Actions

Work Header

feels like home (to me)

Summary:

Donghyuck can really say that his days have become better with Mark. At ganun din si Mark sa kanya.

Notes:

who would've thought na magpopost ulit ako ng fic dito HAHAHAHA

this is just a random fic that I wrote around 2:30 PM ngayon dahil sinabi ko sa sarili ko na what if gawan ko sila ng anything on the last day of the year? and here it is! hahahahahahaha, i hope you enjoy this one and sorry na agad sa errors and all hahahaha

anyway, I hope your 2025 will be filled with warmth and gentleness! :) sana payapa ang puso niyo.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Mark and Donghyuck don’t expect that they will end up this way.

 

They have been roommates since February. Nauna si Donghyuck na tumira doon ng ilang buwan, at napagdesisyunan niyang humanap ng makakasama para na rin may kahati siya sa mga expenses sa condo unit. Nung una, hirap siyang makahanap dahil ang mga kaibigan niya ay may mga sari-sariling tinitirhan na, at pangalawa ay hindi gaano ka-accessible sa mga mall and supermarket. 

 

Thankfully, Mark is willing to be his roommate.

 

Mark is his longtime friend in their province. Magkababata ang dalawa at halos sabay na rin lumaki. They have been classmates since elementary, ngunit agad din silang nagkahiwalay dahil lumipat papuntang Manila si Donghyuck para mag-aral ng kolehiyo.

 

They don’t stop messaging each other throughout their college days though. May mga pagkakataon na nagrarant si Donghyuck kay Mark tungkol sa mga nangyayari sa araw niya, at ganun din naman ang nakatatanda sa kanya. The younger could say that Mark is his best friend– his confidant for life.

 

However, as they finally graduated, nawala na gaano ang communication sa pagitan nila. They have become busy with their lives. Si Donghyuck ay nagtatrabaho sa isang BPO company, samantalang si Mark ay nanatili pa rin sa kanilang probinsiya para doon magtrabaho. Kahit pa may mga araw na magkukumustahan sila, ay ilang minuto rin agad matatapos dahil minsan ay nakakatulugan ng isa sa kanila ang isa dahil na rin sa pagod. 

 

Hindi naman maipagkakaila ni Donghyuck na namimiss niya si Mark. Syempre, halos araw araw niya rin itong kausap dati, at isa pa ay siya na lang din talaga ang nagtatagal sa kanya sa kabila ng marami niyang kaibigan noong bata siya. 

 

Until one day, nagtanong si Mark kay Donghyuck kung may kakilala ba siya na may paupahan. The older told him that he got a better opportunity in Manila and he is really desperate to look for an apartment near his workplace. 

 

Donghyuck cautiously asked Mark the exact location of his new work, and it so happened that it is near his area.

 

Donghyuck

I am looking for a roommate, Mark

Sakto, malapit lang din sa tinitirhan ko yung bago mong trabaho

Perhaps… Do you want to live here?

 

Mark

Oh shit

Seryoso ka ba, Donghyuck? Kasi I swear papatulan ko ‘yan

 

Donghyuck

Mukha ba akong nagbibiro? HAHAHAHA

Patulan mo na, maghahati naman tayo sa expenses

Kahit ako rin, pwede mong patulan

 

Mark

HAHAHAHAHAHA

Napakahilig mo magbiro

Pero pwede rin naman, ano? Payag ka :p

 

Donghyuck

Patola bwiset

 

 

Right after their conversation, Mark instantly packed his things and moved to Donghyuck’s place. Mabuti na lang din ay hindi gaano karami ang mga bitbitin ng nakatatanda at hindi rin ma-traffic papunta sa tinitirhan ni Donghyuck. It has become easy as well since he knows that the younger is right there to help him.

 

As he arrives at the younger’s condo unit, Mark thinks that he will be welcomed by the awkward and unfamiliar atmosphere, but he is immediately greeted by Donghyuck’s warm embrace. Natatawang niyakap niya ang kababata dahil ngayon niya lang ulit ito nakita ng malapitan.

 

Magmula kasi nang tumira si Donghyuck sa Manila ay bilang na lang din sa daliri ang pagbiyahe nito sa probinsya nila. Napagdesisyunan na rin ng pamilya ng nakababata na dito na lang sila manirahan at ibinigay na lang ang kanilang bahay sa mga kamag-anak nilang nandoon. 

 

Kapag tuwing pupunta rin si Donghyuck doon ay siya namang hindi rin nagkakatagpo ang landas nila ni Mark dahil may mga pagkakataon ay bumabyahe naman ito papunta sa iba pa nilang kamag-anak na nasa ibang probinsya. 

 

As Mark settled into Donghyuck’s comfort, he realized that he hadn't seen him for years, yet his presence was still familiar to him. 

 

He’s still the Donghyuck he had known since then. He is the same Donghyuck that has this certain glow that gives him immense joy.

 

“Grabe ka! After 5 years ngayon lang tayo nagkita ulit!” Higpit na yakap sa kanya ni Donghyuck. Mark chuckles as a response dahil siya mismo ay hindi rin makapaniwala. 

 

Ipinwesto niya ang kanyang mga braso sa bewang nito at niyakap din si Donghyuck. “Paano ba ‘yan? Eh ‘di araw araw mo na ako makikita niyan.”

 

“Talaga!” Lumayo saglit si Donghyuck sa kanya at ngumiti ng malawak. “Welcome home, Mark.”

 

“Welcome home indeed, Donghyuck.”

 

 

 

 

 

Living with Mark has become easier and brighter for Donghyuck. Kung dati ay tanging tv lang ang maingay sa kanyang living room, ngayon ay meron ng Mark na nakikisabay sa ingay habang sila ay nanunuod. 

 

Kung dati ay pang-isahan lang ang kanyang niluluto at tahimik niya lang kinakain ito, ngayon naman ay pang dalawahan na ang pagkain at meron na rin siyang kadaldalan habang nasa hapagkainan. 

 

Kung dati ay pagkatapos ng trabaho ay deretso tulog siya sa kanyang kwarto, ngayon naman ay naglalaan pa siya ng kaonting oras para kay Mark tuwing kinukumusta siya nito kung anong ganap ang nangyari sa araw niyang 'yon. 

 

It is also a good thing that Mark is organized and can do household chores. There are times that the older will voluntarily do their laundry as he knows that Donghyuck is too tired for it. May mga pagkakataon din na si Mark din ang namimili sa grocery at pinapaalalahanan ang nakababata sa kanilang mga expenses.

 

Donghyuck can really say that his days have become better with Mark. At ganun din si Mark sa kanya. 

 

 

 

 

 

Today is the last day of the year and they decided to just celebrate New Year’s Eve together. Sinabihan sila ng pamilya nila na mas mabuting huwag na sila umuwi at sila na lang ang papasyal sa unit nila kinabukasan. Of course, Mark and Donghyuck are okay with it, lalo na’t ayaw na rin nila bumyahe dahil sa dami ng tao.

 

Napag-usapan na lang din nila na maglagay ng simpleng decorations at magluto ng mga paborito nilang pagkain. Naghanda sila ng carbonara na laging kinakantyaw ni Mark kay Donghyuck, samantalang si Mark naman ay nagluto ng steak para kay Donghyuck.

 

There may be only two of them, but their own little space is filled with happiness and gratitude. 

 

Nang matapos sila sa pagluluto, ay napagpasiyahan na rin nilang kumain. They sat across the table and smiled at each other. Itinaas ni Mark ang kanyang hawak na baso. “Cheers, Donghyuck.”

 

“Cheers.” Donghyuck replies. Nagngitan muli ang dalawa at nagsimula na ring kumain. 

 

Kahit na gaano kaingay ang nasa labas, ay hindi iyon napapansin ng dalawa dahil masyado silang nakafocus sa kanilang mga pinag-uusapan. Puno ng tawanan at asaran ang maririnig sa bawat sulok ng lugar nila na maya maya ay nauuwi palagi sa ngitian. 

 

If Donghyuck is being honest, those little moments with Mark are already enough for him. Sa simpleng “tulungan na kita.”, “may masakit ba sa’yo? bilhan na ba kita ng gamot?”, “gusto mo manuod ngayon? free ka ba?”, o “thank you, Donghyuck!”  ay pakiramdam niya na sasabog ang puso niya.  

 

Those moments make him want to be more grateful for a lot of things. Dahil na rin kay Mark. 

 

“Mark…” Panimula ni Donghyuck. Natigil sa paglilinis ng lamesa ang nakatatanda at lumingon sa kanya. “Thank you.”

 

“Ha? Bakit ka nagtha-thank you diyan?”

 

“Bawal ba?” Natawa si Mark sa narinig at nakitang umirap pa ito. “Gusto ko mag-thank you eh.”

 

Donghyuck earns a heartwarming, little smile from the older. Nakita niya pa rin ito kahit na may pagka madilim ang kanilang ilaw sa kusina. Nangiti na lang din siya habang pinapanuod si Mark na bumalik sa pagpupunas ng kanilang lamesa. 

 

“Alam mo… hindi mo naman kailangan magpasalamat sa akin. Dapat nga ako ang mag thank you sa’yo.”

 

“Oh, bakit?”

 

Naglakad patungong lababo si Mark para hindi na sana sagutin ang nakababata dahil sa hiya ngunit sumunod din ito sa kanya. Humagikgik na lang ito nang maramdaman niyang nakanguso na si Donghyuck at halos magkasalubong na ang mga kilay. “Mark! Ayaw sabihin oh! Bakit ka kasi magtha-thank you sa akin?”

 

Mark swiftly turns around and he sees how Donghyuck widens his eyes because of their close proximity. Masyadong malapit ang kanilang mga katawan kaya napahawak na lang si Donghyuck sa balikat ni Mark habang si Mark ay kumapit sa bewang nito. 

 

“Donghyuck…”

 

“B-bakit?”

 

“Thank you.” 

 

The younger hums and straightly looks at him. For Donghyuck, Mark’s eyes are too captivating and too deep. Masyado itong malalim na sa tingin niya ay handa siyang malunod at maligaw dito. 

 

“Bakit ka nga kasi nagpapasalamat?” Donghyuck lowly chuckles to ease their atmosphere. Sinabayan siya ni Mark at malambing na hinawi ang buhok na nakaharang sa mata niya. 

 

“Salamat dahil hinayaan mo ako.”

 

Those words meant a lot for Donghyuck. It may be simple and too broad for some,  but it is too meaningful for him. 

 

Nagpapasalamat sa kanya si Mark dahil hinayaan niya ito sa maraming bagay. 

 

Hinayaan niya si Mark na maging malungkot kasama siya. Hinayaan niya si Mark na maging masaya sa iba’t ibang dahilan habang katabi siya. Hinayaan niya si Mark na maging bukas sa kung ano man ang darating sa kanya habang hawak ang mga kamay niya.

 

At higit sa lahat, hinayaan niya si Mark na mahalin siya ng malumanay at walang kapalit. 

 

“Nakakainis ka naman.” Bulong ni Donghyuck habang unti unti lumalabas ang mga luha sa mata niya. Agad naman ito pinunasan ng nakakatanda at hinalikan ang talukap nito.

 

“Bakit naman ako nakakainis? Eh nagpapasalamat nga ako sa’yo.” 

 

“Papaiyak ka pa kasi!”

 

Mark heartily laughs and caresses the younger’s back gently. “Good tears naman ‘yan, diba?”

 

“Oo.” Donghyuck sniffs. “Thank you rin sobra, Mark.”

 

“Bakit ka na naman nagpapasalamat?”

 

“Salamat dahil nandyan ka.”

 

With a heartfelt sigh, Mark smiles. “Basta ikaw, Donghyuck.”



As long as Donghyuck allows him to do all things that he wants to do with him, he promises that he will never leave and will always stay on his side. 

 

And that is already enough for Mark. 

Notes:

if you have reached this part, thank you!!! :')

 

twitter
zaqa