyu, sana akow na leng po."
Obviously, Wonwoo should have asked her first what it meant. Or maybe she should have told him first before she asked for it. Pero kasi bakit ora-orada nagsalita si Wonwoo?!
Naih is a veteran shipper.
And today, Naih is a MinWon shipper.
Hindi na kinaya ni Ate mo ang emosyon niya after marinig yung boses na malalim na may halong lambing ni Wonwo. Nakakahiya man pero bigla na lang siya talaga tumawa nang malakas.
Wonwoo looked at her with so much confusion and worry that he spoke something inappropriate. Nung makahinga siya sa kakatawa, humarap siya kay Wonwoo at nagbigay ng ngiting maganda na akala mo walang kasalanan.
"It meant 'Mingyu, I hope you choose me or I hope it's me' something like that in Filipino and in a cute way," banggit ni Naih habang kinukuha yung locket na nakasabit sa wallet niya. Wala siyang bitbit na pwedeng ibigay as gift pero hindi naman pwedeng umalis lang siya nang wala siya naiiwan na memorya niya sa favorite idol niya.
After niyang makuha yung locket, tumingin ulit siya kay Wonwoo para iabot at magpaalam na nang napanganga siya sa bumulaga sa kanya.
Wonwoo...
Wonwoo is fucking beet red...
Sa pag-alala, wala sa sariling dinampi ni Naih ang likuran ng palad niya sa noo matapos ay sa pisngi ni Wonwoo.
"Wonwoo, are you sick?!" She whispered, para hindi sila agaw atensyon.
Inikot ni Wonwoo ang paningin niya out of nowhere at parehas pa silang nagulat nung hinawakan ni Wonwoo yung kamay ni Naih na nakadampi pa rin pala sa pisngi niya at hinawi ang pwesto nila patagilid na para bang may iniwasan sa may kaliwang side ng room.
Nanlalaki na mata ni Naih sa gulat at kaba kasi di pa rin sinasagot ni Wonwoo tanong niya kung may sakit ba siya o wala. "Wonwoo, you have to tell—"
"No, I'm not sick. I just got flustered," Wonwoo whispered.
Kunot noo namang bumulong pabalik ang feeling close na si Naih, "Then, why were you so fucking red? I almost got heart attack for getting so worried?!"
Humigpit ang hawak ni Wonwoo sa kanya. "I told you I was flustered! Why would let me say something like that anyway?"
Nakalimutan na ni Naih ang kanyang kaba nung naalala niya bigla kalokohan niya matapos mabanggit ulit. She let out a soft giggle. "What's wrong? I ship you two. It's just a fan service. Don't worry about it! No harm." Umayos ng tayo si Naih at nilapag yung locket sa harap ni Wonwoo when the staff near them signaled that it was time to move.
"Anyways, it was nice talking with you for the first time Wonwoo. It seems like we had such a fun time so remember my existence! I'll give you this locket too. Please know that this locket holds a lifetime memory of people I like so it's pretty special."
Habang naghihintay si Naih nang bati pabalik galing kay Wonwoo, yung isa naman eh dinampot muna yung locket at binuksan. Natawa ulit si Naih dahil ang cute ng pagsalubong ng kilay ni Wonwoo habang pinipirmahan ang album niya.
"I got flustered because I like what you taught me," mahinang sambit ni Wonwoo habang inaabot yung album sa kanya. "I wrote my number right there. Teach me more."
Kung totoo ngang walang sakit si Wonwoo sa araw na iyon, pwes siya hihimtayin na.
At hindi siya sure kung dahil ba sa nakuha niya number ni Wonwoo o dahil ba sa wala sa hulog na umamin si Wonwoo sa kanya.
Either way, hindi niya napigilan ang bibig niya nung makita yung mapang asar na ngisi ng lalaki.
"Wonu, what the fuck?!"
At kung meron mang nakakatitig nang madiin sa kanila ngayon, hindi na nila kailangan malaman na manager ni Wonwoo ang isa doon. At mas lalo ang seryosong mukha ni Mingyu.
*
